chapter twenty-one | hold on tight
Gil was already bleeding on the floor but Bogart wasn't done. Bogart picked him up by the collar of his shirt and threw another merciless punch to his face.
"Bogart, tumigil ka na! Mapapatay mo na siya! Makinig ka, please! You saw what that nun was capable of! Gano'n ang nangyari sa lola mo! Tama na!" Pilit akong nagpupumiglas mula kay Arnold at Rambo na nakahawak sa magkabila kong balikat, ngunit masyado silang malakas kumpara sa akin.
We were at the rooftop, rain was pouring down directly at us and I could clearly see the lightning drawing up in the sky, followed by deafening roars of thunder.
Every kick and punch to Gil felt like torture to me, especially because I was there right in front of him and I couldn't do anything to help him.
I tried to close my eyes just so I wouldn't see Gil get beat to a pulp, but I could still hear him grunt and gasp in pain. It didn't help that both Rambo and Arnold were carrying flashlights and they were all pointed at the two of them.
"Tulungan n'yo kami! Tulong!" I tried to scream louder and louder, hoping someone will hear and come to our rescue, but it felt like no one was going to come for us. Gil and I were on our own.
"Alalahanin mo 'yong madre! Naging gano'n ang lola mo at pinagtanggol lang ako ni Gil! Huwag kang gago, utang na loob! Gamitin mo yang kokote mo, Bogart! Ano ba!" Parang mawawasak na ang lalamunan ko sa pagsigaw at para na akong mababalian ng buto sa kakapumiglas, ngunit mas nakatuon ang atensiyon ko kay Gil na nakadapa habang sapo ang sikmura. Halos hindi na siya gumagalaw, dahilan para maging abot-langit ang takot ko.
I wanted to grab the gun from my pocket but I was too weak to break away from their hold. I wanted to remind Gil of the gun he was carrying, but I was too afraid that if Bogart hears about the gun, he'd take it . . . worse, he just might use it against Gil.
Suminghap ako dahil sa tubig-ulang bumabagsak pababa ng mukha ko. Labis ang panlalabo ng mga mata ko pero hindi ko na alam kung dahil ba sa ulan o luha. "Gil! Fight back! Gil!" The gun! Remember the gun in your pocket!
Lalo pa akong nagpumiglas hanggang sa isang iglap ay bigla akong nadapa sa sahig, gano'n na rin sina Arnold at Rambo. Akala ko pagkakataon ko na 'yon para makawala sa kanila, pero dali-dali nila akong hinawakan ulit nang mahigpit at halos daganan pa sa likuran.
"Huwag ka na ngang gumalaw, Vigoria! Mamaya mabalian ka pa ng buto!" bulalas ni Rambo at marahas akong hinila hanggang sa tuluyan akong maupo sa basang sahig.
"Bro, you're the one who's twisting her arm too much! Just hold her hand over her back, just enough so she can't move!" Narinig ko namang sabi ni Arnold.
Pauulanan ko sana sila ng mura, pero para bang may naririnig na rin akong sumisigaw mula sa kung saan.
Knowing the danger looming around us, people screaming would only mean one thing—all of us are doomed.
"M-May sumigaw? Naririnig mo 'yon?" taranta kong tanong kay Rambo sa kaliwa ko.
"Malamang ikaw! Kanina ka pa sigaw nang sigaw, parang dudugo na ang tainga ko sa ingay mo!" bulyaw niya sa akin sabay ngiwi.
Napatingala naman agad ako kay Arnold na nakaluhod sa gilid ko't mahigpit na nakahawak sa kanan kong braso. "Arnold, naririnig mo rin ba?! May sumisigaw sa baba, tama ba?!"
Kunot-noong natigilan si Arnold at napalingon. Hindi gaya ni Rambo, pinakinggan niya ang paligid. Lumipas ang ilang sandali at bigla na lamang umawang ang kanyang labi. "P-Parang may sumisigaw nga?"
"Ha? Seryoso ka?" Naguguluhang tanong ni Rambo at siya naman ang nakiramdam sa paligid.
Sapat na para sa akin ang kompirmasyon mula kay Arnold kaya naman muli kong tinuon ang pansin kay Bogart na wala pa ring pakundangan sa pagpapahirap kay Gil.
"Bogart, hindi mo dapat dinala ang lola mo rito! Ilayo mo na siya rito habang hindi pa siya nagwawala!" May panggigigil kong sigaw sabay singhap dahil sa tubig-ulang bumababa mukha ko. "Gil just defended me because your grandma was about to kill me! At ngayong dinala mo siya rito, para mo na ring sinentensiyahan ng kamatayan ang mga taong kasama niya sa kuwartong 'yon! May mga bata roon, Bogart! Utang na loob, mga bata ang masasaktan ng lola mo! Whoever your grandma kills in that room, it will be your fault if you won't get her away from here while there's still time."
Nanggagalaiting lumapit sa akin si Bogart, nanlilisik ang namumulang mga mata at nanginginig ang mga kamaong may bahid ng pinaghalong dugo at tubig-ulan. Nahigit ko ang hininga nang bigla niya akong hinila mula sa kuwelyo ng jacket na suot ko.
"Bro! Bro! Babae 'yan bro!" tarantang awat kaagad ni Arnold.
"Gago Bogart, anak pa rin 'to ni Hepe!" bulalas naman ni Rambo.
Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak nila sa akin at halos takpan nila ako gamit ng sarili nilang mga katawan. Sa kabila nito, pilit akong nanatiling taas-noo.
"Nakita mo ang ginawa at kayang gawin ng madreng 'yon, Bogart! Huwag kang magbulag-bulagan sa kayang gawin ng lola mo!" buong lakas kong sigaw, wala nang pakialam kahit tadyakan niya pa ako.
Humigpit ang hawak ni Bogart sa kuwelyo ko at itinaas ang nanginginig na kamao. "Ilang taon nang nakaratay sa wheelchair ang lola ko! Kahit insekto ay hindi niya kayang saktan—"
"Bogart!"
Pare-pareho kaming napalingon nang umalingawngaw ang isang nakabibinging tili. Paglingon ay nakita namin ang nurse ni Madam Laura na duguan at gulong-gulo ang buhok. "Binubugbog si Langaw ng lola mo!"
I knew it wasn't right to gloat, but the moment Bogart looked at me and our eyes met, I couldn't help but smile bitterly.
"Your fault," mahina kong sambit dahil sa nag-aalab kong galit.
Bogart didn't say anything. He just glared at me and ran, following the nurse's lead. Wala namang nagawa sina Arnold at Rambo kundi bitiwan at agad na sundan ang 'boss' nila. Ako naman ay dali-daling tumayo at lumapit kay Gil.
Para akong nanghina nang makita nang malapitan ang duguan niyang mukha, pati na ang katawan niyang para bang nanginginig sa sobrang sakit.
"O-Okay ka lang?" Nanghihina niyang sambit, hindi halos kayang dumilat dahil sa sobrang pamimilipit sa sakit. Siya na 'tong bugbog-sarado, siya pa ang nagtatanong kung okay lang ako.
Nilunok ko na lamang ang nagbabadya kong hikbi at humawak nang mahigpit sa bewang niya upang maalalayan siya sa pagtayo. "L-Let's get the hell out of here, okay? I think there was a fire escape ladder around here. We can use that—"
"P-Paano ang mga tao? Kailangan natin silang balaan," aniya, determinadong tulungan ang mga taong walang ibang ginawa kundi tingnan siya ng masama.
"L-Let's get you out of here first," giit ko.
When I returned to the island despite knowing the carnage that could ensue, all I wanted was to save and protect people like how my father would. But in that moment, all I wanted was to protect Gil and get him to safety.
I know my father would be very disappointed at me, but in that moment, getting Gil to safety and finding Masha became my top priority.
"Let's stand on the count of three, okay?" I threw his arm over my shoulder and held his waist tighter. "Can you still walk?"
Pikit-matang tumango si Gil, namimilipit pa rin sa sakit.
Nang tuluyan kaming makatayo, narinig kong suminghap si Gil at pansin kong para bang nahihirapan siyang manatiling dilat. Natakot akong baka makatulog siya at sakalin ako bigla kaya naman hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niyang nakasabit sa balikat ko.
"Gil, you better stay awake or I swear I'm going to shoot you!" giit ko at saka sinubukang humakbang. Tumango naman si Gil at pursigido ring gumalaw.
Mga limang hakbang pa lang yata ay para na akong malalagutan ng hininga sa sobrang bigat niya—or was I just too weak? Regardless, I tried not to show it and kept moving as fast as I could.
Iika-ika at halos magkandakuba na, maingat kaming bumaba ni Gil sa bawat baitang ng hagdanan hanggang sa makarating kami sa second floor, at doon ay nakasalubong namin ang mga taong nagtatakbuhan mula sa hallway at nagkukumahog na makababa sa ground floor.
Sa dami ng mga taong nagmamadali, hindi kami nakagalaw ni Gil at kumapit na lamang sa railings sa takot na baka madala nila kami at pare-pareho kaming mahulog pababa. Hindi nakatulong na walang ilaw sa hagdanan!
Nakabibingi ang mga sigawan at iyakan sa paligid. Ang lahat ay takot na takot at labis ang taranta.
Sa unti-unting pagkaubos ng mga taong tumatakbo patungo sa amin, naaninag ko ang isang katawan na lumipad mula sa isang classroom at marahas na tumilapon sa sahig ng hallway. There were emergency lights around the hallway, so I quickly realized that it was Rambo when I noticed the strip of cloth tied around his head.
Hinang-hinang bumangon si Rambo kaya naman naisigaw ko ang pangalan niya. Nang lumingon siya sa direksiyon namin, aligaga ko siyang sinenyasan na lumapit para sumabay na siya sa amin sa pagtakas.
Dali-dali siyang tumayo, pero nagulat ako dahil imbes na tumakbo patungo sa amin, bumalik siya sa loob ng ng classroom. Nagtaas pa siya ng kamao at sumigaw nang pagkalakas-lakas, tila ba handang-handang lumaban.
"Gil!" Napasigaw ako nang biglang kumawala si Gil sa pagkakahawak ko. Iika-ika siyang tumakbo patungo sa direksiyon ng classroom na tinungo ni Rambo at inilabas pa ang baril na nasa bulsa niya.
The idiot will still help them even after everything they did to him!
Gusto ko mang pagmumurahin si Gil, sa huli wala akong nagawa kundi sumunod at umalalay sa kanya. Pagpasok na pagpasok namin sa classroom, nakita namin kaagad si Madam Laura na nakatayo sa gitna ng classroom habang hawak-hawak sa leeg ang duguang si langaw. Sa sobrang lakas niya, naingat niya ito sa ere. Nakapalibot naman sa kanila sina Bogart, Arnold, Rambo, at pati na ang babaeng nurse—parehong umaawat at nakikiusap sa matanda na bitiwan na ang halos lupaypay nang katawan ni Langaw. Nasa sahig naman ang ilang katawang hindi na gumagalaw.
"Stay here and cover me! Shoot only when you're sure!" sigaw ko kay Gil at awtomatikong kumaripas ng takbo patungo kay Madam Laura at binangga siya gamit ang sarili kong katawan, sabay tulak sa kanya nang napakarahas. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong football quarterback . . . para ring truck sa isang kdrama na lumalabas mula sa kung saan para bundulin ang bida.
At that moment, I honestly didn't know what I was thinking. It was as if my mind went blank and I just moved according to instinct and adrenaline. But it worked. That split second tackle worked . . . but I guess it worked too well dahil sa huli, pare-pareho kaming tumilapon nina Madam Laura at Langaw sa magkaibang direksiyon ng sahig.
"Jordan!" Narinig kong sumigaw si Gil.
"Lola!" sigaw naman ni Bogart.
Hilong-hilo man, hindi ako nag-aksaya ng sandali at pasuray-suray na bumangon habang sumisigaw sa abot nang makakaya. "Takbo! Takbo!"
Nakita ko si Langaw na namimilipit sa sakit at nagpupumilit na bumangon. Malapit lang siya sa akin kaya naman dali-dali akong lumapit at tinangka siyang hilahin patayo, kaso masyado akong mahina. Mabuti na lang at mabilis na nagsilapit sina Arnold at Rambo. Halos kargahin ni Arnold si Langaw, at si Rambo naman ang umalalay sa akin.
"Huwag n'yo siyang lapitan!" Narinig kong sumigaw si Gil at awtomatikong napunta ang atensiyon ko kay Bogart at sa nurse na nakapako lamang sa kanilang kinatatayuan, bakas ang takot at pag-aalala sa mga mukha habang nakatingin sa direksiyon ni Madam Laura na nagsisimula nang bumangon mula sa pagkakabagsak sa sahig.
"G-Go go!" taranta kong bulalas kanila Langaw, Rambo, at Arnold. Bahala na si Bogart at ang nurse kung gusto nilang manatili at maghintay sa pagbangon ng matanda.
Part of me understood Bogart and the female nurse. Maybe to us Madam Laura was just some old woman gone wild, but to them she's family. I'd probably freeze and worry too if my family turned wild like that.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa pinto kung saan naghihintay si Gil, parang may iisa kaming mga utak at dali-daling humawak sa pinto—handang-handa na itong isara.
"Bogart! Nurse Lani! Dito! Bilis! Dito!" sigawan kaagad ang mga kaibigan ni Bogart. Kahit na si Langaw na duguan ay halos tumalon-talon na dahil sa taranta.
However, it was as if Bogart was in a trance. His feet were frozen where he stood, but his eyes moved from his grandmother . . . and to the lifeless bodies laying on the floor. And that was only when I realized that one of the bodies were of a child. Madam Laura killed a child while we were at the rooftop.
"Nurse Lani!" sumigaw nang pagkalakas-lakas si Rambo mula sa likuran ko.
Binalik ko ang tingin kay Madam Laura at awtomatiko akong napatili nang makitang naglalakad na siya palapit kay Nurse Lani. Buto't balat man at maypagka-baliko pa ang mga braso't sakong, walang kahirap-hirap itong nakapaglakad habang walang kaemo-emosyon ang mukha.
Imbis na tumakbo gaya ng sinisigaw namin, umiiyak na hinarap ni Nurse Lani si Madam Laura. "Madam, alam kong nandiyan ka pa! Lumaban ka! Nandito si Bogart! Please alalahanin mo ang apo mo!"
Nahinto sa paghakbang si Madam Laura, dahilan para mahinto rin kami sa aming sigawan.
"W-Wait, did she really hear her?" Napasinghap ako sa sobrang gulat at kalituhan. The power of love works???
Nanatiling nakapako si Bogart sa kinatatayuan. Si Nurse Lani naman ay dali-daling lumapit sa matanda at marahan itong hinawakan sa braso, nais alalayan kagaya ng dati.
"Madam, doon na kayo sa upuan ha—Madam?" Bakas ang kalituhan sa boses ni Nurse Lani nang biglang hinawakan ni Madam Laura ang magkabila niyang pisngi. "Madam—"
Madam Laura swiftly moved her hands to the left, and then we heard it . . . a loud crack.
"Nurse Lani!" sumigaw si Bogart nang pagkalakas-lakas at sa puntong iyon ay bigla na lamang binitiwan ni Madam Laura si Nurse Lani.
Nurse Lani's body made a loud thud as it fell to the ground. All of us screamed when we realized that her neck was completely twisted and bent. Her eyes were wide open and her lips moved unconsciously like it was trying to gasp for air . . . but at that point, I knew she was already a goner.
All of us screamed again, even louder, when Madam Laura's face snapped toward Bogart's direction. Meanwhile Bogart just stood there, mindlessly staring at Nurse Lani's body on the floor.
"Bogart!" At that point, Rambo, Arnold, and Langaw were in shambles. They were utterly terrified for the safety of their friend, but all they could do was scream and cry out his name.
Honestly, it felt like they were all goners. Bogart clearly lost the will to run away, while I was sure as hell at that the three Boguards will not just leave their boss behind. Selfish na kung selfish, pero hindi gaya nila, kayang-kaya kong umalis. I still have to find Masha. I still have to meet my family.
Napalingon ako kay Gil. Hihilahin ko na sana siya para umalis na pero nakita kong nakataas ang hawak niyang baril. Bago pa man ako makapagsalita, bigla niyang kinalabit ang gatilyo.
Halos mabingi ako sa biglang pagpapaputok ni Gil. My vision spun as a loud ringing filled my ear, but it didn't stop me from noticing what was going on.
Gil shot at Madam Laura's feet, making her take a few steps back away from Bogart. And because of what Gil did, the Boguards suddenly ran back inside the classroom and dragged Bogart away to safety.
As soon as everyone was out of the classroom, we all slammed the door shut and ran away as fast as we could. All of us moved so swiftly and quickly that next thing I know we were already running down the poorly-lit stairway, heading for the lobby.
"Ingat sa bawat hakbang! Baka mahulog—" bago ko pa man matapos ang sinasabi, bigla na lamang may sumigaw mula sa likuran ko at may kung anong bumundol sa akin mula sa likuran.
Everything happened so fast. Ni hindi ako nakapagmura at tanging sigaw na lang ang nagawa ko nang pare-pareho kaming dumausdos at magpagulong-gulong pababa ng hagdan.
***
Pakiramdam ko'y sabay akong nabugbog ni Bogart at ng Lola niya dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Sumisirko ang paningin ko at sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko, pero pinilit ko pa rin manatiling dilat.
It was dark but I could somehow make out the stairway above us. I could also feel and hear the guys' presence around me. Pare-pareho kaming bagsak sa sahig at namimilipit sa sakit. At least, patas kami lahat.
"Putangina. Sino 'yong nanulak?" May mangiyak-ngiyak na nagsalita sa gilid ko at nang bumaling ako rito ay nakita kong si Arnold pala ang nakahiga sa tabi ko. Nagawa kong maaninag ang mukha niya dahil kahit papaano ay may nakukuha kaming katiting na liwanag mula sa pinakamalapit na emergency light.
"Shhh . . . " I tried to shush him lalo't parang may naaninag din akong tao nakatayo sa malapit namin. Hindi ko alam kung normal ba itong tao o sleepwalker, mahirap na.
"Shhh! Shhh! Nobody make a sound!" pabulong ko pang anunsiyo para sa lahat. "They won't attack us if its dark and quiet!"
"Tulong!" Arnold groggily cried out and raised his arm. "Ang sakit ng—" Dali-dali kong tinakpan ang bibig niya at pinanlisikan siya ng mga mata. Do you want to die?!
Bigla akong pinanlisikan din ni Arnold. Akala ko nakikipag-away siya sa akin, pero bigla kong napansin ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata—gimbal.
Dahil nakatakip pa ang kamay ko sa kanyang bibig, naramdaman ng palad ko ang kanyang pagngiwi. Parang may tinuturo siya sa kanyang paanan. Sinundan ko ito ng tingin at halos atakihin ako sa puso nang makita ang isang security guard na nakatayo malapit sa amin. Walang kaemo-emosyon ang dilat na dilat nitong mga mata at hawak-hawak na nito ang kaliwang paa ni Arnold.
Para mang sasabog ang puso ko sa takot, pinili kong huwag gumalaw, umaasang kagaya ito sa mga marites na humabol kay Fash na tinantanan kami nang manahimik kami.
Tumalikod ang guwardya habang hawak-hawak pa rin ang paa ni Arnold at saka nagsimulang maglakad.
Arnold was going to get dragged kaya dali-dali ko siyang niyakap nang mahigpit. Madulas ang basa niyang black leather jacket kaya pati ang paa ko ay ipinatong ko na rin sa kanya para lang huwag siyang mapakawalan. Sa kauna-unahang pagkakataon, gusto kong maging pabigat!
Nagkatinginan kami ni Arnold, parehong takot na takot at nagpipigil ng sigaw lalo na nang nagpatuloy sa paglalakad ang guwardiya. This time, kaming dalawa na ang nakakaladkad nito.
Napasinghap ako nang naramdamang may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita kong si Gil pala, kaso maging siya ay kasali na ring nakaladkad ng guwardiya. Awang-awa ako sa aming tatlo dahil para kaming naging basahan. Awang-awa rin ako kay Arnold dahil alam kong paa niya ang lubos na nagdurusa dahil ito ang hawak ng guwardya.
Sa isang iglap, bigla kaming nahinto sa paggalaw at naramdaman kong parang may humila sa jacket na suot ko. Tumingala ako nang kaunti at nakitang na tig-iisang nakahawak sa amin sina Rambo, Langaw, at Bogart.
Para akong nakahinga nang maluwag, pakiramdam ko kasi ay tatantanan na kami ng guwardiya dahil sa sobrang bigat namin . . . pero mali ako.
Sandaling huminto sa paggalaw ang guwardya at nakita ko ang pag-angat ng kanyang mga balikat na para bang nag-iipon ito ng lakas. At nang magpatuloy ito sa paglalakad, kaming anim na ang nakakakadkad nito. Ang masaklap ay may mga nadadaanan pa kaming mga duguang bangkay.
"Shit!" Impit na napaiyak si Arnold. Siya ang labis na nasasaktan dahil paa niya ang hawak ng guwardiya.
Gil must've saw how much Arnold suffered, so he lifted his head up, grabbing our attention as he held up the gun he was holding.
"May patrol car sa labas. Pagbilang ng tatlo, takbo ang lahat patungo roon at huwag na huwag nang gagawa ng kahit na anong ingay," Gil whispered to everyone in his most authoritative tone.
"Ha?" May isang suminghap sa amin.
Sabay-sabay kaming nagbilang, "One . . . Two . . . "
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro