Chapter Thirty Three
I've been home from the hospital for a week now. Kahit kailan hindi sila nagbanggit o nagtanong tungkol sa pagbubuntis ko. I know they're having a hard time accepting the fact that I'm pregnant. Hindi ko naman sila masisisi. Malaking eskandalo ito kapag nalaman ng ibang tao lalo na ngayon na alam na nilang engaged ako kay Jason.
Palaging bumibisita dito si Jason. Of course, he doesn't know anything about it yet. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa itong itago. Why don't they just tell them the truth and break off the engagement? Bakit kailangan pang patagalin? Sooner or later it will show. Lalaki din ang tiyan ko at malalaman ng lahat na buntis ako.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mom popped his head through the door. "Andi, honey."
"Mom?" Ibinaba ko ang librong binabasa ko.
"How are you feeling?" Pumasok si mom sa kwarto at umupo sa gilid ng kama.
"Good." Sagot ko.
"Get dressed, okay? May appointment ka sa doctor ngayon." Sabi niya.
"I'm not sick. Why do I need to see the doctor?" Tanong ko.
"Para sa... baby." Tumingin siya sa tiyan ko and quickly looked away.
I smiled. At least kahit paano concerned sila health ng baby ko. Does this mean na tanggap na nila ang kalagayan ko? Sana nga.
"Thank you, mom." I hugged her.
"O-ok, get dressed na. I'll wait for you downstairs." Bumitaw si mommy sa pagkakayakap at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ni mommy agad akong bumaba sa kama at pumunta sa closet. Namili ako ng damit na susuotin. After I got dressed I went downstairs. Nakaupo si mommy sa living room at naghihintay sa akin.
Sumakay kami sa kotse at siya ang nagdrive. Hindi nagsasalita masyado si mommy habang nagdadrive siya. Which I find really weird dahil hindi ako sanay na tahimik siya. She always has something to say.
Makalipas ang ilang minutong biyahe nakarating na kami sa hospital. Pumasok kami sa loob ng ospital at sumakay sa elevator. Bumaba kami sa 5th floor at nilakad namin ang mahabang hallway. Huminto si mommy sa harap ng pinto sa pinakadulo. Kumatok siya at pinagbuksan kami ng isang babae.
"Good afternoon, Mrs. Cordova." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Good afternoon." Pormal na sabi ni mommy.
"Please, come in." Sabi ng babae.
Pumasok kami sa loob ng kwarto.
"Dad?" I was surprised when I saw dad sitting in front of the doctor's desk. Natigilan siya sa pakikipag-usap sa doctor at tumingin sa akin. Why is he here too?
"Sweetheart, come sit over here." Tinuro niya ang upuan sa harap niya. Lumapit ako at umupo doon.
Tumayo si mommy sa likod ng upuan ko at ipinatong ang kamay niya sa braso ko.
"Hello, Miranda. I'm Dr. Hall." Sabi ng doktor.
"Hi." Sabi ko.
"Okay, let's have a look at your medical record." Binuksan niya ang isang folder na nakapatong sa desk niya, "You are... 9 weeks pregnant. Everything looks healthy."
Sinara niya na ang folder. "So, before we start I'll explain what will happen in the abortion."
"Abortion?!" My eyes widened in shock. I can't believe what I just heard.
Nagkatinginan si dad at si Dr. Hall. Then dad looked at me.
"Andi, anak, mas makabubuti ito para sa'yo." Sabi ni dad.
"Mom..." Lumingon ako sa kanya para humingi ng tulong. But she looked away. I felt my eyes burn with tears. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako. I shook my head. "I won't have an abortion."
"You're 19 years old. You are not ready to be a mother." Sabi ni dad.
"Kahit ano pang sabihin mo I won't let you kill my baby." Tears rolled down my cheeks.
"A fetus is not a baby. It is just a-"
"Shut up!" Sigaw ko sa Doktor.
"Andi, ako ang ama mo kaya ako ang masusunod." Mariing sabi ni dad.
"No." I looked at him in disgust. "How could you even think about killing an innocent baby?"
"You are going to get rid of that... parasite and that's final." Sabi niya.
This man in front of me is not my father, he is not even a human being, he is a monster! Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. I can't believe this is happening.
"This parasite is your grandchild." Sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya. I roughly wiped my tears away. "I'm getting out of here."
Tatayo na ako ng bigla akong pinigil ni mommy. She pushed my shoulders down. "Andi, listen to your dad. This is for your own good."
"How is this for my own good?" I stared at her with disbelief. "You are a woman, mom. Dapat nga naiintindihan mo ako."
I shrugged her hands off my shoulder at tumayo para umalis na. Bago pa ako makarating sa pinto, hinawakan ako ng babaeng sumalubong sa amin kanina at nakaramdam ako ng kirot sa braso ko. I knew she had done something to me at hindi nga ako nagkamali. When I looked at my arm nakita kong may nakaturok na injection doon.
"What are you doing?" Tanong ko sa kanya.
"I'm sorry, ma'am." Sabi niya.
Bumigat ang mga mata ko. My body went limp at agad akong nasalo ng babae. I could feel myself slowly slipping into unconsciousness. I didn't want to fall asleep but...
I opened my eyes and looked around. I'm in my room. Was it all just a... nightmare? I felt a sharp pain on my stomach when I tried to sit up. Kinapa ko ang tiyan ko. May baby pa rin ba dito? I started to panic. I felt so anxious, Oh God! Did I lose my baby? Natuloy ba ang abortion?
"Ma'am, kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng babaeng nakasuot ng puting scrub suit.
"Who are you?" I asked her.
"Ako nga po pala si Cynthia, ang private nurse mo." Sabi niya.
"W-what happened! Tell me I'm still pregnant!" I demanded.
"M-ma'am, you need to calm down."
"I need to know..." My vision became blurry with tears. "I need to know what happened to my baby. Tell me they didn't take my baby!"
Hindi sumagot ang nurse. The answer was written all over her face. I wanted to cry. I wanted scream. I wanted to hurt someone. My baby is gone.
Sinubukan kong tumayo sa kama at tiniis ko ang sakit. I was hurting all over, both physically and emotionally.
"Ma'am, huwag mong bibiglain ang katawan mo." Pinigilan ako ng nurse.
"Get out of my way!" Tinulak ko siya at napaupo siya sa sahig.
Tumakbo ako palabas ng kwarto ko.
"Dad!" Sigaw ko. Hawak ko ang tiyan ko habang naglalakad papunta sa library. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko.
Lumabas si dad mulq sa pinto ng library. "A-andi, kailangan mong magpa-"
"You killed my baby!" I was filled with intense anger. I ran over to him and started punching him in the chest. "How could you do this to me? How could you..." I sobbed uncontrollably. "That baby you killed is your granchild. Ano'ng klaseng tao ka!"
"Shh..." Dad hugged me. "I'm sorry, I had to do it."
"No..." I shook my head. "I will never forgive you. I will never... You're a devil!"
Tristan's POV
"Hi, handsome." Lumapit sa akin ang isang babae. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paginom ng alak. "Wanna dance?"
"Leave me alone." Sabi ko.
"Geez, you don't have to be an asshole." May halong inis sa boses niya pagkatapos ay umalis na siya. Ilang linggo na mula ng ibalik ko si Andi sa kanila. Nilulunod ko na lang ang sarili ko sa alak para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. God knows how much I miss her.
Bumalik na ulit ako sa apartment na inuupahan ko noon. Buti na lang at wala pang kumukuha ng kwartong iyon at hindi nagalaw ang mga gamit ko. Binayaran ko ang upa sa landlady gamit ang perang naipon ko sa pagtatrabaho kay sir Jaime. May natitira pa akong pera ngunit malapit na ring maubos iyon.
"Dude." Umakbay sa akin si Wayne. "You alright, man?"
Nagpatuloy ako sa paginom na parang walang naririnig. Ayokong makipag-usap sa kahit sino ngayon.
"Mula ng dumating ka galing sa outerspace nag-iba ka na." Sabi ni Wayne. "Ano ba ang ginawa nila sa'yo? Did they torture you?"
"Isang shot pa nga." Sabi ko sa bartender at agad naman akong binigyan.
"Man, you're here to have fun, not get drunk!" Si Wayne. "Tignan mo si Phoenix, si Axel at si Seth. They're having fun."
Wala akong pakialam.
Bumuntong-hininga siya. "Okay ka pa ba? Hindi na kita makausap ng matino. Bakit ayaw mo magsalita?"
"Wala naman akong sasabihin." Sagot ko.
"Ok. Ayaw mo talaga magjoin sa party?" Tanong niya.
"Dito na lang ako." Sabi ko.
"Magpakalunod ka sa alak. It's on me." Pagkasabi ay bumalik na siya sa grupo.
Nagpatuloy ako sa paginom. Putangina! Bakit hindi magpakita ngayon ang mga humahabol sa akin ngayong wala na si Andi? Bakit hindi na lang nila ako barilin ng matapos na itong paghihirap ko. Na balewala lang ba ang pagsauli ko sa kanya sa mga magulang niya? Ang masaklap pa doon kinamumuhian niya na ako ngayon.
Napahigpit ang hawak ko sa baso. Hanggang ngayon sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa at sinabi ko kay Andi bago ko siya ibalik sa mga magulang niya nagagalit ako sa sarili ko. Sinaktan ko ang babaeng mahal ko.
After a few drinks I decided to go home. Lumapit ako sa mga kaibigan ko para magpaalam.
"Mga dude, uuwi na ako." Sabi ko sa kanila.
"Uuwi na rin ako." Sabi ni Nick. "Sabay na tayo."
"Oooh... gusto mong magsimula ng maaga, huh?" Sinimulan halikan ng babaeng kasama ni Phoenix ang leeg niya.
Inilayo ni Phoenix ang sarili sa babae. "Sorry, sugar, sa ibang gabi na lang. Kailangan kong gumising ng maaga bukas dahil may business loan presentation ako."
"Aww." Disappointed na sabi nito.
"Don't worry, babe. You can join us later." Sabi ni Axel.
Sabay kaming lumabas ng nightclub at sumakay sa kotse niya. Inistart niya ang engine at sinimulang patakbuhin ito.
"Ano'ng nangyari sa inyo ni Andi?" Tanong ni Phoenix habang nagmamaneho.
Tumingin ako sa gilid ng bintana ng kotse. Marinig ko lang ang pangalan niya pakiramdam ko maiiyak ako. "Tapos na kami."
"Alam mong engaged na siya ngayon?" Sabi niya.
Hindi ako nagsalita ngunit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng marinig ko iyon. Tinignan ko ang singsing na na nakasuot sa daliri ko. Our wedding ring. Hindi man kami kinasal sa legal na paraan, we're married in our hearts. Sana hindi iyon makalimutan ni Andi.
Pagkaraan ng ilang sandali huminto ang kotse ni Phoenix sa harap ng compound.
"Salamat, dude." Sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng kotse.
"No problem." Sagot niya.
"Good luck sa presentation mo."
"Thanks."
Isinara ko na ang pinto ng kotse niya at umalis na siya. Pumasok ako sa compound at umakyat sa apartment ko. Lalo lang akong nalulungkot kapag mag-isa ako dito sa apartment. Naaalala ko si Andi kahit saan akong sulok tumingin.
Tinitigan ko ang malaking picture ni Andi na nakasabit sa dingding. Lumapit ako at hinawakan ko iyon. Miss na miss na kita, mahal ko. Iginuhit ko ang daliri ko sa kanyang mala-anghel na mukha pababa sa leeg niya at sa kanyang likod. I wonder if she misses me as much I miss her.
Bumuntong-hininga na lang ako at pumasok na sa kwarto. Hinubad ko na ang tshirt kong amoy yosi at alak. Huhubarin ko na rin sana ang pantalon ko ng makapa kong nawawala ang wallet ko sa bulsa ko. Kapag minamalas ka nga naman. Wala na nga akong pera. Baka naman nahulog lang sa kotse ni Phoenix.
Dinampot ko ang phone ko at tinawagan si Phoenix.
"What's up?" Bungad niya sa akin.
"Nandyaan ba ang wallet ko?" Tanong ko sa kanya.
"Wallet mo? Saan mo ba nilagay?"
"Tignan mo sa inupuan ko."
"Ah, ito ba yun? Yung Hello Kitty ang design?" Natatawang sabi niya.
"Gago." Natawa rin ako.
Narinig kong bumukas ang pinto sa labas ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko. Kasunod nun ay ang mabibigat na yabag ng mga paa. May mga sinasabi pa si Phoenix ngunit hindi ko na iyon naintindihan dahil pinakikinggan ko ang ingay. Naririnig kong papalapit na sila dito hanggang sa bumukas na ang pinto ko.
Fuck! Not again! Lima silang lalaki, malalaki ang kanilang mga katawan. Pasimple kong nilapag ang telepono sa likod ko ngunit hindi ko iyon ibinaba.
"Ano na naman ang kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"Aba! Matapang ka." Sabi ng pinakamalaking lalaki. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa panga. "Pinahirapan mo kami sa paghahanap sa'yo. Pahihirapan ka rin namin bago ka namin patayin."
Sinapak niya ako sa mukha at napahiga ako sa sahig. Parang naalog ang utak ko sa sapak na iyon. Pinilit kong tumayo. Katatayo ko lang ng bigla ulit akong suntukin ng isa pang lalaki. Nakatanggap ako ng suntok sa bawat isa sa kanila. Sa mukha, sa dibdib, sa tiyan, kahit saan tumama ang kamao nila. Hindi ko na nga mabilang kung ilang suntok na ang natanggap ko. Halos hindi na ako makatayo ng tumigil sila.
"Sabihin mo nga sa amin masarap ba ang anak ni Cordova ha?" Sabi ng isang lalaki at nagtawanan silang lahat.
"Oo nga, ishare mo naman sa amin. Masikip ba siya?" Sabi naman ng isa.
Napakuyom ako ng palad. Tangina nila. Gawin na nila ang lahat sa akin huwag lang nilang babastusin si Andi. Nag-ipon ako ng lakas para tumayo at sinuntok ko ang huling nagsalita.
"Putangina mo ah!" Mura ng lalaking sinuntok ko. Sinipa niya ako sa tiyan at napahiga ulit ako sa sahig. Paulit-ulit niya akong pinagtatadyakan at dinuraan ako ng mapagod siya katatadyak.
Phoenix's POV
Naririnig ko ang boses ng ibang mga lalaki sa kabilang linya ng phone. Naririnig ko rin ang ginagawa nila kay Tristan at ang mga sigaw ni Tristan. Sunod sunod akong napapamura habang naririnig ko ang mga nangyayari. Nagpunta ako sa pinakamalapit na police station at humingi ng tulong sa kanila.
Nagpadala sila ng limang pulis at sinundan nila ang kotse ko papunta sa compound. Nagmamadali kaming umakyat sa apartment niya at dahan-dahan nilang pinasok iyon. What I saw shocked me. Nakahiga si Tristan sa sahig, duguan ang ulo at katawan. May lalaking nakatayo sa tabi niya at nakatutok ang baril sa kanyang ulo.
"Ibaba mo ang baril mo." Tinutukan siya ng mga pulis ng baril. Dahan-dahan ibinaba ng lalaki ang baril sa paanan bago tumayo at itinaas ang mga kamay.
"Kayo, ilabas niyo ang baril niyo." Ang isa namang pulis ay tinutukan ang apat pang lalaki.
"W-wala kaming baril." Sabi ng isang lalaki.
Lumapit isang pulis habang tinututukan sila ng isa pang pulis para kapkapan. Pagkatapos ay pinosasan silang lima.
Lumapit ako kay Tristan.
"Tristan!" Inalog alog ko ang balikat niya ngunit wala itong naging epekto. Akala ko patay na siya. Nang icheck ko ang pulso niya tumitibok pa naman iyon kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Nagpadala ang mga pulis ng ambulansya at agad nilang kinuha si Tristan.
Sumama ako hanggang sa ospital. Dinala si Tristan sa ER at ilang oras akong naghintay bago lumabas ang doktor.
"Ikaw ba ang kasama ng pasyente?" Tanong ng doktor.
"Yes, doc."
"The patient is in coma. Nagkaroon siya ng internal hemorrhage sa ulo at madali naman namin napigilan ang pagdurugo ngunit hindi natin masisigurado kung kailan magigising ang pasyente. O kung magigising pa siya o hindi na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro