KABANATA 15
"B-blood... P-Papa...?"
Ilang segundo rin ang lumipas bago pumasok ng tuluyan sa isip ko ang bagay na nagawa ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Sa kaba, takot, panghihinayang, lungkot, at maging...
Kasiyahan.
Ang tanging alam ko lamang ay ang katotohanang...
Nakapatay ako.
Hinayaan ko lamang na nakabaon ang kutsilyo sa kanyang likod bago ako dahan-dahang tumayo. My legs were wobbling so bad that I couldn't balance myself when I stood up. Sa nanginginig kong mga kamay ay mabagal kong hinatak ang kumot na nasa ibabaw ng kama ko at ibinalot iyon sa kanyang katawan.
I wasn't on myself, I know that. My thoughts were not stable as my mind was filled with what I have done.
Lumakad ako patungo sa kabinet at basta na lamang humablot ng damit na naroon. Isinuot ko iyon bago bumaba at umupo sa kawayang sofa na nasa sala. Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang magulo kong buhok maging ang namumugto kong mga matang natuyuan ng luha.
I didn't know how long I was sitting on the sofa inside our house before I heard Tita Hilda's voice from the outside. With that, my eyes glistened with tears as my lips quivered.
"Hoy, Poresa, alam kong nakauwi ka ng bata ka, aba't!"
I was facing the door so I was sure that Tita Hilda would definitely see me the moment she went in. And I wasn't wrong with what I had thought when I saw how her face paled as her eyes darted at my being.
Nabitawan niya ang hawak niyang pitaka maging ang mga susing dala-dala niya dahilan upang gumawa iyon ng ingay sa sahig. Ang nanlalaki niyang mga mata at puno ng pagtatakang mukha ay nakatitig sa akin.
"P-Poresa..." her voice wavered when she called my name.
Mabilis na bumuhos ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni Ate. Agad na nangatal ang mga labi ko sa pagpipigil kong huwag humagulgol ngunit nabigo ako. Ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko dahil sa lakas ng pag-iyak ko. Alam ko... Alam kong nagkasala ako.
That because of how badly I wanted to stop my agonies caused by Papa, I committed a crime. I was the one who ended his life. I, his daughter and granddaughter, was the one who killed him.
"W-what happened, Poresa? H-hmm?"
I know that she has already an idea about what had happened just by looking at her expression. With my looks and the blood on my hands, I know that she has.
I shook my head. I was shaking my head as if it will erase the part where I killed my father. I was shaking my head with my body's shuddering in fear.
"P... P-Papa... Ate... N-napatay ko si P-Papa..."
Kasabay ng mga salitang binitawan ko ay ang pagluhod ng kapatid ko sa sahig bago magsimulang magbagsakan ang likidong nanggagaling sa kanyang mga mata.
She covered her mouth to stop herself from crying loudly. Ngunit ang pagyugyog ng kanyang mga balikat dahil sa kanyang pag-iyak ay malinaw kong nakikita.
"I-inulit niya... Inulit na naman niya ang ginawa niya sa amin ni Mama..."
Ilang beses niyang ipinilig ang kanyang ulo. She was probably having a hard time processing everything. Kagaya ko...
"Jusko, Poresa... B-bakit..." she keeps on shaking her head.
"H-he raped me and Mama. Twice. It happened t-twice," I told her.
All I wanted was someone to save me. Someone who will get me out of my misery. Someone who can redeem me. It was someone who can reclaim me from being discomfort.
Ngunit hindi ko iyon maramdaman. Sa kahit anong paraan, hindi ko maramdaman ang maging tahimik dahil palagi, palagi akong binabagabag ng nakaraan ko.
It was the past that I wanted to get away from. Past that I wanted to vanished and fade like a bubble. Because everytime that I wanted try something, I would always be stuck. I would always remain on that place because of my fear.
Kahit ano ang gawin ko, hindi ko magawang maging malaya. Hindi ko magawang maramdaman ang ginhawa.
I want to talk to him. Gusto ko ang kausapin si Samuel kahit ngayon na lang. Because I know that after this night, I wouldn't have the chance to meet him again. I wouldn't have the guts to do so.
Kinausap ko si Tita Hilda na may pupunatahan lang ako saglit. Akala ko ay hindi siya papayag nang una, ngunit mabuti na lang din at wala siyang sinabing hindi.
I didn't wash myself and just tied my hair in a lose bun. I cleaned my hands with water before wearing my shorts and slippers. Lumabas ako ng bahay ng walang dalang kahit na ano. I left my cellphone and my wallet so I walked until I reached the campus of NSC.
It was too crowded. Sa dami ng taong naglalakad papasok at palabas ng campus ay walang kahit isang hindi ako tinitignan. Maybe I looked so horrible, which has a huge possibility.
Dumiretso ako sa auditorium kung saan sila posibling naroon. I hid myself behind a pillar where I can see them performing. Sa lakas ng tunog ng microphone habang nagsasalita ang emcee, halos hindi ko marinig ang usapan ng mga taong malapit sa akin.
Hindi kalayuan mula sa kung nasaan ako ay nakita ko si Samuel na patingin-tingin sa kung saan. It seems like he was looking for someone. At nang magawi banda sa akin ang tingin niya ay mabilis akong nagtago sa likod ng poste.
Akala ko ay hindi niya ako nakita kaya gano'n na lang ang gulat ko nang bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko. His eyebrows were meeting as he stared at me with an intense ferocity. I suddenly had goosebumps but I still forced my lips to form a small smile in front of him.
"I'm sorry I couldn't make it there," paghingi ko ng tawad sabay senyas kung nasaan ang stage.
Hindi siya umimik kaya muli akong nagsalita.
"Something came u-up," pumiyok ang boses ko.
"Are you alright?" he asked instead.
Just a simple question...
Sa isang simpling tanong niyang iyon sa akin ay biglang bumigat ang dibdib ko. Kaagad ang panunubig ng magkabilang mga mata ko nang marinig ko ang pag-aalala sa boses niya nang magtanong siya.
How I wish I am...
I diverted my gaze away from him and turned my back a bit to wipe the corner of my eyes before facing him again.
"D-duhhh, o-of course, I am," kunwari akong tumawa sa harap niya sa kabila ng pagpipigil kong huwag maiyak.
Gustong-gusto ko ang sabihin na hindi mabuti ang pakiramdam ko. That I wasn't okay. That I was scared. That I was raped again. Takot na takot ako sa maaari kong bagsakan pagkatapos ng gabing ito ngunit hindi ko kaya. Once is enough. I told him what happened to me before, and maybe it was enough. He doesn't need to know more about what happened tonight.
"Your words and your eyes, they speak differently, Poresa," he gawked at my face.
Pabiro kong inikot ang mga mata ko at hinuli ng magkabila kong mga kamay ang mukha niya at ikinulong doon. Hindi siya umangal sa ginawa ko at nanatili lang nakatuon sa akin ang kanyang mga mata.
I saw myself reflecting on his eyes. Kita ko ang pilit na sayang pinapakita ko ngunit pinipilit ko pa rin ang bigyan siya ng ngiti kahit ngayong gabi na lang. I want to remember his face clearly even after the decades. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Samuel ngunit hindi iyon ang rason. Kagaya sa sinabi ko sa kanya noon, there is no one who I deserve in this world. Wala kahit na sino dahil mababa ako.
I traced every angle of his face with my fingers before I settled them on his jaw. From his forehead down to his nose bridge. From his upper lip down to his chin. I scanned his face as my eyes fixed on him.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang maitago ko ang panginginig no'n kasabay ng pagkurap ko para maiwasan ang pamumuo ng maiinit na likido sa gilid ng mga mata ko.
"This face..." bigkas ko kasabay ng banayad na paghaplos sa panga niya. "Completes me..." ani ko bago tumingkayad at dahan-dahang pinaglapat ang mga labi namin.
When I felt the tender of his lips pressed against mine, I slowly closed my eyes and a lone tear escaped from my left eye.
I am sorry.
Naramdaman kong umangat ang kanang braso niya at manatili iyon sa likod ko. Gustong-gusto ko ang humagulgol sa iyak sa harap niya ngayon ngunit alam kong masisira ko lamang ang oportunidad na naghihintay sa kanila.
I already lost mine. I just can't let them lose either. Especially him... Samuel.
Pinagdantay ko ang mga ilong namin bago mabagal na dumistansiya mula sa kanya. Nagyuko ako ng aking ulo nang makalayo ako ng ilang pulgada mula sa puwesto niya. Hindi ko siya kayang tignan ngayon. Dahil baka kapag ginawa ko, masira ko rin ang buhay niya kagaya sa kung paanong sirang-sira na ang sarili kong buhay.
"... the annual celebration of this month for about sixty years..."
Lumingon ako ulit pabalik sa auditorium bago muling lingunin si Samuel. His face was so confused but I couldn't tell him.
"You should go back. The band's waiting for their President, Dr. Villosillo," udyok kong may tipid na ngiti sa labi.
Mas lalong nagtagpo ang mga kilay niya habang nananatiling nakatingin sa akin.
"Love..."
Love...
If I am only fine. If I am only free. If only my past does not matter.
I love you, Samuel...
"See you when I finally healed..." I kissed him on his cheek again before turning my back on him and started walking past him.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro