Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter twenty-six | the party continues

Thea


"Thea! Thea, snap out of it!"

Napasinghap ako nang biglang may tumama sa pisngi ko. Napakurapkurap ako at namalayan ko na lamang na rumaragasa na ang mga luha ko at para nang sasabog ang puso ko habang humahangos.

Nakita ko si Ate Chyna sa harapan ko. Bakas man ang matinding takot sa kanyang mukha, nakikita ko ang determinasyon sa nanlilisik niyang mga mata. "Thea! Tulungan mo kami sa paglalagay ng mga harang sa pinto!"

Napatingin ako sa gawing likuran ni Ate Chyna at nakita sina Kuya Harry at Kuya Collins na nagsisigawan habang pilit na hinaharang ang kanilang katawan sa isang pintong para bang yumayanig at ano mang oras ay bubukas na. 

"Chyna! Thea! Tulungan n'yo ako rito bilis!" sigaw ni Ate Avril na pilit tinululak ang isang may kalakihang cabinet, hindi alintana ang bigat o kahit ang mga dekorasyong nasa loob nito.

Dali-daling tumayo si Ate Chyna at tinulungan si Ate Avril. Nang maiwang mag-isa, doon ko lang napagtantong nakaupo pala ako sa sahig. Doon ko lang naaalala ang karumaldumal na ginawa ni Nash kay Missy. 

Si Nash . . .  siya ang marahas na kumakalampag sa pinto. Siya ang pinipigilan nina Kuya Collins at Kuya Harry na lumabas mula sa kuwarto.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang sunod-sunod na naglalakasang mga kalabog. At sa pagkakataong ito'y nanggagaling naman ito sa main door ng unit. 

Hindi pa rin kami tinatantanan ng staff na nasa labas at mukhang mas naging desperado itong pumasok.

"Shit! Ano bang nangyayari rito?!" bulalas ni Kuya Collins na halos napapatalon na dahil sa lakas ng paghampas ni Nash sa pinto. 

We were trapped. Nash was violently trying to get out of the bedroom, while the staff outside was violently trying to get inside the unit. Both of them have one destination—us.

"Thea! Harang!" sigaw ni Kuya Harry at tumingin sa direksiyon ng front door ng unit.

Sa pagkakataong iyon ay para bang nahimasmasan ako. Agad akong bumangon at tumakbo palapit sa isang coffee table na gawa sa metal. Hindi ko alam kung paano 'yon nangyari pero nagawa kong mabuhat ang mesa kahit pa sobrang bigat nito. Lakad-takbo ko itong dinala patungo sa front door na nagsisimula na ring yumanig dahil sa pagkalampag ng staff mula sa labas.

Wala sa sariling dumako ang tingin ko sa peep hole. May kung anong nag-uudyok sa akin na sumilip, pero bago ko pa man magawa ay nahagip ng paningin ko sina Ate Chyna at Ate Avril kaya naman dali-dali akong tumakbo patungo sa kanila at tumulong.

Nang malapit na kami sa bedroom habang tulong-tulong na dala ang cabinet, nakita kong parehong nagkatinginan sina Kuya Harry at Kuya Collins. Tumango si Kuya Harry kaya naman mabilis na tumalon si Kuya Collins paalis sa kanyang puwesto. 

Lumapit sa amin si Kuya Collins upang tumulong sa pagharang ng cabinet sa harap ng pinto. As soon as we had one side of the door covered, dali-daling tumalon palayo si Kuya Harry hanggang sa buong pinto na ang naharangan ng cabinet.

"More! We need more!" sigaw ni Kuya Collins kaya muli kaming nagpulasan sa iba't ibang direksiyon upang kumuha ng iba pang mga pangharang.

With both doors blocked, that was only when we got to regroup.

"What the hell is going on?!" Umiiyak na bulalas ni Ate Chyna at agad na napatingin sa akin. "Bakit ginawa 'yon ni Nash kay Missy?!"

"Is he on drugs?! Was he always this violent?!" sunod-sunod naman na tanong ni Kuya Collins, nanginginig at humahangos na rin sa tensiyon.

"No!" Umiiyak kong giit at mahas na umiling. "Hindi ko alam ba't niya ginawa 'yon! Oh my God, si Missy! Shit! Naiwan si Missy sa loob ng kuwarto!"

Akmang tatakbo ako patungo sa pintong yumayanig pa rin, pero sabay-sabay nila akong hinarang at pinigilan.

"Wala na tayong magagawa para sa kanya!" giit ni Ate Avril. "We can't open the door again!"

"We have to call the cops!" Umiiyak kong giit hanggang sa bigla kong maalala si Kuya Vito. "T-Tatawagan ko si Kuya Vito! Tutulungan niya tayo! S-Si Chief Vigoria! Pupunta sila agad kapag nalaman nilang nandito ako!"

Dali-dali kong kinuha ang cell phone mula sa bag ko at hinanap ang pangalan ni Kuya Vito sa contact list. Ngunit halos mapatili ako sa takot dahil ayaw pumasok ng tawag. 

"Thea?!" tanong ni Ate Chyna.

"I can't reach him!" Umiiyak kong sagot. "S-Susubukan ko ulit!"

"Shit! Ano bang nangyayari sa kanila?!" Napasapo naman si Kuya Harry sa kanyang magkabilang sentido. Humahangos siyang napabaling sa bedroom door at sa mismong pinto ng unit. "Kailangan na nating umalis dito! M-May iba pa tayong madadaanan?!"

"The other bedroom! Magtago tayo roon!" sigaw ni Ate Chyna at akmang tatakbo patungo roon pero mabilis naman siyang hinarang ni Ate Avril.

"We're already trapped here at lalo lang tayong mata-trap kung magtatago tayo sa isa pang kuwarto! Those doors won't hold for too long!" giit ni Ate Avril at saka napabaling ng tingin kay Kuya Collins. "Babe, fire exit! Nasaan ang fire exit?!"

"It's outside at the end of the hallway!" Tarantang sagot naman ni Kuya Collins. "Hindi rin tayo puwedeng dumaan sa bintana kasi nasa top floor tayo ng hotel!"

Lalo pang umalingawngaw ang mga pagkalampag sa dalawang pinto kaya naman mas lalo rin kaming nataranta. 

"Thea?!" Napalingon sa akin si Kuya Collins, pero gaya kanina ay tanging iling lamang ang naging sagot ko dahil ayaw pa ring kumunekta ng tawag.

"Look at how strong they are! Baka hindi na rin umabot ang mga pulis! We have to do something!" sabi naman ni Ate Avril at umiiyak na tumakbo patungo sa kusina. "Weapons! We have to arm ourselves with weapons!"

"Babe!" Agad namang humabol si Kuya Collins sa kanya.

"We have to run it."

Pareho kaming natigilan ni Ate Chyna nang marinig si Kuya Harry na magsalita. Bumaling ang tingin namin sa kanya na walang emosyong nakatitig sa main door.

"S-Seryoso ka ba?!" Umiiyak na sambit ni Ate Chyna, hindi makapaniwala. "Tatakbo tayo? Sa labas?"

Napalingon sa amin si Kuya Harry. "We have no other choice. Kung mananatili tayo rito, parang naghihintay lang tayo kung sino sa kanila ang mauunang pumatay sa atin. Mas mabuting buksan na natin 'tong pinto at tumakbo. B-Bahala na."

"He's right!" Patakbong bumalik sina Kuya Collins at Ate Avril. Nagulat ako nang makitang mga may dala silang kutsilyo at isa-isa itong inabot sa amin.

"For self-defense," matigas na sambit ni Ate Avril sa amin ni Ate Chyna. "Stab anyone who tries to take your life."

Nagsitayuan ang mga balahibo ko at parang pinanghinaan ako ng mga tuhod. Ni hindi ko mahawakan nang mahigpit ang kutsilyong nasa kamay ko.

"But try not to stab anyone! We could still go to jail for that shit," giit naman ni Kuya Collins. "Let's go to my car. Nasa basement parking lang 'yon," aniya pa at saka inilabas mula sa bulsa ang susi ng kanyang kotse.

"Dumiretso tayo sa police station. Malapit lang 'yon dito. Kung magkahiwa-hiwalay man tayo, diretso na agad patungo roon," aligagang sambit naman Kuya Harry.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang tunog na para bang may nabiyak. Paglingon namin ay nakita naming unti-unti nang natutulak ni Nash pabukas ang pinto, at kasama rin niyang natutulak ang mga gamit na hinarang namin.

"Shit! We have to go now!" anunsiyo ni Kuya Collins kaya dali-dali na naming sinumulang kunin ang mga hinarang sa harapan ng main door. Naririnig pa rin namin ang mga kalampag ng staff mula sa labas kaya naman lalo pa itong dumadagdag sa takot namin.

Nang tuluyang matanggal ang lahat ng harang, dali-daling humawak si Kuya Collins sa doorknob ng pinto. Pinatago naman agad kami ni Kuya Harry sa kanyang likuran.

Habang nagtatago kami sa likuran ni Kuya Harry, hindi ko napigilang lumingon sa bedroom door at muling pumatak ang mga luha ko nang maaninag ang maliit na bahagi ng duguang mukha ni Nash na para bang sumisilip mula sa maliit na siwang ng pinto. Wala pa ring emosyon ang kanyang mukha, pero ang panga niya'y para bang gumagalaw sa sobrang galit.

"Nash . . . " Hindi ko napigilang humikbi sa takot.

"Thea, focus!" sigaw ni Ate Avril at hinawakan ang kamay ko. Sinundan niya kung saan ako nakatingin at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa akin. "Shit! Malapit na talaga siyang makalabas!"

"Harry, pagbukas ko ng pinto, dumiretso kayo sa hagdan. Takbo lang nang takbo at siguraduhin mong walang maiiwan sa kanila," biglang bulalas ni Collins sabay abot ng susi kay Kuya Harry. Naramdaman ko naman agad ang pagbitiw ni Ate Avril sa kamay ko.

"B-Babe, anong pinagsasabi mo?!" Napaiyak agad si Ate Avril. "That's just one person! We can rush him! We can kill him together!"

"We could all go to jail if we do that! Ako na ang bahala! Babe, just trust me okay?" ani Kuya Collins at mabilis na hinalikan si Ate Avril. "Susunod ako pangako. Nasa likuran n'yo lang ako."

"N-No! Babe!" iyak ni Ate Avril at agad na humawak sa mga kamay ni Kuya Collins.

Kuya Collins looked at us before cocking his head at Ate Avril's direction. It was as if he was asking us to look out for her—and that's what Ate Chyna and Kuya Harry did. Agad nilang hinila si Ate Avril at hinawakan nang mahigpit.

"S-Sigurado ka ba rito?" Nag-aalangang tanong ni Kuya Harry. 

"I'm sorry for lying, man." Umiling-iling si Kuya Collins. Mabilis ang pagtaas-baba niya dahil sa lakas ng paghinga. "Iris told us she wasn't coming here. Hanapin mo siya agad. Kailangan ka niya at ng magiging anak ninyo. You can't go to jail. Ako na ang bahala sa sarili ko."

"Babe! Don't—" bago pa man matapos ni Ate Avril ang sinasabi, bigla na lamang binuksan ni Kuya Collins ang pinto at sumambulat kaagad sa amin ang staff na gaya ni Nash ay may blankong emosyon sa mukha.

"Takbo!" sigaw ni Kuya Collins at mabilis na sinugod ang lalake bago pa man ito makagalaw.

It felt like an invisible bomb blew off as Kuya Collin's thunderous voice blared across the whole. I instantly found myself running for the stairs, together with others.

Nakakalimang hakbang na ako pababa sa hagdan nang marinig kong sumigaw si Ate Avril. Napalingon ako at nakitang sa aming apat, si Ate Avril na lang ang nasa tuktok pa at hindi pa nakakaba sa kahit isa mang baitang.

"Susunod ako! Bilis!" We all heard Kuya Collins scream, he sounded like he was struggling.

In the end, all Ate Avril could do was cry and follow us down the stairs.

***

With every step down the stairs, I kept praying for Papa God not to let me fall. 

I've never been so scared for my life. Takot akong mahulog sa hagdan. Takot akong maabutan ng mga humahabol sa amin. Takot akong baka mapa'no si Kuya Collins. Takot akong masisi ng mga magulang nina Missy at Nash sa nangyari sa kanila. At takot na takot ako sa magiging reaksiyon nina Mama at Papa oras na malaman nila ang nangyayari sa amin.

"Keep going! Keep going!" sigaw ni Kuya Harry nang mapansing sandaling huminto si Ate Avril sa pagtakbo at tumingala sa tuktok ng hagdan.

The entire stairway was formed like a spiral. Every floor had around 10 steps before reaching a landing. Because of it's structure, all we have to do is look up to see if someone was following us down the stairs. But when I looked up, there was no Kuya Collins following us.

"Thea!" sigaw ni Ate Chyna kaya naman ibinalik ko ang tingin sa mga baitang ng hagdan at nagpatuloy sa pagbaba.

We were five floors away from the lobby when my chest and thighs began to burn really bad. It felt like they were being pricked by invisible pins and needles. And my breathing . . .  I couldn't breathe at all and I just wanted to throw up.

By the time we reached the third floor landing, hindi ko na kinaya at tuluyan na akong bumagsak, hindi na makahinga at parang mawawalan na ng ulirat.

"Thea!"

All of a sudden, I felt my body being lifted from the cold floor. I cried when I realized that Kuya Harry picked me up and continued running down the stairs.

I closed my eyes and held on to him tight. I was so scared that we would fall off and die. After what felt like forever, I opened my eyes and realized that we were just one staircase away from the brightly-lit lobby.

"Si Collins! Hindi pa siya nakakasunod!" Iyak ni Ate Avril.

By the time we reached the bottom of the stairs, Ate Avril screamed something and tried to run back up again. But before she could, something fell from the top floor and it landed right in front of us. The impact made a loud crashing sound, but at the same time, it sounded like something wet had exploded.

Naramdaman kong may kung anong mainit na likido na tumalsik sa akin. Bahagya akong kumawala kay Kuya Harry at tiningnan kung ano ang bumagsak sa harapan namin at nakita ko ang lasog-lasog at bali-baling katawan ni Kuya Collins. Nakadilat ang mga mata nito at halos humiwalay na ang panga nito mula sa kanyang mukha.

Wakwak ang sikmura ni Kuya Collins at kitang-kita ko ang kanyang bituka na nakalabas at tumatama sa sahig.

"Collins!" Umalingawngaw ang nakabibinging palahaw ni Ate Avril at kasunod nito ay ang sigawan namin nina Ate Chyna at Kuya Harry.

Wala sa sarili akong nagpumilit na kumawala kay Kuya Harry hanggang sa bitiwan niya ako. At nang magawa kong makatayo sa sarili kong paa, agad akong napatakip sa bibig ko kasabay ng pag-uunahan ng mga luha ko.

Sa aming apat, si Kuya Harry ang unang nakabawi. Umiiyak itong sumigaw, "Avril! Chyna! K-Kailangan na nating umalis!"

"Avril! Avril, tara na!" Umiiyak namang pakiusap ni Ate Chyna at agad na hinila si Ate Avril patungo sa maliwanag na lobby. "We have to go! Now!"

Kuya Harry started running straight to the lobby, and I quickly followed. 

"Tulong! May humahabol sa amin at—shit!" Narinig kong sumigaw si Kuya Harry at nang sundan ko kung saan siya nakatingin, kinilabutan ako nang makita ang ilang taong naglalakad patungo sa amin. Mabagal ang kanilang galaw, walang kaemo-emosyon ang mga mukha. Huli na nang makita namin ang nagkalat na dugo sa sahig at mangilang-ngilang katawan ang nakahandusay malapit sa pinto.

"H-Harry . . . " Narinig kong suminghap si Ate Chyna na nakasunod sa likuran namin. 

"No!" Umalingawngaw naman ang hagulgol ni Ate Avril.

"Thea, dito! Bilis dito!"

All of a sudden, I heard a familiar voice. Mabilis akong napaikot at dumako ang tingin ko sa isang nakabukas na pinto, katabi lang ng front desk table. Hope dawned on me when I saw him. 

Agad akong tumakbo patungo sa kanya at sumunod naman kaagad sa akin sina Kuya Harry, Ate Chyna, at Ate Avril.

The moment all of us were inside the small office, he quickly closed the door and we all dragged a table to block it shut. 

"Kuya PJ!" Umiiyak akong yumakap sa kanya, hindi alintana ang basang-basa niyang damit. "Kuya! Akala ko machuchugi na ako!"

"You're okay! You're okay!" he hugged me back and whispered in my ear, over and over again. And somehow, my heart eased a little. I was still terrified, but knowing I have Kuya PJ with me, it felt like there was still a chance for things to be okay.

A second later, he broke free from our embrace and held me by the shoulders, slouching his back to look at my face. "Th-Thea, ang Kuya Smoeki mo? Kasama mo ba siya rito?"

Tuluyan akong napahagulgol. "I snuck out of the house to attend a party! M-Missy is dead! N-Nash! K-Kuya si Nash—"

"Thea, si Jordan? Alam mo ba kung nasaan ang Ate Jordan mo?" putol niya sa sinasabi ko at doon ko lang napansin ang matinding takot sa kanyang mukha. And knowing Kuya PJ, he's not scared for his life. He's more scared for Ate Jordan's safety. I couldn't help but feel jealous. I bet my brother doesn't even know that not in our house. At kahit pa malaman niyang nawawala ako, siguradong mas pipiliin niya lang maglaro ng video games kaysa hanapin ako.

Umiling ako, panay ang hikbi. "I don't know! Maybe she's at home?"

"Doon ako unang pumunta pero wala siya doon," aniya, punong-puno ng pag-aalala ang boses. 

Kuya PJ had bruises and cuts all over his face and arms. He was soaking wet and trembling. His glasses were cracked and his grey flannel shirt almost turned black with how wet it was. Blood was flowing down his arm but it seemed like he didn't care about it at all.

"Thea, si Kuya Vito? Kailan mo siya huling nakita?"

Umiling ako at lalong naiyak, ngunit bago pa man ako nakasagot ay bigla na lamang umalingawngaw ang mga kalabog sa pinto. They were trying to get in!

"Shit! We're trapped! We're so fucking dead!" Narinig kong mura ni Kuya Harry.

"May paraan pa," matigas na giit ni Kuya PJ at saka itinuro ang isang parisukat na butas sa kisame. 

I was scared at his suggestion, but this was Kuya PJ speaking. Siguradong may plano siya at siguradong tama ito. My parents even trust him more than they trust my own brother. And I do too.

"We're climbing up there?! Sigurado ka bang ligtas tayo diyan?!" tanong ni Ate Avril, panay ang paglingon sa pintong yumayanig na dahil sa mga taong kumakalampag.

"Hindi, pero kailangan kong magbaka sakali para sa pamilya ko," malamig na sambit ni Kuya PJ at saka lumapit sa isang mahabang mesa kung saan nakapatong ang ilang computer monitor. Isa-isa niyang kinuha ang bawat monitor at inilagay na dagdag na harang sa pinto. 

"Kailangan ko ring magbaka sakali para sa mag-ina ko," sabi naman ni Kuya Harry at agad na tinulungan si Kuya PJ sa ginagawa.

Next thing I know, all of us were helping out Kuya PJ. And by the time the table was cleared, we used it to climb up the hole in the wall.

***

Darkness. All I could see was darkness, but knowing I have Kuya PJ next to me, somehow I still felt safe. Sobrang sakit nga lang sa ilong ng magkahalong agiw at alikabok.

"So what? This is it? Dito lang tayo hanggang sa umalis sila?" bulong ni Ate Chyna.

"We can't risk it. We don't know where this ceiling will lead us. Let's just wait it out," bulong naman pabalik ni Kuya PJ. 

"Shit! Nakapasok na sila sa kuwarto!" bulong naman ni Kuya Harry na siyang nakaupo malapit sa butas na dinaanan namin. Naglagay kami ng takip kaya naman kaya naman pasilip-silip mula sa maliit na siwang.

"Shhh . . . Huwag mo na silang silipin. Hindi nila puwedeng malaman na nandito tayo," giit naman ni Ate Avril.

Sa isang iglap, narinig kong may zipper na bumukas. Kung hindi lang si Kuya PJ ang nasa tabi ko, kinabahan na ako. He must've grabbed something from his bag.

"Thea, wala ka ba talagang alam kung nasaan si Jordan?" bulong muli ni Kuya PJ sa akin. "O kahit si Masha. Baka nakita mo si Masha? Siguradong magkasama sila."

I felt envy once again. Sana si Kuya PJ na lang ang kapatid ko.

"Wait!" Napasinghap ako nang may maalala. "I saw Ate Masha at the supermarket earlier. She was with Kuya Chad. But that was hours ago."

"That asshole Chad is holding a party at his mansion. Baka nandoon ang hinahanap mo," bulong naman ni Ate Avril, humahangos at nagpipigil ng iyak. 

"Hindi 'yon gagawin ni Jordan," tanggi kaagad ni Kuya PJ. "Hindi niya magagawang dumalo sa isang party kung alam niyang nagkakagulo ang isla."

Hindi ako nakakibo. Kahit sina Ate Avril at Ate Chyna ay naramdaman kong natigilan din.

Sa isang iglap, nakarinig ako ng kakaibang tunog. It sounded like metal and plastic brushing together. "Kuya, ano 'yan?"

"Nakakuha ako ng radyo sa bahay. Nililipat ko ang battery ng flashlight—" Nahinto sa pagbulong si Kuya PJ nang bigla na lamang umalingawngaw ang static mula sa radyong hawak niya.

"Shhh!"

"Kuya!"

"Shit! Turn that off!"

Kanya-kanya kami ng bulalas sa takot na baka marinig kami ng mga tao sa baba. Dali-dali namang hininaan ni Kuya PJ ang volume ng radyo.

"Turn that shit off! Naririnig ka nila!" pabulong namang giit ni Kuya Harry na sumisilip pa rin sa mga nangyayari sa baba. "Baka akyatin nila tayo rito!"

I heard Kuya PJ sigh. His fingers fumbled over the radio, but before he could turn it off, a voice suddenly rose from the static. "Fash? Fash, are you there? Fash, if you're listening—"

"Jordan?!" Narinig kong suminghap si Kuya PJ. 


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro