Track 17: That's When
Walong taon na simula noong mabigo ako sa pag-ibig dahil 'yung taong gusto ko ay may gustong iba. Pero hindi ko inakala na dahil sa relasyon ni Alyssa at ng best friend kong si Eliezar ay dalawang puso ang masasawi. Kami ni Blake. Best friend siya ng gusto ng taong dati kong gusto.
Dahil pareho kaming nabigo ni Blake sa pag-ibig ay naging malapit kami sa isa't isa. 'Yung kabiguan namin mas dinama namin habang magkasama kaming dalawa. Magkasama kaming umiinom at umiiyak. Hanggang ang iyak ay napunta sa tawa at ngiti dahil pareho nang nakalimot sa sakit.
“Iyon ang pinakamagandang naging dulot ng kabiguan ko, Jersey. May nakilala akong isang magandang babae. At ikaw 'yon."
Kalaunan ang pagkakaibigan namin ay napunta sa mas malalim na relasyon. Matapang niyang sinabi sa akin na gusto niya ako. Lahat ng klase ng bulaklak ay ibinigay niya sa akin. Walang takot siyang humarap sa mga magulang ko para ipaalam sa mga ito ang nararamdaman niya at laking pasasalamat namin noong buong puso siyang tanggapin nila Mama.
Ngayon nga ay apat taon na kami sa aming relasyon. At kasalukuyang sinusubok ang aming pagmamahalan. Nagkalayo kami ng dalawang buwan dahil na-assign siya sa isang branch ng restaurant nila sa Pangasinan. Aaminin kong naging mahina ako dahil noong mga araw na miss na miss ko na siya at nagungulila sa kanya ay nasa tabi ko palagi si Third—ang officemate ko. At sa mga araw na iyon ay pinapasok ko siya sa buhay ko para matakpan ang lungkot na nararamdaman ko.
Noon pa man ay alam ko na ang pagtingin ni Third sa akin at ilang beses ko na siyang iniwasan. Pero hindi ko matanggap sa sariling naging marupok ako matapos naming magkalayo ni Blake. Ilang date ang pinaunlakan ko. At umabot pa iyon sa puntong hindi ko na napigilan noong ilapit niya ang mukha sa akin at halikan ako. Tumugon ako. Tumugon ako. At kung kailan nangyari na, saka pa lamang ako nagising sa katotohanang napakalaking kasalanan ng ginagawa ko. Hindi lang para kay Blake, kung 'di sa sarili ko at kay Third.
Humihingi ako ng tawad kay Third at sinabing itigil na namin iyon. Naghintay ako sa pagbabalik ni Blake para aminin ang nangyari at humingi ng tawad. Pero hindi pala madali. Noong makita ko na siya ay nilamon ako ng sariling konsensya. Hanggang sa naudot nang naudlot ang pag-amin ko.
"May malaki akong kasalanan, Blake." Sa wakas. Makalipas ng ilang araw na pagkumbinsi sa sarili ay nagawa ko ring sabihin iyon. Pero hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Doon pa lang alam ko nang alam na niya ang tungkol doon. "Paano mo nalaman?"
"Nakita ko si Third kanina sa labas ng bahay. Humingi siya ng tawad sa akin. Akala niya siguro alam ko na ang tungkol doon."
Buong buo ang pananalita ni Blake. Wala ang sigla na palaging maririnig kapag magkausap kami. Pero hindi ko rin maramdaman ang malungkot na tono doon tulad kapag nagkakatampuhan kami. Nanatili ang isang dipang distansya namin sa isa't isa kahit nakikita niya akong umiiyak. Hindi niya ako niyayakap tulad ng palagi niyang ginagawa kapag nasasaktan ako. Ngayon ko masasabing... Sobra ko siyang nasaktan sa pagkakamali kong iyon.
"I'm so sorry, Blake. I'm really sorry."
"Mahal mo pa ba ako?"
Oo, mahal na mahal. Pero hindi ko masabi 'yon, sa halip ibang salitang ang lumabas sa bibig ko. "I need time... and space, Blake."
Paulit-ulit siyang tumango habang malalim ang pagkakatitig sa akin. "I know."
Umalis ako noong gabing iyon sa bahay niya at umuwi sa amin sa kadahilanang mas nasasaktan ako tuwing nakikita siya. Para akong pinaparusahan dahil kapag nakatitig ako sa kanya ay mas naaalala ko ang pagkakamali ko. Ilang linggo kong pinagalitan ang sarili dahil nasaktan ko siya. Nasaktan ko ang taong pinakamamahal ko. Araw-araw kong iniyakan ang pagkamiss ko sa kanya. Gustong gusto ko nang tumakbo pabalik sa kanya, pero natatakot akong baka hindi niya na ako matanggap dahil sa pagkakamali ko. Takot na takot akong baka wala na akong babalikan pa. Baka mawala na siya sa akin nang tuluyan.
I called her. Umiiyak akong nagmakaawa na sana ay tangapin niya ulit ako at patawarin.
"Kalimutan na natin ang mga nangyari. Iwan na natin 'yon sa nakaraan."
"K-Kailan ako pwedeng bumalik?"
"Kahit kailan, Jersey. Pwedeng kahit kasisimual pa lang ng araw. O kahit ano pang panahon. Maghihintay ako. Handa kang tanggapin nang buong buo."
At wala na akong sinayang na pagkakataon. Agad akong tumakbo pabalik sa kanya. At nakita ko siya naghihintay sa labas ng aming bahay. Nakikita ko ang nakangiti niyang mukha.
"Salamat, babe. Salamat sa muling pagtanggap sa akin."
"Pero naiisip mo naman ba ako habang magkalayo tayo?"
"Walang oras na hindi kita naisip, Blake. Pagkagising ko pa lang sa umaga at tuwing umaaraw o umuulan ikaw ang naaalala ko. Kapag tumatawa at umiiyak ako ikaw ang nasa isip ko. Mahal na mahal kita, Love."
"Namiss kita nang sobra, Jersey. Mahal na mahal din kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro