Chapter 20
Barrio
Walter's pov:
Hindi ko alam kung bakit tinawag siya nung matanda na Roilen, dahil sa pagkakaalam ko.Patay na yun.
Nandito kami sa may kalakihang kubo,masasabi kong kahit hindi sila mayaman.Makikita mo naman sa mga mata nila na masaya silang nagsasama sama.
"Ate ano,pwede po ba akong makitae?hindi ko na po talaga kaya"Walang hiyang sabi ni Travis, kahit kailan talaga kahihiyan ang dala nito.
Napatawa naman yung matanda at sinamahan siya.Ilang minuto pa kaming nagpahinga bago lumabas ng kubo.
"Since nakapag pahinga na lahat,simulan na natin ang programa" Sabi ng boss ni Lucy.
At dahil hindi naman kami empleyado,gumawa kami ng sariling hakbang para makatulong.
Nakakatawang halos lahat ng tao dito kilala si Chaseter, hindi na ako magtataka dahil dito siya lumaki.Pero ang ipinagtataka ko,bakit Roilen ang tawag sa kanya.
Hindi ba nila alam na patay na yun?Nasabi din sakin ni Chaseter na tumira din dito ang kuya niya ng panandalian.
Ganun ba sila magkamukha para malito ang mga tao dito?
Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko si Vince na tumabi kay Lucy, the heck!
Hindi ba niya alam na ikakasal na yung tao?
Tiningnan ko ang gawi ni Chaseter na mabilis lumapit don sa dalawa at pumagitna.
Whew!
"Hoy Water! Tulala ka nanaman dyan!naiinggit ka siguro dahil tinabihan ni Chaseter si Vince ano?"Bakit ba ganito mag-isip ang babaeng ito?pasalamat siya mahal ko siya,kundi pinagtagpi ko na sila ni Travis.
Speaking of Travis, mukhang tangang nakabaktot don sa bata.
Nahihibang na talaga siya,samantalang si Jake naman ay nagvivideo sa kalokohan niya.
****
Stacey's pov:
Mula dito ay tanaw na tanaw ko si Vince na lumapit kay Lucy, pero meron ding pumagitna sa kanila.Kung hindi ako nagkakamali fiance siya ni Lucy.
Sa totoo lang nasasaktan ako na makita siyang naghahabol kay Lucy. But I know from the start na hindi naman nawala yung pagmamahal niya kay Lucy.
At heto ako nakasunod sa mga kilos niya,natatawa din ako na malaman na pinalabas niyang ako ang nakipagbreak.
"Why do I need to feel this pain from you?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.
"Sometimes you need to feel the pain to wake up from the reality,na hindi lahat ng taong mahal natin ay mahal din tayo"
Bahagya akong nagulat ng may magsalita sa likod ko.
Agad ko siyang nilingon, nakangisi na siya sakin.Kung hindi ako nagkakamali,isa siya sa mga kaibigan ni Lucy.
"Who are you?" Nakataas na kilay na sabi ko.
"You'll gonna marry me if I said" Napakunot ang noo ko,ano bang sinasabi nito?
"Well I think kahit sabihin ko man o hindi pakakasalan mo pa din ako" Nakangiting sabi niya,naiinis ako sa hambog na dating niya.
Agad akong pumwesto at sinipa siya."What the hell?!"Inis na sabi niya.Hahaha
"Mukha mo hell,tabi!" Inis na sabi ko at tinalikuran siya.
Siraulong yun nagddrama ako tapos makikieksena sakin.Umalis na ako bago pa may makapansin sakin.
Jake's pov:
Anak ng palaka yung babaeng yun,sipain ba naman ako ng pagkalakas lakas.Malay ko bang nagddrama siya edi sana vinideo ko din.
Flashback:
Tuwang tuwa ako na nagvivideo kay Travis habang nakabaktot sa isang batang medyo malaki.
Pero may napansin akong babae na nakatago sa puno,at tiningnan ko kung saan siya nakatingin.
Kila Lucy,Vince at Chaseter.
Hindi naman niya naramdaman ang paglapit ko,sa mga nakikita ko malungkot siyang nakatingin don sa tatlo.
"Why do I need to feel this pain from you?" Salita ng babae.
Ako ba kausap niya?tumingin ako sa paligid,wala namang ibang tao.
Ako nga!
Nag-isip naman ako ng mga pamatay kong hugot sa buhay.
"Sometimes you need to feel the pain to wake up from the reality,na hindi lahat ng taong mahal natin ay mahal din tayo"
Mahabang sabi ko.
Lumingon naman siya sakin ng nakataas ang kilay,kilala ko siya.Kung hindi ako nagkakamali siya yung girlfriend dati ni Vince.
End of flashback
Grabe ansakit pa din ng hita ko,yung takong niya mismo ang tumama grabe!napaka sadista!
Bumalik nalang ako kanina kung nasaan si Travis.
*****
Vince's pov:
Nakakatuwang pagmasdan si Chaseter kung pano niya bakuran si Lucy sakin.
One wrong move bro,I'll tell her the truth.
Tapos na kami sa ginawa namin kaya nandito kami ngayong lahat sa ilalim ng puno.Because we decided to play spin the bottle.
Lahat kami nandito wag daw maging kill joy at sumali kami.
Katabi ni Lucy si Chaseter, katapat ko naman si Chaseter. Pabilog ang aming pwesto,na kapag tinapatan ka ng dulo ng bottle you will choose between truth or dare.
Ngayon lang ako makakapaglaro nito,kaya sobra akong naeexcite.
Naeexcite sa mga sasabihin at gagawin ko.Kumukuha lang si boss ng bote na gagamitin,kaya tahimik lang kaming nakaupo ngayon.
"Ano ba yan antagal naman larong laro na ako" Kung hindi ako nagkakamali Travis ang pangalan ng nagsalita.
Travis's pov:
Kanina ko pa napapansin na panay ang kapit ni Jake sa hita niya.Anong meron?para malaman ko ay agad ko itong siniko.
"Ahhh!langya!ano baaa!" Sigaw ni Jake,ibig sabihin masakit?
Hindi kaya buntis ang hita niya?anlaki na tapos namumula pa.
"Manganganak na ba hita mo?"
Tanong ko sa kanya.
Sinamaan niya lang ako ng tingin,lagi nalang silang ganyan.Tinatanong ng maayos tapos ang sagot masamang tingin,sa tingin ko baliw na sila.
"Ano ba yan antagal naman larong laro na ako" malakas na sabi ko,dahilan para tumingin silang lahat sakin.
Alam kong gwapong gwapo ako pero hindi na nila kailangan tumingin ng ganyan.Aish!
TENENENENEN.......
Makapal po talaga ang mukha ni Travis hahaha,anyway this is a short update.I hope you will like it.
-Baliw na manunulat.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro