Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen

Maaga akong nagising. Madalas si Andi ang unang nagigising para magluto ng almusal pero ngayon ako ang nauna. Paglabas ko sa kwarto ko napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Andi. Sana hindi na masama ang loob niya sa akin.

Nagsimula akong magluto ng almusal. Bumukas ang pinto niya at napalingon ako. Nagtama ang tingin namin at matagal kaming nagtitigan bago siya nagbaba ng tingin.

"Gusto mo na kumain?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot, parang wala itong narinig. Kumuha siya ng kape sa cupboard.

"Nag-pakulo na ako ng tubig." Sabi ko. Hindi pa rin niya ako pinansin at kinuha niya ang kettle. Naglagay siya ng mainit na tubig sa tama niya at nagtimpla ng kape. Umupo siya sa mesa at ininom ang kape.

"Gutom ka na ba? Luto na ang pagkain." Wala pa rin. Para akong nakikipag-usap sa hangin. Ni hindi nga ako tinapunan ng tingin.

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?" Napabuntong-hininga ako. She's giving me the silent treatment and it's killing me. "Sige ka, mapapanis laway mo niyan." Biro ko pa. Pero hindi talaga epektibo.

 Kumuha ako ng plato at pinagsandukan ko siya ng pagkain at inilapag sa harap niya ang plato. "Sige, kung ayaw mo ako kausapin, kumain na lang tayo." 

Kahit nga ang pagkain na hinain ko sa kanya hindi niya pinansin. Kumain na lang ako dahil baka ma-late pa ako sa trabaho at mabilis na naligo. 

"Andi, alis na ko." Paalam ko sa kanya. Dati hinahatid niya pa ako sa pinto pero ngayon dedma. Nahihirapan ako sa ganito. Namimiss ko agad ang kakulitan niya. Namimiss ko yung babatiin niya ako ng good morning paglabas ko pa lang sa kwarto at kukuwentuhan niya ako kung ano ang napanaginipan niya habang kumakain kami tapos yung paulit-ulit niyang paalala na mag-ingat ako sa pagmomotor bago ako umalis sa bahay. Isang araw pa lang niya akong hindi pinapansin nahihirapan na ako.

Hindi ko naman sinasadyang saktan siya. Para rin naman sa kanya iyon. Siguro kapag nahanap niya na yung lalaking para sa kanya pasasalamatan niya pa ako balang-araw sa pagtanggi ko sa kanya. Parang hinihiwa ng blade ang dibdib ko ng maisip ko iyon. Paano nga kapag nakahanap na siya ng iba? Paano na ako?

Nakaalis na ang huling kliyente na nagpakuha ng litrato at pasara na ang photo studio. Nag-aayos na ako ng gamit at naghahanda na umuwi. Hindi pa rin maalis sa isip ko na nagtatampo sa akin si Andi.

"Sige, labs. Pauwi na ako. I love you." Narinig kong sabi ni Cholo, ang photo editor. Kausapin nito malamang ang girlfriend niya. Ibinaba niya na ang telepono pagkatapos.

"Cholo." Tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin.

"Oh, parekoy? Problema?" Tanong nito.

"Paano ba manligaw?" Ako. Kahit ako nagtataka kung bakit pumasok ang tanong na iyon sa isip ko.

Ngumisi si Cholo. "Naks! Nagbibinata ka na."

Napasimangot ako at medyo naasiwa. "Kalimutan mo ang sinabi ko."

Tatalikod na ako ng bigla niya akong akbayan. "Unang-una, syempre kailangan mong bigyan yung nililigawan mo ng mga bulaklak at tsokolate. Tapos, ilalabas mo siya, ipapasyal mo kung saan-saan. Yan ang mga gusto ng babae."

"May nililigawan ka na? Akala ko ba hindi uso sa'yo ang pakikipagrelasyon? Sino naman ang maswerteng babaeng nagpatibok ng puso mo?" Naki-epal pa si Ted, siya ang may-ari ng photo studio na ito.

Tinanggal ko ang braso ni Cholo na nakaakbay sa akin. "Wala. Nagtataka lang kasi ako kung paano napasagot ni Cholo ang girlfriend niya sa itsura niyang yan. Ngayon alam ko na, inuto-uto niya lang pala."

"Ulol." Sabi ni Cholo at natawa naman si Ted.

"Sige, kita na lang tayo bukas. Una na ko" Paalam ko sa kanila. Lumabas na ako ng photo studio at sumakay sa motorsiklo ko.

Habang nasa daan ako may nakita akong tindahan ng mga bulaklak. Parang gusto kong huminto doon. Titignan ko lang naman ang mga bulaklak, ang gaganda kasi. Inihinto ko ang sasakyan ko sa tapat nun at agad na may lumapit sa aking ale.

"Sir, bulaklak para sa girlfriend mo?" Tanong nito.

Tumango ako. Akala ko ba titingin lang ako?

"Tingin lang po kayo. Puro magaganda ang mga bulaklak namin." Sabi nito. Napababa ako sa motorsiklo ko at tinignan ko ang mga nakahilerang bulaklak. May nakita akong isang dosenang pulang roses na nakalagay sa magandang pambalot. Magugustuhan kaya ni Andi yan?

"Magkano yan?" Tanong ko at tinuro ko iyon. 

"Sir, eight hundred na lang." Sagot nito. Nagulat ako sa presyo. Tangina! Makakain ba yan?

"Ang mahal naman niyan." Reklamo ko.

"Eh, sir, tignan niyo naman. Mga sariwa yan at sigurado naman akong magugustuhan ito ng girlfriend mo." Sabi niya.

"Bawasan mo naman, manang. Limang daan na lang." Sabi ko.

Umiling ang babae. "Hindi kaya. Bibigay ko sa'yo seven-fifty."

"Five-fifty." Tawad ko.

"Sige na nga, seven hundred na lang." Napakamot na sa kanyang ulo ang ale.

"Six hundred na lang. Sige na, manang, bigay mo na." Sabi ko.

"Sige na nga. Para makauwi na ako." Sabi nito at ibinigay sa akin ang bulaklak. Binayaran ko na siya at sumakay na ako ng motorsiklo.

Ano ba itong kalokohang pinagagawa ko? Kahit naka-tawad ako, ang laking halaga pa rin ng anim na daan para lang sa labing-dalawang pirasong rosas na ibinalot sa magandang papel. Hibang ka na talaga, Tristan.

Malapit na ako sa bahay ng maalala ko ang tsokolate. Kailangan may tsokolate. Huminto ako sa isang tindahan. Siguro naman may tsokolate doon.

"Pagbilan." Kinatok ko ang tindahan dahil walang nagbabantay. May lumabas na dalagang babae.

"Ano po yun, kuya?" Tanong nito.

"Meron kayong tsokolate?" 

"Meron po. Meron kaming cloud 9, goya, flat tops saka lala" Sagot nito. Pwede na siguro iyon. Sabi naman ni Cholo tsokolate lang, wala naman siyang sinabing brand. Bumili ako ng tig-isa ng mga yun. Ang gastos pala manligaw. Natigilan ako sa naisip ko. Sandali, manliligaw ako?! Liligawan ko si Andi?

Napabuntong-hininga ako. Ano pa nga ba? May bulaklak at tsokolate na. Aba! Ang laki na ng ginastos ko para magback out pa ako. Saka ayaw ko na magpaka-impokrito. Gusto ko si Andi. Oo, gusto ko siya. Kahit ano'ng tanggi ko sa sarili ko hindi ko na iyon mapapagkaila. 

Nagmamadali akong umuwi. Excited na akong ibigay kay Andi ang mga ito. Ipinarada ko ang motorsiklo at nagmamadaling umakyat sa apartment.

Papalapit pa lang ako sa pinto ng apartment ng bumukas ito. Lumabas ang isang lalaki.

"Thanks, Caloy." Nakangiting sabi ni Andi na sumunod na lumabas sa lalaki.

"Salamat din. Ang sarap talaga." Abot hanggang tenga ang ngiti ng loko. Ano ang masarap? Siguro... siguro may nangyari na sa kanila. Siguro nabitin si Andi kagabi at nagkataon nandoon si Caloy para kamutin ang kati niya. Nagdilim ang paningin ko. Sinugod ko siya at dumapo ang kamao ko sa mukha niya. Napasubsob ito sa sahig.

"T-tristan..." Gulat na tinitigan ako ni Andi at nilapitan si Caloy.

Hinatak ko ang braso ni Andi. "Lumayo ka sa kanya."

"Ano ba?" Binawi niya ang braso niya at tinitigan ako ng masama. "What is wrong with you? Why did you punch him? Wala naman siyang ginagawa sa'yo!"

 "Pumasok ka sa loob!" Sigaw ko kay Andi.

"Don't tell me what to do!" Sigaw niya din sa akin pagkatapos ay inalalayan niyang tumayo si Caloy.

Hinatak ko papasok si Andi sa loob ng apartment. "Ano'ng ginawa niyo dito habang wala ako?"

"What is happening to you? Kawawa naman si Caloy!" Matalim ang mga matang tinitigan niya ako.

"Ano'ng sinasabi ng ulol na yun na masarap? May nangyari ba sa inyo? Nabitin ka kagabi kaya humanap ka ng lalaki-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

"H-how dare you say that? You think I would have... have... sex sa kung sinu-sinong lalaki?" Nagsimulang magtubig ang mga mata niya. 

"I only want to do it with you because I love you! What made you think I'd do it with someone else? Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?" Napasubsob siya sa mga palad niya at umiyak.

Nilapitan ko siya at niyakap, hinaplos-haplos ko ang buhok niya. "I'm sorry, Andi. Nadala ako ng galit... ng selos."

Huminto siya sa pag-iyak at gulat na tumingin sa akin. "What?"

"Oo, nagseselos na ako! Nagseselos ako kapag may kausap kang iba, nagseselos ako kapag may ibang taong nagpapatawa at nagpapangiti sa'yo, nagseselos ako pag may taong nagiging malapit sa'yo lalo na pag wala ako. Hindi ako dapat magselos pero nagseselos ako!" Shit! Ang corny ko na! Ano ba itong lumalabas sa bibig ko.

"Tristan..." Namilog ang mga mata niya. 

"Sorry na. Bati na tayo?" Itinaas ko ang bouquet ng bulaklak na binili ko sa kanya.

"I-is that for me?" 

Tumango ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Sasabihin ko na. "I like you, Andi."

"Oh my god!" Napatili ito bago kinuha mula sa akin ang bulaklak. 

Muli siyang yumakap sa akin at hahalikan niya sana ako sa pisngi ng ilayo ko ang mukha ko.

"Oops! Wala munang kiss. Conservative ako!" Biro ko.

Para naman napahiyang bumitaw siya sa akin. "S-sorry."

"Nagbibiro lang ako." Natatawang sabi ko. Ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa noo.

"Teka, ano ba talaga ang ginawa ng mokong na iyon dito?" Ang tinutukoy ko ay si Caloy. 

"Nawalan kasi ng tubig so I went sa baba para mag-igib. Siya yung tumulong sa akin na mag-carry ng bucket paakyat dito." Sagot nito.

"Eh ano yung sinasabi niyang masarap?" Sumimangot ako.

"Binigyan ko siya ng sandwich na ginawa ko kanina and he thought it was masarap." Sabi niya at pinisil ang ilong ko. "Ang dirty kasi ng mind mo. You should apologize to him."

"I will. Kapag nakita ko siya." Sabi ko. I feel bad for the guy. Tumulong na nga, nasapak ko pa. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha niya. Bumaba ang ulo ko para halikan siya sa labi. 

Kaya siguro hindi ko matanggap ang nararamdaman ko sa kanya noon dahil ayaw kong mahalin siya sa takot na baka balang-araw bigla na lang niya akong iwan. Natatakot ako dahil baka dumating ang panahon na bigla niyang ma realize na hindi pala ako sapat para sa kanya at magsawa na siya sa buhay na meron kami ngayon kasi wala naman akong kayang ibigay sa kanya. Pero kung hindi ko naman susubukan at patuloy ko siyang itutulak palayo baka mawala din siya sa akin at ang masaklap pa doon wala man lang akong nagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: