Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter twenty-five | the bloody party

Thea


"What do you guys think?" I grinned, showing off the cropped apple green shirt i was wearing, which I paired it with a brown leather mini skirt. "Yay or Nay?"

"Girl, I get we're already crazy for choosing to go to a party at a time like this, but you do realize na doble ang magiging lamig, 'di ba?" Nash smirked before facing the vanity table again and continued putting on his falsies. "Go put on some jeans or something before you freeze your ass to death."

"Uy, concerned si boy best friend," pang-aasar ni Missy na abala rin sa pagbibihis. 

As reply Nash started acting like he was gagging, but he was still focused on his falsies. He looked so good in his white sleeveless polo, paired with a tiny fashionable necktie.

"How about a jacket? Okay na ba 'yon?" tanong ko. "Hindi naman ako lamigin, so okay lang."

Missy shook her head and pointed at her large cabinet. "Get my denim green jacket. Oversized 'yon kaya hindi ka masyadong lalamigin."

"Hindi mo gagamitin?" I asked, just to be sure. She loves that jacket, after all.

"Girl, look at what I'm wearing?" Missy asked sarcastically, raising her arms as she showed off her pink sweatshirt and jeans. "You want me to look like the Michelin logo?"

Natawa na lamang ako at sinunod ang sinabi ni Missy. At pagkatapos maisuot ang jacket sa ibabaw ng damit ko, agad akong humarap ulit sa salamin. 

"Nga pala, Thei. You sure your parents won't suspect a thing?" Lumingon sa akin si Nash. "Kasi ako, super legal ako today."

"They won't." I grinned. "Sneaking out is easy. And besides, sobrang ma-pride ng mga magulang ko. Hihintayin nilang ako mismo ang lumabas ng kuwarto para kumain. Like that one time, I tried to give them the silent treatment, pero ako na lang 'yung sumuko kasi feeling ko naging invisible talaga ako for one week."

"Yikes." Nakangiwing tumawa si Missy. "Buti na lang ako nagpaalam."

"Akala ko ba hindi ka pinayagan?" Agad napalingon si Nash.

"Hindi nga." Ngumisi si Missy. "Pero may makakapigil ba sa 'kin? Daan lang tayo dito sa bintana mamaya tapos talon tayo sa gate."

"Girl, I'm wearing a mini-skirt!" Agad ko siyang pinanlisikan ng mga mata. "I don't want to lose my v-card on your kinakalawang na tusok-tusok sa gate!"

"Then go wear some jeans! Duh?" Nash rolled his eyes. "Don't say we told you so kapag manginig ka do'n sa pinagsamang malamig na panahon at aircon."

"Opo, boy best friend," biro ko sabay saludo, dahilan para makatanggap na naman ako ng irap mula sa kanya.

Natawa nang malakas si Missy, pero nakuha niya pa ring ituro ulit ang cabinet niya. "Keep the green crop and jacket on. Go use my high-waist jeans."

***

Akala ko nagbibiro lang si Missy, hindi pala. Literal talaga kaming umakyat sa backyard gate nila para lang tumakas nang hindi nakikita. Just like my family, hers didn't evacuate. Hindi bahain ang subdivision nila gaya ng sa amin kaya hindi namin masyadong ramdam ang hagupit ng bagyo.

Sa takot na baka makita kami ng kahit sino sa pamilya niya, nagtakbuhan pa talaga kami palabas ng subdivision na wala nang guwardiya. Huminto lamang kami nang makarating sa paradahan ng mga tricycle.

"My God! Ang lamig pala talaga!" I couldn't help but shiver and hug myself. Mabuti na lang at nakinig ako sa mga kaibigan ko. Napakalakas ng hangin at umaambon na. Ramdam na ramdam na namin ang bagyo pero tolerable pa rin naman kahit papaano.

"Told ya!" Nash smirked, pouting his lips like some expensive hollywood model. "Now, saan nga tayo ulit bibili ng alak?"

Wala kaming napala sa supermarket kaya sa huli, napagdesisyunan naming sa isang tindahan na lang bumili para mas mabilis. Pipikitan na lang namin ang patong na presyo.

"Tindahan ni Aleng Maleng is the key," sagot naman ni Missy sabay turo sa likuran namin. Pare-pareho kaming lumingon at nakita ang isang tindahang bukas pa. Sa katunayan, may lasing pa ngang natutulog sa isang tabi habang yakap-yakap ang isang basyo ng alak. In fairness, may kumot pa ito kahit mukha nang malalaglag mula sa mahabang upuang gawa sa kahoy.

"Aleng Maleng! Aleng Maleng! Yoohoo!" malambing na pagtawag ni Missy sabay takbo palapit sa tindahan.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Nash. "Shhh! Gaga ka, Missy! May natutulog—"

Sa isang iglap, bigla na lamang umupo ang lalakeng lasing na yakap pa rin ang walang lamang bote ng alak. Nanlilisik ang mga mata nitong pulang-pula. "Sino 'yang napakaingay at tatahiin ko ang bibig!"

Napatalon ako sa gulat at mabilis na napasapo sa dibdib ko. Hindi ko napigilang matawa—it was a habit that I couldn't shake off.

"Shet naman! Nagulat ako do'n!" Natatawa kong bulalas. Natigilan lamang ako nang mapagtantong si Senggo pala ang nasa harapan ko.

"Hoy! Iniwan ka na ng mga kaibigan mo!" bulyaw ni Senggo at paglingon ko ay nakita kong sobrang layo na ng tinakbo nina Missy at Nash. Iniwan ako pa ako ng mga leche.

"Sandali lang mga traydor!" sigaw ko na lamang at mabilis na humabol sa kanila.

***

Parang mga maamong tupa sina Missy at Nash na hindi halos magawang lumapit sa tindahan. Nakatayo lamang sila sa isang tabi, naka-ankla ang mga braso sa isa't isa at para bang nagdarasal sa loob ng mga isip nila.

Dahil wala na akong ibang choice, ako na lang mismo ang lumapit sa tindahan kung saan naroroon pa rin si Senggo na painom-inom lang sa natitirang laman ng bote ng alak. Grabe talaga si Senggo, kung saan-saan lagi napapadpad pero may dala pa ring alak.

"Aleng Maleng, tao po?" Magalang kong tawag, iwas na iwas tumingin sa direksiyon ni Senggo. There are tons of stories about Senggo, and almost all of them were about him beating or scaring the crap out of people. Ayokong masali sa mga kwento tungkol sa kanya.

"Tumatae pa si Maleng," si Senggo ang sumagot, garagal ang boses at nagawa pang dumighay. He reeks of alcohol and no-ligo days.

"Ah, sige po. Salamat." I turned to him and smiled a little, even bowing my head. The last thing I wanted was to get on Senggo's bad side. Magkaedad lang sila ni Papa, pero 'di hamak na talong-talo si Papa kapag nagbugbugan sila. Kahit ang kuya ko ay takot na takot din sa kanya. Heck! Kahit si Chief Vigoria ay walang panama sa kanya! 

Tumayo ako sa gilid, kunwari ayaw humarang sa gitna ng maliit na pinto ng tindahan pero ang totoo'y naglalagay lang talaga ako ng distansiya sa pagitan namin ni Senggo.

"Thea!"

Narinig kong tinawag ako nina Missy at Nash, medyo pabulong pa. Mukha tuloy silang mga ewan.

"Bakit?" I mouthed.

They mouthed something back but I couldn't understand it. "Ha? Ano?"

"Huwag mong kalimutan ang chaser!" May panggigigil na sigaw ni Nash, napagod na sa kaka-lip read namin.

Tumango na lamang ako at ngumisi sabay okay sign.

"Chaser? Mag-iinuman kayo kahit bagyong-bagyo?!"

Parang lumipad ang puso ko sa pag-alingawngaw ng boses ni Senggo. Daig pa niya ang mama ko kapag pinapagalitan ako.

Out of habit, I giggled and just acted like we were joking around. Tinuro ko pa ang hawak niyang alak sabay sabi, "Ikaw nga, umiinom din kahit bagyong-bagyo. Kung saan-saan ka pa naglalakad."

Nanlaki ang mga mata niya at saka malakas na ibinagsak ang bote sa counter. Napaatras agad ako nang maramdaman ang pagyanig nito.

Biglang may humila sa akin at paglingon ko ay nasa likuran ko na pala si Nash, taranta akong sinesenyasan na tumakbo na.

"Hoy, mga batang sutil! Huwag ninyong sayangin—" hindi na namin pinakinggan pa ang pinagsasabi ni Senggo at pare-pareho na kaming kumaripas ng takbo. To hell be with the booze! Ganda na lang ang ambag namin sa party!

***

Sobrang lakas na ng ulan nang makarating kami sa hotel. Wala nang mga sasakyan pero mabuti na lang at may dala kaming tig-iisang payong. As instructed by Avril, sa likuran kami ng hotel dumaan. May malaking parte ng hotel ang nakasara, at sa tingin ko ay dahil sa bagyo.

"Hi," masayang bati ni Nash nang lumapit kami sa front desk kung saan naroroon ang isang babae. Napansin ko kaagad na hindi siya nakasuot ng uniform. Bukod dito, mukha rin siyang wala sa mood. Ewan ko ba pero mukha siyang balisa.

"Nasaan ang mga tao rito? Ba't parang ang tahimik? Nag-evacuate ba ang lahat?" Natatawang tanong naman ni Missy sabay libot ng paningin sa paligid.

Missy was right. The hotel was eerily silent and all of the windows were blocked by some kind of plywood. Walang ring mga tao sa lobby bukod sa amin. Wala akong makitang guwardiya o kahit ni isang guest. Isang beses pa lang akong nakakapasok sa hotel na 'to, pero sa pagkakaalam ko'y karaniwang maraming guest ang naka-check in dito.

"Ano pong mga pangalan nila?" tanong ng front-desk officer habang nakatingin sa kanyang tablet. Wala nga talaga siya sa mood dahil hindi man lang sinagot ang mga tanong namin.

After checking our identities, tinuro na niya ang direksiyon ng hagdan. "Diretso na po kayo sa penthouse suite ma'am, naghihintay na si Ms. Avril."

"Hagdan?" Napakurap-kurap ako. "P-Puwede naman siguro kaming gumamit ng elevator 'di ba?"

The woman smiled apologetically and shook her head. "Pasensiya na po, sira po ang elevator. Hindi pa available ang in-charge."

Nagtinginan at ngiwian kaagad kami nina Missy at Nash sa isa't isa. Dismayado man, wala kaming magawa kundi maglakad patungo sa hagdan.

"Ah, Ma'am, Sir?" biglang tawag ng officer sa amin, dahilan para pare-pareho kaming mapalingon.

"Kapag po nasa penthouse suite na kayo, huwag na sana muna kayong maglalabas?" parang may pag-aalinlangan at pag-aalala sa boses nito. "Tawag lang po kayo kung may kailangan kayo?"

Nagkatinginan ulit kami ng mga kaibigan ko, at huli ay nagsitanguan na lamang.

"Masyado bang malakas ang bagyo?" Missy asked with a little laugh.

"Malamang malakas, super nga 'di ba?" Nash answered sarcastically, tuloy nagtawanan kami nang wala sa oras.

***

Humahangos man dahil sa taas ng inakyat, para namang naglaho ang lahat ng pagod namin nang tuluyan kaming makarating sa 15th floor kung saan naroroon ang penthouse suite ng hotel.

We couldn't believe it! We were actually stepping foot inside the legendary penthouse suite! And we were even getting the chance to hang out with the coolest kids in the island!

"Fix fix fix!" pabulong na paalala ni Nash kaya naman huminto muna kami sa isang tabi at nag-retouch ng mga makeup namin.

Nang masigurong maayos na ang mga hitsura namin, nagkatinginan kaming tatlo. We were so excited that we started letting out muffled giggles and laughter.

Nash looked at us and raised his hand, taking a deep breath. Missy and I followed his lead and took deep breaths too, trying to calm ourselves so we wouldn't look like crazy little kids.

Missy knocked on the door. And even if I wasn't looking at them, I just know that all of us were grinning like fools.

All of a sudden, the door opened and we saw Avril's pretty face. And damn, she was so freaking pretty with her smokey makeup and dark lipstick. She looked even cooler because of her cold gaze and unbothered facial expression. Don't even get me started on the floral pink mini dress she was wearing. Girl crush unlocked!

"Hey, Avril!" Nash said, his firm and friendly voice almost sounding like one of those DJs from radio stations.

Avril rolled her eyes and started walking inside, leaving the door open for us to enter. Ugh! Even her brown hair is so cool! Sabog na sabog ito na para bang hindi pa siya nagsusuklay pero napaka-cool nitong tingnan sa kanya! Kung ako ang gagawa nito, baka mapagkamalan pa akong nawawalang anak ni Senggo.

Nagkatinginan ulit kaming tatlo, ngiting-ngiti at agad na naglakad papasok. Pero kaagad ding naglaho ang ngiti sa mga mukha namin sa naabutan.

The enormous living room looked straight out of a magazine. Yung tipong parang pagmamay-ari ng isang bilyonaryong playboy CEO na ka-soulmate ang isang bright and optimistic female lead. The entire place even looked cooler with all the purple lighting, balloon, and table filled with red cups, food, and drinks. Pero kahit gaano pa ka-amazing tingnan ng lugar, hindi pa rin nito napigilan ang matindi naming dismaya namin nang mapagtantong apat katao lang ang nakikita namin sa paligid.

Si Avril na host ng party, ang student council president na si Chyna na nagbabasa lang ng libro sa isang tabi, si Collins na captain ng rowing team na abala sa paglalaro sa kanyang cell phone, at isang lalakeng hindi ko kilala na nakaupo lang sa isang tabi at nakahalukipkip ang braso dahil parang wala sa mood. Literally, it was just them!

There were literally only seven of us, tapos freshmen pa kaming tatlo nina Missy at Nash. Awkward!

"Masyado ba tayong maaga or nilangaw talaga ang party niya?" Hindi nakapagpigil si Missy.

"Shhh!" Nash quickly threw Missy a menacing look, but it was useless.

"You're just in time, alright." Avril rolled her eyes and jumped up the long table where the food were placed. She sat there, looking like the princess of all things pretty and hottie. "You just chose the wrong party. If you want to have fun, go to the Del Sol's mansion."

Bago pa kami makasagot, tumayo si Collins mula sa kinauupuan at ibinaba ang kanyang cell phone na hawak. He walked up to Avril and hugged her tenderly. "Come on, babe. Don't take it out on the kids. Okay lang naman kahit tayo-tayo lang dito. We can still have fun on your birthday."

Namilog ang mga mata ko. Birthday pala ni girl crush?!

"Sana ol may kayakap," bulong ni Missy sa akin.

Biglang napatingin sa amin sina Avril. Napaayos kami agad ng tayo, kinakabahan na baka narinig kami nito.

Avril suddenly sighed and faced her jock boyfriend. "Okay, what do you have in mind?"

Collin smiled and looked at our direction. "You kids up for some games?"

Bago pa man makasagot ang isa sa amin, biglang tumayo ang lalakeng nakahalukipkip lang sa isang tabi. His face looks a bit familiar but I can't remember who he is—which is natural considering it's a small island. "Aalis na rin ako. Wala naman dito si Iris."

Iris. For some reason, pumasok sa isip ko si Ate Iris na president ng sinalihan kong book club sa school. Kaso balita ko ay umalis na si Ate Iris ng isla at nag-transfer sa ibang eskuwelahan.

"Come on, Harry. Iris will be here. Tiwala sa source ko," paniniguro ni Collins kaya napabuntonghininga ang lalake at napaupo na lang ulit.

***

The party I had in mind was a wild one. I thought there would be people dancing, drinking, smoking, flirting, and even making out under the neon lights. I was even expecting to meet a cute older guy, but boy how different reality turned out to be.

"Bansa ba 'to?!" tarantang sigaw ni Ate Chyna sa akin, palibhasa may 10 seconds na lang kami para sumagot.

"Oo! Oo!" Halos magtalsikan na ang laway ko sa taranta. 1k din ang premyo ni Kuya Collins sa bawat tamang sagot!

Nakita kong pigil na nagtawanan sina Ate Avril at Kuya Collins. Kahit 'yong si Kuya Harry na kanina pa seryoso ay natatawa na rin sa amin.

Kinabahan ako bigla. Hindi ba country ang Asia?

Sa isang iglap, biglang tumunog ang timer sa cell phone ni Kuya Collins. Dali-daling tinanggal ni Ate Chyna ang papel na nakadikit sa kanyang ulo at nakita kong agad siyang ngumiwi. Wala sa sarili akong napaatras, lalo na nang mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Bansa ang Asia?!" may panggigigil na sambit ni Ate Chyna sabay turo sa akin. "Halika ka nga rito! Bansa ang Asia?!"

Biglang tumakbo patungo sa akin si Ate Chyna kaya naman napakaripas ako ng takbo. Ilang sandali rin kaming naghabulan sa malawak na salang nalulunod sa kulay purple na neon light hanggang sa humarang sa amin si Ate Avril na may hawak tig-isang baso ng alak na nakalagay sa red cups.

"Pumpa-pasimple kayo ng takas ha! Inom! Inom!" may pang-aasar pa sa pananalita ni Ate Avril.

"Hoy, bata 'yang si Therese. Huwag 'yang painumin," sita ni Kuya Harry kay Ate Avril.

"Don't worry, Juice lang 'tong sa kanya!" Ate Avril rolled her eyes, and when she faced me, she suddenly winked at me and whispered, "May super super konti konti. Secret lang."

I couldn't help but grin and wink back at her as I took a sip from the cup. Mas nangibabaw ang lasa ng iced tea pero may kaunti pa ring pait.

"And her name is Thea!" pagtatama naman ni Ate Chyna na medyo lasing na. Pasuray-suray man sa dami ng nainom mula pa kanina, nagawa niya pa rin akong duruin at samaan ng tingin. "Hoy, ikaw, Thea! Don't drink with anyone else, okay? Masuwerte ka dahil matitino kami. Hindi lahat kagaya namin."

Napanguso na lamang ako.

Every time I saw them at school, I thought they were really cool. And after getting to hang out with them for like six hours, I realized that they are indeed cool and its all because they're a group of good people. 

Missy, Nash, and I were just a bunch of kids but they were really nice and welcoming toward us. Pinilit pa nila kaming tawagin silang Ate at Kuya. Medyo unfair lang din dahil pinayagan nilang uminom si Nash, pero kami ni Missy ay pinagbawalan. Sa kanilang lahat, si Ate Avril lang talaga ang ang bukod tanging pasimpleng nagpapainom sa amin ni Missy, konti nga lang.

"Nasaan pala 'yong dalawa?" tanong bigla ni Kuya Collins, medyo pasuray-suray at pulang-pula na rin ang mukha dala ng kalasingan. Nagtanggal pa ito ng jacket dahil mukhang naiinitan na. Tuloy, dahil sa suot na white t-shirt, kitang-kita ang naglalakihan niyang muscles gawa ng ilang taong pagiging miyembro ng rowing team.

"Si Nash, pinagpahinga ko na sa kuwarto. Masyadong maraming nainom," sagot ni Ate Avril. "I guess Missy checked on him and—"

All of us fell silent when loud creaking and swooshing sounds echoed all over the room. Kuya Harry quickly walked up to the enormous large screen TV and pumped up the music's volume to drown the sounds out.

Dahil nasa penthouse kami, natural lang daw na marinig ang mga kakaibang tunog na iyon lalo na kung malakas ang bagyo. The first time I heard it six hours ago, I got really scared because the building even felt like it was swaying, but they assured me that everything was fine. The entire hotel was built to withstand such storms. Kailangan nga lang talaga naming mag-ingat pa rin sa mga bintana para makasiguro.

"I'll go check on the two," wika ni Kuya Harry at naglakad patungo sa pinto kung saan pinatulog ni Ate Avril si Nash, pero bago pa man siya makapasok ay bigla na lamang umalingawngaw ang mga kalampag sa pinto. Sa sobrang lakas, narinig namin ito sa kabila ng malakas na music sa paligid.

"Gago, hinaan n'yo nga 'yang music! May nagrereklamo na yata!" tarantang bulalas ni Ate Chyna sabay hila pataas ng natabingi niyang salamin. 

"Babe, may naka-check in ba sa kabilang unit?" tanong naman ni Kuya Collins.

Ate Avril shrugged and pouted a little. "I don't know. Probably? Some guests stayed even after the whole shooting incident kaninang morning."

"Shooting incident?" Agad nakunot ang noo ko.

Napatingin sa akin si Ate Chyna. "Oo, 'yong mga drug addict daw na nagwala. Maraming pulis ang nachugi kaya close ang ibang part ng hotel."

Nanlaki agad ang mga mata ko. "That's not a good joke, Ate."

Ate Chyna gasped and laughed. "Grabe siya! Walang tiwala sa akin. At saka, saan ka ba galing? Ba't hindi mo alam?"

Bago pa man ako makapagsalita ulit, umalingawngaw na naman ang mga kalampag sa pinto.

Si Kuya Collins na mismo ang nagpatay ng music, samantalang dali-dali namang lumapit si Kuya Harry sa pinto at sumilip sa peep hole.

"Putangina!" Kuya Harry suddenly gasped and jumped back, tuloy pare-pareho rin kaming napasinghap.

"Bro, anong meron?" Dali-dali namang lumapit si Kuya Collins, kunot-noo at medyo natatawa pa.

Humarap sa amin si Kuya Harry,  bakas ang kalituhan sa mukha. His face even paled all of a sudden. Almost as pale as the little highlights on his hair. "Tumawag ba kayo ng room service? Kinilabutan ako bigla. Gago."

"I didn't," kaagad na sagot ni Ate Avril at saka napatingin sa amin isa-isa. Pare-pareho rin naman kaming nagsiiling.

"Bakit? Ano bang problema? May staff ba?" Tumayo sa harapan ng pinto si Kuya Collins at sumilip na rin sa peep hole.

"Baka may iba pang bisita na dumating?" Hula ko.

"No. The front desk would've given me a heads up." Umiling naman si Ate Avril. Parang nawala ang lahat ng kalasingan niya dahil sa kalituhan at kaba. "Babe, don't open the door."

"Walang magbubukas ng pinto," biglang ma-awtoridad na anunsiyo ni Kuya Collins sabay atras mula sa pinto. Kinilabutan ako lalo't bigla na lamang sumeryoso ang kanyang mukha at pananalita, malayong-malayo sa Kuya Collins na pangiti-ngiti at patawa-tawa lang kanina.

"Babe, you're scaring me," sabi pa ni Ate Avril pero halatang pilit pa ring pinapahinahon ang mga boses. "What's going on?"

"Bro, smart lock 'tong pinto 'di ba?" Kuha ni Kuya Harry sa atensiyon ni Kuya Collins. "At 'di ba generator ang nagbibigay ng kuryente sa buong hotel sa ngayon? Paano kung biglang maubos ang reserbang kuryente? Makakapasok ba siya?"

"Someone tell me what the hell is going on!" Napasigaw na si Ate Avril, pero bago pa man may sumagot sa kanya, umalingawngaw muli ang mga kalampag. At sa pagkakataong ito ay mas malakas na. 

Sa sobrang kaba, napahawak na ako sa kamay ni Ate Chyna.

Is someone trying to break in? Are we going to get robbed? Will we die? Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko.

Kuya Collins swallowed hard and took a deep breath. "May lalake sa labas na nakasuot ng staff uniform. Kinakalampag niya ang pinto, pero parang wala siya sa sarili. A-Ang mga mata niya kasi . . . "

"Parang walang kabuhay-buhay?" si Kuya Harry ang tumapos at saka ngumiwi. "Tumawag nga kayo sa front desk. Sila na ang bahalang magpaalis para walang lalabas ni isa atin. Mamaya magpumilit pang pumasok."

"I'll call the front desk." Dali-dali namang tumakbo si Ate Avril patungo sa telephone.

"I'll go check on Missy and Nash," sabi naman ni Ate Chyna kaya naman sumama kaagad ako sa kanya.

"Okay." Tumango kaagad si Kuya Collins. "Haharangan namin ni Harry ang pinto. Baka magpumilit pang pumasok."

Nagsisimula na akong kabahan. Naiiyak na rin ako dahil parang tama tuloy sina Mama at Papa na pagbawalan akong pumunta sa party na 'to. Dapat nakinig ako sa kanila.

Pagbukas ni Ate Chyna ng pinto, nakita kaagad namin si Missy na nakaupo sa kama kung saan natutulog si Nash.

"Missy?" tawag ko sa kanya.

Lumingon si Missy at nakita ko ang pilyang ngisi sa kanyang mukha. Nilapat niya ang daliri sa ibabaw ng labi. "Shhh..."

Nagkatinginan kami ni Ate Chyna, parehong naguguluhan. Nang ibalik namin ang tingin kay Missy, nakaharap na ito ulit kay Nash at bahagya pang nakayuko.

I got curious over what she was doing to Nash kaya naman humakbang ako palapit sa kanila. Sa kabila ng kaba sa puso ko, hindi ko pa rin napigilang matawa nang makitang ginuguhitan pala ni Missy ang mukha ni Nash gamit ang isang itim na marker.

"Gaga!" pabulong kong bulalas.

Nash was sleeping so soundly that he had no idea Missy drew fake glasses around his eyes, thick mustache over his lips, and poop emojis on both sides of his cheeks. She was even on the process of drawing a crown of hearts around his forehead!

"Guys, no one's answering at the front desk!"

Pare-pareho kaming napalingon at nakitang nakatayo na malapit sa pinto si Ate Avril, namumutla at bakas ang takot sa mukha. 

Napalunok ako sa kabang muling bumalot sa puso ko. Ibinalik ko ang tingin kay Nash na natutulog pa rin, si Missy naman ay nakalingon pa kay Ate Avril, litong-lito sa mga nangyayari.

"Let's wake Nash up," sabi ko. "Missy, stop drawing on his face. We need to gather at the—"

Bigla na lamang dumilat ang mga mata ni Nash. His face was full of drawings but his eyes held no emotions as it landed on Missy.

Just as Missy faced Nash again, he suddenly grabbed a hold of the hair on top of her head. 

"Nash!" Napasigaw ako, samantalang si Missy ay agad napasinghap.

"Hoy, huwag ka ngang manabunot!" sigaw ni Missy at agad na hinampas ang kamay ni Nash, pero hindi man lang ito gumalaw at tila ba mas humigpit pa ang pagkakahawak sa kanyang buhok. "Aray! Nash, masakit na! Ano ba!"

Lalapit sana ako para umawat pero nagulat ako nang bigla na lamang buong lakas na hinila ni Nash ang buhok ni Missy. Sa sobrang lakas at bilis, para bang may kung anong sumabog na pulang likido mula sa ulo ni Missy. Kasabay nito ang tunog na para bang may napunit nang malakas.

Umalingawngaw ang nakabibinging tilian. Sa sobrang lakas, para ba akong nalunod sa tunog at hindi na nakagalaw pa. Dumako ang tingin ko sa kamay ni Nash na may kung anong hawak, hanggang sa lumipat ang tingin ko kay Missy na tumitili habang may kung anong pulang likido na umaagos mula sa kanyang noo. 

Napakurap-kurap ako at tuluyang umawang ang bibig ko nang mapagtantong natuklap ang ang malaking parte ng anit ni Missy, dahilan para bumulwak ang napakaraming dugo pababa sa kanyang ulo at mukha. At ang nasa kamay naman ni Nash ay ang buhok ni Missy na kasama pa ang piraso ng kanyang anit.

"Collins!" Umalingawngaw ang napakalakas na tili ni Ate Avril at namalayan ko na lamang na nakadapa na si Missy sa kama. 

Nakadagan sa likod ni Missy si Nash na walang awat paring pinagtutuklap ang kanyang anit at buhok. 

Para akong namanhid hanggang sa naramdaman kong may kumakaladkad na sa akin palabas ng kuwarto, at bago tuluyang sumara ang pinto sa pagitan namin, napatingin sa akin si Nash at nakita ko ang kanyang mga matang walang bahid ng kahit na anong emosyon.


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro