Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Ignored

Lucy's POV:

*Tiktilaokk!tiktilaok!*

Napakamot nalang ako sa ulo ng marinig ko ang alarm ni Ross.Ampangit!

Pagtingin ko sa tabi ko,tulog na tulog pa din si Ross.Habang nakanganga,gandang babae nakanganga kung matulog.

At dahil hindi pa siya nagigising sa alarm niya....
Umusog ako ng kaunti tyaka siya dinanggil ng malakas.

Boom!3points

Mababa lang naman itong kama ko,kaya paniguradong hindi ganun kasakit yung pagkahulog niya.

"Aray pistinggg kalabaw!"
Malakas na sigaw niya,agad akong dumapa para makita yung reaction niya.Hahaha

Pulang pula pa ang mata habang nakahawak sa may bandang bewang niya.Aruy!

"Ano ba Marcela!bat mo ko hinulog?!" Pasigaw na sabi niya.

"Told yah!sikip tayo.Gumising ka na at may pasok ka pa"
Pag-iiba ko ng usapan.

"Hala!hala!oonga bwesit bakit hindi tumunog alarm ko" Pagrereklamo niya.

Tiktilaok psh!

"Tumunog kaya,at ako ang nagising.At dahil hindi ka nagising,hinulog kita 3points!"
Pang-aasar ko sa kanya sabay takbo sa banyo.

"Marcela Montealegre!" Rinig ko pang sigaw niya.

Hahahaha

Wala kaming klase kay Sir,dahil practice ang meron.Naligo lang ako at nagbihis.

Dahil halos dalawang buwan daw na naka free style ang transferees,Heto ako at pumipili ng susuotin.

Nagsuot lang ako nang longsleeve na red,at isang maong na pantalon.
Masyado akong lamigin,dahil yayamanin nga ang school na pinasukan ko.Naka aircon kami.

Nagsuklay lang ako at bumaba na din.Gutom na ako.

Masyado ata akong nagtagal dahil hindi ko na naabutan si Ross.Pumunta naman ako sa lamesa at kumain.Buti nalang nagluto siya hehe.

Mabilis kong tinapos ang pagkain at umalis.Habang nagbbike hindi ko maiwasang hindid pansinin,yung sasakyan na kanina pa sumusunod sakin.

Ito yung sasakyan na nakita ko kagabi....

Agad kong binilisan ang pagpedal ko para makarating sa school.Hindi ko alam kung bakit ako sinusundan nung sasakyan.

Pagkaayos na pagkaayos ko sa bike ko ay nagmadali akong pumasok.

Pero hindi pa ko nakakalayo ng may mabunggo ako.Agad akong tumingin kung sino ito.

Tsk si ungas,tinaasan niya ko ng kilay.Bading pa ata.

"Tss clumsy" Medyo paos na sabi niya.

"Nakaharang ka kasi" Sagot ko.

"Move fast,you're the  only one we've been waiting for" He said.

Pagkasabi niya nun ay agad akong napatingin sa relo ko.
8:15am hala!8:00am ang simula ng practice.

Nauna na siyang maglakad at sumunod naman ako.Pagkarating namin sa gym ay kompleto na nga sila.

"Okay since kompleto na lahat let's Start our practice. Montealegre and Caberos agapan sa susunod ha.Hindi na namin kayo iintayin kapag late kayo sa mga susunod na practice" Caberos?

Late din si Walter?

Agad akong lumapit kay Walter since siya ang partner kong una.
Pagkalapit ko sa kanya ay tinanong ko siya."Late ka din?"

Tumango lang siya,kanina ko pa napapansin na hindi siya masyadong nagsasalita.

Hindi ko nalang pinansin,baka may problema lang.

At nagchange na ng partner, pero iniisip ko pa din kung ano kaya ang problema ni Walter.

"What's bothering you?"
Tanong ni ungas.Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa pagsayaw.

Tanong din ako ng tanong kay Walter kanina pero,pag-tango at pag-iling lang ang sagot niya sakin.

Hindi ko na namalayan na nasa last part na kami ng sayaw.Dahil naramdaman ko nalang na bahagya akong nakahiga,at nakahawak naman si Harburt sa likod ko.

Sobrang lapit ng mukha niya sakin.Wth!

"I'm asking you,but you didn't even bother to answer me.What are you thinking hah?" Sabi niya habang nakakunot ang noo.
Ano bang problema nito?

"A-ano naman sayo kung anong iniisip ko" Lalong kumunot ang noo niya.Mukha siyang angry birds.

"Because I'm kinda curious here!" He said. "A-and you're not focusing to our dance" dugtong niya pa.

Hindi na ako nakasagot dahil nagsalita na si Sir.Sinabi din niya na wala ng practice sa uwian ng hapon.

Agad akong lumapit kay Travis ng makita ko siya na parang may iniisip. "Oy?ano problema mo?tulaley ka kanina pa ah" I said.

"Napapansin mo ba?parang hindi nagkikibuan yung dalawa"

"Sinong dalawa?" Tanong ko.

"Si Harburt at Walter, kanina ko pa napapansin"

Agad naman akong lumingon kung nasan yung tatlo.At parang si Jake lang ang nagsasalita sa kanila.Hindi nga sila nagpapansinan.

"Basta mamaya Cucy,tayong tatlo ang umorder nila Jake.Para makapag-usap yung dalawa"
Tumango nalang ako at pinuntahan na ni Travis yung tatlo.

Inintay ko lang silang makarating sa pwesto ko at sabay sabay na kaming pumunta sa canteen.

Walang kibuan.

Nang makarating kami sa pwesto namin ay agad kaming tumayo nila Jake at Travis.

"Anong sa inyong dalawa?"Jake.

"Same as yours" Harburt.

Agad namang lumingon si Travis kay Walter at tinanong.
"Sayo Walter?" Tanong ni Travis.

Tumingin muna siya sakin bago sagutin si Travis.Ano yon?

*ehmmm* he cleared his throat before he answer.

"A-anything" Mahinang sabi niya kay Travis.Ni hindi ko na nga halos marinig sa sobrang hina.

Agad kaming pumilang tatlo habang pasulyap sulyap don sa dalawa.

Hindi pa rin sila nag-uusap.

"Mukhang wala silang balak mag-usap" Bulong sakin ni Travis.

Tumingin ulit ako don sa dalawa.Nakatingin sila kung saan.Hindi na namin pinansin at umorder na.

Papalapit na kami sa kanila ng makita kong natanggal ang sintas ng sapatos ko.
Agad kong inabot yung isang tray kay Travis at tinali ang sintas ng sapatos ko.

"I'm going to tell her the truth"
Someone speak,dahil nakatungo ako hindi ko kita kung sino ang nagsabi nun.At sobrang ingay din dito sa canteen.

Dahil bukod sa medyo paos,masyadong malalim ang boses niya.

Bigla kong naalala yung bumulong sakin.Magkahawig sila ng boses.

Agad akong nagpalinga-linga kung sino yun.Agad akong napatingin dito sa dalawang lalaki at babaeng nag-uusap.
Hindi naman ito.

"Hoy!ito ang pagkain mo oh" Abot sakin ni Travis ng tray.

Agad naman kaming lumapit dito sa dalawang hindi pa din nagpapansinan.

"Ansarap pala nang burger dito!"
Malakas na sabi ni Travis.Mukhang napapansin niya kasi na sobrang tahimik.

"You're not eating burger Travis"
Si Harburt,napatingin naman ako sa tray ni Travis.

He's eating a rice.
Bobo!hahahaha

"Alam ko!binulong lang sakin ni Jake yon.Hindi niya daw kasi maisigaw" Lusot ang batang aning.

Pero nakatanggap naman siya ng siko kay Jake.Hahaha
Gusto kong tumawa sa ganito kaseryosong pangyayari.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na din kami.Nasa likuran ako ni Travis,at nauuna naman si Harburt at Jake.
Habang nasa likuran ko naman si Walter.

Malapit na kami sa may elevator ng bigla akong hilahin ni Walter malapit din sa may hagdanan.

Agad ko siyang binigyan ng tingin na nagtataka."May sasabihin ako sayo sa acquaintance " bulong niya sa may tenga ko.

Kinilabutan ako dahil.....

Dahil....Kaboses niya yung bumulong sakin.At yung nagsalita kanina.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umakyat na siya sa hagdan.Ako naman ay nakatulala habang iniisip yung pagbulong niya sakin.

S-si Walter yung bumulong sakin kagabi sa may coffee shop?.....

*****

Harburt's POV:

Friday na ngayon at acquaintance na namin bukas.
Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung susunod sakin yung ungas na yon.

Sana wala siyang gawin na iba,masisira ang plano ko.
Plano namin.

Nandito ako ngayon sa bahay,hindi ako pumasok.Tutal alam ko nanaman ang sayaw namin, hindi na ako magmumukhang tanga bukas.

Tiningnan ko yung susuotin ko para bukas,it's a black tuxedo.
At dahil wala akong magawa dito sa bahay kinuha ko yung cellphone ko at nagbackread.

I hate this thing actually, pero hindi ko maiwasang hindi ngumiti ng mabasa ko ang conversation namin.

Her:Hey!

Me:Yes ****

Her: Nakakainis sila,sabi nila
Bibilhan daw nila ako nung.

Me:Nung?????

Her:Ano ba yan!Nakakainis
nalimutan ko kung anong
Tawag sa kanila.

Bahagya akong natawa,alam ko kung anong tinutukoy niya dito.
At may surpresa din sana ako sa kanya nung umuwi ako dito sa pilipinas.

But I was the one who got surprised.

Pinunasan ko ang luha ko na di ko namalayang tumulo na pala.Bakit ba ang hina ko pag dating sa kanya.

Gusto ko ulit siyang makita....

TENENENENEN.........

Acquaintance naaaa!!!!

-Baliw na manunulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro