Chapter 46
Riddles
Nanatili ang matalim kong titig sa walanghiyang si Mandee. Hindi din naman bumitaw ang gaga sa tingin niya sa akin na para bang nanghahamon pa siya. Gusto niyang ipakita sa akin na hindi siya natatakot at hindi siya nahihiya sa balat niya. Wala siyang karapatan dito!.
"Kailangan ako dito. Dahil ako ang ina at asawa" madiing sabi ko sa kanya. Humalukipkip ako sa kanyang harapan bago ko siya hinead to foot. Mukha ngang kagagaling niya lang sa airport at kaagad na dumiretso dito. Ang kapal talaga ng mukha!
Nang ibalik ko sa makapal niyang mukha ang tingin ko ay kaagad kong nahimigan ang pagkagulat na pilit niyang itinatago. Ha! Hindi mo alam na kinasal na kami ni Kenzo huh? Ayan, gusto mong isampal ko sayo ang kamay kong may wedding ring at ng bumakat sa mukha mo ang bato neto?
"I bet, he marry you for..."
"For love, Mandee...Kenzo is married to me, because he loves me" matamaan kong pagpapaintindi sa kokote niya. Damn, alam kong matalino ang gagong ito pero masyado siyang delusional at hindi na gumagana ng maayos ang utak niya.
Nakakabaliw talaga ang pagaaral, mabuti na lang at hindi ko masyadong kinareer. Tingnan mo ang isang ito at mukhang naloka na!
Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi ako magpapatalo sa kanya lalo na't nasa pamamahay ko siya. Aba! Kung magsasabunutan man kami ngayon. Ipapasok ko talaga siya sa bakuran namin, bukod sa trepassing na siya ay siya mismo ang sumugod sa akin dito.
"Bakit bumalik ka pa? Maayos na kami dito!" asik niya sa akin. Mas lalong tumaas ang kilay ko. Oh dear, hindi na niya nacontrol ang emosyon niya. Slowly losing her poise.
"Who told you? Kung talagang maayos na kayo dito, bakit kaagad akong pinakasalan ni Kenzo ng magkita kami? At kung talagang sapat ka na...bakit hindi ikaw ang pinakasalan niya?" bato ko sa kanya kaya naman mas lalong nalukot ang mukha niya. Kahit papaano ay gusto kong magtira ng kahit kaunting respeto sa kanya. Isa siyang doctor, inalagaan niya ang anak ko. Minahal niya, pero tangina! Maling mali siya sa parte na gusto niya akong sirain sa sarili kong anak!.
"Mahal na nila ako!" laban niya sa akin. Kaunti na lang ay pipiyok na siya. Napabuntong hininga ako at marahang napailing. Ang hirap pangaralan ng taong sarado ang isip.
"Maybe...maybe Mandee. Pero hindi sapat iyon para angkinin mo ang mag ama ko. Akin sila..." madiing sabi ko sa kanya. Imbes na pagharian ng galit ay mas lalong nangingibabaw ang pagkairita ko sa kanya. Hindi ba niya maintindihan ang point ko o ayaw niya lang talagang intindihin?
"You left them. Ako ang nandito para sa kanila nung mga panahong wala ka!" laban pa niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao, ito na nga ba ang ayaw ko. Ang isa isang ibato sa akin ng babaeng ito at ng mga taong nasa tabi ni Kenzo at Kianna ang mga panahong wala ako.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo..." madiin pero mahinahong sabi ko sa kanya. Kita ko na ang pamumula ng kanyang mga mata. Sa isang kalabit ay siguradong maiiyak na ito.
"You don't deserve them" duro niya sa akin. Padabog kong hinawi ang kamay niyang nakaturo sa akin.
"Oh, tama na ang turo at baka manuno ka" mapanuyang sabi ko sa kanya na mas lalo niyang ikinainis. Masyado akong pagod para harapin pa siya, sapat na sa aking ipaalam sa kanya kung saan siya lulugar.
"Damn you Sera! Akin sila!" sigaw niya sa pagmumukha ko. Dahil sa ginawa niya ay wala na akong nagawa kundi ang malakas siyang sampalin. Alam kong malakas iyon dahil kahit ang aking palad ay sumakit.
Napaawang ang labi niya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Napahawak siya sa pisngi niyang kaagad na namula ngayon. "Kulang pa iyan sa lahat ng kagaguhang sinabi mo sa anak ko. Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin dito" galit na sabi ko sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang makinig sa akin. Dapat lang dahil sa oras na may isang salitang lumabas ulit sa bibig niya ay paniguradong lilipad nanaman ang palad ko sa pisngi niya.
Naputol ang matalim na tingin ko sa kanya ng kaagad kong matanaw ang pagdating ng kulay puting suburban. Mariin akong napapikit. Damn it! Bakit ngayon pa nataong maaga ang uwian nila Kianna.
Tumunog ang pintuan ng sasakyan tanda na may lumabas. Hindi nagtagal ay nakita ko ang malaking ngiti ng anak ko, tumatakbo papunta sa aming gawi nakalahad ang mga kamay. Hindi para salubungin at yakapin ako kundi para yakapin si Mandee.
"Tita Mandee!" sigaw niya at kaagad na yumakap dito.
Kung kanina ay panalo ako dahil nasa akin ang lahat ng karapatan, ngayon ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Walang kahirap hirap na ipanmukha sa akin ni Mandee na tunay ngang may puwang siya dito kahit wala naman talaga. Naikuyom ko ang aking kamao ng nagawa pa niyang lumuhod sa harapan ng anak ko para mas mayakap niya ito.
"I missed you so much..." malambing na sabi niya dito habang paulit ulit na hinahalikan si Kianna sa pisngi. Hindu ko magawang magsalita o gumalaw habang pinapanuod ko silang dalawa. Ang isiping malapit siya sa anak ko ay masakit na, pero mas masakit ngayon dahil nakikita ko sila mismo sa aking harapan.
"I missed you so much too...tita mandee" malambing na sabi ng anak ko. Ni hindi niya nga ako nagawang tapunan ng tingin dahil masyado siyang lunod sa presencya nito.
Muli niyang niyakap ang anak ko. Habang nasa ganuon silang posisyon ay nagawa pa niyang sumulyap sa akin. Tiningnan niya ako na para bang ipinapamukha niya sa aking nagkakamali ako sa lahat ng sinabi ko sa kanya. Na sa isang iglap bumaliktad lahat ng paratang ko sa kanyang hindi siya kailangan dito.
"Bakit po hindi kayo pumasok?" inosenteng tanong ng aking anak sa kanya. Nagtiim bagang ako ng makita ko kung paano umamo ang mukha ni Mandee na tila mo'y kaawa awa siya.
Isang beses siyang sumulyao sa akin. Dahil sa ginawa niya ay duon lamang din tumingin ang anak ko sa akin. Tipid niya akong nginitian. Natural, wala naman siyang alam sa iringan naming dalawa ni Mandee. Sa tingin niya ay normal lang ang lahat ng ito ngayon.
"Cause your real mom is here" malumanay na sabi ni Mandee. Naikuyom ko ang aking kamao.
Kumunot ang noo ni Kianna. "But, you are always welcome here. Tita Mandee" laban ng anak ko. Wala na akong nagawa kundi ang tumabi sa daraanan ng hilahin siya ng anak ko papasok sa bahay.
Ilang minuto akong natulala sa labas ng bahay. Bigla akong kinain ng takot na pumasok sa sarili kong lugar, natatakot akong mas lalong masaktan sa oras na makita ko kung gaano sila kaclose na dalawa. Paano naman ako? Naguumpisa pa lang kami ng anak ko ay eeksena na kaagad siya.
"Ma'm Sera. Si Doc Kenzo po..." biglang dating ng isa sa mga kasambahay. Iniabot sa akin ang wireless telephone. Sandali akong napatitig duon. Parang kinain ang lahat ng lakas ko.
"Ba...bakit?" tamad na tanong ko kay Kenzo na nasa kabilang linya.
I heard him chuckle. Tangina neto, mukhang wala pa siyang alam sa mga nangyayari dito sa bahay. "Anong bakit? Kanina ko pa kinokontact ang cellphone mo" paliwanag niya. Napairap ako sa kawalan, naglakad na ako papasok sa bahay.
"Nasa kwarto" tamad na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagkakatigil niya sa kabilang linya, mukhang nahimigan niya ang pagiging natamlay ko.
"May problema ba?" tanong niya sa akin.
Hindi kaagad ako nakasagot. Lalo na ng makita ko kung gaano kasaya ang anak ko ngayon dahil kay Mandee. Nasa may sala silang dalawa habang isa isang tinitingnan ang mga pasalubong niya sa anak ko. Wala akong nagawa kundi ang ikuyom ang aking kamao.
"Andito ang babae mo" galit na utas ko.
May narinig akong kung anong nahulog sa kabilang linya. "Anong babae? Wala akong babae..." seryosong sabi niya. Imbes na sumagot pa ay kaagad ko na lamang pinatay ang tawag. Bahala ka diyan! Gago!
Walang lingon lingon akong umakyat sa itaas. Hindi ko pwedeng pwersahin si Mandee na umalid ngayon lalo na't nandito ang anak ko. Sa nakita ko kanina ay kayang kaya niyang magmukhang kaawa awa sa harap ng anak ko. Para ano? Ako ang magmukhang masama at kontrabida? Tangina niya!
Hindi din nagtagal ay narinig ko na ang pagdating ng sasakyan ni Kenzo. Mabilis akong nagtungo sa bintana para tingnan siya. Mabilis siyang lumabas sa kanyang sasakyan, ni hindi na nga niya naiayos ang pagkakapark ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang ibinigay sa guard ang susi para siya ang umayos nito.
Lumabas ako sa kwarto. Naabutan ko si Yaya Annie na hawak hawak si Kianna papasok sa kwarto nito.
"But why, Yaya annie? I still want to be with Tita Mandee..." rinig kong reklamo ni Kianna. Pumungay ang mga mata ni Yaya Annie ng tumingin siya sa akin na para bang nasasaktan siya para sa akin.
"Kianna" tawag ko sa anak ko. Kaagad siyang bumaling sa akin. Binitawan siya ni Yaya Annie para makalapit sa akin. Kumirot ang dibdib ko ng makita ko kung paano siyang walang ganang lumapit sa akin, malayong malayo sa kaninang excited na paglapit niya kay Mandee.
"Ayaw niyo po ba sa Tita Mandee ko?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko.
Humaba ang nguso niya kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga mata sa sahig. "Hindi naman sa..." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa panghihina. Gusto nanaman ba niyang magparaya ako? Kailangan ko nanaman bang magparaya para mapatunayan sa kanyang kaya kong gawin ang lahat para lang matanggap niya ako. Para lang maipakita ko sa kanyang mahal na mahal ko siya?
"Mabait po ang Tita Mandee ko. Wag mo po siyang aawayin" sabi pa niya. Ni hindi nga niya ako magawang tingnan.
"Kianna please..." pakiusap ko. Please, tama na.
Napakagat ako sa pangibabang labi ko ng makita ko kung paano pumula ang kanyang mga mata. "Mas love niya ako. Kesa sayo..." diretsahang sabi niya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay tinawag na din siya ni Yaya Annie para suwayin.
"Hindi yan totoo. Mas love kita, I assure you. Sa akin ka nanggaling...mas love kita" paninigurado ko sa kanya.
Mas lalong humaba ang nguso niya. "Inagaw mo na nga si Daddy sa kanya. Pati ako, gusto kong agawin sa kanya? Paano si Tita Mandee...kawawa naman siya" laban niya sa akin. Hindi ko alam kung saan ito lahat nakukuha ng anak ko. Gusto kong umintindi, pilit akong umiintindi pero sobra sobra naman na ata ito.
"Because you are mine, sa akin kayo" giit ko. Hindi na ako nakapili ng maganda pang salita. Masyado na akong nadala sa aking emosyon.
Muling kumunot ang kanyang noo. "You are selfish" akusa niya. Nabato ako, nakita ko na lamang ang paglapit ni Yaya Annie para suwayin ang anak ko.
"Kianna. Bad yan! Wag mong ganyanin ang Mommy mo" suway niya sa anak ko.
Napaawang ang aking labi. Nasaan na yung mga pinakita niya sa akin nung nada hospital ako? Akala ko ba ok na? Bakit bigla bigla na lang naging ganito ulit? Dahil lang dumating si Mandee, magbabago siya ulit.
"Yaya Annie. Padala si Kianna sa kwarto, wag na wag niyo pong papalabasin" seryosong sabi ko. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Kianna at hinila ito papasok sa kanyang kwarto. Naikuyom ko ang aking kamao.
Kaagad akong bumaba sa hagdan. Habang bumababa ay tumalim na kaagad ang tingin ko kay Mandee. Nakaupo ito sa sofa, nakatingala kay Kenzo at mukha nanamang kawawa. Nakatayo lamang ang asawa ko, nakapamewang habang seryosong nakatingin kay Mandee. Napatingin silang dalawa sa akin. Kumunot ang noo ni Kenzo habang nakatingin sa akin. Wala akong pakialam, dirediretso ang lakad ko.
"Sera..." tawag ni Kenzo sa akin pero hindi ko siya pinansin.
Napasigaw si Mandee ng kaagad ko siyang inatake ng dalawang magkasunod na sampal. Halos sumabog ang buhok niya dahil sa lakas nuon.
"Tangina ka!" sigaw ko sa kanya. Mabilis kong naramdaman ang braso ni Kenzo sa aking bewang para pigilan ako.
Nanatiling nakaupo si Mandee duon, iniinda ang pagkakasampal ko sa kanya at umiiyak. "Kung ano anong sinabi mo sa anak ko! Kinausap kita ng maayos kanina. Hindi ka pa nakuntento...gusto mo talagang gamitan ka ng dahas! Ha!?" sigaw ko sa pagmumukha niya.
Itinakip niya ang magkabila niyang palad sa kanyang mukha at napahagulgol. "Baby. Damn...stop it" suway sa akin ni Kenzo.
"Mandee, umalis ka na" maawtoridad ba sabi ni Kenzo dito. Kaagad na tumayo si Mandee at kinuha ang mga gamit niya.
"Tangina, hindi pa ako tapos!" sigaw ko.
Marahas kong kinuha ang braso ni Kenzo sa aking bewang. Kumawala ako at ng magtagumpay ay itinulak ko pa siya patungo kay Mandee. "Ayan. Sayo na yang si Kenzo. Basta sa akin ang anak ko!" sigaw ko sa kanilang dalawa.
Sumimangot si Kenzi dahil sa aking sinabi. Para siyang batang bumalik sa akin, nakalahad ang kamay. Muli ko siyang tinulak.
"Ayan sige! Sayo na. Basta sa akin si Kianna!" paguulit kong sigaw.
"Damn it! Baby wag mo naman akong ipamigay!" frustrated sa singhal ni Kenzo sabay lakad ulit papalapit sa akib. Hindi ko siya pinansin, nanatili ang matalim kong titig kay Mandee.
Muli kong naramdaman ang pagkakahapit ni Kenzo sa aking bewang. Nanghina ako, hayop! Nakikipagaway pa ako dito eh!
"Hindi lang yan ang aabutin mo sa akin sa oras na siraan mo ulit ako sa anak ko!" singhal ko kay Mandee. Muling kumati ang mga palad ko, kahit isang sabunot lang! Isang sabunot lang ng mahusto ako!.
Tumakbo siya palabas ng aming bahay. Habol habol ko ang aking hininga. Mabilis kong tinapik ang braso ni Kenzo. Kailangan niya akong bitawan dahil nanggigigil pa din ako.
"Bitaw!" sigaw ko sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang bitawan ako kaya naman malaya ko siyang hinarap. "Yang babae mo..."
"Wala akong babae" laban niya.
Hindi ko siya pinansin. "Yang Mandee na yan. Ubos ang buhok sa akin niyan sa oras na makita ko ulit. Pasalamat siya at kalalabas ko lang sa hospital at pa...pagod ako" nanggaglaiting sabi ko.
Mas lalong pumungay ang mga mata ni Kenzo. Tumaas pa ang isang sulok ng kanyang labi. Tangina, may naisip nanaman ang isang ito. Bwiset!
"Wag kang tatawa tawa diyan!" suway ko sa kanya kaya naman muli siyang nagseryoso.
"Hindi ko alam na pupunta siya dito. Matagal ko ng sinabi sa kanya na hindi na siya dapat lumalapit kay Kianna. Ok, kasalanan ko. Pero baby, wala talaga...wala kaming relasyon, hindi kami nagkaroon ng relasyon" paliwanag niya sa akin.
Habol habol ko pa din ang aking hininga. "Nung umuwi ako dito para magtake ng boards. Nakita ko kayo...pinuntahan kita! Sa condo mo" nahihirapang kwento ko sa kanya. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Hindi inaasahan ang aking sasabihin.
"Lasing na lasing ka...naghalikan kayo. Papasok sa condo mo! Nakita ko lahat!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang aking emosyon kaya naman ramdam na ramdam ang sakit sa bawat salitang lumabas sa aking bibig.
Mariin siyang napapikit. Inabot niya ang aking magkabilang siko at inilapit niya ako sa kanya. "Hanggang duon lang iyon. Walang nangyari, Oo inaamin ko...may ilang beses na naghalikan kami. Pero hanggang duon lang. Damn baby, hindi ko kayang gawin iyon sa iba. Ikaw palagi ang naiisip ko" pagamin niya. Mas lalong bumigat ang dibdib ko. Kahit sabihib niyang walang nangyari ay masakit pa ding isipin na muntik na. Muntik ng may mangyari!
Wala akong naging takbuhan kundi si Augustine sa oras na kailangan ko ng kakampi. Laking pasasalamat ko din ng makauwi na sina Abby at Apollo gaing sa kanilang honeymoon.
"Yan ang beauty" nakangising puna ni Gust sa kaibigan namin. Napanguso ako, totoo namang nagbago ang awra ni Abby matapos ang kanilang honeymoon.
"Sa pagbubuntis ko din siguro" nakangising sabi nito. Tumango na lamang si Gust bago muling bumaling sa akin. Muli niya akong inirapan. Inirapan ko din siya pabalik kaya naman halos malaglag ang panga niya.
"Wag kang magpapatalo. Ikaw ang asawa" paguulit pa niya. Kanina pa niya iyon sinasabi at kanina ko pa din sinasabi sa kanyang alam ko iyon. Alam ko ang mga karapatan ko. Pero sa tuwing ipinaglalaban ko iyon ay hindi talaga maiiwasang masaktan ko ang anak ko.
"Wala naman daw pala kasing relasyon. Yung babae ang habol ng habol kay Doc. Hindi mo din naman kasi masisisi ang asawa ko, eh talaga naman kasing habulin" pangaral pa niya sa akin kaya naman tumalim ang tingin ko sa kung saan.
"Kailangan mo sigurong kausapin si Kianna" sabi ni Abby kaya naman nalipat ang tingin ko sa kanya.
Napanguso siya bago siya nagsimulang magsalita. "Kailangan niyang maintindihan na sa pamilya niyo, hindi pwedeng kasama si Mandee" sabi pa niya. Nakita ko ang pagtango ni Gust.
Hanggang sa napangisi siya. "Ang problema nagmana dito" sabi niya sabay turo sa akin. "Sutil"
Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nginisian niya lamang ako. "Basta dapat hindi na muna siya magpakita. Dapat masanay yung bata sayo" pahabol pa ni Abby.
Iyon nga ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. Kahit medyo malayo nanaman ang loob ni Kianna sa akin ay pinapansin naman niya ako. Yun nga lang hindi kagaya sa hospital na siya mismo ang lumalapit sa akin, ngayon kasi ay ako mismo ang lalapit sa kanya para magkausap kami o pansinin niya ako.
"I'm ready na po" biglang sulpot niya sa may kitchen. Napagpasayahan naming sa clinic ni Kenzo maglunch ngayon, kakatapos ko lang ayusin ang lunch box na dadalhin namin.
"Wait, patapos na ito" nakangiting sabi ko sa kanya. Gustong gusto niya ang suot na pink dress. Kaagad ko siyang nilapitan para marahang ayusin ang buhok niyang nakahalf ponytail.
"Mommy. Mamamasyal po ba tayo after?" tanong niya sa akin kaya naman kaagad akong tumango.
"Pupunta tayo sa mall, tapos pupunta tayo kina Tita Castel. Nanduon sina Prymer at Cassy" sabi ko sa kanya kaya naman napanguso siya. Hindi pa siya gaanong close sa mga pinasan niya, hindi rin siguro siya sanay dahil lumaki siyang siya lang magisa at palagi siyang nasa loob ng bahay.
Nang maayos ko na ang lahat ay nagpahatid na kami sa driver. Sakay kami ng puting suburban papunta sa hospital. Panay ang kanta ni Kianna habang nakadungaw sa may bintana. Naging abala naman ako sa aking cellphone para ianunsyo kay Kenzo na papaunta na kami. Kasabay nuon ay muli akong nakatanggap ng message mula kay Stella. Nakalimutan ko ang sadya niya sa akin nitong mga nakaraang araw dahil naging busy ako sa aking anak.
Stella:
I'm free anytime.
Hindi ko na muna siya sinagot. Hindi ko pa alam kung kailan ako magiging ready na malaman ang totoo o kahit anong impormasyon tungkol sa aking totoong pamilya.
Binati kami halos ng lahat pagkadating namin sa Hospital. Patakbong lumapit si Kianna kay Linda para inanunsyo nanaman kung nasaang episode na siya ng pinapanuod niyang korean drama. Hinayaan ko na lamang at nginitian si Linda.
Naputol ang tingin ko sa kanilang dalawa ng makita ko si Fidez sa hallway, dito ang tungo niya sa akin. Matalim ang tingin niya, ano nanaman ang problema nito?
"Anong ginawa mo kay Mandee?" seryosong tanong niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sinampal ko" diretsahang sabi ko sa kanya kaya naman nakita ko kung paano tumigas ang ekspresyon ng kanyang mukha. Aba! I'm a pharmacist but I won't sugar coat! Unang una, hindi tabletas si Mandee at Pangalawa, tangina niya!
Naputol ang tinginan namin ng makita ko ang matandang lalaki sa kanyang likuran. Sandali akong sinulyapan nito bago siya bumaling kay Linda. "Paki bigay ito kay Kenzo" seryosong sabi niya sabay abot ng folder.
"Sige po, Mr. Del Prado" magalang na sabi ni Linda.
Tumango ang matandang doctor at kaagad bumaling kay Fidez. "You'll stay?" tanong niya dito. Mabilis na umiling si Fidez.
"I'll come with you Dad" malambing na sagot niya kaya naman kaagad na tumango ang matandang doctor. Muling sumulyap iyon sa akin kaya naman nagiwas ako ng tingin. Nakakatakot kasi.
Tinanaw ko silang umalis. Narinig ko pa ang paguusap nila kung saan sila magluluncg na dalawa. Good for Fidez mukhang ayos na siya tsaka ang Dad niya.
Nang pumasok kami sa clinic ni Kenzo ay nagulat pa ako ng makita ko duon si Cairo. Mukhang importante ang pinaguusapan nilang dalawa. Pero pareho silang napatayo dahil sa aming pagdating.
"Tito Cairo" tawag ni Kianna sa kanya at tsaka ito humalik sa pisngi. Matapos kay Kianna ay ako naman ang nilapitan niya para halikan din sa pisngi.
"Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ni Kenzo sa amin. Napahalakhak si Cairo, napairap naman ako kay Kenzo.
"Don't be to harsh. Ganito din ako kina Castel at Amaryllis" natatawang sabi niya. Inirapan siya ni Kenzo.
"Kaya ka nasusuntok ni Piero eh" inis na sabi nito.
Kasama namin si Cairo na mag lunch. Mabuti na lamang at madami ang dala naming pagkain. "Kamusta na kayo ni Piero?" tanong ko. Nagkinit balikat siya.
Napangisi si Kenzo. "What do you expect? Syempre yung bestfriend niya ang pipiliin niya" pangaasar niya kay Cairo. Napaawang ang labi ko. Totoo?
Nagtaas ng kilay si Cairo sa kanya. "I don't need his help. Magsama sila..." mayabang na sabi pa niya. Hindi ko na nasundan pa ang pinagsasabi nilang dalawa hanggang sa pumasok si Linda para ibigay kay Kenzo yung pinapaabot nung Doctor kanina.
"Oh thank you, Linda. Kasama si Fidez?" tanong niya dito. Tumango lamang si Linda bilang sagot kaya naman napabuntong hininga si Kenzo. Parang ang lalim ng problema.
"Bakit?" tanong ko. Busy si Cairo sa pakikipagusap kay Kianna.
"Daddy ni Fidez ang president ng PHA" sagot niya na ikinalaglag ng panga ko. Bigatin naman pala ang Fidez na iyon kaya ganun kung makaasta. Presidente ba naman ng Philippine Hospital Association ang tatay!
"Oh eh anong problema?" panguusisa ko pa din.
"Mainit ang dugo sa akin nuon dahil kay Tadeo" paguumpisa niya. Halos malaglag ang panga ko ng malaman kong may Past sina Tadeo at Fidez bago pa mawala nuon si Tadeo sa isang mission.
"Buti na lang pala hindi siya, mas gusto ko naman si Castel" sabi ko pa. Wala akong pakialam kung mahurt siya para sa kaibigan niya. Totoo naman! Tsaka duh, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung maging kapamilya ko siya. Like magkikita kami tuwing sunday? Wag na uy!
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Kenso. Hinapit niya ako sa aking bewang at tsaka niya ako hinalikan sa ulo. "Suplada" natatawang bulong niya sa akin. Hindi ko iyon pinansin.
"Buti naman ayos na si Fidez at ang Daddy niya" puna ko. Lalo na ng maalala ko kung paano halos magpakamatay si Fidez nuon. Tumango lamang si Kenzo.
Napanguso ako, hanggang sa muli akong napatingin kay Cairo. "Cairo may girlfriend ka na?" tanong ko. Narinig ko ang pagprotesta ni Kenzo kaya naman inirapan ko siya.
"Meron" simpleng sagot niya sa akin.
"In his dreams" nakangising bulong ni Kenzo.
"Huh? Bakit?" tanong ko.
Humalukipkip si Cairo at matamaan kaming tiningnan. "Kahit hindi maging sayo. She'll going to be part of the family" makahulugang sabi ni Kenzo na nagpalukot sa mukha ni Cairo. Oh! Boys...and their riddles.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro