Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

One

Habol ang hininga kong tinakbo ang classroom ko sa third floor dahil second subject na at ayokong ma-late kay Ma'am Gomez sa elective subject nya na International Marketing.

Paborito ko ang subject na yun dahil yun ang target ko pagkagraduate ko.

Gusto ko makilala ang magiging negosyo ko hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Naabutan kong nagtatawanan ang mga kaibigan kong sila Louissa at Trina sa kanilang mga upuan.

Hingal na sumilip muna ako kung nandun pa si Mr. Lim bago dumiretso sa upuan ko sa gitna nila Loui at Trina.

"Wew! Ano nangyare sa Strat Management?" Tanong ko habang pinapaypayan gamit ng aking kamay ang sarili ko.

"Nako! Lagot ka! Bad mood na nga si Sir, andami pa daw absent ngayon. Ayun nagpa pop quiz sya!" Kwento ni Trina.

"Hala! Ilang items ang quiz? Tungkol saan?" Sunod-sunod kong tanong habang mabilis na binuklat ang aklat na dala ko na hindi ko pala magagamit.

"Bakit ka ba kasi wala kanina? 1st subject na 1st subject eh." Louissa said sabay iling.

"Nako naman kasi! Naiwan ko sa bahay yung take home quiz naten! Ayoko namang ma-zero don! Take home na nga, zero pa!" Singhal ko.

"Gaga! Hindi ka ba nagbabasa ng group chat? Bukas na daw ipapasa! Wala si Ma'am Cuevas ngayon. May sakit daw anak nya. Sabi ni pres sa gc kagabi." Sabi ni Trina.

"Anooo!" I exclaimed at biglang pasok ni Ma'am Gomez dala ang kanyang laptop at mahiwagang class cards.

"Omg! May recit ba ngayon?" Louissa whispered, her eyes wide.

"Baka naman sa kabilang class yan?" I whispered back and all of us greeted her and sat down.

"Ok, who's ready for graded recitation today?" Ma'am Gomez grinned and the whole class groaned in response.

"Malas!" Narinig namin sila Natasha at Flora na nagreklamo sa likod.

Wish ko lang naalala ko pa mga inadvance reading ko sa Good Governance kagabi!

Lumipas ang mahigit isang oras na lecture at tumunog ang bell hudyat ng susunod na klase para sa ibang kurso at lunch break para sa amin.

Sabay-sabay kaming tumayo bitbit ang aming mga bag at laptop at nagtungo sa usual spot namen sa cafeteria.

Katulad ng nakagawian, rotation kame kung sino ang magbabantay sa upuan at sino ang mag-oorder ng pagkain.

At ako naman ngayon ang maswerteng magbabantay ng mga gamit.

"Lasagna sa'kin at sour cream na fries. C2 apple na din. Thanks, mga bru!" Sabi ko sa kanila at inabot ang 200 peso bill sa kania at nag-inat ng aking mga braso.

Hindi katulad nung 1st sem, mas tahimik ang cafeteria ngayon, marahil siguro sa malapit na ang midterms at karamihan ay pinipiling maghanap ng lugar na tahimik para mag-aral habang kumakain.

Matapos ang halos tatlumpung minuto, dala na ng dalawa kong kaibigan ang aming mga pagkain.

Hindi na kame nag-aksaya pa ng oras at nagsimula ng kumain.

Tahimik naming inubos ang pagkain at galit-galit muna.

Nang matapos, nagsimula kaming dalhin ang tray sa isang cart kung saan nilalagay ang mga pinagkainan dahil sa CLAY GO policy ng university.

Meron pa kaming natitirang tatlumpung minuto bago ang susunod na klase kaya naglakad-lakad muna kame.

Lima na lang ang subjects namen ngayong semester at 100 hours na OJT sa mapipili naming kumpanya.

Sa ngayong buwan na Nobyembre, pangalawang beses kaming may lecture at ang mga araw na wala kaming klase ay nasa kumpanya kami.

Unahan sa pagpasa ng napiling partner companies ng university ang target ng klase namin ngayon.

"Nasulat mo na ba yung kumpanya nateng papasukan? Balita ko dalawampung estudyante lang ang kukunin kada kumpanya." Biglang banggit ni Louissa pagkarating namen sa labas ng classroom ng last class namen.

"Ah, oo. Sana umabot tayo sa cutoff! Sampung estudyante na daw nakuha sa kabilang section. Hayyy.. Beke nemen ngayon, mapagbigyan na tayo." Sabj naman ni Trina at umupo kaming tatlo sa sahig para maghintay.

Nilapag namen ang mga dala namen sa sahig at pinag-usapan ang magiging plano.

"Bakit ba kasi ayaw mo sa kumpanya nyo, Sheila?" Tanong ni Trina habang inaayos ang palda  nya. "Sana all may sariling kumpanya, diba?"

Napatawa na lang kami ni Louissa sa komento nya.

"Ayoko ng special treatment. Hindi ko magagawa ang trabaho ng palaging VIP ang tingin ng mga tao sa akin." Mabilis kong sagot.

Ang mga magulang kasi namin ni Sheena ay may-ari ng Sizon & Taylor Co. Isang kumpanya na responsable sa mga tela at iba pang mga materyales na ginagamit para sa paggawa ng gowns at iba pang clothing apparel.

"Kung sabagay. Hindi mo mahahasa ang talagang kakayahan mo kasi sa background mo sila nakatingin. " Pagsasang-ayon ni Trina sa akin.

"Andyan na si freak." Biglang bulong sa akin ni Louissa na nakaupo sa kaliwa ko.

Nag-angat ako ng tingin at napansing mag-isa syang nagbabrowse ng libro sa susunod naming subject.

Katulad ng dati, ang classmate namen na binansagan nilang 'freak' ay nagpapakabusy na naman sa pagbabasa.

Sa sobrang talino nya, may mga namamangha at ang ibang naiinggit ay sila pang may gana na ibully siya.

Mukang napansin nyang nakatitig ako sa kanya kaya tiningnan nya ako.

Napaiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng mga gamit sa loob ng bag ko.

Maya maya ay agad kaming tumayo dahil naglalabasan na ang mga naunang nagklase sa room namin.

Ng makalabas na lahat, dumiretso na kame sa pwesto namin at hinintay si Mr. Toribio na pumasok.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro