Olympus Academy
• • • S T A R T • • •
Cesia: Hi!
Sa likod niya ay ang Olympus Academy, ang natatanging paaralan kung saan nag-aaral ang mga direct and indirect descendants ng mga Greek Gods and Goddesses.
Cesia: Welcome to Olympus Academy Parang palasyo lang ano? Nung first time kong nakita yung Academy, nalaglag rin panga ko.
Sumulpot sina Art, Thea, Kara at Ria na may malalapad na ngiti. Lahat sila ay nakasuot ng kanilang uniforms.
Inilahad ni Art ang kanyang kanang kamay kung saan naroon ang tatlong pins.
Art: So may tatlong classes ang Academy. At nakalagay ito sa mga pins na sinusuot ng mga estudyante.
Tinuro ni Art nang paisa-isa ang mga pins.
Art: C stands for Gamma, ito ay ang class of the indirect descendants ng mga deities! Ito yung mga students na chosen oracles, seers or protectors ng mga temples. Hmmm... May iba ring mga estudyante na direct descendants nga pero sobrang layo na nito mula sa deity nila. For example, may estudyante sa Gamma na lola ng kanyang lola ng kanyang lola ng kanyang lolo ng kanyang mama si Athena.
Art: B is for Beta. *whispers* alam nyo ba? Muntik nang maubos ang Beta dahil-
Siniko ni Ria si Art.
Ria: Art! Don't tell them what they did okay?
Art: Sabi ko nga! Hmp! *rolls her eyes at Ria* Ang beta ay ang direct descendants ng mga minor gods. Hindi lang demigods ang nandito. Halimbawa. kung lola mo si Hecate, at may abilities ka na namana mula sa kanya. Pasok ka na dito! Pero kapag wala ka namang abilities na nakakamangha or rated amazing with a zee, dun ka sa Gamma.
Thea: Ina-underestimate mo ang Gamma, Art?
Art: Di kaya! Gusto ko nga sa Gamma ihh kasi sila yung pinakamarami. Nandun mga oracles!
Kinuha ni Ria ang pin na may letrang 'A'. Halatang napipikon na ang demigod kaya't napagdesisyunan niyang siya nalang ang magpapaliwanag.
Maririnig mula sa gilid ang mga tawa ni Cesia. Sa kanyang tabi ay si Kara na walang imik.
Ria: And A refers to the Alphas. *grins* The Alphas are the direct descendants of the major gods. If you are wondering, there are indeed cases that a student is a grandchild of a major god. Everything just depends on the abilities that you got from your deity really. Dahil kung lolo mo si Ares but you have no-
Art: abilities that are rated amazing with a zeeeeee!!
Ria: *nods* yes. If you have no abilities like what Art says, then you either fall to Beta or Gamma. BUT if your grandfather is Ares and his blood is still dominant in your body, to the point na may taglay kang abilities na wow factor, then congratulations! You're an Alpha.
Cesia: Pero sa ngayon, demigods lahat ng Alphas. Kaso may iba sa'min na... kumbaga ay mas espesyal kasi more than one ang deities! Katulad nalang-
Agad nagsalita si Kara bago pa matapos ni Cesia ang kanyang pangungusap.
Kara: I'll take it from here girls.
Si Kara na ang tumungo sa harapan.
Kara: We have different subjects per class. There's a special subject called Semideus where we are trained to enhance our demigodly abilities. The rest of our subjects are not normal though. An example is our biology subject, here we'd discuss about mythological creatures and other out of the world concepts. *shrugs*
Art: Pinapadala din kami sa mga super-delikado-pero-walang-pakialam-yung-staff-dahil-may-special-abilities-naman-daw-kami missions! Hihihi!
Kara: Now, let's talk about the Academy.
Mabilis na nagbago ang kapaligiran. Sa classroom, nakatayo si Kara at may mapa ng Academy na nakaproject sa kanyang likuran.
Nakaupo na sa mga upuan ang ibang girls.
Kara: Olympus Academy has three dormitories for the three classes. There are also headquarters and resting areas for the aurais and other mythological creatures. The staffs have their own rooms and offices as well.
Nagsusulat ng notes sina Cesia at Thea habang nakikinig kay Kara.
Kara: There is the lobby area, then the audio visual rooms, clinic, principal's office, auditorium and just everything a school should have.
Kara: But knowing that Olympus Academy is not an ordinary school, it has more than everything a school should have.
Kara: Instead of a school canteen, we have a mall with unlimited supplies of products. We have no playgrounds. Only a park complete with a fountain and circular benches. Surrounding the school is also a forest. Somewhere inside the forest is a narrow stream of water. If you follow that stream you will find a cave where the staff-
Napahinto si Kara matapos muntikan nang masabi sa kanila ang tungkol sa lugar na yon. Napailing siya at iniba nalang ang lecture.
Kara: The school also holds events. We have the celebration of the three lunar goddesses where we can watch the aurora borealis at night.
Kasunod na tumili si Art. Napamura naman si Thea dahil hindi niya naabutan ang gabing nagsasama-sama ang Alphas para ipagdiwang ang lunar goddesses.
Kara: And then the annual Olympics. This is our kind of intramurals. What makes it different? Well the students can play sports from Ancient Greece.
Art: Special bonus ang Calydonian Boar Hunt! Wieeeee!!
Ria: *raises hand* Yeah and we're required to wear ancient greek clothing!
Thea: *whistles* YEAAAAH AAABBSSS!!
Kara: We have a lot of events. But I don't know if we could celebrate all of it because a lot of things are happening right now.
Namuo ang isang ngiti sa labi ni Kara.
Kara: Because in this school, the adventure never stops.
• • • E N D • • •
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro