Chapter 21
The game
Lucy's pov:
Umupo na kami ng maayos ng dumating si boss,nakakatuwang isipin na maglalaro kami.Kung hindi ako nagkakamali mga 13 kaming nandito.Hindi na sumali yung iba dahil pagod na rin.
Agad pinaikot yung bottle at tumapat sa isa kong katrabaho yung dulo.At yung isa pang dulo ng bottle tumapat kay Travis.Which means si Travis ang magtatanong kung truth or dare.
"Hahaha sa sobrang gwapo ko pati bote namagnet ko.....okay babaeng payat truth or dare?"
Mapang-asar na sabi ni Travis,kawawang katrabaho ko hahahaha.
"Truth! Baka kung ano pa ipagawa mo pag nag dare ako"
Sagot ng babae.
Bahagya namang nag-isip ng itatanong si Travis,hanep sana wag kalokohan.
"Sino ang pinakagwapo dito na naglalaro?yung totoo ang gusto ko ha!" Sabi pa ni Travis habang inaayos yung buhok niya ng kunyare.
Aning na bata talaga!
"Okay easy,yung katabi ni Lucy hihihi" Katabi ko?Si Chaseter?binigyan ko siya ng masamang tingin.
Tiningnan ko naman si Chaseter na nakangiti,maharot!
Umikot ulit ang bottle but this time si Travis ang nagspin nun.
Matagal bago tumigil yung bottle dahil sa lakas ng pagspin niya.Akmang titigil sakin,pero nakahinga ako ng maluwag ng Kay Chaseter tumapat.
Yes.....pero sa dulo nito ay kay Vince naman nakatapat.Isa lang ibig sabihin nito,si Vince ang magtatanong kay Chaseter.
Nakita kong napangisi si Vince mukhang hindi maganda ang sasabihin niya.
"Truth or dare?" Tanong ni Vince.
"Dare" Mabilis na sagot ni Chaseter,na lalong nagpangiti kay Vince.
Anyareee?
"I dare you to tell the truth to Lucy" Seryosong sabi niya.
Anong ibig niyang sabihin?
****
Walter's pov:
Hanggang ngayon ay hindi pa din nakakasagot si Chaseter sa tanong ni Vince.
What does that mean?
Napangisi si Chaseter na ikinakunot ng noo ni Vince.There's something between their looks.
"What are you saying?" Chaseter.
"Just kidding I dare you to be honest sa mga tao sa paligid mo" Biglang bago ng tanong niya.Wth?!
Napakunot lang ang noo ni Chaseter,may hindi ito sinasabi sakin.Palitan lang sila ng tingin ni Vince, pati ang mga katrabaho ni Lucy ay naguguluhan na din.
Wala na kaming nagawa nung,
Pinaikot ulit yung bottle na agad tumapat sakin,ayaw ko ng ganito sa totoo lang.Nakakatamad pero,dahil gusto ni Ross.Sumali na din ako.
"Truth or Dare?" Tanong ni Lucy, dahil sa kanya tumapat yung isang dulo ng bote.
"Dare" I said,ayoko ng truth baka kung ano pa ang tanungin niya.
"Hahaha okay I dare you to punch Travis" Agad naman nanlaki ang mata ni Travis.
Loko ka Lucy!Hahaha
Mabilis na natapos ang laro,hanggang ngayon iniisip ko pa din si Chaseter at Vince,mukhang meron silang sekreto.At dahil naguguluhan ako,lumapit ako don sa matandang tinawag si Chaseter bilang Roilen.
Nakita ko naman siyang abala sa pagtatahi,lumapit ako sa kanya at nagsimulang magtanong.
"Bakit niyo po tinawag si Chaseter na Roilen?"Mukhang Nag-aalinlangan pa yung matanda na sumagot.
"Sa totoo lang iho naguguluhan ako sa kanya nung sinabi niya na siya si Chaseter" Malungkot na sabi ng matanda.
"Bakit naman p-po?" Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako sa isasagot niya sakin.
"Dahil matagal ng..... patay ang Chaseter na kilala ko,na kapatid ni Roilen"Gulat na gulat ako sa sinagot ng matanda,anong ibig niyang sabihin?
"Ano po ang ibig niyong sabihin?
Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko alam kung bakit gamit niya ang pangalan ng kapatid niyang matagal ng pumanaw"
Mas lalo pa akong nagulat sa nalaman ko,Chaseter is Roilen? Roilen is not Chaseter?
What the heck! Bakit hindi ko alam ang bagay na ito?
Posible kayang may alam si Ross dito?
****
Nandito na kami sa yacht na
pag mamay-ari ni Chaseter,or should I say ni Roilen.Hindi ko alam kung bakit niya gamit ang pangalan ng kuya niya.
Hindi ko pa din nakakausap si Ross about dito,ako nalang mismo ang maghahanap ng kasagutan.Nakauwi na kami,nandito na din ako sa bahay.
Hindi naman ako mapakali dahil gusto ko ng malaman ang mga sagot.Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing yung kapatid niya.
Sinabi din kasi sakin nung matanda kung saan ito nakalibing,hindi naman ako nahirapan at mabilis na nakarating.
Agad kong hinanap ang pangalang Chaseter Gandalf.
Pero ilang minuto na akong naghahanap pero hindi ko talaga makita.
"Siya ba ang hinahanap mo?" Kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya,agad akong napalingon sa kanya na nakaturo sa isang lapida.
Agad akong lumapit don,tama nga ang hinala ko.Siya ang totoong Roilen,dahil kitang kita ko dito ang nakasulat sa lapida.
Chaseter Gandalf
Jan 5,2001-dec 29,2016
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ni Lucy, na yung taong minahal niya ay matagal na palang pumanaw.
At si Roilen ang nagpanggap bilang Chaseter,sa hindi ko alam na dahilan.Pero kahit ano pa yung dahilan niya,alam kong masasaktan pa din si Lucy.
She really don't have any idea that the man she want to spent her life with is not the real Chaseter, because he is a stranger.
****
TENENENENEN......
Naguguluhan ba kayo?you can ask me if yes,thank you for still reading my story❤
-Baliw na manunulat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro