chapter twenty : tainted
"Ako si SPO2 Vito Flores. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sasabihin ko, pero utang na loob, manatili kayong gising. May kung anong virus sa mga bote ng tubig. Hindi namin sigurado kung sa Agua Del Sol lang ba kaya iwasan ninyong uminom o kumain nang kahit ano. Ang mga nahahawa ay nagkakaroon ng lagnat, dumudugo ang ilong, nawawala ang pandinig, at oras na makatulog ay nawawala na sila sa sarili. Nagiging napakalakas at napakabagsik nila. Kahit na anong pagmamakaawa, hindi sila makikinig at papatay lang sila nang papatay. At oras na umatake sila, bumabagsak lamang sila kung sa ulo sila tatamaan. Iwasan nating humantong sa ganito. Manatili kayong gising. Magtago, umiwas sa ibang tao, tumakbo, lumaban. Utang na loob, manatili kayong gising."
Nang paandarin ko ang radyo ng sasakyan, boses kaagad ni Kuya Vito ang narinig ko. Paulit-ulit ang kanyang mensahe, hindi nagbabago. Damang-dama ko ang taranta at desperasyon niya sa bawat salitang binibitiwan.
"Nagawa niya." Bumuntonghininga si Gil habang nakatuon ang atensiyon sa daang tinatahak namin."Nabalaan na niya ang lahat."
Pinatay ko ang radyo at pikit-matang napasandal sa kinauupuan. "Sana lang marami ang nakikinig. Sana lang maniwala sila. Sana manatili silang gising."
Pagdilat, bumuntonghininga ako at napakiling ng ulo sa direksiyon ni Gil. "Thanks for helping me look for Masha. You really didn't have to do this but—"
"Protect each other right?" Bahagya siyang ngumisi at napatingin sa akin.
Magsasalita sana ako pero bigla kong natanaw ang neon sign ng Georgia's Mart. Nanlaki ang mga mata ko at agad itong tinuro. "G-Gil, stop stop!"
"Bakit? Anong meron?" Pagkahintong-pagkahinto ni Gil sa sasakyan, bumaba agad ako at kumaripas ng takbo, hindi alintana ang kulod at kidlat na sinasabayan ng napakalakas na hangin.
As I entered the shop, my footsteps came to a sudden halt. Muntikan pa akong nadulas, pero mabuti na lang at napahawak ako kaagad sa metal na handle ng pintong gawa sa salamin.
"Linc?!" Wala sa sarili kong sigaw nang makita kung gaano kagulo sa loob ng shop. May mga shelf at mesang natumba, at nagkalat ang mga produkto sa sahig.
Napangiwi ako nang may maamoy na kakaiba pero napagtanto ko agad kung ano ito nang makita isang fire extinguisher sa sahig. Hahanapin ko sana si Linc pero kasunod kong nakita ang ilang pares ng mga putikang footprints sa sahig. May ilang patak din ng sa tingin ko'y dugo pero hindi gaano karami.
Judging by the muddy footprints, It looked as if three to four people entered and ran out of shop. And the muddy footprints were dry, making me think that they left hours ago. Ang hindi ko lang sigurado, kung sabay-sabay ba sila o hindi.
"Jordan!" Tumatakbong pumasok si Gil sa loob ng shop. Lumapit siya sa akin at gaya ko'y muntikan din siyang nadulas. Pareho kaming nagsigawan. Mabuti na lang at nahawakan ko kaagad ang manggas ng jacket na suot niya.
Akmang magsasalita si Gil pero agad nanlaki ang mga mata niya nang makita ang napakagulong shop.
"Teka, nagbukas pa rin siya kahit may bagyo?" Halos bulong niyang sambit. "Lincoln?!" tawag niya at agad na tumakbo patungo sa counter. Tiningnan niya pa ang backroom, pero wala talagang katao-tao.
"Wait, kilala mo si Lincoln?" Hindi ko napigilang maitanong.
"Minsan akong nagtrabaho bilang part-timer dito noon," humahangos niyang sagot, aligaga pa ring hinahanap si Linc.
Habang sinusundan ko si Gil, nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang kabuuan ng shop.
"Wait, nang dumaan tayo rito kanina, wala ka bang nakitang tao?" tanong ko agad.
Lumapit si Gil sa akin, humahangos at pumapatak pa ang tubig ulan mula sa kanyang buhok, pababa sa kanyang mukha. "Wala akong nakitang tao kaya inisip kong umuwi na si Lincoln. Hindi matanaw ang gulo ng shop mula sa sasakyan."
Bago pa man ako makatugon, natigilan ako nang may mapansin akong parang kumikinang sa sahig. Agad ko itong nilapitan at pinulot. Parang nanikip bigla ang puso ko nang makitang isa itong hoop earring na may disenyong ruby sa paligid.
"Ano 'yan?" aniya.
"Proof that Masha was here. I gave this hoop earring with her birthstone last year." I bit my lips as I looked around, trying to keep myself from falling apart. "G-Gil, there's not much blood right? I mean, there are clear signs of struggle but there's no pool of blood. She was able to run out alive, right? This earring must've fallen off while she was running away, right?"
Gil walked up to me and grabbed me by the hand, leading me to the doors. He then pointed the concrete slabs by the side of the shop. "Tingnan mo, may apat na putikang footprints doon, pero may isang pares na sa ibang direksiyon dumaan. Hindi ako sigurado pero may kutob akong tatlong tao ang magkakasamang lumabas mula sa shop na 'to. Pagdaan natin dito kanina, wala na akong nakitang tao. Ibig sabihin, kanina pa sila nakaalis. At tama ka, wala masyadong dugo sa loob. Walang palatandaan na may napahamak sa kanila nang tuluyan."
Napasapo ako sa bibig ko. "Masha's okay... She ran out. She made it out alive."
Tumango naman si Gil. "At kilala ko si Lincoln. Masyado 'yong responsable para matulog sa trabaho. Kung siya man ang nadatnan ni Masha nang dumating ito sa shop, siguradong magkasama rin silang umalis. At nasisiguro ko sa 'yo, hindi hahayaan ni Lincoln na may mangyaring masama sa kaibigan mo. Wala kang dapat na ipag-alala. Ang kailangan na lang nating alamin ay kung saan sila posibleng pumunta."
"But what if Masha has it?" Unti-unti akong nag-angat ng mukha at sinalubong ang tingin ni Gil.
"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang kanyang noo.
"Gil, I think Masha's infected." Masakit man sa aking bitiwan ang mga salita, alam kong kailangan kong harapin ang posibilidad.
Sandaling natigilan si Gil na para bang nalunod sa sariling pag-iisip. Makalipas ang ilang sandali, muli siyang nagsalita. "Kung gano'n, kailangan natin ng bagong plano."
***
Kinonsidera namin ang posibilidad na baka dumiretso sina Masha sa police station, pero nang ma-contact namin si Fash mula sa radyo, wala raw dumarating na kahit na sino. Kahit si Kuya Vito nga raw ay hindi pa bumabalik.
Fash suggested that we check Chad's family mansion where a party was being held, but I thought the idea was too far-fetched. Masha would never go to a party in a situation like this. Kahit nga bagyo lang ang meron, hinding-hindi pa rin 'yon dadalo. Pakiramdam ko nga ay si Masha pa ang unang babatiko kay Chad sa pagpaplano ng party gayong alam na tatamaan ng bagyo ang isla.
Sa huli, napagdesisyunan na lang naming tumungo sa ospital dahil baka dito dumiretso sina Masha. If one of them got injured from the struggle that ensued in the shop, they would definitely go to a hospital.
"Teka, ba't napakaraming tao doon?" kunot-noong bulalas ni Gil habang maingat kaming dumadaan sa isang pamilyar na bako-bakong daan.
Napasinghap ako nang mapagtantong ang dati kong high school ang tinuturo ni Gil. At tama siya, napakaraming tao sa loob. Bukas ang mga ilaw, napakaraming tao sa corridors, at mula sa kalsada ay rinig na rinig namin ang mga boses nila.
"Nieta. Isa sa mga evacuation center," bulalas ko. "Walang nakinig sa babala ni Kuya!"
"Jordan, dito ka lang." Biglang hininto ni Gil ang sasakyan at dali-dali siyang lumabas.
Nang makitang dumiretso siya sa papasok sa gate ng high school, pinatay ko ang makina at agad siyang hinabol. There was no way I was staying in that car all alone.
***
"Jordan, doon ka lang sa sasakyan," wika ni Gil habang pareho kaming tumatakbo patungo sa gusaling may apat na palapag.
"Protect each other, remember?" bulalas ko at mas binilisan pa ang pagtakbo.
Pagdating sa lobby, pareho kaming humahangos. Wala na ring nagawa si Gil kundi hayaan akong sumama sa kanya. May sasabihin sana ako kay Gil nang bigla kong mapansing napapatingin sa amin ang mga tao. Ilan sa kanila ay para pang nagbubulungan.
"Shit." Napako ako sa kinatatayuan nang para bang may napansin ako mula sa gilid ng mga mata ko. Napaatras ako at napatingin sa nakabukas na pinto ng isang classroom.
"Bakit?" Lumapit sa akin si Gil at sinundan ng tingin kung saan ako nakaharap at maging siya'y napamura rin sa nakita.
Nakapila ang ilang mga tao sa harap ng isang babaeng nagbibigay ng bulto-bultong bottled water ng Agua Del Sol. Tuwang-tuwa pa ang bawat nakakatanggap at lubos ang pasasalamat.
Wala sa sarili kong pinasadahan ng tingin ang mga tao sa paligid ng lobby. Para akong unti-unting nalagutan ng hininga nang makita ang ilan sa kanila na may mga hawak na papaubos nang bottled water, at ang ilan ay saktong umiinom pa.
"Nieta." Napasinghap ako at hindi na nakagalaw pa. Kahit saan ako tumingin, may umiinom mula sa bottled water. Ang masaklap ay may ilang natutulog sa mga banig na nakakalat sa paligid.
"Magsiuwian na kayo! Delikado rito! Kontaminado ang mga tubig! Pakinggan n'yo ang pulis sa radyo! Nagsasabi siya ng totoo! Nanganganib ang buhay n'yong lahat! Gisingin n'yo ang mga natutulog! Walang dapat makatulog!" Laking gulat ko nang bigla na lamang nagsisigaw si Gil. Sa sobrang lakas at taranta ng boses niya, nakuha niya kaagad ang atensiyon ng lahat.
"Hoy Totoy, ano bang pinagsasabi mo? Nakainom ka ba?" bulalas ng isa sa mga tatay na nakatayo malapit sa amin. Wala itong saplot pang-itaas at naninigarilyo pa habang bitbit ang isang bundle ng Agua Del Sol bottled water.
Mabilis akong umiling. "Nagsasabi siya ng totoo! Kontaminado ang tubig! Nagiging bayolente ang natutulog kaya kailangang manatiling gising ng lahat!"
Narinig kong may nagtawanan at may ilan ding nagbulungan. Punong-puno ng kalituhan at panghuhusga ang mga tingin nila.
"Ano? Parang zombie?" Humalakhak ang isang babae na naglalaro ng baraha sa isang tabi. Nag-angat siya ng tingin sa amin at biglang tumuon ang kanyang atensiyon kay Gil. "Teka, 'di ba anak ka no'ng hinayupak na si Berting?"
"Berting? 'Yong lintik na bumaboy sa doon sa isang guro noon?" Lumpit ang isang matandang lalake at bahagyang tumagilid ng tayo upang tingnan si Gil sa mukha.
Bahagyang umiwas si Gil mula sa matanda at saka muling nagsisigaw upang makuha ang atensiyon ng lahat. "Umuwi na kayong lahat! Mas mapapahamak kayo rito kung may makakatulog! Hindi kami nagsisinungaling—"
Nagulat ako nang bigla na lamang may humigit sa braso ko. Isang babaeng parang ka-edad lang ni Mama. "'Di ba anak ka ni Jessa? Bakit mo kasama ang lalakeng 'yan? Mamaya baka halang din ang kaluluwa ng batang 'yan gaya ng ama niya."
"What the hell is wrong with you?!" Napangiwi kaagad ako at agad na hinila ang braso ko palayo sa kanya. "Nagsasabi si Gil ng totoo!"
"Hindi nalalayo ang bunga sa puno!" Humalakhak ang isa sa mga lalakeng nakatambay sa isang tabi. "Balita ko sinapak niyan si Madam Laura noong nakaraang araw!"
"Sinapak niya si Madam Laura?!"
"Masamang dugo ang nanalantay diyan. Ba't pa kayo nagulat?"
"Wala talagang pinagkaiba sa ama niyang masama ang budhi!"
"Napakaruming pamilya!"
"Teka, bakit kasama niya ang anak ni Hepe? Sila ba? Couple jacket yata ang suot nila, o?"
Bigla na lamang lumabas ang isa sa mga LGU staff mula sa silid na namamahagi ng relief goods. "Hoy Hijo, huwag ka ngang manggulo rito! At ikaw naman, 'di ba anak ka ni Chief—"
Sa isang iglap, bigla na lamang tumakbo si Gil. Nagkantiyawan at lalong nagsigawan ang mga nakapaligid sa amin. Sinamaan ko sila ng tingin at agad na hinabol si Gil.
"Gil, sandali lang! Saan—" Naputol ang sinasabi ko nang lumingon siya sa akin, hindi alintana ang mga masasamang tingin at salitang pinupukol ng mga tao sa paligid.
"Nasaan ang microphone para sa mga speaker?" Aligaga niyang tanong.
Awtomatiko akong napatingin sa naglalakihang speaker na nakakabit sa kisame. "P-Principal's office! Second floor!"
***
Parang tambol na binabayo ang puso ko habang tumatakbo kami paakyat sa hagdan. Lalo pang tumitindi ang takot ko dahil kahit saan ako tumingin, mayroong mga natutulog sa isang tabi. Ang ilan ay mga bata pang pinapaypayan ng kani-kanilang mga magulang.
"Dito!" sigaw ko kay Gil nang bigla siyang lumiko sa maling hallway.
Sabay kaming tumatakbo at malapit na sana kami office ng principal nang bigla na lamang siyang huminto at napako sa kinatatayuan. Napalingon ako sa kanya at napansin kong nakatuon ang tingin niya sa loob ng isang classroom.
Sinundan ko kung ano ang tinitingnan ni Gil at para bang tuluyang huminto sa pagtibok ang puso ko. Hindi nakatulong ang biglang pagkislap ng kidlat sa kalangitan at pag-ugong ng pagkalakas-lakas na kulog.
"M-Madam Laura?" Napangiwi ako nang makita ang matandang babae na nasa isang rocking chair. Nakasuot siya ng pink na daster, ngunit sa pagkakataong ito ay mga dahon na ang disenyo. Nakapatong hanggang sa baywang niya ang isang kulay puting kumot. At higit sa lahat, mahimbing siyang natutulog.
Mahimbing na natutulog si Madam Laura sa isang silid na puno ng mga kababaihan at mga bata!
"N-Nieta, Gil. May mga bata. Nieta, may mga bata siyang kasama." Pumiyok ang boses ko sa takot. Ako nga na nasa early twenties muntik na niyang machugi, paano na lang kaya ang mga batang walang kalaban-laban?
Gil didn't need anymore convincing. It was clear from the look on his face that he was as alarmed as I was. However, before we could even do anything, a pair of arms suddenly dragged Gil by the hood of his jacket and threw him down the hallway's cold, dirty floor.
"Gil!" Napasigaw ako. Bukod sa napakabilis ng pangyayari, napakalakas din ng pagbagsak niya sa sahig. Bago pa man makabangon si Gil, biglang may lumapit at marahas na umapak sa kanyang dibdib.
"Sa wakas, nagkita rin tayo. Kahapon pa ako kating-kating basagin 'yang pagmumukha mo," bulalas ni Bogart, nag-aalab ang galit sa mga mata at nanginginig pa ang nakakuyom na mga kamao. "Gilbert, tama ba?"
"Bogart!" Lalapit sana ako para hilahin si Bogart palayo kay Gil, pero biglang may humila sa magkabila kong mga braso.
"Bawal kang makialam, Vigoria," sambit ni Rambo mula sa kaliwa ko.
"Napapala ng nanakit ng mga inosenteng lola," singhal naman ni Arnold na mahigpit ang hawak sa kanan kong braso.
Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak nila, pero nagtawanan lamang sila dahil palibhasa kumpara sa kanila, napakahina ko.
"Makinig ka sa 'kin! Delikado ang mga bata sa loob! Sasaktan sila ng lola mo!" giit ni Gil, pero isang napakalakas na tadyak ang tugon sa kanya ng nanggagalaiting si Bogart.
"Tama na! Bogart, utang na loob! Tulong! Tulungan n'yo kami!" Nagsisigaw naman ako, lalo na nang biglang kinaladkad ni Bogart si Gil patungo sa hagdan.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro