chapter fourteen | this is how you stay alive
"Dahan-dahan!"
"Ha?!"
"Isang hakbang lang! 'Wag n'yong masyadong bibilisan, baka magpagulong-gulong tayo pababa!"
Halos hindi kami magkarinigan habang tulong-tulong na ibinababa ang duguang si Bruce mula sa mahabang hagdan. Bukod sa napakalakas ng ulan sa labas, napakalakas din ng palahaw ni Bruce. Jackie kept sobbing out loud too, distraught over his twin's suffering.
Nang tuluyang makababa, kinarga na ni Bogart si Bruce sa kanyang likuran habang si Jackie ay patuloy lang sa pag-alalay.
"Mauna na kayo! Dalhin n'yo na si Bruce sa ospital! Hahanapin ko muna si Kuya Vito!" bulalas ko at hindi na naghintay pa ng kanilang tugon. Dala ang flashlight, nagtatakbo ako ulit paakyat ng hagdan.
Pagkarating sa pangalawang palapag, nakita ko ang espada ni Bruce na hindi ko namalayang nabitiwan ko pala. Nang pinulot ko ito, saka ko lang napansin ang mga bakas ng putik sa sahig, paakyat sa pangatlong palapag. The footprints were still fresh, so I was sure that it was Kuya Vito's.
I followed the footprints, and as soon as I reached the top of the stairs, I noticed the same foul smell in the air. This time, it was stronger. The entire floor was even darker, and the sound of rain was more deafening.
I took a deep breath and continued walking, still trying to follow the footsteps on the floor. Even if I began to see bloodstains on the floor, I continued walking, trying to focus my mind on the goal—find Kuya Vito and get the hell out of the orphanage.
"Shit!" I jumped and raised the sword like a madman when I noticed something walk past by, but I paused when I suddenly found my reflection right in front of me.
It was only a mirror. I got scared by my own f*cking reflection.
I sighed, but before I could put down the sword, I caught a glimpse of myself.
Dressed in an oversized orange shirt, I was soaking wet from the rain and there were bloodstains all over my face and arms. My hair was a total mess and my shoes turned red from all the blood that got on it. And my hands... the left held the flashlight, while the right held Bruce's sword. My hands were trembling but I was holding on to them like my life depended on it.
Sa sobrang dilim ng malawak na hallway, mukha akong nakatayo sa gitna ng dilim.
Habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon, bigla na lamang lumitaw ang isang duguang mukha sa mismong tabi ko.
Sa sobrang gulat, napatili ako at wala sa sariling napaharap sa katabi ko.
Lalo akong napatili nang makita nang malapitan ang mukha ng isang matandang madre. Nakadilat ang kanyang mga matang walang kabuhay-buhay at nakabuka ang kanyang bibig na tila ba gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas mula sa kanyang bibig.
"Putangina!" I screamed at the top of my lungs, but for a split second, my mind also screamed at me. Nagmura ka ng malakas sa harapan ng madre?!
Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang pinto sa likuran ng madre at nakita ko si Kuya Vito na sumilip, karga-karga ang isang sanggol.
"Jordan, takbo!!!"
Nanlamig ang buo kong katawan nang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Kuya Vito sa buong hallway.
And just like that, I ran. Ran like I never did before. I ran so fast that my feet felt numb as they hit the ground. The next thing I know, I was heading for the stairs. Ni hindi ko napansin na tumatakbo na pala ako sa pinanggalingan ko.
I could hear the nun's footsteps right behind me so I continued to run without ever looking back. Nang malapit na sa hagdan, nagulat ako nang makita si Bogart na tumatakbo paakyat.
"Baba! Baba! Baba!" Todo tili ako sabay wasiwas ng mga kamay.
Nanlaki ang mga mata ni Bogart at umawang ang kanyang bibig sa gulat. Sa kabila nito, mabilis siyang umikot at nagtatakbo na pababa ng hagdan. Kung wala lang sigurong humahabol sa aking madre, siguro pinagtawanan ko na nang todo ang reaksiyon ni Bogart.
Nang nagsimula na akong bumaba ng hagdan, todo dasal ako sa isip ko na sana huwag akong madulas o matapilok. Sigaw ako nang sigaw sa isip ko hanggang sa malapit na ako kay Bogart na parang hirap na hirap sa bawat hakbang. Sa sobrang bagal niya, literal na akong nasa likuran niya.
"Biliiis!" Isang napakatalas na boses ang lumabas mula sa bibig ko. Ni hindi ko halos nakilala ang sarili ko.
Kasabay ng pagsigaw ko, bigla na lamang dumulas pababa ang paa ni Bogart at tuluyan siyang dumausdos pababa ng hagdan, una ang puwet sa bawat baitang.
"Bogart!" I was horrified as I watched bogart slide down the flight of stairs, his body jumping up and down as his butt landed into each stair.
As bogart reached the second floor landing, he started rolling around with his hands over his ass.
"Ang puwet ko! Putanginaaa!" Dumagundong ang boses ni Bogart sa buong orphanage.
Sa takot na baka makuha namin ang atensiyon ng iba pang mga katulad ng madreng humahabol sa amin, halos liparin ko na ang natitirang baitang.
"Bogart, mamaya na ang puwet mo! Takbo!" Tinangka kong hilahin si Bogart patayo, pero masyado siyang mabigat. Ni hindi pa siya tapos sa paggulong-gulong sa sahig dahil sa sakit ng kanyang puwetan.
Nag-angat ako ng tingin at halos takasan ako ng kaluluwa nang makita ang madre na parang lumilipad na sa sobrang bilis ng pagtakbo pababa ng hagdan. Ni hindi namin makita ang kanyang paa dahil sa haba ng kanyang uniporme. At ang mga mata nito . . . mga matang dilat na dilat at tila ba walang kabuhay-buhay.
I screamed at the top of my lungs. Bogart looked up and started screaming too.
Sa sobrang takot, kumaripas ako ng takbo. Agad din akong bumalik sa dinadaanan nang mapansing gumagapang pa si Bogart at hindi halos makatayo.
"Bilis!" Tumili ulit ako at hinila ang kanyang kuwelyo hanggang sa tuluyan siyang makatayo.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Marahil sa sobrang takot at taranta na rin, dumiretso ako sa pinakamalapit na pinto habang hila-hila ang iika-ikang si Bogart.
We slammed the door close, just in time to stop the nun from getting in. But before one of us could step away from the door—or even breathe a sigh of relief— the nun started pounding on the door with so much strength, it felt like the door would burst right open.
"Tangina!" Umalingawngaw ang sandamakmak naming mura ni Bogart at pareho naming hinarang ang mga katawan namin sa pinto.
"Lock! Lock! Lock!" sigaw ni Bogart, nanlalaki ang mga mata. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong umiikot na ang doorknob.
I quickly pressed the doorknob to lock and reached up for the little latch lock to slide it shut.
Para nang tinatambol ang likod ko dahil sa napakalakas na pagkalampag ng madre sa pinto. Nilibot ko ang paningin at napansing nasa isa pala kaming utility room. The only things I could see were cleaning supplies, laundry machines, and a rainbow-colored folding bed.
"Laundry machine!" sigaw ko at agad na nagtatakbo patungo rito.
Bogart was quick to understand. Although no words were exchanged, we lifted up the machine and dropped it right in front of the door. He continued grabbing things to barricade the door with, so I ran to the window to find our way out.
"Shit!" Napamura ako nang malakas nang makita ang taas ng babagsakan namin. Bukod dito ay nakita ko rin ang duguang katawan ng unang madre na nakita namin, nakahandusay sa damuhan at tila ba wala nang buhay.
Natigilan ako nang mapagtantong nag-iisa lang ang madre. "Shit. Nawawala ang bata."
"Ha?!" bulalas ni Bogart kaya agad akong napalingon.
Umiling-iling ako. That murderous child is a problem, pero mas problema namin nang mga sandaling iyon ang wala sa sariling madre.
"Hindi tayo puwedeng tumalon! Walang malapit na emergency ladder at sa damuhan ang bagsak natin gaya ng madre kanina!" sabi ko na lamang.
"Tangina!" bulalas ni Bogart at bigla akong dinuro. "Bakit mo kasi ako hinila patungo rito?! Dapat dumiretso na tayo sa ground floor!"
"I panicked, okay?!" Nanlisik ang mga mata ko sa sobrang galit. "And you kept crying about your ass! If I didn't grab you, that unhinged nun probably killed your ass already!"
Umalingawngaw ang mas malakas na kalampag sa pinto. Tila ba mas lalong nanggigil ang madre nang marinig ang mga boses namin.
"Shhh!" Pareho kaming nagkatinginan ulit ni Bogart.
Napaikot ako paharap sa bintana sabay sabunot ng sariling buhok. Huminga ako nang malalim at pumikit nang mariin, pilit na nag-iisip ng puwede naming gawin.
"Manatili ka lang sa likod ko. Kapag sinabi kong takbo, takbo."
Napalingon ako. Nakita kong pinulot ni Bogart ang espada ni Bruce na nabitiwan ko. I was a little relieved, knowing that I wouldn't be able to use the sword against anyone anyway. Lalo na sa isang madre.
"No. I have a better idea," wika ko at tinuro ang may kalumaang folding bed.
***
Within minutes, the nun was able to destroy the door, enough to have a hole fit for her to come in. She was even able to push the laundry machine away with her own strength. If the situation wasn't dangerous, I would've been so amazed and proud of her female power.
As the nun entered, Bogart and I stayed as silent as we could while standing in the corner of the room, hiding behind the folding bed that we propped up vertically. Ako ang nakahawak sa folding bed bilang suporta, habang si Bogart naman ang nakatayo sa likod ko. I made him hold on to our flashlights and Bruce's sword.
Our flashlights were turned off and darkness was starting to eat up the raining skies. The room almost was dark as hell, so I felt confident that we would blend in. Ang importante, walang gagawa ng ingay sa aming dalawa ni Bogart.
"Ah-Choo!"
Halos takasan ako ng kaluluwa nang bigla na lamang bumahing si Bogart mula sa likuran ko. His sneeze was so thin and soft, halatang pilit niyang pinigilan pero lumabas pa rin.
Parang gusto ko biglang magwala at makipagsanib puwersa na lang sa madre.
"Hindi niya siguro narinig?" Bulong ni Bogart sa akin, halata ang kaba sa nanginginig na boses.
Dahan-dahan akong sumilip sa gilid ng folding bed at gano'n din si Bogart.
Sa isang iglap, umalingawngaw ang sigawan namin ni Bogart nang makitang papasugod na sa amin ang madre—nakataas ang dalawang kamay at nakaawang ang bibig na tila ba hayop na gustong mangagat.
Dali-dali akong umatras, hindi na baleng matulak si Bogart. We were at the corner of the room, so the folding bed was able to cover our bodies completely.
Walang humpay ang sigawan namin ni Bogart habang pilit na itinataas ang folding bed bilang panangga sa bawat atake ng madre. Gawa sa nylon ang katawan ng folding bed kaya bahagya pa ring tumatama sa mukha ko ang bawat hampas at kalmot nito.
"Saksakin mo siya ng espada! Saksakin mo!" sigaw ako nang sigaw.
"Itulak lang natin siya tapos takbo na!" sigaw naman ni Bogart.
"Huh? Anong—" bago ko pa man matapos ang sinasabi, bigla na lamang akong tinulak ni Bogart nang pagkalakas-lakas.
Shocked and completely unprepared, I flew across the room and fell to the ground, my face slamming down to the back of the folding bed that I was still holding on to.
"Takbo!" sigaw ni Bogart.
Mabilis akong napalingon at nakitang kaharap na ni Bogart ang madre. Itinaas ni Bogart ang hawak na espada. Hindi ko kayang panoorin ang mangyayari sa madre kaya iiwas na sana ako ng tingin, pero nagulat ako dahil imbes na saksakin ang madre, hinampas lamang ni Bogart ang ulo nito.
Biglang umalingawngaw ang isang matinis na kalansing. Napatulala ako nang makitang gumulong pababa ang katawan ng espada.
Napalingon sa akin si Bogart na halatang gulat na gulat din dahil handle na lang ng espada ang natira sa kanyang kamay.
Punyetang espada ... Punyetang Bogart . . . Punyetang buhay.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, walang nagawa si Bogart nang sugurin siya ng madre. The nun pinned him to the wall and started strangling him with her two hands.
"Takbo!" Impit na sigaw ni Bogart habang nagpupumiglas.
With the nun's full attention at Bogart, I knew that it was my chance to run away and save myself. However, I could no longer bring myself to do so. Nangako ako kay Papa . . .
I grabbed the first thing I could find—the blade of the sword. Tumakbo ako patungo sa madre at nagbaba ng tingin sa patalim na hawak ko.
Namamayani man ang dilim sa silid, malinaw pa rin sa akin ang epekto ng gagawin ko. In the end, I knew in my heart that I couldn't stab the nun, so I threw away the blade and just started punching and kicking her back. In my mind, I was praying nonstop to God for forgiveness. Madre 'yong sinasaktan ko, Diyos ko!
Biglang binitiwan ng madre si Bogart.
"Oh shit!" Wala sa sarili akong napasigaw at agad na kumaripas ng takbo, pero bago pa man ako makalayo, tinalunan ako ng madre at pareho kaming bumagsak sa sahig. Sinakal niya ako mula sa batok kaya halos ngumudngod ang mukha ko sa sahig.
"Sister! Sister, tama na! Please, tama na!" I begged as I struggled to breathe and set myself free.
Nakita ko ang matalim na katawan ng espada malapit sa akin. Bago ko pa man ito mapulot, inunahan ako ni Bogart.
"Bitiwan mo siya!" sigaw ni Bogart at iika-ikang tinutok ang matalim na dulo sa madre, ngunit tila ba wala itong naririnig, patuloy lang ito sa pananakal sa sakin mula sa batok—o kung pananakal pa ba ang tawag dito.
Sa isang iglap, bigla na lamang umalingawngaw ang isang napakalakas na putok. Nagsigawan kami ni Bogart, at mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang dumapa.
I know a gunshot when I hear one, so I kept my head down.
Lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ng madre at mas idinidiin na niya ang mukha ko sa sahig. Hindi na ako makahinga.
Another shot rung out and all of a sudden, I felt less pressure over my head. I lifted my head up and started gasping for air. As I tried to breath normally, the nun's body fell to the ground, unmoving. Blood began to seep down her head.
Napalingon ako sa direksiyon ng pinto at halos lumupaypay ang katawan ko nang makita si Kuya Vito na hawak pa ang kanyang flashlight at umuusok na baril.
Napatingin ako sa duguang madre na nasa tabi ko at napadasal na lamang ako sa isip ko.
The nuns of this orphanage have the kindest hearts. Whatever she did, I know it wasn't her. Whoever she hurt, I hope they know it too.
"Sorry. . . Sister, sorry . . . " I could only whisper as I stared her wide-open eyes.
***
Parang namanhid ang isip at buo kong katawan habang bumaba kami sa hagdan. Pare-pareho kaming walang kibuan nina Bogart at Kuya Vito. I knew what happened was hard them too—especially Kuya Vito.
Biglang huminto si Kuya Vito sa paglalakad kaya nahinto rin kami ni Bogart.
"May iba pa ba kayong nakitang buhay?" tanong ni Kuya.
Umiling naman si Bogart. "Wala na . . . "
"May kakaibang nangyayari sa islang 'to. Kung gusto n'yo pang mabuhay, kailangan n'yong lumaban," walang emosyong sabi ni Kuya Vito, malayong-malayo sa palabiro at palangiting kuya-kuyahan ko.
Bago pa man makapagsalita ang isa sa amin, nagpatuloy si Kuya Vito sa paglalakad.
Pagdating sa dulo ng hagdan, nagulat kami ni Bogart nang makita ang isang batang babaeng umiiyak habang may kargang sanggol.
Kuya Vito's demeanor suddenly changed. He ran to the kid and started speaking with a gentle voice and a kind smile. "Pasensiya na, Fatima, natagalan si Kuya. Nagulat ba kayo sa tunog?"
"Kuya, galit pa ba si Sister? Nasaan siya? Gusto niya pa ba kaming saktan?" Umiiyak na tanong ng batang babae.
"Fatima, hindi niya kayo gustong saktan. Mahal kayo ni Sister. Hindi siya 'yon," sagot naman ni Kuya Vito at marahang niyakap ang bata.
***
Pagkatapos ibaba si Bogart sa ospital para puntahan ang kanyang mga kaibigang nauna na rito, nagulat ako nang dumiretso kami sa pier.
Hininto ni Kuya ang sasakyan sa harapan ng entrance ng pier at binilinan si Fatima na manatili lamang sa patrol car at bantayan ang sanggol.
Nang makababa na kami, mabilis na naglakad si Kuya patungo sa ticketing building, walang pakialam sa napakalakas na hangin at ulan. Dali-dali ko siyang hinabol at hinila sa braso.
"Kuya, anong nangyayari? Saan ba tayo pupunta?" pasigaw kong tanong dahil hindi na kami halos magkarinigan dahil sa lakas ng ulan na sinasamahan na ng kulog.
"Maghahanap ako ng paraan para makaalis kayo ng mga bata sa islang 'to," sagot niya naman, bakas ang desperasyon sa mukha.
"In this weather?! Gusto mo ba kaming mamatay sa gitna ng dagat?!" sa sobrang gulat, hindi ko na na-control ang lumabas sa sarili kong bibig.
"Si Sister Anna ang pinakamabuting taong kilala ko, Jordan! Kung pati siya ay nahawa na rin sa kung anong nangyayari sa islang 'to, walang makakapagsabi kung sino sa atin ang susunod!" Kuya Vito burst into tears, letting out the guilt he bottled up from the moment he pulled the trigger.
Napakayakap na lamang ako sa kanya nang mahigpit. It killed me to see him cry like that, knowing it was my fault too. If only I was brave enough to save my own life.
Hinayaan ko lang si Kuya Vito na maglabas ng kanyang emosyon, dahil alam kong pagkatapos nito, pipiliin niya ulit na itago ang lahat para sa kapakanan namin.
Ilang sandali pa, humawak si Kuya Vito sa magkabila kong balikat. He slowly pushed me just so he could look at me in the eyes.
"Jordan, makinig ka sa akin . . . nagiging bayolente sila at malakas. Lahat ng alaala, pagmamahal, at kabutihang nasa puso nila ay nawawala. Kahit na anong pakiusap, hindi nila naririnig at nakikita. Hindi sila humihinto hanggang sa hindi sila tinatamaan sa ulo . . . "
Napailing-iling ako dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang punto ni Kuya Vito.
"Kung hihintayin mo pa silang bumalik sa dating sarili nila, magiging huli na ang lahat, hindi lang para sa 'yo, kundi para rin sa kanila!" sigaw niya sa akin, kasabay ng pagragasa ng kanyang mga luha.
"Ayoko . . . Hindi ko kaya . . . " Parang pinagpipira-piraso ang puso ko reyalidad ng kasalukuyan.
"Jordan, kailangan mong kumitil ng buhay para masalba ang sa iyo at sa mga nakapaligid sa 'yo, naiintindihan mo ba?!" Kuya Vito said firmly as tears and raindrops continued to fall down his face. "Naging impyerno na ang islang 'to! Para sa Papa mo, kailangan mong mabuhay!"
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro