Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

PAINTING

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng Cabin. It actually looked bigger, and it was. There were three doors inside. A kitchen, a small living room, and dining room.

"It's so nice to have a girl here talaga!" wika ni Irish. Napangiti ako lalo. She's the only girl in the group, but I don't think she's the weakest.

Actually, there was no weak one among the Rebels. They're all demigods. Hindi ko lang alam kung kaninong anak si Llyr. Probably a son of a sea god or goddess.

Nagulat ako nang ipaghila ako ni Zeref ng upuan. "Enjoy the food," he whispered in my ear before heading to the seat in front of me.

Si Irish ang nasa gitnang upuan, at kaagad siyang kumuha ng pagkain. "Oh! Teka, lahat 'to may halong Ambrosia and Nectar! Anong kakainin ni Thea bebe?"

Zeref got his spoon and fork, and picked a specific chicken then put it on my plate. "Walang halo 'yan. It's safe."

Irish giggled, "May pa-special naman pala, Master!"

"What? Gusto mo rin ng walang Ambrosia, Irish?" tanong ni Zeref. Umiling naman si Irish, at sinimulan nang kumain.

I unconsciously looked at the two other boys, and Llyr beside me. I really wonder whose son he is. I slightly tilted my face to see kung sinong kamukha niya. Poseidon?

Malakas namang tumunog ang kutsara't tinidor ni Zeref kaya't gulat akong napatingin sa kaniya. His eyebrows furrowed as he looked at me, then down to my food.

"Eat," he mouthed.

I felt Llyr slightly giggle on my side, uminom pa siya ng tubig, at hindi ko alam kung bakit napainom din ako?

Mas lalong tumawa si Llyr at Gid kaya napatingin ako, at nagtaas-kilay. Tinakpan naman ni Llyr ang kaniyang mukha kaya napanguso ako.

Is my face funny?

"Eyes on the food, Xynthea," nagtatagis ang mga bagang na sikmat ni Zeref sa'kin. I slightly nodded and started eating chicken and rice.

"Chill, Maste—" bago pa matapos ni Gideon ang sasabihin niya, sinuway na siya ni Zeref. "Kumain ka nalang, bansot."

"Foul!"

After a while, I finished eating. Kukuhanin ko na sana ang plato ko para ilagay sa lababo nang ku'nin ni Zeref 'yon.

"Sana all, Master," asar ni Gideon. Llyr laughed, "Galit na kanina, eh."

Tumingin ako sa kanila, pero tinalikuran agad nila ako. Huh? Ayaw nila ako kausap?

Kay Irish naman ako lumingon. She smirked, and pulled my hand towards a room.

"Hayaan mo na sila r'on. Help me choose an outfit!" wika n'ya. Napangiwi naman ako, hindi naman ako magiling sa mga gan'on.

"What do you think is nicer?" tanong n'ya at naglabas ng dalawang dress mula sa Cabinet n'ya.

One was a pinkish flowy dress, and the other was a black sweetheart dress. Tinuro ko naman kaagad ang black dress.

"Really? Why?" tanong n'ya.

"Uh... tingin ko kasi mas magsta-stand out ang rainbow hair and eyes mo sa black," sagot ko. "They're really beautiful."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Sweet! Thanks! Maganda ka rin, kaso hindi ko maintindihan hair and eyes mo. Are you sure you're a mortal?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam kung ano o sino ako. Pangalan ko lang ang naaalala ko, ngunit ang iba mula sa nakaraan ko... hindi na. I only started having consciousness two years ago. And sabi ng iba, I might have Albinism, something that makes my skin, eyes, and hair lack colour."

Her mouth formed an 'o' and she smiled sadly, "That's sad, and wala akong alam sa science, kaya okay nalang. So you're here for Mnemosyne, I guess?"

Tumango naman ako.

"They also want to meet her, pero naging mailap siya. Gideon and Zeref, and lahat ata ng mga kasamahan mo, they also lost memories, so they want to ask Mnemosyne about it."

Tumango naman ako. I heard about it from Aster. June 19. If I stick with them, then I may have a bigger possibility on meeting Mnemosyne!

"Oh nga pala, puwede bang pakikuha ng golden brush ko sa boys room habang sinusukat ko 'to?" pasuyong wika ni Irish.

"Ah, s'ang kwarto ba?" tanong ko.

"The opposite end, not the middle."

I nodded, and locked the door before leaving. Wuw, ang awkward pala kapag kasama mo all boys sa Cabin.

Napansin kong nasa labas na ulit ang mga lalaki. Nakikipagtawanan sa may bonfire. I sighed and walked towards the end of the room.

I opened the door, walang tao at mukhang malinis naman kahit ang boys' room.

Nagtungo ako sa mga cabinets and drawers. Kaagad kong nakuha ang golden brush, ngunit may napansin akong isang pahulog na frame sa tabi.

I reached for it, but I shrieked when someone grabbed my hand, and the brush fell from my hand.

Nanlaki ang mata ko nang mapaharap ako kay Zeref. Hawak-hawak niya ang pulsuhan ko, at tila may inis sa mata n'ya.

"What are you doing here?" tanong n'ya. I leaned against the drawer because of his closeness, and I almost yelped again dahil sa tunog ng pagkabasag.

Zeref cursed loudly, and my eyes darted to the fallen and broken thing.

He let my hand go to reach and cover the picture... or painting, but it was too late.

I saw a lady with brown hair, and violet eyes. I think... I saw this in my dreams before.

A lady who looked like me, except that I had silver hair and gray eyes.

The Semideus
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Votes and comments are highly appreciated!

Thank you for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro