Zeus
• • • S T A R T • • •
Trev: ...
Cesia: Ayaw mo talaga?
Trev: *walks out*
Cesia: Nakakainis talaga tong lalaking to.
Tumakbo si Cesia at tumayo sa gitna ng stage.
Cesia: Hi! So pag-uusapan natin ngayon si Zeus, ang God of the Sky and Lightning. Siya rin ang naghahari sa Olympus. Ang kanyang mga simbolo ay ang lightning bolt, eagle, bull and oak.
Cesia: Actually hindi lang sky and thunder yung domain niya. Siya rin ang God of Justice, Order and Law. Minsan, kaya niya ring imanipulate ang winds and weather kasi nga diba? Sino naman ang pipigil sa King of The Gods na kontrolin lahat ng gusto niya. Pati nga Moirai kaya niyang mautusan eh.
Art: WAAAAHH!!!
Cesia: Si Zeus ay ang youngest offspring nina Cronus and Rhea.
Cesia: And as a child of Cronus and Rhea, may pagkatragic din yung story niya. Hindi ko ikukuwento dito kasi nakasave na ito para sa Titanomachy na discussion. So sasabihin ko nalang sa'nyo kung anong meron sa God na ito.
Cesia: Siya ay ang respetadong chief of the Gods. Siya rin ang nagbibigay ng roles and responsibilities nila. Kapag tinatawag ang pangalan niya, required talaga na tumayo lahat ng deities na present.
Cesia: Pati Olympians ay sumusunod sa kanya... Well... except the day na nagrebel si Hera pati na yung ibang Olympians...
Seht: How?
Cesia: Sasabihin ko sa inyo yung relationship ni Zeus sa kanyang asawa ah?
Cesia: Si Zeus kasi ang gumawa ng first move. Kaso pumalpak siya dahil ayaw ni Hera sa kanya. So anong ginawa niya?
Thea: ANO?!?!
Cesia: Art ikaw nga yung magkwento dito.
Tumayo si Art at pumunta sa harap.
Art: EHEM. Nagpalit siya ng anyo at naging maliit na ibon. Isang kaawa-awang tignan na cuckoo bird. Nakita ni Hera yung sad birdy at naawa siya dito so she hugged it and held it to her breast... AND BAM!
Nagulat ang lahat dahil sa ginawang pagsabog na sound effect ni Art.
Art: Bumalik sa kanyang dating anyo si Zeus at nirape si Hera. Dundundun~~~
Thea: TANGINA. SERYOSO?!
Bumalik na sa stage si Cesia at tumango. Pinasalamatan niya si Art bago nagpatuloy.
Cesia: Pinakasalan lamang ni Hera si Zeus dahil nahiya siya sa nangyari sa kanya. Hindi ito nalimutan ni Hera kaya nagplot siya ng rebellion laban kay Zeus. Nakipagsabwatan siya kasama ang ibang Olympians. Yung ginawa nila, habang natutulog si Zeus sa couch, tinali nila yung God.
Thea: TEKA LANG NAUBOS YUNG POPCORN KO- SEEEHT!!!
Inabot ni Seht ang popcorn niya kay Thea.
Cesia: Pagkatapos nilang itali si Zeus, nagkaroon ng argument ang Olympians dahil wala silang alam kung ano ang susunod nilang gawin. Meanwhile, nalaman ni Briareus ang ginawang pagtataksil ng Olympians kay Zeus at dali-daling sinagip ang God.
Chase: Sino nga ulit si Briareus?
Kara: He was once the bodyguard of Zeus.
Chase: Sige sige..
Cesia: Nang makawala na siya, mabilis na kinuha ni Zeus ang kanyang thunderbolt at pinaluhod ang Olympians sa harap niya. Kasunod niyang itinali si Hera sa kalangitan bilang parusa. Iyak nang iyak si Hera kaya hindi nakayanan ni Zeus at pinakawalan siya as long as, mangangako siya na hindi na ulit mangyayari yon.
Dio: Nakakaawa din si Hera...
Ria: Yeah. Zeus had a lot of affairs. An awful amount of affairs.
Chase: Namana kaya ni Trev yung pagiging loverboy ng ama niya?
Umalingawngaw sa auditorium ang tunog ng kidlat pagkatapos tanungin yon ni Chase.
Napangiti na lamang si Cesia.
• • • E N D • • •
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro