Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Not a Del Prado








Napasinghap si Daddy at mariing napikit. Marahas siyang umiling sa akin na para bang kasabay ng hindi siya makapaniwala ay nasasaktan din siya.


Muli niyang niyakap ng mahigpit ang anak ko at sandaling hinalikan sa ulo bago siya tumayo mula sa pagkakaluhod at hinarap ako.


"I found your princess Dad. Seraphine Serrano is our Frances Del Prado" pakilala ni Kuya Frank sa akin.


Namula si Daddy sa kakaiyak. Ilang madiing bulong ang sinabi niya na hindi ko naman masyadong naintindihan. Isa lang ang naiintindihan ko, hindi makapaniwala si Daddy na para bang once in his life sumuko na siyang magkikita pa kami.


Lunapit siya sa akin at mariin akong tinitigan. Ang kaninang matigas na ekspresyon ng kanyang mukha ay unti unting pumungay habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ng aking pagmumukha.


Napasinghap siya at marahang tumango. "Frances, anak..." tawag niya sa akin kaya naman hindi ko na din napigilan ang aking sobra sobrang emosyon at napayakap na lamang din sa kanya.


Ramdam na ramdam sa yakap ko at sa yakap sa akin ni Daddy ang ilang taong pangungulila sa isa't isa. Kung hindi lang kami nagpipigil na dalawa ay baka pareho na kaming magreklamo dahil sa hirap sa paghinga dahil sa gusto naming gawing yakap sa isa't isa.


Madiin at mahina siyang napamura ng ingles bago siya humiwalay ng yakap sa akin at muli akong pinagmasdan. Parehong basa ang aming mga mukha. Marahang pinunsan ni Daddy ang mga luhang patuloy na lumalandas dito.


"Shh...ayaw ni Daddy na umiiyak ka" malambing na sabi niya sa akin. Mariin kong pinaglapat ang aking mga labi para kumalma na ako at tumigil na ang mga paghikbi.


Paulit ulit niya akong hinalika sa noo, sa ulo at sa aking pisngi. Akala ko ay ok na ngunit sa kalagitnaan ay muling naiyak si Daddy. Kumirot ang dibdib ko ng paulit ulit niyang tinawag ang pangalan ni Mommy na para bang kinakausap niya ito.


"Matagal ka naming hinintay ng Mommy mo. Sana nandito pa siya...sana nagkita pa kayo" malungkot na sabi pa niya kaya naman mariin na lamang akong napapikit dahil sa gumuhit na sakit.



"Mahal na mahal ka namin, Anak. Mahal na maha ka namin. Patawarin mo kami kung natagalan..." paulit ulit na bulong ni Daddy sa akin na para bang sinisisi niya din ang kanyang sarili.



"Daddy. Wala po kayong kasalanan, ang mahalaga po nandito na ako. Nagkita na tayo, kung nasaan man po si Mommy ngayon...sigurado akong masaya siya para sa atin" pagaalo ko sa kanya at pagpapakalma na din dahil hindi pa nagtatagal ng lumabas siya sa hospital.



Ayaw akong pakawalan ni Daddy pagkatapos nuon. Kung hindi pa siya kinumbinsi ni Kuya Frank at hindi sinabing nagdadalang tao ako ay magiinsist siyang duon kami ni Kianna tumuloy sa aming bahay.



"Tutuloy na po kami, Doctor Del Prado" magalang na paalam ni Kenzo. Ang paninitig ni Daddy sa akin ay sandali niyang inilipat kay Kenzo. Galit niya itong tiningnan bago siya tumikhim.


Bahagya akong napanguso. Kawawa naman ang Kenzo ko, hindi siya bati nina Daddy at Kuya Frank.


"Gusto kong makasama ang Anak at Apo ko, Herrer" matigas na sabi ni Daddy dito.


Bumaba ang tingin ko sa nakayakap na si Kianna sa akin. Nakatingin lang din siya kina Daddy at Kenzo. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Marahil ay nagtataka din siya kung bakit ganuon ang trato ng kanyang Lolo sa kanyang Daddy Kenzo.


Wag kang magalala anak. Ang mahalaga mahal na mahal natin ang Daddy mo at gagawin ko ang lahat para maging maayos na sila ni Daddy at Kuya Frank.



Tumango si Kenzo. "Dadalhin ko po sila sa inyo kung ganuon. Pwedeng buong araw sila sa inyo at susunduin ko na lang sa gabi" suwestyon ni Kenzo.


Mas lalong kumunot ang noo ni Daddy, nanatili namang nakapoker face si Kuya Frank na para bang wala siya pakialam at hindi tutulungan si Kenzo sa mala pang hot seat na tanong ni Daddy.



"Sa tingin mo ba sapat ang ilang oras lang? Kailangan iuwi mo kaagad sayo?" matigas na sabi ni Daddy dito.


Napayuko si Kenzo. Alam kong ginagalang niya si Daddy kaya naman hindi siya makapagrason.


Humakbang ako palapit sa kanilang dalawa. Hinawakan ko ang kamay ni Kenzo kaya naman bahagya siya nagulat. Sa huli ay hinigpitan niya na lamang din ang hawak sa aking kamay ay tipid akong nginitian.


"Daddy, We need to catch up. Kahit araw araw akong bibisita sa bahay ayos lang...pero gusto ko pong umuwi kay Kenzo sa gabi. Asawa ko po siya at iyon po ang dapat" malambing na pagpapaliwanag ko kay Daddy.


Napangiti ako ng makita ko ang bahagya nitong pagnguso. Hindi ko inakala na ang seryoso at striktong si Doctor Del Prado ay nakanguso at nagpapacute sa aking harapan ngayon para pagbigyan ko ng pabor.



"Kahit ang minsang pag sleep over anak? Hindi mo ba mapagbibigyan?" malumanay na tanong niya sa akin habang namumungay ang kanyang mga mata.



Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Kuya Frank na nasa likuran lamang nito. Nangaasar pa ito na para bang may isang malaking karatula sa kanyang noo na nagsasabing wala na kaming kawala.


Marahang pinisil ni Kenzo ang aking kamay kaya naman muli akong napabaling sa kanya. Tipid niya ako tinanguan na para bang ayos lang at naiintindihan niya. Napanguso ako, ang bait naman talaga...Major award ka sa akin mamaya!



"Pwede naman po Daddy, kung sasama si Kenzo. Hindi kasi ako makakatulog pag hindi katabi si Kenzo eh" pagdadahilan ko. Nakita ko ang pamumula ng tenga ni Kenzo, ang pagtikhim ni Daddy at ang pagmumura ni Kuya Frank sa may likuran.


Tangina Sera! Hayan na ang nagiging clingy wife ka na! Ewan ko na lang talaga sa awarding every night.


Ilang bayolenteng pagbuga ng hininga ang pinakawalan ni Daddy na para bang pilit na pinapakalma ang sarili dahil mayroon siya gustong sabihin pero pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili.


Naningkit ang kanyang mga mata ng mulo niyang tinapunan ng tingin si Kenzo na hanggang ngayon ay mukhang apektado pa din sa akin sa aking sinabi. Gagong to! Pakipot pa, ako na nga ang gumagawa ng paraan para tabi pa din kami sa gabi. Siraulo!


"What did you do to my innocent Frances, Herrer?" pilit mang ikalma ay lumalabas pa din ang galit ni Daddy sa kanyang pagkakasabi nuon.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil duon. Hay naku Daddy! Kung alam mo lang ang trip ko ngayon ay baka hindi na makahinga si Kenzo sa virtual medal na nakasabit sa kanyang leeg dahil sa awarding ceremonies namin na ako pa ang master of ceremonies.


Panay ang tawa ko habang nasa sasakyan kami pauwi. Seryosong nagmamaneho si Kenzo pauwi sa amin, si Kianna naman ay tahimik na sa likuran at mukhang inaantok na. Katakot takot na halik at yakap ang inabot namin kay Daddy at Kuya Frank bago kami tuluyang nakaalis duon. Ayaw talaga nilang ipasama kami kay Kenzo sa gabing ito o baka hindi lang sa gabing ito.


"Ikaw pala eh. You ruined my innocent mind" pangaasar ko pa kay Kenzo. Kumunot ang noo niya habang diretso ang tingin sa kalsada.


"Really huh?" panunuya niya sa akin.


Tumango tango ako at napabuntong hininga. Yung bigat sa aking dibdib ay wala na, wala na akong maramdaman ngayon kundi puro saya. Hindi ko kailanman naisip na sa kabila ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang taon ay may naghihintay pala sa aking ganito.


Panay ang tawag ko sa Panginoon at paulit ulit na nagpasalamat. Paano kung hindi ako nakasurvive nuon? Paano kung sumuko kaagad ako?


Matamis akong ngumiti sa madilim na langit. Naging maganda ang dilim dahil sa liwanag ng maraming bituin. Even darkness has it's own beauty. You only need to convince your self that there is always a beauty in every situation. That there is always a reason.


"Hindi ako aattend ng awarding ngayong gabi" pagbasag ni Kenzo ng mood ko.


Marahas akong bumaling sa kanya. "Hindi pwede ha!" asik ko sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.


"I need to read some medical case tonight...in my office" seryosong sabi niya sa akin.


Naikuyom ko ang kamao ko. "Aawardan kita kahit saan ko gusto kaya wala kang magagawa kundi ang tanggapin iyon" madiing sabi ko sa kanya. Tangina Sera! Ewan ko sayo! Ang addict mo.


At iyon na nga ang nangyari sa gabing iyon. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni Kenzo sa kanyang home office ay pinasok ko siya na ang tanging suot at roba lamang.


Seryoso siyang napatingin sa akin at sa orasan sa kanyang office. "You should be sleeping Sera" puna niya sa akin pero hindi ako nagpatinag.


Lumapit ako sa kanyang office table, umusog ang kanyang swivel chair para bigyan ako ng espasyo. Nakatayo at nakasandal na ako ngayon sa malaki niyang table habang siya ay nanatili pa din sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair.


Napanguso ako ng hindi man lang nagbago ang kanyang ekspresyon. Nanatili pa din siyang seryosong nakatingala sa akin, tamad na nakahilig sa kanyang swivel chair. Maya maya ay pinaglaruan na niya ang pangibabang labi niya habang pinagmamasdan ako.


Wala talagang gagawin ang gago! Naawa tuloy ako sa sarili ko. "Sige na nga, magbasa ka na lang dito at itutulog ko na lang ito!" pagsuko ko at parang maiiyak na. Damn hormones.


Tatalikod na sana ako ng magulat ako ng halos maipit ako ng ikulong ako ni Kenzo ng iusog niya ang kanyang swivel chair palapit sa akin.


Walang kahirap hirap niya akong naiupo sa kanyang lamesa kahit nanatili siyang nakaupo sa swivel chair. Damn that delicious muscles!


"Ay Pu..." hindi ko naituloy ang malutong kong mura ng bigla niyang pinagparte ang aking magkabilang binti.


Nasagitna ko ba siya ngayon at nagtaas ng kilay sa akin. Inirapan ko siya. "Kailan ako pwede sa taas kung ganuon?" pagdedemand ko.


I heard him chuckle. "You can rule over me...but not in bed, not in our love makings, not in our fuckings" mapangakit na sabi niya kaya hayaan nanaman at walang kaeffort effort niyang napagiinit ang...ulo ko!


Sinamaan ko siya ng tingin, habang ramdam ko ang paglalakbay ng kamay niya sa aking mga hita paakyat. Bayolente akong napalunok ng unti unting tumaas ang suot kong roba dahil sa pagtaas ng kanyang kamay.


Magrereklamo pa sana ako ngunit hindi ko  na nagawa ng kaagad siyang sumisid sa aking gitna.


"Shit!" daing ko. Tangina! Swimmer amputa!


Tanghali na ako nagising kinaumagahan. Kunwari pa ang gagong Kenzo na ayaw, eh halos hakutin ang awards na itinuloy pa namin sa aming kwarto.


"Morning" nakangising bati niya sa akin. Napanguso ako at muling pumikit, inaantok pa din ako.


Naramdaman ko ang paghalik sa akin ni Kenzo sa ulo at sa noo. "Pupunta tayo sa Daddy mo ngayon. Baka akala niya ay pinagdadamot ko ang napakainosente niyang anak" pangaasar niya sa akin. Pareho kaming natawa, ang gago neto!


Kina Daddy kami nagbreakfast, hindi ko napigilang hindi naging emosyonal ng muli kong masilayan ang bahay na kinamulatan ko. Ilang litrato at malalaking portrait ang nagpalala sa akin ng buhay ko bago ako nawalay sa kanila. Nagtagal ang titig ko sa picture ni Mommy. Sana man lang nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya ka miss at kamahal bago siya nawala.


"I don't want to talk about Fideliz over our first breakfast together Frances. Hayaan mo na ang Kuya Frank mo ang umasikaso duon" sabi ni Daddy kaya naman napatango ako.


Halos mapuno ang twelve seater dinning table para lamang sa breakfast namin. Pagkatapos nito ay aalis din si Kenzo para pumasok sa trabaho. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang Hospital at ang mga pasyente niya.


May nabanggit si Kuya Frank na naging rason kung bakit napunta kami sa usapang pagaasawa. "Kung sa akin lumaki si Frances, hindi ako makakapayag na kung sinong lalaki lang ang mapapangasawa niya" parinig ni Daddy. Hindi ko tuloy alam kung sino ang uunahin ko, gusto ko siyang pagsabihin pero mabilis na lumipad ang tingin ko kay Kenzo na nanatiling nakayuko at naka tuon ang atensyon sa kanyang pagkain.


"I agree Dad" segunda pa ni Kuya Frank kaya naman malungkot akong napatingin kay Kenzo. Nang mapansin niya ang paninitig ko sa kanya ay tipid niya lamang akong nginitian.


Panay ang yakap ko sa kanya ng magpalaam na siyang aalis para pumasok sa trabaho.


"Sorry. Wag kang magalala, kakausapin ko sila"


Marahan siyang tumango. "Wala iyon sa akin. Sanay na ako sa ganyan"


Umiling ako. Ayokong masanay siya sa ganyan. Ganito siya nuon sa akin nung malaman niyang sinaktan ako ni Mr. Serrano ayaw niyang masanay akong ayos lang iyon. Hindi niya ako iniwan, siya lang ang meron ako sa mga panahong iyon maya naman hindi ko din siya iiwan sa panahong ito.



Ganuon ang naging set up namin ng mga sumunod pang arae. Ihahatid kami ni Kenzo kay Daddy at susunduin din sa gabi. Nataong bakasyon sina Kianna at naka bakasyon din si Daddy sa kanyang trabaho. Napapailing na lamang ako kung minsan sa tuwing ibinibigay nila ang lahat ng gustuhin ng aking anak.



"Kawawa naman pala si Doc" sabi ni Gust ng ikwento ko sa kanya ang trato nina Daddy at Kuya kay Kenzo, isang araw siya ang sumama sa akin pauwi sa bulacan ng maging busy si Kenzo sa hospital. Iniwan namin si Kianna kay Daddy.


Ilang araw na lang ay ililibing na si Mr. Serrano kaya naman mas naging busy si Stella ngayon, kailangan niya ng tulong lalo na't siya din ang nagaasikaso kay Mommy sa hospital.


"Ay, stress na stress ang lola mo" bulong ni Gust sa akin ng naglalakad na kami sa hallway ng Hospital papalapit kay Stella.


Sumangayon ako, mas lalo ata siyang pumayat ngayon at mukhang stress na stress. Nang mapansin niya ang aming pagdating ay kaagad siyang napatayo at tipid na ngumiti para salubungin kami.


Hinalikan niya ako sa pisngi at ganuon din ako sa kanya. "Nagpuyat ka?" tanong ko dahil parang antok na antok pa siya.



Umiling siya sa akin kaya naman napatango na lamang ako. Lumapit ako sa salaming bintana ng ICU para tingnan si Mommy na hanggang ngayon ay natutulog pa din.


Narinig ko ang paguusap ni Gust at Stella sa aking likuran. Mabuti naman at kahit papaano ay casual na din sila sa isa't isa. Ayoko namang may magparamdam pa kay Stella na may taong galit sa kanya. Wala siyang ibang kailangan ngayon kundi ang pagmamahal at supporta.



Mabilis akong napalingon dahil sa pagkataranta ni Gust. Nang nilingon ko sila ay wala na si Stella duon.


"Tumakbo at nasusuka daw siya. Nahiya naman ang mamahalin kong perfume ha!" maarteng sabi niya kaya naman kumunot lalo ang noo ko.


Muling nagkibit balikat si Gust at lumapit na lamang din sa akin para makitingin sa may glass window. Hindi nawala ang kuryosidad ko ng mga sumunod pang araw  para kay Stella. Umattend kami sa burol at hindi ako umalis sa kanyang tabi, habang tumatagal ang araw ay mas lalo akong nagaalala sa kanya sa di ko naman malamang dahilan.



"Kabuwanan ni Abby ngayon hindi ba?" tanong ni Gust sa akin habang naglulunch kami dito sa bulacan pagkatapos ng libing. Tumango ako sa kanya ngunit nalipat ang tingin ko kay Stella na halos paghiwa hiwalayin ang ilan sa kanyang pagkain.



"Oh di ba paborito mo iyan?" tanong ko ng ihiwalay niya ang kamatis sa kanyang italian pasta.


Tipid niya lang akong nginitian. "Oo, pero ngayon ayoko ko" sagot niya sa akin kaya naman halos mahilo nanaman ako kakaisip sa kanya.


Hindi ko na muli pang napigilan ang sarili ko ng magkaroon kami ng oras ni Kuya Frank.


"Hindi ka na bumibisita sa bulacan Kuya?" tanong ko sa kanya.


Kita ko ang pag igting ng kanyang panga bago siya marahang umiling. "Bakit? Friends naman kayo ni Stella di ba?" tanong ko kaya naman halos malukot ang kanyang mukha dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo.



"Paano ba kayo nagkakilala?" panguusisa ko pa.


Napabuntong hininga ito. "Kinaibigan ko siya para mas lalong mapalapit sayo at makakuha ng ilang impormasyon tungkol sayo. At nakakagalit ng malaman kong hindi naging maganda ang trato ng mga Serrano sayo" seryosong sabi niya sa akin.


"Sinaktan mo ba siya?" gulat na tanong ko. Hindi ko naman alam, baka mamaya sa sobrang galit niya ay nasaktan niya ito ng physical. Nakahinga ako ng maluwag ng umiling siya.



"Let's not talk about her. Wala na akong pakialam, hindi din naman siya naging mabuti sayo" sabi ni Kuya Frank sa akin pero may nararamdaman akong iba. Sus! Eh mas madalas pa nga ata siya sa bulacan kesa sa akin.



Pinagaaralan na ngayon nina Kuya Frank at ng mga abogado niya ang pwedeng ipataw na parusa para kay Fidez at Mandee. Bantay sarado pa din sila ng ilan sa mga tauhan ni Kuya sa oras na magtangka silang tumakas.


"Sa tingin mo papayag ang korte na ikulong siya sa kabila ng estado niya?" tanong ko. Sa tingin ko ay solusyong medical ang kailangan ni Fidez, ewan ko lang sa bruhang si Mandee.



"Kung magdesisyon ang korte na wala siya sa tamang pagiisip hindi din naman siya makakawala sa rehab dahil bantay sarado pa rin siya duon" sabi ni kuya Frank sa akin kaya naman napatango ako.


Ilang linggo na din simula nung nakauwi galing sa Spain ang parents ni Kenzo. Siya na mismo ang nagpaliwanag sa mga ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagpapakita sa kanila dahil sa mga nangyari.



"Sorry kung ikaw nanaman ang nagadjust"


Hinila ako ni Kenzo para yakapin. "You know that I'll always support you kahit saan. Baby, I'm so proud of you...sa mga nangyari ngayon sa kung paano mo hinarap ang lahat. I'm so proud of you" malambing na sabi niya sa akin kaya naman napasinghap ako.



Gustong gusto ko ng kausapin si Daddy tungkol sa trato niya kay Kenzo. Gusto kong ipaliwanag sa kanya kung bakit ko minahal si Kenzo, gusto kong malaman niya kung paanong si Kenzo lang ang naniwala sa akin ng itinakwil at tinalikuran ako ng inakala kong pamilya nuon. Ngunit hindi ako makakuha ng tiempo dahil halos hindi sila mapaghiwalay ni Kianna.



Nagulat na lamang ako isang umaga ng maabutan ko si Fidez na nakaupo sa may sala. Maayos siyang nakaupo duon habang tahimik na nagkakape.


Nagangat siya ng tingin sa akin at ngumiti. "Andyan ka na pala. Gusto mo ng kape?" tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko.


Maging si Kenzo na kakapasok lang ay napatigil din sa aking likuran. Nagangat ako ng tingin kay Kuya Frank na pababa ng hagdan at gulat ding nakatingin kay Fidez.



"What the hell are you doing here?" tanong niya kay Fidez.


Imbes na sagutin iyon ni Fidez at nginitian pa niya si Kuya. "Gusto niyo ng kape? Magpapatimpla ako sa..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya ng mabilis siyang hinaklit ni Kuya Frank sa braso dahilan kung bakit napatayo siya.


Nagulat si Fidez hanggang sa natawa siya. "Kuya what's wrong?" natatawa niyang tanong dito.


Sa kalagitnaan ng tawa niya ay bumaba na din si Daddy. Ang kaninang tawa ni Fidez ay unti unting napalitan ng pagtangis.


"Daddy, Good morning" bati niya dito habang umiiyak. Nagawa pa niyang nguniti. Napailing na lamang ako at napayuko. She needs medical help.


Naramdaman ko ang kamay ni Kenzo sa aking bewang para sumuporta.


"Ano pang ginagawa mo dito Fideliz! Sa kabila ng panloloko mo sa pamilya ito may lakas ng loob ka pang magpakita?" galit na tanong ni Daddy sa kanya.



Sinubukan ni Fidez na humakbang palapit kay Daddy ngunit hindi siya pinakawalan ni Kuya Frank.



"Dad. Doctor na ako, proud ka na ba sa akin?" tanong ni Fidez dito. Para bang ang kanyang isipi ay naghalo halo ba ngayon.


Walang nagsalita hanggang sa natawa ulit siya. "Hindi mo nga pala napansin iyon dahil hindi ako si Frances" malungkot na sabi nito pero nakangiti pa din.


"Si Frances na lang palagi...paano naman ako?" tanong niya sa lahat.


Isa isa niya kaming tiningnan hanggang sa tumigil ang mata niya sa tao sa aking likuran.


Ngumiti siya at napasuklay pa sa kanyang buhok. "Andito pala ang bestfriend ko. Hi Kenzo!" bati niya dito hanggang ang ngiti niya ay unti unting naging galit.



"Pero iniwan mo din ako, hindi din ako ang pinili mo! Si Frances pa din!" akusa niya at nagsimula na siyang umiyak sa aming harapan.



"Buti pa si Mommy, dahan dahan na akong tinatanggap...pero umalis naman siya!" asik niya at napahawak sa kanyang ulo.


"Iniwan din niya ako" hagulgol pa niya kaya naman mariin na lamang ako napapikit.


"Stop this Fideliz" maawatoridad na sabi ni Daddy sa kanya.


"Daddy..." tawag niya dito.


Umiling si Daddy kaya naman nasaktan ako para kay Fidez. "You don't deserve my name. You are not a Del Prado, sana hindi ka na lang namin inampon nuon" sabi ni Daddy kay Fidez.



Napahawak ako sa aking dibdib ng maalala ko din ang mga salitang binitiwan ni Mr. Serrano sa akin nuon, ganitong ganito din at alam na alam ko kung paanong nasasaktan si Fidez ngayon.



"Gusto ko lang naman ng pamilya..." umiiyak na sabi niya.


Naiyak na ako ng makita ko ang sarili ko sa kanya. "Naging pamilya kami sayo. Ikaw ang hindi sa amin, nagawa mo kaming lokohin" pinal na sabi ni Daddy.



Masama akong tiningnan ni Fidez. "Masaya ka na? Masaya ka na?" galit na tanong niya. Marahan akong umiling, kung alam lang niya kung ano din ang pinagdaanan ko nuon.



"I'm sorry" sabi ko sa kanya. Yan na lang ang maibibigay ko sa kanya dahil iyan lang din naman ang gusto kong marinig nuon nung mga panahong ako ang nasa kanyang sitwasyon. Hindi sapat ang salitang iyon para mapawi ang lahat ng sakit, pero malaking bagay na para maramdamang nagsisisi din ang mga taong nanakit sa kanya.















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro