
Chapter 50
Frances Del Prado
Imbes na mahiya sa pagtawag ko sa kanya ay mas lalo lang pumungay ang aking mga mata. Kita ko din ang bahagyang pagkagulat. Hindi niya marahil inaasahan na tatawagin ko siya ng ganuon. Sino nga ba naman ako? Nagkita lang kami ng isang beses sa bar at ngayon kung makatawag ako ng Kuya ay feeling close ako.
Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. Tumaas din ang kanyang kilay. "You, calling me kuya is not bad though...
maooffend na sana ako. Mabuti na lang I only see you as a sister" natatawang sabi niya sa akin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil duon.
Gusto kong maiyak, gusto kong ulitin ang pagtawag sa kanya ng ganuon. But looks like he sees this as a joke ot what. "Sige, Ms. Sera you can call me kuya" sabi pa niya sa akin kaya naman ramdam ko ang pag guho ng kung ano sa aking dibdib. Yung kakarampot na pagasa ay parang sinulid na naputol.
Dahan dahang nawala ang ngisi niya ng mapansin niyang hindi ko magawang ngumiti pabalik sa kanya. Halos manlabo ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang luha. Marahang humigpit ang hawak niya sa akin. "May problema ba?" nagaalalang tanong niya sa akin.
Pumutak ang aking luha. Bago pa man ako makapagsalita ay may marahas ng humila sa aking braso palayo kay Frank. "What are you doing?" galit na utas ni Kenzo. Sobrang talim ng tingin niya dito na para bang handa handa na siyang manuntok.
"Kenzo..." tawag ko sa kanya para sana pakalmahin siya. Ito nanaman tong epal na to. Gusto ng award!? Araw araw award!?
Kumalma si Frank. Hindi katulad ni Kenzo na halos mamula sa galit. "Stay away from my wife!" galit na utas niya dito.
Sandaling sumulyap si Frank sa akin. "Wala akong ginagawang masama sa kanya" kalmadong sabi ni Frank. Iyon naman ang totoo.
"Really? Umiiyak ang asawa ko sa harapan mo. Wala kang ginagawa?" madiing laban niya.
Mabilis akong napahawak sa aking pisngi. Ang kaninang ilang patak ng luha lang ay bumuhos ng hindi ko namamalayan. Basta ang alam ko lang ay sumasakit ang puso ko, bumibigat ang dibdib ko. Dahil marahil sa mga alaalang nakita ko kanina. Mga alaalang pakiramdam ko ay akin, akin nga ba?
"Kenzo. Wala siyang ginagawa" mahinang sabi ko. Wala halos salitang gustong lumabas sa aking bibig dahil sa aking nararamdaman.
Hindi pa din niya ako nilingon pero ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa aking kamay. Napabuntong hininga si Frank. Hindi ko alam kung bakit mas nasaktan ako dahil duon, pakiramdam ko may mawawala nanaman sa akin.
"I want to be friends with Sera..." sabi niya saba sulyap sa akin. Pagkatapos ay nagtiim bagang siya at muling tumingin kay Kenzo. "Pero kung iyan ang gusto mo bilang asawa niya, I'll respect that. But I'm warning you...stay away from my sister, stay away from Mandee" madiing sabi niya sa mga huling salita. Napakagat ako sa aking pangibabang labi dahil mas naramdaman ko ang sakit sa aking dibdib ngayon.
Ang isiping lalayuan niya na ako kahit hindi naman kami ganuong magkakilala ay sobrang sakit para sa akin. I want to be close to him too...pakiramdam ko ay may natagpuan akong kung ako sa tuwing malapit siya sa akin.
"Nilalayuan ko na si Mandee, for her own good" seryosong sabi ni Kenzo. Mas lalong tumalim ang tingin ni Frank sa kanya. Kitang kita ko duon kung paano siya handang ipagtanggol ang kapatid sa mga pwedeng manakit dito.
Walang imik siyang umalis sa aming harapan. Hindi ko naiwasang hindi siya sundan ng tingin. Kuya Frank...
"Baby..." malambing na tawag ni Kenzo. Mabilis na nalipat ang tingin ko sa kanya ng inikot niya ako paharap sa kanya.
"Anong ginawa niya sayo?" nagaalalang tanong niya. Nanatili ang tingin ko sa kanyang dibdib. Ni wala akong lakas na tingnan siya sa kanyang mga mata.
Hinawakan niya ang baba ko para umangat ang tingin ko sa kanya. Nang magtama ang aming mga mata ay halos hindi ko na iyon mabawi sa lalim ng tingin niya sa akin. "Anong problema?" tanong niya. Para akong hinihele sa klase ng boses na ginamit niya duon.
Mas lalong nanlabo ang paningin ko dahil sa mga panibagong luha. "Hindi ko alam. Hindi ko alam..." umiiyak na sumbong ko sa kanya.
Napasinghap si Kenzo. Mabilis niyang hinila ang ulo ko, sumubsob ako sa kanyang dibdib bago niya ako mabilis na niyakap. "Naiinggit ako kay Mandee...kasi may kiya siya. Naiinggit ako kay Fidez kasi may Daddy siya" umiiyak na sumbong ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang yakap ni Kenzo sa akim. Hindi ko na mapigilang sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko.
"Shhh...baby, I'm here" pagaalo niya sa akin. Napatango na lamang ako. Nang kumalma ay kaagad niya akong hinila patungo sa office niya. Nanatili akong nakayuko dahil sa hiya, siguradong namumugto na ang aking mga mata.
Narinig ko pa ang bati ni Linda sa akin. Pero wala akong lakas na batiin din siya pabalik. Narinig ko pa ang utos ni Kenzo dito na wag na munang tatanggap ng pasyente o kahit sinong bisita.
Sa huli, tahimik kaming nakaupo sa kanyang sofa. Nakahilig ang ulo ko sa kanyang dibdib, ang kanyang kamay ay nasa aking buhok. Marahang hinahaplos iyon na para bang tinatahan ako kahot hindi naman na ako umiiyak.
"May mga naalala ako. Pagkatapos nung aksidente..." pagamin ko sa kanya. Nanatili siyang tahimik, mariing nakikinig sa aking kwento.
"We should visit a doctor. Ano pa?" tanong niya sa akin.
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Mariin siyang napatitig sa akin at nagtiim bagang ng muling makita ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Marahan niya iyong pinunasan gamit ang kanyang hinalalaki.
"Sabi ni Stella. Malaki yung chance na nakidnap ako nung 7 years old ako. May nakapulot sa akin at iniwan sa mga Serrano" kwento ko. Bahagya akong napanguso ng makita ko kung gaano katitig si Kenzo sa akin.
Duon ko naramdaman na medyo naiilang na ako sa kanya. Kahit pa magasawa na kami ay naiilang pa din ako. Lalo na kung ganyan siya makatitig na parang nangaakit.
Nagiwas ako ng tingin. "Wag mo nga akong titigan. Nagkwekwento ako eh" suway ko sa kanya.
Tumikhim siya kaya naman muli akong napatingin sa kanya. Mas lalo niyang akong hinila papalapit sa kanya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang ilagay ang kamay ko sa kanyang matigas na dibdib para sa supporta.
"Nakikinig ako" marahang sabi niya at inabot ang buhok ko at tsaka ako hinalikan. Muling humaba ang nguso ko. So ako lang ang nagiisip na nangaakit ang mga titig niya sa akin? So ako itong bastos?
"Nagpatulong na ako kay Ausgutine tungkol dito. May mga binayaran na siya para magimbestiga..." tuloy tuloy na sabi ko. Tumaas ang kanyang kilay, kita ko din ang pagtaas baba ng kanyang adams apple.
"At ngayon mo lang ito sinabi sa akin? Bakit?" mariing tanong niya. Medyo nakaramdam ako ng takot, punong puno ng awtoridad ang kanyang boses. Tumitiklop din naman ako kung minsan kahit anong away ko sa kanya.
"Eh kasi busy ka sa hospital. At busy ka din sa..."
"Never akong naging busy pagdating sayo. Saan mo nakuha iyan?" seryosong tanong niya sa akin. Naramdam ko ang paginit ang aking pisngi. Alam ko naman iyon, nuon pa man. Kahit nung college pa lang kami ay ganuon na siya sa akin. Ako palagi, una ako palagi sa kanya.
Bayolente akong napalunok. "Eh kasi Kenzo..." hindi nanaman niya ako pinatapos.
"Gusto kong suntukin si Augustine. Hindi ako naniniwala na wala siyang gusto sayo" matigas na sabi niya. Halos malaglag ang panga ko.
Nang makabawi ay hinampas ko siya sa dibdib. Ako lang din ang nasaktan dahil sobrang tigas nuon. "Kawawa naman si Gust. Tsaka ikaw nga ang gusto nun eh!" laban ko sa kanya. Hindi pa din nagababago ang tigas ng kanyang mukha. Mas lalo tuloy nadepina ang ganda ng kanyang panga.
"Gusto nga niya, maging kapatid na lang ako ni Kianna. Tapos kayong dalawa ang magulang" kwento ko pa. Para na din pagaanin ang sitwasyon at mukhang inis pa din ang isang ito.
Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin. Hindi pa din makuha ng aking panunuyo. "Daddy Kenzo..." tawag ko sa kanya. Nakangisi.
"Stop that" suway niya sa akin.
Muli akong yumakap sa kanya. At tsaka isinubsob sa aking mukha sa kanyang dibdib. "Pero kahit hindi ko na lang sila makita..." pagsuko ko.
"Hahanapin natin sila. I'll give you everything you want Sera" sabi niya sa akin kaya naman mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo. "I love you..." malambing na sabi niya sa akin.
Bukod sa mga tauhan ni Gust ay nagkaroon din si Kenzo. Mas lalong lumaki ang pagasa kong mahanap na ang tunay kong mga pamilya. Kahit may kung ano sa aking iniisip na pwedeng parte si Frank nuon. Pero kung siya nga? Bakit parang wala namang nabalitang may hinahanap siya. Parang normal naman ang lahat sa kanya. O baka dahil? Kapangalan niya lamang iyon. At natrigger ang alaala ko dahil sa pangalan niya? Hindi ko alam, basta ang alam ko ay marami pa din akong dapat malaman tungkol sa kanya. Lalo na't nakita ko siyang niyakap ang anak ko at tinawag na Frances.
"Ang hirap nama maghanap ng information about sa kanya" reklamo ni Gust sa akin habang nakatapat siya sa kanyang laptop. Alam ni Kenzo kung bakit madalas akong magpunta sa condo ni Gust. Ayaw pa sana niya nung una pero kalaunan ay naintindihan niya din.
"Eh kaya naman pala. Top security agency ang bussiness nila" sabi niya ng mukhang may ibinigay na info ang kanyang tauhan sa kanya. Mabilis akong lumapit sa kanya para tingnan din iyon. Napatawa si Gust, nagulat ako dahil duon kaya naman nagtaas ako ng kilay sa kanya.
"Top, Security agency sila tapos hindi ka niya naprotektahan sa pagkakakidnap mo? Hindi mo ito kuya..." tawa niya.
Natahimik ako. Mabagal na naproseso iyon sa aking utak. May point si Gust, at ang isiping napabayaan nga ang kaso ko at hinayaan na lang ay masakit para sa akin. "Bigatin halos lahat ng kliyente nila. Anak ng mga senador, mga bussinessman...kahit yung mga abogadong may malalaking kaso. Maganda ang feed back. Tapos sasabihin mo sa aking hindi nila na protektahan ang kapatid nila?" pagpapaliwanag ni Gust. Halos pumasok at lumabas na lamang iyon sa aking magkabilang tenga. He's at point.
"Baka kapangalan lang?" tanong niya sa akin.
"Pero tinawag niyang Frances si Kianna" giit ko kay Gust.
Napanguso siya. "I kinda like him. Tara kausapin na natin" maarteng sabi niya kaya naman halos mapasapo ako sa aking noo. Ha naku! Basta lalaki talaga.
"Or sa Ball ba langm sigurado namang nandito ito. Makakakuha ka naman siguro ng tiempo duon" sabi pa niya sa akin. Kaagad akong nabuhayan ng loob dahil duon. Mas ok nga iyon, na sa ball na lang kami magkita. Kung sasadyain ko siya ay baka hindi din iyon magpakita sa akin lalo na't sinabi niya kay Kenzo na lalayuan niya ako kapalit ng paglayo ni Kenzo kay Mandee.
Naging excited at kinakabahan tuloy ako sa papalapit sa PHA ball. Wala naman sana sa akin iyon nung una pero dahil sa sinabi ni Gust ay mas lalo akong nagkainterest.
Bukod sa hospital ay naging busy din si Kenzo sa kanilang companya. Ilang araw na lang ay dadating na ang kanyang mga magulang galing sa spain kaya naman kinailangan nilang magtulong tulong na magkakapatid para ayusin ang ilang mga bagay. Bukod sa Cargo at shipping at shipping na bussiness na hawak ni Piero ay nagtutulong tulong din sila ngayon sa Herrer Empire na flagship company nila.
Construction, machineries at cargo ang kanilang main bussiness. Lumago lang at lumaki lalo na at nagcombine ang bussiness nila kasama ng mga Jimenez na kamaganak din nila Kenzo. Unti unti akong naliwanagan kung gaano kayaman at kalakas ang kanilang pamilya.
Nagkaroon ng company meeting para sa paghahanda sa pagbabalik ni Alec at Maria Herrer. Kahit na kay Cairo na ang companya ay iba pa din pag nandyan na si Alec Herrer na makakasama niya sa pamumuno dito. Isinama ako ni Kenzo duon, nanduon din daw sina Amaryllis at Castellana.
Malayo pa lang ay natanaw ko na ang malapad at mataas na tower. Tatlong tower iyon na magkakakonekta. Nanduon din ang Jimenez law firm at ilang companya ng iba pang mga Herrer. Sa pagkakalaam ko ay malaki din ang companya ng kapatid ni Sir Alec Herrer na si Axus. Nalulula na lang ako kakaisip kaya naman ipinagsawalang bahala ko na lamang.
"We're here..." anunsyon ni Kenzo. Bumaba siya sa kanyang mustang pagkatapos ay umikot para pagbuksan ako. Ibinigay niya sa valet ang kanyang susi pagkatapos ay dumiretso na din kami papasok sa kanilang companya. Minsan iniisip ko kung bakit hindi na lang din siya dito nagtrabaho, pero ang isiping mas gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan at bussiness ay mas lalong nakakamangha. Mas lalo akong napahanga sa kanya.
Natanaw namin ang engrandeng double door kung saan daw gaganapin ang intimate meeting para sa mga empleyado, sa boards at sa bussiness associates. Pinasadya ang hall na iyon para sa mga salo salo kagaya nito. Sandaling bumaba ang tingin ko sa suot kong puting single starp dress, medyo mababa ang neckline at hapit sa katawan. Alam kong hindi pabor si Kenzo dito pero wala akong pakialam kaya naman nanahimik na lang din siya.
Hinayaan kong nakalugay ang aking itim na buhok. Kinulot ko ang dulo nito para lamang sa event na ito. Marami kaagad ang bumati kay Kenzo. Halos lahat ay Doc ang tawag sa kanya. Panay naman ang ngiti ko para hindi mag mukhang snob. At tangina, halos sumakit na ang panga ko.
Ang sakit ng panga ko ay napalitan ng paglalaglag ng bumukas ang double door sa aming harapan. Malaki ang buong hall, pula ang carpet sa sahig at naglalakihan ang mga chandelier sa itaas. Ramdam na ramdam mo ang spanish ambiance dahil duon. Maging ang mga simpleng disenyo sa mga pader ay nagsusumigaw ng espanya! Kung gaano kaganda ang labas ng building at ang hall ay mas ang nandito.
"You like it here?" nakangiting tanong ni Kenzo. Nakita ata niya ang pagkamangha ko sa buong lugar. Tumago ako sa kanya, naramdam ko ang halik niya sa aking pisngi.
"This is yours too" nakangising sabi niya sa akin. Hindi na ako nakapagreact pa. Sa kanilang pamilya ito, at dahil asawa ko siya at parte ako ng kanilang pamilya ay tama nga siya.
Naputol ang pagkamangha ko ng makita ko ang pagkaway sa akin nina Amaryllis at Castellana. Sa isang malaking round table ay halos silang dalawa lang ang nakaupo. Mabilis akong bumeso sa kanila ng makalapit kami ni Kenzo.
"Kenzo" tawag ni Piero sa kanya. Nakatayo ito hindi kalayuan sa amin, may kausap na tatlong lalaking mukhang mga bussinessman din.
Kaagad na nagpaalam si Kenzo sa amin para puntahan sandali si Piero. Umupo naman ako kasama ang dalawang kanina pa ngiting ngiti. Bilib din ako sa kanila dahil hindi sila nagrereklamo kakangiti samantalang ako ay kanina ko pa gustong magmura sa sakit ng panga ko. Castel is wearing a black tube top dress, naka half ponytail ang natural niyang kulot na buhok. Parag barbie tuloy siya. Si Amaryllis naman ay medyo conservative sa kanyang dark blue long sleeve bodycon dress. Bagsak din ang kanyang itim na buhok. Para siyang manika lalo na sa kanyang full bangs. I'm not a fan of full bangs pero ng makita ko si Amaryllis ay nagbago ang pananaw ko. She fucking slay it.
"Andito din ang mga Jimenez. Nakilala na namin sila...siguradong ipapakilala ka na din ni Kenzo" sabi ni Castel sa akin. Tipid akong ngumiti, medyo kinabahan pa. Nameet ko na ang Daddy niya pero sobrang tagal na nuon.
"Ayun...si Attorney Clark Jimenez, Si Attorney Marcus Jimenez..." turo ni Castel. Halos mapakurap kurap ako sa aking nakita, nasa dugo talaga nila ang pagiging gwapo, makisig at intimidating. Ok, hands down. Tangina.
Law firm ng mga Jimenez ang nasa kabilang tower. Kaya naman ng bumaling ako sa harapan at nakita ang napakalaking powerpoint ay hindi na ako nagulat pa.
Herrer - Jimenez group of companies
Napasimsim na lamang ako sa juice na nasa aking harapan. Kaya naman pala hindi naging problema sa gagong Kenzo ang pagbili ng manufacturing companya ng triple sa original price. Alam kong mayaman sila, pero hindi ko alam na ganito kagrabe!
Naputol ang pangangamusta namin sa mga anak namin. Nang inanunsyo ang pagsisimula ng program. Si Cairo ang nagsalita sa gitna bilang CEO. Kahit wala naman akong maintindihan tungkol sa bussiness nila ay hindi mawala ang pagkamangha ko sa pagsasalita niya. Para siyang nagiibang tao pag nasa harap ng mga empleyado at iba pang bussinessman. Parang hindi siya yung Cairo na binubully ni Kenzo sa clinic nito.
Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng kanyang speech. Matapos ng ilang pang program ay nagserve na ng pagkain. Panay naman ang usap naming tatlo tungkol sa mga nagbibigating bisita, may nakita pa nga kaming artista, may mga nasa politika at kung sino sino pang may malalaking pangalan.
"Buti hindi sila katulad ng ibang pamilya na pabor sa arrange marriage" sabi ni Amaryllis. Napangisi si Castel sa kanya.
"Kakapanuod mo yan ng drama eh" pangaasar niya dito. Napanguso si Amaryllis. Nangmagkwento siya ay duon lang namin nalamang, ipapakasal sana siya dati para sa bussiness ng pamilya. Mabuti na lamang at mukhang matinik itong si Piero.
Naputol ang paguusap namin ng lapitan ako ni Kenzo. Ipapakilala na daw niya ako sa mga Jimenez kaya naman medyo kinabahan ako.
"Tito..." tawag niya sa mga lalaking pormal na pormal. Kahit halatang mas may edad sa amin ay nakakaintimidate pa din silang tingnan.
Duon nakilala ko sina Attorney Clark at Marcus Jimenez. Sila ang namamahala sa Jimenez law firm. Maging sina Nathan at Sebastian Jimenez.
"Tita Elaine..." tawag ni Kenzo dito. Bahagya akong napayuko dahil sa ganda nito. Kahit pa nakangiti siya sa akin ay pakiramdam ko sobrang taas niya. Maganda at mabait.
Ipinakilala ako ni Kenzo sa kanya kaya naman kaagad siyang bumeso sa akin. "Welcome to the family. Hija..."
Pulang pula na siguro ang mukha ko. Sa talang buhay ko ay hindi ko kailanman inasahan na ipapakilala ako sa ganito kalalaking tao. Pabalik na sana kami sa table namin ng may itinuro pa si Kenzo sa akin.
"That's my tito Axus...then his son, Eroz" turo niya sa mga ito. Kumunot ang noo ko ng may makita akong pamilyar na babae sa kanyang tabi.
"Eroz is the CEO of Herrer automotive..." sabi pa ni Kenzo. Hanggang sa mapahinto kami sa paglapit ni Cairo sa amin.
"Oh. And another CEO" pangaasar ni Kenzo sa nakabusangot na kapatid.
Kung wala si Amaryllis at Castellana ay baka kanina pa ako nabored sa party. Hindi naman siya ganuon ka party talaga pero the fact na may pagkain, wines and drinks at maraming tao ay party na nga ito. Paghahanda daw ito sa pagbabalik ni Alec Herrer. Ganuon siya ginagalang ng lahat kaya naman kinailangan pa nito.
"Oh...baka matunaw" pangaasar ni Kenzo kay Cairo. Nakaupo na kamimg lahat sa may round table. Mukhang tinamaan din ng pagod ang mga ito.
Napangisi si Piero. "Ilang sasakyan ba ang meron ka?" tanong ni Piero sa kapatid. Mas lalong nagigting ang panga ni Cairo.
Sinunadan ko ng tingin ang kinalalagyan nung Eroz. Hindi ko alam kung anong meron, pero hindi talaga maalis ang tingin ko sa kasama nitong babae. Pakiramdam ko kilala ko siya, kailangan ko lang makalapit ng kaunti para makumpirma ang aking hinala.
Pero nawala ang tingin ko duon ng may mahagip akong tao. Si Frank! Nandito si Frank. Dito ko na lang kaya siya kausapin? Tutal ay hindi na din naman ako makapaghintay sa PHA ball. Pero paano?
Hindi naalis ang mata ko kay Frank. Naghahanap ako ng tiempo na maluwag siya at pwedeng makausap. Tumahimik ang buong table namin sa pagdating ni Clark Jimenez, sa kanyang tabi ay isang magandang babaeng hindi nalalayo ang edad sa akin. Maamo ang mukha at halatang mayaman.
"Ito ang mga pamangkin ko" pinakilala niya ang mga ito. Maging kami, duon sa babae. Hindi matanggal ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.
Hanggang sa halos sunod sunod na pumitik ang tenga ko. "Kasama niya ang kuya Frank niya para irepresent ang kanilang pamilya" sabi pa ni Clark Jimenez.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hanggang sa yung babae na ang nagsalita.
"It's my pleasure to meet you all. I'm Frances Del Prado" nakangiting pakilala niya. What the heck!?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro