Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Pagpili




Gusto kong tumakbo paalis duon. Pero nanghihina ang aking mga tuhod dahil sa matatalim at mapanuyang tingin sa akin ni Fideliz. "Hindi ka na dapat pumunta dito, hindi ka ba makapaghintay na puntahan ka na lang ni Kenzo?" inis na sabi pa niya sa akin kaya naman naikuyom ko anh aking kamao. Humigpit ang pagkakahawak ng aking isang kamay sa tupperware ba may lamang cookies.

Bago pa man ako makapagreact ay kaagad ng lumapit sa akin si Kenzo. "Shut up Fideliz. Walang ginagawang masama sa inyo ang girlfriend ko para ganyanin niyo" galit na sabi sa kanya ni Kenzo kaya naman napaawang ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kaibigan.

"Seriously Kenzo. Seryoso ka talaga sa batang iyan?" mapanuyang tanong niya, halos lumuwa ang kanyang mga mata dahil sa pagkagulat.

"Sinong bata? Hindi bata si Sera" giit ni Kenzo sa kanya kaya naman mapanuyang natawa si Fidez.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi. "Respetuhin niyo si Sera kung paano niyo ako nirerespeto. Utang na loob mahal ko yung tao!" galit na sabi pa niya sa kaibigan at hindi na napigilang tumaas ang kanyang boses.

Parang tumalon ang puso ko dahil sa sinabing iyon ni Kenzo. Mahal daw niya ako, tangina.

Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito at tsaka ako hinarap. Hindi na siya nagsalita pa ng hilahin niya ako pababa ng AMS building. Patuloy pa din ang pagpatak ng aking mga luha habang pababa kami duon. Pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Pagkalabas ng AMS building ay idiniretso  niya ako sa may botanical garden sa gitna ng CAS at AMS building. Marahan niya akong iginaya paupo sa may isang bench.

"Sorry. Sorry sa nangyari" malambing na pagaalo niya sa akin bago niya marahang pinunasan ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha.

Hindi ako umimik. Nanatili ang aking mga mata sa aking mga hita. "Para sa akin ba ito?" tanong niya sabay kuha ng tupperware na may lamang cookies. Umupo siya sa aking tabi. Hindi ko pa din siya pinapansin. Tangina talaga nilang lahat, mga hayop talaga.

Mula sa aking gilid ay nakita kong binuksan niya yung tupperware. Nabigla ako ng mabilis niya akong hinalikan sa aking pisngi.

"Happy weeksary baby" malambing na bati niya sa akin kahit pa ramdam ko sa kanyang boses na malungkot siya.

Siniko ko siya para lumayo sa akin. "Baby mo mukha mo. Ayoko na sayo tangina!" pagtataboy at mura ko sa kanya bago muling nagsituluan ang aking masasaganang luha dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Hind siya nagsalita. Bagkus ay mas lalo pa akong nainis ng umayos siya ng upo at nagsimulang kumain ng cookies na ibinigay ko sa kanya. "Tangina. Nananahimik ako tapos wala naman akong ginagawa sa inyo" umiiyak pa ding sumbong ko. Ang gagong Kenzo hindi ako pinansin patuloy lang ang hayop sa pagkain.

"Break na tayo. Ayoko na!" asik ko ulit sa kanya bago ako muling naiyak. Hindi ko naiwasang maubo dahil duon.

"Magsama sama kayong lahat" mumunting pahabol ko pa.

Nagulat ako ng bigla akong subuan ni Kenzo ng cookies habang umiiyak ako. "Ayoko. Gutom lang yan" seryosong sabi niya sa akin kaya naman muli akong naiyak sa inis.

Susubuan sana niya ulit ako nang mabilis kong pinatalo ang kanyang kamay. "Tangina ka! Kita mong mabibilaukan ako, pasubo subo pa kasi eh!" galit na suway ko sa kanya.

Nilapitan niya ako bago niya ikinulong ang magkabilang pisngi ko gamit ang kanyang mga kamay. "Walang magbrebreak. Hindi ako papayag" maawtoridad na sabi niya sa akin.

"Palagi na lang akong inaaway dahil sayo. Ayoko ng maging girlfriend mo" sumbong ko pa sa kanya.

"Kung sinong umaway sayo, isumbong mo sa akin. Magsumbong ka Sera...boyfriend mo ako" madiing pagpapaintindi niya sa akin.

Sinimangutan ko siya. "Basta break na" laban ko sa kanya.

"Ayoko" matigas na laban niya sa akin kaya naman muli kong naikuyom ang aking kamao.

Tinitigan ako ni Kenzo bago niya dahan dahang inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Naka tatlong mura ka na..." sabi niya sa akin na ikinagulat ko. Dahil duon ay kaagad niyang inangkin ang aking mga labi.

"Happy weeksary" nakangiting bati niya muli sa akin kaya naman hindi na ako umimik. Muli niyang pinahiran ang aking mga luha. "Magcelebrate na lang tayo..." yaya niya sa akin.

Hinila niya ako palabas ng 2nd gate sa may PJP building. Nadaanan namin ang dentistry building papunta sa may parking lot. Napahinto si Kenzo ng makasalubong ang ilan sa mga kaklase niya.

"Girlfriend ko nga pala" pagpapakilala nanamam niya sa akin. Imbes tuloy na maging proud ay napapayuko na lamang ako. Hindi ko kinakahiya si Kenzo bilang boyfriend ko, nahihiya ako para kay Kenzo dahil ako yung girlfriend niya.

Sa nangyari kanina siguradong kalat na sa mga kaklase at ilang mga kaibigan niya ang tungkol sa amin. Kahit papaano ay naiintindihan ko si Fideliz. Nagaala lang siya para sa kaibigan niya. Mali lang siya sa part na kailangan niya akong pagsalitaan ng masama dahil wala naman akong masamang ginawa sa kanya.

"May gusto ka bang kainin?" tanong sa akin ni Kenzo kaya naman napanguso ako at kaagad na nagisip.

"Gusto ko ng Pizza" sagot ko sa kanya kaya naman kaagad siyang tumango.

Naglakad kami patungo sa parking space ng university. Natanaw ko ang pagilaw at pagtunog ng kulay asul na BMW X1. Pinagbuksan muna ako ni Kenzo ng pintuan at maingat na pinasakay bago siya umikot pasakay sa may driver seat.

"Sa north na lang tayo. Ihahatid naman kita pabalik dito sa dorm mo" sabi pa niya sa akin na kaagad ko lamang tinanguan. Humilig pa ito para abutin ang seatbelt at siya na mismo ang nagkabit nuon.

"Ngiti na" malambing na sabi niya sa akin pero imbes na ngumiti ay napanguso lamang ako. Nakita ko ang pagbaba ng tingin ni Kenzo sa aking mga labi. Bayolente akong napalunok at ganuon din siya, kitang kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya bago niya muling kinabig ang aking bato para halikan.

Nagpaubaya ako kay Kenzo. Hinayaan ko siyang angkinin iyon. Sa huli ay kapwa namin hinabol ang aming paghinga dahil duon. "Your lips is so addicting..." paos na sabi niya sa akin kaya naman muli kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo sa aking batok at braso.

"That's mine. Ako lang ang hahalik diyan" seryosong sabi niya kaya naman kaagad akong naiwas ng tingin. Tahimik ako sa byahe habang papunta kami sa north. Hindi ko naiwasang bisitahin ang back seat ni Kenzo. May ilang mga sapatos, extra uniform, may unan at ilang nakatuping damit.

Narinig ko ang kanyang pagngisi ng makita niyang nakatingin ako duon. "Pasencya na medyo magulo" nahihiyang sabi pa niya sa akin.

Napailing ako. "Ang organize nga eh" puri ko pa sa kanya kaya naman naramdaman ko ang bahagya niyang pagsulyap sa akin.

Pagkadating sa north ay dumiretso kami sa annex at pumasok sa may Pizza hut. Si Kenzo na ang hinayaan kong mamili ng ibang pagkaing gusto niya dahil pizza lang naman ang gusto ko. Mula sa aking kinauupuan ay nakita kong nagaagaw na ang dilim at liwanag.

Nakuha nito ang atensyon ko ng hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa may lamesa. "Ok ka na?" nagaalalang tanong niya sa akin. Inirapan ko siya.

"Pag inway pa ulit ako ng Lola Fidez mo paguuntugin ko na talaga kayong dalawa" masungit na pagbabanta ko pa sa kanya na ikinatawa niya.

Tumayo ito mula sa kaharap kong upuan para tumabi sa akin. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. "Wag kang magalala, kakausapin ko si Fidez" paninigurado niya sa akin kaya naman nagiwas na lamang ako ng tingin sa kanya.

"Gusto kasi ata niya si Mandee para sayo" nakangusong sagot ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko yung titig sa akin ni Kenzo kahit pa hindi ako nakatingin sa kanya. "Eh ikaw yung gusto ko. Hindi naman si Mandee" laban niya sa akin. Pinaglaruan ko yung mga daliri ko habang nakapatong pa din sa lamesa ang aking mga kamay.

"Kung si Mandee ang gusto ko, edi sana siya ang kasama kong magweeksary ngayon" nakangising pangaasar pa niya sa akin kaya naman sumulyap ako sa kanya.

"Bakit mo ba kasi ako gusto?" inis pang tanong ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay tahimik pa sana ang buhay ko ngayon at walang umaaway sa akin.

Hinalikan niya ako sa may bandang sintido. "Kasi gusto kita..." paos na sambit niya muli.

"Ako nga hindi nga kita gusto eh. Pero boyfriend kita" pangaasar ko sa kanya na ikinatawa niya.

Nilingon ko siya dahil duon. Tinaasan niya ako ng kilay. "Kaya pala may pa cookies ka sa weeksary natin" pangaasar niya sa akin kaya naman sumama lang ang tingin ko sa kanua dahil alam kong talo na ako. Wala na akong panaman duon. Ang gagang si Abby talaga ang may pakana nito.

Umayos ng upo si Kenzo pagkadating ng order namin. Tahimik lamang akong kumain katabi niya. Pagkatapos nuon ay naglibot pa kami sa may north. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay naming magkasiklop.

"Oh teka dadaan ako ng watsons. Wala na akong eye cream" pagpigil ko sa kanya tsaka ko siya hinila papasok duon. Wala nang nagawa pa si Kenzo. Pagkapasok na pagkapasok ay mabilis kong binitawan ang kanyang kamay para makapili ako ng mga kailanga ko. Naramdaman ko siyang tahimik lamang na nakatayo sa aking likuran.

"Nilalagay mo lahat yan sa mukha mo?" naaamaze na tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Oo para ito sa eyebags" sabi ko pa sabay tingin sa kanya. Tangina med student ba talaga ito mas mukha pa fresh kesa sa akin ang gago.

Napasimangot ako dahil duon. Natawa si Kenzo ng makita niya iyon. "Oh bakit?" nakangiting tanong niya sa akin na mabilis ko lang inilingan.

Pagkadating sa counter ay kaagad kong nilabas ang wallet ko. Pero nagulat ako ng nauna ng nagabot ng cash si Kenzo. "Ako magbabayad niya. Akin yan eh" pagpigil ko sa kanya.

Umiling si Kenzo. "Ako na baby...sabi mo nga para yan sayo" sabi pa niya sa akin kaya naman imbes na ngumiti ay inirapan ko na lamang siya.

"Ah basta wag mo yang isusumbat sa akin pag nagbreak tayo. Baka mamaya ifacebook mo pa ako" laban ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Kung magbrebreak tayo" mapangasar na sabi pa niya sa akin kaya naman mulo ko siyang sinamaan ng tingin. Uminit ang pisngi ko ng makita kong nakangisi ang cashier sa harapan namin.

Mabilis kong inilagay iyon sa loob ng aking bag. Kaya naman muling pinagsiklop ni Kenzo ang aming mga kamay. "May gusto ka pa bang bilhin?" tanong niya sa akin na kaagad kong inilingan.

Tumango ito sa akin. Bago niya ako hinila papasok sa botique na puno ng stuff toys. "Sino ba ang favotite mo?" tanong niya kaya naman muli kong inilibot ang aking paningin.

"Wala naman akong favorite. Sino bang favorite mo?" balik na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin. "Ikaw ang favorite ko" sagot niya sa akin.

"Gago!" asik ko sa kanya tsaka ko siya initapan.

Lumabas kami duon na may dalang isang malaking paper bag. Binilhan niya ako ng malaking bear. Puting puti iyon na halos mahihiya ang dumi na dumikit sa kanya.

"Bawi ako sa monthsary natin. Pasencya ka na may exam kasi ako kanina" pagod ba sabi ni Kenzo sa akin nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng aking dorm.

Umiling ako sa kanya. "Hindi mo kailangang bumawi. Ang dami mo nang ginawa para sa akin. Cookies lang naman ang naibigay ko sayo" nahihiya pang sabi ko sa kanya. Nginitian ako nito, kahit pa kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagod marahil ay sa pagrereview.

"Malaking bagay sa akin na boyfriend mo ako at girlfriend kita. You inspire me Sera..." malambing na sabi pa niya sa akin kaya naman muli ko nanamang naramdaman ang paginit ng aking pisngi.

Hindi ako nakapagsalita lalo na ng marahan niyang haplusin ang aking pisngi. "I hope i inspire you the way you inspired me..." sabi pa niya kaya naman tipid akong ngumiti. Tangina Sera, magpigil ka.

"Umuwi ka na. Alam kong pagod ka, thank you for today" sabi ko pa at kaagad anong humilig para halikan siya sa pisngi. Nagulat si Kenzo duon pero sa huli ay mas lalo lamang lumaki ang kayang ngiti.

Yakap yakap ko ang malaking bear na ibinigay sa akin ni Kenzo. Hindi pa din ako makatulog habang paulit ulit na bumabalik sa aking isip ang mga katagang sinabi niya sa akin. Mahal niya ako, mahal ako ni Kenzo at hindi niya ako ikinakahiyang ipakilala sa mga kaibigan at mga kaklase niya.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi habang dinadama ko kung paano lumambot ang aking puso. Si Kenzo lang ang nagparamdam sa akin na kahit papaano ay special akong tao. Na pwede din akong ipagmalaki kahit na mahina ako at kadalasang sinasabihang bobo.

Kahit hindi ako nakatulog ng maayos nung gabing iyon ay maaga akong nagising kinaumagahan. Ako muli ang nagbukas ng mga ilaw sa hallway. Kahit magisa ay walang takot akong pumasok sa room namin, mabilis kong inilabas ang handouts ko. Nagbasa ako kahit ang totoo ay tamad na tamad ako, pinilit kong magbasa kahit pa inaantok ako.

"Ayoko na magreview. Nababaliw na ako!" problemadong sabi nang kararating lang na si Abby. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin kaya naman napaPeace sign siya.

Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at sa aking handouts. "Totoo ba to, nagrereview ka talaga?" naamaze na tanong pa niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

"Magrereview na ako. Pare hindi na mapahiya si Kenzo sa mga kaklase niya pag pinakilala niya ako" kwento ko kay Abby.

Inilapag niya ang kanyang backpack sa lamesa sa aking harapan. "Maganda nga yang nagrereview ka. Pero pansin ko naman hindi ka naman ikinakahiya ni Doc Kenzo eh. Sabi mo nga proud na proud pa siyang ipakilala ka sa mga kaibigan niya" sabi nito sa akin kaya naman napanguso ako.

"Eh kasi ayaw sa akin ng mga kaibigan niya. Kung magiging matalino ako at magaaral ng mabuti baka hindi na ako awayin nung Lola Fidez na iyon" kwento ko pa kay Abby kaya naman sa huli ay nanahimik na lamang din siya para makapagreview ako.

Buong akala ko ay magrereview siya kasama ako. Pero ng lingunin ko ito ay kaagad akong napasapo sa aking noo ng makitang nakadukdok nanaman siya sa kanyang desk at natutulog. Kahit gustong gusto ko ding matulog ay pinigilan ko ang aking sarili. Muli kong itinuon ang buong atensyon ko sa handouts na binabasa ko.

Pagkatapos ng quiz ay pikit mata kong tiningnan ang score ko. Halos mabato ako sa aking nakita. 38 over 50 iyon!.

"Ang galing mo Sera, sabi na kaya mo yan kung gugustuhin mo eh. Ipakita mo yan mamaya kay Doc Kenzo" excited pang sabi ni Abby sa akin kaya naman lumaki ang aking ngiti at kaagad na naexcite na ipakita iyon kay Kenzo.

Halos mainip ako sa mga sumunod na klase. Gustong gusto ko nang maguwian kami para makita ko na siya. Ilang beses akong nagmessage sa kanya na magkita kami pero hindi siya nagrereply sa akin.

"Edi puntahan mo siya sa building nila" suwestyon niya sa akin kaya naman bumagsak ang aking balikat.

"Ayoko, makikita ko nanaman yung mga kaklase ni Kenzo. Baka mamaya mapaaway nanaman siya dahil sa akin" malungkot na sabi ko kay Abby kaya naman naging malungkot din ito para sa akin at tsaka ako hinawakan sa aking balikat.

Nagpaalam si Abby sa akin na uuwi na siya matapos niya akong samahang maghintay kay Kenzo nang halos isang oras sa labas ng building nila. Hindi pa din mawala ang tingin ko sa score ko. Malaking bagay na iyon para sa akin, pinaghirapan ko iyon.

Napatayo ako ng marinig ko ang boses ni Andrew habang palabas siya ng med building. May mga kasama siyang kaklase at nagtatawanan sila. "Andrew si Kenzo?" nakangiting tanong ko sa kanya. Kita ko ang pagkailang niya sa akin kaya naman nakaramdam ako ng hiya.

"Nasa itaas pa" tipid na sagot niya sa akin at mabilis na sana siyang magpaalam ng kaagad ko siyang pinigilan.

"Sorry sa nangyari kahapon" mahinang sabi ko pa kahit alam ko sa sarili ko na wala naman akong kasalanan sa kanila. Sila ang unang nagsalita ng masama sa akin.

Tipid ako nitong nginitian. "Walang kaso sa akin iyon Sera. Gusto kita para sa kaibigan ko, ang hindi ko lang matanggap eh kailangang magkasira kaming magkakaibigan dahil dito" malungkot na sabi niya sa akin kaya naman nabato ako.

Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya ang kaso ay mabilis na siyang nagpaalam sa akin. Tangina, ako pa ngayon ang naguguilty at pakiramdam ko ako pa ang may kasalanan.

Nang kalahating oras pa ang lumipas at hindi pa din lumalabas si Kenzo ay inipon ko na ang lahat ng tapang ko at pumasok ako sa med building. Sumakay ako sa elevator paakyat sa 6th floor. Paglabas ko sa elevator ay katahimikan kaagad ang sumalubong sa akin. Natakot pa akong lumabas nung una dahil baka imbes na si Kenzo ang makita ko dito eh makakita pa ako ng multo. May mga bangkay pa naman sa 11th floor.

Dahan dahan akong naglakad at tsaka sumilip sa bawat room. May ilan pang estudyanteng nageexam kaya naman pala sobrang tahimik pa.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?"

Napaiktad ako sa gulat dahil sa biglaang tanong nito sa akin. Bumagsak ang balikat ko ng makita kong si Fidez iyon. "Hinihintay ko si Kenzo" sagot ko sa kanya. Nagiwas kaagad ako ng tingin dahil baka hindi ko mapigilang tarayan siya.

Napahigpit ang hawak ko sa test paper ko. "Alam mo bang napagalitan si Kenzo dahil sa nangyari kahapon? Hindi mo ba naisip ba pwedeng nakaapekto sa kanya yon?" paninisi niya sa akin kaya naman kaagad humaba ang aking nguso.

"Tahimik lang naman akong naghihintay kahapon kay Kenzo tapos yung mga kaklase mo yung..."

Hindi na niya ako hinayaang matapos sa aking sasabihin. "Eh bakit ka magagalit sa kanila. Totoo namang mahina ka..." mapanuyang sabi pa niya sa akin kaya naman bumigat ang aking dibdib. Tangina talaga neto kinacareer talaga ang pamamaliit sa akin.

"Oh bakit, nagaaral na ako ngayon. Kaya nga ipapakita ko kay Kenzo itong score ko" pagbibida ko sa kanya sabay wagayway ng test paper ko sa harapan niya.

Mapanuya siyang ngumisi. Nagulat ako ng agawin niya sa akin ang test paper ko. Napatawa siya ng makita ang score ko. "Ito na iyon Sera...totoo?" mapanuyang tanong niya sa akin kaya naman sumama ang tingin ko sa kanya.

"Wag mo nga yang maliitin. Pinaghirapan ko yan" inis na sabi ko sa kanya at tinangkang kukuhanin muli ang papel ko ng inagaw niya sa akin ng bigla niya iyong inilayo.

Nanlaki ang aking mga mata nang lukutin niya iyon at kaagad itinapon sa katabi naming basura. "Bakit mo ginawa iyon!?" galit na tanong ko sa kanya pero nginisian niya lamang ako.

Tangina!. Sa sobrang inis at hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad kong hinila ang buhok niya. "Let go of my hair!" asik niya sa akin habang hila hila din niya ang buhok ko. Hindi ako nagsalita, gigil na gigil kong winasiway ang buhok niya.

Nakarinig kami ng ilang mga pagsaway galing sa ibang estudyante. Hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak ko sa lupa ng itulak ako palayo ni Andrew kay Fidez.
Napadaing ako dahil sa malakas na pagkakabagsak ng aking pangupo sa sahig. Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ko ginawa.

Masama ang tingin ni Fidez sa akin. Ganuon din si Andrew. Hindi ko siya masisisi kaibigan niya iyon. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paghiyaw ng ilang mga estudyante ng humahangos na lumapit si Kenzo sa kaibigan at kinwelyuhan ito.

"Bakit mo itinulak!?" galit na tanong niya dito. Hindi lumaban si Andrew nanatili siyang nakipagtitigan sa galit na si Kenzo.

"Sinasaktan niya si Fidez. Tangina Kenzo kaibigan mo ito" frustrated na sabi ni Andrew sa kanya.

"Hindi pa din tamang itulak mo Sera. Andrew girlfriend ko yan!" asik niya sa pagmumukha nito.

Tumigas ang mukha ni Andrew. Pero kita ko ang pagkalma ni Kenzo ng hawakan ni Fidez ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ni Andrew.

"Pipiliin mo siya over us Kenzo. Ilang taon na tayong magkakasama. Tatalikuran mo kami para sa kanya?" mangiyak ngiyak na tanong ni Fidez.

Namanhin ang aking buong katawan. Kita ko ang pagkabato ni Kenzo. Unti unting tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Pinapapili nila si Kenzo kung ako o sila. Tangina nila. Magsama sama na lang talaga sila.

Kahit hirap ay tumayo ako. Napangiwi pa ako dahil sa pagsakit ng aking balakang. Hindi na ako umaasang pipiliin ako ni Kenzo. Pare pareho lang silang lahat, para silang si Daddy.

Kahit gaano ko paghirapan ang isang bagay. Basura ang tingin nilang lahat dito. Kaya kahit gaano ako mageeffort walang pumipili sa akin.

Never ko pang naranasang piliin ako.










(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro