Chapter 16
LOEXIE
HAPON na pero hindi pa din bumabalik si Cideon. Baka may nangyari na dun?
"Tita, hindi na yata pupunta si Tito." Sabi ni Iko
Nagkibit balikat lang ako bago lagyan ng lipstick ang labi ko. Wala kaming pasok, sarado ang bar. Nag text si Manager kanina, birthday niya daw kaya kakain kami sa labas
"Tara na?" Aya ni Iko na nagsusuot na ng sapatos
Isasama ko siya, ayoko namang ako lang ang lumalamon ng masarap habang siya ay nandito lang. Nasabi kona kay manager na isasama ko siya at payag na payag naman ito
"Yung pinag usapan natin ah?" Tumango ito. "Subukan mo lang talagang gumawa ng kalokohan, ililigaw kita."
Nakangusong tumango ang ito. Hinawakan ko siya sa kamay bago kami lumabas, dumiretso kami sa paradahan ng tricycle at sumakay doon
Nagpahatid kami sa bar dahil doon ang aming meet up. Nang makarating sa bar ay agad kaming bumaba, nagbayad ako sa driver bago kami lumapit kila Manager na mukhang kami na lang ni Iko ang hinihintay
"Kumpleto na tayo!" Sabi ni Manager na hyper na hyper. "Lezzgo!"
Nauna itong sumakay sa van, sumunod na lang kami. Katabi ko si Iko at Uvexiu, napapagitnaan ako ng dalawa
Tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa makarating kami sa isang restaurant na mukhang mamahalin
"Taray Ni Madam, pang rich ang badget." Sabi ni Uvexiu sabay hampas sa manager namin
"Sponsor ng jowabells kong kano." Malantod na sagot ng bakla
"Tita, ang laki ng ilaw oh!" Malakas na sabi ni Iko sabay turo sa malaking ilaw. "Mahal siguro yan."
"Wag kang turo ng turo," Tinapik ko ang kamay niya. "Baka isipin nila mahirap tayo."
"Totoo naman eh," Hirit nito
"Alam ko, kaya wag mong ipahalata!" Mahina ko siyang binatukan
Naupo kami upuan na pina-reserve ni Manager, kasama ko sa table si Uvexiu, Iko at Aqua. Si Aqua ay ang bartender namin na limited edition ang salita
May pagkain ng nakahain at mukhang masasarao at mamahalin talaga
"Tita, hindi ko maabot yung pagkain ko." Sabi ni Iko na hanggang noo lang ang nakikita kapag nakaupo
Chanak kasi
"Sandali," Akmang kukuhanin ko siya para ikandong pero naunahan ako ni Aqua
"Ako na," Sabi nito at tipid na ngumiti
Pinagdikit niya ang pagkain nila ni Iko, sabay na kumain ang dalawa. Ngumiti lang ako kay Aqua bago magsimulang kumain na din
"Loexie, mahal ito oh," Pinakita sa akin ni Uvexiu ang panghiwa ng steak. "Uwi mo."
"Gaga!" Singhal ko dito
Parehas na lang kaming natawa
"Tita, hilaw pa yung karne." Sabi ni Iko na niluluwa yung steak sa plato niya. "Hindi masarap."
Napahampas na lang ako sa noo ko, nakakahiya kay Aqua. Salahula talaga ang batang ito
"Ito na lang kainin mo," Inusog ni Aqua ang niluwang steak ni Iko sa gilid ng plato nito at nilagyan ng chicken at kanin yung plato ng bata
"Thank you Kuya." Nakangiting bati sabi ng bata at kumain ulit
Nadako ang tingin ko sa pinto ng restaurant, nakita ko si Cideon na papasok, may kasama itong magandang babae at parehas silang may magandang ngiti sa labi
Bigla akong nawalan ng gana, ibinaba ko ang kutsara ko at sinundan sila ng tingin. Umupo ito sa katapat naming table kaya mas lalong kitang kita ko ang saya niya habang kausap ang babaeng kasama niya
Hindi sila magkahawig kaya siguradong hindi niya kapatid yung babae, hindi niya rin pinsan yan dahil ang ngiting binibigay niya sa babae ay mas higit kaysa sa ngiting ibinibigay niya sa akin
"Tito Cideon yun ah," Napatingin ako kay Iko. "Puntahan ko siya."
"Wag!" Sinamaan ko siya ng tingin
Parang tutang napaayos naman ito ng upo. Dumako ang tingin ko kay Cideon, sakto rin itong lumingon sa gawi ko. Kitang kita ko kung paano siya magulat at matakot
Nginitian ko lang siya ng tipid bago bumaling sa pagkain ko.
"Tara," Napatingala ako ng may humawak sa kamay ko. Si Uvexiu. "Interviewhin natin ang taxi driver mo."
Bago pa ako maka-hindi ay agad na ako nitong hinila patayo, dinala niya ako palapit sa table nila Cideon
"Hi," Nakangiting bati sa kanila ni Uvexiu. "Cideon, pakilala mo naman sa amin ang kasama mo. Ikaw ah."
Tumingin ako kay Cideon, seryoso lang ang mukha nito at walang kibo. Hindi ito makatingin sa akin na parang may malaki siyang kasalanan
"Hi girl," Kumaway si Uvexiu sa babaeng kasama ni Cideon. "Ako si Uvexiu."
"Hi," Ngumiti ang babae at bumaling ang tingin sa akin. "Hi din sa iyo."
Ang ganda niya, ang sexy, ang kinis at mala anghel ang boses
"Hi po," Naglahad ako ng kamay. "Loexie po."
"I'm Red.." Tinanggap nito ang kamay ko. "Cideon's wife."
Kusang nanlambot ang mga tuhod ko, pakiramdam ko babagsak ako anumang oras buti na lamang ay nakahawak ako kay Uvexiu
Cideon's wife
Tangina! Hindi ko alam pero naiiyak ako, ang sakit sakit din ng dibdib ko na animo'y may kung sinong sumasaksak
Napalingon ako kay Cideon, nakatingin ito sa akin ng seryoso pero ang mga mata niya ay nagsusumamo
May asawa siya...At ginawa niya akong kerida
"Ah.." Tumikhim ako. "B-Balik na kami sa table namin."
Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagtulo ng mga luha ko. Tangina!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro