Chapter 15
Birthday
Chaseter's pov:
Nakakatawang isipin na yung taong nakilala mo online.Siya pa yung taong mamahalin mo ng higit pa sa inaakala mo.
Masarap magmahal lalo na kong nakakasama mo yung taong mahal mo.Pero hindi ko akalain na mas masarap palang mahalin yung taong nakausap mo sa phone nang matagal at makakasama mo na habang buhay.
-Chase
Agad kong sinara ang laptop ko pagkabasa ko sa notes na ginawa ko.Ang bilis nang panahon.
4taon na agad ang nakalipas.
Kamusta na kaya siya?paniguradong miss na miss na ako nun.Hahaha
I'm here at singapore para ayusin ang buhay ko.At para ayusin din yung mga pagkakamali ko.Nakulong si mommy,pero 2taon lang siya sa kulungan.
Madaming nagbago ng lumaya siya.Masasabi kong pinaramdam niya talaga ang pagiging ina niya samin ni Red.
Naalala ko tuloy yung nangyari
4 years ago.
Flashback
Nailipat na si Lucy sa private room.Nandito na din yung nanay at yung dalawang kapatid niya.
Hindi ko alam, na alam pala nila yung totoo.Humingi ako nang sorry para sa nagawa ng mommy ko.
At napatawad din nila ako nung araw na iyon.
Nandito kaming lahat sa kwarto ni Lucy,hindi pa din siya nagigising.
"Ano ba yan si Cucy ang sarap ng tulog,ayaw nang magising oh!" Nakangusong turo ni Travis kay Lucy.Aning.
Binatukan lang siya ni Jake at Walter. Agad ko namang tinawag yung mommy ni Lucy para makausap.
Bago kami lumabas ay bumulong pa si Walter sakin.
"Good luck bro hahaha"
sinamaan ko lang siya ng tingin.
Pagkalabas namin nang mommy ni Lucy ay agad siyang nagtanong."Anong gusto mong pag-usapan iho?Tanong niya.
Nahihiya ako sa totoo lang,ilang araw pa nga lang niya ako nakilala.Tapos aish!stupid!
"Pwede ko po bang pakasalan anak niyo" Diretsong sabi ko.
Yumuko ako dahil alam kong magagalit siya.Nakakahiya!
"Hahahaha" Agad akong napatingin nang bigla siyang tumawa.
Eh?
"Hahaha sorry,you know what you're very funny ha!"
Tumatawang sabi niya pa.
Seryoso po ako tita huhu.
"I'm serious po tita" I said.
"I know iho,I just felt really happy.You deserve each other,but you're both young for that" Alam ko ang ibig niyang sabihin.
"I know po mam,papakasalan ko po siya pagkabalik ko.Hinihingi ko lang po ang basbas niyo" Nahihiyang sabi ko.
"Eh san ka ba pupunta iho?"
"I'm going back to singapore before she wake up,and please don't tell her about this"
Nginitian lang niya ako at tumango. Yes!
End of flashback
Bukas na ako pupuntang pilipinas kaya abot tenga kung makangiti ako.
"Why are you smiling xiong?" Red asked me.
Nginitian ko siya bago sumagot.
"Because I'm going to marry the person I love soon brother Hahaha" Napakamot nalang siya sa ulo at tumalikod.
Bastos!
Walter's pov:
"Hoy!Water tigil tigilan mo ako dyan sa sekreto sekreto niyo ha!"
Inis na sabi sakin ni Ross.
4 na taon na ang nakalipas,apat na taon na ring wala yung ungas na Chaseter na yun dito.But I know what he's plan.
Hindi ko alam na magkakagusto ako dito sa pinsan ni Chaseter.Walang ginawa kung hindi bulyawan ako ng bulyawan.
But I really love her,even she's that noisy.
Pinigilan ko na rin nun ang nararamdaman ko kay Lucy.And I diverted my attention to someone. And its Ross,my girlfriend.
"Oh!Lucy bat ka nakabusangot dyan" Agad naagaw ang attention ko sa sinabi ni Ross.
Pumasok din kasi dito si Lucy sa coffee shop na nakabusangot.
If I know naman,namimiss niya na talaga si Chaseter.
"Tss nothing ampangit nang gising ko" She said.
"Naku!!Marcela wag ako!!alam kong namimiss mo na ang pinsan ko" Nang-aasar na sabi ni Ross.Hindi ko mapigilang hindi matawa.
Pareho kami nang iniisip.
Agad kong naramdaman ang pagbato sakin ni Lucy ng isang pirasong biscuit. Masama na ang tingin niya sakin.
Aish!why are girls like this?
They're really obvious, yet they denying it.
Napangiti din ako dahil kahit alam niyang si Ross ang pumatay sa daddy niya.Still she forgived Ross.What a wonderful heart.
"Don't worry you'll gonna see him......soon" Wala sa sariling sabi ko.Agad namang tumingin sakin yung dalawa na parang nagtataka.
Stupid!Walter!
Lucy's pov:
"Don't worry you'll gonna see him......soon" Wala sa sariling sabi ni Walter. Tiningnan ko siya nang nagtataka.
May alam kaya ito?eh ano bang pakealam ko?
Naiinis ako tuwing naalala ko nanaman na umalis siya.
Wala na siyang ginawa kundi ang umalis nakakainis!
Wag na siyang bumalik nang tuluyan.
Flashback:
Hindi ko pa namumulat ang mga mata ko,pero ramdam ko na ang panghihina ng katawan ko shit!
Naalala ko lahat ng nangyari ang pagkabangga ko don sa kotse.
At ang pagtawag ni Chaseter sa pangalan ko.At ang bahagyang pagtapik niya sa pisnge ko para magkamalay.
Naalala ko ang lahat.
Agad kong minulat ang mata ko,sobrang liwanag na ilaw ang bumungad sakin.Nasa hospital pa din yata ako.
"Cucy!!!Cucy gising ka na?!" Malakas na boses agad ni Travis ang sumalubong sakin.
Ingay!
"Anak!" Boses ni mama.
"Ate!" Duffy.
"Lucy!" Azel.
Agad kong nilingon sila,tuwang tuwa sila.Ako man ay natutuwang makita sila,akala ko mawawala na ako.At makakasama ko na si daddy.
But God is really good,he gaved me a second life.
Siguro may rason kung bakit hanggang ngayon buhay pa ako.
"Cucy!!kilala mo pa ba ako?Cucy ako ito ang aning na bata" Biglang sabi ni Travis.
Aning talaga!
Pati sila mama ay natawa sa ginawa niya.Tumango nalang ako kay Travis.
Agad naagaw ang pansin namin nang biglang bumukas ang pinto.Si Ross at Walter.
"Marcela gising ka na" Mangiyak ngiyak na sabi ni Ross.Oa!
"Hindi,hindi pa.Lumapit ka dito at sasampalin kita para malaman mong totoo ito" Pabirong sabi ko.
Agad siyang yumakap sakin at umiyak. "Sorry Marcela,please forgive me.I will do anything para patawarin mo lang ako" Sabi niya habang umiiyak pa din.
"You don't have to do anything, because I know you had a reason why you do that" Sabi ko sa kanya at umayos ng higa.
Alam kong yun din ang gustong gawin ko ni daddy kung nabubuhay pa siya.
I know everything happens for a reason.Siguro nakatakda na talaga na ito ang mangyayari.
Agad kong naalala si Chaseter, nasan na siya?Nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga siya.
"Looking for someone?" Walter asked.
"Where's Chaseter?"
Agad silang nagtunguhang lahat.
Anong nangyayari? Nasan yung ungas na yon?
"He's in Singapore" Si Walter ang sumagot.
Singapore? Bumalik na siya?
Nalukungkot man tumango nalang ako,baka hindi na niya talaga ko mahal.
"Don't worry Lucy,may rason siya kung bakit siya umalis"
Alam kong pinagagaan lang nila ang loob ko.Pero ayoko ng isipin,umalis pa din siya.
****
Lumipas ang mga araw,linggo,buwan at taon.
Hindi pa din siya bumabalik.
4na taon na ang nakalipas pero wala pa din siya.I really hate waiting for someone,lalo na't walang kasiguraduhan kung babalik pa.
End of flashback
Nalukungkot pa din ako tuwing iniisip ko.Nakakainis
Kung ayaw niya na talaga magpakita sabihin niya!
"Hoy Marcela aba!kanina pa kita tinatawag" Si Ross.
"Ano ba yon?" Tanong ko.
"Birthday mo na bukas ah,anong plano?"
December 16, na nga pala bukas.Death anniversary ni daddy ngayon.
"Hoyyyyy!!!" Sigaw ni Ross sa tenga ko.Bwesit !
"Wala!wala!matutulog ako maghapon bukas" Inis na sagot ko.
Wala talaga akong planong maghanda,sayang lang.
"Anong wala?pupunta tayong beach bukas.Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka"
"Kung maisasama mo haha" Natatawang sabi ko.
"Oo talaga!kakaladkarin kita.At yang dugo mo ang ipangsusulat ko nang happy birthday sa buhanginan" Mahabang sabi niya.Kadiri talaga.
"Ihhhh gross" Walter.
"Tigilan mo ako dyan sa pagross gross mo Water ha"
Water amf,hahaha.
*****
Kinabukasan
"Hoy Marcela gumising ka na pupunta na tayong beach!hehe hapiiii hapiiii to you!" Malakas na bunganga ni Ross ang bumungad sakin.
"Inaantok pa ako" Sabi ko sabay pikit ulit.
"Anong inaantok,gayak na kaming lahat ikaw nalang ang hindi" Ano ba yan!
"Sige" Sabi ko sabay taklubong nang kumot.
Naramdaman ko nalang na umuuga na ang kama ko.
Talon siya ng talon.
"Lalalalala"nang-aasar pa niyang kanta.Wala na akong nagawa kundi gumayak.
At dahil beach yun nag short at off-shoulder lang ako na white.
Sobrang daming nagbgo sakin sa loob nang apat na taon.
Naging mainitin na din ang ulo ko,nag-aayos ayos na rin ako sa sarili ko.Agad kong naramdaman na may yumakap sa likod ko.
" I'm so happy anak,kahit andami naming naging kasalanan sayo.But still you choose to forgived us,and I hope na di mo kami makalimutan.Happy birthday anak" Sabi ni mama habang nakayakap sakin.
"Ma bakit parang aalis naman ako?hahaha" I said habang natatawa.
"H-ha?nothing I'm just happy for you" nginitian ko nalang si mama at bumaba na din kami pagkatapos.
"Ayy mukhang nagdramahan pa sila" Azel.
Tinawanan lang namin siya ni mama.Masasabi kong nung lumipat ulit ako dito sa bahay.Mas lalo ko silang naging close,kaya masaya ako sa mga nangyari 4 years ago.
Kasama din namin sila Walter,Jake,Danelya,Travis at Ross.Siya lang talaga ang kulay psh.
"Yehey tara na swimming swimming na!!dito ka lang sa tabi ko Danelya ha,madaming lalaki don" Travis sabay akbay kay Danelya, kapatid ni Jake.
Agad namang inalis ni Jake yung pag-kakaakbay kay Danelya.
"Easy dude!nandito ako oh"
Sabi ni Jake sabay turo sa sarili.
"Alam ko!at alam kong mangcchicks ka din don!kaya ako ang magbabantay kay Danelya my loves"Travis.
"Ako!" Jake.
"Akoooooo!" Travis.
Natatawa nalang ako sa kanila,parang mga bata.
"Stopppp!!!" Malakas na sigaw ni Ross."Hindi makarelate si Marcela hahaha" Hanep dinamay pa ako nitong walanghiyang ito.
"Pwede naman kaming makarelate" Sabi ni Jake sabay kindat.Iwww
Nagulat naman yung reaction nila habang ngisi ngisi si Walter.
"Don't you dare dude,baka bago mo pa lang hahawakan si Lucy,sumabog na yang kamay mo hahahaha" Ano bang sinasabi nila?
"Osyaaa!bago pa may sumabog lumarga na tayo" Ross.
"Good Idea ate" Danelya.
Sumakay na sila sa mga sasakyan nila.Tutal malapit lang naman yung beach na pupuntahan namin.Nagmotor nalang ako.
Mga 40minutes lang ata naming binyahe yung papunta don.
Pagkababa ko ay sumalubong na agad sakin ang napakalamig na hangin.Relaxing
Agad akong sumunod sa cottage
na napili ni Ross.Meron din ditong hotel, sa third floor daw yung room namin.
Agad na naligo yung iba,si Walter at Ross lang ang naiwan.
"Birthday na birthday malungkot" sabi ni Ross.
Nginitian ko muna siya bago sumagot."Masaya ako baliw,sobrang dami lang talagang nangyari.Tapo-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit si Walter.
"Then he left you again?you know what Lucy, mas masarap mahalin yung taong matagal mong hindi nakita" He said.
"Tss what do you mean?
Tanong ko.
"You'll see hahaha"
Baliw.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta sa third floor,kung san yung room namin.Inaantok ako na ewan,Isang room ito pero tatlo ang kwarto.
Agad kong binuksan yung isang pintuan at pumasok.May maliit itong terrace na sobra ko namang nagustuhan.Agad akong pumunta don at sumilip.
Kitang kita ko sila mama dito na masayang naliligo.Napangiti ako,ansayang makita na masaya yung mga taong mahal mo.
Agad ko namang naramdaman na may yumakap sa likod ko.
Bago pa ako makapagsalita ay nauna na siya."Are you enjoying the view Missy? dahil sa gulat ko kung sino yun agad kong inalis yung kamay niya na nakayakap sakin.
Gulat gulat akong nakatingin sa kanya.Anong ginagawa ng ungas na ito dito?
"Ganyan ba ako kagwapo para titigan mo?" Napangiwi ako.
Brown ang buhok niya,medyo tumangkad din siya at pumuti.
Gwapo.
"A-anong gwapo?lumayas ka nga dito,hindi ka invited!" Malakas na sigaw ko.
"I know,but your family and friends invited me here" Sabi niya habang dahan dahan na lumalapit sakin.Napaatras ako.
Sila?Mama?
Agad akong napadungaw sa terrace.Ayon sila at nakatingin na samin habang yung mga kamay nila ay nakakurting puso.
Lalo na si Travis ala alang pinatitibok yung kamay niya.
Alam nila ito?
"See,kahit sila tuwang tuwa na makita tayo" Paglingon ko ay sobrang lapit ng mukha niya sakin.Agad ko siyang tinulak.
"Ako hindi,lumayas ka dito.
Hindi ako masayang makita kita" Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko ng biglang lumungkot yung mukha niya.Agad din siyang lumabas sa kwarto.
I really hate this,yung babalik siya na parang walang nangyari.Nakakainis,ni hindi manlang niya hinintay na
magising ako bago umalis.
Tapos pagbalik ni paliwanag wala.Sabagay hindi naman niya ako girlfriend tss.
Hindi ko na inisip yun at natulog nalang ako.
TENENENENEN......
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro