Chapter 4
Kiss me
Sa hindi ko inaasahang pagkakataon bigla na lamang akong naging excited na pumasok araw araw. Hindi ko alam kung bakit, epekto marahil ng gagong si Kenzo na panay ang pilit sa akin na pumasok at magaral.
"Ay iba din. Nagrereview na tayo ngayon ah!" nakangising pangaasar sa akin ng kararating lang na si Abby umaga ng lunes.
At sa sobrang excited kong pumasok. Ako na ang nagbukas ng punyetang ilaw sa lahat ng hallway na madaanan ko. Naunahan ko pa ang janitor hayop.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Magbabagong buhay ba ako" pagmamayabang ko pa sa kanya kaya naman napatakip ito sa kanyang bibig at umakto pang parang gulat na gulat ang gaga. Hindi din naman iyon nagtagal dahil mabilis din siyang napangiwi.
"Wag na tayong maglokohan Sera, ilang beses ko nang narinig iyan eh. Ilang beses ko na din yang new years resolution" mapanuyang pangaasar pa niya sa akin kaya naman kaagad kong inihampas sa kanya ang hawak kong handouts dahil sa sobrang inis.
Kaming dalawa pa lang ni Abby ang nasa laboratory room kaya naman nang tumakbo ito palayo sa akin ay kaagad ko siyang hinabol para muling hampasin. Gigil ko siyang pinalo ng handouts ko ng maabutan ko siya. Tawa ako nang tawa dahil sa pagdaing nito. Napatigil kaming dalawa sa gulat ng makita ko si Kenzo sa may glass door ng aming room.
Nakangisi itong nakatingin sa amin kaya naman kaagad kong itinago sa aking likuran ang handouts kong ginawa kong pamalo. Nagiwas kaagad ako ng tingin sa kanya. Pero ang gagang Abby ay tinulak tulak pa ako.
"Lapitan mo na. Ang arte naman nito" pangaasar pa niya sa akin kaya naman humabol pa ako ng isang hampas sa kanya bago ako naglakad palabas para puntahan si Kenzo.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray na salubong ko sa kanya.
Nginisian lamang ako nito. "Good morning" bati niya sa akin kaya naman humaba na lamang ang aking nguso. Nakaramdam ako ng hiya na bumati sa kanya pabalik kaya naman inirapan ko na lamang siya.
Umupo kami sa sofa sa tapat ng instrumentation room. May dala itong kape at sandwich na binili niya sa 7 eleven. "May Exam din ako ngayon" kwento pa niya habang maingat na inaabot sa akin ang kape. Inilapag niya sa sahig ang kanyang backpack. Nakita ko ang makapal na libro na dala dala nito.
"Binabasa mo yan?" gulat na tanong ko sa kanya na tinanguan niya. "Diyan kukuha ng tanong para sa exam namin" sagot pa niya sa akin kaya naman napangiwi ako.
"Good luck" mapanuyang sabi ko.
"Thank you" sagot ni Kenzo na ikinagulat ko. Para pa itong kinikilig dahil sa pagngisi.
Napairap na lamang ako sa kawalan. "Alam mo, pagnalaman ko lang talagang pinagtritripan mo akong hayop ka" pagbabanta ko pa sa kanya kaya naman mariin siyang bumaling sa akin.
"I'm serious about you Sera. Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" seryosong tanong pa niya sa akin kaya naman napahalukipkip ako.
"Sayaw ka nga sa harap ko" utos ko sa kanya. Halos matawa ako dahil sa reaksyon nito. Kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagprotesta.
"Ayoko" matigas na pagtanggi niya.
Aba't ang tarantadong to...
"Akala ko ba?" panghahamon ko sa kanya pero sinimangutan niya lamang ako. Tamad itong sumimsim sa kanyang hawak na kape. Tahimik na binuksan ang makapal na libro.
"Kahit ano, wag lang iyon" seryosong sabi pa niya sa akin kaya naman napanguso ako. Nanatili ang mga mata ni Kenzo sa librong binabasa.
Hindi ko napigilang hindi mapatitig sa kanya habang ginagawa niya iyon. Mas lalo siyang gumagwapo habang seryoso siyang nagbabasa at paminsan minsan pang kumukunot ang kanyang noo. Sobrang manly, hindi pa ako tumingin ng ganuon sa kahit na sinong lalaki. Never pa akong namangha sa isang lalaking nagbabasa lang ng libro ay ang lakas na ng dating.
"Hey..." pagkuha niya ng atensyon ko. Kaagad akong nabalik sa wisyo, nginisian pa ako ni Kenzo dahil sa aking naging itsura at pagkabato sa kanya. Tangina Sera, pakipot kaunti.
Inirapan ko siya at tsaka kaagad ba sumimsim sa kape kong ibinigay niya. Mariin akong napatitig sa kabilang sofa para magisip kung anong pwede kong ipagawa kay Kenzo. Tumaas ang isang kilay ko nang may naiisip.
Inilapit ko ang sarili ko sa kanya. "Kiss mo nga ako" panghahamon ko sa kanya. Kita ko ang pagkagulat sa mukha nito, halos hindi nanaman maipinta ang mukha niya. Para mas lalo siyang maasar ay mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya kasabay ng mas lalong paghaba ng aking nguso.
"Come on, isang kiss lang" nakangising sabi ko pa sa kanya. Titig na titig si Kenzo sa aking mga labi. Titig na palagi niyang ginagawa sa tuwing nagmumura ako.
"Hindi pa tayo. Hindi ako humahalik ng babae na hindi ko girlfriend" seryosong sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin. Naikuyom ko ang aking kamao. Gagong to, pakipot pa. Magpapahalik na nga ako.
"Aya mo talaga?" galit na panghahamon ko sa kanya.
Mariin lamang siyang umiling sa akin habang nasa libro pa din ang kanyang atensyon. Sinamaan ko siya ng tingin at tsaka ako padabog ba umayos ng upo.
"Tangina" inis na sambit ko. Napansin ko ang pagsulyap ni Kenzo sa akin dahil sa pagmumura ko.
Pinanlisikan ko siya ng mata. "Oh anong tinitingin tingin mo diyan?" mapanuyang tanong ko sa kanya.
Umiling siya sa akin. Tumingin sa kanyang suot na orasan bago niyang marahang isinara ang libro na hawak. "Kailangan ko ng umalis" paalam niya sa akin.
Napatayo din ako kasabay niya. Pinulot niya ang backpack na nakalapag sa sahig. Nakasimangot lamang akong pinapanuod siyang gawin iyon. Kahit ang pagsukbit ng bag ang gwapo ng gago. Nginisian niya ako ng makita niya ang nakabusangot kong mukha.
Lumapit siya sa akin kaya naman kaagad akong napatingala dahil sa tangkad niya. "Umagang umaga nakasimangot ka nanaman" pangaasar niya sa akin kaya naman mas lalong humaba ang nguso ko.
Nabigla ako at nanigas ng lumapit pa ito lalo sa akin at tsaka ako hinalikan sa pisngi. "Good luck din sa exam mo, galingan mo" malambing na sabi pa niya sa akin bago siya tumalikod para umalis. Namanhid ang pisngi kong hinalikan niya. Tangina talaga!
Sumulyap pa ito bago tuluyang bumaba ng hagdanan. Bago pa man ako makapagreact ay nabingi na ako sa tili ng gagang si Abby na mas nauna pa atang kinilig kesa sa akin
Nagtatalon ito sa aking tabi at pagkatapos ay ibinagsak ang sarili paupo sa sofa. Bayolente akong napalunok, ramdam na ramdam ko pa din ang halik ni Kenzo sa aking pisngi. Ang bilis ng tibok ng aking puso, naginit din ang aking pisngi.
"MagkakaJowa ka na talaga!" anunsyo pa ni Abby.
Hindi tuloy nawala ang pagngiting aso nito sa tuwing magkakatingin kaming dalawa. Panay naman ang taas ng middle finger ko sa ere dahil sa inis sa kanya. "Sabay ba ulit kayong magluLunch ni Doc?" tanong ni Abby sa akin habang inaayos namin ang tuckle box namin.
Inirapan ko siya habang hinuhubad ang aking labgown. "Wag mo nga akong aliwin, may utang kang lunch sa akin with milk tea. Kala mo ha..." pagbabanta ko sa kanya dahil baka akalain niyang nakalimutan ko na iyon.
Humaba ang nguso ni Abby. Pagkatapos ng klase ay kaagad din kaming bumaba para bumili ng mirienda. 30 minutes lang ang break namin bago ang susunod na klase. Ang ibang kaklase namin ay nagmadaling lumipat sa room para makapagreview pa. Kami ni Abby ay mas piniling kumain kesa magbasa.
"Ano sayo?" tanong niya sa akin.
"Turon" sagot ko sa kanya na ikinatango niya. Siya na ang umorder para sa aming dalawa. Madaming med student nanaman ang namataan ko sa bilihan ng Calamares. Hindi ko naiwasang hindi hanapin si Kenzo sa kumpol ng mga iyon.
Tumaas ang kilay ko nang makita ko duon si Fidez. Magisa lamang siya at hindi kasama sina Andrew at Kenzo. Pero mas lalong tumaas ang kilay ko ng makita ko si Mandee sa kanyang tabi. Sabi ko na nga ba, si Mandee ang manok niya para sa bestfriend. Napanguso ako, edi magsama sama sila paguntigin ko pa sila eh.
Nagtaasan ang balahibo ko ng may maramdaman akong palad na humawak sa aking likuran. Nang tingnan ko iyon ay kaagad kong nakita si Kenzo. May hawak itong buko juice habang may nakaipit na handouts sa kanyang kilikili.
"Nakabili ka na?" tanong niya na kaagad kong tinanguan. Napatango na lamang din siya sa akin.
"20 pesos sa akin!" sigaw niya kay Andrew na nagtungo duon sa bilihan ng Calamares. Hindi umalis si Kenzo sa aking tabi habang sumisipsip sa kanyang buko juice. Hindi ko naiwasang mapatingin duon, paakyat sa straw. Buti pa yung straw...sana all. Tangina.
Napamura ako sa aking isipan dahil sa kagaguhang naiisip. "Tikman mo, ang sarap ng buko nila ngayon" yaya niya sa akin habang pilit na inilalapit ang straw sa aking bunganga. Sinubukan kong ilayo ang aking mukha sa kanya, pero kaagad akong hinawakan ni Kenzo sa aking batok para ipirmi ang aking ulo.
"Sige na, isang sipsip lang" pagpupumilit pa niya. Dahil sa inis ay kaagad akong sumipsip duon. Napangiti si Kenzo dahil sa aking ginawa.
"Oh di ba masarap?" tanong pa niya sa akin. Tamad ko lamang siyang tinanguan bago niya muling sinubo ang straw. Nakita ko ang pagpula ng tenga nito.
"Oh bakit namumula yang tenga mo?" tamad na tanong ko. Inilapit niya ang bunganga niya sa aking tenga.
"Mas sumarap yung buko ko dahil sa laway mo" bulong niya na nagpatindig sa aming mga balahibo.
Mabilis ko siyang hinampas sa braso. "Manyak ka!" asik ko sa kanya at paulit ulit siyang tinulak palayo sa akin. Tinawanan lang ako ni Kenzo habang kinakagat kagat pa nito ang dulo ng straw niya.
Natigil lamang iyon ng lapitan kami ng nakasimangot na si Fideliz. "Tigilan niyo nga yan. Pinagtitinginan kayo...ang dami daming estudyante ta..." hindi na namin narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil naglakad na siya palayo sa amin.
Tangina talaga netong squad ni Kenzo mga abnormal ang hayop. Sinamaan ko siya ng tingin. "Mainit talaga ang dugo niyang Lola mo sa akin. Paguntugin ko pa kayo eh" inis na sabi ko sa kanya. Hindi naman nawala ang ngisi sa labi niya.
"Sera ito na yung turon mo" sabi ni Abby sa akin sabay abot sa turon na ipinabili ko.
Inirapan kong muli si Kenzo bago kami umalis duon. Pero kaagad niya akong hinarang. Nanlaki ang mga mata ko ng yumuko ito para kumagat sa turon ko.
"Akin to ah!" galit na sabi ko sa kanya. Napanguso siya.
"Damot, patikim lang eh" parang batang sabi pa niya. Muli nanaman akong naging lutang pabalik sa aming room. Ngingiti ngiti si Abby sa aking gilid.
Kanina pa nito hinihintay na kagatin ko yung turong kinagatan ni Kenzo. Naikuyom ko ang aking kamao. Nang sandali siyang magpaalam sa akin na lalabas siya para mag cr ay dahan dahan kong kinain yung turon. Gutom ako at tangina hind magaadjust ang tiyan ko sa laway ni Kenzo sa turon ko.
Habang kumakain ay muling nagvibrate ang cellphone ko. Kaagad kong nakita ang pangalan ni Kenzo sa notification.
"Kamusta yung turon, Masarap ba?" tanong niya ba may kasama pang nakadilang emoji. May pa-emoji pa ang gago ang tanda tanda na. Inis kong itinago ang cellphone ko sa aking bulsa. Wala na ata talaga akong kawala sa gagong yun.
Alasingko natapos ang klase namin para sa araw na ito. Nauna akong bumaba kay Abby dahil dumaan pa ito sa Cr nainis akong maghintay sa kanya duon dahil mahaba ang pila. Bumaba ako mula sa PJP 4th floor at tsaka dumiretso sa harapan ng registrar office kung saan may mga bench.
"Pwede ba kitang makausap?" mataray na tanong ni Fidez sa akin. Nagulat pa ako dahil sa biglaang pagsulpot niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?" tamad na tanong ko sa kanya. Nanatili itong nakatayo sa aking harapan kaya naman nakatingala ako sa kanya.
"Ayoko sayo para sa kaibigan ko" diretsahang sabi niya sa akin na hindi ko naman na ikinagulat pa. Ang kinagulat ko ay ang pagiging diretso niya. Hindi man lang niya pinaganda ang salita.
Nagtaas ako ng kilay. "Eh ayoko din naman sa kaibigan mo. Siya ang nagpipilit ng sarili niya sa akin" laban ko sa kanya kaya naman lalong sumimangot si Lola Fidez.
"Then bakit mo siya inientertain?" giit niya sa akin. Tamad ko siyang tiningnan bago ko siya inirapan. Tangina talaga neto mukha tuloy akong nasa hot seat.
"Dahil nakipag deal ako sa kaibigan ko na pagidinate ko si Kenzo ililibre niya ako ng lunch for one month...take note with milk tea" proud na sabi ko pa sa kanya. Wala akong pakialam kung anong isipin niya like duh, the hell I care.
Mas lalong nalukot ang mukha ng Lola niyo. "Napakasama mo. Sinasabi ko na nga ba" pagaakusa pa niya sa amin.
Humaba ang nguso ko. "Grabe naman po sa makasama ate...galit ka kaagad?" mapangasar na sabi ko pa sa kanya. Naikuyom ni Fidez ang kanyang kamao at napapadyak na lamang sa kanyang kinatatayuan dahil sa inis.
Natawa ba lamang ako at napailing iling habang nakatingin ako sa pagmamartsa niya palayo. Mg Tangina neto, nananahimik ako tapos manggugulo.
Maaga ulit akong pumasok kinaumagahan. Hindi dahil excited ako, kundi dahil nasanay na ata ang katawan ko na gumising ng maaga. Tahimik akong naglalakad sa quadrangle habang sumisimsim ng slurpee ko.
"Ang aga aga niyan ah" biglang sulpot ni Kenzo at puna sa malamig kong iniinom.
Imbes na matakot sa matalim niyang tingin sa akin ay inirapan ko pa siya. "Sinabi sa akin ni Fidez na nagusap kayo kahapon..." paguumpisa niya.
"Oo!" asik ko sa kanya.
"Magsama sama kayong lahat. Mga siraulo kayo" inis na sabi ko pa sa kanya. Akala ko ay lalabanan ni Kenzo ang inis ko, pero nagulat ako ng bigla na lamang lumambot ang kanyang mukha.
"I'm sorry about that, let me explain" mahinahong pakiusap pa niya sa akin. Balak sana niya akong hawakan pero kaagad ko iyong hinawi.
"Explain explain mo mukha mo, sa presinto ka magexplain" inis na pagtataboy ko sa kanya pero hindi niya ako tinantanan. Sinundan pa niya ako hanggang sa labas ng room namin.
"Kakausapin ko si Fidez" paninigurado pa niya sa akin na kaagad kong inirapan. Itinuon ko ang pagsimsim sa hawak kong slurpee.
"Ayaw ko na nga. Wag mo na akong ligawan. Basted ka na" giit ko pa sa kanya kaya naman mas lalong bumagsak ang balikat ng gago.
"Sera please..." pakiusap niya na hindi ko pinansin.
Nanatili siyang nakatingin sa akin. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. "Totoo bang pumayag ka lang idate ako para sa libreng lunch?" malungkot na tanong niya sa akin. Napaayos ako ng tayo.
"Totoo ba?" mahinahong tanong niya pero naramdaman ko ang panginginig ng aking tuhod. Tangina talaga, iba talaga ang epekto ng damuhong ito sa akin.
Bayolente akong napalunok bago ko siyang tanguan. "Totoo lahat nang sinabi ko kay Fidez" diretsahang sabi ko pa.
Kita ko ang pagguhit ng sakit sa mukha niya. Nakaramdam tuloy ako ng awa. "Totoo din na ayaw mo talaga sa akin?" pahabol pa niya kaya naman napanguso ako bago ko siyang tanguan.
Napahilamos si Kenzo sa kanyang mukha bago siya napatango. "Sorry kung nakulitan ka, sorry din sa istorbo" madramang sabi pa ng gago kaya naman guilting guilty ako.
"Hoy, ang drama naman netong gagong t..." hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ko ng kaagad na niya akong tinalikuran. Kitang kita sa lakad nito ang pagkabigo.
Hay tanginang buhay, nagkaroon pa ako ng problema.
"So basted na talaga si Doc?" panguusisa pa sa akin ni Abby na kaagad kong tinanguan.
Akala ko ay concern sa akin ang gaga. "So wala ng libre ha" nakangising sabi pa niya kaya naman kaagad ko siyang binatukan.
Tumahimik sandali si Abby pagkatapos ay kaagad niyang inilapit ang cellphone niya sa mukha ko. "Tingnan mo yung my day ni Doc oh" sabi niya sa akin kaya naman kaagad kong tiningnan iyon.
Isa iyong babaeng nakatalikod. Sa room nila iyon at kaagad kong naikuyom ang kamao ko nang namukhaan ko kung sino ang babaeng iyon.
"Si Mandee yan. Tangina talaga nung Kenzo ba yun, susuntukin ko talaga siya pag nagkita kami. Hayop talaga!" gigil na asik ko.
Napangisi si Abby. "Oh bakit galit ka? Affected much?" pangaasar pa niya sa akin kaya naman itinapat ko sa mukha niya ang middle finger ko.
Nakabusangot ako buong oras ng klase. Inis kong tinapik ang kamay ni Abby ng makita kong pasikreto niya akong kinukuhanan ng litrato. "Gago ka anong gagawin mo diyan?" galit na asik ko sa kanya. Nagulat pa siya kaya naman kaagad niyang itinago ang kanyang cellphone sa bulsa. Napa peace sign na lamang siya pagkatapos.
Nang bigyan kami ng 5 minutes break ng professor namin ay kaagad na nagyaya si Abby na magcr. Hindi sana ako sasama ang kaso ay nagpumilit siya.
"Yes!" masayang sabi niya ng makita niyang sarado ang cr sa 3rd floor. Kumunot ang noo ko dahil nasiyahan siyang kakailanganin pa naming bumaba sa 1st floor.
Hila hila ako ni Abby pagbaba duon. Nabigla ako ng makita ang nagkalat na med student. Kaagad akong nakaramdam ng kaba. Naglapat ang aking mga labi ng matamaan ko si Kenzo. Nakasandal ito sa may pader habang nagbabasa ng handouts. Dahil sa pagtitig ko ay napaangat siya ng tingin sa akin. Nakaramdam ako nang pagkadismaya nang kaagad din niyang binawi iyon.
Mas lalo akong na badtrip nang makita si Kenzo. Tangina nun, inis talaga.
"Sa tingin mo may bago ng handouts?" tanong ni Abby sa akin. Tumambay kami sa quadrangle pagkatapos ng aming pangalawang subject. Halos lahat nang dumadaan ay masama ang tingin ko. Ah basta galit ako sa lahat.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Abby sa akin. Nanatili naman siyang nakaharap sa kanyang cellphone.
"Uy tingnan mo oh" sabi nanaman niya at kaagad na ipinakita sa akin ang bago nanamang my day ng punyetang si Kenzo.
"Mukhang nagmilk tea pa sila nung Mandee ah" pag gatong pa ni Abby kaya naman gustong gusto kong tampalin ang bibig niya.
Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang pagkainis. Hindi ko na din mapigilang hindi maiyak. Ganuon ako sa tuwing naiinis o kaya ay nasosobrahan ang galit.
"Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni Abby sa akin. Imbes na maramdaman ko ang pagaalala sa tanong niya ay parang mas nangaasar pa siya.
"Bumili ka na nga lang ng bagong handouts" inis na utos ko sa kanya tsaka ako padabog ba kumuha ng pera sa bag ko para ibigay iyon sa kanya. Patuloy pa din ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Bwiset talaga.
Nagpaalam si Abby sa akin. Pero nakita ko pang ngumisi ang gaga. Marahas kong pinunasan ang aking luha. Napatigil ako ng biglang sumulpot si Kenzo sa aking harapan.
"Anong ginagawa mo dito?" galit na tanong ko sa kanya.
"Ang hirap mong iwasan" seryosong sabi niya kaya naman napaawang ang bibig ko.
Tumabi ito ng upo sa akin. Nanigas ako ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi para pahiran ang mga luha.
"Napasobra ata ang pagpapaselos ko. Sabi ko naman kay Abby wag masya..." hindi na niya naituloy ang sasabihin ng kaagad ko siyang sinuntok sa braso.
"Gago ka!" inis na asik ko sa kanya. Hindi nagbago ang ekpresyon ng kanyang mukha.
"If you really want free lunch with milk tea kaya ko naman ibigay iyon sayo. Let me date you...liligawan kita araw araw hanggang sagutin mo na ako" paguumpisa pa niya. Halos gusto kong magpakain na lang sa lupa. Seryoso si Kenzo habang sinasabi niya iyon.
Nanatili akong nakatunganga. "Tsaka na kita hahalikan pag girlfriend na kita..."
"Don't push me away. I can't do that..." madiing sabi pa niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro