Chapter 37
Kianna's mom
Mas lalong bumuhos ang aking luha. Hindi ko na nagawa pang intindihin ang sinabi sa akin ni Castellana. Alam ko, sinabi niya lamang iyon para pagaanin ang loob ko. Ang bigat sa dibdib, sobrang bigat. Para akong tatakasan ng bait, hindi ko lubos maisip na nagkaanak siya sa ibang babae. Walang kasalanan ang bata, pero yung anak namin.
Mas lalo akong nasaktan, para sa anak namin. Ni hindi ko man lang siya nakita, ni hindi man lang siya nakita ni Kenzo.
"Sera..." nagaalalang tawag ni Amaryllis sa akin. Mas lalo akong napahagulgol ng hilahin niya ako para yakapin.
"Andito lang kami, Sera" pagpapagaan niya ng loob ko. Hindi ko siya magawang sagutin, iyak lang ako ng iyak.
Nanatiling tahimik si Castel at Amaryllis. Ganuon ang ginawa nila hanggang sa huminto ako sa pagiyak at bahagyang huminahon. Wala kaming imikan, pero kitang kita ko sa mukha nila ang pagaalala.
"Oh lagot" gulat na sambit ni Amaryllis. Sinundan ko ang tingin niya. Maging si Castellana ay ganuon din. Nakita ko ang isang kulay itim na ford ranger sa harapan ng sinasakyan naming civic. Mula duon ay bumaba ang mukhang masungit na si Piero. Naka kulang puting long sleeve siya na tinupi hanggang sa siko, mukhang kakauwi lang galing sa trabaho.
Halos mahigit namin parepareho ang aming hininga habang pinapanuod namin siyang lumapit sa sasakyan. Madilim ang kanyang aura. Ako ang natatakot para kay Amaryllis. Ako ang magdamay sa kanila dito.
Nilingon niya ako at si Castellana. "Wag kayong magalala, ganyan lang talaga yan. Mukhang masungit" sabi niya sa amin kahit ramdam ko namang kinakabahan din siya.
Kinatok ni Piero ang salamin sa banda ni Amaryllis. Ibinaba niya iyon kaya naman kaagad sumungaw si Piero. "Baby, what the fuck..." mariin pero kalmadong sambit niya.
"Kanina pa kita hinahanap. Alalang alala ako..." seryosong sabi nito. Nakay Amaryllis lang ang buong atensyon niya. Parang wala siyang pakialam sa presencya namin ni Castellana.
"Hi, Piero!" nakangising pagkuha ni Castel sa kanyang atensyon. Tamad niyang tiningnan ito.
"Kay Tadeo ka mag-Hi. He's mad. Lagot ka" tamad na sabi niya kay Castel. Napairap si Castellana.
"Sus!" asik niya. Wala pa ding gumuhit na kahit anong takot sa kanyang mukha. Ang tapang talaga.
Nalipat ang tingin ni Piero sa akin. Kumunot ang noo niya ng makita ang aking pagiyak. "Anong ginagawa niyong tatlo?" mariing tanong niya sa amin. Walang sumagot kaya naman sa huli ay sa bahay nila kami bumagsak.
Kasing laki ng mansyon ng mga Herrer ang bahay nila ni Amaryllis. Ganuon din naman ang kay Kenzo. Iba iba lang sila ng style at design.
"Mamaya ka sa akin" rinig kong pagbabanta ni Piero kay Amaryllis. Nilingon ko sila, nakita ko ang pagnguso ni Amaryllis.
"Ok po" sagot nito sa asawa na pang nangaasar pa.
Malaki ang sofa nila, bagay na bagay sa malaki nilang sala. Nakita ko ang magarbong chandilier sa itaas. Umupo din si Castellana sa aking katabing sofa. Kinausap naman ni Amaryllis ang isa sa mga kasambahay.
"Mas matanda pa si Kianna sa anak namin ni Tadeo" paguumpisa ni Castel. Umupo na din si Amaryllis sa aming harapan. Umalis si Piero para umakyat sa itaas.
"Baka kailangan niyang itago?" tanong ni Amaryllis sa amin. Nakita ko ang pagkibit balikat ni Castel. Natuon ang tingin niya sa akin.
"Sasabihin mo ba sa kanyang, alam mo?" tanong niya sa akin. Kaagad akong umiling.
"Desisyon niya iyon para sa anak niya. Ayoko siyang pakialaman sa parteng iyan" desidisong sabi ko sa kanila.
"Pero ikaw ang asawa niya. Karapatan mong malaman iyon" giit ni Castellana.
Bumaba ang tingin ko sa sahig. "Asawa niya lang ako. Anak niya iyon...hindi ko din alam kung bakit kailangan niyang itago, pero siguradong may rason si Kenzo" pagdadahilan ko sa kanila. Hindi na sila nakaimik na dalawa.
Paulit ulit nila akong tinanong kung anong gagawin ko. Pareho lang din ang sagot ko sa kanila, hindi ko alam. Wala akong gagawin. Ama siya, alam niya kung anong makakabuti sa anak niya. Kung iyon ang desisyon niya ay kailangan naming respetuhin iyon.
Duon na din kami nag dinner. Kahit wala akong ganang kumain ay hindi ako tumanggi sa panayaya ni Amaryllis, ayoko naman siyang biguin sa kabila ng pagtulong niya sa akin.
"Ano pang ginagawa mo dito? Bakit hindi ka umuwi sa inyo?" tanong ni Piero kay Castel. Mukhang normal na sa kanilang dalawa ang magusap ng ganuon.
Inirapan siya nito. "Makikikain ako, bakit? Tsaka si Amaryllis ang pinunta ki dito" masungit na sagot ni Castel.
Nagigting ang panga ni Piero bago siya bumaling sa akin. Mabilis akong nagiwas ng tingin, pagtiningnan ko siya ay mas lalo ko lang maaalala si Kenzo. Bumaba ang tingin ko sa aking plato.
"Sabihin niyo na sa akin ngayon ang tinatago niyo. Malalaman ko din iyan..." pagbabanta niya sa amin. Napatingin ako sa dalawa. Nasa akin ang atensyon nila na para bang nagpapaalam sila sa akin.
"Pwede natin siyang maging katulong..." sabi ni Castel sa akin. Humalukipkip si Piero sa amin.
"Anong ginagawa niyo duon sa mansyon ni Kenzo? Alam niyo namang hindi nagpapasok iyon duon" sabi pa niya na medyo iritado din sa pagiging masikreto ni Kenzo kahit sa kanila.
Sa huli, nasabi namin kay Piero ang nalaman namin. Kita ko din ang pagkabigla niya. Tangina, wala talagang nakakalaam. Kahit sino sa amin ay walang nakakakilala kay Kianna. Bakit niya itinago ang anak niya?
"Baka alam ni Cairo. Silang dalawa ang close" sabi ni Piero. Sinubukan naming kumuha ng impormansyon sa kanya pero kagaya namin ay gulat din siya at madaming alam.
"Hindi ko naman pinapakialaman ang personal nilang buhay. Pero kung gusto niyong malaman ang lahat, matutulungan ko kayo. Pero..." bumaling siya sa akin, nanatiling seryoso ang kanyang tingin.
"Mas maganda kung paguusapan niyo ni Kenzo. Mas maganda kung sa kanya manggaling ang lahat" sabi niya sa akin kaya naman tipid akong napatango.
Natigilan kami ng ianunsyo ng isa sa mga kasambahay ang pagdating ni Tadeo. Napatingin kami kay Castel pero kalmado lamang siya. Paunti unti napapatunayan ko na ang sinasabi nila sa akin. Mukhang amazona nga talaga ang isang ito.
Walang imik na lumapit si Tadeo sa asawa. Pero kita ko din ang galit nito, nagawa pa niyang tumabi kay Castel na patuloy sa pagkain.
"Anong meron dito?" tanong niya. Isa isa niya kaming tiningnan. Kagaya ni Piero kanina ay nagtagal din ang tingin niya sa akin, mukhang nagtataka din sa aking itsura na kagagaling lang sa pagiyak.
Tama din ang hinala ko. Wala ding alam si Tadeo sa kung sino si Kianna.
Humiwalay silang dalawa ni Piero, seryoso silang nagusap. Pinakiusapan ko na din silang wag ng ipaalam kay Kenzo ang mga nalaman namin, kailangan naming respetuhin ang desisyon niya.
"Kung iyan ang gusto mo. Pero, ayos ka lang ba?" seryosong tanong ni Tadeo sa akin.
Tumango ako kahit hindi iyon totoo. Hindi ako ayos, hindi na ako magiging ayos. "Do you really need to ask her that? Syempre hindi, tarantado yang kapatid mo" matigas na sabi ni Piero.
Matalim siyang tiningnan ni Tadeo. Nagkasukatan sila ng tingin. "Kayong tatlo, tarantado kayo" sabi niya pa sabay iwas ng tingin.
Nagigting ang panga ni Tadeo pero hinayaan niya na lamang ang bugnutin niyang kapatid. Napabuntong hininga siya at tsaka niya ako muling tiningnan.
"I can talk to Kenzo. If you want. Andito kami para tumulong" sabi niya sa akin kaya naman tipid akong ngumiti. Sapat na sa akin na alam at ramdam kong kakampi ko sila, nasa likod ko sila sa oras na kailanganin ko sila. But my descision is firm. Gagalangin ko ang desisyon ni Kenzo, pareho lang naman kami, hanggang ngayon hindi ko din sinasabi sa kanya na may anak dapat kami.
We live in a marriage full of lies. Nakakatakot ito, kahit gaano mo kagustong ipagpatuloy ay alam kong hindi ganuon ka tibay ang pundasyon namin. This is to hollow. Very hollow.
Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya na nandito ako kina Piero. Nagulat na lamang ako ng sa gitna ng aming paguusap ay natigil ang lahat para tapunan siya ng tingin. Napawi ang ngiti ko ng lingonin ko siya. Nakangiti siya sa akin pero nasasaktan pa din ako.
This man is not a saint. Ofcourse he isn't. Kahit gaano niya sabihing mahal niya ako, darating pa din sa point na mattract siya sa ibang babae, it's inevitable.
Sumalubong sa akin ang mga nagaalalang mata ng mga kapatid niya at mga asawa nito. I'm ok. I am Seraphine Serrano Herrer. I'm ok, always.
"Hi" bati ni Kenzo sa akin sabah halik sa aking pisngi.
Halos mabingi ang lahat dahil sa katahimikan. Ramdam ko ang pagtataka ni Kenzo dahil dito. Pinasadahan niya ng tingin ang lahat. Tumikhim si Piero kaya naman tumagal ang tingin niya dito.
"Next sunday, sa mansyon mo tayo. Kenzo" deklara niya. Hindi iyon utos o humihingi ng permiso, isa iyong matigas na utos.
Bumaling ang lahat sa nanigas na si Kenzo. Bumaling din ako sa kanya para panuorin ang reaksyon niya. Hindi maipinta ang kanyang mukha.
"I don't like the idea..." sabi niya ng makabawi. Mas lalong kumirot ang puso ko. Bakit? Bakit ayaw mong sabihin sa amin? Sa akin?
Nasasaktan ako. Pero kung hihingilin mo sa aking maging ina ng anak mo sa ibang babae. Hindi ko siya sasaktan, aalagaan ko siya. Mamahalin ko na parang sa akin. Hindi ko sasaktan Kenzo, hindi ko sasaktan ang anak mo.
Bumagsak ang mga mata ko sa sahig. Hindi ko na kayang salubungin ang mga mata ng tao sa harapan namin. Sobrang bigat ng dibdib ko. Ang sakit sakit nito.
"Why? May itinatago ka ba sa bahay mo?" mapanuyang tanong ni Piero. Natatawa pa siya pero ramdam ang iritasyon. Nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Kenzo, nagalit ang mga ugat sa kanyang kamay.
"The hell you care, wag sa bahay ko" matigas na sabi niya dito at kaagad na tumayo.
"Sera, let's go" matigas na yaya niya sa akin.
Marahan akong tumango. Sumunod ka Sera, sumunod ka.
Nagpaalam ako kina Castel at Amaryllis. Ganuon din kina Tadeo at Piero. Gusto kong magpasalamat sa kanila. Kung nalaman ko iyon at ako lang magisa, baka kung ano na ang nagawa ko. Nagpapasalamat ako dahil sinamahan nila ako.
Tahimik akong nakatanaw sa may bintana habang nasa byahe kami pauwi. Tahimik din si Kenzo, halatang galit pa din dahil sa sinabi ni Piero. Wala namang masama sa sinabi ng kanyang kapatid ngunit, masyado niya iyong dinamdam.
Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng muling uminit ang gilid ng aking mga mata. Mula sa malilinaw na street lights na dinadaanan namin ay parang muling nagflashback sa akin ang lahat ng nangyari sa nakaraan.
"Hindi po yan totoo! Wag niyo pong sabihin iyan!" umiiyak na pakiusap ko kay Mommy. Halos dumugo ang nakakabit na dextrose sa aking kamay dahil sa aking marahas na paggalaw. Pilit akong tumatayo, gusto kong lumabas sa aking silid, gusto kong makita ang anak ko.
"Wala na siya, Sera....wala na siya" umiiyak na sabi niya sa akin. Napatakip pa siya sa kanyang bibig para pigilan ang paghikbi. Napasigaw ako bago napahagulgol.
"Ang anak ko!" umiiyak na tawag ko. Hindi ko kaya, hindi ko kayang isipin na, yung hinintay ko ng siyam na buwan ay mawawala lang sa akin ng isang iglap.
Hindi na din kinaya ni Mommy at kaagad niya akong niyakap. "I'm so sorry..." umiiyak na sabi niya.
Hindi na ako nakapagsalita. Umiyak ako ng umiyak. Bigla akong nawalan ng ganang mabuhay, sana isinama niya na lang ako. Sana wala na lang din ako dito. Ayoko na dito.
Hindi naging madali ang sumunod na mga araw. Wala na atang darating na magandang umaga sa akin. Sa tuwing napapatitig ako sa langit ay paulit ulit kong hinihiling na sana, mawala na lang din ako. Gusto ko na lang makasama ang anak ko, kung nasaan man siya.
"Wala kang itinira sa akin. Wala kang itinira kahit isa..." umiiyak na pagkausap ko sa panginoon. Alam kong wala akong karapatan na kwestyunin ang mga plano niya, pero sobrang sakit.
Ilang beses akong nagtangkang magpakamatay. May ilang beses ding naabutan na lamang ako nila mommy na wala ng malay sa loob ng aking kwarto. I tried to overdose myself from drugs. Dumating din sa point na dumipende na ako sa sleeping pills dahil hindi na ako makatulog.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo!?" galit na sigaw ni Daddy sa akin. Isang beses na muli nanaman akong magising sa hospital.
Muling bumuhos ang luha ko. Tangina, Sera! Buhay ka pa din!
"Gusto kong makasama ang anak ko!" umiiyak na sabi ko sa kanila.
Humahangos siyang lumapit sa akin. Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang brasonl ko at marahas akong niyugyog.
"Patay na ang anak mo!" sigaw niya sa pagmumukha ko.
"Gusto ko na ding mamatay" sabi ko. Halos manghina ako. Ni kaunting lakas ay wala na akong makuha.
Ilang beses akong nananaginip na galit na galit si Kenzo sa akin dahil sa kapabayaan ko. Ilang beses akong gumising na umiiyak dahil ako ang sinisisi niya dahil nawala ang anak namin.
"Sera" tawag ni Ate Stella sa akin, isang araw ng siya ang maghatid ng aking pagkain.
Kita ko ang awa sa kanyang mukha. Ayoko ng awa! Ayoko na!
Nilapag niya ang tray ng pagkain bago siya lumapit sa akin. Nakaupo ako sa isang upuan at nakaharap sa may bintana kaya naman lumuhod siya sa aking harapan.
"Wala akong pamilya. Magisa lang ako..." sabi ko sa kanya. Ni walang luhang lumabas sa aking mga mata, pagod na din sila. Maging sila ay iniwan na din ako.
"Hindi yan totoo..."
Marahan akong umiling. "Ang mahalin ng totoong pamilya. Yung pamilya na kadugo ko, yung totoong pamilya" mariing pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nung malaman kong ampon lang ako. Wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng pamilyang matatawag kong sa akin. Yun na sana ang anak ko, pero iniwan din niya ako.
"Ipinamigay ako ng totoo kong mga magulang. Ni hindi ko alam kung sino ba talaga ako..." pagpapatuloy ko. Nanatili si Ate na nakatitig sa akin, kita ko ang pagkislap ng mata niya dahil sa nagbabadyang pagiyak.
"I just want to be belong. I just want a family"
Napadilat ako sa katotohanan ng may tumamang ilaw sa aking mga mata. Mula iyon sa head light ng mga sasakyang nakakasalubong namin. Nilingon ko si Kenzo, nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada.
Kailan kaya ako magiging parte ng isang pamilya? Will he let me meet his daughter and ask me to be her mom? So that, I have a role. So that, may pwede na akong matawag na pamilya.
Pero on the other side. Nasasaktan ako para sa namatay naming anak. Ni hindi ko nga nagawang maging ina sa kanya. Tapos ngayon...
"Wala namang sinabing hindi maganda si Piero" puna ko sa kanya pagkapasok namin sa condo. Nanatili pa din kasi ang nakakunot niyang noo.
"I'm just pissed" iritadong sabi niya. Iniwan niya ako sa may sala at kaagad na dumiretso sa may kwarto. Tinanaw ko ang hagdanan na dinaanan niya.
"Bakit hindi na lang yung Mommy ni Kianna ang pinakasalan mo? Sinasaktan mo lang ako..." pagkausap ko sa kanya kahit wala naman siya duon.
Inabala ko ang sarili ko ng sumunod na mga araw. Panay din ang punta ko sa condo ni Augustine. I need his warmth.
"Ay gaga, mukha ka ng panda" puna niya sa akin. Kanina pa niya ako inaasar dahil sa malalim at maitim na eye bags sa ilalim ng aking mga mata. Inirapan ko lamang siya.
Nasa isang salon kami sa loob ng mall. Bukas na ang kasal ni Abby at Apollo kaya naman kaagad na nagyaya si Augustine ng ganito. Tiniis ko ang ilang araw na hindi sinabi kay Kenzo ang nalalaman ko.
Kagaya ng ibang araw ay late na naman akong nakauwi. Mas nauuna siyang umuwi sa akin. Kung minsan ay naabutan ko siyang umiinom ng alak sa may sala. Kagaya na lamang ngayon, ang matalim at malalim na tingin niya kagaad ang sumalubong sa akin.
"Always late. May asawa kang tao, may I remind you" mapanuyang sabi niya sa akin. Nanatili siyang nakaupo sa may sofa, habang may hawak na basong may lamang alak.
"I'm with..."
"Augustine. Augustine, always" madiing sambit niya.
Napatitig ako sa kanya. Paano ko ba mapapaintindi sa kanya na kailangan ko si Augustine, kailangan ko ng kaibigan dahil wala naman akong pinagkukuhanan ng lakas, hindi kagaya niyang may anak na pupuntahan sa tuwing gusto niya. Ako? Wala naman akong ibang tatakbuhan, pwede ko ba siyang takbuhan sa tuwing kinakain ako ng lungkot? Maiintindihan ba niya ako?
Napabuntong hininga ako. "Bukas..." paguumpisa ko sana ang kaso ay natigil din ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Bumaba din ang tingin ko duon, mabilis niyang sinagot ang tawag. Pinanuod ko lamang siya hanggang sa magulat ako dahil sa biglaan niyang pagtayo.
"Anong nangyari kay Kianna? Bakit ngayon niyo lang sinabi!?" galit na tanong niya mula sa kabilang linya. Napaawang ang bibig ko, walang pagdadalawang isip akong sumunod sa kanya sa itaas.
Pagkapasok ko sa kwarto ay naabutan ko kaagad ang kanyang pagkataranta. "Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya. Anong nangyari sa anak niya? May maitutulong ba ako?
Mas lalo akong nabigla ng makita kong inilapag niya ang maliit na duffle bag sa itaas ng kama. Ilang damit din ang inilagay niya duon. "I need to go. Ilang araw akong mawawala" sabi niya na ikinagulat ako.
"Saan ka pupunta?" hindi ko napigilang magtanong. Kahit naman alam kong si Kianna ang dahilan.
"Sa mansyon na muna ako uuwi, I need to..." mariin siyang napapikit. Parang hirap na hirap dugtungan ang paliwanag niya.
"Do you want me to go, with you?" marahang tanong ko.
"No" matigas na sagot niya sa akin.
Napatango tango na lamang ako. Kianna needs him. I need to let him go, anak niya iyon.
Kita ko ang tingin niya sa akin, nanlulumo din siya ng tahakin niya ang daan patungo sa pintuan. "We'll talk. Pagkabalik ko" sabi niya.
Marahan akong umiling. "Ayos lang. Naiintindihan ko. Naiintindihan ko" paulit ulit na sabi ko sa kanya. Kailangan kong intindihin, tangina.
Magisa akong umattend sa kasal nina Abby at Apollo. Si Augustine lang ang kasakasama ko sa buong ceremony. Ilang beses niya akong siniko sa tuwing napapatulala ako sa kawalan.
Humilig siya sa akin at bumulong. "Tangeners ka. Kasal ang pinuntahan mo, hindi burol" sita niya sa akin.
Napaangat tuloy ang tingin ko sa harapan kung saan on going pa din ang ceremony ng kasal. Ang ganda ganda ni Abby sa kanyang wedding gown. Naiyak pa nga ako kanina ng maglakad siya patungo sa altar.
Panay tuloy ang inom ko sa after party ng kasal nila. Mas lalo akong ginanahang uminom ng muli kong makasama ang mga pinsan nitong kabarkada ko din. Si Harry na kaptid niya, sina Ivan, rome at Mia na mga pinsan niya.
"Still the same, Seraphine Serrano!" hiyaw ni Ivan sabay bigay sa akin ng isang shot ng hard liquor. Inisang lagok ko iyon. Tawa ng tawa si Gust sa tabi ko, lalo na ng mapunta ang lahat sa gitna ng dance floor para sumayaw.
Kukuha na sana ulit ako ng isa pang shot glass ng may humawak sa aking kamay.
"Tama na iyan" matigas na suway sa akin ni Harry. Napanguso ako at tsaka siya nginisian. Mabilis kong binawi ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak.
"I need this, please..." pakiusap ko. Sandali kaming nagkatitigan bago niya ako hinayaan.
"I'll watch you then" matigas na sabi niya sabay iwas ng tingin. Ang sungit talaga ng kuya ni Abby na to, kaya siguro wala pang asawa!
Sa huli, sa condo ni Augustine ang bagsak ko. Naalala ko pang si Harry ang naghatid sa amin pauwi duon, wala na akong lakas at lasing na lasing na.
"Ikaw ang magbibihis sa kanya?" matigas na tanong ni Harry kay gust. Kahit nakapikit at wala ng lakas ay rinig ko pa din ang usapan nila. Halos yakapin ko ang kama.
"Like, eww. No way, hayaan mo siyang matulog ng ganyan" maarteng sabi ni augustine. Gusto ko sana siyang murahin pero hindi ko na kinaya.
Sobrang sakit ng ulo ko kinaumagahan. Tanghali na din akong nagising. Una kong tiningnan ang cellphone ko. Nadisappoint lamang ako ng makita kong wala ni isang text o tawag ni Kenzo ang naroon. Wala siyang pakialam sa akin ngayon. Naiintindihan ko.
Sa pangapat na araw na ako lamang ang nasa condo ay para nanaman akong nababaliw. Para nanaman akong tatakasan ng bait. Sobra akong kinakain ng lungkot, ayoko na ulit maiwan magisa. Takot na takot na ako.
Nakayakap ako sa malaking throw pillow sa may sala. Dito ako natutulog ng mga gabing wala si Kenzo. Ayoko sa kwarto, sobrang lungkot duon. Nagtaas ako ng tingin ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Kaagad sumalubong sa akin ang pagod niyang mga mata.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya sa akin.
"Dito ako natutulog" sabi ko. Nagulat siya.
"Why?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Malungkot magisa sa kwarto" pagamin ko. Gusto kong maiyak at sabihin sa kanya. Dumito na siya, gusto ko na ng kasama.
"C'mon. Sleep there. Hindi ako aalis hanggang hindi ka pa natutulog. Sasamahan kita..." sabi niya sa akin. Nagulat ako.
"Hindi ka dito matutulog?" hindi ko napigilan ang tunog ng pagkadismaya sa aking boses.
Napabuntong hininga siya. "I'm sorry..." pagod na sabi niya sa akin. Tumango ulit ako.
"It's ok. Your daugther needs you" diretsahang sabi ko. Hindi ko na napigilan. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata, halos manigas siya sa kanyang kinatatayuan.
"How did you?..." naguhuluhang tanong niya.
Napatingala ako sa kisame para pigilan ang pagluha. "Dapat hindi mo ako pinakasalan. May anak ka na pala, sana yung mommy niya ang pinakasalan mo. Hindi ka na sana nahihirapan ng ganito" mapait na sabi ko.
Hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko. "Magagalit lang ang anak mo sa akin, dahil ako ang pinakasalan mo at hindi ang mommy niya" lumuluhang sabi ko kay Kenzo. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan, gulat pa din dahil sa mga sinasabi ko.
"I don't want to receive another hate...marami ng may ayaw sa akin" natatawa ngunit umiiyak na sabi ko. Fuck! I can't take this anymore.
Napakagat labi ako para pigilan ang paghikbi. Tinitigan ko si Kenzo, diretso din ang tingin niya sa akin.
"I already marry her mom. I am married to you, Sera" makahulugang sabi niya na nagpalaglag sa panga ko.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro