Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter seventeen | the grudge


"Ano? Sleepwalker syndrome?" Kuya Vito scoffed. He sounded like he was calling bullshit, but all I could see in his face was utter fear and confusion. "Gil, naririnig mo ba ang sinasabi mo?!"

"I know it's hard to believe, but it's already happening!" giit naman ni Gil na seryoso sa bawat salitang binibitiwan.  "Eksaktong-eksakto sa mga files na 'yon ang nangyayari ngayon!"

In the middle of their argument, I suddenly remembered what Clark told me when we met at the cathedral to talk about what happened to Pia's dad.

"He wasn't himself . . . It felt like he was—"

"Please don't say he was possessed because I swear to God . . ."

"—asleep."

"You think he was sleepwalking?"

"What else could it be?"

Everything that Clark said, every little horrible thing that we encountered, and all the things that Gil described—it all added up together in one horrifying conclusion.

"I think Gil's right about this." I looked up at Kuya Vito, my voice shivering with tension. "Clark said it looked like Mang Roberto was sleepwalking too."

Kuya Vito immediately frowned and looked at Gil. "Ano bang basehan mo sa mga pinagsasabi mo?! Anong files?!"

Gil closed his eyes shut and shook his head a little like he was hesitating to spread his truth. I noticed his jaw tense up as he stuttered, "Derio Research Center..."

"Kuya Vito!" Napasigaw kaagad ako nang bigla na lamang nitong sinugod si Gil at marahas na hinila sa kuwelyo. Natakot akong masuntok niya si Gil kaya halos tumalon ako para pumagitna sa kanila.

"Naniwala ako sa 'yong inosente ka sa mga binibintang nila! Kahit si Chief naniwala sa 'yo! Leche kang gago ka!" Kuya Vito screamed angrily that it caught Fatima's attention. The baby even started crying again.

Noong una ay nalito pa ako kung ano ang ikinagalit ni Kuya Vito, hanggang sa naalala kong nag-ko-community service nga pala si Gil pagkatapos maakusahang nang-trespass sa research center na iyon. It was how we met. Again.

"Kuya Vito, ano ba! Tama na!" sigaw ko habang panay ang hila sa kanya palayo kay Gil, ngunit para bang naka-ankla na ang kanyang kamao sa kuwelyo nito.

"Kuya! Tama na, okay?!" Natakot ako nang 'todo. Para kay Gil, at para na rin sa sarili ko. Mamaya madamay pa ako ng ligaw na sapak.

"Hindi ka man lang ba nahiya kay Chief?!" nagngingitngit pang bulalas ni Kuya Vito. I could feel his arm muscles tremble in anger. "Magmula nang bumalik ka rito, wala siyang ibang ginawa kundi depensahan ka mula sa lahat ng nagsasalita ng masama laban sa 'yo! Sa lahat ng tao sa islang 'to, siya lang ang tumanggap sa pagbabalik mo! Halos anak na rin ang—"

"That's why I did it for him!" biglang tugon ni Gil, dahilan para pareho kaming matigilan ni Kuya Vito.

"Ano?" Naiwang nakaawang ang bibig ni Kuya Vito, kunot-noo pa rin. 

"Huh?" Napalingon naman ako kay Gil.

Gil had no emotion on his face as he kept his head up high, now glaring directly back at Kuya Vito. "Inutusan niya akong magmanman sa research center na iyon. Muntik akong mahuli ng isa sa mga guwardiya, pero nagawa kong makatakas. Kaso nalaman pa rin nila kung sino ako at pinalabas nilang may mga sinira akong gamit doon."

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng pagkakahawak ni Kuya Vito sa kuwelyo ni Gil. Sa Sa kabila nito, hindi naglaho ang suspetsa sa kanyang mukha. "Bakit naman 'yon gagawin ni Chief? At bakit ikaw pa ang uutusan niya kung puwede namang si PJ? Pwede rin namang ako?"

Napabuntonghininga na lamang ako at muling hinila si Kuya Vito hanggang sa mapabitiw siya nang tuluyan sa kuwelyo ni Gil at mapahakbang paatras.

"Kasi in case magkabulilyaso, ayaw ni Papa na madungisan ang pangalan ni PJ. Ayaw niya ring matanggal ka sa puwesto pag nagkataon." Ako na mismo ang sumagot at lumingon na lamang kay Gil. "No offense, of course."

"Hindi pa rin, e!" Kuya Vito pushed me aside, marching angrily toward Gil again. "Bakit naman magmamanman nang pailalim si Chief? Puwedeng-puwede namin iyong gawin—"

"Kasi wala siyang sapat na ebidensiya!" Bumuntonghininga nang malakas si Gil. "Puro suspetsa lang ang mayroon siya sa lugar na 'yon. Desperado siyang magkaroon ng ideya kung ano ba talaga ang nangyayari, pero may malalaking taong pomoprotekta sa pasilidad na 'yon. Walang mawawala sa akin kaya nagboluntaryo na ako."

It was my turn to push Kuya Vito aside and face Gil. "What the hell were they doing in that research center?!"

Gil shook his head, eyebrows furrowed as he looked down like he was trying to put his memories and thoughts together. "Isang floor lang ang nasuyod ko at wala akong ibang nakita kundi mga laboratoryo. Pagdating naman sa database nila, ilang files lang ang nakita ko—mga research tungkol sa vaccine, painkiller, at kung anong eksperimento. May mga pag-aaral din tungkol sa mga halaman at hayop. Habang nagda-download ako ng mga files, naisipan kong tumingin-tingin sa bawat opisina. Puro mga doktor ang nagmamay-ari no'n base sa mga pangalang nakalagay sa bawat pinto. May isang opisina doon na napakagulo, nagkalat ang mga kahon sa sahig... para bang isa-isang nililigpit dito ang mga gamit ng doktor. Tiningnan ko ang ilang mga folder sa kahon hanggang sa nakita ko 'yong Sleepwalker Syndrome."

"N-Nasabi mo ba kay Papa?" Worry filled every fiber of my being. 

Tumango naman si Gil. "Nabanggit ko sa kanya. Masyadong pampelikula kaya pareho kaming hindi masyadong naniwala ng papa mo. Inisip ko pang nasesante ang doktor dahil sa kung anong pinagsusulat niya."

"Doktor..." Bigla na lamang suminghap si Kuya Vito. Paglingon ko'y sapo na niya ang kanyang panga at para bang may may napagtagpi-tagpi sa kanyang isip. "Si Doctor Rosauro ba? Gil, siya ba ang nagmamay-ari ng file?"

My knees weakened in an instant. Apelyido niya lang ang narinig ko, pero sapat na ito para bumalik ang mga alaalang pilit ko nang ibinaon sa limot.

An old man with thick, greasy white hair who wore his robe everywhere he went. When I was a kid, I always described him as a moreno version of Albert Einstein. He was intelligent, but I always felt there was something off about him. Especially from the way he defended the biggest monster of the island.

"He came back to the island? W-When?" Parang pinipilipit ang mga kalamnan ko at parang ano mang oras ay babaliktad na ang sikmura ko. Sa tindi ng magkahalong galit at takot, marahas akong napahawak sa braso ni Kuya Vito. "Bakit hindi n'yo sinabing bumalik siya rito?! Bakit n'yo siya hinayaang makabalik dito?!"

Mabilis na umiling si Kuya at pansin ko ang taranta sa kanyang pagsasalita. "Hindi rin namin alam. Nagulat nga ang papa mo nang makita ang bangkay niya ilang araw na ang nakakaraan."

"Patay na siya?!" Goosebumps ran against my skin. I should be happy that he's dead, but part me of me was still terrified. "Kailan pa? Anong ikinamatay niya?"

"Mga dalawang araw bago ka bumalik, nagkaroon ng sunog sa isang rest house. Mabilis na nakaresponde ang mga bumbero at nang maapula ang sunog, doon na natagpuan ang bangkay niya. Positibo siyang kinilala ng papa mo. Unsolved pa ang kaso, pero tingin namin robbery-homicide ang nangyari kasi gulong-gulo ang kuwarto niya at wala pa ang mga gamit niya. Sa tingin din namin sinadyang sunugin ang rest house para sana maitago ang totoong nangyari sa doktor," paliwanag ni Kuya Vito, bagay na lalo lamang nagpadoble sa takot ko.

"He did this!" I pointed aimlessly with my trembling fingers. "Ang tanginang doktor na 'yon ang gumawa nito! Ganti niya 'to sa isla! The last time I saw him, he promised that he would prove everyone wrong! Ito na 'yon!"

"J-Jordan, huminahon ka!" Kuya Vito tried to hold me by the shoulder but I ended up pushing him away completely.

"Kuya, siya 'to! Siya lang ang may talino at kabaliwang makakagawa nito! He's a raging psychopath just like his brother!" giit ko naman.

"Teka, sino ba ang doktor na 'yon? Jordan, anong koneksiyon mo sa kanya?" Gil spoke up, confused as hell.

"He hates my guts." Marahas akong napahilamos sa mukha ko. Ni hindi ko man lang namalayang may luha nang pumatak mula sa mga mata ko. "I had a beef with him when I was a kid. I don't think you were around anymore when it happened. I don't know."

"Teka, nagkausap kayo noong bata ka pa?" tanong ni Kuya Vito. "Nag-away kayo? Pero bata ka pa nang mangyari 'yon?"

I hated how the past that I tried so hard to bury was slowly getting exhumed. I already moved on from that horrible chapter of my life. My entire family has moved on. Hindi na dapat pang balikan ang masalimuot na pangyayaring iyon, lalo na si Dr. Rosauro at ang lecheng kapatid niyang si Dr. Michael.

"You know what? Let's stop talking about that doctor." I was being selfish by abandoning the subject completely, but I had to get away from the awful past. "Yes, there's a 98% chance that he created the virus, but he's now dead. Ngayon, focus na tayo sa plano kung paano natin matutulungan ang mga tao upang manatili silang ligtas mula sa bagyo at virus. Also, utang na loob, patahanin n'yo na ang baby. Konti na lang, magwawala na rin ako."

Sa bilis ng pagsasalita, naiwan akong humahangos. Sa kabila nito, nakatingin pa rin sa akin sina Kuya Vito at Gil, parehong puno ng kalituhan ang mga mukha.

"'Yong bata! Baka hindi na makahinga sa kaiiyak!" giit ko at walang choice si Kuya Vito kundi puntahan ito at aluin.

As Kuya Vito checked on Fatima and carried the baby around, I proceeded to list down some plans on the manila paper I laid out on the table.

"Jordan, 'yong pumatay sa doktor, hindi kaya may kinalaman din sila sa lalong pagkalat ng virus?" Lumapit sa akin si Gil, litong-lito pa rin at pilit na pinagtatagpi-tagpi ang mga piraso ng katotohanan.

I looked up from what I was writing and squinted my eyes. "Siya nga pala, may nabasa ka ba tungkol sa transmission ng virus? Posible kayang dahil sa tubig?"

"Tubig? Kontaminado ba ang tubig?" Lumapit si Kuya Vito karga ang hineheleng sanggol. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon, kinunan ko na siya ng picture at inasar-asar. Probably sent the photo to Tina too. 

I shrugged. "I just have a bad feeling about the water bottles. I don't know, it's just—"

Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla silang nagkatinginan.

"Hoy, ano 'yon?" Agad akong napatayo nang maayos at isa-isa silang tinuro. "Ba't parang may sabay kayong napagtanto?"

Humarap sa akin si Kuya Vito habang ang mga kamay ay abala sa marahang pagtapik sa sanggol na karga. "Ilang araw na ang nakakaraan, nilooban ang pabrika ng Agua Del Sol. Pumunta mismo rito ang may-ari para pakiusapan ang papa mo na 'wag isapubliko ang nangyari dahil baka isipin ng mga tao sa kontaminado ang mga tubig nila. Kaso, balewala lang naman din kasi may nagpakalat ng nangyari sa Facebook. Naging usap-usapan 'yon hanggang sa nangyari na nga 'yong kay Pia, at ito na ang nakakuha sa atensiyon ng lahat."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi man sigurado, pakiramdam ko'y unti-unti na naming napagtatagpi-tagpi ang lahat.

"Teka, nakainom ba kayo ng tubig na 'yon?!" bulalas ko, at sa isang iglap, muling namayani ang takot sa buong sistema ko.

Umiling kaagad si Kuya Vito. "Ilang taon na kaming nag-a-alkaline water dahil kay Tina. Naimpluwensiyahan niya ang mga magulang namin at gumawa pa sila ng maliit na negosyo. Naiinis nga sa amin ang mga taga Agua Del Sol."

Napatingin naman ako kay Gil, at bago pa man ako makapagtanong, mabilis siyang sumagot, "Pagdating ko rito, inilista ako ng Papa mo sa alkaline water nila kaya 'yon na rin ang nakukuha ko kada linggo."

"Shit." Biglang suminghap si Kuya Vito kaya napatingin kaagad kami ni Gil sa kanya.

"Shit? Anong shit? Kuya Vito anong shit?" My heartbeat was in shambles again.

"Nag-donate ng bulto-bultong tubig ang Agua Del Sol sa mga evacuation center." Nakatulalang sagot ni Kuya Vito. Marahil ini-imagine na siya sa isip niya ang lala ng sitwasyon.

"That's fine." I lied. It wasn't fine. We were in deep flaming pile of shit, but we all knew that already. "Kung iisipin natin, hindi natin alam kung anong batch ng tubig kontaminado. Ni hindi natin makukumpirma sa ngayon kung ang tubig ba talaga ang dahilan ng lahat ng 'to. Ang importante, mabalaan natin ang mga tao. Everyone should watch out for the symptoms, quarantine, go for tap water, and stay awake. Let's go for the first option—we ride out the storm and stay alive. Bahala na. Ang mahalaga, pare-pareho tayong mabubuhay."

"Pupunta ako city hall," Kuya announced. It looked like he already had a plan. "Makikipag-coordinate ako sa LGU upang mabalaan ang lahat."

"We don't have enough time for formalities, and odds are, people who haven't been attacked might not believe us. Ni hindi mo nga halos paniwalaan si Gil habang pinapaliwanag niya ang nalalaman niya. I suggest you go straight to the radio station. Siguradong maraming mga residente ang nakikinig sa kanila, lalo na sa ganitong panahon. Warn people about the water and the virus. Tell them to watch out for the symptoms. And kung maari, umalis sa mataong lugar. I know there's a super typhoon, but with that virus around, evacuation centers are basically a slaughter house," paliwanag ko naman.

"Hindi ba magkakagulo lalo kung malalaman ng lahat anong nangyayari? Baka magkabintangan kung malalaman nila ang tungkol sa mga sintomas," Gil said hesitantly. "Baka may iba pang paraan para mabalaan sila?"

"I get it." I sighed and nodded at Gil. "I really do, but people need to know about the danger. I'd rather see people fight as selfish beings, rather than see people mindlessly kill their loved ones."

I proceeded to fold the manila paper I had been writing at. I grabbed Papa's worn out messenger bag that had been sitting on top of a cabinet and quickly put the manila paper there, including the pen and the gun.

"Jordan, anong balak mo?" tanong ni Kuya Vito.

"I have to go home and warn Masha. I've left her alone for too long. Baka alalang-alala na 'yon kasi hindi pa ako nakakauwi," I said as I opened each drawer, trying to look for things we could use to live through the nightmare. 

"Teka, hindi ba umalis si Masha? Nakita ko siya kanina sa inyo at inutusang—"

"I still have to go home. I have to check on her. I have to check... some stuff." I ended up sighing. "After I make sure Masha's fine,  let me know what else I can do to help."

I continued searching through every cabinet and drawers until I found a box containing four two-way radios. I walked back to the table and laid out the radios.

"Hindi ko alam anong plano o desisyon n'yong dalawa, pero ako, kailangan kong umuwi sa bahay. Kayong dalawa lang ang sigurado kong mapagkakatiwalaan sa ngayon, kaya huwag na huwag kayong magpapahawa at huwag na huwag kayong—"

"Teka, narinig n'yo ba 'yon?" biglang tanong ni Kuya Vito.

"Ang ano?" Gil asked, ears all perked up. Agad ko namang pinakiramdaman ang paligid.

Binalik ni Kuya Vito ang sanggol sa tabi ni Fatima at saka ito binilinan, "Fatima, bababa muna ako. Bantayan mo muna ang baby, ha?"

Pagkatangong-pagkatango ni Fatima, agad na lumabas si Kuya ng opisina ni Papa. Ni hindi man lang niya sinabi sa amin kung ano ang narinig niya. Mabilis na sumunod si Gil sa kanya, samantalang dali-dali ko namang kinuha ang baril na itinago ko na sana sa bag.

Paglabas ko ng opisina, nakita kong tumatakbo na sila pababa ng hagdan. Dali-dali akong sumunod sa kanila, hanggang sa tuluyan akong makarinig ng isang mahaba at paulit-ulit na tili.

Whoever was screaming, they were screaming for their life.

Nang tuluyang makababa, nadatnan kong taranta pa nilang tinatanggal ang mga ginawa nilang harang sa pinto. At nang tuluyan nilang matulak pabukas ang dalawang pintong gawa sa salamin, itinaas ko ang hawak na flashlight.

"Fash?" Napasinghap ako nang makita si Fash na tumatakbo patungo sa amin. Basang-basa siya ng ulan, lalo na ang kanyang leopard-print jacket na may mga bahid pa ng dugo.  

Takot na takot si Fash habang tumatakbo at sumisigaw. "Tulong! Hinahabol ako ng mga marites!"



//



author's note: sorry for the late update hehe i've been really indecisive these past few weeks. idk. pati sa pagsusulat nag-o-overthink na rin ako hahaha. i'll try my best to get out of this cloud so i can update more frequently. lablab!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro