Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Baby bottles








Hindi na kami nagsayang pa ng oras pagkatapos naming kumain ng lunch ay kaagad na akong nagyaya para pumunta sa hospital. Gusto kong puntahan si Kenzo, gusto kong damayan at suportahan ang asawa ko.


"It's not advisable na pumunta kayo duon ng apo ko. Parte ng malaking pamilya ang involve dito, siguradong may media duon" paalala sa akin ni Daddy.


Napatango ako at napatingin kay Kianna. Hanggang sa bumalik ang tingin ko kay Daddy, alam kong sasama siya sa akin papunta sa hospital ni Kenzo, pero parang mas gusto kong ako na lang muna magisa. Baka mamaya ay kung ano pa ang sabibin ni Daddy dito, kagaya na lamang kanina.


"Kianna. Do you want to stay in Lolo's house? May pupuntahan lang si Mommy" malambing na sabi ko sa aking anak. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito ay napatango tango.


"Yes, Mommy!" excited na pagasangayon niya sa akin. Gustong gusto niya duon dahil spoiled na spoiled siya at parang prinsesa pa nanduon. Not that, hindi siya ganuon sa aming bahay pero mas exaggerated sina Dad at Kuya Frank kung sundin ang mga gusto ng aking anak.


Mula sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang kagustuhan ni Daddy na umalma pero hindi na niya nagawa dahil nakita niya kung paano natuwa ang pinakmamahal na apo dahil sa aking ideya na ginawa.



"Sasamahan kita sa hospital. Hindi ako makakapayag na ikaw lang, Frances" suway ni Daddy sa akin kaya naman napanguso ako.


"Magdadala na lang po ako ng isa sa mga bodyguard niyo, Daddy. Para makampante kayo" suwestyon ko sa kanya. Tipid ko siyang nginitian, walang kawala si Daddy sa aking plano. Mas gusto kong magstay sila ni Kianna sa bahay kesa naman kasama ko silang puntahan si Kenzo.


Napabuntong hininga si Daddy, mukhang tanggap na niya ang kanyang kapalaran na didiretso sila uwi at wala na siyang magagawa.


"Asaan ba ang Kuya Frank mo? Palagi na lang siyang nawawala" problemadong saad ni Dad.


Tipid akong napangiti sa kanya at nagiwas ng tingin. Sigurado akong na kay Stella naman iyon, ayos lang sana basta ba maayos din ang pakikitungo niya dito. And speaking of that, siguradong matutuwa din si Daddy pag nalaman niyang magkakaapo na siya kay Kuya Frank. Excited na tuloy ako para dito. Isang Del prado ang pinagbubuntis ni Stella and that baby, deserves the world.



Ilang protesta pa ang natanggap ko kay Daddy bago nila ako tuluyang ibinaba sa tapat ng Hospital. Kagaya ng unang plano ay isang body guard ang ipinasama niya sa akin kahit hindi naman talaga kailangan, pumayag lang ako para makampante siya.



"Good afternoon. Mrs. Herrer" bati sa akin ng Guard na ginantihan ko ng tipid na ngiti.


Nagulat ako ng mula sa gilid ng entrance ng hospital ay mabilis na lumapit sa akin ang mga reporter. Mukhang kanina pa sila duon at naghihintay ng ilalabas na statement ng hospital.


"Mrs. Herrer, ano pong masasabi niyo..."  kinain ng ingay at tulakan ang mga tanong na ibinabato nila sa akin.


Mabilis na humarang ang Guard at ang Bodyguard na ipinadala sa akin ni Daddy. Mula sa loob ng hospital ay may dalawang Guard pa ang tumakbo para tumulong sa amin. Mabilis akong napayakap sa aking sinapupunana sa takot na mas lalo pang lumala ang tulakan.


Maging ang mga empleyado tuloy sa loob ay sandaling natigil at nakinuod sa nnagyayari. Nang tuluyan akong maipasok sa loob ay duon lamang ako nakahinga ng maluwag.


"Salamat..." sabi ko sa bodyguard ni Daddy. Kainis at nakapoker face lamang ito. Hindi ba sila friendly? Ang attituted ha!


Tinapunan ko ng tingin ang ilang nurse na nakakasalubong ko ngunit mabilis silang napayuko at ang iba ay sinadyang umiwas ng tingin sa akin. Napaawang ang bibig ko, naramdaman ko ang pagiging tahimik ng hospital. Tahimik naman talaga duon pero iba ang katahimikan ngayon, alam mong may nangyari.


Napabuntong hininga na lamang ako at dumiretso na sa clinic ni Kenzo. Bago pa man iyon ay ilang Doctor ang nakita kong nakakumpol ay naguusap. I don't want to judge them na nagchichismisan, baka naman may importante lang na pinaguusapan?


Nang lumiko ako sa hallway papunta sa clinic ni Kenzo ay nagulat si Linda sa aking biglaang pagdating. Kita sa kanyang mukha ang pagaalala.


"Mrs. Herrer, buti po at nandito na kayo" she said in relief.


Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. Napatingin ako sa saradong pintuan ng clinic ni Kenzo, ganuon din ang ginawa ni Linda.


"Hindi po siya makausap. Ilang Doctor na po ang pumunta at tinanggihan niyang kausapin" malungkot na kwento niya sa akin.


Mas lalong bumigat ang dibdib ko para dito. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa kanyang clinic, dahan dahan pa nga ang ginawa ko.


"Linda, please..." pagod na sabi ni Kenzo. Mukhang kanina pa siya paulit ulit na sinasabi iyon kay Linda sa tuwing may magtatangkang kumausap sa kanya.


Napanguso ako ng makita ko ang ayos ni Kenzo ngayon. Ang kanyang kawawang white coat ay wala sa ayos na nakalapag sa itaas ng kanyang lamesa. Malayong malayo sa maayos na pagkakasabit dito sa likod ng kanyang swivel chair sa normal na araw.


Ang kanyang isang siko ay namamahinga sa armrest ng kanyang swivel chair at ang kamay ay pilit na hinihilot ang kanyang sintido na para bang may masakit dito.


Dumiretso ako sa kanyang table. Dahil sa aking ginawa ay nagangat siya ng tingin. Pumungay ang kanyang mga mata at bayolenteng napasinghap ng magtama ang aming mga mata.


Tahimik siyang nanuod sa akin ng dumiretso ako sa kanyang lamesa at maingat na inayos ang kanyang white coat para hindi ito tuluyang malukot. For us in medical field, sobrang laki ng respeto namin sa white coat namin. It defines us, being part of the health care professionals. Depende din iyon sa position mo kung gaano kahaba ang white coat mo.


"Baby, why are you here?" malambing na tanong ni Kenzo sa akin pero ramdam ko ang lungkot.


Napanguso ako at kaagad na lumapit sa kanya. Napaayos siya ng upo, imbes na humila ng ibang upuan ay kumandong na lamang ako sa kanya. Mabilis na pumulupot ang kamay niya sa aking bewang para hindi ako mahulog.


Humalik kaagad siya sa aking pisngi ng makaayos na ako ng pagkakaupo sa kanyang kandungan. Pinilit niya ang sarili na tumingin sa akin pero mabilis ding napapaiwas ng tingin na para bang nahihiya siya sa akin. Ilang sandali kong hinayaan na maghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago ako nagsalita.


"Mukha ba akong artista? Pinagkaguluhan kasi ako ng mga reporter kanina sa baba" nakangising tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano pagaanin ang mood sa pagitan naming dalawa kaya naman iyon na lamang ang nasabi ko.


Napanguso si Kenzo kaya naman mas lalo niya akong hinila palapit sa kanya. "Uh huh. Bawal ka na palang ilabas ngayon" pagsakay niya sa biro ko.


Hinuli ko ang kanyang mukha, ikinulong ko ang magkabilang pisngi niya sa aking mga palad. Dahil sa aking ginawa ay mas natitigan ko siya. Kenzo is need a God's gift to woman. And that woman is me...sa akin lang. Thank you Lord for this wonderful man in front of me. I so love him, and I will love him forever.


"I'm so proud of you" malambing na sabi ko sa kanya bago ko pinatakan ng halik ang tungki ng kanyang ilong.


Namula ang kanyang mga mata kaya naman pinilit niyang magiwas ng tingin sa akin. Muli akong lumapit sa kanya at ang kanyang magkabilang mata naman ngayon ang hinalikan ko kaya napapikit si Kenzo.


"Baby, you did well. Pero baka hanggang duon na lang talaga siguro" sabi ko sa kanya.


Yes, Doctors do save life. Pero wala sa kanilang kamay ang buhay ng tao. It's still in God control. Kahit gaano pa kagaling ang isang Doctor kung ang Diyos na mismo ang nagsabing hanggang dito na lang...hanggang dito na lang.


"He died in my hands" malungkot na sumbong ni Kenzo sa akin.


Isang anak na lalaki ng dating politiko ang pasyente nila. Base sa nalaman ko, may brain tumor ang pasyente. It's Kenzo's expertise, together with Oncologist.


Marahan akong umiling sa kanya. Pilit na pinapagaan ang kanyang loob. Hindi ko alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman ngayon, hindi naman ako Doctor, kung may time man na magkakamali ako baka iyon ay ang pagdidispense ng gamot pero hindi iyon advisable. Pwede din akong makapanakit ng pasyente pag nagkataon. Pero iba siguro talaga ang epekto nito para sa mga Doctor.


"Ginawa mo naman ang lahat. You tried to save him until his last breath" sabi ko pa sa kanya.


Mariing napapikit na lamang si Kenzo at isinandal ang kanyang noo sa aking balikat dahil sa panghihina. "I'm a disappointment" akusa niya sa sarili na ikinagulat ko.


"That's not true!" giit ko. Pero nanahimik na si Kenzo. Para bang tanggap na tanggap niya iyon nga siya. At hindi ako makakapayag duon.


"Am I not enough? Hindi pa ba sapat na proud na proud ako sayo?" tanong ko sa kanya. Gaya ng tanong niya sa akin nuon. Ofcourse He was...but not just enough, sobrang sobra pa nga siya para sa akin nuon.


Umakyat ang kanyang mukha mula sa aking balikat papunta sa aking leeg. "Baby, you are more than enough" sagot niya sa akin kaya naman tipid akong napanhiti. See? Same answer as mine, destined talaga kami. He is really for me.


Natahimik ang media ng maglabas ng statement ang hospital. Tungkol ng kanyang mga abogadong pinsan at mga Tito ay nagpaunlak si Kenzo ng ilang interview para sa statement. Walang naging pagkukulang ang medical team na nagoperate sa pasyente, it's just that it's the nature of death.


Kahit pa unti unting humupa ang balita ay ramdam ko pa din ang lungkot kay Kenzo. Naiintindihan ko naman, kailangan kong maging matatag para sa kanya ngayon.


"Kuya, hinahanap ka ni Daddy. Palagi ka daw wala, saan ka ba pumupunta?" tanong ko sa kanya ng minsan niya akong dalawin sa bahay. As usual madami nanaman siyang dalang pasalubong para sa akin at kay Kianna.


Kailangan na talaga niyang malaman na mag kakaanak na siya at duon ibuhos ang lahat ng pera niya. Not that, maghihirap si Kuya Frank dahil dito. Ni hindi na nga siya humahabol sa mga bussinesses ni Dad at Mommy sa Iloilo dahil sobra sobra din ang kinikita niya sa kanyang sariling companya.


"Trabaho lang" weh!?


Napairap na lamang ako bago tuluyang humalik sa kanya. "Kamusta nga pala ang Ate Stella ko?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay mas alam pa niya ang nangyayari sa Bulacan kesa sa akin.


"How would I know? Hindi ko naman kinakausap ang babaeng iyon at pakialam ko naman duon!" asik pa niya sa akin. Halos matawa ako dahil sa kanyang itsura. Masyadong defensive! Nakakabawas ba ng pagkalalaki ang aminin niyang nagaalala din siya para dito o baka may nararamdaman talaga siya at ayaw niya lang aminin.


"Oh. Okay" sagot ko sa kanya kaya siya naman ngayon ang napairap sa akin.


Niyaya ko si Kenzo ngayon na dumalaw kina Abby para bisitahin ito at ang kanilang Baby. Ilang beses na din akong nakapunta duon kasama si Gust at Kianna. Ngayon lang si Kenzo dahil sa hectic ng sched niya.


"I'm excited na din po na lumabas si Baby brother ko" malambing na sabi ni Kianna mula sa backseat. This is one of our family day. Pagkatapos pumunta kila Abby ay didiretso naman kami sa Mall para kumain at mamili.


Pare pareho kaming excited na mamili ng gamit para sa aming darating na Baby Boy. Kahit pa halos makumpleto na ang mga iyon dahil sa mga ibinigay nina Kuya, Daddy at Gust ay gusto pa din naming mamili para sa kanya.


Napatayo pa si Kianna para lamang humalik sa aking pisngi kaya naman napatawa ako. Kung hindi nga lang mahirap ay gusto din niyang halikan ang aking sinapupunan.



"Pinapaarawan mo ito?" tanong ko kay Abby ng kargahin ko ang anak nila ni Apollo. Ang puti at ang tangos ng ilong. Namana niya kay Abby ang kanyang kaputian.


Naku, Baby! Wag tayong papatalo! Natawa ako sa aking sariling isipan habang kinakausap ang aking anak.


Masinsinang naguusap si Apollo at Kenzo bago ako lumapit sa kanila. Napatigil sila ng dahan dahan kong ipinakarga sa kanya ang Baby. Natakot pa siya nung una, ilang taon na din kasi ang lumipas, kahit siya ang nagalaga nuon kay Kianna ay parang takot pa din siyang humawak ng Baby ngayon.


"Mas lalong lumiit yung baby" nakangising sabi ko. Ang laki kasi ng kamay at braso. Kung hindi siya magiging gentle ay parang nakakatakot na ipahawak sa kanya ito, parang mapipipi kasi.


"Kailangan ng mag practice ni Doc" si abby.


Mas lalo akong naexcite na makita si Kenzo na karga ang aming anak. Hindi ko kasi siya nakita nuon nung inaalagaan niya si Kianna. Ngayon ay makikita ko na.



Dumating si Daddy sa aming bahay ng sumunod na araw. Sinadya niyang makausap si Kenzo. Bago iyon ay sinabihan ko na siya na kung pwede ay wag niyang pagsalitaan ng hindi maganda ito.


"Anak, hindi ako kontrabida dito" paglalambing ni Daddy sa akin kaya naman napangisi ako.


Pakiramdam siguro niya ay masyado ko siyang pinagmumukhang kontrabida. "Hindi naman po sa ganuon, Dad" natatawang sabi ko at tsaka siya niyakap.


Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makita kong hindi na gaanong matatalim ang tingin ni Daddy kay Kenzo. Hindi kagaya nuon na titingin pa lang siya kay Kenzo ay nagsusumigaw na ang galit.


Tumulong ako sa mga kasambahay para ayusin ang Dinning table para sa aming lunch. Bago pa iyon ay nakatanggap na ako ng message mula kay Stella na lumuwas siya ng Manila kaya naman inimbita ko siyang dito na kumain bago bumalik ng Bulacan.


Tumunog ang Doorbell kaya naman mabilis akong lumabas ng dinning. Napatingin si Kuya Frank sa akin dahil sa pagmamadali ko.


"May bisita ka?" tanong niya sa akin. Oo! Para ito sayo kaya naman ayusin mo!


Tumango ako at mabilis na dumiretso sa may Front door, pinapasok na siya ng Guard kaya naman sinalubong ko siya ng yakap ng makita ko siya.


"May dala ako para sa baby" nakangiti niyang sabi sa akin sabay abot ng isang paper bag na may pangalan ng store na pang bata.


"Salamat. Naku, yung akin sa susunod" sabi ko pa kahit hindi na ata kailangan dahil baka mabili pa ni Kuya Frank ang buong mall pag nalaman niya ito.


Sa tatlong hawak na paper pag ay isa ang inabot niya sa akin. Matamis akong napangiti sa kanya ng makitang bumili na din siya ng ilan para sa baby nila.


"Nandito ang Kuya Frank at Daddy ko" sabi ko na ikinagulat niya.


Hindi ko na hinayaang makapagprotesta pa siya dahil mabilis ko na siyang hinila papasok sa loob. Napatayo si Kuya Frank dahil sa aming pagdating. Masama kaagad ang tingin niya kay Stella, pero mas lalong kumunot ang noo nito ng bumaba ang tingin sa hawak na paper bag nito.


Nilingon ko si Stella at kita ko ang pilit niyang pagtago sa hawak. Napanguso ako, ayan na Kuya Frank, binibigyan na kita ng Hint kahit gustong gusto ko ng isampal sayo ang mga paper bag na ito para lang magising ka sa katotohanan.


Tahimik kami nung una sa hapagkainan. Katabi ko si Stella, si Kenzo ang sa dulong gitna at si Daddy naman sa kabila. Si Kuya Frank ay nasa kabilang gilid, kaharap si Stella at si Kianna naman ang sa akin.


"Tita Stella, are you pregnant din po?" tanong ni Kianna.


Nasamid ako at kaagad na napaubo. Mabilis na dumalo si Kenzo sa akin. Imbes na si Stella ang tingnan ko ay kay Kuya Frank lumipad ang aking mga mata. Matalim nanaman ang tingin niya dito.


"Hindi, Kianna" alanganing sagot niya dito. Ang talino talaga ng anak ko! Mana sa akin...pero mas mana sa Daddy niya!



"Why did you ask? Kianna" malambing na tanong ni Kenzo sa kanya.


Ito pa ang isa. Naku naku! Ang galing talaga nitong magama ko. Wala sa sarili nila akong tinutulungan na ibunyag kay Kuya Frank ang lahat.



Itinuro ni Kianna ang dalawang paper bag na kay Stella. "Ah, hindi. Ipangreregalo ko iyan" palusot nito.


Ang mga mata ni Kuya Frank ay nanatili dito, matalim pa din ang tingin. Hay naku! Ang slow naman ni Kuya, mana ata ako sa kanya, Inis!



Naiba ang usapan. At hindi ko iyon nagustuhan. Si Daddy ang pasimuno!


"Ikaw Frank? Kailan ka magaasawa, kailan mo ako bibigyan ng apo?" tanong ni Daddy dito.


"Wala pa po sa plano ko Dad" sagot ni Kuya.


Shit! Napatingin ako kay Stella at nanatili lamang itong nakayuko. Iisipin niya lalong aayawan ni Kuya ang baby nila!. Damn panira ng plano sina Daddy at Kuya. Hindi gumawa sa inosente kong mag ama, Hay naku!


"Ang dami ko ng ipinakilala sayong Doctor, or you want a woman in a corporate world just like you? You need someone from your league...hindi basta basta kung sino lang" sabi ni Daddy. Hindi ko naman iniisip na may pinapatamaan siya dahil ganuon din naman siya sa akin.


Napatingin si Kuya Frank kay Stella. "Ofcourse Dad...hindi kung sino sino lang" sagot niya habang nakatitig dito.


Mariin akong napapikit. Tanginang Manok ko! Sisiw pa ata.


Kahit ipinakilala ko si Stella kay Daddy ay hindi niya na muli pa itong tinapunan ng tingin. Kaya naman pumayag na akong umalis siya ng magpaalam siya sa akin kahit gusto ko pa sana siyang manatili para  makamusta siya.


"Kinausap na nga pala nina Tita ang Doctor. Balak naming umuwi ng Davao bago matapos ang buwan" sabi ni Stella na ikinagulat ako.


"Pero..."


Tipid niya akong nginitian. "Mas gusto ko din duon dahil nanduon ang pamilya ni Mommy. Mas marami akong makakatulong sa pagaalaga sa kanya" sagot niya sa akin kaya naman nalungkot ako.


"Malaki ang bahay nila Mommy duon. Pwede kayong bumisita anytime. Sabihin mo lang ako" sabi pa niya sa akin.


"Hindi ba pwedeng dito na lang muna?" Hangga't malaman ng Kuya ko ang tungkol sa baby niyo? Syempre hindi ko iyon sinabi, baka maging sa akin ay lumayo siya.


Bumaba ang tingin ni Stella sa aking sinapupunan. "Baka kasi mas mahirapan ako pag lumaki na ang tiyan ko. Mas mabuting maaga pa ay duon na kami" paliwanag niya na inintindi ko na lamang. Kailangan kong respetuhin ang kanyang desisyon.


Napatingin kaming dalawa sa paglabas ni Kuya Frank. "Ihahatid kita" seryosong sabi niya kay Stella na ikinalaglag ng panga ko. Mas OA pa nga yung pagkalaglag ng panga ko kesa may Stella.


"May dala akong sasakyan!" laban ni Stella dito kaya naman mas lalong nagigting ang panga ni Kuya Frank.


"Ako ang paghahatid" pinal na sabi ni Kuya Frank.


Hindi siya pinakinggan ni Stella at tuloy tuloy sa pagpunta sa kanyang sasakyan. Maging ako ay nagulat ng makita kong flat ang lahat ng gulong ng kanyang sasakyan. Tangina, Kuya Frank. Lumalaki na ang sisiw ko!


"Napaka sama mo!" sigaw ni Stella sa kanya.


"Look who's talking" mapanuyang sabi ni Kuya dito.


Kulang na lang popcorn ay parang nasa pelikula na ako. Yaya! Pakilabas ng sofa!


"Magco-Commute ako!" laban ni Stella sa kanya. Bago pa man siya tuluyang makaalis ay nahuli na siya ni Kuya Frank.


"Ano ba Frank! Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Stella ng marahan siyang hinila nito patungo sa kanyang sasakyan. Dahil sa pagpupumiglas ay tumunog ang ilang baby bottle na laman ng kanyang hawak na paper bag.


Mas lalong naantig ang puso ko ng kinuha ni Kuya ang mga paper bag sa kamay ni Stella.



"Wag ka ng magmatigas at wala ka din namang magagawa" matigas na sabi ni Kuya dito.


Halos marinig ko ang tilaok. Ang manok ko! Ang manok ko! Go Kuya!


"Ihahatid ko lang...para hindi ka na magalala" palusot pa niya sa akin bago siya humalik sa aking noo. Ang Manok kong ito! Kalahating tandang, kalahating inahin. Putangina!



Ngiting ngiti tuloy akong nagdesisyon na pumasok sa aming bahay. Nasa front door pa lang ay sinalubong na kaagad ako ni Kenzo.


"Umalis din ang Kuya mo?" nagtatakang tanong niya.


"Ang Manok ko?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo kaya naman napahalakhak ako.


Niyakap niya ako kaya naman gumanti ako sa kanya. Hinalikan niya ang aking noo.


"Hindi daw ako matatanggap ng Daddy mo..." sabi niya sa akin kaya naman unti unting nawala ang ngiti sa aking labi.


"Bakit daw? Sa gwapo mong yan?" napahalakhak ang gago.


"Hindi niya ako matatanggap, hangga't hindi kita pinapakasalan sa simbahan" sabi niya pa kaya naman sandali akong nabato.


Muli siyang humalik sa aking noo, sa pisngi at isang sandaling halik sa aking labi.


"Seraphine Serrano...Frances Del prado. Mrs. Herrer, will you marry me again?" malambing na tanong niya sa akin.


Mabilis kong ipinulupot ang kamay ko sa kanya at halos lumambitin. "Ofcourse...magpapakasal ako sayo, kahit saang simbahan, kahit kailan" paninigurado ko sa kanya.


Mabilis na inangkin ni Kenzo ang aking labi. Ginantihan ko ang kanyang halik sa akin.


"Ikaw ang may award sa akin mamaya" mapangakit na bulong niya. Nanlaki ang aking mga mata.


"Sa sobrang bait ko, mukhang hahakot ako ng award ah" pangaasar ko sa kanya na pareho naming ikinatawa.




















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro