chapter twenty-two | the last word
"Three!" we all screamed together just as Gil pulled the trigger, successfully hitting the guard's back.
Handang-handa na akong bumangon at kumaripas ng takbo—at sa tingin ko ay gano'n din silang lahat—pero pare-pareho kaming nagulat nang hindi binitiwan ng guwardiya ang paa ni Arnold. Bagkus, bigla itong huminto sa paglalakad at unti-unting humarap sa amin.
Umalingawngaw ang napakalakas na sigawan naming lahat nang makita ang dilat na dilat at walang kaemo-emosyong mukha ng guardiya. Mas tumindi pa ang sigawan namin nang bumuka nang pagkalaki-laki ang bibig nito, tila ba isang halimaw na nagngangalit.
Sa sobrang takot, lalo kaming nagyakapan ni Arnold. Naramdaman ko ding yumakap sa amin sina Langaw, Bogart, at Rambo mula sa likuran. Still lying on the ground, the five of us hugged and screamed like crazy. Only Gil had the presence of mind to stand up as he continued to pull the trigger.
Gunshots rang out as we continued to scream at the top of our lungs.
"Ulo! Ulo! Tamaan mo sa ulo!" I cried out repeatedly but Gil kept missing the shots.
And then the most horrible thing happened . . .
"Ubos na ang bala ko!" sigaw ni Gil habang paulit-ulit na kinakalabit ang gatilyo. "Audrey, ang baril mo!"
Napasinghap ako sa narinig. Gusto ko biglang kutusan ang sarili ko dahil nawala sa isip ko ang baril na nasa bulsa ng jacket ko.
I quickly pulled out the gun from my jacket's pocket, but before I could drag down the safety lever, Langaw started screaming his head off again while pointing at the corridor to our left.
"Parating na sila! Takbo!" sumigaw si Gil at naramdaman ko ang paghigit niya sa kamay ko at paghatak sa akin patayo.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang ilang anino ng mga taong naglalakad patungo sa amin. Ilan sa kanila ay mabagal ang paggalaw, ngunit may ilan ding mabibilis ang paglalakad. We couldn't see their faces clearly, but we could tell that they were heading for us . . . and they were coming for bloodshed after hearing our screams of terror.
"S-Si Madam Lauraaaa!" Umalingawngaw naman bigla ang napakalakas na sigaw ni Rambo at paglingon ay nakita nga namin ang lola ni Bogart na naglalakad pababa ng hagdan, patungo sa mismong kinaroroonan namin.
"Oh, fuck this!" sumigaw si Arnold nang pagkalakas-lakas. Sa sobrang takot niya ay siya na mismo ang nagtanggal ng kamay ng guardiya mula sa kanyang paa! Kumaripas agad ng takbo ang lintik at nilagpasan kami.
Seeing Arnold run past us, we jumped up and bolted too. Hindi na namin hinintay pa ang reaksiyon ng guwardiya.
From where we were standing, we had three paths to choose from—the left corridor, the right corridor, and the dark grassy campus grounds leading to the gates.
Dahil mula sa left corridor ang mga paparating na anino, didiretso na sana kami sa right corridor. Kaso, habang tumatakbo patungo rito, nakita namin ang isang lalake na lumabas mula sa isang classroom habang may dalang itak na balot ng dugo. Saka ko na lang din napansin ang anino ng mga katawang nakabulagta sa paligid ng corridor.
"Doon!" giit ni Gil sabay turo sa napakadilim na campus grounds.
I wanted to argue. Rain was still pouring hard and it was literally pitch black. Going through the campus grounds was like going to the battlefield wearing blindfolds. However, one way or another—kahit sa left or right or corridor man ang daang tahakin namin—kakailanganin pa rin talaga naming dumaan sa napakadilim na damuhan.
"Hawakan n'yo ang kamay ng isa't isa para hindi magkawalaan at wala nang gagawa ng ingay!" Gil announced, holding on to my hand tightly as we ran to the darkness. Terrified to lose him in the dark, I held his hand back.
I was about to turn on my headlamp when I realized that I was no longer wearing it around my forehead. It must've fallen off either when I tackled Madam Laura or when we fell down the stairs.
"S-Sandali!" Narinig kong suminghap si Arnold at naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Hahawakan ko sana siya pabalik upang masigurong hindi kami magkakawalaan sa dilim pero hawak ko pa rin ang baril. Wala akong nagawa kundi umasahang hindi kami magkakahiwa-hiwalay . . . at magdasal na sana'y wala kaming makakasalubong na sleepwalker sa dilim.
Ilang beses kong gustong magmura dahil sa sobrang dulas at maputik ng tinatakbuhan namin. Maya't mayang bumabaon ang mga paa ko sa putik hanggang sa naramdaman kong naiwan ang kaliwa kong sapatos. Imbes na pulutin at balikan, hinayaan ko na lang dahil baka ito pa ang ikapahamak ko o ng mga kasama ko.
"S-Sigurado ba kayo sa dinadaan natin?" Narinig kong may umiyak. Sa tingin ko ay si Langaw iyon.
"I know this place at the back of my hand! Trust me and just shut up!" I claimed, not because I was confident, but because someone needed to be. Panic will only make things worse for us.
Besides the sleepwalkers, rain was already pouring hard and the strong winds were merciless. If we panic, we'll be as good as dead.
And just when I thought it couldn't get any worse, it did when I began to notice the screaming from different directions. Some were screaming for help, some were screaming out of fear. Oo nga't marami nang nagtakbuhan paalis, pero may mga kagaya namin na natagalan sa pagtakas. Ang masaklap ay wala na kaming magawa para sa kanila. We were fighting to survive too.
Kung puwede lang mailigtas ang lahat . . . pero imposible na.
Nakakapanlumo. Nakakalungkot. Nakakagalit.
"G-Guys may humahabol sa likod!" Humiyaw nang pagkalakas-lakas si Arnold. Sa sobrang takot ay binitiwan ako ng lintik at narinig ko ang yabag niyang nauna na sa pagtakbo.
"Jordan, paputukan mo na! Paputukan mo na! Jordan!" Narinig ko ang tarantang bulalas ni Rambo.
My sense of direction was a mess. It was literally too dark. I couldn't risk it. Mamaya isa pa sa kanila ang matamaan ko.
"Run faster!" sigaw ko na lamang.
It was terrifying. It felt like any minute something would pop up right in front of me to hurt and kill me. Any minute, someone would suddenly drag me from behind and kill the shit out of me.
"Guys! Nandito na yata ako sa gate! Bilis! Bilis!" Narinig namin ang makapanindig-balahibong sigaw ni Arnold.
I wanted to kill him for making too much noise, fearing he would attract the sleepwalkers. But then I realized, he was also the hope we needed to get through the dark faster.
"Arnold keep screaming! Keep fucking screaming!" Halos mapatili na ako. "We'll follow your voice! Keep screaming! Start finding the way out! Guys, follow Arnold's voice!"
They didn't need any more prodding. Arnold started screaming his head off. "Dito! Bilis dito! Nandito ako! Takbo!"
The rest of us followed his voice as fast we could.
"Guys, naka-lock!" biglang sigaw ni Arnold, dahilan para magsitayuan ang mga balahibo ko. 'Yong mga naunang tumakas na evacuee . . . baka may nag-lock ng gate para huwag silang masundan ng mga sleepwalker!
"Akyat na! Bilis! Akyat!" Umalingawngaw ang nakabibinging sigaw ni Bogart at wala sa sarili akong lalo pang napakaripas ng takbo.
"May papalapit sa 'kin! Putangina! May papalapit sa akin! Sino ka?! Huwag mo akong patayin!" biglang lalong nagsisigaw si Arnold.
"Sapak lang nang sapak, Nold!" Narinig kong sigaw ni Rambo. "Parating na kami! Sapak lang nang—"
"Hoy sandali ako 'to! Huwag mo akong sapakin!" pagmamakaawa ni Langaw na siya na palang naunang makarating sa kinaroroonan ni Arnold.
It was so dark and confusing. My throat was burning from screaming so much, while my body was shivering cold and terrified. But then, it felt like a miracle happened. I began to see the solar-powered lamp just beside the guard house. It was a faint little light, but it was enough hope for me.
"Malapit na tayo! Takbo lang nang takbo!" I screamed, unsure of where the rest are. I was only sure of one thing—Gil was running beside me, holding my hand tightly. Himalang nakakasabay ako sa bilis niya at hindi pa nakakaladkad.
Gil and I only slowed down by the time we were steps away from the guard house. And when we reached the gate, I felt like we finally crossed the finish line . . . but that was far from reality.
The gate was made of large vertical metal bars, kagaya lang ng kulungan sa police station. I remember they designed it this way so students or outsiders would have a hard time climbing in or out. Literal kaming mahihirapan!
Our more terrifying situation only dawned on me when I realized that there were footsteps just behind us . . . running toward us.
Dali-dali kong sinandal ang likod ko sa malamig na bakal ng gate at tinaas ang baril na hawak ko. "Dumikit lang kayo sa gate! Baka tamaan ko kayo!"
"Guys, akyat bilis! Nandito ako sa tuktok! Akyat na rito!" sigaw nang sigaw si Arnold, at totoo nga dahil parang nanggagaling ang boses niya sa taas.
"Nasaan ang lock?! Barilin n'yo na ang lock!" Nagsisigaw si Bogart.
I was about to look for the lock but then I realized the very reason why it was locked in the first place.
"Hindi tayo makakalayo kung may hahabol nang hahabol sa atin!" giit ko. "Akyat! I'll cover your asses! Akyat!"
"Akin na ang baril! Audrey, umakyat ka na!" sigaw ni Gil at naramdaman ko ang pagkapa-kapa niya sa mga braso ko. "Akin na ang baril! Arnold, hilahin mo na si Audrey! Bilis!"
"Vigoria nandito ang kamay ko! Nasaan ka?!" sigaw naman ni Arnold.
"Gil, hindi ako magpapaiwan! Sasabay ako sa inyo! Akyat na bilis! Arnold, talon na sa labas!" giit ko naman. There was no way in hell I would sacrifice myself. I still needed to find Masha. I still needed to figure out who the hell was responsible in all of this.
Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman kung saan nanganggaling ang mga yapak. As much as possible, I didn't want to shoot yet. Shooting means pointing where we really were. Maingay na nga kami, magpapaputok pa ako.
Binitiwan ako ni Gil at narinig ko ang pagkalansing ng gate, palatandaang nagsimula na siyang umakyat. I took another deep breath and kept the gun raised, preparing myself. I was confident of my shooting skills, but never in the dark. Bahala na.
Every sound made me flinch. The sound of rain and thunder were so loud that I was starting to doubt my own hearing.
Paano kung nasa malapit ko na pala si Madam Laura o kung sino mang lintik na sleepwalker? Paano kung biglang may sumakmal sa akin mula sa gilid? Nieta! Baka may katabi na pala akong sleepwalker at hindi ko lang alam!—kung ano-ano ang na-i-imagine ko sa dilim. Nakakasira ng bait sa sobrang takot!
"Audrey, abutin mo ang kamay ko bilis!" sigaw ni Gil kaya naman nanginginig akong napahawak sa bakal na gate na nasa likuran ko. Nangapa-ngapa pa ako, naghahanap ng puwedeng makapitan.
Napalingon ako sa direksiyon ng solar lamp. Sapat ang liwanag ng lamp para maaninag ko ito, pero sa sobrang layo ay hindi sapat ang lakas nito para mabigyan ako ng liwanag sa paligid ko—unless kung kukunin ko mismo ito at gagamitin nang malapitan.
"Sandali lang, kukunin ko ang—Nieta! May papalapit na talaga!" Nagtitili ako sa sobrang takot nang makarinig ng malalakas at mabibilis na mga yapak na para bang putik na tumatalsik. Someone was literally running toward us now—no, it was more like sprinting!
"Hindi ko maabot! Nietaaaa!" Napatalon-talon ako at napahampas-hampas sa gate, tarantang hinahanap ang puwede kong makapitan paakyat. Narinig ko namang may nagsigawan mula sa ibabaw ng gate.
"H-Hoy, sandali! Huwag n'yong hampasin ang gate! Gumegewang! Gumegewang! Baka malaglag kami! Sandali!"
"Shit! Shit! Shit! Sasabit ang pantalon ko! Huwag kayong gumalaw!"
"Tumalon na kayo bilis! Ako na ang bahala sa kanya!"
"Sino na lang ang natira?! Si Jordan ba?!"
"Audrey, ang kamay mo! Nasaan ang kamay mo!" Tarantang sumisigaw si Gil. "Abutin mo ang kamay ko!"
"Hindi kita makita! Wala akong maabot! Wala akong makita! Shit—M-Meron na! Meron na!" Sa wakas may nahawakan na rin akong makakapitang bakal, pero imbes na makaramdam ng ginhawa, lalo lamang lumakas ang kabog dibdib ko.
Siguro dahil na rin sa adrenaline, nagawa ko ang akala ko'y hindi ko kaya—I was able to lift my own body up the gate using my own strength. Strength that I didn't know I have.
Inihawak ko ang isa ko pang kamay sa hinahawakang bakal, ingat na ingat upang huwag aksidenteng makalabit ang gatilyo ng hawak kong baril.
With my hands holding tightly on some metal bar, I started kicking my feet as it dangled above the ground, trying to find some foundation to help me drag myself up. I took a deep breath and curled my body, just enough for my feet to touch the gate.
I felt like I was Spiderman, holding on the gate with my ass hanging in the air. My stomach was burning. My core wasn't built for shit like this.
"Audrey, akin na ang kamay mo!" sigaw ni Gil.
It was easier said than done. I couldn't see shit. Heavy raindrops kept pouring down my face. The wind was batshit crazy. And I was scared that if I just as much move my hand, I might fall down the ground, ass first. Kung gagalaw man ako, dapat sigurado dahil isang pagkakataon lang mayroon ako.
Sunod-sunod akong nakarinig ng mga kalabog at tilamsik mula sa kabilang dulo ng gate. I couldn't see them, but from the grunts I heard, it sounded like the guys have already jumped over the gate and landed on mud.
"Sandali!" I took a deep breath and tried to hold on as much as I could. "Gil, slap the gate so I can tell where you are!"
Gil slapped the gate. The vibration made me feel like he was just close. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. I made my one hand let go from the metal bar I was holding on and reached up, trying to find his hand.
I perked up when I felt his fingertips touch mine.
"Jordan, aalalayan kita! Apakan mo lang ang kamay ko!" Narinig kog sumigaw si Bogart mula sa kabilang bahagi ng gate. He was standing right in front of me, with only the vertical metal bars of the gate separating us. Naramdaman ko ang paghawak niya sa isa kong paa at pilit itong tinulak paakyat.
"Jordan, ako 'tong hahawak sa'yo! Huwag kang sisipa!" Narinig ko namang sumigaw si Arnold at gaya ni Bogart ay naramdaman ko ang mga kamay niyang lumusot mula sa rehas at humawak sa paa ko.
I've never joined any cheerdance activities before, but at that moment, I felt like a cheerleader as the guys from the other side of the gate tried their best to give me a leg up.
"I got you! I got you!" Gil started yelling when our hands almost touched. "Just one more reach! I got—"
"Oh shit!" Napatili ako nang bigla na lamang may kung anong pumulupot sa baywang ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng puwet ko sa damuhan. Para akong isang bunga na pinitas at tinapon sa sahig!
"Jordan!!!"
Naramdaman ko ang pagkalaglag ng baril sa gilid ko kaya naman taranta ko itong kinapakapa at pinulot. My mind went haywire and I just moved out of instinct—I crawled in the mud until I was able to lean my back against the cold gate. I quickly pulled down the gun's safety, and just started shooting right in front of me.
I could hear Gil and the others screaming for me. Their voices came from either above or behind me, so I didn't worry about accidentally hitting any of them. I just used my instincts and shot at where I felt any movement.
Sa isang iglap, naramdaman kong may kung anong presensiya sa kaliwa ko. itinutok ko rito ang baril, ngunit bago ko pa man makalabit ang gatilyo, bigla na lamang may kung anong liwanag na lumitaw.
Dahil sa liwanag, kitang-kita ko ang walang kaemo-emosyong mukha ng guwardiya na nasa harapan ko na pala. Literal na sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa at wala akong kamalay-malay. Umawang ang labi niyang animo'y umuungol sa labis na galit at umigkas ang kanyang kamay patungo sa ibabaw ng ulo ko.
Napatili ako sa sobrang sakit at higpit ng pagkakahawak niya sa anit ko. Awtomatiko kong itinutok ang baril sa kanyang mukha at kinalabit ang gatilyo nang paulit-ulit, dahilan para awtomatikong magtalsikan ang kanyang dugo't laman patungo sa sarili kong mukha.
Napasinghap ako nang paulit-ulit, ramdam na ramdam ang mainit na dugo sa paligid ng mukha ko . . . at parang nalalasahan ko pa ito.
"Mama . . . Papa . . . " Wala sarili akong napaiyak nang rumehistro sa isip ko ang mukha ng guwardiya na nagkaroon ng isang napakalaking butas. Literal na nawasak ang mukha nito at kitang-kita ko mismo ang loob ng kanyang ilong—o ang natira rito.
Lumuwag ang kamay ng guwardiya na nakahawak sa ulo ko kaya naman dali-dali ko itong inalis. Sinipa ko siya kaagad at kasunod nito ang pagbagsak ng kanyang katawang wala nang buhay.
"Jordan! Akyat!"
Nagkukumahog akong gumapang paharap sa gate at halos mapahagulgol ako sa tuwa nang nang maaninag si Kuya Vito mula sa kabilang dulo ng rehas, kasamang sumisigaw sina Bogart, Langaw, Rambo, at Arnold.
Kuya Vito was holding up the flashlight that allowed me to finally see through the darkness.
"Kuya!!!" Napahawak ako sa duguan niyang kamay na nakahawak sa rehas. I was scared. I was so fucking scared. But at the same time, I was happy to see him. Yes, I was still trapped from the other side of the gate, but seeing him right in front of me, I felt like I was already safe.
"Jordan, umakyat ka na! Bilisan mo!" sigaw ni Kuya Vito sa akin.
Umiiyak akong tumango at mula sa pagitan ng mga rehas ay inabot ko sa kanya ang baril na hawak ko.
With my hands free and my new-found sense of safety in Kuya Vito's arrival, I jumped as high as I could until I reached a horizontal metal bar. I held on to it and began lifting myself up, with the help of the guys from the other side of the gate. And by the time our hands could meet, Gil, who was still waiting for me at the top of the gate, helped me up.
"Are you okay?!" tanong ni Gil nang sa wakas ay pareho na kaming nasa tuktok.
"Ang hirap mapagkaitan ng height!" I cried out jokingly and took deep breaths, preparing to jump.
"Jordan, sandali!" sigaw ni Kuya Vito at tinutok sa amin ang liwanag ng kanyang flashlight. "Kukuha ako ng mapagla-landingan—"
Masyado akong natagalan sa pag-akyat kaya ayoko nang matagalan pa sa pagbaba. Kusa na akong tumalon, walang pagsisisi kahit na nang bumagsak ako sa putik. At least, patas kaming lahat.
"Jordan!" sigaw ni Kuya Vito at dali-dali akong nilapitan at inalalayan. "Okay ka lang ba?!"
Narinig kong may bumagsak sa tabi ko at hindi ko napigilang matawa nang makitang sumubsob si Gil sa putik nang siya naman ang tumalon.
Nagpakawala si Kuya Vito ng malakas na buntonghininga at wala sa sariling naupo sa putik, nakaharap sa amin. He looked so stressed, but relieved at the same time. "Pucha! Muntik akong atakihin sa puso! Akala ko matotodas ka na, Jordan! Akala ko ba doon ka lang sa bahay?! Mabuti na lang naisipan kong dumaan dito at nakita ko ang patrol car—"
Hindi ko na pinatapos pa si Kuya Vito sa kanyang sinasabi at niyakap siya nang mahigpit, hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan at ang putik sa paligid namin. "Let's not split up again! Wala ang mga magulang ko rito kaya pakiramdam ko ay bata ako na walang muwang kapag hindi ka kasama! I can't survive this shit without an adult like you!"
Natawa si Kuya Vito sa pinagsasabi ko at naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. "Nakalimutan mo na bang adult ka na rin? Hindi na bale, huwag kang mag-alala, nakausap ko na si Justin—"
Dali-dali akong bumitiw sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "'Sabing Tina na siya ngayon! Kailan mo ba siya tatawagin sa pangalang gusto niya?"
Bumuntonghininga si Kuya at umiling-iling. "Nakausap ko na ang kapatid ko. Nasabi ko na ang lahat ng mga nangyayari, at naipaalam na niya sa mga pulis roon ang tungkol dito. Kapag daw bumuti-buti na ang panahon, darating na ang tulong. Lumabas na nga raw sa news ang nangyayari rito at nagkakagulo na ang mga reporter doon."
"Talaga? Parating na ang tulong?" bulalas ni Bogart na nakikinig pala sa amin.
Tumango-tango naman si Kuya Vito. "Ang kailangan na lang nating gawin, manatiling ligtas at gising. Habang hinihintay ang rescue at CDC, maghanap tayo ng mapagtataguan—"
Mula sa gilid ng mga mata ko, pansin kong nag-uusap sina Rambo, Langaw, at Arnold malapit sa gate kaya naman napunta sa kanila ang atensiyon ko. Natakot ako na baka may kung anong humila sa kanila mula sa mga rehas kaya naman dali-dali akong napatayo. "Guys, lumayo nga kayo diyan sa gate! Mamaya may kamay na humila sa inyo diyan—Rambo!"
Umalingawngaw ang sigawan naming lahat nang mangyari ang kinatatakutan ko.
Mula sa pagitan ng mga rehas ng gate, mayroong biglang humila kay Rambo hanggang sa mapasandal ang mismong katawan niya sa mga bakal. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, namalayan na lang namin na may braso nang pumulupot sa kanyang leeg at baywang.
"Rambo!!!"
While Arnold and Langaw froze on the spot, Kuya Vito was the first to come to Rambo's rescue. Dali-dali niyang hinila ang brasong nakapulupot sa leeg ni Rambo, ngunit tila ba napakalakas nito. Sa sobrang lakas, halos hindi na makahinga o makasigaw man lang si Rambo dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito. Pakiramdam ko nga'y kayang-kaya nitong pilipitin ang katawan ni Rambo hanggang sa lumusot ito sa pagitan ng mga rehas.
Gil, Bogart, and I—the three of us quickly ran to them and helped.
"Kayo sa braso na nasa sikmura, kami ni Jordan sa leeg!" ma-awtoridad na sigaw ni Kuya Vito na agad din naming sinunod.
The moment I touched the arm around Rambo's neck, I shivered when I felt how strong and cold it was. Still, I did my best to help in getting it to let go of Rambo. However, no matter how much we tried, the arms were just too strong. It felt as if Rambo was already a goner.
"Flashlight! Flashlight!" Nagsisigaw si Kuya Vito nang mabitiwan niya ang flashlight. Tila nakabawi naman sa gulat si Arnold at dali-dali itong pinulot at itinaas sa direksiyon ni Rambo.
"Lola?!" sumigaw nang pagkalakas-lakas si Bogart at napaatras.
Nag-angat ako ng tingin at para akong binuhusan ng napakalamig na tubig nang makitang si Madam Laura ang yumayakap kay Rambo mula sa likuran. Nanlilisik ang mata nitong tila ba tumitirik na, at may dugo pang tumutulo mula sa bibig, ilong, at mga mata nito.
Umalingawngaw muli ang sigawan naming lahat.
"Jordan ang baril sa bulsa ko!" sigaw ni Kuya Vito na dali-dali ko namang sinunod.
Pagkakuha na pagkakakuha ko sa baril, dali-dali ko itong iningat. Ngunit bago ko pa man makalabit ang gatilyo, bigla na lamang bumitiw ang mga braso ni Madam Laura kay Rambo. Nagulat pa kaming lahat nang umatras ito't tuluyang naglaho sa dilim.
Humahangos na bumagsak si Rambo sa putik at dali-daling gumapang palayo sa gate. Agad naman siyang sinalubong ni Langaw at inalalayang makatayo.
"F-Fuck . . . " Napasinghap ako, nanginginig ang mga kamay na nakahawak pa rin sa baril. "D-Did you guys see that? . . . "
"Naintindihan niya tayo . . . " mahinang sambit ni Kuya Vito na hindi gumagalaw sa kinatatayuan at nakatitig lamang sa direksiyon kung saan naglaho si Madam Laura. "N-Naintindihan niya ang sinabi—"
"Kuya Vito!" Napahiyaw ako nang bigla na lamang lumitaw ang mukha ng isang lalakeng duguan sa pagitan ng mga rehas. Nahawakan ng lalake ang kuwelyo ng jacket ni Kuya at nahila papalapit.
Yumanig at kumalansing ang bakal na gate nang tumama rito ang katawan ni Kuya Vito. Awtomatiko naman kaming nagsigawan at nagtakbuhan nina Bogart at Gil. Dali-dali naming hinila si Kuya papalayo sa mga rehas, ngunit kasabay ng paghila namin sa kanya ang pagbulwak ng dugo mula sa kanyang bibig at sikmura.
Bumaling ang tingin ko sa lalakeng nasa kabilang dulo ng gate. Napahiyaw akong muli nang makitang nakausli sa pagitan ng mga rehas ang hawak nitong itak . . . at may dugong pumapatak mula rito.
"Kuya Vito!!!"
***
Para bang namanhid ang buo kong katawan at naparalisa ang mga emosyon ko. Ginagawang unan ni Kuya Vito ang mga hita ko at wala akong ibang magawa kundi hawakan ang kanyang kamay at marahang himas-himasin ang kanyang noo.
Halos lupaypay na ang nanginginig na katawan ni Kuya Vito at parang ano mang oras ay pipikit na ang kanyang pumupungay-pungay na mga mata. His lips kept moving but only blood comes out from his mouth.
Nasa loob kami ng patrol car na minamaneho ni Bogart. Kasama nito sina Langaw at Rambo sa front seat. Kasama naman namin sa backseat ang umiiyak na si Arnold na nakaupo sa sahig, at si Gil nakaupo sa kabilang dulo upuan—both of them were busy putting pressure on Kuya Vito's wound, trying to keep him from bleeding to death.
"S-Sorry! Boss Vito, sorry!" Umiiyak na lumingon sa amin si Rambo.
Hinang-hina man, pansin kong gumalaw ang kamay ni Kuya Vito at kumurba ang kanyang labi sa isang maliit na ngiti. Ngiting tila ba sinasabi na 'ano ka ba, wala 'yon.'
"You'll be okay," I whispered and bowed down to plant a kiss on his forehead. I then squeezed his cold hand, reminding him not to let go because I sure as hell will never. "Do you remember? This happened to us years ago before, only that time, I was the one who was dying in your arms. But look at me? I made it. I'm okay. I'm alive. It means you'll also be okay. You'll stay alive. You'll make it. Just hang in there."
I felt him lightly squeeze my hand back and when I sat up, he smiled faintly at me and mouthed words I couldn't understand. His lips were trembling so much that I couldn't read them.
Marahan ko na lamang na hinimas-himas ang kanyang noo at pisngi, pinaparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.
"Jordan, hindi siya puwedeng makatulog dahil baka hindi na siya magising. Huwag kang huminto sa pagkausap sa kanya," tarantang bulalas ni Gil na halos hindi gumagalaw sa puwesto upang manatiling nakadampi ang kamay sa sikmura ni Kuya. Pareho silang dalawa ni Arnold.
Tumango ako at nilunok ang nagbabadya kong hikbi. Marahan kong dinampi ang palad ko sa pisngi ni Kuya. "H-Hey, you heard that? Hindi ka puwedeng—"
"Teka, parang may nag-ba-vibrate sa bulsa niya!" Arnold suddenly pointed out.
Sandali kaming nagkatinginan nina Arnold at Gil bago dali-daling hinugot ni Arnold ang isang cell phone mula sa bulsa ni Kuya.
"Justin calling?" kunot-noong bulalas ni Gil nang pareho nilang tingnan ni Arnold ang screen. "Jordan, tumatawag ang kapatid niya!"
Dali-dali kong kinuha ang cellphone at saka ito sinagot. The moment I heard Tina's voice from the other line, it felt as if something inside me broke and I just burst into tears. "T-Tin, si Kuya Vito . . . "
"A-Anong nangyari?! Jordan, nasaan ang kuya ko?! Bakit ka umiiyak?!" tugon kaagad si Tina mula sa kabilang linya, bakas ang takot at pag-alala sa boses. "Jordan! Magsalita—"
Bigla kong naramdamang may dumampi sa pulsuhan ko at nang magbaba ako ng tingin ay nakita ko ang kamay ni Kuya Vito na pilit inaabot ang cell phone niya. Lalo akong naiyak nang makita ang maliit na ngiti sa namumutla niyang mukha.
"U-usap . . . " Hinang-hinang lumabas ang salita mula sa bibig ni Kuya.
Mariin akong napapakit at pilit na nagpigil ng hikbi. "G-Gusto ka niyang kausapin. Ipapasa ko kay Kuya."
I gritted my teeth and covered my mouth with my trembling hands. I then held the cell phone down to the side of Kuya Vito's face.
Tumulo ang luha ni Kuya Vito nang marinig ang boses ng kapatid mula sa kabilang linya, pero kasabay nito ang lalo niyang pagngiti. Binuka niya ang bibig, at kahit hinang-hina ay pilit na nagsalita.
Parang piniga ang puso ko sa mga nasaksihan.
"Tina . . . Tina . . . " Bumubulwak man ang dugo palabas sa kanyang bibig, hindi nawawala ang ngiti sa mukha ni Kuya Vito. Ngiting puno ng pagmamahal. "Tina . . . "
Sa lakas ng boses ni Tina, naulinigan ko ang sigaw nito't hagulgol mula sa cell phone. "Kuya! Anong nangyayari sa 'yo?! Kuya!"
Gamit ang natitira niyang hininga, gumalaw ang labi ni Kuya Vito at narinig ko ang kanyang boses sa huling pagkakataon. "Tina . . . "
Sa isang iglap, huminto si Kuya Vito sa paggalaw. Naiwan mang nakadilat ang kanyang mga mata, nanatili itong nakatuon sa isang direksiyon. Pinisil ko ang kanyang kamay, ngunit tuluyan itong lumupaypay.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro