Epilogue
Seductive
Maayos naman ang naging dalaw namin kay Fidez sa unang punta namin. Yun nga lang, si Kenzo at Andrew lang ang pinapansin niya na para bang sila lang ang kilala niya. Hinayaan ko na lang, mas ok na iyon kesa naman magaway kami.
"Ito, dagdagan mo" utos ni Gust sa make up artist na kinuha niya para sa aking kasal.
Kung hindi lang nagiba ang meaning ng awarding sa amin ni Kenzo ay sasabitan ko sana si Gust ng most hands on award. Ngunit hindi pwede, ang mga virtual medals ko ay para lamang kay Kenzo.
"Light lang ha..." paalala ko sa kanya. Hindi kasi ako kumportamble sa masyadong makapal na make up.
Pinandilatan ako ni Gust. "Mas marunong ka pa sa make up artist!?" asik niya sa akin kaya naman napanguso ako. Napakasiraulo!
Natahimik na lamang ako at hinayaan silang matapos. Hindi maalis ang titig ko sa malaking salamin sa aking harapan, may ring light din sa gilid at magkaiba ang nagaayos sa buhok at mukha ko.
Hindi ko maiwasanh mapangiti sa tuwing namomorblema si Gust sa kung ano. Pwede ng wedding planer ang isang ito.
"Mommy!" sigaw na lapit ni Kianna sa akin.
Kaagad akong kumawala sa naglalagay ng lipstick sa aking labi para harapin ang aking anak. Matamis ko siyang nginitian.
"Ang ganda ng baby ko..." puri ko sa kanya at maingat siyang hinalikan para hindi maiwan ang lipstick ko sa kanyang pisngi.
Napabungisngis siya. Gustong gusto niyang ang suot na gown at bagay na bagay din sa kanya ang flower crown na nasa kanyang ulo.
"Pero, Mommy. Ate na po ako di ba?" paalala niya sa akin kaya naman muli akong napatawa.
Marahan akong umiling. She will always be a baby for me. Hindi ko siya nakasama nung mga unang tan niya kaya naman hindi ako titigil na bumawi sa kanya.
"Yes, Ate ka na. But Baby ka pa din ni Mommy. Kayong dalawa ng baby brother mo" paliwanag ko sa kanya kaya naman inabot niya ako para yakapin.
Niyakap ko din siya pabalik. Mahal na mahal ko si Kianna. Kahit pa hindi naging maganda ang aming umpisa, mahal na mahal ko siya na kaya kong ipagpalit ang buhay ko para sa kanya. She is my daughter, she is from me. She is a part of me, at habang nabubuhay ako...hindi niya kailanman mararamdamam na walang nagmamahal sa kanya.
Nangingiti na lamang ako minsan. Sa tuwing naaalala ko ang mga kalokohan ko nung college. The college Sera doesn't have the idea of being a mother, hindi niya alam kung paano ang pagiging ina, hindi niya alam kung paano ang pakiramdam nito.
Kusa itong lumalabas sa oras na malaman mong nagdadalang tao ka. Kusa mo iyong nararamdamam sa oras na maramdaman mo na din ang anak mo sa loob ng sinapupunan mo.
College girls these days has no clue either. Pero naalala ko nuon, minsan ko na ding tinanong ang sarili ko. Isang hapon sa quadrangle habang tahimik ang lahat, at nakatulala ako sa kung saan.
Paano kaya pag naging ina na ako? Anong iisipin ng magiging anak ko sa akin? Ano kaya ang pakiramdam?
Lahat iyon ay nasagot ng dumating si Kianna sa akin. Nagulo ang mga tanong, nawala ang mga expectations. Ang tanging alam ko lang sa panahong iyon ay sobra ang saya ko.
"Kianna, rest baby girl. Para fresh pa din" maarteng suway ni Gust sa anak ko. Mabilis na tumango si Kianna para sundin ang tito Augustine niya.
Inirapan ko na lamang ito ng lumayo si Kianna sa akin para umupo sa may kalapit na sofa. Maingat siyang umupo na para bang well trained siya.
"That's my girl" pagbibida ni Gust sabay nagtaas ng kilay sa akin. Proud na proud ang gaga.
Napangisi na lamang ako. Masaya ako at may kaibigan akong kagaya niya na mahal na mahal din ang anak ko. Ipinangako ko nuon na hindi ko ipaparamdam sa magiging anak ko ang naramdaman ko habang lumalaki ako, at ngayon. Nakita kong never nga niyang mararamdaman iyon dahil marami ang nagmamahal sa kanya.
Parang akong lumulutang sa ere habang naglalakad sa ginta ng simbahan papalapit sa may altar.
Nang bumukas kanina ang malaking pintuan ng simbahan ay bumuhos ang aking luha na kaagad na sinuway ng umiiyak ding si Augustine.
"Ang make up!" suway niya sa akin. Kahot siya ay umiiyak din.
Natawa tuloy ako. Maging sina Mommy at Daddy ay ganuon din. Mas lalong maging espesyal sa akin ang araw na ito dahil ang maghahatid sa akin sa altar patungo kay Kenzo ay si Mommy at si Daddy.
Hindi kagaya ng trato ni Daddy kay Stella ay mas magaan ang trato niya kay Mommy, siguro ay dahil sa respeto na din sa isa't isa. Nasabi ko naman sa kanyang naging ina pa din si Mommy sa akin sa kabila ng mga nangyari.
Pareho silang naging emosyonal sa kalagitnaan ng aming paglalakad. Nginitian ko sila kahit maging ako ay emosyonal din. Sa dulo ng altar ay naghihintay si Kenzo sa akin.
Sa kanyang tabi ay sina Daddy Alec at Mommy Maria. Sa likuran ay ang kanyang mga kapatid. Napangisi tuloy ako, ano ba yan at magkakahawig ang mga loko.
"Nahilo ako anak..." natatawang bulong ni Mommy ng makita ang harapan.
Ang aura kasi ng magkakaptid ay pantay pantay. Lalo na kung magkakatabi sila ay walang naiiwan sa kanila. Walang naleleft out, pantay pantay ang pagsusumigaw ng dating nila.
Kahit pa ganuon. Nanatili ang aking mga mata kay Kenzo. Nakasuot siya ng puting threep piece suit, ibang iba sa dark na suot ng kanyang mga kapatid sa likuran.
Napanguso ako ng makita kong panay ang pahid niya ng kanyang mga luha. Panay din ang asar sa kanya nina Tadeo at Cairo. Si Piero ay walang ginagawa, nanatiling nakatayo sa likod at ang mga mata ay nasa kay Amaryllis. Addict amputa.
I dreamed of this day. Pinangarap kong makasal kay Kenzo, pinangarap ko ang lahat ng ito kaya naman naguumapaw ang saya ko ng ihayag ng pari na sa mata ng diyos, sa mata ng lahat ng mga taong nandito sa simbahan na magasawa na kami.
"You may kiss the bride"
Napuno ng palakpak ang buong simbahan. Kasabay ng pagangat ni Kenzo sa aking suot na belo ay parang nakita ko din kung paano bumukas ang langit para sa amin. Heaven rejoice with me, angels with harp is smiling above us. Hindi ko alam kung saan saan na umaabot ang imagination ko, pero isa lang ang alam ko. Naguumapaw ang saya ko.
"Finally..." sambit ni Kenzo bago niya inangkin ang aking labi.
Ginantihan ko ang kanyang halik sa akin. Ako pa ba? Laban ba kamo...hindi ako magpapatalo.
Matapos ang ilang picture taking ay dumiretso na din kami sa Mansyon para sa aming reception. Sapat ang laki ng aming garden para dito. Mas gusto din naman namin duon kesa sa iba pang venue.
More intimate, more special.
Nagpalit ako ng puting balloon dress na pakana din ni Augustine. Mas makakagalaw ako duon ng maayos kesa sa magarbo kong wedding gown. Yun nga lang ay masyadong exposed ang likod ko kaya naman panay ang hawak ni Kenzo sa hubad kong likod na akala mo ay matatakpan niya iyon.
"Siraulo talaga neto..." natatawang sabi ko dahil sa mga pakulo ni Gust sa aming reception program.
Naiyak ako sa pinanuod naming video. Lalo na't karamihan duon ay galing pa sa aming college days. Namiss ko tuloy magsuot ng kulay puting uniform. Namiss ko tuloy maging estudyante at tumambay lang kung saan saang parteng school para maghanap ng gwapong estudyante.
Binisita namin ang mga lamesa para batiin ang mga bisiya namin. Humalik ako kina Mommy at ate Stella. Ang gaganda din nila sa mga suot nilang dress.
"Please, stay for tonight" pakiusap ko sa kanila. Gusto ko pa silang makasama ng matagal sa special na araw kong ito.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumango sila ni Mommy sa akin tanda na dito sila magpapalipas ng gabi sa amin.
Naputol ang paguusap namin ng maramdaman ko ang pagaligid ni Kuya Frank sa aming tabi. Ano nanaman kaya ang problema nitong manok ko, naghahanap nanaman ata ng patuka para maging ganap siyang rooster.
"Uhm...yan lang ang kakainin mo?" tanong ni Kuya Frank kay Stella. Maging ako din tuloy ay napatingin sa pinggan ni Stella. Kaunti lang ang pagkain duon kaya naman tama lang na magtanong si Kuya. She needs to eat more.
Napalingon si Stella sa mahabang buffet table. Nagseserve naman ang ibang waiter sa mga lamesa pero mayroon pa din kaming buffet table na hinanda.
"Ok na ako dito" sagot pa ni Stella sa kanya.
Hindi tinanggal ni Kuya Frank ang matalim niyang tingin dito. "Eat more. C'mon, sasamahan kita" seryosong sabi ni Kuya sa kanya.
Nahihiyang tumingin si Stella sa akin. Tahimik siyang sumama sa kuya Frank ko para hindi na din magkagulo pa. Alam niya marahil sa hindi titigil si Kuya hangga't hindi niya ito sinusunod.
"Baby, sa table tayo nila Mommy" yaya ni Kenzo sa akin kaya naman kaagad akong nagpaalam kay Mommy para bisitahin ang table kung nasaan ang mga Herrer.
Sinalubong ako nina Amaryllis at Castellana ng yakap. Maging si Mama Maria ay ganuon din.
"Welcome to the family Hija..." nakangiting bati niya sa akin kaya naman uminit ang magkabilang pisngi ko.
Though, matagal na akong Mrs. Herrer. Ay iba pa din talaga ang pakiramdam na ikasal kayo sa simbahan. Kaya naman mas lalo kong naramdaman na kabilang na ako sa kanila. Si Mama Maria, si Castellana, si Amaryllis at ako...We are Mrs. Herrer.
Humalik si Cassy sa akin. Nakasuot siya ng kaparehong gown kagaya ng kay Kianna. Ganuon din naman si Prymer na ngayon ay nakakandong sa kanyang Daddy Piero na mukhang pagod na pagod.
"Ang likot kasi...napagod" natatawang kwento ni Amaryllis sa akin. Napatawa ako, bukod sa palamura din ang batang iyon ay maligalig. Kaya naman hindi talaga makasunod ang anak kong ayaw na ayaw mapagpawisan.
Maagang nagpaalam sina Abby at Apollo. Naiintindihan ko naman dahil may baby sila na naghihintay sa bahay.
"I'm so happy for you...finally!" nakangising yakap ni Abby sa akin. Sa kanyang likod ay ang nakangiting si Apollo.
Paano na lang kaya kung wala ang mga ito nung college days ko? Baka hindi na ako nakasurvive, bukod sa mahirap na course ay baka nabaliw na din ako kung magisa lang ako.
"Ingat kayo sa byahe. Salamat sa pagpunta. Catch up soon..."
Niyakap ko silang dalawa bago sila tuluyang nagpaalam para umuwi na. Pagkatapos nuon ay muli akong bumalik sa table nila Castellana kung saan ko nakita si Augustine na mukhang nagiging close na sa bestfriend ni Castel na si Ducusin.
"Yeah, try natin minsan"
Nagkasunod ang dalawa sa maraming bagay. Kagaya na lang ng bagong bar na susubukan daw nilang puntahan.
Hindi natapos ang pagbati namin sa mga bisita. Maging ang mga Jimenez ay nanduon din. Mas lalo kong nakilala ang mga kamaganak ni Kenzo sa side ng Daddy niya. Maging duon ay hindi ko mapagkakailang maganda nga talaga ang lahi nila.
"Si tito Luke at tita Samantha..." pagpapakilala niya sa akin dito.
"Si tita Elaine...at tito Axus"
Bumeso sa akin ang dalawang babae. Ang mga asawa naman nito ay kinamayan ako at binati. Duon ko din nakita si Eroz, na sinasabi nilang kaaway daw ni Cairo. Hindi ko alam kung ano eksato ang dahilan pero pansin ko nga ang hindi nila pagpapansinan.
"You should rest" malambing na bulong ni Kenzo sa akin ng mas lalo ng lumalim ang gabi.
Umarte ang katawan ko at eksaktong pagkasabi niya nuon ay humikab ako. Tinanguan ko siya at tsaka ako bahaghang humilig sa kanyang dibdib. Duon ko lang naramdaman ang pagod.
"Let's go" yaya ni Kenzo sa akin papasok sa aming bahay.
Wala na din ang mga bata at mukhang tulog na din dahil sa pagod. Sandali kong nilingon sina Mommy at Ate Stella. Nakampante ako ng makita kong nasa table pa din nila si Kuya Frank. Mabuti naman at natututo na ang aking manok.
"Paano ang grand awarding?" nakangusong tanong ko kay Kenzo. Hindi ko na ata kaya pa dahil sobrang pagod na ako.
Pinaupi niya ako sa paanan ng kama. Lumuhod siya sa aking harapan para siya na mismo ang magtanggal ng aking suot na heels.
Ngumisi siya sa akin kasabay ng pagpungay ng kanyang mga mata. "We can always have thay later...you should rest for tonight" malambing na sabi niya sa akin kaya naman tumango na lamang ako.
Kahit gaano ako kaaddict sa awarding ag may kapaguran pa din naman ang aking katawan. Maging ang pagbibihis sa akin ay si Kenzo na ang gumawa.
Mahimbing akong nakatulog ng gabing iyon. Bago iyon ay nagpaalam pa si Kenzo sa akin na aasikasuhin na muna ang mga naiwang bisita. Hindi na ako nagprotesta pa at hinayaan na lamang siya.
Nagising na lamang ako kinaumagahan dahil sa maliliit niyang halik sa akin. Nakapikit pa ang aking mga mata ay napangiti na ako.
"Morning...Mrs. Herrer" he said huskly.
Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. I will claim my grand reward later, kaya humanda ka Kenzo!
Bago pa kami bumaba sa dinning ay pinigilan na ako ni Kenzo.
"I don't want to stress you, but you need to know about this..."
"Ang?"
Ikinwento niya ang nangyaring kaguluhan kagabi. Kaagad akong nagalala para kay ate Stella, paano si Mommy? Anong masasabi niya sa nangyari?
"I think, Daddy should know about you and Ate Stella" suwestyon ko kay Kuya Frank.
Napahilamos siya sa kanyang palad. Dito siya nagpalipas ng gabi at hindi umuwi sa amin.
May ipinakilala daw si Daddy na isang Doctor sa kanya at hindi nagustuhan ni Daddy ang naging pagtanggi ni Kuya Frank dito. Makailang beses na daw kasi niyang ginawa ang mga pagtanggi kaya naman hindi na napigilan ni Daddy ang pagkainis.
"Pag nalaman ni Daddy na magkakaanak na kayo ni ate Stella, siguradong titigil na din siya sa pagreto reto sayo" paninigurado ko pa.
Hindi sila umimik na dalawa. Nakatingin lamang si Kenzo sa akin na para bang nagbabantay sa mga magiging reaksyon ko. Kumunot ang noo ko ng makita kong nanatili ang pagkakayuko ni Kuya Frank, hanggang ngayon ay namomorblema.
"Ayaw niya kay Stella. Nalaman niya..." paos na sabi nito kaya naman nanlaki ang aking mga mata.
"What did he do?" nagaalalang tanong ko sa kanya.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilanh dalawa ni Kenzo. Si Kenzo ay halatang walang balak na magsalita, hinahayaan niyang si Kuya Frank ang magkwento sa akin sa mga nangyari kagabi.
"Hindi niya matatanggap si Stella at ang magiging anak namin. Itatakwil niya ako sa oras na pakasalan ko si Stella"
Napatakip ako sa aking bibig. For sure, hindi naging maganda ang mga tagpo kagabi. Bakit ka ba kasi natulog ng maaga, Sera! Shit.
Napatayo si Kenzo at si Kuya Frank ng bumaba sina Mommy at Ate Stella mula sa aming second floor. Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa.
Nanatili ang kalmadong mukha ni Mommy. Hindi naman nagaangat ng tingin si Ate Stella na mas piniling yumuko na lamang.
"Uuwi na kami anak..." paalam ni Mommy sa akin. Kagaya ko ay ramdam ko ding gustong magprotesta ni Kuya Frank.
Tipid na ngumiti si Momny sa akin. "Babalik kami dito bago kami tumuloy sa Davao" sabi niya sa akin kaya naman nalaglag ang aking panga.
Napasingha si Kuya Frank kaya naman lumipat ang tingin ko sa kanya. Nanatili ang titig niya kay Ate Stella.
"Frank, Hijo. Wag kang magalala at hindi namin pababayaan ang anak mo. Sa oras na manganak si Stella ay bibigyan ka namin ng karapatan sa bata..." seryosong sabi ni Mommy sa kanya.
Maging ako ay parang namanhid sa aking kinatatayuan. Si kuya Frank naman ay parang ano mang oras ay maiiyak na.
"Hindi mo kailangang pakasalan ang anak ko. Ayoko din naman, lalo na kung ayaw sa kanya ng pamilya mo"
"Mommy. Gusto ko po si Ate Stella para kay Kuya..." singit ko. Parte naman ako ng sinasabing pamilya ni Mommy.
Tipid na ngumiti si Mommy sa akin at humalik sa aking pisngi. "Naiintindihan namin ang Daddy mo. Hindi kami naging mabuti sayo..." paliwanag ni Mommy pero napailing lang ako.
Tapos na iyon. Tapos na, kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit kailangang gamitin iyon na rason ng paulit ulit?
Wala na akong nagawa pa ng hindi na nagpapigil pa sina Mommy sa pagalis. Natahimik si Kuya Frank sa isang tabi hanggang sa magpaalam siya sa amin na uuwi para kausapin si Daddy.
"Sana maayos na nila ang problema nila. Naawa ako kay Ate Stella at sa magiging pamangkin ko. Ayokong malayo sila kay Kuya Frank" kwento ko kay Kenzo.
Nanatili ang yakap niya sa akin mula sa likuran. Matapos kumain ng breakfast ay bumalik kami sa kwarto para magpahinga. Wala siyang trabaho ng ilang araw.
Pareho kaming nakatayo sa may teresa at nakatanaw sa malayo. Kung makatingin kami sa view ay parang hindi namin iyon nakikita araw araw.
"Kaya na iyon ng manok mo" pangaasar niya sa akin kaya naman natawa na lamang din ako. Napaka siraulo din ng isang ito. Kitang nagdradrama ako eh!
Naramdaman ko ang pagsinghap niya at ang mas lalong pagsumiksik sa aking bandang leeg. Marahan akong humilig para mas lalo siyang bigyan ng espasyo duon.
"Ayaw din naman sa akin ng Daddy mo. Pero wala na siyang magagawa" natatawang sabi niya kaya naman napangisi din ako.
"Ibahin ko ako kay Kuya Frank. Hindi ko na palilipasin ang buong magdamag at ipipilit ko kay Daddy na ikaw ang gusto ko" paninigurado ko sa kanya.
Napangisi siya. "I know. Ang tapang mo kaya" pangaasar pa niya sa akin.
Mayabang akong tumango sa kanya. Kaya naman napatawa kaming dalawa. "Kagaya mo, matututunan din ni Dad na tanggapin si Ate Stella...kailangan niya lang ng oras"
Imbes na ang grand awarding ang pagtuunan ko ng pansin ay ang problemang iyon ang inasikaso ko ng mga sumunod na araw. Hindi naman ako hinayaan ni Kenzo na magisa dahil sinamahan niya akong kausapin si Daddy.
"Sa dinami rami ng babae!?" galit na sigaw ni Daddy ang naabutan namin.
Humigpit ang hawak ni Kenzo sa akin. Pero imbes na matakot ay mas lalo lamang akong nagengganyo na mas makalapit sa may sala kung nasaan silang dalawa.
"Dad please...anak ko iyon" pakiusap ni Kuya Frank. Alam kong kayang kaya niyang labanan si Daddy pero sinusubukan pa din niyang gawing maayos ang lahat.
"Subukan mo Frank at itatakwil kita" pagbabanta ni Daddy sa kanya kaya naman napasinghap ako.
Natigilan sila dahil sa aming pagdating. Napatayo si Kuya Frank at bigong tumingin kay Daddy.
"Kung ganuon Dad, tatanggapin ko ang pagtakwil niyo..." kalmadong sabi ni Kuya kaya naman kaming lahat ay natiglan.
"Pananagutan ko po ang mag ina ako" pinal na sabi ni Kuya bago niya kami iniwang tatlo duon.
Gusto kong maiyak sa saya para kay Ate Stella pero hindi ko magawa dahil nagaalala din ako para kay Daddy. Mahina ang kanyang puso at baka hindi niya makayanan ang problemang ito.
"Daddy..." nagaalalang tawag ko sa kanya ng nanghihina na lamang siyang napaupo sa may sofa.
Hindi namin siya iniwan ni Kenzo hanggang sa masigurado naming maayos na ang kanyang lagay.
Panay din ang contact ko kay Kuya Frank kung nasaan siya, maging si Ate Stella ay sinubukan ko ding tawagan.
"May kukuhanin lang ako sa clinic" sabi ni Kenzo sa akin kaya naman sumama ako sa kanya patungo sa hospital.
Tuwang tuwa si Linda ng makita kami. Panay ang bati ng congratulations kahit nanduon din naman siya sa aming kasal.
Dumiretso ako sa swivel chair ni Kenzo at pinasayaw sayaw iyon. Naging abala siya sa paghahanap ng ilang mga papels kaya naman naging abala din ako sa pagtetext sa mga kapatid ko.
Kuya Frank:
Papunta akong bulacan ngayon.
Napatayo ako at napasinghap ng malaman ang kanyang binabalak. Nagtaas ng tingin si Kenzo sa akin. Lumapit siya at siya na ngayon ang pumalit sa may swivel chair.
Marahan niya akong hinila paupo para kumandong sa kanya.
"Masyado mong pinoproblema ang problema ng Kuya mo. Kaya na niya iyon" suway niya sa akin kaya naman napanguso ako.
"Eh syempre..." balik ko sa kanya.
Napangisi siya kaya naman nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Uhmm...may isa pa pala akong problema" nakangising sabi ko sa kanya kaya naman natawa din siya.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanyang leeg bago ko pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang clinic.
"Doc. Can I claim my grand reward now?" malambing na sabi ko sa kanya.
Nakatitig si Kenzo sa akin. Naglalaro ang mga ngiti sa kanyang labi.
"Damn baby, sa bahay na..." natatawang sabi niya sa akin pero nagprotesta.
"Ang weak! Binayagan na natin itong clinic mo!" laban ko sa kanya.
Nagtaas siya ng kilay sa akin. Nagtaas din ako. Aba aba! Lumaban ka, ikaw ang rooster ko. Dapat ay hindi ka umaatras sa sabong!
"Wag mo akong hinahamon, Mrs. Herrer. Hindi mo alam kung ilang beses kong naisip ito..." pangaasar niya sa akin kaya naman napatawa ako.
"Ohh...sounds exciting" pangaasar ko kaya naman nakailang mura si Kenzo bago ako napahiyaw ng inisang buhat niya lamang ako at marahang inilapag sa itaas ng kanyang lamesa.
Damn. I'm so inlove with this Seductive Doctor.
(A/n) Watch out for Special Chapter
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro