Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter thirteen | the kids aren't alright


warning: this chapter contains graphic details. all out violence ahead.


I knew it was a bad idea as soon I reached the dark lobby of the orphanage, but I also knew it was the right thing to do. If the tables were turned, Kuya Vito would surely drop everything and run to the abyss just to save my ass. 

I looked around, trying to see where Bogart and the twins went, but they completely vanished into the dark. Hindi ko alam kung masyado lang ba silang mabilis tumakbo o masyado lang ba talaga akong mabagal. 

I tried looking for the light switch, but when I found them, none was working. Either there was a power outage or they purposely turned off the electricity, as part of the evacuation protocols. The windows were boarded up too, so no light was coming in from the outside.

I treaded carefully through the dark. It would have been easier kung dala ko ang cell phone ko, kaso hindi ko na alam kung nasaan ito pagkatapos ng mga nangyari kay papa. Naiwan ko rin ang 'go bag' ko sa hotel.

I wanted to scream for their names, but my instincts told me not to.

Growing up, I always heard Papa tell PJ to trust his instincts. So there was I, completely trusting mine too.

I took a deep breath and clenched my hands into fists. Something didn't feel right about the place. Kids were normally running and screaming down the halls, but this time, the only sound I could hear was the rain hitting the roof, and the sound of my own heartbeat. Besides, if the orphanage was empty, they would've locked the gates and the doors.

I leaned close to a wall and used it as my guide as I walked through the dark. Somehow, my eyes could still make up a hallway, some doors, and a whole ass set of stairs. 

I tried to putting myself in Kuya Vito's perspective, and thought that instead of the stairs, he would surely head for the doors nears the lobby . . . kaya ito ang ginawa ko.

I kept opening every doorknob that I reached, but unfortunately, all of them were locked. And as I walked further and further along the dark hallway, that was when I noticed it . . . a smell similar to rust, but stronger. 

Wala sa sarili akong napaatras nang magkaroon ng ideya kung ano ang naaamoy. I swallowed hard in a futile attempt to calm my nerves.

I continued to walk along the dark, empty hallway while holding on to the walls to guide my way. All of a sudden, I began to notice a faint light, but it was coming from another hallway to my left. I underestimated how large the building was.

A light, no matter how faint, is always better than the dark kaya naman maingat ko itong sinundan. Lumiko sa hallway kung saan nanggagaling ang liwanag at nahinto ako sa paglalakad nang mapagtantong nangagaling ang liwanag mula sa isang nakabukas na silid. At habang patuloy ako sa paglalakad palapit, nakita kong nanggagaling pala ang liwanag sa isang flashlight na nasa sahig.

Sa isang iglap, may narinig akong kakaiba. Para bang may sumusunod sa aking mga yapak kaya agad akong huminto sa paglalakad at dumikit sa pader, hindi na baleng magmukhang isang butiki. 

"Anong ginagawa mo?"

Napakurapkurap ako at unti-unting lumingon, hindi alintana ang noo kong dumidikit sa pader. 

Naaninag ko ang pigura ng isang lalakeng may malaking pangangatawan. Dahil sa skinhead niyang buhok, nakilala ko kaagad ang hugis ng kanyang ulo. May suot din siyang dual flashlight sa kanyang leeg, kahugis ng headphones.

"B-Bogart . . .  " I laughed shakily. "Tried to blend into the wall, just in case you were some bad guy."

Suminghal siya. Na-imagine ko kaagad ang mukha niya na may isang mapanghamak na ngisi. "Alam natin pareho kung sino ang masama na nagbabait-baitan lang."

Nakaramdam ako ng panlulumo dahil sa kanyang sinabi. Alam ko ang ibig niyang sabihin . . . at naiintindihan ko ang galit na nararamdaman niya.

Umatras ako mula sa pader at umayos ng tayo bago unti-unting humarap sa kanya. It was easier to keep my head up because I couldn't see his face clearly.

"Bogart . . . S-Sorry sa nangyari sa lola mo."

Suminghal siyang muli at laking gulat ko nang bigla na lamang umigkas ang kanyang kamao patungo sa akin. Buong akala ko'y tatama ang kanyang kamao sa mukha ko, pero nagulat ako nang dumiretso ito sa kuwelyo ng damit na suot ko. Hinatak niya ako palapit kaya halos matumba ako sa sahig.

Ito ang unang beses na may kumuwelyo sa akin. Sa lakas ng pagkakahawak niya sa damit ko, sumikip ito sa dibdib ko kahit pa oversized ito na t-shirt. Ramdam ko ang panginginig ng malamig niyang mga kamay dahil sa matinding galit.

"Kung hindi ka lang babae, nasapak na kita." He grunted, almost like a wild animal.

This is the only time I'm thankful for the double standards between men and women. But hey, no to violence among all genders!

Binitiwan niya ako nang marahas at patulak kaya muntikan ulit akong matumba, kung hindi lang ako nakabalanse sa sarili ko.

My heart felt like it was about to explode, but at the same time, I was relieved that he didn't punch me. 

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya o hihingi ng tawad. Frankly speaking, I wanted to change the topic too kasi baka masapak na niya talaga ako. 

With my nerves still unsettled, I did the first thing that I could think of—head for the flashlight and see what was inside the room. 

"Saan ka pupunta?" Ramdam ko pa rin ang galit sa baritono niyang boses.

"Diyan ka lang. May titingnan lang ako." Isang milagrong nagawa ko pang makapagsalita nang buo.

I quickened my pace because I thought walking slowly would only make me feel more nervous. In my mind, the sooner I would see what was inside the room, the sooner my curiosity would end.

However, as I stepped inside the room and picked up the flashlight from the floor, it felt like my entire body shut down.

I could see every horrible detail in the room, but it felt like the entire world went still and silent. I couldn't hear the beating of my own heart . . . and I almost couldn't even hear my own thoughts.

In that exact moment, I felt numb.

"Anong meron?"

Bogart's voice somehow rescued me from the pits of my own mind, but it was too late. It was too late for me to stop him from seeing the slaughter that no person should ever lay their eyes on.

And just like that, Bogart and I just stood there, silent and utterly horrified.

"Diyos ko . . . sinong may gawa nito?" Bogart cried out. He choked on his tears until he started gagging and throwing up.

Hearing one of the toughest men in the island cry and gag made me realize that I had to get my shit together and do the right thing. After all, there could still be hope.

"Do the right thing!" I screamed in my own mind.

I inhaled deeply and loudly, still screaming in my mind.

"A-Anong gagawin mo?" bulalas ni Bogart.

Unti-unti kong binuka ang mga kamao kong labis ang panginginig. "Diyan ka lang . . . b-baka may pag-asa pa." 

***

I walked out of the room with my heart on my throat. My steps were heavy and unsure, lips and hands trembling. I couldn't even keep my head up. 

Nahinto ako sa paglalakad nang bigla akong hinarang ni Bogart. Bago pa man ako makapag-angat ng tingin, hinatak niya ang kaliwa kong kamay at naramdaman ko ang malamig na tubig na dumadausdos sa balat ko.

All I could do was watch as Bogart washed the blood off my hands, one after another. He kept on sniffling, crying in silence. My mind was too lost to even thank him for what he was doing.

"W-Wala ba talaga?" I've never heard him sound so vulnerable.

Bago ko pa man matugunan ng kanyang tanong, naaninag ko ang hawak niyang bottled water.

"Saan galing 'to?!" Marahas kog naagaw mula sa kanya ang plastic na bote.

"Ano bang problema mo?" Bahagyang umangas ang matamlay niyang boses. 

My mind was running in circles, trying to piece blurry dots together.

"Uminom ka ba ng tubig na 'to?" Hindi ko namalayang nayuyupi ko na pala ang bote sa higpit nang pagkakahawak ko rito.

All I had was a hunch and a doubt, but I'd rather be careful on the way to hell.

Sa isang iglap, umalingawngaw ang isang malakas na sigaw. Sandali kaming nagkatinginan ni Bogart bago sabay na kumaripas ng takbo.

Bogart followed the screaming, while I followed him. Mas naging madali na sa aking sundan siya dahil may dala na akong flashlight.

Umakyat kami sa pangalawang palapag hanggang sa nakasalubong namin ang humahangos na si Jackie Lee. Nakilala ko siya dahil sa bitbit niyang mga baston na gamit sa arnis, he was holding it together with his flashlight . . . but what caught my attention was the bottled water in his hand. 

"Ininom mo ba?"

"Ikaw ba yung sumigaw?"

Nalunod ng katanungan ni Bogart ang boses ko. Pero kahit hindi nasagot ang tanong ko, malinaw sa akin ang papaubos na nitong laman.

"Bro, may nakita kaming madreng duguan! Akala ko multo na!" bulalas ni Jackie Lee.

Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Pinili kong magbilang nang malakas sa isip ko. Isa! Dalawa! Tatlo! Apat! Li—

"Vigoria!" 

Napadilat ako at nakita sina Bogart at Jackie na malayo-layo na mula sa akin. Pareho silang nakalingon, hinihintay ako.

***

Habang tumatakbo kaming tatlo sa madilim na hallway, pilit kong tinatalasan ang pandinig at pandama ko. Pagdating sa isang maliit na chapel, napansin ko kaagad ang bahid ng dugo sa pintong gawa sa salamin.

Bago pa man ako nakapagsalita, pumasok sina Bogart at Jackie kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kanila.

Pare-pareho kaming nahinto nang makita ang isang madreng nakaupo sa sahig . . . sa harapan mismo ng altar. Pumapalahaw siya habang yakap ang duguang katawan ng isang batang babae. Sa sobrang dami ng dugo, kahit ang kulay puting damit ng madre ay halos naging kulay pula. Malinaw ko itong nakita dahil sa liwanag ng langit na pumapsok mula sa nakabukas na bintana.

"Sister, patay na ho ba ang bata?" bulalas ni Jackie.

"Shhhh!"

Napalingon kami at nakita si Bruce Chan na karga-karga ang isang batang lalake. Nilibot ko ang paningin sa mga upuang nakapaligid sa amin at nang makita ang espada ni Bruce na nakapatong lang sa mga ito, dali-dali ko itong kinuha.

"Sige, ikaw muna ang magdala niyan," pabulong na sabi sa akin ni Bruce. "Ano pala ang plano? Tatawag ba tayo ng tulong o tayo na ang mag-aalis sa kanila mula rito? Parang mas maagang nag-landfall ang bagyo, o? Parang ang lakas-lakas ng hangin sa labas. Siya nga pala, nakita n'yo na ba ang ibang mga bata?"

"Hanapin muna natin si Sir Vito," siJackie Lee ang sumagot.

Napalingon ako sa direksiyon ng madre nang may mapansin akong kakaiba.

"Bakit?" tanong ni Bogart sa akin.

"Huminto siya sa pag-iyak . . . " sagot ko naman, halos dumoble ang kaba sa hindi malamang dahilan.

Nagkamot si Jackie Lee ng ulo gamit ang kanyang baston at dahan-dahang naglakad palapit sa madre.

"Pssst! Huwag mo nang lapitan!" giit ko pero nagpatuloy pa rin si Jackie sa paglalakad palapit.

"Sister? Hehe," tawag ni Jackie Lee sa pansin ng madre, punong-puno ng paggalang ang boses.

Humigpit ang hawak ko sa espada dala ng matinding kaba. Lumingon ako kay Bruce at pasimpleng tinuro ang pinto.

"Ha?" Kinunutan lamang ako nito ng noo.

Binalik ko ang tingin kay Jackie at nakita ko ang pagtapik niya sa balikat ng madre. Unti-unti itong lumingon . . .

"Aray! Putangina! Aray!"

Nagulat kaming lahat nang bigla na lamang umalingawngaw ang sigaw ni Bruce. Pareho-pareho kaming napalingon at mas lalo pa kaming nagulat nang makitang gising na ang batang karga-karga niya at walang habas na nitong hinahampas ang kanyang mukha.

"Nasa simbahan tayo, gago!" sita ni Bogart sa pagmumura ni Bruce.

"Go bata, go!" Tumawa naman nang pagkalakas-lakas si Jackie Lee.

Bumaha ang mga alaala sa isip ko—ang pag-atake ni Madam Laura, ang biglang pagsugod ni Mang Roberto, ang mga lalakeng umatake sa seminar.

"Bitiwan mo ang bata! Bitiwan mo!" Nagsisigaw ako at dali-daling lumapit upang sumaklolo, pero laking gulat ko nang makitang kinakalmot na ng bata ang mga mata ni Bruce. 

Kasabay ng pag-alingawngaw na hiyaw ni Bruce ang pagtulo ng dugo mula sa kaliwa niyang mata. Nagsigawan na rin sina Bogart at Jackie na napagtanto na kung gaano kaseryoso ang sitwasyon.

Nagkagulo kaming apat habang pilit na hinihila ang bata palayo kay Bruce.

"Bro, Ihagis mo ang bata! Ihagis mo!" sigaw nang sigaw si Jackie.

"Jackie ang baston! Paluin mo sa braso! Sa braso lang bilis!" kahit si Bogart ay tarantang-taranta na rin.

Wala sa sarili naman akong napatili nang makitang tuluyan nang nadukot ng bata ang kaliwang mata ni Bruce. The blood from his eye socket poured and splattered straight to my face. 

Lalo pa akong napatili nang makita kung paano nadurog ng bata ang malapot-lapot na mata ni Bruce, gamit ang munti nitong kamay.

Halos mabingi ako sa lakas ng iyak ni Bruce, pati na rin ni Jackie. Iniangat ko ang espada ni Bruce, pero hindi ko alam paano ako makakatulong nang walang ibang matatamaan. Ni hindi ko alam kung kaya ko bang saktan ang bata. 

"Bitiwan mo ang kapatid ko!" Gamit ang baston, walang habas na pinaghahampas ni Jackie ang bata sa mismong ulo nito hanggang sa tuluyan itong mapabitiw kay Bruce at malaglag sa sahig.

Duguan man, tila ba lalo lamang naging agresibo ang kilos ng batang walang kamemo-emosyon ang mga mata. Dali-dali itong bumangon at akmang susugod sa amin, pero nabigla kaming lahat nang biglang dumating ang madre at walang pagdadalawang-isip na kinarga ang bata at nagtatakbo palayo.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, tanging sigaw na lamang ang nagawa namin nang tumalon ang madre palabas ng nakabukas bintana, karga-karga pa rin ang bata.

"Hindi!" Nagtatakbo kami ni Bogart patungo sa bintana at nang dumungaw kami sa baba, kitang-kita namin ang katawan ng madre at ng batang nakahandusay sa lupa, duguan at parehong hindi gumagalaw.



//



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro