Track 16: Fifteen
"I'll just wait you here. . . OK, bye!"
Pinatay ko ang tawag at inilapag ang cellphone sa lamesa na nasa harapan ko. Kinuha ko ang tasang naglalaman ng kape na inorder ko at inilibot ang paningin sa buong coffee shop kung saan ako naroon.
Humihigop ako sa kape ng maulinigan ang pamilyar na kanta. Mapait akong napangiti ng marinig na bagong version iyon pero ganoon pa rin ang pakiramdam na ibinibigay sa aking puso. Iyon ang kantang nakakapagpaalala sa akin ng nakaraan. Nakaraan na sobrang sakit ang idinulot sa puso ko. Nakaraan na unti-unting bumalik sa aking alaala. Nabubuo na parang isang larawan sa aking isipan.
2012
"Ayoko nga! Nahihiya ako!"
Pilit akong nagpupumiglas sa paghila sa akin ng bestfriend kong si Marjorie. Gusto niya akong isama sa train sation dahil may ipapakilala daw siya sa akin.
"Ang KJ mo talaga kahit kailan!" naiinis na aniya ng tuluyan na akong nakawala sa pagkakahawak niya. Masama na ang tingin niya sa akin ngayon.
"Ayoko nga, e! Bakit ba namimilit ka?" masungit kong sabi habang pinapagpagan ang uniform ko kahit wala naman 'yong dumi. Medyo nagusot nga lang dahil sa paghihilahang ginawa namin ng kaibigan ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo?" mahinahon na niyang tanong pero masama pa rin ang tinging ipinupukol sa akin.
"Nahihiya nga ako. Paulit-ulit?"
"Ang arte nito," aniya na inirapan ako. "Tara na kasi!" maya-maya ay nakangusong sabi niya.
"Sino muna kasing ipapakilala mo? Pa-secret-secret ka pa kasi. Ikaw ang maarte diyan, e."
"Sige na nga, sasabihin ko na," aniya na lumapit pa sa akin at bumulong sa tenga ko. "Si Rye."
Napanganga ako ng marinig ang pangalang iyon. Pangalan na nakakapagpangiti sa akin marinig pa lang iyon. Pangalan na gustong gusto ko laging binabanggit. Pangalang ng taong hinahangaan ko.
Lumayo si Marjorie at napangiti ng malaki nang makita ang parang nagulantang kong itsura. Ang OA ko, 'no? Oo, ganoon talaga. Basta tungkol kay Rye nagiging OA ako. Tulad ngayon.
"Ano ba 'yan! Bakit 'di mo agad sinabi?! E'di sana kanina pa tayo do'n!" Natawa siya dahil sa pagmamaktol ko.
"Ang arte mo kasi! Nawala tuloy ang suprise!"
"Tara na bilis!"
Ako na mismo ang humawak sa braso niya at humila sa kanya na lalo niyang ikinatawa. Parang sasabog ang bata kong puso sa sobrang saya. Hindi na ako makapaghintay na makita si Rye.
By the way, I'm Abigail, fifteen years of age. 4th year high school student. Classmate ko ang bestfriend kong si Marjorie. Kaibigan naman ng kapatid niya, na si Jomar, si Rye. At si Rye naman ang crush ko. 3rd year college na si Rye sa kursong Information Technology or IT.
Matagal ko na namang kilala si Rye dahil parati ko siyang nakikita sa bahay nila Marjorie tuwing tatambay ako do'n. Magkapitbahay lang kasi sila. Minsan nga ay ginagawa ko nalang sahilan si Marjorie. Pero hindi ko pa siya nakikilala ng pormal kaya naman sobrang saya ko ngayon at hindi na mawala ang ngiti sa labi ko.
Nabubuo na agad sa isip ko ang gusto kong gawin mamaya. Makikipagkamay ako kapag ipinakilala na kami sa isa't isa. Gusto ko kasing malaman kung malambot ba ang kamay niya. Pero okay lang kahit hindi. Gusto ko pa rin siya kahit ga-bakal na ang tigas ng kamay niya.
Gusto ko ring malaman kung mabango siya. Pero sigurado naman akong mabango siya kahit hindi ko siya amuyin. Malinis kasing tao si Rye at isa 'yon sa mga nagustuhan ko sa kanya. 'Yung tipong kahit kuko niya sa paa ay tinitingnan ko at mapapasabi ako ng perfect sa sobrang linis.
Gwapo rin siya. Describe ko pa? 'Wag na! Basta kung anong alam mo sa salitang gwapo ay ganoon. Kayumanggi ang kulay. Paano ba naman napakahilig magbastketball kahit tirik na tirik ang araw. Minsan tuloy gusto ko siyang abutan ng towel. Tapos ako na rin ang magpupunas sa kanya with matching painom na rin ng tubig. O, di ba? Napaka-supportive ng future girlfriend niya. Tapos-
"Hoy, baliw!"
Nawala ako sa mga naiisip ng may tumampal sa pisngi ko. Pero hindi yata dahil sa tampal na iyon kaya masakit ang panga ko, kung 'di dahil sa pag ngiti. Natawa nalang ako sa mga naisip kong iyon kanina at itinuon ang atensyon kay Marjorie na kasama ko nga pala.
"Ngiting ngiti ka diyan! Nandito na tayo!" asik ni Marjorie.
Inilibot ko ang paningin ko sa train station na parang magiging bahay na ng mga multo. Hindi na kasi nagagamit ito. Ewan ko kung bakit. Itatanong ko pa. Anyway, bakit hindi ko makita ang multo este si Rye?
"Nasaan na si Rye?" tanong ko habang inililibot pa rin ang paningin bago tumingin kay Marjorie na nakaharap na sa cellphone niya na de-tiklop.
"Nand'yan na sila."
"Saan?"
"Ayun, oh!" Turo niya sa waiting shed na hindi naman kalayuan sa kung nasaan kami.
Nakita ko si Rye na naka-uniform pa rin. Bagay talaga kami! Kasama niya si Jomar at isa pang hindi ko kilalang lalaki na may hawak na camera na nakatutok kay Rye habang nagsasalita ito.
"Bakit hindi pa tayo nalapit do'n?" tanong ko kay Marjorie habang nanatiling nakatingin kina Rye.
"Mamaya. May ginagawa pa silang project."
"Ano ba 'yan! Ang tagal!"
"Maghintay ka aba! Excited?"
Naghintay kami ng ilang minuto pa bago ako yakagin ni Marjorie papunta roon. Pero ito kami at naghihilahan na naman tulad kanina.
"Ayoko na! Nahihiya na ako!"
"Nandito na tayo, e. Tsaka nasaan na ang tapang mo? Tara na kasi!"
"Pilitin mo pa 'ko!"
"Ang arte mo!" aniya na hinatak ako.
Tuluyan na akong nagpadala kay Marjorie pero sobrang kaba ang nararamdaman ko. Biglang umurong ang tapang ko. Natatakot ako na baka hindi ko mahawakan ang kamay niya dahil baka umiral ang pagiging mahiyain ko. Mayroon ako no'n. Hindi lang halata. Pero buti nalang siya na mismo ang nag alok ng kamay niya. At tama nga ako, malambot nga ang kamay niya.
"Iwanan na muna namin kayo. Maglilibot lang kami."
Laking pasalamat ko kay Jomar dahil gumawa ito ng paraan para masolo ko si Rye. Nakausap ko tungkol sa maraming bagay si Rye at mas nakilala ko siya. Kinuha niya rin ang cellphone number ko at simula no'n ay naging malapit kami sa isa't isa at naging magkaibigan. Labis na saya ang nararamdaman ko dahil doon. At parang lalabas na ang puso ko sa sobrang saya ng magsabi siyang manliligaw siya sa akin.
"Rye, tayo na. Sinasagot na kita."
Sinagot ko siya makalipas ang tatlong buwan. Sobrang saya ko ng mga panahong magkarelasyon kami. Iniisip ko nga na siya na ang gusto kong makatuluyan. Na siya ang gusto kong mapang-asawa. Oo, naisip ko iyon kahit fifteen pa lamang ako. Dahil ganoon naman talaga kapag nagustuhan mo ang isang tao. Iisipin mo ang kinabukasan na siya pa rin ang kasama.
Pero habang tumatagal ang relasyon namin ay nakakaramdam ako ng pagkasakal dahil lahat na lang ay pinagselosan niya at umabot iyon sa puntong nakipag-cool off na ako sa kanya.
"Nakakasakal na. Wala naman akong ginagawang mali pero kung makapagselos ka ay para bang lahat ng lalaki ay nilalandi ko."
"Nagseselos lang naman ako dahil mahal kita, Abigail."
"Pero wala na sa lugar ang pagseselos mo, Rye! Hindi na nakakatuwa! Lahat na lang ng kilos ko kailangan alam mo. Nakakasakal! Nakakapagod!"
"Kaya makikipaghiwalay ka? Ganoon lang ba kadali ito sa'yo?"
"Hindi ko sinasabing maghiwalay tayo. Magpapahinga lang tayo, Rye. Baka kailangan lang natin 'yon."
Nakagraduate ako ng high school at sa ibang bayan ako mag-aaral ng college. Nang mga oras na iyon ay hindi pa rin kami maayos ni Rye. Umalis ako sa lugar namin at nag-aral sa bayan ng hindi kinakausap si Rye.
Dahil unang taon sa kolehiyo ay nangangapa pa ako.
Naging abala ako sa pag-aaral pero parati siyang nagte-text sa akin kaya panatag ang loob kong mahal niya pa rin ako. Ginawa kong inspirasyon si Rye para mapagbutihan ko ang pag-aaral ko.
Natapos ang unang taon ng kolehiyo. Excited akong umuwi sa bayan namin at makita si Rye. Gusto ko siyang makita at sabihing ayusin na muli ang kung ano mang meron kami. Pero palagay ko ay huli na ako. Oo, huli na ako. Dahil nalaman ko kay Marjorie na nakabuntis si Rye. Umiyak ako ng umiyak no'n kay Marjorie. Hindi lang isang araw, kung 'di maraming beses. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
At fifteen, pakiramdam ko ng mga panahong 'yon na iyon na ang pinakamalupit na pagsubok sa akin ng tadhana. Pinanghawakan ko ang mga sinabi niyang mahal niya ako. Kahit noong hindi kami nagkikita ay ipinaramdaman niya iyon at pinaniwalaan ko iyon.
Hindi na kami nagkita pa ulit ni Rye. First love, first heartbreak. First heartbreak na mahirap kalimutan. Ganoon ko siya maituturing dahil hindi lang naman sakit ang ibinigay niya. Binigyan niya rin ako ng aral na dala-dala ko hanggang sa natuto ako.
Iyon ang nakaraan na masakit man ang idinulot sa akin pero hindi ko pinagsisihan na naranasan ko dahil sa aral na ibinigay no'n sa akin. Aral na sa edad na fifteen, masyado pang bata para ibigay ang lahat. Para ibigay ng buo ang puso mo. . . At para umibig.
Ngayon ay wala na akong balita kay Rye dahil matagal na kaming nakaalis sa bayan na iyon. Sa ngayon ay isa na akong writer. Hindi man ito ang tinapos kong kurso pero masaya ako sa aking ginagawa. At ang isa pang nakakapagpasaya sa akin ay ang taong ngayon ay nakangiting naglalakad palapit sa akin. Ibinababa ko ang tasa sa lamesang nasa harap ko at tumayo para salubungin siya ng yakap.
"Hi, Love!"
the end
a/n: This is inspired by true story. Sana ay magustuhan mo. Sana ay magustuhan ninyo.
Thank you for reading! ❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro