Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 45

Ready







Ilang araw pa akong nagtagal sa hospital. Sa mga araw na iyon ay hindi ko naramdaman na magisa ako, kung hindi si Augustine ang nagbabantay sa akin ay nanduon naman ang aking mag ama. Halos gawin na ngang office ni Kenzo ang kwarto ko. Tahimik akong nanunuod ng tv habang nakaupo sa may hospital bed. Busy si Kenzo sa may sofa, kaharap niya ang kanyang laptop na nakapatong sa may center table.

Nasa school pa si Kianna at kakauwi lang din ni Augustine para makapagpahinga. Napahikab ako kahit halos buong araw naman akong tulog. Dahil sa aking paghikab ay napasulyap si Kenzo sa akin. Inirapan ko siya, wala lang trip ko lang. Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa aking pagirap sa kanya.

"Sungit" bulong niya sabay nguso.

Uminit ang pisngi ko dahil sa kanyang ginawa. Tanginang nguso yan! Nawala ang atensyon ko sa kanya ng makita ko ang pagilaw ng cellphone ko na nakapatong sa may mataas na bed side table. May vase din duon ng bulaklak at get well soon card. Nakatanggap din ako nuon galing sa office, nabalitaan nila ang nangyari sa akin. Si Kenzo na muna ang nagaasikaso duon.

Kumunot ang noo ko ng makita kong unknown number ang nagtext sa akin.

Unknown number:

Can we talk? Please, Sera.
-Stella Serrano

Ilang minuto akong napatitig sa aking cellphone. Nagtatalo ang aking isip kung sasagutin ko ba siya o babaliwalain na lang ang message niya sa akin. Para saan pa? Hindi ba't nagusap na sila sa korte? Pilit nilang inilalaban ang karapatan nila sa manufacturing kahit ang totoo ay wala naman na silang kalaban laban.

Ako:

Para saan pa? Hindi ko na ibabalik sa inyo ang manufacturing.

Napanguso ako at tsaka tamad na ibinalik ang cellphone sa may bed side table. Napatingin ako kay Kenzo ng makita ko ang pagtayo nito, hawak niya ang kanyang cellphone, diretso ang tingin sa akin. Humalukipkip ako.

Ngumisi siya ng tuluyang makalapit sa akin, kaagad niya akong hinalikan sa ulo. "I need to go to a meeting. Kailangan iyon para sa nalalapit na PMA ball" paalam niya sa akin. Mabilis na yumakap sa aking bewang ang kanyang braso.

Tumango na lamang ako sa kanya kahit hindi ko pinuputol ang tingin ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin, hanggang sa bumaba ang tingin niya sa aking labi. Muling uminit ang pisngi ko dahil duon. Bahagya kong tinulak ang balikat niya. "Alis ka na nga..." pangaasar ko sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa aking ginagawa. "Pwede namang hindi ako umattend duon, siguro?" natatawang sabi niya sa akin kaya naman sinimangutan ko siya. Nanatili ang tingin niya sa aking labi.

Halos mamanhid ang buong katawan ko dahil sa kanyang kakaibang titig sa akin. Nangaakit pa ata ang loko. Wag niya akong aakitin dahil never kong pinangarap na gawin iyon dito sa hospital! Kahit pa sa kanya ito!

"Uy, Kenzo!" tawag ko sa kanya. Dahil sa aking pagtawag ay nagangat siya ng tingin sa akin.

"Can't wait to bring you home..." mapangakit na sabi niya. Halos lumuwa ang mata ko, tangina talaga neto!

Hinampas ko ang braso niya. "Ang bastos mo! Kagagaling ko lang sa ak..." hindi niya na ako pinatapos sa mga hinaing ko ng mabilis niya akong hinapit palapit sa kanyang katawan. Napahalakhak siya dahil duon.

"Ang dumi dumi ng isip mo...kahit kailan" pangaasar niya sa akin. Natatawa pa din kaya naman mas lalong uminit ang pisngi ko. Halos kurutin ko ang tagiliran niya, bahagya siyang lumayo sa akin. Hindi pa ako nakuntento at kinurot ko siya ulit, mas gigil ngayon.

"Aray..." daing niya at napanguso. Parang bata niyang hinimas ang tagiliran na kinurot ko. Nakaramdam tuloy ako bigla ng guilt inaamin kong napalakas iyon.

Dinungaw ko ang tagiliran niya at nakitang nanatili duon ang kanyang mga kamay. Pumungay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na para bang nasaktan talaga siya duon. "Ikaw kasi ang landi mo. Hindi pa nga ako magaling nilalandi mo na ako!" akusa ko sa kanya. Pilit ko ding nilalaban ang guilt na nararamdaman ko. Ang epal kasi!

Kita ko ang pagtaas ng isang sulok ng kanyang labi. "Ang sarap mo kasing landiin. Kundi ka lang..." hindi ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin niya dahil mabilis kong inabot ang tenga niya at piningot siya.

"Tumigil ka na. Umalis ka na dito at inaantok na ako" suway ko sa kanya.

Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Kaagad akong umayos ng higa para makapagpahinga. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng aking kama, nakadungaw pa din sa akin. Tumalim ang tingin ko sa kanga hanggang sa halos maduling ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin.

Mabilis akong napapikit ng dumampi ang mainit at malambot niyang labi sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya sa kanya. Ang kaninang antok ko ay mas lalong naging grabe dahil halos dinadala ako kung saan ng bawat halik niya sa akin.

"Resy, baby" paos na sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo. Hindi na ako nakapagsalita pa, hindi na nakabawi pa ang mga mata ko sa pagkapungay dahil sa iginawad niyang halik sa akin hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok.

Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng bunganga ni Augustine. Naabutan ko siyang kumakain ng kung ano habang nakikipagkwentuhan sa isang lalaking nurse na may inaayos sa aking swero.

"So matagal ka na dito?" maarteng tanong niya. Napatigil siya sa pagsasalita ng makita niya ang matalim na tingin ko sa kanya. Tumaas ang isang sulok ng labi niya bago siya nagtaas ng kilay sa akin.

"Oh, nandito ka na? Asaan na yung girlfriend mo?" tanong ko sa kanya. Literal na nalaglag ang panga ng gaga. Napangisi ako ng sumimangot siya. Lalo na ng nagmamadaling nagpaalam ang lalaking nurse palabas ng kwarto ko.

"Tangeners ka!" galit na utas niya sa akin kaya naman napahalakhak ako.

Mas lalo akong napaayos ng upo ng makita ko ang mabilis na paglapit ni Kianna sa akin. May hawak siyang isang box na galing sa isang pastry restaurant. Nakangiti kaagad siya sa akin. "Mommy..." tawag niya sa akin at mabilis na inilapag sa higaan ko ang box at ipinakita sa akin ang laman nuon.

Yumuko ako para abutin siya at halikan sa pisngi. Sa kanyang kaliwang kamay ay hawak hawak pa niyang ang lapis niya. "Hindi pa po ako nag eat. I'm waiting for you..." malambing na sabi niya sa akin. Napangiti ako ng kumuha siya ng cheese topping duon sa isa sa mga special ensaymada na laman nung box. Isinubo niya iyon at dinilaan ang daliri niya.

"How's school?" tanong ko at muli siyang hinalikan sa ulo. Pumatong siya sa upuan sa tabi ng aking kama para maiangat ang sarili paupo sa aking higaan. Maingat ko siyang inalalayan.

"Ok lang po" malambing na sagot niya sa akin. Tumabi siya sa akin at tsaka kami tahimik na kumain. Panay pa din ang parinig ni Gust sa akin dahil sa naputol niyang pagdiskarte sa lalaking nurse kanina.

Hinarap ko siya. "Tigilan mo yan. Baka sipain ka palabas ni Kenzo dito pagnalaman niyang nilalandi mo mga empleyado niya" pangaasar ko siya kaya naman muli siyang umirap sa akin.

"Sus! Magkano ba ang pasahod ni Kenzo dito at nang madoble ko" pagmamayabang niya kaya naman napatawa ako.

Hindi pa din bumabalik si Kenzo. Marahil ay importante ang meeting na pinuntahan niya. Hindi naman naging problema iyon dahil aliw na aliw ako kina Augustine at Kianna. Hindi pa din ako makapaniwala na ok na kami ng anak ko kahit papaano. But still, hindi pa din ako titigil na araw araw siyang suyuin.

"Iyak yan ng iyak nung dinala sa hospital. Inaway ko pa nga eh..." kwento ni Augustine sa akin ng muling bumalik si Kianna sa may sofa para mag drawing. Nginusuan ko siya sabay tingin sa anak ko. Kawawa naman, umiyak na nga tapos inaway pa ng gagang si Augustine.

Nagpamewang siya sa aking harapan na para bang ipinapakita niya sa akin kung paano niya ginawa iyon. "Anong iniiyak iyak mo diyan? Hindi ba ayaw mo sa mommy mo?" masungit na sabi niya. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Siraulo talaga.

"Aba! Hindi ako pinansin nung una, sutil din yang anak mo. Manang mana sayo!" asik pa niya kaya naman napangisi ako.

Napahawak siya sa kanyang noo. "Busy ang papa mo Kenzo, ang katabi ni Kianna eh yung yaya niya. Walang nagawa ng magsalita ako...naka nganga lang" natatawang sabi pa niya.

Napasapo ako sa aking noo. Iniisip ko pa lang ang itsura ni Yaya Annie na siguradong nagulat kay Augustine ay gusto ko ng matawa. Ikaw ba naman ang makakita ng gwapo at maskuladong tulad niya na nagiinarte sa harapan mo ay makakapagreact ka pa kaya? And knowing this brute, siguradong epic iyon.

"Hinarap ko ulit. Balak ko talagang paiyakin pa lalo eh..." natatawang kwento niya sa akin kaya naman inabot ko siya at hinampas sa braso. Tawa lang siya ng tawa.

Muli siyang nagpamewang sa aking harapan. "Wala na, wala na ang mommy mo. Ayaw mo hindi ba?" sabi pa niya kaya naman napanguso ako. Muli akong napatingin sa anak kong inosenteng nagdradrawing ngayon.

"Ayun. Bigla na lang naging ganyan" pagtatapos niya sa kwento. Hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko din kasi inakala na mabilis na mapapalapit si Kianna sa akin, buong akala ko ay halos taon pa ang kakailanganin ko para lang mapatunayan ang sarili ko sa kanya. Worth it din pala ang sakit ng katawan dahil sa pagkakaaksidente ko.

Nang huminahon si Augustine ay muli siyang naging busy sa kanyang cellphone. Muli akong napabaling sa cellphone ko sa may bed side table. Duon ko lang ulit naalala na katext ko nga pala si Stella kanina.

Unknown number:

This is not about the manufacturing. This is about your real family. Sera.

Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay habang nakatitig ako sa aking cellphone. Napakagat labi ako habang nagtitipa ng reply sa kanya.

Ako:

What about them?

Nagulat ako ng makita kong mabilis siyang nagreply sa akin na para bang wala siyang ibang ginagawa kundi hintayin lang ang reply ko sa kanya.

Unknown number:

Maybe I can help. Para makita mo sila...

Napabuntong hininga ako. Am i ready for this? Ngayon na ba ang tamang oras?

Ako:

Ok.

Unknown number:

Let's meet. You can set the date.

Pagod kong binitawan ang cellphone ko. Kaagad akong nalunod sa lalim ng aking iniisip. Paano kung ayaw nga din nila sa akin? Hindi naman siguro ako mawawala sa kanila kung mahal nila ako. Tsaka kung totoong hinanap nila ako, bakit hindi nila ako nakita? Maybe they didn't try harder to find me. Baka hindi ako ganuon ka importante sa kanila para hanapin nila ako.

Am I ready for another rejection kung sakali? I'm still building myself for now. Naguumpisa pa lang akong bumangon sa lahat ng nangyari sa akin. Tama si Kenzo, wala na akong hihilingin pa sa presencya niya at ni Kianna. Pero paano naman ang buong pagkatao ko? Gusto ko ding malaman kung sino ba talaga ako.

Lumipas pa ang ilang araw bago ako tuluyang nakalabas sa hospital. Kumpleto silang tatlo na sumundo sa akin. Panay naman ang tawag at contact ni Abby at Apollo sa akin. Gusto sana nilang umuwi dito para sa akin pero pinigilan ko sila, ayokong maputol ang honeymoon nila ng dahil lang sa akin. Ayos naman na ako kaya naman wala ng problema.

"Wow, bongga!" maarteng puna ni Gust sa buong bahay pagkadating namin mula sa hospital. Panay din ang bati sa akin ng ilang mga kasambahay, maging si Yaya Annie ay hindi na nakapagpigil pa at niyakap pa ako para salubungin.

Maraming pagkain ang nakahain sa may lamesa. Hanggang sa malaglag ang panga ko ng makita kong nanduon sina Amaryllis at Castellana. Kumpleto sila, pwera kay Cairo na hindi ko alam kung nasaan ngayon.

"Sorry hindi kami nakadalaw nung nagising ka na" sabi nilang dalawa sa akin habang yumayakap.

Nabanggit din sa akin ni Kenzo na madalas dumalaw ang dalawa habang wala akong malay. Naiintindihan ko naman dahil may pamilya na sila. Kaya naman hindi na ako nagtaka na mukhang pamilyar na din sa kanila si Kianna. Humalik ito sa pisngi ng kanyang tito Tadeo at Piero. Pagkatapos ay lumapit siya sa kanyang dalawang pinsan na mas mabata sa kanya.

Ipinakilala ko sa kanila si Augustine, nagulat pa silang dalawa ng kalaunan ay nadiskubre nila kung ano talaga si Gust.

"Ipapakilala ko sayo yung kaibigan kong si Ducusin" nakagiting sabi ni Castellana kaya naman tumango si Gust. Gusto din naman nitong makahanap ng mga kaibigan lalo na't ako at si Abby lang ang kaibigan niya dito sa pilipinas. Mas marami siyang kaibigan sa US lalo na'g mas nagtagal siya duon.

Matapos ang tanghalian ay humiwalay kami sa mga lalaki. Nasa may garden kaming apat, ang magkakapatid naman ay may sarili ding mundo. Nasa garden ang mga bata ay naglalaro.

Siniko ako ni Gust at nginuso ang kinaroroonan nila Kenzo. Kumunot ang noo ko. "Sino ba ang asawa ng isang iyon at parang papatayin ako?" bulong niya sa akin. Muli akong napatingin kina Kenzo at duon ko nakita ang pabalik pabalik na tingin ni Piero sa aming gawi. He is not pleased.

Napahalakhak ako, nakuha ko tuloy ang atensyon nina Castel at Amaryllis. "Si Amaryllis" sagot ko kay Gutst. Kumunot ang noo ni Amary. Tinuro ko ang asawa niyang mukhang isang kalabit na lang ay sasabog na at susugod na sa amin.

"Galit ata si Piero dahil may kasama tayong lalaki dito" natatawang sabi ko at diniinan pa yung word na lalaki. Tumalim ang tingin ni Gust sa akin kaya naman mas lalo akong natawa.

Kita ko ang pamumula ng pisngi ni Amaryllis. "Ganyan talaga yan..." nangingiting sabi niya sabay iling.

Ilang pangaasar tuloy mula kay Castel ang nakuha niya. Lumipat ang tingin ko sa may playground kung nasaan ang mga bata. Bukod sa dalawang babaeng nakascrub suit na nagbabantay sa dalawang lalaking bunso sa magpipinsan ay may dalawa pa para kina Prymer at Cassy. Busy naman si Yaya Annie sa loob at tumutulong sa mga kasambahay para sa pagliligpit.

Muli akong siniko ni gusy at nginuso si Kianna. Nakahalukipkip ito habang nakatayo at nanunuod sa mga pinsan niya. Busy si Prymer at Cassy na naglalaro ng mga laruan nila na pinapatayo sa lupa. Napanguso ako ng mapansin kong hindi gusto iyon ng aking anak. Bukod sa may matanda siya sa kanila ay sanay siya sa playroom niya. Naninibago pa siguro.

"Amputa!" matinis na sigaw ni Prymer bago sila nagtawanan ni Cassy.

Halos masamid si Amaryllis ng marinig ang anak. Napahalakhak naman si Castel at gust ng marinig iyon. Tumayo si Amaryllis para puntahan ang anak.

"Naku Sera. Napagiiwanan ang anak mo..." pangaasar ni Gust sa akin. Tangina neto, nakahinga nga ako ng maluwag dahil hindi pa nagmumura si Kianna gayong nagumpisa na ako sa ganyang edad.

Karga na ni Amary si Prymer pagbalik niya sa aming lamesa kaya naman nakasunod na kaagad si Cassy sa kanila. Nakangusong naglakad si Kianna palapit sa akin. Tinawag ko siya at kaagad na hinila paupo sa aking hita. "Why?" natatawang tanong ko. Nanatili kasi itong nakanguso.

"They play dirty stuff" diretsahang sabi niya. Ang gagang augustine ay napahalakhak. Bigla tuloy akong nahiya kina Castel at Amary.

"That's not dirty, normal lang iyon...ganyan ka din naman nung medyo bata ka pa" malambing na suway ko sa kanya.

Mariin akong napapikit ng umiling siya. Alam ko na, oo nga pala't masyadong protective si Kenzo sa kanya. Taong bahay nga pala ang anak ko kaya ganito.

"Don't worry Kianna. You'll get along with them soon. Di ba Cassy...you'll ay with ate Kianna" malambing na pagkausap niya sa anak.

Halos sumabog ang natural na kulot na buhok nito sa kanyang maganda at maamong mukha kaya naman mabilis na siniklop ni Castel ang buhok ng anak at pinusod iyon. Tumitig si Cassy kay Kianna bago dahan dahang tumango.

"Very good..." malambing na sabi ni Castel sa anak bago ito hinalikan sa pisngi.

Tahimik naman ngayon si Prymer habang busy sa pakikinig sa bulong ng Mommy niya na mukhang pinapangaralan siya sa pagmumura kanina. Bagay na bagay sa kanya ang itim na itim na buhok at ang kanyang full bangs.

Hindi din nama sila nagtagal sa aming bahay. Lalo na't may family day naman kami tuwing linggo. Mabilis na nakatulog si Kianna pagkatapos siyang linisan ni Yaya Annie.

"Bakit wala si Cairo?" tanong ko. Kakalabas ko lamang ng banyo para maligo, nakaupo si Kenzo sa kama kaharap ng kanyang laptop. Nagangat siya ng tingin sa akin at tumaas ang kanyang kilay. Napanguso ako, muli kong ibinalik ang tingin ko sa closet para kumuha ng isusuot.

"At bakit mo hinahanap si Cairo?" masungit na tanong niya sa akin. Napairap ako sa kawalan.

"Curious lang ako. Siraulo..." bulong ko sa huling salita. Wag niya sabihin sa aking nagseselos siya sa kapatid niya.

"Nagaway ata sila ni Piero..." tamad na sagot niya sa akin kaya naman medyo nagulat ako.

"Oh eh, bakit?" panguusisa ko. Sandali ko siyang nilingon at nakita kong patapos na siya sa kanyang laptop.

"Hindi naman si Piero mismo, yung bestfriend ni Piero ang kaaway" sagot niya pa sa akin. Narinig ko ang pagsara niya sa laptop at ang kanyang papalapit na yapak.

"Sino ba ang bestfriend ni Piero?" tanong ko.

Halos mapamura ako ng mabilis na pumulupot ang braso niya sa aking bewang. "Secret" nakangising bulong niya sa akin. Tangina! Ang arte, pabitin pa.

Hindi na ako makapagconcentrate sa pagpili ng isusuot ng magsimula na siya sa paghalik sa aking batok, hanggang sa aking leeg. Halos mamilipit ako dahil sa nararamdamang mga kiliti.

"Kenzo..." tawag ko sa kanya. Unang gabi sa bahay ay papagudin pa ata ako ng loko. Imbes na tumigil ay hinarap pa niya ako sa kanya. Hindi na ako nakatanggi pa ng mabilis niyang siniil ng halik ang aking labi. Kinawit ko ang magkabilang braso ko sa kanyang leeg dahilan kung bakit niya niyakap ang bewang ko at mas lalong inilapit sa kanyang katawan.

Napadaing ako ng mabilis kong maramdaman ang umbok sa kanyang gitna dahil sa suot kong robe. "Wala kang awa, kalalabas ko lang sa hospital" nakangising pangaasar ko sa kanya. Nginisian niya lang din ako at tsaka ipinagpatuloy ang halik sa akin.

Walang kahirap hirap niyang tinanggal ang suot kong robe at nahulog iyon sa sahig. "Damn..." hinihingal na bulong niya bago niya ako binuhat at maingat na ibinaba sa kama. Hubad na ako sa harapan niya pero siya ay may tshit pa at suot na shorts. Kaagad kong hinawakan ang laylayan ng tshirt niya para ipahubad iyon sa kanya. Ngumisi siya sa akin at hinubad iyon, sinunod niya ang kanyang shorts at mas lalong uminit ang pisngi ko ng makita ko ang kabuuan niya. It was damn hard and ready. Shit!

Bago pa muling makadagan si Kenzo sa akin ay hinawakan ko na ang sa kanya. Napaungol siya ng dahan dahan ko iyong ikinulong sa aking kamay at gumalaw pataas baba. Halos hindi nagpangabot ang kamay ko habang hawak ko ang sa kanya. He was big...massive.

Nagulat ako ng tinapik niya ang kamay ko kaya naman napatigil ako. "Bakit? Mali ba?" nagtatakang tanong ko. Im no expert pero sigurado akong tama naman ang ginagawa ko.

"You're driving me insane...Hindi tayo magsasayang ngayon. I wan't all of me inside you" mapangakit na sabi niya sa akin.

Napasinghap ako ng kaagad na dumapo ang kamay niya sa aking gitna. Expertong gumalaw ang kamay niya duon bago ako tuluyang nanginig ang buong katawan ko for my release.

Hindi na nagsawang ng segundo si Kenzo dahil halos umusog ako sa kama ng pinasok niya ako. Matagal na napaawang ang labi ko dahil sa kanyang pagpasok, kahit ilang beses ata niya akong angkinin ay paulit ulit akong mabibigla sa kanyang laki.

When he fill me to the brim ay dumagan na din siya sa akin. Niyakap ko siya dahilan kung bakit naipit ang dibdib ko sa kanyang matigas na dibdib. "I'm ready" paos na sabi ko.

Tinitigan niya ako habang dahan dahan ang ginawa niyang paglabas masok sa akin. Nanunuya.

"Uh huh..." mapangakit na sambit niya.

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Halos umikot ang paningin ko. Nakakabaliw pag mabilis, ibang pagkabaliw din kung ganito.

"I mean...ugh!" daing ko. Shit.

Kenzo growl. Damn that was too much sexiness. Tangina.

Pagkatapos ng isa pang mahabang ungol ay humugot na ako ng lakas para makapagsalita. "Buntisin mo na ako..." hinihingal na bulong ko sa kanya. Mas lalong dumilim ang kanyang awra. Parang natakot tuloy ako. Shit.

"Yan naman talaga ang gagawin ko" matigas  na sabi niya sa akin. Halos manlaki ang aking mga mata ng kinuha niya ang magkabilang kamay ko. Itinaas iyon sa aking ulo at ikinulong.

"Shit!" daing ko ng bahagya siyang lumuhod sa aking gitna. Hinahanda ang sarili sa gagawing.

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sa kanya ng sandali niyang hinugot ang sa kanya bago niya akong biglaang pinuno. Naging mabilis at madiin ang galaw ni Kenzo. Wala akong nagawa kundi ang salubungin siya. Kung hindi pa ako nagreklamong pagod na pagod na ako at inaantok na ay hindi pa niya ako titigilan. Nakatatlo kami ng gabing iyon, hindi ko alam kung nakapangat pa siya dahil nakatulog akong nakadagan pa siya sa akin. Sobrang pagod at antok, ang bastos ko sa part na iyon pero wala akong nagawa.

Tanghali na ako nagising kinaumagahan. Kaya naman tanging roses at maliit na note na lang ang naabutan ko. Maraming naghihintay na trabaho kay Kenzo lalo na't naging busy siya sa akin ng ilang linggo.

"Good morning Ma'm Sera" bati sa akin ng ilang kasambahay kahit halos magtatanghali na. Binati ko din sila pabalik.

Nasa school na din si Kianna kasama si Yaya Annie. Napanguso tuloy ako, gusto ko pa namang ako ang nagaayos sa anak ko bago pumasok sa school. Umupo ako sa may sala at binuksan ang tv. Balita ang kaagad na sumalubong sa akin. Isang Doctor na lalaki ang nagsasalita, interview iyon para sa nalalapit na philippine medical assocoation ball. Narinig ko na iyon kay Kenzo. Tamad akong napatitig sa lalaking nagsasalita. Bago ko pa mabasa ang pangalan niya ay narinig ko na ang doorbell mula sa labas.

Imbes na maghintay ng kasambahay ay ako na ang lumabas patungo sa may gate. Kumulo ang dugo ko ng makita ko kung sino ang bisita namin. Nakangisi siya sa akin ng hubarin ang suot na aviators.

"Oh...look who's here" mapanuyang sabi niya.

Nagtiim bagang ako. Naikuyom ko ang aking kamao. Parang ang sarap manuntok ngayon ah!

"What are you doing here?" matigas na tanong ko sa kanya.

"I'm here for Kenzo and Kianna. They're expecting my arrival" maarteng sagot niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Stay away. This is my family" pagbabanta ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "Una akong kinailangan ng pamilyang sinasabi mo. You can't take them away from me just like that" mapanuyang sabi niya sa akin. Halos bumuga na ako ng apoy sa galit.

"Walang may kailangan sayo dito" madiing sabi ko.

Nginisian niya ako. "At sayo meron?" mapanuyang tanong niya. Tanginang Mandee! Sarap hambalusin ang mukha.


















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro