Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Practice

Stacey's POV:

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa bilihan ng damit, for formal occasion.

Habang naglalakad hindi ko maiwasang hindi ngumiti.
Matagal ko nang crush si Vince,at hindi ko akalain na liligawan niya ko nun.

All though alam ko na galing siya sa heartbreak that time.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.Don ko lang din napansin na nakatigil kami sa pinto ng Entrance.

While looking at the girl who was wearing a black dress.It's not just like a black dress.Meron yung parang choker sa leeg,at paheart sa bandang dibdib.Mahaba yung tela sa likod at hanggang tuhod naman sa harap.

It's Lucy,Nakatingin din siya samin.Or should I say nagtitinginan sila ni Vince.

Medyo sumikip ang dibdib ko.

Ayokong husgahan ang nararamdaman sakin ni Vince.Pero hindi ko maiwasan, lalo na at nararamdaman kong mahal niya pa rin si Lucy.

Don ko lang din napansin na may kasama siya.Kung hindi ako nagkakamali mga kaklase niya ito.Maliban don sa babaeng maikli ang buhok.

"Let's go to another store,masyadong maraming tao dito" Sabi ni Vince habang nauunang lumakad.

I smiled bitterly.

Walter's POV:

"Ano ba yan ang panget ng ring umaandar.Sira na ata yan!!!" Inis na sabi ni Travis.Umaandar na kasi yung ring dahil tapos na siya sa basic.Bano.

Tinawanan lang siya nila Harburt na naglalaro din.Mga isip bata.

Nandito kami ngayon sa Timezone.Dahil nag-akit ang batang aning na si Travis.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng makita ko na suot ni Lucy kanina yung dress na napili ko.She look so perfect.

"Anong nginingiti ngiti mo dyan?" Jake.Mabilis ko namang inayos ang itsura ko.

"Nothing,ansaya lang panoodin ni Travis habang naglalaro"
I lied.

"Wag ako Caberos!dahil kanina pa kita tinitingnan" Shit!nakita niya bang nakatingin ako kay Lucy?

"May gusto ka kay Lucy no?"

Mabilis ang naging pag-iling ko sa kanya.

No...

Hindi pwede.

Travis's POV:

Nakakainis tinigilan ko na yung pagsshoot ng bola.Bakit kasi umaandar?Nung simula naman hindi.

Pero kahit ganun masaya akong nakapaglaro.Hindi pa kasi ako nakakapunta dito.Dahil gustuhin ko man pumunta,wala din akong kasama.

"Nag-enjoy ka ba?batang aning?"
Si Lucy.

Anong aning?

"Ano yung aning?" Tanong ko sa kanya. Pero bago niya ko sagutin napangiti pa siya.

"C-cute hehe"

Cute?Edi cute daw ako?hahahaha.Sabi ko na e.

Tumakbo ako papunta don sa kasama ni Lucy.Si Kross ata.

Ay Loss pala....

Pagkapunta ko sa kanya ay nginitian ko siya ng malaki.
"Oy aning tara na daw"
Akit ko sa kanya.

"Huwatttt?!"

"Oy aning tara na daw" Pag-uulit ko.

Aning nga siya pero bingi naman.

"Did you know what that's word mean?" Naiinis na sabi niya.

Oo cute,ahhh....baka nahihiya lang siya na tinawag ko siyang cute.

"Oonaman, Cute!" Proud na sabi ko pa.

"And who the hell told you that?"

"Si Lucy!At tyaka....bakit mo siya tinawag na hell?"

"Mababaliw ako sayo!heh!"

Yieeee kinilig naman ako don...

Lucy's POV:

Nakatingin kaming apat sa ginagawa ng dalawa. Halatang hindi makapaniwala si Ross sa mga pinagsasabi ni Travis.
Hahaha,ano kayang kalokohan sinabi nun?

"You really look stupid" Bulong ni Harburto.

"Edi wag ngumiti!" Inis na sabi ko.

Lahat nalang ata napapansin nitong ungas na to.Tumigil na kami ng makita naming papalapit na si Ross kasunod si Travis.

Agad na lumapit sakin si Ross.
"Cute ha!" Mahinang bulong niya.

Hahaha naniwala talaga ang lokong Travis.

Sabay sabay na kaming lumabas bibit ang tatlong nabili namin.Pagpipilian pa daw ni Ross kung anong isusuot ko.
Pero bago kami lumabas sumigaw muna si Travis.

"Aalis na ang mga aning!!!" Nagmamalaking sabi niya.

Hahaha aning talaga.

Agad siyang nakatanggap ng batok sa tatlo.Awww.

Harburt's POV:

Hindi ko maiwasang hindi ngumiti,nakasama ko nanaman siya.She's really beautiful, inside and out.

Kumain muna kami,before we decided to go home.

Nang makarating ako sa bahay ay nakita kong nanonood si Red sa sala.Hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa kwarto.

Bigla kong naalala yung December 15,2016.Yung araw na namatay yung daddy ni Lucy.

That was the day na pinagsisisihan ko buong
buhay ko.

Roilen.......

I look at my wall clock,it's already 8:30pm.Nakaramdam naman ako ng gutom kaya bumaba muna ako.

Then i saw her,kasama ni Red habang masayang nanonood
ng cartoons.

"Xiong come here,Ate flen flen is here" Red while smiling.

Tumango lang ako,sinenyasan ko naman siyang sumunod sakin.Nandito kami ngayon sa may pool.

Katahimikan ang nangibabaw samin.Pero ilang sandali lang ay nagsalita na din siya.

"Hanggang kelan?Gano katagal mo pa ito gagawin?" May halong inis na sabi niya.

Naiinis ako tuwing sinasabi niya yan.I'm not that stupid!Sadyang hindi pa ngayon.

"I changed my plan"
Gulat siyang tumingin sakin.

"What?!Again?You're really insane.Lalo mo lang iniipon yung galit niya sayo"

Naisip ko na din yan,bago ko pa baguhin ang plano.Pero wala akong magagawa.Ito yung naisip kong makakabuti samin.

Pagtapos niyang sabihin yung mga dapat niyang sabihin,ay umalis na din siya.

Pumasok naman ako sa loob,gutom na ko talaga.Sinermunan pa kasi ako nung babaeng yon.

"Xiong,where's ate flen flen?"
Si Red.

Tamo yung babaeng yun,umalis hindi manlang nag-paalam Kay Red.

"Umuwi na,natatae daw siya e"
Natatawang sabi ko.

Sinimangutan niya lang ako at bumalik sa panonood.
Pumunta naman akong kusina para humanap ng makakain.

Walter's POV:

Pagkauwi ko dumiretso agad ako sa kwarto.Grabe nakakapagod palang mag-uli ng mag-uli.

Naligo muna ako para bago bumaba at kumain.
"Kuya where did you go kanina?"

Uminom muna ako bago siya sagutin."Mall,I'm with my friends kaya hindi kita sinama"
Alam ko kasing mangungulit siya kung bakit hindi ko siya sinama.

Tumango nalang siya at kumain.

Kinabukasan

"Bakit may practice pa?"Travis.

"Dahil ipeperform ata ng bawat section yon"Jake.

Nandito kami ngayon sa gym, dahil may iaannounce daw tungkol sa acquaintance next week.

Grade eleven lang ang kasali dito.At dahil limang section lang kami.Napag-kasunduan daw na dapat may ipeperform ang bawat isang section.

Pero pare-pareho kami nang sasayawin.Hindi ito contest,Ewan ko ba sa kanila.Andaming ganap sa buhay.

Ngayon na din sasabihin kung sino ang magkakapartner.
By section ang pagpili syempre.

Nag-grupo grupo na ang bawat section dahil pipili na si Sir ng magkakapartner.

"Venson and Canales kayo ang partner" Agad namang naglapit ang dalawa.

"Jones and Bates" Si Jake kapartner si Juni-Juni hahaha.

Madami pang tinawag si Sri hanggang sa anim nalang kaming matira.

Ako,Harburt,Travis,Samson,
Kelley at Lucy.

Sana si Lucy kapartner ko.

"Travis and Kelley" Tuwang tuwa naman ang loko.Maganda si Ruth kelley,kaya ganyan nalang kaganda ang ngiti niya.

"Hatchinson and Montealegre"

Montealegre? Marcela at Samson nalang naman ang natitira sa babae.

"Ah Sir wala po kaming kaklaseng Montealegre" Sabi nung isa kong kaklase.

"Oonga po Sir,baka po sa ibang section yan"

"Anong wala,ito oh....Lucy Marcela Montealegre"

Akala ko Marcela ang last name niya.

Nagkatinginan kaming apat nila Travis,Jake at Harburt. Hindi rin siguro nila alam.

Lalapit na sana si Lucy kay Harburt ng magsalita ulit si Sir.
"Ah no,no.Samson and Hatchinson pala" Yes!

"Then Montealegre and Caberos"
Agad naman akong lumapit kay Lucy.

"Hi partner" Bulong ko kay Lucy.

"Hahaha hello,buti nalang ikaw ang partner ko.Hindi ako maiilang sumayaw" Nginitian ko naman siya bilang sagot.

"May kapartner na ba ang lahat?"
Si sir habang nakataas ang kamay.

"Yes!Sir" Sigaw naming lahat.

Agad namang nagtaas ng kamay si Travis. "Yes Sagot?" Tanong ni Sir.

"Ikaw nalang po ang walang partner Sir" Seryosong sabi ni Travis. Kala mo talaga tama yung sinabi niya e.

Nagtawanan lang kami,sinamaan naman siya ng tingin ni Sir.

"Okay before we start our practice. I would like to say na pagkauwian ay may practice pa rin tayo" Madami akong narinig sa iba .

"Hala baka gabihin tayo"

"Anlayo kaya ng house ko"

"Wah!ang creepy.Baka may multo here"

"I understand all your reactions.But our acquaintance is next week,kukulangin tayo sa oras.Kaya mag-paalam kayo sa parents niyo,bago kayo pumasok bukas.Are we clear?" Sir.

Wala naman kaming magagawa kaya sumang-ayon nalang kami.

Lucy's POV:

Gagabihin?Nakabike lang ako huhu.Meron namang mga ilaw sa dadaanan ko pero,syempre mahirap.Ako lang ang mag-isang uuwi.

Ayoko naman na magpasundo kay Ross,dahil pagod din yun pag-uwi.

Hays bahala na.

Tinuturuan na kami ngayon si Sir kung anong mga steps.Buti nalang talaga at si Walter ang kapartner ko.

Parang pabilog ang style ng formation namin.Pero lahat kami nasa loob.Gets niyo?

Nasa may bandang gitna ako ng bilog.Nasa right side naman namin si Harburto at si Samson.

Then sa left side si Travis na wagas kung makangiti.Nasa likod naman niya si Jerome.

"Bakit nga pala hindi namin alam yung last name mo?"
Si Walter,habang iniikot ako.
Pagkaharap ko sa kanya saka ako nagsalita.

"Hindi ko naman kasi sinabi nung nagpakilala ako"

"Why?"

"Tinamad ako hahaha"

I lied,ayoko lang maalala si daddy.Nalulungkot kasi ako.

"Weird" natatawang sabi niya.

"1...2!and change partner"
Malakas na sigaw ni Sir.

Change partner?Nag-uusap kasi kami ni Walter kaya hindi namin narinig.Nagkatinginan nalang kami at agad niya kong inikot.

Napalakas kaya naman....

Matutumba ko....

Napapikit nalang ako...

Naramdaman ko nalang na may nakahawak na sa bewang ko.

"Stupid,Wag kasi daldal nang daldal" Hindi ko pa naman tuluyang minumulat ang mata.

Pero kilala ko kung sino nagsabi nun.....

TENENENENEN.........

Naliliwanagan na ba kayo?o mas lalong lumabo?hahahaha kapit lang.....

-Baliw na manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro