chapter twenty-nine pt. 2 | the price of survival
Masha
My hands wouldn't stop trembling. It felt like there was an endless pit in my stomach. My mind kept going back to the pained look on Jordan's face and the tears up her eyes. I should've been more gentle with my words. I should've been careful about how she would feel.
"Mash, hindi 'yon galit sa 'yo. Si Jordan pa," Lincoln said reassuringly as he remained seated next to me at the round table.
"I just didn't want her to regret anything," I tried to explain myself between my sniffling, as if it would even matter. "I know her, Linc. She would always risk everything for the people she loves, and then suffer silently over the aftermath. Ayokong madagdagan ang mga dinadala niya. Ayokong madagdagan ang mga pinagsisisihan niya. She's been through hell all these years already."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Lincoln habang marahang tinatapik ang balikat ko at inaabutan ako ng tissue.
Umiling na lamang ako. The last thing I wanted was to betray Jordan's trust.
All of a sudden, the door beside us opened. Gil entered, soaking wet from the rain. Before he got to close the door, I caught a glimpse of the staircase heading up the third floor and fourth floor, as well as the staircase heading down the main living room.
Napatayo ako mula sa kinauupuan at agad na sinalubong si Gil. "Galit ba siya? Umiiyak ba siya?"
"Nagugutom daw siya." Gil shrugged like it wasn't a big deal. "Huwag kang mag-alala, hindi siya galit. Patawa-tawa nga 'yon."
"Sabi sa 'yo," natatawa namang sambit ni Lincoln. "Hindi nagtatanim ng sama ng loob 'yon."
I sighed in relief, but it still wasn't enough. I still needed to talk to her. I still needed to apologize, to explain my side.
"Nasaan pala ang iba?" kunot-noong tanong ni Gil sabay libot ng paningin sa paligid. "Bakit kayo lang ang nandito?"
"Sinamahan nina Chad si Father Ruben para kumbinsihin ang mag nagpa-party," sagot ko at saka tinuro ang direksiyon kung nasaan ang kuwarto na kinaroroonan ng mga mata. "Rai and the guys are keeping an eye on the kids and the pregnant woman."
Gil sighed and nodded.
"Siya nga pala, tuyo na 'yong mga damit natin. Kunin mo 'yung jacket ninyo ni Jordan do'n," sabi naman ni Lincoln sabay turo sa natitirang damit sa sofa. "Nakuha na nina Arnold ang kanila."
"Wait here, I'll grab food for Jordan," sabi ko kay Gil at agad na tumungo sa maliit na kusina na nasa kabilang dulo pa ng buong floor.
***
Matapos malagyan ng tubig ang cup noodles, agad ako itong tinakpan. Habang naghihintay, naupo muna ako sa isang tabi at bumuntonghininga.
"Everything alright?"
Lumingon ako at nakita si Gil na dala-dala pa ang mga jacket nila ni Jordan.
Gil doesn't smile or talk too much. In fact, I thought he was cold and rude, but he turned out to be a really soft-spoken guy. No wonder Jordan and him got close.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Hinihintay ko lang na maluto ang cup noodles. Gusto mo rin ba ng sa 'yo?"
Umiling naman siya. "Huwag na. Nabusog ako sa paglaklak ng kape."
I've heard the rumors about Gilbert Timoteo. Ever since he came to the island, it felt like an invisible target sign was placed on his forehead. Lahat may sinasabi tungkol sa kanya, kahit 'yong mga hindi niya kilala.
Magiging kriminal katulad ng tatay, walang modo, halang ang kaluluwa, nagtatago sa batas kaya umuwi sa isla, pineperahan si Chief, barumbado, lasinggero, sumasamba sa demonyo, naging adik sa Maynila, masama ang ugali—lahat na yata ng masasamang bagay, naipukol na kay Gil. At nagsisisi ako dahil isa ako sa mga taong nag-isip din ng masama tungkol sa kanya noon.
"Sorry I believed some of the rumors about you," sabi ko. I know it was out of the blue, but I just needed to get the guilt out of my system.
Nagkibit-balikat siya. "Naniwala rin ako sa ibang kuwento tungkol sa 'yo."
Agad namilog ang mga mata ko. "There were rumors about me?"
Lumapit siya at naupo sa tabi ko, bagsak ang mga balikat. "Lahat naman ng mga tao rito naging biktima ng mga sabi-sabi."
"Sabagay. Each other's lives are the people's favorite form of entertainment here." Napangiti na lamang ako at napasandal sa pader na nasa likuran namin. Habang nakatitig sa cup noodles, hindi ko napigilang bumuntonghininga. "Are you sure she's really okay? I won't be upset if she's cursing me out. Deserve ko 'yon."
"Hindi siya nagmura . . . pero umiyak siya," pag-amin ni Gil.
Mariin akong napapikit. Parang mas gusto kong pagmumurahin na lang ako ni Jordan kaysa umiyak siya.
"She's not mad at you," Gil said reassuringly. "It's just. . . "
"Just what?" Napadilat ako at kunot-noong napatingin sa kanya. "Say it. I can take it."
Bumuntonghininga si Gil at napasandal din sa pader gaya ko. "Napakaraming nangyari sa kanya sa araw na 'to . . . Sinabi ni Kuya Vito sa akin na nasaksak daw si Chief kanina at naroon daw si Jordan nang mangyari 'yon. . . pati na no'ng napakaraming pulis ang namatay. Kahit si Bogart, sinabi niya sa akin kanina na nag-aalala rin siya kay Jordan. Pagdating kasi nila sa orphanage, nadatnan daw nila ang lasog-lasog na bangkay ng mga bata sa isang kuwarto. Umasa raw si Jordan na may buhay pa sa mga bata kaya isa-isa niyang pinulsuhan ang mga ito, pero sa huli, patay na silang lahat. At sa police station kanina . . . napatay niya ang papa ni Pia para lang mailigtas ang buhay ko."
Nanginginig akong napatakip sa bibig ko kasabay ng pagragasa ng mga luha ko. "Oh my God . . . Jordan . . . "
Can you live with the aftermath of your actions? Para akong nanghina nang maalala ang mga pinagsasabi ko kay Jordan.
"Nakita niya rin kung paano nasaksak si Kuya Vito, at hawak-hawak niya pa ang kamay nito nang malagutan ng hininga." Pumikit nang mariin si Gil. "Ni isa sa amin, wala ring nagawa nang pagtangkaan siya ng mga puganteng 'yon. Mag-isa niyang hinarap ang lahat kahit na napakarami naming nakapaligid sa kanya."
"She's been bottling up everything . . . " I sobbed when I realized it. "Oh my God! Kung ano-ano 'yong pinagsasabi ko kanina sa kanya!"
"Magkakaiba kayo ng pinaniniwalaan. Walang mali roon. May kanya-kanya rin naman kayong rason. Si Jordan, dahil sa dami ng masasamang nakita niya, desperado lang siyang manatili tayong ligtas." Gil opened his eyes and stood up, smiling faintly at me. "Pabababain ko rito si Jordan. Mag-usap kayong dalawa. Hindi 'yon galit sa 'yo."
Tumayo si Gil at nagsimulang maglakad paalis. Nakakailang hakbang na siya nang magawa kong makapagsalita ulit.
"Gilbert, puwede bang humingi ng pabor?"
Huminto siya sa paglalakad at humarap ulit sa akin. "Tungkol saan?"
Tumayo ako ngumiti kasabay ng lalong pagpatak ng mga luha ko. "Can you do it? Please? I know we're not close but can you do me this favor? For Jordan? Please, for Jordan?"
"Ang ano?" Bahagyang kumunot ang noo niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang nanginginig na mga kamay, pero nagpatuloy pa rin sila sa pagbagsak. Huminga na lamang ako nang malalim at nanatiling nakangiti. "If I can no longer stay awake, I want you to pull the trigger."
Gil's face turned serious, his jaw clenching.
"Please?" I tilted my head, trying to keep smiling despite my tears. "You said it yourself, Jordan has been through a lot. She shouldn't be the one to end me. She will never get over it. I considered Lincoln too but he's too much of a crybaby like Smoeki, so ikaw na lang—"
"Para sa pamilya mo, kay Jordan, at kay Lincoln, mananatili kang gising," malamig na sambit ni Gil at basta na lang naglakad palayo.
Umiiyak man, hindi ko napigilang matawa nang bahagya.
If Jordan ends up with someone else, I guess I'll be fine if it turns out to be Gil. I'll listen to Adele and Taylor Swift songs while crying in my room, but I'll be fine. I guess?
***
Nang maluto na ang cup noodles, maingat ko itong dinala sa entertainment room. Didiretso na lang sana ako sa pinto upang pumunta sa rooftop, pero nagtaka ako nang makita si Smoeki na nakaupo sa bilugang mesa habang tinititigan ang radyo.
"Anong meron?" tanong ko. "Nasaan sina Lincoln?"
Umiling si Smoeki, titig na titig pa rin sa maliit na radyo.
"Smoeki . . . " I used my authoritative voice on him.
Smoeki sighed and turned to look at me. That was when I noticed the tears pooling up his eyes. "Umakyat sila sa rooftop."
"And the radio?" tanong ko pa.
"I never told her . . . " walang kabuhay-buhay niyang sambit.
Smoeki sounded so upset so I sat on the chair next to him and placed the cup noodles on the table. "Never told her what?"
"M-Mash, kausap ko na si Thea kanina pero hindi ko man lang nasabing mahal ko siya . . . " Tuluyang pumatak ang mga luha ni Smoeki. "G-Gusto ko siyang tawagan ulit, pero baka ikapahamak nila kung tatawag ako. Paano kung nagtatago pala sila o—"
"Smoeki, Thea knows how much you love him," giit ko kahit na parang maiiyak na rin ako. "Kahit hindi mo sabihin—"
"Hindi kami kagaya ni PJ at Jordan, Mash. " Umiling-iling si Smoeki, bagsak ang mga balikat at patuloy na lumuluha. "Hindi kami gaya ng ibang magkapatid na alam kung gaano kamahal ang isa't isa kahit hindi magsabi. Kami ni Thea? Walang araw na hindi kami nag-aaway. Namumura ko pa siya palagi. I kept trying to remember happy moments between us, but all I can remember was her crying her eyes out when I told her that I wished she was never born."
Tuluyan akong napaiyak at napayakap na lamang kay Smoeki.
"I didn't mean it. I was just being a jerk!" Umiling-iling si Smoeki kasabay ng lalo niyang pag-iyak. "Mash, gusto kong malaman niya na hindi 'yon totoo. Ayokong maalala niya 'yon. Hindi 'yon totoo. Masaya ako na may kapatid ako. Na kapatid ko siya!"
Awang-awa ako kay Smoeki pero sa huli ay wala akong magawa kundi yakapin siya. Nang pakiramdam ko'y unti-unti na siyang nahihimasmasan, bahagya akong bumitiw sa kanya.
"Gusto mo ng ice cream? May nakita akong ice cream sa freezer kanina," pilit akong ngumiti para sa kanya.
"S-Si Thea, mahilig 'yon sa ice cream," aniya sa pagitan ng bawat paghangos. "Ibibigay ko kay Thea—"
"Dalawang cone 'yon, isa-isa kayo ni Thea," I assured him. "Teka lang . . . " paalam ko at agad na tumakbo patungo sa kusina.
***
Pagkasarang-pagkasara ko sa pinto ng ref, laking gulat ko nang makita kong nakatayo na pala sa tabi ko si Jordan. Sa sobrang gulat, napasigaw ako at napatalon.
"Panget mo, Mash." Humalakhak siya, basang-basa ng ulan at namamaga pa ang mga mata.
"Jordan!" I burst into tears and quickly ran to hug her tight. "S-Sorry! I didn't mean it! I didn't—"
Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko at sapilitan akong pinabitiw sa kanya.
I froze and just looked up at her, scared to death over what's going to come out from her mouth.
"Sabi ni Gil nilutuan mo ako ng cup noodles? Bakit si Smoeki na ang kumakain no'n?" aniya sabay simangot.
"Kinain ni Smoeki?!" Namilog kaagad ang mga mata ko. "But para 'yon sa 'yo! That little—"
"It's fine." Jordan smiled and shook her head. "Si Chad nga pala?"
I stilled and stared at Jordan. How could she just change the topic and act like I didn't hurt her feelings?
"J-Jordan, sorry—"
"It's fine." Jordan smiled at me reassuringly. "Okay na 'yon. Just don't do anything that could hurt you. Okay na. Si Chad pala? Nasaan siya?"
I should be glad that Jordan forgave me, but something about how she behaved bothered me. Bakit parang nagmamadali siya? Anong meron?
"Ch-Chad's downstairs, helping Father Ruben," I answered, a little unsure. "Bakit? Is everything okay?"
"Yeah, it's fine." She shrugged and started looking around, pausing when something caught her eye. "That's the dumbwaiter, right?"
"Dumb what?" Lumingon ako kung ano ang tinuro niya at nagtaka ako nang makita ang isang para bang maliit na cabinet na nakadikit sa dingding. Ngunit hindi gaya ng karaniwang cabinet na gawa sa kahoy, gawa ito sa metal. "Jordi, that's a cabinet."
"Masha, meet dumbwaiter. Dumbwaiter, meet Masha," aniya, nakuha pang magbiro. "Buildings often have dumbwaiters to deliver food, laundry, or other supplies at different floors. It's basically an elevator but for objects. It's my first time seeing one in person."
Bago pa man ako makapagsalita, bigla na lamang binuksan ni Jordan ang pinto ng dumbwaiter. Nagulat ako dahil mukha nga itong isang half-sized elevator. Parang kasya ang dalawang tao kung mag-fe-fetal position lang.
"Uy, anong gagawin mo?!" bulalas ko nang bigla na lamang pumasok si Jordan sa loob ng dumbwaiter. She sat inside, folded her knees and hugged them tightly just to fit.
"Hey, can you see any buttons out there? Wala akong makita rito," aniya pa habang sinusuyod ng tingin ang bawat sulok sa loob ng dumbwaiter.
"Jordan, ano ba?! Can you please tell me what the hell is going on?!" Ayoko siyang pagtaasan ulit ng boses, pero sa puntong 'yon ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.
She stopped moving and looked at me right in the eyes. That was when I realized something. She wasn't just rushing. She was worried about something.
"Jordan . . . anong nangyayari?" halos pabulong kong sambit.
Jordan closed her eyes shut for a second and opened them after breathing a loud sigh. "I need to get to the basement. I heard Chad's late grandpa's things are stored down there. He's an avid hunter, Mash. We can use his supplies. Maghahanap din ako ng puwede nating daanan palabas. Don't let Chad know, okay? Hindi 'to dapat malaman ni Chad."
"Huh? Bakit hindi dapat malaman ni Chad?" tanong ko. "Anong nangyayari? Teka, tatawagin ko sina Gil!"
"Gil's at the rooftop, guarding the area. Mash, I'll tell you everything when I'm finally sure. Just please, magtiwala ka muna sa akin," pakiusap niya.
Nag-aalala man at napakaraming katanungan, pinili kong magtiwala sa kanya.
"Just stay safe, okay?" Nag-angat ako ng tingin sa kabuuan ng dumbwaiter hanggang sa mahanap ko ang isang panel na may iba't ibang button gaya ng sa elevator. "I found it! Basement, right?"
"Press it!" Jordan said, without a hint of hesitation on her voice.
I bit my lips and mustered up all of the courage I have as I pressed the button. Moments later, the dumbwaiter started moving down and I saw less and less of Jordan. When she was finally out of my sight, that was when I released the breath I didn't realize I was holding.
"God, please keep her safe." I could only look up and whisper.
JORDAN
Nang maramdaman kong huminto sa paggalaw ang sinasakyang dumbwaiter, saka lang ako nakaramdam ng kaba sa ginagawa. Sa kabila nito, pilit kong nilakasan ang loob ko. If Chad has bad intentions for lying, we need to leave right away. And for us to leave safely, I need to find a path for us to take. And with Madam Laura stalking our ass, we badly need additional weapons and ammo.
"Whether you'll do this or not, you'll be dead anyway," bulong ko sa sarili sabay hinga nang malalim. Bago pa man ako tuluyang maduwag, tinulak ko na pabukas ang pinto at dahan-dahang inilabas ang ang mga paa ko.
Habang kinakapa ang sahig, nakita kong pabilog din ang floor area rito kagaya ng sa entertainment room. Mayroong mga pinto sa paligid, pati na ang isang round table sa mismong gitna ng sahig. There was also a hallway leading up to God knows where.
Hindi na ako nag-aksaya ng sandali, lumapit ako sa pintong pinakamalapit sa akin at tinangka itong buksan. Nang mapagtantong naka-lock ito, lumipat ako sa kabila.
Napalunok ako nang mariin nang tagumpay kong mabuksan ang pinto. When I entered and turned on the lights, it looked like a typical guest room. All of the pillows and blankets were in order and there wasn't really anything personal about it. But just to be sure, I tried opening the cabinets.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napasigaw ako't napatalon sa sobrang gulat. I instinctively turned around and saw a middle-aged woman standing by the door. Dressed in a night gown and satin robe, she had plastic curlers wrapped all over her hair.
Matatakot sana ako sa kanya pero napansin kong mukhang mas takot pa siya kaysa sa akin. Sabagay, ako nga naman 'tong basta-basta na lang bumaba sa basement.
"Oh my God, I'm so sorry po!" I forced myself to sound as pitiful and respectful as I could. "I-inutusan ako ni Chad na may kunin daw! Sorry po talaga, akala ko walang tao rito!" I blurted out the fastest lie that I could up with.
She breathed a loud sigh of relief and started laughing. "Ang pamangkin kong 'yon talaga. Pinapunta ako rito para mag-self isolate tapos siya naman 'tong nagpapunta ng tao rito."
"S-Self-isolate?" Agad nakunot ang noo ko. "M-May sakit ka po?"
Tinakpan ko agad ang bibig ko, pero dali-dali ko rin itong binaba nang maalalang may pending atraso nga pala ako dahil sa pang-te-trespass ko. Kunwari na lang na nagulat lang ako.
"Oo, pero hindi naman daw nakakahawa," she assured me. "Pina-self isolate lang ako dahil baka raw may masamang epekto sa akin ang hanging dala ng bagyo. Teka, basang-basa ka, ah? Galing ka ba sa labas? Hija, ang daming putik sa sahig!"
I bowed my head and apologized profusely once again. "P-Pasensiya na po talaga at nagdala ako ng kalat. Sorry po talaga. Akala ko okay lang kasi hindi ako sinita ni Chad."
Bahala ka na, Chad!
"Okay lang, basta linisan mo lang bago ka umakyat. Sa dumbwaiter ka ba dumaan?" aniya pa.
Nahihiya akong tumawa at napakamot na lamang sa batok ko. "S-Sabi ho kasi ni Chad—"
"Teka, anak ka ni Jessa, 'di ba?" Lumiwanag bigla ang mukha niya.
"K-Kilala mo po ako?" Pinilit kong ngumiti kahit na para pang sasabog ang puso ko sa kaba.
"Oo naman!" Natatawa niyang sambit at naglakad palapit sa akin. "Friends kami ng mama mo sa Facebook. Nasa profile at cover picture ka niya. Kayo ng kapatid mo."
Parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Lalo kong na-miss sina Mama at Papa. Lalo akong nagsisi dahil sa mga pinalampas kong pagkakataong makasama sila.
"Ako nga pala si Letty. Tita Letty na lang ang itawag mo sa akin. Ano nga palang pangalan mo?" aniya pa.
Huminga ako nang malalim at pilit na pinatigas ang puso ko. "Jordan po."
"Naku, bakit panlalake? Saan ba 'yan nakuha ng mama mo? . . . Teka, dito ka lang, Jordan, ha? Kukuha ako ng tuwalya para sa 'yo dahil baka nilalamig ka na. Huwag kang mag-alala, hindi pa 'yon nagagamit," she said, flashing her sweet smile as she left the room.
She told me to stay but I didn't really like the idea of it kaya naman lumabas ako ng kuwarto. Napatingin ako sa dumbwaiter at saktong nakita ko itong lumiwanag. Curious, dali-dali akong lumapit dito. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla na lamang bumukas ang maliit na pinto.
"Masha?!" Napasinghap ako sa gulat nang makita ko siyang lumabas. Sa kabila nito, dali-dali akong lumapit at umalalay sa kanya sa pagtalon pababa. "What the hell, Mash?! I thought—"
"You forgot this," bulong niya sabay abot sa akin ng isang kutsilyo na may takip pang black plastic sa dulo. "Seriously? You came here, barging in without a weapon?" dagdag niya pa at pinanlisikan ako ng mga mata.
Imbes na mainis sa pagsunod niya, napabuntonghininga na lamang ako. After all, that was a good call. My bad I forgot to bring the weapon. Masyado lang talaga akong nagmadali at nawala sa isip ko.
"Oh, you have company?"
Pareho kaming napatalon ni Masha sa gulat nang marinig ang boses ni Tita Letty. Dali-dali kong itinago ang kutsilyo sa likuran ko. Mamaya kung ano pa ang maisip ng ginang. Lagot talaga kami.
"B-Best friend ko po, si Masha. S-Sumunod po siya kasi nag-alala siya sa akin. Pasensiya na po ulit at bigla kaming bumaba rito," taranta kong paliwanag. Dali-dali ko pang siniko si Masha para sakyan niya ang pinagsasabi ko.
Good thing Masha was quick to pick-up. She instantly flashed an innocent smile and started apologizing. "M-Ma'am, sorry po. Nag-worry lang po talaga ako sa kanya. Promise wala po kaming balak na masama."
Tita Letty smiled and handed me a towel. "Okay lang. Kahit papaano'y nakakatuwa rin makakita ng bagong mukha rito. Sumunod kayo sa akin, naroon ang cleaning supplies."
"Cleaning supplies?" Nakunot ang noo ni Masha, pero agad ding nasagot ang tanong niya nang magbaba siya ng tingin at nakita ang dala kong kalat sa sahig. "Oh, cleaning supplies."
Nang nagsimulang maglakad si Tita Letty, wala kaming nagawa kundi sumunod.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro