Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Cemetery

Walter's POV:

Saturday ngayon tamang tama makakapag pahinga ako.
Agad akong tumingin sa wall clock,8:30am pa lang.

Sa totoo lang gusto kong gumala pero wala naman akong kasama.

Agad akong tumingin sa pintuan ng may kumatok.Wag naman sana yung kapatid kong magulo at maingay.

"Kuyaaaaaaa" Mahabang tawag niya sakin,Hindi ako umimik.

"Kuyaaaaaaa!!!" Nakakarindi ang boses niya aish! Tumayo nalang ako para pagbuksan siya.

Pagbukas ko dumiretso siya sa kama ko at nagtatatalon.likot
Agad ko siyang sinaway dahil baka masira pa kama ko.Umupo naman siya at tumahimik.

"Anong kailangan mo?"Walang ganang tanong ko sa kanya.

Ngiting ngiti naman siyang humarap sakin. " Pwede mo ba kong samahan?May gawa kasi mga friends ko" Naka ngusong sabi  niya.

Tsk may magagawa pa ba ako?

"Where?At ilang oras naman tayo don sa pupuntahan mo?"
Tuwang tuwa siya sa sinagot ko.

She's only 15 years old,Pero isip bata pa din lalo na kung kumilos.

"Sa mall samahan mo ko mag shopping hehe" Pumapalakpak na sabi niya pa.

Nakakainis,malamang matagal kami don.

Pagkatapos naming gumayak ay dumiretso na kami sa pinaka malapit na mall.

Dali daling lumabas ang kapatid ko pagkarating namin.

"Hey wag kang malikot,iuuwi talaga kita" Hindi niya ko pinansin at takbong takbo siyang pumunta sa bilihan ng make-up.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod,bago ako makapunta sa kanya.May nadaanan akong pet shop.
Then I saw a cat,a munchkin cat.
Ang cucute hahaha.

"Kuya iisipin ko na talagang nagddrugs ka" Kapatid kong nakahawak pa sa baba niya.

Hindi ko na siya pinansin.Sinamahan ko nalang siya kung san niya pa gustong pumunta.

Lucy's POV:

Maaga akong gumising bigla kong naalala si daddy.At dahil saturday naman ngayon pupunta kong sementeryo.

Naligo lang ako at bumaba,nakita ko naman si Ross habang nagkakape.

"Oh,may lakad ka?" Bungad niya sakin.

"Mmm,punta kong sementeryo.Sama ka?" Agad naman siyang umiling.hahaha

Duwag ito sa multo.

Nagkape lang ako at umalis na rin.Medyo may kalayuan ito sa apartment, kaya mas mabuti ng maagap.

Nag bus lang ako dahil mahal ang taxi dito.Matipid akong tao.

Pagkarating ko sa pupuntahan ko ay agad kong hinanap ang lapida ni Daddy.

Elbert Montealegre
Sept 3,1975 - Dec 15,2016

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kong bakit nagawa ni daddy sa sarili niya yon.

Wala kong makitang dahilan para magpakamatay si daddy.

Flashback:

"Ma,ano po bang nangyari?baki-" Hindi ko na natapos ang sasabin ko ng sigawan niya ko.

"Pwede ba Marcela!!!Tigil tigilan mo yang kakatanong mo.Pumunta ka sa labas at asikasuhin mo yung mga nakikiramay!Hindi yung tanong ka ng tanong!" Napayuko nalang ako nang sigawan ako ni mama.
Simula ng namatay ang daddy, naging mainitin ang kanyang ulo.

Hindi niya ko sinisigawan dati,kaya napayuko nalang ako at lumabas.Hindi para asikusahin yung mga tao.

Para pumunta kung saan walang tao.Agad akong naupo sa bench na nakita ko.Naiiyak nanaman ako,wala na talaga si daddy.
Wala na kong mapagkukuwentuhan ng nangyari sa maghapon ko.

Wala na rin siya.

Hinayaan ko lang bumagsak ang mga luhang dapat noon ko pa inilabas.Biglang may kumapit sa braso ko,bago ko lingunin.Pinunasan ko muna ang mga luha ko.

Vince.

Agad akong tumayo,at naramdaman ko nalang na niyakap na niya ako.And I let myself hug him back while crying.

End of flashback

I was so hurt just by looking at my dad's gravestone.

Hindi ko na siya mayayakap.
Ni hindi ko na din siya makakausap.

Napayuko nalang ako habang lumuluha.Daddy I miss you so much.

Kung pwede ko lang ibalik ang oras,sana hindi na ako umalis sa tabi mo.S-sana nanatili nalang akong nakayap sayo.

Oh Sana,Sana mag kasama nalang tayo.....

"Oh" Biglang may nag-abot sakin ng panyo.Agad kong pinunasan ang luha ko bago humarap sa kanya.

Harburto.

Kinuha ko nalang yung panyong inabot niya.Ayaw kong maging bastos sa harap ni daddy.

Pareho na kaming nakaupo sa isang bench doon.Pareho kaming tahimik,ang awkward kasi.Madalas kasi kaming mag-asaran kaya hindi ako sanay na pareho kaming tahimik.

"Kelan siya namatay?" Mahinang tanong niya sakin.

Nag-aalinlangan man,agad akong sumagot.

"3 years ago ,December 15,2016"
Sagot ko.

Hindi ko alam pero bahagya siyang nagulat.Baka birthday niya yon hihihi

"December 15,2016?" Tanong niya pa,kasasabi ko lang psh.

Tumango nalang ako.

"What's exact time?" Bakit ba inaalam niya pa.Imbestigador ba siya?

Inalala ko naman kung anong oras yun.Masyado akong lutang ng araw na yon.Ni hindi ko nga namalayan,Nakapunta na pala kaming hospital that fast.

"If I'm not mistaken,exactly at 11:40am" Napalunok siya,ano bang nangyayari sa taong ito?
"Bakit?" Tanong ko.

"Nothing, it's my brother's birthday" Ah akala ko siya.

Mga ilang oras pa kaming nakaupo don.Tahimik at nakatingin lang kung saan.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko.Dahil alam kong may kasama ako.Pareho man kaming hindi nagsasalita.

He's existence is enough.

"Aren't you going home?it's already 5:40pm"

Agad akong napatingin sa relo ko.Shoxxx!baka gabihin ako nito.Nakakainis hindi ko namalayan yung oras.

"Oo,medyo malayo kasi ito sa tinitirahan ko" sabi ko."Sige ha salamat sa time mo" ngiti ko sa kanya at tatakbo na sana pero...

"I'll drive you home" Aarte pa ba ako?tyaka mahirap sumakay dito kapag hapon na.Hindi  naman niya siguro ako dadalhin kung saan.

At tipid pamasahe na din hehe.

*plakkk*

Pinitik niya ko."Aray!ano ba!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"You're thinking something, aren't you?don't worry I'm not gonna rape you.May taste ako"
Agad ko siyang binatukan ,hindi naman yun ang iniisip ko bwesit.
Tawa lang ng tawa ang loko.

Sumakay na kami sa kotse niya.At pag minamalas ka nga maman,Traffic.

Bigla kong naalala kung ano bang ginagawa niya kanina sa sememteryo.May dinalaw din kaya siya?malamang.

"Bakit nga pala nasa sementeryo ka kanina?" Nalungkot naman yung mukha niya.Dapat pala hindi ko na tinanong.

"Kinamusta ko yung mga patay,kung nakakatulog ba sila nang maayos.Kung hindi ba sila don nilalamo-" Binatukan ko siya.May palungkot lungkot  pa ang bwesit.Kabaliwan lang pala ang sasabihin.

Tawa lang siya ng tawa.Manigas sana yang panga mo.

"Dinalaw ko brother ko" seryoso niyang sabi.

Yon ba yung may birthday ng araw kung kelan namatay si daddy?kaya medyo nagulat siya nung sinabi ko yung
december 15,2016?

"Siya ba yung may birthday ng december? Agad siyang umiling.

"Nawp,it's Red"

"Anong pangalan nung brother mong namatay?" Andami kong tanong.Baka bigla akong ihulog nito sa sasakyan.

"Roilen H-hatchinson" sagot niya.

Ayoko ng magtanong baka mainis sakin bigla.Wala na ding traffic kaya mabilis kaming nakarating sa apartment. Dahil hindi niya alam yung apartment ko tinuro ko nalang sa kanya yung daan.

Pagkatapat namin sa apartment kitang kita ko si Ross na nagtatapon ng basura.

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng buksan niya ito.Bumaba siya?bakit hindi ko nakita?

"Salamat,kaibigan ko nga pala si Ross"Turo ko kaya Ross. Bigla siyang ngumisi,yumuko naman si Ross.

Magkakilala ba sila?

"Hi Ross,I'm Harburt,nice to meet you" Nilahad naman ni ungas ang kanyang kamay at agad naman itong tinanggap ni Ross.

Nagkatinginan pa sila ng ilang segundo bago bumitaw.

Hmmm I smell something....

"I need to go,Red is waiting for me" Tumango nalang ako.

Bago siya sukasakay ay nakita ko pang nilingon niya si Ross.

Harburt's POV:

I lied.

Hindi naman talaga ako hinihintay ni Red.Pagkarating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto nang kapatid ko.

He's already sleeping.

Sinarado ko na din ang pinto ng kwarto niya.Pumasok na ko sa kwarto at bahagyang inihiga ang katawan ko.

Mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.She's very simple,yet beautiful.

I'm tired.Pero alam kong hindi pa ako inaantok.I was about to look at my wall clock,when my phone suddenly rang.

Mom calling.....

Inisip ko muna kung anong sasabihin nito.Dahil bukod sa sermunan ako,kinakamusta niya lang si Red.

I decided to answer the call...

[ What do you think your doing?! ]
Sigaw niya sakin.

Alam ko kung anong tinutukoy niya.Salip na sagutin bumuntong hininga nalang ako.

I'm not going to follow your fu***ng rules again!

[ I'm warning you!If you don't want to see her crying again.Just do what I've said before.]
Then she hang up the call.

Akalain mong alam niya talaga bawat galaw ko.Napapikit nalang ako sa sobrang inis.

Wala na kong balak bumalik sa Singapore, kung san ako lumaki.
Pinayagan nila akong pumunta dito sa pilipinas,basta daw sundin ko yung mga sinabi nila.

Ayaw ko pa sana,Pero ng maalala ko si Walter,my best friend.Nakaisip agad ako ng mga dapat kong gawin.Nang dapat naming gawin.

But the plan was changed when...

"Xiong,can I sleep here ?" It's Red,while yawning.

(Xiong means "Kuya" or "Older brother")

I nod at him and I let him sleep beside me.When I left singapore,I also bring Red to be with me.

Ayoko siya na don lumaki sa puder ng parents namin.

Looking at Red while sleeping.I remember Roilen my brother .He's the eldest,I hate getting flashbacks from things,I don't want to remember.

Kaya bago ko pa maalala ang nangyari,natulog na din ako katabi ni Red.

Ross's POV:

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng adik na yon dito.At talagang hinatid niya pa talaga si Lucy.Nakakainis

Nakain kami ngayon,gabi na rin umuwi si Lucy.Ayaw kong itanong bakit ang tagal niya.
Dahil obvious naman na nag-usap pa sila.

"Kanina pa nakakunot yang noo mo,ano bang nangyayari sayo?Pati pagkain mo walang bawas"
Seryosong sabi ni Lucy. Ayaw ko sana siyang sagutin,pero titig na titig siya sakin.

Isip-isip.....

"Nagtatampo ako sayo,maghapon kang wala.Hindi mo ako sinama" Ang bobo ng dahilan mo Ross!!!tanga tanga.

"Wag mo nga kong talkshitin flandez!Alam kong duwag ka sa multo.Inakit kita kanina kahit alam kong hindi ka naman sasama" Mahabang paliwanag niya.

Sasabihin ko na ba?

"Ano?!"

Talaga bang sasabihin ko na?

"Ano nga?!"

"Wah!!!!Ex ko yung bwesit na naghatid sayo kanina!!"
Kinikilabutan ako habang sinasabi yon.Iwww

"Hahahaha" tumingin siya sakin."Isa pa,hahahahaha"

Eh?Anong nakakatawa?

"Akalain mong naging boyfriend mo yung ungas na yon.Don't worry obvious ka kanina pa hahaha" Sabi niya habang tawa ng tawa.

Kanina pa?Baliw ka na Lucy.
Hindi ko akalain na yon yung nasa isip niya.

Ungas?si Harburt ungas?

Lucy's POV:

Pagkatapos naming kumain ay tawa pa din ako ng tawa.
Kanina ko pa kasi siya hinuhuli,kasi napansin ko na.Habang nagpapakilala si Harburto nakayuko lang siya.

Sabi na e,may something sila...

Akalain mong nagka girlfriend yon nang kasing ganda ni Ross.
Maputi si Ross,may katangkaran din.Maikli ang buhok niya na di aabot sa balikat,pero bumagay sa kanya.Makapal at mapula naman ang labi niya.

Minsan nga naisip ko kung may lahi siya.Maganda kasi talaga siya.

Naligo lang ako at natulog na din pagkatapos.

TENENENENEN.............

ANG SUSUNOD NA ISTORYA AY RATED SPG.Hahaha joke.
If still confused continue reading.Malalaman niyo rin ang mga kasagutan.

-Baliw na manunulat

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro