Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter thirty-six | band of brothers

Jordan


"Isa... Dalawa... Ta—"

"Wait wait wait after tatlo or magsasabi ka pa ng ready set go?"

"Nagbibilang na ako bakit pa kailangan ng ready set go?! Tanga!"

"Tanga ka rin! Naninigurado lang!"

"Mas tanga ka, Ngaw! Nagbibilang na nga si Bogart!"

"Bahala na nga kayong tatlo!" pabulong kong bulyaw sa kanila at kumaripas na ng takbo pababa sa hagdan. Narinig ko naman agad ang mga yapak nilang sumunod sa akin.

Habang pababa, doon ko lang napagtantong nakabukas ang lahat ng pinto at walang automated lock na gumagana. It felt like the whole mansion became an open buffet for all the sleepwalkers, and we were the menu.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto, sumalubong agad sa akin ang napakalakas na buga ng hangin. Nagliparan sa ere ang buhok ko at kinailangan ko pang kumurap-kurap dahil tumama ito sa mukha ko.

Noong una, akala ko nanlabo lang paningin ko dahil sa lakas ng hangin, pero napansin ko kaagad ang makapal na hamog sa paligid. Halos magkandapa-dapa na ako sa pagtakbo.

"Jordan, bilisan mo!"

"Nieta kayo!" Halos maiyak ako sa inis nang namalayan kong nalampasan na ako nina Bogart, Langaw, at Arnold kahit ako ang unang tumakbo sa amin. Pilit kong binilisan pero parang may mga karayom nang tumutusok sa hita ko. 

Hirap man akong makakita at makatakbo, rinig na rinig ko naman ang bawat tilamsik ng tubig sa tuwing umaapak ang paa namin. Ginamit ko itong guide upang wag akong mahiwalay sa kanila.

"Aray!" Iyak ni Arnold nang bigla siyang nadulas sa basang-basang concrete pathway. I felt bad, but at the same time relieved dahil dalawa na kaming nasa huli. Lord, Sorry!

Lalagpasan ko lang sana si Arnold pero bigla niyang tinaas ang mga kamay sa akin na para bang isang batang gustong magpakarga sa nanay niya. "Vigoria!"

"Shhh!" saway ko at dali-daling yumuko upang umalalay. Niyakap ko siya sa bewang at pinatong ko ang braso niya sa balikat ko. Huminga ako nang malalim at pilit siyang hinila patayo, pero bigla na lamang bumigay ang mga tuhod ko.

Parang biglang naging slow motion ang lahat.

"Mama!" Pareho kaming nagsigawan ni Arnold kasabay ng pagbagsak namin sa putik—una ang mga mukha.

"Ba't mo pa ako tinulungan!" Narinig kong iyak ni Arnold sa tabi ko.

Pauulanan ko sana siya ng mura kung hindi lang ako abala sa pagtanggal ng putik sa mga mata at labi ko. Babangon sana ako pero biglang may brasong yumakap sa bewang ko at naramdaman ko na lang ang pag-angat ng katawan ko sa ere, sumasayad nang bahagya ang mga paa sa putik.

Pagdilat ko nang maayos, gulat na gulat ako nang makitang binuhat pala ako ni Bogart gamit ang kaliwang kamay at binuhat naman niya si Arnold gamit ang kanan. 

Nagawa naming magkatinginan ni Arnold. Putikan ang kanyang mukha at laglag din ang panga sa sobrang gulat. Para kaming mga bagahe na walang kahirap-hirap kinarga at itinakbo ni Bogart!

Sinubukan kong lingunin si Bogart. Hindi ko maaninag nang maayos ang mukha niya dahil sa hamog pero rinig ko ang napakabigat niyang paghinga. Pansin ko rin ang langit na nagiging kulay asul, hudyat sa papasikat na araw.

Biglang bumilis ang takbo ni Bogart. Ramdam ko ang panginginig ng mga braso niya at halos mapasigaw na siya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o bibilib nang todo sa taglay niyang lakas. One thing's for sure—we were lucky to be on the same side as him!

"Bogart ilag!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Arnold, pero huli na. Naramdaman ko ang isang napakalakas na pwersang tumama sa amin.

***

Napasinghap ako dahil sa naramdaman kong pumatak sa mukha ko. Pilit kong dinilat ang mga mata. Napakalabo ng paningin at pandinig ko pero pansin ko ang mga basang dahon sa ibabaw ng mukha ko. Para ring may nagsisigawan sa malapit.

Langit. Nag-aagaw ang kadiliman at liwanag sa langit, kasabay ng mumuntik patak ng ulan.

Mula sa pagkakahandusay, dumapa ako at paulit-ulit na huminga nang malalim. Doon lang napagtantong tumilapon kami sa malawak na hardin.

I placed my palms on the ground and tried to prop myself up, but my hands ended up getting buried down the mud.

I looked up and saw a faint shadow of a man not far from where I was. He was in all fours, but it seemed like he was kneeling on something big, and his hands were pushing something to the ground. At first glance, it looked like he was gardening.

"Wait what..." Kumurap-kurap ako at nagkusot ng mga mata. 

"Bossing!" Narinig ko ang boses ni Langaw na sumisigaw mula sa kung saan.

Unti-unting rumehistro sa paningin ko sina Arnold at Bogart na nakadapa sa lupa at nangingisay. Pagkatapos ay napansin kong may nakapatong sa ibabaw ng mga likod nila.

"Oh shit!" Tuluyan akong napatili nang napagtanto kong sa kanila mismong mga likod nakaluhod ang lalake at nilulunod nito ang mga mukha nila sa putik. Hindi nangingisay sina Arnold at Bogart, nagpupumiglas silang makawala!

Gagapang sana ako patungo sa kanila upang saklolohan sila pero laking gulat ko nang dumating si Langaw. Literal siyang tumalon patungo sa lalake, dahilan para lalong sumubsob sina Arnold at Bogart sa putik.

Taranta kong hinanap ang rifle naming nalaglag. Todo kapa ako sa paligid pero puro putik, bato, at halaman lang ang nahawakan ko. Hindi nakatulong ang muling pagbagsak ng ulan at pagtindi ng hangin sa paligid.

Desperado na ako kaya tumalon na ako patungo sa kanila at pare-pareho kaming tumilapon sa magkakaibang direksiyon.

Muli akong nakaramdam ng labis na pagkahilo at hindi ako nakakilos agad. Ilang sandali akong nanatiling nakahandusay, namimilipit sa sakit ng katawan at walang nagawa kundi tanggapin ang bawat patak ng tubig-ulan.

"Takbo!" Narinig kong sumigaw si Langaw. "Parating na sila takbo!"

God knows how much I wanted to move but it felt like my entire body was about to shut down. All I could do was open my eyes and stare at the flowers near me. 

"Is this it? Is this really how I die?" I asked myself for the nth time. 

Maybe dying in a field of flowers won't be so bad? When they describe how they found my dead body, my parents won't think I suffered too much. I think my crime scene photos will even look pretty. And maybe, just maybe, this is the universe's last ditch effort to prevent me from turning into a monster.

"Langaw!"

Nakakabingi ang palahaw ni Bogart. Para ako nitong inahon sa kailaliman ng isip ko. Kusang dumako ang mga mata ko sa direksiyon nila, at lalong namanhid ang buo kong katawan nang maaninag ko si Langaw na nakadapa sa gilid ng halamanan.

Nakapatong sa likuran ni Langaw ang lalake. Paulit-ulit nitong hinahampas ang mukha niya sa isang napakalaking paso, buong pwersa at tila ba nagngingitngit sa galit.

Gusto kong umiwas ng tingin pero tila ba naparalisa ang katawan ko. 

Kitang-kita ko ang pagkawasak ng paso... at nang muling iangat ng lalake ang mukha ni Langaw, kitang-kita ko ang mga piraso ng paso na tumusok sa mata nito't pisngi.

Hindi ko maalala ang mga sumunod na nangyari. Tila ba naging blangko ang isip ko at namalayan ko na lang na karga-karga na ako ni Bogart. Umiiyak siya habang tumatakbo. Ganoon din si Arnold na nakasunod sa likuran.

Narinig ko ang napakalakas na kulog na sinabayan pa ng kidlat kaya napapikit na lamang ako nang mariin. 

Kalaunan, naramdaman ko ang unti-unting paghinto ni Bogart sa pagtakbo.  

"Anong..." sambit ni Bogart kaya agad akong napadilat.

Humarap ako kung saan siya nakatingin at kahit ako ay napamura rin nang makita ang isang napakalaking sasakyan. Lumabas mula rito ang isang lalakeng nakasuot ng kulay itim na tactical gear at may bitbit na malaking uri ng armas.

"Don't shoot! Don't shoot!" biglang nagsisigaw si Arnold at nagtaas ng mga kamay. Humihikbi man, ramdam ko ang saya sa boses niya. "N-Ninong Al?! Ninong, ikaw ba 'yan?!"

Agad na rumehistro ang gulat sa mukha ng lalake nang makita si Arnold. Sa kabila nito, agad itong nagtaas ng isang kamay. Tila ba nagsilbi itong hudyat sa paglabas ng mga taong nakasuot ng hazmat suit mula sa sasakyan.

Lumingon sa amin si Arnold. Rumaragasa man lang luha, abot-tainga na ang ngiti niya. "Ligtas na tayo! Tapos na! Ligtas na tayo!"

***

Habang nasa loob ng sasakyan, nagpakilala sa amin ang Ninong ni Arnold na isa pala sa mga leader ng rescue operations na pinadala sa isla. Lehitimo ang mga ID nila pero nang subukan kong hingin ang ibang credentials nila, confidential na raw. 

Corporal Allen Eduardo. I recognized his name, too. When he was still a patrolman, he used to visit the island to conduct career recruitment seminars. Papa personally received him because even if he was stationed in the mainland, he was born and raised in this island. 

"Anak ka ni Chief Vigoria?" Nagulat siya nang ipakilala ako ni Arnold. 

Tumango ako. "Anong klaseng operation 'to? Gumawa ba ng emergency task force ang nakakataas? Hindi kayo mukhang SAF."

Hindi ako sinagot ni Corporal kaya binato ko ulit siya ng tanong. "Iba ang uniform ninyo. 'Wag mong sabihing hindi ka padala ng gobyerno? Private group?"

Bumuntonghininga si Corporal Allen. "Special task force."

Biglang hinawakan ni Arnold ang braso ko. He looked at me reassuringly... like he was telling me to just trust his godfather. Napatingin ako kay Bogart, maghahanap sana ng kakampi, pero nakita kong nakatulala lamang siya habang nakaupo sa isang tabi. 

"Okay." Ako naman ang bumuntonghininga. "Just answer this then. Why are we the only ones in this van? Bakit n'yo kami hiniwalay sa iba? Where the hell are you taking us?"

Kanina ko pa ito ipinagtataka. There were just five of us in the van, including the driver who was also wearing the same black tactical gear. Nasa kabilang sasakyan ang iba pang mga staff.

"Hindi namin pwedeng ipagsawalang-bahala ang kaligtasan ng mga frontliner. Hindi pa namin alam ang puno't dulo ng virus sa islang 'to," aniya. "Sa ngayon, Derio Research pa lang ang kontrolado namin kaya doon namin kayo dadalhin. Kapag may clearance na mula sa coast guard, i-e-evacuate agad kayo."

Part of me was doubtful, but at the same time, part of me was also relieved that there were finally people who are in-charge of everyone's safety. I won't have to make tough decisions anymore. I could just focus on one thing—protecting my family.

"Wait, kailan pa kayo rito sa isla? Did you travel—"

"Kanina may mga na-rescue kami mula sa isang kalapit na poultry farm. Sila ang nagturo sa amin sa mansiyon ng mga Del Sol. Kayo ba ang kaibigang hinahanap nila?" putol ni Corporal sa sinasabi ko.

Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng napakalamig na tubig. I secretly told Arnold and Bogart not to talk about Masha and the others until we find out what's really up with the men in tactical gear. Hindi ko inasahang nauna na nilang makuha ang mga ito.

"H-How many were they? Are they all safe?" Binalot ulit ng kaba ang puso ko.

***

Pagdating na pagdating namin sa Derio Research Center, ipinasok agad nila kami sa isang malaking silid na tila ba isang malaking CR dahil sa kulay puti nitong mga tiles and shower drain sa sahig.

Dumating ang mga taong nakasuot ng hazmat suit na may dalang mga naglalakihang hose. Wala kaming nagawa kundi magsigawan at magtulakan nang binomba nila kami ng mainit-init na tubig.

"Hoy, sandali! Mainit ano ba!

"Nieta! Hindi ako makahinga!"

"Nababaliw na ba kayo?!"

Tinangka kong magtago sa likuran nina Arnold at Bogart, kaso pati sila ay ilag din nang ilag sa tubig. Sigaw nang sigaw ang mga naka-hazmat suit sa amin na huwag daw kaming malikot at manatiling nakaharap, pero wala sa amin ang nakinig. Bukod sa mainit, sobrang lakas pa ng buga ng tubig. Para kaming binubugbog nang paulit-ulit. 

Sa huli, nagmukha kaming mga basang sisiw na walang nagawa kundi kumapit sa isa't isa.

Kalaunan, inanunsiyo ng isa sa mga staff na dapat daw akong lumabas. Ayaw naming maghiwa-hiwalay kaya mabilis akong pinatago nina Arnold at Bogart sa likuran nila, pero nang sinabi ng staff na kailangan daw maghubad, mabilis akong pinagtulakan nina Arnold at Bogart palayo. Ako man, kumaripas na rin ng takbo palabas.

Ngunit habang papalabas ako, nakasalubong ko ang isang babaeng medyo pamilyar ang mukha. Nakasuot din siya ng hazmat suit, pero dahil wala siyang suot na mask, kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.

Sinundan ko siya ng tingin at nagulat ako nang sumugod siya sa direksiyon nina Arnold at Bogart. "Elvis, bakit nandito ka sa isla?"

Her voice sounded as cold as my father's. It was eerie. Kung hindi ko nakita ang takot sa mga mata niya nang magkasalubong kami, iisipin kong wala siyang pakialam.

Lumingon ako at nakita kong gulat na gulat sina Arnold at Bogart. Lalo na si Arnold. "Ma..."

No wonder she looked familiar. She's Arnold's mom.

***

After being bombed with water and being forced to take a long hot shower, they locked me in a small room and me made me wear a thin hospital gown. One of the female staff started taking photos of my injuries, even including the blisters I got from running around. Bukod dito, kinuhanan din nila ako ng dugo at cheek cells. Pati buhok ko, hindi pinalampas. After getting samples, saka lang nila ginamot ang mga sugat ko. I tried asking for painkillers, but they told me to wait.

I tried explaining our theories to them—about the sleepwalker syndrome. However, to my surprise, it seemed like they already knew about it. 

After what felt like forever, the staff left and gave me a new pair of clothes. This time, kulay puting sweatshirt at sweatpants. Mabuti na lang dahil sobrang lamig pa naman ng buong paligid. Akala mo freezer ang aircon nila.

Antok na antok ako nang maiwang mag-isa sa loob ng silid, pero pilit ko itong nilabanan. Sa sobrang desperado kong manatiling gising, halos tusukin ko na ang sarili kong mga sugat. Mabuti na lang at bumukas na ang pinto.

Nagulat ako nang ang pumasok ay ang mama ni Arnold. Wala na ang takot sa mga mata niya na una kong nakita, at tila ba kalmado na siya. Sa totoo lang, napakalamig ng mga mata niya. Something about it made me feel uncomfortable. Far too different from Arnold's sunshine demeanour. 

"Ako nga pala si Dra. Jacinto," aniya nang maupo sa tapat ko. "Can you tell me your name?"

"Jordan Audrey Vigoria," I said while looking directly into her eyes. 

Sandali siyang natigilan at bahagyang tumaas ang kilay niya. Bago pa man siya makapagtanong, tumango na ako. "Oo, anak niya ako."

Looking at her eyes, I couldn't help but worry about the possibilities. The terrifying what ifs.

"Corporal Allen said they brought my friends here from the poultry farm. Pwede ko bang malaman sino-sino sila?" Bumalik ulit ang takot sa puso ko. Please be safe. Please be safe.

"Your friend Masha told me about you. She begged us to search for the mansion."

Halos malusaw ako sa kinauupuan dahil sa ginhawang naramdaman. Napahawak ako sa dibdib ko. "Sino pa ang kasama niya? Is she with Gil? Smoeki? Lincoln? Rai? Please tell me! Are they safe, too?"

"How about Richard Del Sol? What happened to him? Saan mo siya huling nakita?"

The way Dra. Jacinto looked at me. Her firm voice, her sharp gaze. At that moment, I knew Masha had already told her everything.

"He..." Nakagat ko ang labi ko nang muling bumalik sa isip ko ang nangyari. I had to ball my hands into fists and look up at the ceiling to stop myself from crying. "He sacrificed his life to save mine."

"Malapit talaga kayo isa't isa?" she asked, turning my sadness into fury.

"Yeah." I smiled bitterly as I faced her again. "And because he was trying to atone for his sins. Siguro sinabi na sa 'yo ni Masha ang kasalanan ni Chad."

Tumango si Dra. Jacinto. The way she behaved resembled a cop's during an interrogation. "But you spent more time with him than Masha, right? Wala ba siyang ibang nasabi sa 'yo? Anything about the virus? Maybe even any accomplice?"

My mind was instantly thrown into chaos. Suddenly, I found it hard to breathe.

Umiling ako at nagbaba ng tingin sa nanginginig kong mga kamao. I tried to look calm even if deep inside, I was already burning in unfathomable hell. "Chad said he killed all of his accomplices. I don't know... I honestly don't think he'd be capable of killing anyone, but after he confessed that he took part in making this nightmare come to life, I honestly don't know anymore."

I wanted to throw up. I was disgusted with myself, but I couldn't dare to show it.

For the sake of my family, I had to do it.

"So it's over? All of the accomplices are dead?" tanong ni Dra. Jacinto.

"Look, I don't know, okay?!" Tuluyang pumatak ang mga luha ko. "Hirap din akong intindihin si Chad! He's like a brother to me! I grew up with him! I thought I already knew everything about him! Everyone thought he was this angel who could do no wrong, but he ended up turning into a monster!"

I lost control of my emotions and ended up sobbing uncontrollably, right of Dra. Jacinto who remained silent. I cried and cried, pounding my chest as it tightened with each passing moment.

All of a sudden, there was a knock on the door. Another woman in a hazmat suit came in with a radio on her hand. May kung anong sinenyas ang babae kaya nagpaalam sa akin si Dra. Jacinto na lalabas muna.

Makaraan ang ilang minuto, bumalik si Dra. Jacinto na may dalang isang clipboard. "Hindi ka muna namin pwedeng ihalo sa ibang survivor habang hindi pa lumalabas ang test results mo, pero dadalhin namin dito ang guardian mo upang may kasama ka sa paghihintay."

"Guardian?" Napasinghap agad ako. "My parents?"

Umiling naman si Dra. Jacinto. "Conrad Rosauro. We rescued him earlier. Well, he almost didn't want to be rescued because he told them he wanted to look for his sister. Nakumbinsi lang siya ng mga rescuer na sumama nang mangakong sasabihin agad sa kanya oras na nahanap nila ang isang nagngangalang Jordan Vigoria."

"PJ's here?" Parang natunaw ang puso ko at nag-unahan lalo sa pagpatak ang mga luha ko.

Bago pa man masagot ni Dra. Jacinto ang tanong ko, bigla na lamang bumukas ang pinto sa likuran niya at nakita ko si PJ. Humahangos siya na para bang kagagaling niya lang sa mabilis na pagtakbo. "Nasaan si Jordan—"

PJ's face looked stone-cold, but as soon as he saw me, his eyes became soft and filled with tears. His shoulder dropped as if a huge weight had been lifted from his soul.

Seeing his face again after everything I've been through... I absentmindedly stood up and started sobbing again.

Before I could even say his name, PJ ran toward me and wrapped me in his warmest embrace. He was trembling as held me like I was the most precious thing in the world.

"I'm sorry..." he whispered over and over again. 

I pulled myself away from him, just a bit of distance so I could look up and see his face. And the moment I saw tears streaming down his cheeks, my heart broke even more.


"Chad, kasabwat mo ba si PJ?" 

My question was met with silence, making me even more desperate. 

"I need to know the truth," I pleaded. "No matter how painful, you have to tell me the truth."

Chad sobbed as he confessed, "PJ wanted to prove his father's innocence by showing everyone that it was possible... that you can turn into a monster in your sleep."

As I cried, Chad held my hand and whispered, "PJ wanted to back out the moment he found out that you were coming home, but it was already too late."


I was heartbroken and terrified by the truth, but in the end, I knew what I had to do. It was no longer about my survival anymore. 

Even if it meant turning into a monster, I had to protect my family.

"I'll come back later with the results." Narinig kong sambit ni Dra. Jacinto at saka ito lumabas ng silid.

Nang kaming dalawa nilang ni PJ ang natira sa silid, yumakap ako sa kanya nang mas mahigpit sabay baon ng mukha ko sa balikat niya.

"I'll take your secret to the grave if that's what it takes to protect our family," I whispered.

PJ stilled, and I felt how his embrace suddenly loosened. "A-Anong..."

He took a step back, but before he could put a distance between us, I pulled him to a tighter embrace and buried my face deeper into his shoulder to secretly whisper, "Don't tell anyone..."


//

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro