Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

New school

Lucy's POV:

Maaga akong gumising dahil first day of school.Iniisip ko pa lang na wala akong kilala sa lilipatan ko naiinis na ako.
Bakit pa kasi ako ililipat ayos naman ako sa dati Kong school.

Bumaba lang ako para kumain.Dalawa lang kami dito sa apartment.

"Gising ka na pala,kain na" bungad sakin ni Ross.

Umiling lang ako at akmang lalabas pero may sinabi pa siya.

"Ngayon nga pala start ng klase mo no?wohooo nakakaexcite yon.Anlaki ng school na papasukan mo tapos marami din sigurong gwa--" umalis na ako dahil wala namang kwenta yung sinasabi niya.

Kaibigan ko si Ross mula grade six hanggang grade ten,naghiwalay lang kaming school Ngayon grade eleven na.Ewan ko ba,ayaw siyang pag-aralin ng magulang niya sa school na papasukan ko.

Nakabike lang akong pumunta ng school,hindi naman ito kalayuan saamin.Mga fifteen minutes lang nandon ka na.

Sa totoo lang hindi ako naeexcite sa bago Kong school,Ewan.Baka kasi wala lang akong kilala.

Agad kong inayos ang bike ko at pumasok sa gate.Malaki at maganda ang bumungad sakin.

ERANIAN UNIVERSITY

Yayamanin.

Nilibot ko lang paningin ko dahil hanggang Ngayon namamangha pa din ako.Kung ikukumpara ko ito sa dati Kong school,sobrang laki ng pagkakaiba.
Sa second floor pa ang room ko.

Bago ako makarating sa room.May mga bulong-bulungan akong narinig.

"Woah transferee"

"I think she's poor"

"Omyyy  baka mahawaan ako ng kapangitan niya"

Ang akala ko sa movie or book lang merong ganito.Akalain mong dito din sa school na papasukan ko.

Pagtapat ko sa may pintuan ay hindi muna ako pumasok.Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din kung paano ulit ako magsisimulang maghanap.

Ayoko na kasing magpatulong kay Ross,mas gusto Kong gawin mag-isa.

Harburt's POV:

Naiinis ako sa totoo lang,bakit pa kasi sa second floor ang room ko?! badtrip.

Nagsimula na akong maglakad,hindi pa ako nakakarating sa pangatlong room ng may nakita akong babae.Nakatalikod siya sakin which means nakaharap siya sa may pintuan.Mukha siyang tanga.

Agad akong lumapit "Hoy!" Medyo nagulat ata siya,kasi napataas yung dalawang braso niya.

Lumingon siya sakin,bahagya akong nagulat.Pero agad din akong nakarecover.

"Hoy ka din!" Panggagaya niya sa sinabi ko.Pinagmasdan ko siya bago pumasok.

Wala kang mababakas na kahit Anong kolorete sa mukha niya.Hindi siya panget,pero hindi din siya ganun kaganda.Ewan tsh

"Ganyan ba ako kaganda para titigan mo?" Bahagya akong natawa.

"Ang kapal ng mukha mo,para ka kasing bangkay sa itsura mo!" Ganti ko sa kanya.

Sinamaan Niya lang ako ng tingin at agad na pumasok sa loob.

Pikon pa rin,agad akong naupo sa hulihan. Nasa may unahan ko yung babaeng mukhang bangkay kanina hahaha.just kidding

At dahil first day of school alam niyo na.

Introduce yourself amff...

Lahat magpapakilala parang tanga,eh halos kilala ko na lahat ng nandito.

"Hi I'm Travis sagot,I'm 16 years old,you can call me baby if you want to,if you don't EDI wag" agad nagtawanan ang mga luko luko.

Tiningnan ko siya,hindi manlang natawa?psh

Madami pang nagpakilala pero hindi ko na pinansin halos,tulad nila.....

"Hey I'm Walter caberos,18 years old" best friend ko.

"Hiii hihi I'm Junivel Jones,17 years old,you can call me
Juni-Juni hehehe" hahaha mukhang tanga.

Agad na nagtaas ng kamay si Travis "pwede ka rin ba namin tawaging vel-vel?" Hayp ka talaga Travis hahahaha.

Agad siyang sinamaan ng tingin ni Junivel,pero kaming lahat tinawanan lang siya

Madami pang nagpakilala pero ito talaga ang hinihintay ko.

Agad siyang tumayo at pumunta sa unahan.Wala kang mababakas na kinakabahan siya.
Kahit siya ang transferee,karaniwan kasi sa iba mahiyain lalo na at first day of school.

"I'm Lucy Marcela,18 years old" maikling sabi niya at agad na umupo.

"kung mapapansin niyo siya lang ang bago,dahil halos lahat naman magkakakilala na.I hope na makikinig kayong lahat saakin.Sayang mga binabayad ng mga magulag niyo kung hindi blah blah blah" paulit ulit,last year ganyan din sinabi niya.

Pagkatapos niyang magsalita ay lumabas na din si sungit.masungit kasi talaga.

Walter's POV:

Kanina ko pa napapansin na Panay ang tingin ni Harburt Kay Lucy,sa bago naming kaklase.

Tiningnan ko si Lucy,medyo makapal ang kilay niya.Medyo matangos din ang ilong,May kaputian siya at manipis ang kanyang labi.Wala kang mababakas na kung Anong nakalagay sa mukha niya.
Hindi tulad ng mga babae dito.

Napatingin ako sa mata niya, she look so sad.why?

Nung bumalik ang tingin ko kay Harburt ay nakangiti na siya.Habang nakatingin pa din Kay Lucy.

Hmmm I smell something....

"Tulala ka nanaman,Caberos!" Lintik ang gulat ko ng sigawan ako ni Travis sa tenga!

Bwesit talaga tong bansot na ito.Tiningnan ko siya ng masama pero tinawanan pa ko ng loko.

"Tara na sa canteen" aya ni Harburt,nakatayo na din siya at nagsimulang maglakad.

Nang makasabay ko siya ay binigyan ko siya ng makahulugang tingin.Iniwasan lang niya.psh

Agad kaming bumaba para pumuntang canteen,medyo malayo ito sa building namin.

Gutom na ako....

Hindi pa kami tuluyang nakakapasok ng magsalita si Jake kaibigan din namin.

"Diba kaklase natin yon?" Turo niya don sa babaeng sa sahig kumakain.Oo sa sahig talaga habang nakapatong sa tuhod niya yung tray na may lamang pagkain.Si Lucy

Agad na lumapit si Travis kaya nagsisunudan kaming tatlo.

Parang wala lang sa kanya na pinagtitinginan siya,aware ba siyang nakakahiya yung ginagawa niya?

"Hoy Cucy,bakit jan ka kumakain?" Tanong ni Travis.Cucy amp,Lucy kasi yon tanga.

Tiningnan lang siya ni Lucy at tumayo."Tara sabay ka na samin"Jake.

Tumango lang siya,agad kaming pumunta sa pwesto namin.Walang ibang umuupo dito kung hindi kami.hehe

Harburt POV:

When you look at her,you can feel the sadness in her eyes.I don't know pero parang wala kami sa harap niya.
Tuloy-tuloy lang siyang kumakain.

Sobrang tahimik naming lahat,at dahil madaldal si Travis siya ang nagbukas ng topic.

"Oonga pala Cucy,bakit ka dito nag-aral? Tanong ni Travis, Cucy ang potek!tanga Lucy yon!

Sumubo muna siya at nag isip bago magsalita.

" gusto ko din yang itanong sa mama ko " sabi niya sabay subo ulit.ibang klase

"Bakit ang tahimik mo?hehe kasi kadalasan sa babae madaldal" Tanong nanaman ni Travis.Kulit

"Wag mong sabihin sakin na babae ka?" Agad silang nagtawanan pero si Travis mukhang tangang nakatingin pa rin.slow

"Lucy,right?" Tanong ni Walter agad namang tumango si Lucy.

"Lucy pala Hindi Cucy hihihi" mahinang bulong ni Travis.Oo tanga

"Bakit sa sahig ka kanina,kumakain?if you don't mind me asking" Walter.

"Wala kasi akong bakanteng pwesto na makita kanina,maliban dito sa pwesto niyo.pero may nakapagsabi kasi sakin na may nakaupo na dito"
Mahabang sagot niya.
So bakit mo nga naisipang sa sahig?may sayad ka ba?

"Mukha naman kasing malinis yung inupuan ko kanina kaya,don na ako kumain" dugsong niya pa.Nabasa niya ba isip ko?

Akma siyang tatayo ng kapitan siya ni Jake sa braso,anak ng...

"San ka pupunta?" Jake.

"Tapos na ako kumain,isasauli ko na toh" she's pertaining to the tray.

Stupid,pwede mo naman kaming hintayin.

Pero lumakad na siya.....

Lucy's POV:

Umalis na ko dahil tapos nanaman akong kumain.isasauli ko na din itong tray na hiniram ko.

Sa totoo lang naiilang ako sa kanila,yung tingin kasi nila sakin kakaiba.pero salamat na din at may naupuan ako.hihi

Nakakailang hakbang pa lang ako pero......

May bumunggo sa braso ko.Medyo malakas,dahilan para mabitawan ko ang tray na kapit ko.

Agad natapon ang mga pinagkainan ko bwesit lang!

Tiningnan ko kung sinong may gawa,babaeng makapal ang mukha.Este make -up

Agad Kong pinulot yung mga natapon baka pagalitan pa ako nito nakakainis.

May malapot akong naramdaman sa buhok ko,nang kapain ko. sauce!

Naiinis na ako sobra,pero ayokong makarating ito Kay mama.Dahil paniguradong magagalit siya.

Hindi ko na pinansin yung babaeng coloring book ang mukha.At agad ko ng isinauli ang tray na hiniram ko.Syempre bago lumabas madadaan ko pa din siya.Pagkatapat ko sa pwesto niya.

Tatapunan niya sana ako ng iniinom niya ng biglang...

May tumabig nito at sa halip na sakin matapon bumalik don sa babaeng makapal ang make-up

Tiningnan ko kung sinong tumabig......

Bakit nandito ito?

TENENENENEN........

Notes: ito lang ang nakayanan ko sa first chapter.hehe
Kung naguhuluhan kayo,bahala ka dyan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro