chapter five | look out
"Hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag na huwag ka nang makikipaglaro sa batang 'yon?! Napakatigas ng ulo mo! Bakit hindi ka gumaya sa kuya mo?!"
Kasabay ng bawat malakas na palo ni Mama ang pagpalahaw ko. Para nang mababali ang maliit kong braso sa higpit ng pagkakahawak niya, at tila ba nagbabaga na sa hapdi ang likod ng mga binti ko dahil sa lakas ng pagtama ng kanyang nakatiklop na pamaypay rito.
Huminto lamang si Mama sa pagpalo sa akin nang tuluyang mabali ang pamaypay. Gaya ng lagi niyang ginagawa pagkatapos akong pagalitan nang pangmalakasan, iniwan niya akong mag-isa sa kuwarto ko at ini-lock pa ang pinto mula sa labas.
Buong araw, wala akong ibang ginawa kundi magmukmok sa kuwarto at magplano kung paano maglalayas, ngunit iniisip ko pa lang kung paano itatakas ang TV at VCD player, napapagod na ako.
Sa isang iglap, bigla akong nakarinig ng katok sa bintana. Napangiti agad ako at kahit iika-ika ay masaya akong nagtatakbo patungo rito. Paghawi ko pa lang sa bintana, nakita ko na kaagad ang isang munting kamay na nakalusot sa pagitan ng grills at jalousie—isang kamay na may hawak na lollipop. Grape flavor, paborito ko.
Nasa pangalawang palapag ng bahay ang kuwarto ko at upang maabot ang bintana ko, umakyat pa talaga siya sa puno ng mangga na nasa katapat ko lang.
"Ninakaw ko 'to kay Smoeki. Secret lang natin." PJ giggled from the other side of the window.
"Yay!" My mood lit up like fireworks. Tuwang-tuwa kong tinanggap ang lollipop na para bang walang nangyari. Nagdurusa man ako dahil sa sakit at hapdi, walang-wala ito sa saya ko dahil mayroon akong PJ sa buhay ko.
PJ was more than just a brother to me. He was my first friend—the best friend a little girl could ever have. We did everything together and were always there for each other. At school, we always had each other's backs. Even if we had to go up against big kids like Bogart or terror teachers like Mrs. Dando, we didn't falter. Even if one of us was in the wrong, we stuck through each other like the stubbornly loyal kids that we were. And even if we both couldn't dare to raise our heads up to our parents, we made sure to protect each other in every way that we could.
"Sama ng loob lang ang dala mo sa amin. Ako na ang bahala kay Mama at Papa, umalis ka na."
"Wala akong pakialam. Matagal ka nang patay para sa akin."
Alam kong masama ang loob sa akin ni PJ at hindi ko siya masisisi, pero sa mga panahong nalilito ako at natatakot, alam kong siya pa rin ang tanging matatakbuhan ko.
"Peej . . . please pick up . . . " My heart felt like it was going to burst as I listened to the ringing from the other line, waiting for him to answer my call.
My entire body ached, but not as much as my head as I try to make sense of what's going on.
Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa likurang parte man ako ng police station at nakatayo sa ilalim ng isang maliit na poste ng ilaw, natatakot pa rin akong baka biglang sumulpot si Madam Laura upang tuluyan ako.
Huminga ako nang malalim at sinapo ang pawisang noo. Saka ko lang napansing nanginginig pa rin pala ang kamay ko.
Tila ba sandaling naputol ang paghinga ko nang huminto ang pag-ring sa kabilang linya, hudyat na sinagot na ni PJ ang tawag ko.
"P-Peej, alam kong galit ka sa 'kin, pero pwede bang pakinggan mo muna ako?" My heart was in my throat as I pleaded. I had to look up at the starry night sky just to stop myself from tearing up.
When silence followed, I couldn't help but smile and sigh in relief. PJ was listening to me. He was ready to hear me out.
I bit my lips and tried to be careful with my words. "A-Alam kong mahirap paniwalaan, pero kanina, pinagtangkaan akong patayin ni Madam Laura. Walang naniniwala sa akin, kahit si Kuya Vito."
Nang wala akong marinig na tugon mula sa kanya, biglang bumalik ang kaba ko. "I'm not lying, Peej. She really tried to kill me—I don't know how or why. N-Nandito ako sa police station. Help me make sense of this, please? S-Something's wrong. I can feel it. Something's fucking wrong in this island and-"
"Gusto ko 'yan! Parang exciting! Game ako!"
"Game din ako, pero hindi ba tayo matotodas o malolongku diyan?"
"Fash, sa mukhang 'yan, sa tingin mo ba hindi ka malolongku?"
"Tangina mo, Mok! Maraming nagkakandarapa sa 'kin!"
"Nagkakandarapang tumakbo palayo—Gago! 'Wag mo akong sipain! Nagmamaneho ako, gago! Gusto mong mabangga tayo?!"
Napasinghap ako at napangiwi sa gulat nang marinig ang boses nina Fash at Smoeki mula sa kabilang linya. Gaya ng dati, naghahagikgikan na naman sila at nag-aasaran.
"What the hell?! Bakit nasa inyo ang cell phone ni PJ?! Lasing ba kayo?! You guys better not be drinking and driving!" Naiinis man, pilit kong hininaan ang boses ko. Nilibot ko pang muli ang paningin sa paligid. "I swear, the two of you better not-"
"Nukabanaman, Jordeh! Mukha lang kaming kriminal pero hindi kami kriminal!"
"Ikaw lang uy! Pogi ako at masarap!"
"Weh? Sinong nagsabi? Si Madam Laura?"
"Nanay mo! Ang totoo niyan, ako rin ang totoo mong ama! Bless Papa!"
My lips cracked to a smile and I couldn't help but snort out a little laugh. Iba talaga ang epekto ng mga kalokohan nila sa akin. "You still haven't answered my question. Bakit nasa inyo ang cell phone ni PJ?"
"Naiwan niya ang cell phone niya sa amin. Ewan ko roon sa kapatid mo, kung saan-saan nagsusuot," si Smoeki ang sumagot. "May ipapabili ka?"
***
The more I thought about it, the more it made sense. Fash and Smoeki answering my call felt like a sign from the universe that I shouldn't involve PJ into whatever was going on. He had been through hell already and I couldn't have him relive the worst part of his life.
As soon as Fash and Smoeki picked me up in their motorcycle, we headed to the nearest convenience store. They were nice enough to buy food and icepacks for me kaya wala akong ginawa kundi maghintay sa labas at maupo sa mesa. As soon as they got back, the quickly helped me with my injuries.
The table had two-seater benches facing each other. Fash sat right next to me, while Smoeki sat across us from the table. It felt nostalgic to be around them, pero hindi talaga kumpleto sa pakiramdam na dalawa lang sila. Iba talaga kapag silang tatlo nina PJ ang magkakasama.
"Jordi, seryoso ka ba talagang si Madam Laura ang gumawa sa 'yo nito?" tanong ni Fash habang hawak-hawak pa ang icepack sa ibabaw ng ulo ko.
"Mahirap bang paniwalaan?" Nakangiwi kong sagot dahil sa hapdi.
Mabilis na umiling si Smoeki habang hinahaluan ng patis at kalamansi ang arozcaldo na binili para sa akin. Gaya ni Fash, bakas din ang takot sa kanyang mukha. Actually, the fear in his face was greater. "Mahirap paniwalaang ganito lang ang inabot mo! Tangshit, Jords! Tatlong ngipin ko 'yong natanggal dahil sa kanya noon! Muntik pa akong ma-admit sa ospital!"
I froze in my seat. It took everything in me not to burst into laughter when I remembered that there was an accident the last time Madam Laura participated in a bodybuilding contest.
"Pucha!"
Kung ako nakapagpigil, si Fash hindi.
"Ikaw ba 'yong bata sa audience na nadaganan ni Madam Laura nang gumuho ang stage na kinatatayuan niya?!" Sa pag-alingawngaw ng tawa ni Fash, wala na, bumulusok na rin ang tawa palabas sa bibig ko.
Sa lakas nang tawanan namin ni Fash, nahahampas na niya sa akin ang icepack. Bilang ganti, hinahampas-hampas ko rin siya. Sa gitna ng tawanan namin, panay ang protesta ni Smoeki na pulang-pula na sa inis.
"Putangina! Ang ingay ninyo!"
Pare-pareho kaming natahimik nang dumagundong ang isang napakalakas at napakalalim na sigaw. Sa sobrang lakas at lalim, daig pa nito ang isang demonyong nanggaling sa kailaliman ng lupa.
Isang tao lang sa Rosamond Island ang may ganitong klaseng boses!
Sa sobrang gulat, napasiksik kami ni Fash sa isa't isa at halos magyakapan. Kahit si Smoeki ay agad na napatalon patungo sa amin at halos kumandong pa kay Fash.
"S-Sorry, Senggo!" kanya-kanya agad kami ng hingi ng tawad. Ako naman ay pasimpleng nagbaon ng mukha sa tiger-print jacket ni Fash at hinila ang malaking katawan ni Smoeki para mas lalo akong matakpan. Lagot ako kapag namukhaan ako ni Senggo!
"Mga patapong leche! Pagpupunitin ko yang mga bibig ninyo!" Pasuray-suray na sambit ni Senggo habang bitbit ang isang bote ng Emperador. Parang nagcha-chacha na ang kanyang paa dahil sa sobrang kasalingan, pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad sa gilid ng sidewalk suot ang kanyang punit-punit na oversized t-shirt at short.
Si Senggo. Nang magkasakit si Madam Laura, siya ang pumalit sa trono nito. From being a town drunk na laging suki sa police station, he upgraded into the person that every citizen feared the most. He earned the throne after he knocked my father out with one single punch. Ni hindi siya tinablan ng taser na dala ko noon!
Senggo is naturally strong given his tall and heavy built, but when he gets drunk, he gets really freaking strong kaya wala nang nagtatangkang pumigil sa kanya. I can't count how many times he's been detained at the station, pero paulit-ulit lang siyang nakakalaya.
Nang tuluyang makaalis si Senggo, doon lang kami pare-parehong nakahinga nang maluwag. Doon na lang din ako nakaramdam ulit ng sakit sa katawan. Pero kahit nakaalis na si Senggo, nagsiksikan pa rin kaming tatlo sa iisang bench.
***
"So, let me get this straight, iniisip mong konektado ang pag-atake sa inyo ni Madam Laura at ang pagpatay kanila Pia?" tanong ni Fash hawak pa rin ang icepack na ngayo'y dinadampi na niya sa braso ko.
"Pero paano 'yon? A-Alam kong may sa demonyo si Madam Laura pero 'di ba bedridden na siya? Hindi ako matalino sa science, pero sa pagkakaalam ko, walang gamot ang Parkinsons' 'di ba?" tanong naman ni Smoeki.
"Oo wala, ang meron lang ay treatment para ma-alleviate ang symptoms. Ang problema, medyo malala na kasi ang kaso ni Madam Laura," paliwanag ni Fash kaya naman pareho kaming natigilan ni Smoeki at sandaling nagkatinginan bago parehong napatingin sa kaibigan naming obsessed sa animal print.
"Bakit?" Kunot-noong natawa si Fash.
"Bro . . . You sounded smart!" Manghang sambit ni Smoeki at mabagal na pumalakpak.
Tumango naman ako. "That was the smartest shit you said. And I've known you since we were in elementary."
"Nanonood si Mama ng Grey's Anatomy sa sala. Wala akong choice kundi manood din." Fash lowered his head and looked at us flatly, raising his middle finger.
Bago pa man ako ma-distract ulit sa pagtawa, umiling-iling na lang ako at huminga nang malalim. "You guys better not say anything to PJ about this. Alam ko ang mga sikreto ninyo. Huwag na huwag n'yo talaga akong susubukan."
"Bakit ba ayaw mong malaman ni PJ? Siraulo ka ba? Tumawag ka na sa kanya kanina. Kung hindi kami ang nakasagot, siguradong alam na rin ni PJ," giit ni Smoeki kaya agad ko siyang pinanlisikan ng mga mata. Dali-dali naman siyang nag-peace sign at ngumiti na parang isang inosenteng bata.
"Well, I'm changing my mind!" giit ko naman. "Ayoko nang malaman 'to ni PJ! Baka mali ako at baka—"
"Jordi . . . " Kunot noong putol ni Fash sa sinasabi ko. Sumeryoso bigla ang kislap sa kanyang mga mata. "Sa tingin mo ba konektado 'to sa—"
Umiling kaagad ako. "No, this is different. What happened to PJ is different. Ayoko nang makarating 'to sa kanya kasi hindi na niya puwedeng balikan ang nangyari nang gabing 'yon. He's been through hell already."
"Tangshit . . . " Smoeki suddenly gasped in fear. "M-Magkakaroon ba ng zombie apocalypse sa islang 'to?"
"No!" Umiling kaagad ako. "Madam Laura didn't try to bite me. She just threw me to the wall and tried to strangle the lights out of me. Bukas, siguradong mamamaga 'tong leeg ko't mamaos 'tong boses ko."
"Oh . . . " Napahawak kaagad si Smoeki sa dibdib at napabuntonghininga. "Buti naman. Kapag nagkaroon ng zombie apocalypse, pareho tayong patay agad, Jords. Tayo pa naman ang pinakamabagal sa pagtakbo."
"Teka lang, paano ka nga pala nakaligtas kay Madam Laura?" tanong ni Fash.
"Gil saved my life," walang pagdadalawang isip kong sagot. "Kung hindi niya sinampal ng sandok ang mukha ni Madam Laura, baka wala na ako ngayon. But because of what Gil did, he's now sitting in jail. If I won't find proof that Madam Laura attacked us first, he will be stuck in jail, and I can't let that happen."
Isa-isa akong napatingin kay Fash at Smoeki. "Guys, I really really need your help. Gil can't be stuck in jail because of me."
Bahagyang tumawa si Smoeki at nagkamot ng ulo. "Jordi, parang may mas malala pa kayong problema ni Gil kaysa jail time."
"Parang mas okay na nga lang na makulong lang si Gil," nag-aalangan namang sambit ni Fash habang may hilaw na ngisi sa mukha.
"Bakit? Anong problema?" Bigla akong kinabahan.
"Two words." Nagtaas ng dalawang daliri si Smoeki. "Bogart and the Boguards."
"Four words 'yon tanga." Narinig kong bulong ni Fash at pasimple namang nagtaas ng dalawa pang daliri si Smoeki.
***
Dala ang unan, kumot, at pinamiling pagkain, maingat akong pumuslit sa loob ng police station. Pagpasok ko sa silid na kinaroroonan selda ni Gil, nakita ko siyang nakaupo lamang sa sahig at nakatitig sa kawalan.
"Gil, I'm so sorry," pabulong kong sambit sa paglapit sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Gil nang makita ako. Dali-dali siyang tumayo at marahas na napahawak sa mga rehas. "Huwag mo akong hayaang mabulok dito! Sabihin mo sa kanilang wala akong kasalanan!"
"Shhh!" I raised my finger up my lips and quickly handed the things I got for him. "I'll get you out of here, I promise! Hahanap ako ng proweba para makalabas ka rito! Relax ka na lang muna diyan!"
"Relax?! Paano ako makaka-relax?! Nakakulong ako, Jordan!" Gil glared and yelled through gritted teeth. If looks could kill, malamang kumota na ako sa extra lives ko.
"Just hang in there, okay?" pakiusap ko na lamang. "I promise to do whatever it takes to get you out of—"
Nahinto ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang isang pigura sa katabing selda ni Gil. Unti-unti akong lumingon at nakita ko ang ama ni Pia na nakaupo sa sahig, nakapatong ang ulo sa ibabaw ng mga tuhod.
Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad patungo sa selda ni Mang Roberto, mabagal ang bawat hakbang at hininga. Nakatuon lamang ang mga mata ko sa kanyang mga balikat, inaabangan ang madalang nitong pag-angat at baba.
"Jordan!" Narinig ko ang pabulong na pagtawag ni Gil sa pangalan ko, ngunit nakatuon lamang ang buo kong atensiyon sa paglalakad patungo kay Mang Roberto.
Nang isang hakbang na lang ang layo ko sa mga rehas, bigla na lamang umangat ang mukha ni Mang Roberto. Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita ang kawalan ng emosyon sa kanyang namumulang mga mata—parehong-pareho sa hitsura ni Madam Laura!
Nagsimulang bumilis at lumakas ang pag-angat baba ng kanyang mga balikat hanggang sa lumalabas na ang mabibilis na paghangos mula sa kanyang bibig.
Sa isang iglap, bigla na lamang siyang sumugod sa akin, nakataas ang dalawang kamay na nais akong sakmalin . Parehong-pareho ang bilis at bagsik sa ikinilos ni Madam Laura. Bago pa man ako makagalaw upang mailagan ang kanyang mga kamay, bigla na lamang may humila sa akin paatras.
Dumadagundong ang puso sa kaba, mabilis akong napalingon at nakita ang walang kaemo-emosyong mukha ni Papa habang nakatingin nang diretso kay Mang Roberto.
//
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro