chapter one | welcome hell
Jordan
When I was a child, I learned about the devil. Its shape and form are different in every story, but it always had horns and tails.
Growing up, I learned that the devil doesn't really have horns or tails. It has a smile, a smile so friendly that you wouldn't even feel danger until it stabs you in the back.
However, when I returned to Rosamond Island to rebuild the bridges I burned, I came face to face with a new form of evil. So evil that it made me question everything I ever believed in.
"Maligayang pagdating sa Rosamond Island. Dahan-dahan at isa-isa lamang po sa pagbaba. Mangyaring itsek ang mga kagamitan upang masigurong wala kayong maiiwan sa ating ferry."
Pakiramdam ko'y babaliktad na ang sikmura ko. I was born and raised in this island, so, I'm pretty sure it's not because of seasickness. Nevertheless, I know I have to suck it up. It's time for me to come home and face the music.
"At least makikita ko ulit ang mga kaibigan ko," bulong ko na lamang sa sarili sabay tayo mula sa kinauupuan.
Bitbit ang duffle bag sa kaliwang kamay at hila-hila ang suitcase sa kanan, dahan-dahan ako sa paghakbang lalo't may malaki ring backpack sa aking likuran. Mabuti na lang talaga at sanay akong tumawid sa rampang nagkokonekta sa ferry at pantalan, kung hindi ay baka nadala na ako sa bigat ng mga dala at tuluyan nang natumba. I'd look like humpty dumpty with blonde hair and red highlights.
"Nieta," pabulong akong napamura nang makita ang isang may-edad na babae sa dulo ng rampa. Mayroon siyang bitbit na log book at pinapasulat niya rito ang bawat dumadaan. Kapag hindi niya kilala, hinihingan niya ito ng ID.
Sana hindi mo ako kilala. Paulit-ulit kong dasal sa isip hanggang sa ako na ang kailangang magsulat sa log book.
"Naku, ang dami mong dala. Ibigay mo na lang sa akin ang ID mo at ako na ang magsusulat." Masigla at puno ng pagmamalasakit niyang sambit.
"S-Salamat po." Nahihiya akong bumungisngis. "O-Okay lang po ba kung pangalan ko na lang? Nawala po kasi ang wallet ko kaya nawala rin ang lahat ng ID ko. Anne Cruz po. Isang turista."
If liars go to hell, I probably secured my spot a long time ago.
"Hindi ka ba kumuha ulit?" aniya, hindi naglalaho ang masiglang ngiti. "Parang matanda ka na. Nakakahiya kung wala kang valid ID."
Utang na loob 'wag n'yo na akong bigyan ng rason na maging VIP sa impyerno!
"Wala na po kasing oras." Umiling na lamang ako, hibla na lang ang pasensya. There's a reason why hindi ako tumatagal sa kahit na anong customer service related part time job.
"Walang oras saan?" Usisa niya kaya bahagya akong napangiwi. "Masyado bang mahirap maghanap ng—"
"Nandito pala," walang emosyon kong bawi at inilabas na lamang ang university ID mula sa bulsa ko nang matapos na.
"Jordan Vigoria?" kunot-noong binasa ng ginang ang pangalang nakasulat dito. Hindi siya nakuntento't tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Kamag-anak mo ba si Chief Vigoria?"
Imbes na sumagot, ngumiti na lamang ako nang tipid at napatitig sa asul na dagat sa gilid namin. Tila ba kumikinang ang napakalinaw na tubig dahil sa sikat ng araw, may natatanaw pa akong mga maliliit na isda na lumalangoy-langoy.
"Hala, ikaw nga! Ikaw 'yong unica hija ni Chief Vigoria! May pa-turista-turista ka pang bata ka!" bulalas ng ginang kaya gusto ko biglang tumalon sa tubig at lumangoy na lang kasama ang mga isda.
"Okay na po ba? Puwede na po ba akong dumaan?" Pasimple ko na lamang na inagaw ang ID ko. Mamaya maiwan pa sa kanya.
"Aba oo naman!" Humalakhak ang babae at masayang hinawakan ang kamay ko. "Hija, napakasaya kong makita ka ulit! Alam mo ba, minsan kong nahugasan ang puwet mo noong bata ka pa!"
Sa lakas ng boses niya, pakiramdam ko'y napatingin sa akin ang lahat ng mga pasaherong nakapila.
On second thought, parang gusto ko na lang tuloy magpalunod sa dagat.
"Teka, anong nangyari sa buhok mo? Ba't ganyan na ang kulay? Galing ka ba sa Japan—"
"Mauna na po ako." Bahagya na lamang akong yumuko bilang paggalang at nagpatuloy sa pagtawid sa pantalan dala ang mga bagahe ko.
"Maligayang pagbabalik, hija! Huwag ka nang aalis ulit!" pahabol niya pang sigaw kaya huminga na lamang ako nang malalim at bahagyang kumaway, hindi na lumilingon pa.
***
My suitcase kept making loud crunching noises as I dragged it along the crooked pavement. Kongkreto na nga ang mga sidewalk, bako-bako naman. Tuloy, para akong matutumba nang wala sa oras.
"Nietang buhay. Nietang daan. Nietang napakainit na panahon," reklamo ko sabay lagay ng kamay sa ibabaw ng noo ko bilang panangga sa napakatinding sinag ng araw. Gusto kong magsuot ng sunglasses pero masyado akong maraming dala.
"Ate, bili ka ng beach bag?"
"Miss, may tour package ka na?"
"Motor, ma'am?!"
"Ma'am, 2 for 180 waterproof casing!"
Gusto kong umiling bilang respeto sa mga taong nagtatawag sa akin mula sa gilid ng sidewalk, pero masyado na akong pagod mula sa byahe at init ng araw. Kung puwede lang talaga akong humilata na lang sa gitna ng daan at magpasagasa.
"Jordi!"
Dumako ang tingin ko sa unahang bahagi ng kalsada at nabuhayan ako ng loob nang makita si Masha at ang nagniningning niyang satin pajama at polo shirt.
"Masha!" Kumaway ako at halos mapatalon sa tuwa. Tatlong taon din kaming hindi nagkita. Gusto ko biglang umiyak.
Dala na rin ng adrenaline, nagawa kong mabuhat ang mga gamit ko at nagtatakbo patungo sa kanya. Para akong tangang tawang-tawa at hindi matanggal-tanggal ang ngiti.
Ngunit habang papalapit, bigla akong nakaramdam ng kakaiba.
Bakit nakapambahay si Masha? Magulo rin ang pagkaka-ponytail ng buhok niya. It's weird because she's the most fashion-conscious person that I know. Baka nga sa buong isla pa. She likes dressing up at all times despite the prejudice she gets from fellow locals. That's always been her thing.
Humahangos akong nahinto sa harapan ni Masha at doon ko lang napansin na namamaga ang pulang-pula niyang mga mata. Nakangiti siya pero pansin kong nanginginig ang mga labi niya.
Doon ko lang din napansin na nag-iisa lang siya.
"W-Where's Pia? Nag-away na naman ba kayo?" Wala sa sarili kong naikiling ang ulo.
Ugh. I better not get caught up in the middle of their fight. With all the bullshit I have on my plate, I really can't deal with another drama.
"Jordi . . ." A short cry escaped her mouth just as the corner of her lips fell down.
My heart dropped. Masha crying right in front of me only means one thing—something really bad happened.
"B-Bakit?" Tumaas nang kaunti ang boses ko sa sobrang kaba at pag-aalala.
Here's another thing about my dearest Masha . . . she's no cry baby. At least, not right in front of us.
When her parents separated, her dog died, her grandparents moved away, or when the entire island slut-shamed her for some pre-marital rumors—Masha took them all like a champ. She was rightfully upset, but no tears were shed.
For a total softy, Masha seems to have this golden rule against tears.
Binitiwan ko ang mga dalang gamit, walang pakialam kahit malaglag silang lahat sa sahig. Nanlalambot man ang mga tuhod, humakbang ako patungo sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "M-Mash? Come on, what's going on?"
Humagulgol si Masha, bagay na mas lalo kong ikinagulat at ikinatakot. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak nang ganito katindi.
Umiling-iling si Masha. "Pia's dead."
I froze, unable to process what I just heard. "P-Pinagsasabi mo?"
***
"Jordi, sandali!"
"Hoy, bawal kayong pumasok—teka, Jordan?!"
"Si Jordan ba 'yon?!"
"Nagbalik ang anak ni Chief?!"
Dumadusdos ang mga luha, tila ba naging blangko ang isipan ko dahil sa matinding galit at sakit. Dire-diretso akong tumakbo papasok sa police station at umakyat sa kinaroroonan ng mga detainee. May mga humahabol sa akin pero masyado akong desperado para huminto.
Tinutulak ko ang bawat pintuang nadaraanan, walang pakialam kahit nadadagdagan ang mga humahabol, sumisigaw, at pumipigil sa akin.
Tuluyan akong nabuwal sa kinatatayuan nang makita ko si Tito Roberto sa loob ng isang selda. Umiiyak siya habang nakatulala at walang kakulay-kulay ang mukha, tila wala sa sarili.
"Tito, bakit mo ginawa 'yon sa kanila?!" Napahampas ako sa malamig at nangangalawang na mga rehas. Ni hindi ko namalayang humahagulgol na ako't sumisigaw ng kung ano-ano.
My best friend is dead. Brutally killed by the person she loved the most. By the person who should've protected her from all things bad and horrible.
Pia's final memory was seeing her own father beat and stab her to death.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"
Dumagundong ang isang pamilyar na boses at namalayan ko na lamang na may kumakaladkad sa akin palayo at palabas mula sa silid. Hindi ako nangatwiran at nagpumiglas pa.
Dinala niya ako sa opisina niya at nakita ko kaagad ang family picture namin sa kanyang mesa. Bumalik bigla sa isip ko ang lahat ng rason kung bakit pinilit kong lumayo.
I flinched when I heard the door slam shut, but there wasn't anything new bout it.
"Tatlong taon kang nawala at magpapakita ka lang para manggulo?!" bulalas ni Papa, bakas ang galit sa ubod nang lakas na boses.
Tumitig na lamang ako sa sahig at hinayaan ang mga luha kong bumuhos. Bukod sa wala akong laban sa kanya, alam ko sa sarili kong tama lang na magalit siya sa akin. I deserve all the wrath they have for me. All the harsh words and resentment—I had them all coming for what I've done.
"Wala ka na ba talagang natitirang respeto para sa amin ng mama mo?!"
Ramdam ko ang matinding galit ni Papa. Sa sobrang galit niya, nag-aalala ako bigla sa kalusugan niya.
"Hinintay mo pang may mamatay bago bumalik! Gano'n ka rin ba sa amin ng mama mo?! Magpapakita ka lang kung isa na sa amin ang kailangang ibaon sa hukay?!"
Gusto kong mangatwiran.
Gusto kong magsabi ng totoo.
Gusto kong sabihin sa kanya na bumalik ako dahil hindi ko na kaya ang pangungulila sa kanila, ngunit sadyang masyado akong mahina para magsalita.
Narinig kong nagpakawala ng mabigat na hininga si Papa. "Pumunta ka sa bahay! Sana kahit sa nanay mo man lang, magpakita ka ng katiting na respeto!"
Lumunok ako at parang isang maamong tupa na tumango.
Marahas na binuksan ni Papa ang pinto kaya naman nagsimula akong maglakad, nakababa pa rin ang ulo at hindi makatingin sa kanya.
Nang tuluyang makalabas ng silid, tinulak niya ito pasara. Sa sobrang lakas, naramdaman ko pa ang pagtama ng hangin sa likuran ko.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin at doon ko lang napansin na nakapaligid sa akin ang ilang mga pulis, pati na si Masha—lahat sila ay nakatingin sa akin, bakas ang pag-aalala sa mga mukha.
"Nakakatakot talaga si hepe," basag ni Kuya Vito sa katahimikan, dahilan para agad siyang batukan ng isa sa mga nakatatandang kasamahan.
***
Wala kaming kibuan ni Masha habang naglalakad palabas ng police station. Pareho kaming tahimik na umiiyak at mahigpit na nakahawak sa kamay ng isa't isa.
"Sandali lang!"
Bigla na lamang humarang sa harapan namin si Kuya Vito, humahangos at naka-aklas pa ang isa sa mga butones ng kanyang asul na uniporme. Kahit tatlong taon na siya sa serbisyo, mukhang siya pa rin 'yong palabiro naming kuya-kuyahan mula pagkabata.
"Ihahatid ko na kayo pauwi tutal may dadaanan ako sa pantalan," aniya sabay turo sa lumang police car na naka-park sa labas ng napakataas na gate.
Naupo kaming dalawa ni Masha sa backseat, magkahawak pa rin ang mga kamay. Hindi pa rin makapaniwalang wala na ang isa sa amin.
"Siguradong pagod ka mula sa biyahe, Jords. Umuwi ka ba agad dahil sa nangyari kay Pia?" wika ni Kuya Vito sabay sulyap mula sa amin mula sa rearview mirror. Halatang naghahanap siya ng mapag-uusapan dahil hindi siya sanay sa katahimikan.
"Hindi. Matagal na niyang balak na umuwi," padaskol na sagot ni Masha. Pakiramdam ko tuloy sagot niya ito para kay Papa.
"Naku, napakamalas naman pala't hindi mo siya naabutang buhay." Bumuntonghininga nang malakas si Kuya Vito. "Siya nga pala, nagpaalam sa akin si Justin na pupunta sa bonfire mamayang gabi. Pupunta rin ba kayo?"
"Bonfire? Pagkatapos ng nangyari kay Pia gusto pa rin nilang mag-bonfire?!" Hindi ko napigilang bumulalas.
Rosamond Island is small enough for locals to recognize one when they see one. To have a bonfire party when one of our own was just brutally murdered would be plain disrespectful.
"Sabi ni Justin, si Ezra daw ang nagplano ng bonfire bilang pag-alala kay Pia."
I wanted to hurl. "Since when did Ezra care for anyone, and since when did call the shots? Hindi porke't Mayor ang mama niya—"
"He's the new youth leader of the island." Bumuntonghininga si Masha.
Napairap na lamang ako.
Pagdating sa pantalan, pareho kaming nagulat ni Masha nang mapagtantong ang mga bagahe ko pala ang kailangang daanan ni Kuya Vito. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, naiwan namin ang mga ito. May mga nagmagandang loob na tumawag ng pulis, baka raw kasi may maghanap na turista.
Unang hinatid Kuya Vito si Masha sa bahay nila. Gusto sana akong samahan ni Masha sa bahay, pero tumawag bigla ang mama niya at pinapauwi na siya.
Nang mag-isa na lamang ako sa backseat kasama ang mga bagahe ko, hindi ko napigilang maluha ulit habang iniisip si Pia. Napasandal na lamang ako sa kinauupuan at pumikit nang mariin.
"Jords, close ba kayo ni Clark?"
Napadilat ako dahil sa tanong ni Kuya Vito.
"Bakit?" tanong ko pabalik. Kaklase ko si Clark sa buong apat na taon ng high school namin. Hindi kami close, pero sa liit ng mundong ginagalawan namin, hindi mahalaga iyon.
"Nakita niya kasi ang nangyari kay Pia kagabi." Bumuntonghininga si Kuya Vito at sumulyap sa akin mula sa rearview mirror. "Baka sobrang bigat ng sobrang kalooban no'n at kailangan ng kausap. Uutusan ko sana si Justin na kumustahin si Clark, kaso alam mo namang medyo wala sa lugar ang bibig ng kapatid kong 'yon minsan. Baka puwede—"
"Kakausapin ko siya." Tumango ako kaagad dahil kailangan ko rin ng mga kasagutan.
Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan sa loob ng sasakyan, bumuntonghininga nang malakas si Kuya Vito. "Siya nga pala, sabihan mo pala ako kung gusto mong magpabasbas ng bahay. Medyo mahirap magpa-reserba sa tiyuhin kong albularyo ngayon dahil sa nangyari kay Pia."
"Huh?" Agad nakunot ang noo ko. "Anong pagbabasbas?"
"Hindi ba nasabi ni Masha sa 'yo?" tanong ni Kuya Vito kaya naman bahagya akong napailing.
"Walang naalala ang ama ni Pia sa nangyari. Kahit no'ng kinuyog siya ng mga kapitbahay, hindi niya rin naalala. Kanina, habang kinukuhanan namin siya ng statement, 'yong reaction niya ay parang isang taong namatayan ng anak at asawa. Tuloy, lahat ng mga tao ay isang dahilan lang naiisip," paliwanag niya.
Nagsimulang manikip ang dibdib ko. "A-Ano po?"
Muli siyang sumulyap sa akin mula sa salamin. "Sanib."
---
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro