
Chapter Twenty
Pagkalabas pa lang ng ladies' room I'm already missing Tristan. I wanted to run from these two bodyguards that has been following me. Hindi ko alam kung paano na ulit kami magkikita pagkatapos nito. Pasimple kong pinunasan ang nangingilid na luha sa mata ko. I know he'll find a way, hindi hahayaan ni Tristan na magkahiwalay kami.
"What took you so long, darling?" Salubong sa akin ni mommy ng bumalik ako sa party.
"Ang haba kasi ng pila sa powder room." Dahilan ko. Hindi pa ako nakakaupo, lumapit na sa akin si Jason.
"Wanna dance?" Tanong ni Jason.
I rolled my eyes. "No, thank you."
"Darling, dance!" Sabat ni mommy. She even pushed me kay Jason. "Have fun. Huwag kang KJ."
Napilitan akong sumama sa kanya. Hinila niya agad ako sa dance floor. He took my hands and wrapped it around his neck the place his hands on my waist. He looked at my face and I felt uncomfortable kaya I looked away. God! Sana matapos na ito. I can't wait to get away from this guy.
"Ang laki ng iginanda mo mula ng huling beses na magkita tayo. That was two months ago, right?" He asked. It was pretty obvious that he was trying to make conversation.
"Yes. Thank you." I said with a straight face.
"I guess I owe you an apology. I'm sorry for what happened two months ago. I had a little too much to drink. Kaya nga mabilis ako napatumba ng lalaking sumuntok sa akin pero kung hindi ako nakainom, I would have beat that motherfucker's ass." May halong inis sa boses nito.
I 'accidentally' stepped on his foot. Mahinang napa-aray ito and I apologized. Ang yabang yabang ng lalaking ito. Hmp! Hindi ka uubra sa mahal ko.
"We should go out sometime. You know, get to know each other. Bago man lang tayo magpakasal." Sabi niya.
Pakasal, your face! I'll only marry one man and that is my boyfriend. "I'll be honest with you, ayaw kong magpakasal sa'yo. We don't have to do this, we don't have to get married."
He laughed. "Kailangan, Andi. Kailangan kong makuha ang mamanahin ko sa mga magulang ko. Kailangan ko na din bumuo ng sarili kong pamilya at sa tingin ko naman magiging mabuti kang asawa at ina ng mga magiging anak natin."
"No! I don't love you. We don't love each other..." Sabi ko. Si Tristan lang ang gusto ko maging husband at maging daddy ng mga anak ko. Iniisip ko pa lang na ikakasal ako kay Jason gusto ko na umiyak.
"I don't believe in love." Simpleng sagot niya.
"I want to sit na." I coldly said. I can't stand being around him anymore. Kahit ano sigurong pakiusap ko magmumukha lang akong tanga. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa leeg niya. Instead of letting me go he pulled me closer to him. Magkadikit na ang katawan namin.
"Ano ba?" I punched his chest.
"I just want the sex and the money." He chuckled.
Oh God! Hindi ako nakapag-react ng halikan niya ako sa labi. I was shocked. Nang makabawi, mabilis ko siyang itinulak at sinampal ng malakas sa mukha. It caught other people's attention. I wiped my mouth with the back of my hand.
"Andi..." Lumapit si mommy sa amin. Her face was expressionless. She grabbed my hand at dinala ako sa sulok kung saan walang tao. "Why did you do that? Nakakahiya sa tita Meredith mo." Galit na sigaw niya.
"Binastos niya ako!" I shouted back.
"What did he do to you?" Biglang lumapit si daddy.
Sinimangutan ko si mommy at napayakap kay dad. Salamat at may kakampi na ako. "That jerk kissed me!"
"It's just a kiss, Miranda! Hindi mo ikamamatay iyon. Besides, magiging asawa mo rin siya." Sabi ni mommy.
"Eh, sa kung ayaw magpahalik ng anak ko. Hindi mo pwedeng madaliin ang lahat, Olivia." Nagtaas na ng boses si dad.
"I wanna go home, dad." Tumingala ako kay daddy. Gusto ko ng lumayo dito. Kay mommy, kay Jason. Sumasakit lang ang ulo ko.
Dad took a deep breathe. Tinawag niya ang bodyguard. "Ihatid niyo na si Andi."
"Yes, sir." Halos magkasabay na sagot nila.
Sinundan nila ako palabas ng ballroom. Dumaan kami sa lobby and I saw Tristan sitting there, still waiting. Nagtama ang mga mata namin, my eyes started to water. Bumagal ang paglakad ko. I wanted to stop and run to him but I know I can't do that. Ako na ang unang nagbaba ng tingin. Mabigat ang dibdib na lumabas ako.
Tristan's POV
Wala akong magawa kung hindi sundan lang ng tingin si Andi habang naglalakad siya palayo. Parang ang lungkot-lungkot ng mga mata niya. Gusto ko siyang yakapan pero hindi pwede. May mga nakasunod sa kanyang bodyguard. I wish I could do something.
Bumaksak ang balikat ko. Uuwi na naman ako sa apartment ng wala si Andi. Matutulog mag-isa sa kama. Mabibingi lang ako sa katahimikan sa kwarto ko habang pinipilit matulog. Nahilamos ko sa mukha ko ang palad ko. Pesteng buhay 'to! Minsan na nga lang magmahal, ganito pa ang nangyayari!
"Dude!" Napalingon ako at nakita kong papalapit si Phoenix. Nakaakbay sa kasama niyang babae. Agad kong namukhaan kung sino iyon, paanong hindi eh anak iyon ng Presidente. Si Estella Buendia.
Tinanguan ko lang siya.
"Si Estella nga pala. Estella, kaibigan ko si Tristan." Pakilala ni Phoenix.
"Hi." Nakangiting sabi nito.
"Nagkita na kayo ni Andi?" Tanong nito.
"Oo, kakaalis lang niya." Malungkot na sabi ko. Napakunot ang noo ko. Magkakilala sila ni Andi. Pareho sila ng apeylido. Si Andi at Phoenix ay parehong Cordova! Nabuhayan ako ng loob. Ibig sabihin alam niya din kung saan nakatira si Andi. Pero may mangyayari ba, hindi naman ako pwedeng pumasok doon? Saka ko na iisipin ang mga iyon! Ang mahalaga malaman ko kung nasaan ang mahal ko. "Tulungan mo naman ako, Phoenix."
Kumunot ang noo niya. "Tulungan saan?"
"Alam mo naman siguro kung saan ang bahay nila Andi. Baka naman pwede mo akong tulungan mapuntahan siya." Pakiusap ko.
Sandaling natigilan si Phoenix. Nagpalit-palit ng tingin sa akin at sa kasama niyang babae. Maya-maya ay may dinukot ito mula sa bulsa niya.
"Here's the key to my condo. Mauna ka na." Sabi ni Phoenix sabay abot ng susi kay Estella.
"But, love..." Lumabi si Estella.
"Kung ayaw mo sa ibang araw na lang-"
"Sige na nga, magpapahatid na lang ako sa driver ko. Bilisan mo, hihintayin kita." Kinuha nito ang susi at umalis na.
"Tara na." Aya niya.
"Salamat, dude." Nakangiting sabi ko.
"Ganyan ka kalakas sa akin. Muntikan pa akong mawalan ng chicks ngayon gabi." Natatawang sabi niya.
Sumunod ako sa kanya sa parking lot at sumakay sa kotse. Sinimulan niya na paandar iyon. Ilang minuto pa ay huminto na kami sa tapat ng malaking bahay.
"Bahay na ba ito nila Andi?" Tanong ko kay Phoenix.
Tumango ito.
Tumapat kami sa gate ng malaking bahay, may nagbabanta doon na dalawang guard. Nilapitan kami ng isa at ibinaba ni Phoenix ang bintana.
"Sir, ano po ang kailangan nila?" Tanong ng guard.
"Pwede bang pumasok? Kailangan kong makausap si Andi." Sabi ni Phoenix.
Napakamot ng ulo ang guard. "Pasensya na po. Mahigpit na ipinagbibilin ni sir at ma'am na huwag magpapapasok ng bisita ni ma'am Andi."
"Pinsan ko siya." Anya.
"Hindi po talaga pwede, sir. Kung gusto niyo hintayin niyo na lang si sina sir Harold." Sabi ng gwardya.
Pinaandar ulit ni Phoenix ang kotse at ipinarada sa gilid ng mansyon.
"Na kay Andi pa rin ang phone ko. Tawagan mo kaya siya." Sabi nito.
Mabilis kong kinuha ang telepono ko sa bulsa. Tinawagan ko ang number ni Phoenix at ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mag-ring iyon. Tatlong beses itong tumunog bago may sumagot.
"Andi?" Ako.
"Mahal ko." Basag ang boses na sabi niya. Alam kong umiiyak siya ngayon.
"Mahal ko, nasa labas ako ng bahay niyo." Sabi ko.
"Ha?" Gulat na sabi niya. "Ano'ng ginagawa mo dito? B-baka makita ka nina mommy at daddy."
"Gusto kitang makasama, mahal ko. Miss na kita."
Narinig ko ang paghikbi niya. "I-I m-miss you, too."
Napatingin ako sa bintana ng kotse at tinitigan ang mataas na pader na nakapalibot sa kanilang bahay. Talunin ko kaya yan. Kaya naman siguro! Basta para ka Andi kakayanin ko.
"Mahal ko, nasaan ka?" Tanong ko.
"N-nasa kwarto." Sagot nito.
"Nasaan parte ang kwarto mo?"
"Why?"
"Basta sagutin mo na lang."
"S-sa left side."
"Papasok ako d'yan. Sumilip ka sa bintana mo para makita kita agad."
"What?" Gulat na sigaw nito.
"Pupuntahan kita d'yan."
"H-how?"
"Aakyat ako sa bakod niyo. May nagbabanta ba sa labas ng binatana mo?"
"W-wala. B-but what if makita ka nila?"
"Bahala na. Basta hindi ako tutunganga dito at hahayaan kang tuluyan na mawala sa akin, naiintindihan mo?" Sabi ko.
Narinig ko ang paghikbi niya. "Y-yes. I love you."
"Mahal na mahal kita, Andi." Pagkasabi ay ibinaba ko na ang telepono.
"You would really do that?" Tanong ni Phoenix.
"Oo naman." Sagot ko.
"You're crazy, man." Naiiling-iling na sabi ni Phoenix.
"Ganyan talaga pag nagmahal ka. Kahit ano'ng kabaliwan gagawin mo." Sabi ko.
"Ang baduy mo na." Tumawa ito.
"Parang hindi mo din naranasan ito. Nagkaganito ka rin naman kay Cassie. Mas baduy ka p-"
Biglang nawala ang ngiti sa labi nito at nag-iwas ng tingin. Bakas ang pagka-irita nito sa mukha. Oops! Foul... Ayaw na ayaw niyang nababanggit si Cassie, marinig nga lang niya ang pangalan ng ex niya umiinit na ang ulo niya. Sa lahat ng naka-relasyon niya, si Cassie lang talaga ang sineryoso niya pero nalaman niyang niloko pala siya nito. Ilang taon na ang nakakaraan ngunit nakikita ko na hanggang ngayon hindi pa rin siya maka-move on.
"Pasensya na, dude." Mahinang sabi ko.
Nagsalubong ang kilay niya. "Para saan? Wala na sa akin iyon, tapos na yun."
Tinapik ko siya sa braso. "Salamat, dude. Bababa na ako, kailangan ko na i-rescue ang prinsesa ko."
Tumango ito. "Good luck!"
Bumaba ako ng kotse at naglakad papunta sa kaliwang bahagi ng mansyon. Tumingin-tingin muna ako sa paligid. Mahirap na at baka may makakita. Nang masiguro kong walang tao tumalon ako. Magaling ako sa mga ganito. Aba! Kahit kailan hindi pa ako nahuli ng mga pulis tuwing may drug raid noong nagbebenta ako ng droga dahil magaling akong umakyat at magsisiksik kung saan saan. Nakailan talon ako bago ako nakakapit sa taas ng mataas na pader at pilit kong inangat ang sarili ko hanggang sa makatungtong na ako. Maingat akong bumaba sa kabilang side.
Nakapasok na ako sa loob at ngayo'y nasa isang malawak na hardin. Agad kong nakita si Andi na nakatayo sa balkonahe at nakakapit lang sa bakal habang nakatingin sa malayo.
Dahan-dahan akong lumapit doon at tumingala sa kanya.
"Andi." Mahinang tawag ko sa kanya.
Nagpalingon-lingon siya sa paligid na tila hinahanap ako.
"Dito sa baba." Sabi ko at nagbaba siya ng tingin.
Nagliwanag ang mukha niya ng makita ako. "Mahal ko..."
Paano ba ako makakaakyat sa kanya? Ang taas-taas ng balkonahe. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko ang puno malapit sa doon.
"Sandali lang."Paalam ko sa kanya.
"Teka, w-where are you going?" May pag-aalalang tanong niya. Hindi ko na siya sinagot. Lumapit ako sa puno at inakyat iyon. Naupo ako sa sanga ng punong iyon.
Nanlaki ang mata ni Andi ng makita ako. "B-baka mahulog ka."
"Tatalon ako d'yan. Tabi ka." Sabi ko.
"What? No.... no!" Takot na sabi nito. Maingat akong tumayo. "T-tristan, baka mahulog ka! Tristaaan!"
Tumalon na ako mula sa puno at salamat sa Diyos hindi ako nahulog. Bumagsak ako sa balkonahe ni Andi. Agad niya akong niyakap at sumiksik sa dibdib ko.
"You idiot! Paano kapag nahulog ka. Hindi ka talaga nag-iisip." Mahina niyang hinampas ang dibdib ko.
Yumakap din ako sa kanya at hinalikan ang noo niya.
"Baka may makakita sa atin." Bumitaw siya sa pagkayakap at hinatak niya ako sa loob ng kwarto niya. Ang laki ng kwarto niya, halos kasing laki na yata ng apartment ko. Pati ang kama niya doble yata ang laki ng kama namin. Punong-puno ng stuffed toys sa ibabaw nun. Meron pa siyang maliit na sofa at tv. May dalawang bookshelf na punong-puno ng libro. Dito panigurado ako siya ang pinagsisilbihan. Malayong-malayo ang buhay na kinalakihan niya sa buhay na ibinigay ko sa kanya noong nasa puder ko siya.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga. Ito ang buhay na mawawala sa kanya kapag binawi ko siya sa mga magulang niya at ano ang kapalit? Kahirapan. Gusto ko siyang bigyan ng magandang kinabukasan ngunit kahit gustuhin ko may magagawa ba ako? Mahirap lang ako. Yumakap siya mula sa likod ko.
"Ano'ng iniisip mo?" Tanong niya.
"W-wala." Sagot ko.
"Bakit ang seryoso mo bigla?" Hinalikan niya ako sa batok.
Umiling lang ako bago ako humarap sa kanya at niyakap siya.
"T-tristan, m-may sasabihin ako sa'yo." Mahinang sabi ni Andi. Parang natatakot siyang sabihin sa akin.
"Ano yun?"
"K-kanina sa party... Jason kissed me." Sabi niya. Biglang sumimangot ang mukha ko. Ang walanghiyang iyon! "I... Hindi ko ginusto iyon, I swear. Nagulat ako bigla na lang niya akong hinalikan sa lips." Halos maiyak na ito habang nagpapaliwanag sa akin.
Kinabig ko siya palapit sa akin at mahigpit na niyakap.
"Don't be mad at me Tristan. Hindi ko talaga iyon ginusto." Sabi niya.
Hinawakan ko ang baba niya at itinaas ang mukha niya. "Alam ko at hindi ako galit sa'yo."
"T-thank you, mahal ko." Ngumiti na ito.
Bumaba ang labi ko sa kanya at binigyan siya ng mainit at malalim na halik. Pareho kaming naghahabol ng hininga ng maglayo ang mga labi namin.
"Sino mas magaling humalik sa aming dalawa?" Tanong ko. Nakaramdam pa rin ako ng konting selos at insecurity sa kabila ng mga sinabi sa akin ni Andi.
"Ano bang klaseng tanong yan, mahal ko! Syempre ikaw! No contest." Nakasimangot na sagot niya.
Napangiti ako. "Ang sungit mo. Nagtatanong lang naman."
"I don't want to be kissed by any man other than you." Lumabi siya at isinubsob ang mukha sa dibdib ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro