Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Finale

Someone's pov:

Naguguluhan man ay mabilis na inabot ni Lucy yung kamay na nakalahad sa kanya.

Pagkatayo niya ay hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
"Are you okay miss?" Tumango lang si Lucy at tumalikod na din yung taong tumulong sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang bumalik sa bar.
"Aperos please" Mabilis namang ginawa ng bartender yung order niya.

Nakakailang aperos na siya at ramdam niya na din ang sobrang pagkahilo.She was about to go to the bathroom when someone grabbed her waist.At dahil nahihilo na siya ay hindi niya makita kung sino ito,agad siyang hinila sa gilid kung saan walang taong makakapansin.

"You look so beautiful" Mahinang bulong ng lalaki,agad niya itong tinulak pero sadyang mas malakas ito sa kanya.

Naiiyak na din siya ng ilapit ng lalaki yung mukha niya,hinang hina na din siya dahil sa kalasingan."D-don't you dare!"
Malakas na sigaw niya,pero hindi manlang natinag ang lalaki.

Hahalikan na sana siya nito ng biglang may sumuntok dito at natumba yung lalaki.
Hindi na niya nagawang tingnan kung sino ito at tuluyan ng nawalan ng malay.

*****

Lucy's pov:

Sobrang sakit ng ulo ko,argh!
Agad kong minulat ang mata ko at nag-unat.Napabalikwas ako ng marealized ko na hindi ko kwarto ito.

Nasaan ako?!

Agad kong tiningnan ang damit ko,wah!!!!iba na ang damit na suot ko.Agad akong tumayo at naglakad palabas,dahan dahan lang ang paglakad na ginawa ko dahil baka makita ako ng kung sino ang nandito.

Tumingin muna ako sa kaliwa... Kanan...clear!!!!

Agad akong bumaba sa hagdanan,sobrang laki ng bahay na ito or should I say mansyon.
Lalabas na sana ako sa main door ng may magsalita.

"Where are you going miss?" Agad akong napalingon sa nagsalita.Isang matandang lalaki pero kita pa din sa tindigan niya na maitsura siya.

Nginitian ko lang siya at nagsalita."Aalis na p-po"

"Pinayagan ba kitang umalis?" Kinilabutan ako sa sinabi niya huhu natatakot na ako.

"Hindi ako masamang tao iha sadyang wala lang binilin sakin na paalisin ka" Ngayon ay nakangiti na siya.Woooo!

"Sino po nagsabi?" Tanong ko,pero Sinenyasan niya lang akong sumunod sa kanya.
Sobrang laki naman kasi masyado ng bahay nila,nagkikita kita pa kaya sila dito?

Lumiko lang kami sa kanan at napansin kong tumigil kami sa living room."Ano pong ginawa natin dito?"Tanong ko.

Agad akong napatingin sa living room at don ko lang napansin ang isang babae at lalaki,buhat buhat ng lalaki ang isang bata.Kung hindi ako nagkakamali mukha silang isang masayang pamilya.

Agad naman saming lumingon yung babae at nagulat ako sa nakita ko.

Stacey?!
Anong ginagawa niya dito?

Ngumiti naman siya at agad akong binati."Hi Lucy "Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kanya.

Agad namang lumingon sakin yung lalaki na mas ikinagulat ko.
Ngumiti siya sakin at inabot yung bata kay Stacey.

"B-buhay ka?"Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha.Ngumiti lang siya sakin na parang nalilito.

"Wifeee.... namatay ba ako?"
Lingon niya kay Stacey,na agad namang kumunot ang noo.

W-wife?Mag-asawa sila?

Napayuko nalang ako,masaya akong buhay siya pero hindi ko maiwasang hindi malungkot.Dahil may pamilya na pala siya,ayokong umiyak at magmukhang kawawa sa harapan nila.

"Do I know you miss?...." Tanong niya,agad ko siyang tiningnan at ngumiti. "Montealegre" Maikling sagot ko.

Gustong gusto ko siyang yakapin pero napaka imposible na,ni hindi niya nga ako kilala.Sinabi din kanina ni Stacey na yung kuya niya yung tumulong sakin at nagdala dito.

"Montealegre?you look so familiar"Naguguluhan na sabi niya,gusto ko siyang sapakin para lang maalala niya kung sino ako.Gustong gusto ko na din umiyak pero pinipigilan ko lang.

"Oh come on HON don't you dare hahaha" Natatawang sabi ni Stacey habang diniinan yung pagkakasabi sa hon.Hindi ko na kinaya at tumalikod,why do I need to feel this pain again?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapaupo at umiyak.

Buhay nga siya pero hindi na niya ako kilala at higit sa lahat may pamilya na siya.Masaya na siya,dapat maging masaya na din ako para sa kanya.Sobrang tanga ko!kung hindi ko sana ginawa sa kanya yun dati.Pero hindi niyo din naman ako masisi,dahil nasaktan ako sa ginawa niya.

Masaya na din sana kami at may pamilya na,pinunasan ko lang ang luha ko at tumayo.There's no reason to stay here,sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may maramdaman kong may yumakap sa likod ko.
"Hindi kita nalimutan,and I will never forget you my stupid baby"
Tuluyan na akong naiyak ng sabihin niya yun.

Stacey's pov:

Masaya akong makita silang dalawa,mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa.

Flashback

We're here at Roilen's house dahil may sasabihin din siya samin.Alam ko din na hindi patay si Roilen,pero totoong naaksidente siya at dinala sa singapore.

Roilen is my childhood best friend,hindi ko na din siya nakilala dahil malaki ang pinagbago niya at ang gamit niyang pangalan.

Nandito kami sa living room nila.
"Okay I want to all of you do me a favor,specially you Stacey and your baby"Nakangiti niyang sabi.

Kaya nagulat nalang kami ng dalhin niya dito si Lucy kinagabihan.Nalaman ko din na hindi yun kasama sa plano namin,pero wala na siyang nagawa nung sabihin niyang may nagtangka kay Lucy sa bar.

Sinabi din niya na sabihin ko daw kay Lucy na yung kuya ko ang nagligtas sa kanya.At magpapanggap kaming mag-asawa.Iwwww!

End of flashback

Umiiyak pa din si Lucy habang nakayakap naman si Roilen sa kanya."I'm sorry, I just want to see your reaction. If you still love me"Sabi ni Roilen habang pinupunasan yung luha ni Lucy.

"Don't cry please,Stacey is my best friend and that stupid baby  came from her stupid husband" Siraulong ito pati si Vince dinadamay,agad namang kumunot ang noo ni Lucy.

"Tsk!pati baby stupid sayo" Inis na sabi niya na ikinatawa ni Roilen.Agad naman siyang pinalo ni Lucy. Butinga sayo!

Roilen's pov:

I miss her so much shit!!!
I thought hindi ko na ulit siya makikita  nung naaksidente ako.

Flashback

I'm here at the bar,sobra akong nasasaktan dahil nasaktan ko si Lucy, mahal ko siya hindi dahil sabi ni kuya.Mahal ko siya dahil ito talaga yung nararamdaman ko.

Naalala ko tuloy yung una naming pagkikita.

"Hoy" Sabi ko sa babaeng nakatalikod.
Humarap siya sakin at Nagulat din ako,siya si Lucy ang taong mahal ng kuya ko.Mukhang hindi na ako mahihirapan dahil iisang school lang ang papasukan namin.

"Hoy ka din!" Sagot niya,napatitig naman ako sa kanya.Walang kolorete sa mukha.

"Ganyan ba ako kagandan para titigan mo?" Natawa ako ng bahagya.

"Ang kapal ng mukha mo,para ka kasing bangkay sa itsura mo!"

Agad akong napangiti ng maalala ko yung pagkikita namin.Sinabi na din sakin ni kuya lahat bago siya mamatay.
Sobrang sakit lang isipin na si Chaseter ang minahal ni Lucy at hindi si Roilen, hindi ako.

May malubhang sakit si kuya,pero nagpumilit pa din siyang umuwi ng pilipinas para kay Lucy.At kwenento niya lahat sakin ang nangyari,kaya lahat ng sinabi ko kay Lucy sa acquaintance,kwenento lang din sakin ni kuya.

Nung una ayaw ko pang pumayag na magpanggap bilang siya.Pero wala na din akong nagawa dahil gusto niya daw maging masaya si Lucy.Hindi ko pa man kilala si Lucy nun ay alam kong mahal na mahal siya ni kuya.

Inubos ko lang ang iniinom ko at lumabas na din ng bar.Sobrang hilo na ako pero kaya ko pang magdrive.Nasa kalagitnaan pa lang ako ng byahe ng biglang sumalpok sakin ang isang van.

Hindi ko na magawang mamulat ang mga mata ko.Hilong hilo na din ako dahil sa sobrang dami ng dugo na nawala sakin.Hanggang sa dumilim na ang lahat.

*****

Nang magising ako ay nagulat ako dahil alam kong kwarto ko na ito,kwarto ko dito sa singapore.

Nasa singapore ako?!

Babangon sana ako pero biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ross.Nandito din siya?

"Anak ka ng pisti!!!wag kang tumayo!" Sabi niya at inalalayan ulit akong humiga.

"Bakit ako nandito?nasan si Lucy?" Tanong ko.

"Sorry Roilen,pero ang alam niya patay ka na.Dahil yun ang inutos ko sa doctor na gumamot sayo" Nagulat naman ako sa sagot niya.

"Ano?!bakit mo sinabi yun?Are you insane?!!!" Galit na sigaw ko.

"Because that's what I've said"Nagulat ako ng magsalita si mommy sa likod.

Naiinis ako dahil siya pala ang nag-utos nun.

"Why did you do that?" Inis na sabi ko.

"Dahil nalaman kong ikakasal na kayo,and you stupid!ang babata niyo pa.Sa ayaw at sa gusto mo you'll stay here for two years.Tyaka kita papayagan makasal sa kanya" Sobrang inis na ang nararamdaman ko pero wala akong magagawa.

Dalawang taon ko siyang hindi makikita?mga ilang araw lang din ay bumalik na si Ross sa pilipinas.Sinabi ko din sa kanya na sabihin sakin lahat ang mga ginagawa ni Lucy.

Pero sinabi niya sakin na lumipat na daw si Lucy ng ibang apartment. Gustuhin ko mang umalis ay hindi pa talaga pwede.

Lumipas na ang araw,buwan at taon.hanggang sa magdalawang taon na ako dito,paminsan minsan ay sinasama ako ni mommy sa iba't ibang bansa para daw matuto ako kung paano patakbuhin ang aming business.

At sa dalawang taon din na yun ay nakapagpagawa ako ng isang bahay sa pilipinas.Bahay namin ni Lucy, at dumating na din ang araw na uuwi na akong pilipinas.

End of flashback

Nandito kami ngayon ni Lucy sa veranda nakaupo sa sofa.Dahil alam kong mahilig siya sa mga ganitong tanawin ay pinasadya ko na dito itayo ang magiging bahay namin.

***

Lucy's pov:

Nakasandal lang ang ulo ko kay Roilen habang pareho kaming nakatanaw sa papalubog na araw.Sobrang ganda dito.

Mas gumanda pa dahil kasama ko yung taong mahal ko.Nung akala kong patay na talaga siya,pakiramdam ko ay patay na din ako.Sobrang daming pinagdaanan namin akala ko wala nang pag-asang sumaya ulit ako.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa sobrang dami naming pinagdaanan ay kami pa rin ang magkakatuluyan.
I really love him.

"Akala ko hindi na kita makakasama Lucy, akala ko tuluyan ka ng lumayo sakin" Malungkot na sabi niya,pero nasa magandang tanawin pa din siya nakatingin.

"For that two years,there's no time na hindi ka nawala sa isip ko.Iniisip ko kung ayos ka lang ba,kung nakakatulog ka pa ng maayos,nakakakain ka ba.O may mahal ka ng iba,nababaliw na ako kakaisip" This time nakatingin na siya sa mga mata ko habang lumuluha.

Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang palad ko."Nagalit ako at hindi ko itatangi yun,nagalit ako sa ginawa niyo.Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kita mahal.Dahil mahal kita bilang Chaseter at mas minahal kita bilang Roilen.For that two years parang namatay na din ako,dahil hindi ko manlang nasabi sayo na mahal kita,hindi dahil sa ikaw si Chaseter kundi dahil mahal kita dahil Ikaw si Roilen"Umiiyak din na sabi ko.

"Magkaiba kayo ni Chaseter sa totoo lang,at don ko nalaman na mahal kita at mas minahal kita bilang Roilen"Dugsong ko pa.

Ngumiti naman siya sakin at pinunasan ang luha ko.Niyakap niya ako at agad din akong yumakap sa kanya.
"Te amo mi amor" Bulong niya sakin na agad ikinakunot ng noo ko.

"What did you say?"

"I said I love you my love" Nakangiting sabi niya,napangiti nalang din ako sa kaartehan niya.Hahaha.

"I love you too my stupid stranger"I said.

The End.........

Yey the stranger is finally done everyone. Sa mga naguguluhan pa din hanggang ngayon,you can ask me.

Si Chaseter po talaga ang patay.

Si Roilen naman ang buhay na nagpanggap bilang Chaseter.

For now pinag-iisipan ko pa kung gagawa ba ako ng epilogue or hanggang dito nalang.

Thank you sa mga nakaabot dito
                     ❤❤❤❤❤

-Baliw na manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro