Chapter 39
Continuation of Kenzo's POV. Enjoy reading! Love lots, Maria.
___________________________
How about us
Nakatulala ako sa sanggol na iniwan sa akin ng Ate ni Sera. Matapos niyang iabot iyon sa akin ay wala sa sarili akong naglakad pabalik sa sofa. Nagawa ko pang isukbit sa balikat ko ang kulay pink na baby bag. Maingat ko siyang inihiga duon, hindi ko maialis ang tingin ko sa kanyang mapayapang mukha habang natutulog. Balot na balot siya ng puting lampin. Hanggang sa unti unting bumara ang lalamunan ko dahil sa nagbabadyang pagiyak.
Napahilamos ako sa aking mukha. Kung paano niya ako tinapon at binitawan ay ganuon din ang ginawa niya sa anak namin. Bakit? Dahil ayaw niya na ng mga bagay na magpapaalala sa akin sa kanya? Pero hindi isang bagay ang anak namin! Damn it! Kung alam ko lang na buntis siya nuon, hindi ako papayag na umalis siya. Ako pa mismo ang kakaladkad sa kanya sa simbahan para magpakasal kami!
Mahigpit kong naikuyom ang aking kamao. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw. Sobrang bigat ng dibdib ko. Ano ba ang nagawa ko sa kanya para gawin niya sa akin ito? May nagawa ba akong mali? Ginawa ko naman ang lahat para sa aming dalawa, pero bakit ganito?
Kahit hindi pa gaanong sanay ay nagawa kong buhatin ang anak namin. Maingat ko siyang hinagkan at maharang hinalikan ang kanyang ulo. She smells like, powder at milk. Mapait akong napangiti ng makita ko kung paano gumalaw galaw ang labi niya.
"You look exactly like her, Paano mo nagawa ito Sera?" mapait na tanong ko sa kawalan.
Hinagkan ko siya at dinala sa aking dibdib. "You will never feel Unwated. Anak kita, I'll always protect to you" paninigurado ko sa kanya. Ilalayo ko siya sa mga taong ayaw sa kanya. Hindi ko hahayaang maramdaman niyang hindi siya gusto. Magiging sapat ang pagmamahal ko sa kanya, kahit ako lang magisa. Kahit kami lang dalawa. Kung hindi ako naging sapat sa Mommy niya, pwes ibibigay ko ang buong ako ngayon.
Imbes na umuwi sa amin at humingi ng tulong kay Mommy at Daddy ay nagstay ako sa aking sariling condo. Hindi naging madali ang mga naunang araw lalo na't hindi natapos ang pagaaral ko ng grumaduate ako sa medical school. May clerkship, internship at residency pang naghihintay sa akin. May board exam din at isa pang board exam para sa specialization ko.
Kumuha ako ng yaya para kay Kianna. Gustuhin ko mang tutukan siya ay kailangan ko pa ding magaral ng mabuti, para din ito sa kanya. Para sa future niya, minsan na akong nawalan ng drive na ipagpatuloy ang pagiging Doctor, pero dahil nandito na siya ay mas lalo akong naging pursigido.
Nagbabasa ako ng notes sa aking kwarto ng marinig ko ang iyak niya mula sa may sala. Narinig ko din ang malambing na pagkausap sa kanya ni Yaya Annie. She was in her mid thirties kaya naman tiwala ako sa kanyang maalagaan niya ang anak ko. Sinubukan ko ulit magfocus sa pagbabasa ko ngunit hindi ko mapigilang hindi pansinin ang iyak ng anak ko.
Dala dala ang notes ko ay lumabas ako ng kwarto para puntahan sila sa may sala. "Doc, iyak ng iyak..." salubong ni Yaya Annie sa akin. Tinanguan ko siya, iniharap siya sa akin ang magiisang taong gulang ko ng anak.
Mas lalo siyang umiyak ng makita ako. Kaagad siyang naglahad ng kamay kaya naman mabilis ko siyang kinuha mula sa kanyang Yaya.
"Shhh...Daddy's here" malambing na pagaalo ko sa kanya at tsaka siya hinalikan sa kanyang ulo. Mabilis siyang yumakap sa aking leeg, at duon nagsumiksik. Rinig ko pa ang mahihina niyang paghikbi.
"Sige po, ako na muna ang bahala" sabi ko kay Yaya Annie. Hindi pa siya kaagad gumalaw.
"Eh paano ka magrereview?" tanong niya sa akin. Dahil mas matanda siya sa akin ng ilang taon ay tumayo na din siyang parang nanay nanayan namin ng anak ko.
Nginitian ko siya. "Ok lang po, makakapagbasa naman" sabi ko at kaagad na hinele ang ana kong nakasiksik pa din sa aking leeg. Ang maliit niyang braso ay nakayakap sa aking leeg, amoy na amoy ko ang pinaghalong pulbos at gatas sa kanyang katawan. Muli ko siyang hinalikan sa ulo.
Nakapunting sando at diapers lamang siya. Imbes na maabala sa pagaaral ay mas lalo lamang akong ginanahan. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng kakailanganin niya, if I need to spoil her just to make her feel na mahal na mahal ko siya, gagawin ko.
May mga gabing hindi ako nakakatulog dahil sa pagbabantay sa kanya. She has asthma kaya naman sa tuwing inaatake siya nito ay hindi ako nakakatulog. Ako mismo ang nagnenebulize sa kanya. Kahit mas exams at duty ako sa susunod na araw.
"Doc..." mahinang paggising ni Yaya Annie sa akin. Naalimpungatan ako, duon ko narealize na nakatulog na kaming dalawa sa may sofa. Karga karga ko pa din siya samantalang nakaupo at nakahilig ako sa sofa. Hawak ko pa ang reviewer ko sa kabila kong kamay.
"Akin na si Kianna. Maaga ka pa bukas" sabi niya sa akin. Tumango ako, maingat kong ibinigay sa kanya ang tulog kong anak. Bahagya pa itong ngumiwi dahil sa paggalaw sa kanya.
Kaming dalawa lang palagi ang magkasama sa mga special na occassion, ofcourse Yaya Annie was with us. Hindi ko gustong itago si Kianna sa pamilya ko. Gusto ko siyang ipakilala sa lahat, gusto kong ipagmalaki siya. Pero natakot ako, ayokong masaktan siya. Mas mabuti ng kaming dalawa na lamang. When the time is right, ilalabas ko din siya.
Mabilis na lumipas ang mga taon. Nakuntento ako sa kung ano ang meron ako, hanggang sa unti unti kong naaabot ang mga pangarap ko, hindi lang para sa akin kundi para sa anak ko.
Halos mawalan ako ng oras sa ibang bagay. Umikot ang mundo ko sa hospital at sa anak ko. Pagkatapos ng trabaho ay diretso ang aking uwi. Mas gusto kong mamalagi sa condo kesa pumunta pa kung saan saan.
Umuwi ako isang gabi, naabutan ko si Yaya Annie na nakatutok sa tv habang nanunuod ng korean drama. Ang anak kong tatlong taong gulang naman ay tahimik na naglalaro ng kanyang mga laruan sa tabi nito.
"Daddy!" sigaw niya ng makita ako. Napangisi ako, lalo na ng subukan niyang bumaba sa sofa pero natakot siyang mahulog. Maging si Yaya Annie at nagulaf din sa aking paguwi.
"Daddy, carry..." malambing na tawag niya sa akin habang nakalahad ang kanyang magkabilang kamay. Mabilis kong ibinaba ang hawak ko para puntahan siya at kargahin. Napatili siya at excited na yumakap sa akin.
Hindi siya nagalinlangang halikan ako sa pisngi. Napatawa siya ng paulit ulit ko din siyang halikan sa ulo at sa pisngi.
"I have something for you" malambing na sabi ko sa kanya at kaagad kinuha ang box ng cookie na binili ko para sa kanya along the way. Napatawa ako ng mabilis siyang kumawala sa karga ko para bumaba, dinala ko ang cookie sa may center table, tumakbo siya duon at kaagad na naghintay ng pagbubukas ko.
"Maghahanda lang ako ng dinner, Doc" paalam ni Yaya Annie sa amin na tinanguan ko. Marahan kong sinuklay ang buhok ng aking anak na masayang kumakain na ngayon ng cookies. Nginitian niya ako at ipinakita ang hawak niyang cookies na masyadong malaki para sa kanya.
Binuhat ko siya at kinandong. "Donuts? I like donuts" sabi niya sa akin sabay pakita ng kinakain.
"Ok, bukas donuts" malambing na sabi ko sa kanya.
Hindi ko maiwasang hindi maalala si Sera sa tuwing tinitingnan ko ang anak namin. How was she? Hindi man lang ba siya nagdalawang isip na bitawan ito? Hindi man lang niya hinanap? Gusto niya talagang mawala kami sa buhay niya?
"Kamusta na kaya ang Mommy mo? Huh?" malambing na tanong ko sa anak namin. Hinalikan ko siya sa ulo bago niyakap. Galit ako kay Sera dahil sa ginawa niya sa anak namin. Kahit hindi ba lang yung pagiwan niya sa akin, maiintindihan ko pa iyon. Maybe she fall ou of love? Pero ang itapon ang anak namin pabalik sa akin dahil ayaw niya dito? Damn it.
Tiningnan ako ng anak ko. Madungis ba ngayon ang mukha niya dahil sa chocolate na nanggaling sa cookies. I even name her after sera. Kianna Sera Herrer.
"Mommy?" tanong niya sa akin.
Duon ko lang narealize na hindi habang buhay magiging sapat ako para sa kanya. Darating ang araw na hihingi siya sa akin ng mommy. She needs it, at ayokong ipagkait iyon sa kanya. Kung kaya kong ibigay ay ibibigay ko.
"You didn't tell anyone?" tanong ni Mandee sa akin ng minsan ko siyang yayaing magdinner.
When I say hahanap ko si Kianna ng mommy. She was definetly out of the list. But dahil sa minsan niyang pagpunta sa condo ko ng walang abiso ay natuklasan niya ang tungkol kay Kianna.
Umiling ako. "We're doing fine, kaya ko namang alagaan ang anak ko" sabi ko sa kanya. Tumitig siya sa akin, hindi ko maiwasang purihin siya. Doctor na din siya kagaya ko, maganda at matangkad, her body is like some kind of models. She is attractive, hindi ko iyon ipagkakaila. I think i should give this a shot?
Mabilis na naging close si Mandee at Kianna. Maybe my daughter is really longing for a mother figure. Hindi naman iyon ipinagkait ni Mandee sa kanya.
"Kenzo..." daing niya ng kapwa kami maubusan ng hininga. Nasa clinic niya kami. I tried to kiss her, hanggang sa lumal iyon. Mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair ay kumandong siya sa akin para mas lalong mapalalim ang halik.
Sinuklian ko ang mararahas niyang halik sa akin. I'm no saint, I need this too. Naramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa aking dibdib. Hanggang sa bumaba ang halik niya sa aking leeg.
"Mandee" tawag ko sa kanya. Fuck! I can't do this.
Nagpatuloy siya sa paghalik sa akin. She even sensualy move above me kaya naman bago pa ako mawalan ng control ay hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat para patigilin.
"I need to go home. Baka hinahanap na ako ni Kianna" sabi ko sa kanya. Bigo siyang tumayo mula sa pagkakakandong sa akin, I feel a bit guilty, kumalat ang lipstick niya, her hair a bit messy. Nakabukas din halos ang ilang butones ng damit niya.
"How about us? Kenzo" tanong niya sa akin.
Pagod kong binutones ang polo ko. Kahit ilang beses kong subukan, hindi ko kaya. Fuck it! Sa tuwing humahalik ako ng ibang babae. Naiisip ko si Sera. Damn it!
"I can be a good mother to Kianna" sabi niya na ikinatango ko. Hindi ko naman maipagkakaila iyon. Mas lalong sumaya ang anak ko ng dumating siya. But please, I can't.
"I know. Mands"
Napabuntong hininga siya. "I'm going" galit na sabi niya at mabilis na dinampot ang kanyang bag at nauna pang umalis sa akin. Hinampas ko ang lamesa. What the fuck is happening to me? Kung kaya ni Sera na mag move on kasama ang ibang lalaki, bakit ako? Bakit ako hindi ko kaya!?
Pagod akong umuwi ng gabing iyon. Muli kong naabutan sina Yaya Annie at Kianna na nakatapat sa tv. Nanunuod nanaman ng korean drama. Kumunot ang noo ko, sigurado akong hindi gaanong naiintindihan iyon ng anak ko. Kahit pa alam kong matalino siyang bata. Pero kita ko ang pagkatutok niya duon. Kasama ang Yaya niya.
Kaya naman kaagad kong kinausap si Yaya Annie ng makakuha ako ng tiempo. "Mas maganda po siguro kung educational movies ang ipapanuod sa kanya" sabi ko dito. Tinanguan niya lamang ako at umasang matitigil ang anak ko sa pagsunod sa yaya niya. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagkainterest duon, ang bata bata pa niya para sa mga ganuon.
Apat na taong gulang si Kianna ng manganak si Castellana, asawa siya ng kapatid kong dating sundalo na si Tadeo. Naging malapit si Castel sa akin lalo na nung naging secretary ko siya. Nagsumikap ako, hanggang sa ang dating hospital na pinapasukan ko ay naging sa akin. Marami akong binago, malaki ang halaga ang kinailangan ko para sa renovation. Sinuportahan ako nina Mommy at Daddy duon.
Nagtungo ako sa may delivery room. Naabutan kong nakatayo duon si Tadeo. Kita ko sa kanyang mukha ang pagaalala sa asawa. Nanganak na ito at hinihintay na lang ang paglipat sa kanya sa private room. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat.
"Congrats"
Tipid niya lamang akong tinanguan. "Salamat"
Nanduon din ako ng masayang sinalubong ng pamilya namin ang inaakala nilang una nilang apo. Kahit papaano ay nakakaramdam ako ng inggit, hindi ito naranasan ng anak ko. Wala pang nakakakilala sa kanyang pamilya ko. Itinago ko siya kaya naman kasalanan ko din ito.
Nagtawanan sina Cairo at Piero ng maiyak si Tadeo ng ipasok na ng nurse ang bata. Napangiti din ako, alam ko din kung gaano kasaya ngayon ang kapatid ko. Walang salitang makakapagdescribe ng naramdaman ko nung nakita ko si Kianna. Naiyak din ako nuon.
"Ang ganda..." puna ni Mommy.
Kumirot ang dibdib ko ng makita ko kung paano naiyak si Castel ng tuluyan niya ng mahawakan ang kanilang anak. Buti pa si Castel, mahal niya ang anak nila. Ganito din ba si Sera nuon? Nakaramdam man lang ba siya ng saya ng makita ang anak namin? O kaagad niyang inayawan?
Mas lalo akong naging abala sa trabaho. Inabala ko ang sarili ko hanggang sa napagdesisyunan kong itigil na muna ang paghahanap ng mommy para kay Kianna. Mas maganda sigurong mag focus muna ako sa kanya ngayon. Lalo na't lumalaki na siya at kailangan niya ako.
"Thank you po tita Mandee..." malambing na sabi ng aking anak. May program sila sa school kaya naman sumama si Mandee sa amin. Hindi ko inaasahan na magpapatuloy siya sa pagaalaga kay Kianna kahit nasabi ko na siyang hindi pa ako handang pumasok sa relasyon at ilevel up ang kung anong meron sa amin. She's sport, though. O baka lang talagang napamahal na siya sa aking anak. I'm thankful for that.
Matapos ang program sa school ay dinala ko silang dalawa sa isang fine dinning. Duon kami magcecelebrate dahil sa award na nakuha ni Kianna. She's smart.
"Can I call you, Mommy na po?" inosente at malambing na tanong niya kay Mandee. Napatikhim ako. Gusto ko siyang bigyan ng mommy pero hindi ko alam kung bakit ayaw ko sa ibang babae.
Maybe, I don't want to make it diffucult for her. Pag dumating ang araw, ayokong kuwestyunin niya ang sarili niya. I love her so much. I want to give her the best, sa kahit anong bagay.
Nakita ko ang paglingon ni Mandee sa amin. Alam niya na ang isasagot duon. Napagusapan na namin iyon. "But baby, I'm not your real mom" malambing na sabi niya dito.
Napanguso si Kianna pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Paano ko po kayo magiging mommy?" tanong pa niya kay Mandee. Tipid lamang itong ngumiti kay Kianna. Hindi na din niya alam ang sasabihin.
Baby. You want your mommy? Wag kang magalala kukuhanin natin siya. Damn it, kahit ayaw niya sa atin. Kukuhanin natin siya.
Hindi nawala sa isip ko ang nangyaring iyon. Masaya akong close na silang dalawa pero nagaalinlangan din ako.
"Bakit kasi hindi ko hinanap si Sera? Kayang kaya mo naman" sabi ni Cairo sa akin ng makapagusap kami.
Nagiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Bakit ko naman hahanapin yung taong ayaw sa amin" tamad na sagot ko.
Napangisi ito bago sumimsim ng alak sa hawak niyang baso. "At dahil ngayong nabalitaan mong hindi siya ikinasal. Hahanapin mo?"
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Bakit nga ba ngayon ko lang hahanapin si Sera? Sa nagdaang ilang taon, ngayon lamg ako nagkaroon ng lakas ng loob. Dahil ngayon, baka pwedeng maging sapat na ako sa kanya? I have my own hospital, parte din ako ng companya namin. Baka naman ngayon, pwedeng sapat na ako. Kami ng anak ko.
Isang taong lang halos ay nagulat ang buong pamilya namin ng malaman naming may anak na din si Piero. Wala din siyang kaalam alam sa nangyari, ang alam ko lang ay pumunta si Amaryllis sa ibang bansa para magpagamot. Hanggang sa umuwi dito ang Daddy niya kasama ang anak nila. Wala si Amaryllis? Pero hindi niya inayawan ang anak nila.
Pagkagaling sa hospital ay dumiretso ako sa aming bahay para makibalita. Kumulo ang dugo ko ng makita ko kung ano ang ginagawa niya. Tahimik siyang umiinom ng alak sa may bar counter. Walang pakiaalam sa anak nila. Tangina. Hindi sapat ganuon!
May humaplos sa puso ko ng makita ko ang bagong miyembro ng pamilya. Isang batang babaeng may full bangs. Nakangiti siya sa akin pero yung sarili niyang ama walang pakialam sa kanya. Galit kong nilapitan si Piero.
"Ano itong pinapakita mo? Piero" madiing tanong ko sa kanya. Anak niya iyon! Hindi siya nagsalita, nanatili siyang nakatitig sa basa ng alak.
"Anak mo iyon!" giit ko.
"I want Amaryllis" sagot niya sa akin. Mas lalong kumulo ang dugo ko.
"At ang anak mo?"
"I want Amaryllis" pinal na sabi niya. Halos gustong lumipad ng kamao ko dahil sa sobrang inis sa kanya. I want Sera too! Pero hindi ko ginayan ang anak ko!
"You're unbelievable!" asik ko sa kanya.
Masaya ang parents namin dahil sa dalawang babaeng apo. Tatlo dapat, kung kilala lang nila si Kianna. Nang kumalma ang lahat ay nagkaroon pa kami ng dinner.
"Should I expect a girl from you too? Kenzo" nakangiting tanong ni Daddy sa akin. Tuwang tuwa dahil puro babae ang unang mga apo. Hindi ako umimik. I already had, Dad.
Dahil sa hindi ko pagsagot ay bumaling siya kay Cairo. "From you, Cairo?"
Napailing ito. "Wala akong planong magpakasal Dad, focus ako sa companya" sagor niya. Tumaas ang isang sulok ng aking labi. Scam! Ang sabihin mo, masyado pang bata!
Hindi ako halos umaattend sa family day namin tuwing linggo. Inilaan ko iyon para sa aking anak. Lalo na't busy ako sa hospital tuwing weekdays.
"What do you want for your birthday?" malambing na tanong ko sa kanya. Nakahiga kami sa may kama habang nanunuod ng korean drama na gusto niya. Nasanay na din ako.
"I want a Mommy" diretsahang sabi niya sa akin. Napanguso ako.
"What about a trip to Korea?" tanong ko sa kanya at nilingon siya. Mula sa tv ay tumungin siya sa akin. Habang lumalaki ay mas lalo niyang nagiging kamukha ang mommy niya. Damn it, the next child should be, look like me!
Napatili ang anim na taong gulang na anak ko. Kaagad siyang tumalon at yumakap sa akin.
"Yehey! Thank you, Daddy!" malambing na sabi niya at paulit ulit akong hinalikan sa pisngi.
Dahil sa mangyayaring bakasyon namin ay mas naging hectic ang schedule ko ng mga sumunod na araw. Gusto ko na sanang magfocus sa trabaho ng ipatawag kaming apat ni Dad sa companya. Nanatili kami sa opisina ni Cairo, ang ingay ni Tadeo at Piero. Umayos na siya dahil bumalik na si Amaryllis.
"Sa kubo!" natatawang sabi ni Piero. Natawa si Tadeo at nagapir pa silang dalawa. Napailing na lamang ako, hindi ko masabayan ang usapan nila pero nagawa pa nilang bumaling sa akin.
"Did you try it, Kenzo? Sa kubo?" natatawang tanong niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Ofcourse gago! Pero hindi ko sasabihin.
"Don't break it Cairo! Don't break it!" kantyaw ni Tadeo sa naiiling na si Cairo. Nagtawanan silang tatlo hanggang sa umentrada naman si Piero.
"Buntisin mo, para walang kawala" suwestuon niya kay Cairo.
Ah ganuon ba? Para hindi makawala?
Pagkauwi namin galing korea ay pumasok kaagad ako sa hospital kinaumagahan. Medyo pagod pa ako pero maraming pasyenteng naghihintay sa akin.
"Good morning, Doc Kenzo. May nagpaappointment po, galing sa isang manufacturing. Gusto pong makuha ang endorsement niyo" sabi sa akin ni Linda. Ang aking secretary. Tumango ako.
"Si Ms. Seraphine Serrano po" sabi pa niya kaya naman napatigil ako.
Kinuha ko ang opurtunidad na iyon para makuha siya. Hindi lang para sa akin kundi para na din sa anak namin. Gusto mo ng mommy, kianna? Ito anak, papakasalan ko.
I marry her, kapalit ng pagbili ko pabalik sa manufacturing nila. I even paid it triple the price para lang masigurado kong magiging maayos ang mga plano ko. I want to give this marriage a shot, aayusin ko ang relasyon namin hanggang sa aamin ko sa kanya ang tungkol kay Kianna.
But hindi naging maganda ang lahat. Ni hindi man lang niya hinanap ito? Nakalimutan na ba niya? Nakalimutan na ba niyang itinapon niya sa akin ang anak namin? Ni hindi man lang niya hinanap o binanggit!
"I want a child from you, Sera" seryosong sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang paulit ulit na angkinin.
Let's see. Please prove me wrong. Baka nabigla ka lang nuon. Damn it, Sera isang sorry mo lang patatawarin kita.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Nasaktan na kaagad ako. "Ayoko..." pumiyok pang sabi niya. Damn it!
"Ayaw mong magkaanak tayo? Bakit?" madiing tanong ko pa din sa kanya. Gusto ko siyang pagbigyan. Gusto ko siyang intindihin at patawarin.
Mas lalo siyang naiyak. "Kenzo please..."
Naikuyom ko ang aking kamao. Please what? Mas lalo lamang niyang pinatunayan sa akin na ginawa niya talaga iyon sa anak namin. Itinapon niya dahil ayaw niya. Shit!
Ilang araw akong nawala ng ipaalam sa akin ni Yaya Annie na may sakit si Kianna. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay Sera. Kailangan ako ng anak namin at hindi ko magawang sabihin sa kanya. Ilang beses kong gustong sabihin sa kanya. Ngunit pinapangunahan ako ng takot. Ayaw niya sa anak namin? Paano pag pinakilala ko na sa kanya si Kianna? Iiwan niya kami ulit at itaapon? Hindi lang ako ang masasaktan maging si Kianna ay ganuon din. I can't risk it.
"Aalis po muna ako. Mag kukuhanin lang sa condo" paalam ko kay Yaya Annie.
Pagdating sa condo ay nagulat ako ng makita kong nasa may sala si Sera. Nanduon din ang unan ay kumot niya. Kita ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. I want to stay here too. Gusto kong magsama na din kaming tatlo. Pero paano?
"Dito ako natutulog. Malungkot magisa sa kwarto" sagot niya sa akin ng tanungin ko siya kung bakit gising pa siya at kung bakit nasa sala siya.
Mas lalo siyang nalungkot ng sabihin ko sa kanyang aalis din ako at may kukuhanin lang hanggang sa banggitin niya na ang tungkol kay Kianna. Nagulat ako, hindi ko inaasahan. Paano niya nalaman?
"Hindi mo dapat ako pinakasalan. Magagalit lang ang anak mo sa akin..." emosyonal na sabi niya. Hindi kaagad ako nakaimik. Naaalala na ba niya? Yung anak naming inayawan niya?
"I already marry her mom. I'm married to you, Sera" pagamin ko. Kita ko ang pagkagulat at paglaglag ng panga niya. What the hell? Bakit kung makapagreact siya ay parang hindi niya alam na nasa akin ang anak namin?
"Anong ibig mong sabihin?" umiiyak na tanong niya. Ako naman ngayon ang nalaglag ang panga.
Naikuyom ko ang aking kamao. "Nakalimutan mo? Si Kianna ang anak nating inayawan mo" matigas na paalala ko sa kanya. Nakita ko ang pagkamutla niya.
"Patay na ang anak natin!" sigaw niya sa akin sabay hagulgol. Nanlamig ako at hindi kaagad nakagalaw. Anong patay? Sino nagsabi sa kanyang patay na ang anak namin?
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro