chapter twelve | bogart and the boguards
"Uminom ka muna."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang babaeng paramedic na may hawak na isang maliit na bottled water. Tinanggap ko ito at binuksan, ngunit bago ko pa man ako tuluyang mainom, napansin ko ang dugong tila ba nag-mantsa sa mga palad ko.
My mind went haywire. It felt like my palms were burning and the only way to put out the fire is to pour water on it—and that was what I did. But the blood wasn't coming off. I ran out of water but Papa's blood wasn't coming off, so I ended up rubbing my hands erratically against my wet, black dress.
"Miss!"
Napukaw ang atensiyon ko at nakitang hawak-hawak na ng paramedic ang nanginginig kong mga kamay. Singlakas ng tambol na binabayo ang puso ko't taas-baba ang mga balikat ko dahil sa mabilis na paghinga.
Tumango-tango ako at lumunok nang mariin. Parang ano mang oras ay masusuka na ako, hindi ko lang alam kung dahil ba ito sa lakas ng alon, o dahil sa mga alaalang tumatakbo sa isip ko.
Unti-unti niyang binitiwan ang kamay ko at saka naupo sa bakanteng espasyo ng inuupuan ko. Pareho kaming nasa loob ng ambulansya dahil sa lakas ng ulan at alon sa barge.
"Papa mo pala ang chief of police ng isla?" she sat right next to me with a polite and gentle smile. It felt like she was striking up a conversation to make me feel at ease.
Tumango ako at huminga nang malalim bago sumandal sa malamig na dingding.
"Ano nga pala 'yong sinabi ng papa mo sa 'yo kanina?" she sounded so casual and friendly. heck, there was even concern on her voice, but still, her words lifted up my consciousness from the sorrowful pits of my mind.
Napatingin ako sa damit ng babae para sa kanyang nameplate, at nang hindi ko ito makita, nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha.
I felt her breathing tighten the moment our eyes met. She let out an awkward chuckle and started scratching the top of her ponytailed hair. "M-Masyado bang personal ang tanong ko?"
Tumango ko. No, your question was suspicious.
"Anna nga pala ang pangalan ko." My voice came out hoarse and tired. I couldn't even dare to fake a smile. "Ikaw?"
"Ako si Lian, 'yon naman sina Pete at Danny." Tinuro niya ang unahang bahagi ng ambulansya kung saan nakaupo ang dalawa. "Lumaki sila sa isla, samantalang ako, kakalipat ko lang ilang taon na ang nakakaraan. Bilang mga miyembro ng team, ilang beses na naming na-e-encounter ang papa mo."
Bigla akong na-guilty. There I was, being so doubtful over the very people who saved my father's life.
"S-Salamat pala sa lahat ng ginawa n'yo para sa papa ko," sabi ko na lamang.
"Wala 'yon kumpara sa nagawa niya para sa isla." Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Nga pala, pasensiya ka na, wala kaming mapapahiram na damit sa 'yo."
Tumango naman ako. "Okay lang, salamat."
Tumayo siya mula sa kinauupuan at kinuha ang isang bottled water mula sa isang maliit na cooler. "Inom ka muna ng tubig, Anna."
***
Pagdaong ng barge, lumabas na ako ng ambulansya at hindi na sumabay pa sa mga paramedic. The barge only carried an ambulance and a private car. In fact, I was the only passenger who got off on foot.
Kung gaano kami kami kakonti na bumalik sa isla, kabaliktran naman ang dami ng mga pasaherong nagkukumahog na sumakay paalis. Most of them were carrying baggages and livestock, eager to leave at the last minute lalo't sa narinig ko ay huling biyehe na ito ng barge, ayon na rin sa utos ng coast guard.
As I tried to pass my way through the rush of would-be passengers in the middle of the pouring rain, I saw Tina with her parents. Bitbit nila ang ilan nilang mga asong naka-cage pa.
"Oh My God, Jordan!" Tina quickly wrapped me in her embrace. It was a miracle I was able to stop myself from bawling on the spot.
"Ma, Pa, una na kayo sa taas. Baka maubusan tayo ng upuan. Habol lang ako agad," Tina pleased to her parents, and they both looked at me apologetically.
I nodded, completely understanding the situation. Kahit naman hindi sila personal na mangumusta, alam kong lubos silang nag-aalala sa kalagayan ni Papa.
"Kumusta si Chief? Bakit ka nandito? May naiwan ba? Jords, last trip na 'to. Kung hindi ka—"
"Where's Kuya Vito? Magpapaiwan ba siya?" tanong ko sabay kusot sa mga mata. The raindrops falling over were already blurring my vision.
"Ayaw niyang umalis kasi konti na lang daw silang mga pulis. Ang daming namatay at injured dahil sa nangyari kaninang umaga!" she cried out.
Tumango-tango ako at napahilamos ng mukha. Sa sobrang lamig, ramdam kong nanginginig na rin ang mga labi ko. "T-Tina, si Papa. Please, watch over him. I-update mo ako kung ano ang nangyayari. He's at the GHC—"
"Wait, hindi ka talaga aalis? Jordi, ang sama na ng panahon! Besides, may chismis na may mga zombies daw—"
I shook my head firmly and grabbed her hand, staring directly into her eyes. "Don't tell anyone that you're in contact with me, not my parents, especially not PJ! Please, Tina! Si Papa, you have to keep an eye on him! Keep me updated!"
"Jordi naman, e!" Nagpapadyak si Tina, mangiyak-ngiyak. "Baka mamaya mapaano ka! Bilis na, tara na! Baka mapuno na—"
"Utang na loob, Tina! Kailangan ko ng mapagkakatiwalaan sa tabi ng pamilya ko!" I cried out.
Despite her hesitation, in the end, all she could do was nod. "Okay fine! Just make sure you'll stick to my brother! Balitaan mo rin ako kung ano ang ginagawa ng kuya kong kuto!"
I hugged Tina once again, thanking her profusely.
***
My legs felt heavy as I ran through the pouring rain. The dock that used to be filled with people and stalls was deserted. The smell of the sea and rain was overwhelming, and the trees around me looked like they were going to fly from the roots.
Sobrang lamig at nahihirapan na akong makakita dahil sa lakas ng ulan, sa kabila nito ay takbo pa rin ako nang takbo.
Lumiko ako sa isang eskinita bilang shortcut paalis ng pier at laking tuwa ko nang makakita ng patrol car mula sa malayo. Huminto ako sa gilid ng daan at sinamantala ko ang pagkakataon para maghabol ng hininga.
Panay ang punas ko sa mukha at mga labi. Pumapasok na ang tubig ulan sa mga mata, ilong, at bibig ko.
Habang papalapit nang papalapit ang patrol car sa akin, laking tuwa ko nang makitang si Kuya Vito pala ang nagmamaneho nito.
Paghinto na paghinto ng sasakyan sa harapan ko, tinangka kong buksan ang passenger seat ngunit naka-lock ito. "Kuya, bilis! Ang lamig na!"
Tumakbo ako patungo sa backseat, pero naka-lock din ito. Bago pa man ako muling makasigaw, lumabas si Kuya Vito mula sa backseat, salubong ang mga kilay at lubos na seryoso ang ekspresiyon. "Jordan, bumalik ka na roon! Tumawag sina Mama, hindi pa raw nakakaalis ang barge! Makakahabol ka pa!"
"Hindi ako aalis sa islang 'to! Utang na loob nanginginig na ang mga atay ko sa lamig! Papasukin na ako!" Halos paulanan ko na ng mura si Kuya Vito dala ng sobrang desperasyon.
"Jordan!" Kuya Vito yelled like he never did before, his wide eyes fuming with anger.
Isang beses ko lang nakitang ganito kagalit si Kuya Vito, at ito ay noong nahuli niya si Tina na naglalagay ng makeup. We were like ten around that time at hindi pa nag-a-out si Tina. I guess that was the time Kuya Vito found out about her truth.
"You know what? Screw it!" Gets kong nag-aalala si Kuya Vito para sa akin, but my safety should be the least of anyone's concern when there's something deadly looming over the island.
"Ikaw ang sumama sa kanila, kasi ako? Mananatili ako sa islang 'to!" sigaw ko at saka nagpatuloy sa pagtakbo.
"Jordan!" Kuya Vito kept calling out for me, but I kept running, never looking back.
Huminto lang ako sa pagtakbo nang marinig ko ang isang salita mula sa kanya.
"Sakay!"
***
"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Jordan, kailangan ka ng papa mo!"
Para na akong mabibingi dahil kay Kuya Vito, pero nagpatuloy ako sa pagpupunas ng buhok kong basang-basa. "Kuya, may extra kang damit?"
"May duffle bag diyan sa ilalim ng upuan—teka, huwag mo ngang iibahin ang usapan! Magsabi ka nga sa akin ng totoo!"
Binuksan ko ang bag ang sumalubong agad sa akin magulong mga damit ni Kuya. Parang basta-basta niya lang itong sinilid hangga't sa magkasya. Mabuti na lang at barado ang ilong ko kaya hindi ko ito masyadong maamoy.
"Magbibihis ako. Huwag kang tumingin," bulalas ko at agad na kinuha ang kulay orange niyang t-shirt na may gold fish print sa gitna. Saktong nakakita rin ako ng jersey shorts.
"Tangina, Jords. Utol din kita, uy," aniya at napansin kong tinakpan niya pa ang rearview mirror para lang maging komportable ako.
Matapos makapagbihis, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang panginginig ng mga kamay ko kaya kinuyom ko na lamang ang mga ito.
I heaved another sigh and tried looking through the moisty mirror. The streets were basically empty as the rain continued to pour hard. May mga nakikita na rin akong nagliliparang mga sanga at yero.
"How many casualties?" Napatingin ako ulit kay Kuya Vito.
"Awa ng Diyos wala pa." Bumuntonghininga siya't nagtanggal ng takip sa rearview mirror. "Pinaghandaan na 'to ng LGU at nag-coordinate na rin ang bawat disaster unit ng mga barangay."
"I'm talking about earlier. Anong naging epekto no'n?" Lalo kong naikuyom ang kamay.
Kuya Vito let out a loud sigh. It took him a few moments before he could respond. He shook his head and I noticed how his grip on the steering wheel tighten. "Maraming namatay kanina . . . karamihan, mga pulis din. Ilan na nga lang kaming mga nasaktan, ang iba, nakuha pang mag-alsa balutan paalis dahil sa takot."
"Kumalat agad ang tungkol sa nangyari kaninang umaga?" Wala sa sarili kong sambit.
"Takot ang lahat." Bumuntonghininga si Kuya. "Kahit 'yong mga ayaw lumikas, nagsilikas na rin bigla."
"People are turning into mindless, violent f*ckers. Of course, people are scared." From the backseat, I pushed myself forward just to look at his face. "Ikaw? Bakit hindi ka lumikas kasama ang pamilya mo?"
"May sinumpaan akong tungkulin, Jordan." He was smiling while paying full attention at the road, but his words were firm. "Kung sila, kaya nilang tumalikod . . . ako, hindi."
I couldn't help smile. I felt very proud of him. And I'm sure if Papa was around, he'd be hella proud too.
"Ikaw? Ba't ka bumalik? Huwag mong sabihing may gusto ka na namang patunayan sa papa mo?" Kunot-noong napasulyap sa akin si Kuya Vito.
Nagkibit-balikat ako't napaatras na lang ulit sa kinauupuan. "Nga pala, Kuya. Nag-coordinate na ang bawat BDCC 'di ba? Okay na lahat?" pag-iiba ko ng usapan.
"Oo, naghanda naman ang LGU at bawat barangay," aniya.
"How about ang evacuation centers? kompleto na ba ang mga supply? Kahit maraming lumikas, siguradong may mga nanatili pa rin 'di ba?" tanong ko pa.
Napansin kong unti-unting hininto ni Kuya ang sasakyan sa gilid ng daan. Sa pagitan ng paggalaw ng bawat wiper sa windshield, naaninag ko ang isang matarik na kalsadang nasa unahan.
"May mga taong nawawala . . . "
Natigilan ako dahil sa sinabi ni Kuya Vito. Bago pa man ako makapagtanong, kinuha niya ang isang folder mula sa dashboard at inabot ito sa akin.
"Ilan sa mga nawawala ay indibiduwal o kaya mga mag-anak. Kaninang umaga dumating ang mga report mula sa iba't ibang station. Tiningnan na namin ang mga passenger manifesto at kahit log book sa mga evacuation center pero wala sila roon," walang emoyong sambit ni Kuya Vito. "Ang iba namang mga pangalan sa listahan ay dapat nasa evacuation center na, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating. Lahat sila, hindi ma-contact."
"People don't just disappear . . . " Binuksan ko ang folder at nakita ang ilang pahina ng mga listahan na naglalaman ng mga pangalan. Ang huling pahina ay isang form na may logo ng lokal na orpahange ng isla. Kumpleto ito ng pangalan ng mga bata, pati ng kanilang mga edad. The oldest was 13 and youngest was a freaking 2-month old baby.
I felt goosebumps all over my body. Ayokong mag-isip ng masama, pero pagkatapos ng mga nangyari, bukas na ang isip ko sa kahit anong posibiidad.
Sumandal si Kuya Vito sa kinauupuan at bumuntonghininga. "Advance na pinakuha ng LGU ang mga pangalan nila para masigurong mabibigay ang lahat ng kailangan nila sa evacuation center. Kani-kanina lang, nakatanggap kami ng tawag mula sa mga volunteer. Nag-aalala sila dahil ni isa sa mga bata o staff ng orphanage, walang nakitang pumunta roon. Nang tumawag naman sila sa orphanage, putol ang lahat ng linya."
"Puntahan natin sila!" bulalas ko. "Tayo mismo ang susundo sa kanila!"
Lumingon sa akin si Kuya Vito at doon ko lang napansin ang takot sa kanyang mga mata. "Jordan, pagkatapos ng nangyari kanina sa seminar, hindi ko alam kung ano ang madadatnan natin sa orphanage."
"Kuya . . . may hindi ka pa ba sinasabi?" Sinukob ng matinding kaba ang puso ko.
"Simula kaninang umaga, dagsa ang report ng mga bangkay na natatagpuan sa kung saan-saang lugar. Pare-parehong may senyales ng foul play. Ilan sa mga patayan ay nahuli sa akto, pero hanggang ngayon, bilang pa lang ang nahuhuli namin. Sa dami ng mga krimen at dahil sa sama na rin ng panahon, karamihan sa mga bangkay ay hindi pa nakukuha ng punerarya at hindi pa napoproseso nang maayos ng mga imbestigador."
Para akong pinanghinaan ng tuhod dahil sa mga narinig. Pero dahil na rin dito, may unti-unti akong napagtagpi-tagpi sa isip ko. "This was deliberate . . . "
"Yan din ang naiisip ko." Marahas na napahilamos si Kuya Vito sa kanyang mukha. "Kung kailan nagtipon-tipon ang mga pulis sa iisang lugar, saka naglabasan ang mga bayolenteng taong tila ba wala sa sarili. Kung kailan magulo ang lahat dahil sa bagyo, saka nagkakaganito."
"I-Is it a virus?" Napalunok ako nang mariin. "It's the only logical reason I can think of! I mean, it's gotta be a virus that makes people violent, right?! It's the virus that made Tito Robert kill Pia! Some freak virus made Madam Laura—"
Nahinto ako sa pagsasalita nang makita ang isang kulay itim na van na huminto sa mismong tapat namin. May banner na nakadikit sa katawan nito.
"Nieta," pabulong akong napamura nang mapagtantong ang nakalagay sa banner ay ang walang kaemo-emosyong mukha ni Bogart habang naka-thumbs up. The words BOGART AND THE BOGUARDS were written all over in bold, capital letters.
"Nang mga panahong wala ka, nagtayo si Bogart at ang mga kaibigan niya ng negosyo. Nagbibigay sila ng kahit na anong serbisyo, mula sa maliliit na construction project, pag-guwardiya, o kahit na anong trabahong nangangailangan ng lakas. Papa mo mismo ang nagpayo sa kanilang gawing hanapbuhay ang mga lakas nila, imbes na palagi silang tumambay lang sa kung saan," paliwanag ni Kuya Vito.
"Why are you meeting them now?" tanong ko.
Bumuntonghininga muli si Kuya. "Nalaman nila ang tungkol sa mga nawawala at gusto nilang tumulong nang walang bayad. Iilan na lang kaming natitira sa station kaya tinanggap ko na ang inaalok nilang tulong."
Napalunok ako nang mariin, lalo na nang bumukas ang pinto ng van at tumalon pababa rito ang isang ubod nang tangkad na lalakeng nakasuot ng malaking sunglasses. Sa sobrang laki, puwede na yata itong maging goggles. Nakasuot ang lalake ng skinny jeans at oversized black shirt na may parehong mukha ni Bogart na naka-thumbs up—ang kaibahan lang ay ang nakangiti na si Bogart dito.
"Yan si Langaw," sabi ni Kuya Vito. "Pare-pareho silang may mga code name. Yan ang gusto nilang itawag sa kanila."
Kasunod lumabas ng van ang dalawang singkit na lalakeng akala mo akala mo a-attend ng cosplay dahil todo pose kasama ang dala nilang arnis at espada.
"Yan si Jackie Lee at Bruce Chan. Kambal yan sila. Si Bruce Chan yang may bitbit na espada, si Jackie Lee naman yang may dalang arnis."
Halos mabilaukan ako dahil sa sarili kong laway. Lecheng mga code name.
The next to come out from the van was some guy wearing black leather jacket at pants. Ibang-iba sa suot ng mga nauna sa kanya.
"Yan naman si Arnold," sabi pa ni Kuya Vito kaya napabuntonghininga na lamang ako. No wonder mala-Terminator ang porma.
Pagkatapos ng Arnold, isa namang lalakeng may malaking pangangatawan ang lumabas mula sa van. May kahabaan ang buhok nito na nakaligpit sa isang bandana.
"Stallone?" hula ko.
Umiling naman si Kuya Vito at bahagyang ngumiwi. "Yan si Rambo."
Before I could even react, biglang bumukas ang pinto ng driver's seat ng van. Lumabas mula rito ang isang lalakeng may napakalaking pangangatawan—mas malaki pa kay Rambo. Skinhead man, malago naman ang bigote at balbas nito. Parehong-pareho sa banner ng sasakyan, wala ring kaemo-emosyon ang kanyang mukha.
"Bogart . . . " I almost shivered as I spoke his name. Alam kong wala akong dapat ika-guilty kasi self-defense lang 'yong ginawa namin sa lola niyang si Madam Laura, pero hindi ko pa rin mapigilang matakot. Bata pa lang kami, takot na kaming maging kaaway ni Bogart.
"Kung hindi ka komportable kay Bogart, doon ka na lang muna sa bahay ninyo. Mas mapapalagay ako kung doon ka lang," wika ni Kuya Vito, bagay na mabilis kong ikinailing.
"No." I shook my head firmly. "Hindi ako takot sa kanya. Wala akong dapat ikatakot sa kanya. Madam Laura attacked Gil and I. We only defended ourselves."
"Pasensya ka na kung hindi ako naniwala agad sa 'yo," wika ni Kuya Vito, dahilan para matigilan ako.
"Naniniwala ka na sa akin?" I felt a bit relieved.
Tumango naman siya. "'Yong mga lalake kanina, ilang beses na silang binaril pero nagpatuloy pa rin sila sa pagsugod. Kung hindi lang pinasabog ang mga bungo nila ng bala, baka sumugod pa rin sila. Pagkatapos ng nakita ko, hindi na ako magtataka kung pati ang mga bangkay ay bumangon na."
***
Bumaba kami ni Kuya Vito mula sasakyan at sinalubong ang grupo nina Bogart. Nasayang lang ang pagbibihis ko dahil nabasa lang ulit ako ng ulan.
"Hi, Miss!" Ngumisi agad at kumaway ang lalakeng tinatawag nilang langaw.
"Anak 'yan ni Hepe, umayos ka," sita naman kaagad ni Rambo.
"Nagsabi lang ako ng hi, a? Masama ba 'yon?" pagda-drama agad ni Langaw sabay hawak sa kanyang dibdib.
"Kapag galing sa 'yo, medyo," pang-aasar naman ng Arnold.
Sa gitna ng biruan nilang lahat, kinilabutan ako nang maramdaman ang masamang titig sa akin ni Bogart. Para akong aatakihin sa puso kaya hindi ako gumagalaw o tumitingin man lang sa kanyang direksyon.
Kahit na anong tanggi ko, takot naman talaga ako kay Bogart. He's basically the Junior sober version of Senggo.
"Tama na 'yan!" Kuya Vito sighed, asserting his authority. "Baha ang daan patungo sa orphanage kaya maglalakad lang tayo paakyat sa shortcut na 'yan. Hanggang sa gate lang kayo ng orphanage dahil ako lang ang papasok. Hintayin n'yo ang go signal ko. Kapag okay na ang lahat, alalayan n'yo ang mga bata at mga madre pababa sa daang 'to. Ayon sa listahan ko, may 32 silang bata at dalawa sa kanila ay sanggol pa. May tatlong madre naman. Day-off ang ibang staff, at sila-sila lang ang nasa orphanage. Huwag na huwag ninyong hahayaang mabasa ang mga sanggol, at utang na loob, kontrolin n'yo yang mga bibig ninyo sa harapan ng mga bata at madre. Lunukin n'yo muna yang mga mura at kalokohan ninyo. Naiintindihan n'yo ba ako?"
"Yes, sir!" sabay-sabay na sigaw ng karamihan sa kanila.
***
Bogart, Langaw, Arnold, Jackie Lee, Bruce Chan, Rambo, Kuya Vito, at ako—walo kaming naglakad paakyat sa matarik at maputik na daan, walang pakialam sa bumubuhos na ulan. Hirap na hirap man at halos magkanda-dulas-dulas na, panay pa rin ang asaran at tawanan ng mga boguard. Si Bogart lang ang tahimik at seryoso, tuloy, mas lalo akong kinakabahan. Mamaya lunurin ako nito sa baha.
By the time we reached a tall white gate, huminto kaming lahat sa paglalakad. Behind the white gate was a wide front yard and a three-story building. Wala itong pinagbago mula noong huli akong bumisita para magbigay ng donation, ilang taon na ang nakakaraan.
Kuya Vito turned to us and gave us a stern look, like he was reminding us of the plan.
"Oo na, dito lang kami," iritadong sambit ni Bogart.
Kuya Vito nodded, looking at us one by one. For all the years I've known him, I could already tell whenever he's scared. And at that very moment he was. Kuya Vito had fear in his eyes, but there was also determination in them.
"Kung walang signal mula sa akin, huwag na huwag kayong papasok. Naiintindihan n'yo?" paalala niya.
All of them nodded, but I couldn't bring myself to.
"You better not die," wika ko na lamang.
"Come on, mga bata lang ang nasa loob!" kantyaw ni Bruce Chan habang nakayakap sa kanyang espada. Hindi na tuloy ako sigurado kung totoong espada ba ito o hindi.
"Bossing, pumasok ka na nga roon! Mamaya magka-sipon pa ako sa lamig!" sabi naman ni Jackie Lee habang nakataas ang mga arnis sa ibabaw ng ulo. Akala niya ata mapoprotektahan siya ng mga ito mula sa ulan.
Bumuntonghininga si Kuya Vito at tuluyang pumasok sa gate. Wala naman akong magawa kundi panoorin siya at magdasal na sana'y walang mangyaring masama sa kanya.
As Kuya Vito walked along the front yard, I noticed his hand reach for the gun that was holstered on his waist. He was ready to take it out at a single sign of trouble.
I unconsciously held my breath as I watched him pass by the little angel statues all over the yard. And as he headed for the enormous house's door, my worries only doubled.
"Vigoria, dito ka!"
I turned to my left and saw all of the guys huddle together under a small portion of the gate that had roofing, trying to protect themselves from the falling rain. Kaso, sa sobrang siksikan nila, nagkakatulukan at nababasa na tuloy sila ng ulan. Sa kabila nito, lalo lang lumakas ang kanilang tawanan. All of them looked like they were having the time of their lives, except for Bogart na masama pa rin ang tingin sa akin.
"Sige na, dito ka na!" Bigla akong hinila ni Rambo patungo sa kumpulan nila, tuloy, nagmukha kaming mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata.
Rambo held on to my left arm, while Arnold held on to my right. Tuloy, wala akong kawala sa kumpulan nila.
"Inanyo! Sino yang hindi nag-deodorant?!"
"Pucha ka, Langaw! 'Wag kang haharap sa akin! Kitang sikip-sikip na natin dito!"
"Jackie Lee, huwag ka ngang sumigaw! Naliligo na ako sa laway mo!"
"Lumipat nga kayo doon sa puno! Ang dami na natin dito!"
"Sira ka ba?! Kitang lakas-lakas ng ulan! Paano kung kumidlat?"
"Tama si Bogart! Hindi puwede sa puno! They're bad conductors of electricity! The current will only pass through our body!"
"Ano, Arnold? Bad Conductor? Parang si Langaw lang noong nagpanggap siyang konduktor sa jeep tapos todo tanggap lang ng mga bayad bago magwantutri!"
Despite my fears and worries, hindi ko napigilang matawa dahil sa kanila.
"Hala, tumatawa ang anak ng parak sa wantutri! Bad 'yon!" Narinig kong sumigaw si Bruce Lee. His voice was easy to recognize kasi high-pitched.
"Teka, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Arnold na nagtanggal na talaga ng kanyang black leather jacket upang maging panangga namin mula sa ulan.
"Jordan yan! Jordan! Kaklase ko yan noong grade 4!" Magiliw na sigaw ni Langaw, akala mo talaga nag-uunahan sa class recitation.
Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na sigaw. Sa sobrang lakas, pare-pareho kaming napatingin sa direksiyon ng building.
"Kuya Vito!" Wala sa sarili akong napahiyaw.
"Action time!" Bigla na lamang kumaripas ng takbo si Jackie Lee papasok ng gate. Sumunod naman kaagad ang kakambal na si Bruce Chan dala ang espada.
"Mga gago, sandali!" sigaw ni Bogart, pero dahil tuloy-tuloy sa pagtakbo ang kambal, humabol na rin siya.
Hindi maatim ng konsensiya ko na manatili. Narinig kong nagsigawan sina Rambo, Langaw, at Arnold para pigilan ako, pero nagpatuloy ako sa pagtakbo papasok.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro