Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter nine | bad little thea



"Thea, anong meron? Ba't ka naghuhugas ng pinggan?"

Hindi ko napigilang matawa nang makita ang gulat sa inaantok pang mukha ng mga magulang ko. Pinatay ko ang gripo at mabilis na nagpahid ng mga kamay sa baywang ko.

"Mommy, Daddy, I made breakfast. Upo na po kayo." I flashed my sweetest smile and guided them to their chairs. "Grabe po, 5AM po talaga ako gumising para lang mag-cook ng breakfast. Nasugatan pa ako kanina dahil sa knife."

Nang maupo, parehong nagkatinginan sina Mommy at Daddy bago lumingon sa akin. Ni hindi man lang nila ako hinintay na maupo sa silya ko.

"Hindi ako papayag," Dad said firmly, breaking my heart within seconds.

"Anak, huwag mo nang ipilit please," Mommy pleaded before I could even.

Anger was beginning to build up inside my chest but I tried to smile sweetly at them. Kahit alam kong parang isang tigre si papa pagdating sa rules, ayokong sukuan agad ang pangarap ko. "Kayo naman po, hindi ko pa nga sinasabi."

"Anak, ilang araw mo nang bukambibig ang sleepover sa bahay nina Missy," Mom reminded me, blowing up my cover entirely.

"What if sa ibang bahay ng friend ko ang sleepover?" I grinned, still trying my luck.

Dad sighed, looking annoyed as he faced the table. "Kumain ka na at baka mapaglitan lang kita."

"Daddy!" I jokingly cried out loud and started holding on to the back of his chair, almost bending my knees. Kung hindi lang siguro malaki ang katawan ni Daddy, pareho na kaming natumba sa sahig kasama ng upuan. Naiiyak man sa inis, pilit pa rin akong tumatawa. Baka kasi mas may pag-asang pagbigyan ako kung mas pagpapasensiyahan ko sila.

"Thea naman, may super typhoon tapos gusto mong mag-sleepover sa ibang bahay? You're safer here! Ibang tao nga nag-e-evacuate pa para lang maging ligtas. You should be grateful that you have a house where you will be safe and happy!" Mommy started her scolding me as she grabbed rice from the bowl—rice na pinaghirapan kong lutuin! What the hell na lang talaga.

I started stomping angrily. "Bakit sa akin puro bawal pero kapag si Kuya—"

Mom sighed. "Anak, you're only 14. Ang Kuya mo naman—"

"Yes, he's older but I'm way more mature than him! Are you blind?!" The words just flew out of my mouth.

Both of them stilled, signaling that I've already crossed the invisible and very unfair line they set for me. I guess wala na ring saysay ang good girl act ko.

"Thea, just sit down and eat." Dad said coldly, which translates to 'Malapit na akong mapuno sa 'yo, tumahimik na.'

Well, ako rin naman, punong-puno na. 

"Napaka-unfair n'yo! Kahit na anong gawin ko, bata pa rin talaga ang tingin ninyo sa akin! Kahit na anong gawin ko, hindi pa rin enough para sa inyo! You think you're keeping me safe?! No! All you're doing is ruining my life!" With how fast and loud I screamed, my words and pronunciation were all over the place. 

Alam kong pagagalitan ako nang todo nina Mommy at Daddy kaya hindi ko na hinintay ang reaction nila. I ran straight up the stairs and into my room, slamming the door shut. 

"I hate you!" I screamed, burying my face on my pillow to scream even louder.

***

With my bedroom door locked, and laptop playing anime in maximum volume, I snuck out through my window even if I had to cross and climb down from a tree. Sanay na akong tumakas kaya hindi na ako nahirapan ko kinabahan pa. Medyo ilang metro ang layo ng mga kapitbahay mula sa amin kaya hindi rin ako takot na may magsusumbong.

Umaambon na pagdating ko sa grocery store. Natatawa ako sa isip ko kasi parang nakikisama ang panahon sa sama ng loob ko.

"Thea, dito!"

Napalingon ako at agad akong napangiti nang makita ang mga kaibigan kong sina Missy at Nash na nakatambay sa likod ng isang nakaparadang pedicab.

I slid my hands inside my jacket's pockets and ran to them, bad vibes gone in an instant.

"Tara? Bili na tayo ng snacks para sa party later?" pagyayaya ko.

"Too late ka na, girl." Natatawang tinuro ni Missy ang isang grocery bag sa paanan nila.

"You shopped without me?" I was bummed out that they didn't wait for me. Balak ko pa naman na kumuha ng maraming pics while shopping with them. 

"Don't worry, may kulang pa sa shopping list." Nash grinned, his lips were just as red as his scarf.

"Talaga? Then let's go shopping inside!" pagyayaya ko kaagad, nabuhayan ng loob.

"You think you can buy beer without getting in trouble?" tanong ni Missy sabay pabirong taas ng kilay. Muli na naman akong nanlumo. 

"I got grounded last month for trying to buy beer. Never again." Bumuntonghininga na lamang ako at yumakap sa braso ni Nash. "Nashy boy, do we really need to buy beer?"

"We have to buy beer," si Missy ang sumagot. "Avril and her friends are seniors, literally lahat ng tao doon sa party ay seniors. Sobrang big deal na kahit sophomores tayo ay na-invite pa rin tayo roon."

"Yeah, Thei. If we want to continue to be on their good side, we needsss to impress them," Nash said, pouting a little.

Tumango na lamang ako. It would be so cool to be friends with Avril and get invited to all of her parties. To top it all off, sobrang dami pang cuties doon. This is basically the only good thing in this super boring island.

"Wait, how about ang Kuya mo? Can we ask him to buy beer for us?" tanong bigla ni Missy kaya naman mabilis akong umiling.

"No way! Na-uh! He can't know I'm going to a party tonight!" giit ko kaagad. "Ilalaglag ako no'n para lang magpa-good shot sa parents namin."

"Oh please, I saw your Kuya's friend earlier! Sobrang daming beer and snacks sa cart niya. I bet may party din sila tonight," giit naman ni Nash.

I love my friends, but hindi ko talaga kayang gawin ang suggestion nila. Oo nga't maraming mga kalokohan si Kuya, pero pagdating sa akin, nagiging strikto rin 'yon. Akala mo minsan kung sinong matino.

Sa isang iglap, bigla kong nakita si Ate Masha na papalabas ng grocery shop dala ang napakaraming pinamili. Nagkaroon bigla ako ng ideya.

"Wait, I'll ask Ate Masha. She's cool," giit ko sabay turo sa kanya.

"Her pants are certainly not." Ngumiwi kaagad si Nash sabay pasimpleng turo sa suot ni Ate Masha. "Besh, super idol ko ang pananamit niya. Anong nangyari sa kanya today? Love her top though!"

"What?" Natawa naman si Missy. "Her clothes are fine. She's a trendsetter, so let her experiment. I really want to be like her when I grow older!"

"Wait, lapitan ko siya," I interrupted my best friends and mentally prepared my script. However, before I could even run up to Ate Masha, bigla na lamang lumabas si Kuya Chad mula sa shop at lumapit sa kanya.

"Nope. No way." Nagtaas ako agad ng kamay at bumalik sa pinagtataguan ng mga kaibigan ko. "I can trust ate Masha, but not Kuya Chad. Isusumbong ako niyan kay Kuya."

"Wait, may something ba sa kanila?" Lumitaw kaagad ang ngisi sa mukha ni Missy at todo silip sa dalawa. "Sayang, hindi ko marinig ang usapan nila!"

Humalakhak naman bigla si Nash. "Oh please. He's definitely not her type. Trust me, malakas ang gaydar ko sa kanya."

Kunot-noo kaming nagkatinginan ni Missy. Magtatanong na sana ako pero bigla kong nakita ang solusyon sa problema namin.

"Alam ko na!" Pakiramdam ko'y may bumbilya na umilaw sa isip ko.

"Ano?" sabay nilang tanong, excited bigla.

Ngumisi ako at tinuro ang dambuhalang si Senggo na naglalakad sa sidewalk. Gaya ng nakagawian, umagang-umaga pa lang ay may hawak na siyang bote ng alak at pasuray-suray na sa paglalakad. Todo jacket na kaming lahat dahil sa lamig ng panahon, pero siya'y nakasuot lang ng sobrang nipis na t-shirt at cargo shorts. Higit sa lahat, nakasimangot na naman siya't parang may sinusumpang mga demonyo sa hangin.

"Don't tell me gusto mong siya ang utusan natin?" Missy asked, fear and disgust fighting over her face.

"Girl, no! Hindi pa nagsasalita, halatang homophobic na! Besides, he screams criminal vibes!" sabi naman agad ni Nash sabay ma-dramang hawak sa dibdib niya.

Bumuntonghininga na lamang ako. "You're right. He's scary. Huwag na lang."


My friends and I continued to hide behind the parked vehicle, planning how to buy alcohol without getting into trouble. We had no idea that by nightfall, we would eventually find ourselves hiding behind the same parked vehicle, soaking wet and shivering in fear, planning how to stay alive.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro