
Chapter 35
Kaya pala
"Medyo nakakadiri" maarte at natatawang sabi ni Gust sa akin. Tinawanan ko siya at muling niyakap ng mahigpit. I really missed him.
"Wag kang magalala, yakap lang ang gagawin ko sayo" paninigurado ko sa kanya. Napangiwi pa din ang gaga. Diring diri.
"Kahit yakap. Buti sana kung lalaki ka" laban niya kaya naman napanguso ako.
Pabiro ko siyang hinampas sa kanyang braso. Tangina, ang tigas at laki pa din nuon. Lalaking lalaki, hindi ko talaga aakalaing bakla ang gago.
"Napakalandi mo" asik ko bago kami nagtawanan na dalawa.
Panay ang kwento niya sa akin ng mga nangyari sa kanya sa ibang bansa. Halos hindi matanggal ang ngiti sa aking labi habang nakikinig sa kanya. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayong nandito na siya. Pakiramdam ko, may pamilya na ulit ako, may kasama at may magtatanggol na ulit sa akin. I feel so safe with him.
"Hindi nga sumama dahil mag trabaho" giit niya. Tukoy sa kanyang Australiano na boyfriend. Napanguso ako.
"Masaya akong nandito ka na" sabi ko. Napairap siya.
"Wag ng magdrama. Andito na ako, magtatagal ako dito para sayo..." paninigurado niya sa akin kaya naman hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal.
Makita ko lang siya ulit ay ayos na. Sobra sobra pa ang ibinigay niya sa akin dahil mananatili siya dito ng matagal para sa akin. Sobrang mahal ko talaga si Augustine, itinuring niya akong parte ng pamilya niya.
"At bakit nga ba wala ka dito sa condo ko?" masungit na tanong niya sa akin.
Napabuntong hininga ako bago ko sinimulang ikwento sa kanya ang lahat.
"Ay shocks. Hindi ako magbabayad ng ganuong kalaking halaga para sayo, girl" maarteng sabi niya sa akin at tinuro pa ang kabuuan ko. Napangisi ako.
"Lalaki lang naman ang binabayaran mo ng malaki. Alam ko na yan"
Napasapo siya sa kanyang noo. "Ano yummy pa din ba si Doc? Nung huling kita ko dun, hinalikan kita eh. Kadiri iyon" reklamo niya, diring diri ang gago.
Tinawanan ko siya. Iba talaga ang presencya ni Gust. Pinapagaan niya ang loob ko. Napapatawa niya ako, ang swerte ko dahil kaibigan ko siya.
Hindi na niya ako hinintay pang idescribe si Kenzo. Ang gaga habang nagtatanong ay nagsesearch na sa online. Kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata, kasabay ng pagbilog ng kanyang bibig. Alam ko na kaagad kung anong nakita niya.
"Ang gwapo!" daing niya. Nalaglag ang panga ko. Ang buong akala ko ay pupurihin niya kaagad ang pagkakaroon nito ng sariling hospital. Looks pa din pala ang mahalaga sa kanya.
"Naku naku. Kung ako asawa neto!" gigil na sambit niya habang paulit ulit na zinozoom ang litrato ni Kenzo. Dumungaw ako sa kanyang cellphone halos manlaki ang aking mga mata ng makita ko kung anong parte talaga ang nilalakihan niya.
"Ang bastos mo!" sigaw ko sa kanya sabay hampas sa braso niya. Kaagad siyang napahalakhak.
"Sera, isa kang babaeng pinagpala sa lahat!" puri pa niya. Pabiro ko siyang sinabunutan. Hindi pa din natigil ang kanyang pagtawa.
Hindi natigil si Gust sa paghahanap ng mga litrato ni Kenzo sa internet. Hindi naman siya nahirapan dahil maraming news about sa kanya at sa kanyang hospital. Sa kanya ko lang din nalaman na minsang na feature ito sa magazine.
"Dinner tayo sa labas, on me!" yaya niya sa akin kaya naman napairap ako. Kung hindi pa niya binanggit ang dinner ay hindi ko pa marerealize na madilim na sa labas.
Dinungaw ko ang aking sariling cellphone. Ni hindi ko na iyon pinansin pa simula ng makapasok ako sa condo ni augustine. Napunta kasi sa kanya ang buong atensyon ko. Napuno iyon ng missed calls mula kay Kenzo at Abby. Kaagad ko ding binuksan ang ilan sa mga message nila.
Abby:
Sera, galit na galit si Doc!
Abby:
Asaan ka?
Napanguso ako. Bakit ba nila ako hinahanap? Nagpaalam naman akong pupuntahan ko si Augutine ah! Kagaya nga ng paalam ko. Augustine needs me.
Kenzo:
Damn it, Seraphine! Umuwi ka!
Kenzo:
Uwian mo ako! Ngayon na!
Kenzo:
Seraphine!
Kaagad pumait ang mukha ko. Napailing ako at tsaka mabilis na pinatay ang cellphone ko.
"May problema?" tanong ni Gust sa akin ng maabutan niya akong napapailing.
"Wala. Nagugutom na ako" palusot ko. Nanliit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Maarte niya akong tinuro.
"Wag mo sabihing hindi ka nagpaalam sa asawa mo!?"
Mas lalong humaba ang nguso ko. Nagpaalam naman ako. Maayos iyon, ganuon din naman siya nung nagpaalam sa akin. Hindi ko naman siya tinadtad ng text at missed calls. Tangina nun.
"Sinasabi ko sayo, Seraphine. Baka makita tayo sa labas nun. Suntukin ako. Kakatapos ko lang magpafacial. Tangeners" maarteng pagmumura niya. Imbes tuloy na matakot at kabahan ay natawa pa ako sa kanya.
May dala dala akong paper bags ng mga mamahalin at importante na bag at pabango. Iyon ang pasalubong sa akin ni gust kaya naman panay ang asar ko sa kanya.
"Pwede na kitang gawing sugar Daddy" pangaasar ko pero tinaas niya lamang ang middle finger niya sa ere kaya naman napahalakhak ako.
Sa isangf fine dinning restaurant kami pumunta para kumain ng dinner. May dala din siyang sasakyan kaya naman hindi na kami nahirapan pang magbook ng taxi.
"Pero seryoso, grabe yung iyak ko nung mabalitaan ko yung nangyari" malungkot na sabi niya sa akin habang naghihintay na lang kaming iserve ang pagkain.
Bumagsak ang tingin ko sa table. "I thought, i wouldn't make it. Gusto ko na ding mamatay ilang araw pagkatapos nuon..." kwento ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap niya. Tipid akong ngumiti ng makita kong nagpapahid siya ng luha mula sa kanyang mga mata.
"Nagiipon ako nuon eh. Kasi diba pangako ko sayo. Iuuwi ko kayo sa pilipinas" paalala niya. Ramdam ko ang sakit mula sa kanyang boses. Malinaw pa ang lahat ng iyon sa aking alaala. Hindi din naman ako nawalan ng pagasa nuon, hanggang sa nawala ang lahat nung nawala din ang anak ko.
"Hindi ko nga alam kung bakit nandito pa ako. Sana, pareho na lang kaming nawala" emosyonal na sabi ko. Hinawakan ni Gust ang kamay kong nakapatong sa lamesa.
"Gaga, wag mong sabihin iyan" suway niya sa akin. Namumula na din anv kanyang mga mata.
"Mahal kita, mahal ko din ang baby mo kahit hindi natin siya nakita. Importante ka sa akin, Sera. Ikaw yung unang nakaintindi nung malaman mo kung ano at sino talaga ako"
Tipid ko siyang nginitian. "Kung nasaan man ang baby mo. Sigurado akong binabantayan ka niya. She's an angel now" pagpapagaan niya sa loob ko kaya naman tipid ko siyang tinanguan.
Nalungkot din ako ng malaman ko ang mga nangyari sa kanya. Hindi din iyon naging madali lalo na't itinakwil siya ng kanyang buong pamilya. Umalis siya nuon na walang dala kundi ang isang travelling bag. Ni ang perang dala niya ay hindi sapat. Nagsumikap siya kaya naman, bumalik sa kanya ang lahat.
Maraming pinlano si Gust para sa amin. Sisiguraduhin niya daw na mababawi namin ang ilang taon na hind kami magkasama. Bukod sa mga kaibigan niya sa ibang bansa ay ako lang at si Abby ang kakilala niya dito.
"Paano natin bibigyan ng bridal shower ang gaga eh buntis!" himutok niya ng ilang beses siyang nagplano ng magandang bridal shower para kay Abby pero gumuho ang lahat ng sabihin ko sa kanyang buntis ito.
Panay ang irap niya pero masaya din siya ng malaman iyon. Nuon pa man ay mahilig na talaga siya sa bata, kahit hindi niya kaano ano ay talagang nagpapakita siya ng malasakit para sa mga ito.
"Dadalawin kita bukas sa office mo. Samahan mo akong magshopping" sabi niya sa akin, paalis na kami ng fine dinning. Sumakay ako sa kanyang sasakyan, nagpresinta siyang ihahatid ako sa condo ni Kenzo. Panay pa din ang talak niya kung gaano daw ako kaswerte dahil siya ang asawa ko.
"Kahit hindi na nga ako lumabas ng kwarto. Basta palaging may aksyon. Wala akong reklamo" sabi pa niya sa akin. Nagdadaydream ang gaga na paano daw kung siya ang asawa ni Kenzo.
"Kaya pala ang blooming mo. Gabi gabi ka atang nadidiligan!" pangaasar niya sa akin. Kaagad ko siyang hinampas sa braso.
Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang ibang parte ng pagsasama namin, kararating lamang niya at ayoko naman na biglain siya kaagad ng mabibigat na problema. Marami pang araw na pwese kaming magusap, alam ko ding pagod na siya ngayon.
"Yaman" puna niya ng silipin niya ang tower ng condo ni Kenzo. Napanguso na lamang ako, kaagad akong humalik sa kanyang pisngi.
"Thank you for today. Kita tayo bukas..." paalam ko sa kanya. Inirapan niya ako kaya naman natawa ako.
"Enjoy the night!" pahabol pa niya kaya naman padabog kong sinarado ang pintuan ng kanyang sasakyan. Napatawa ako ng marinig ko mula sa loob ang malutong niyang pagmumura.
Hindi natanggal ang ngiti ko kahit pa nakapasok na ako sa elevator. Kitang kita ko ang repleksyon ng sarili ko sa pintuan nito. Ang ganda ng ngiti ko ngayon, ngiti na alam kong walang halong biro. Totoong ngiti, totoong saya galing sa isang taong parte ng aking pamilya.
Tahimik ang buong unit pagkapasok ko. Dim ang light sa may sala, tanging ang mga ilaw sa bawat baitang ng hagdanan lamang ang bukas. Hindi na ako nagatubili pang buksan ang mga ilaw.
Baka wala pa si Kenzo? Minsan naman late unuuwi iyon. Baka late siya ngayon dahil may event sa hospital. Ipinagsawalang bahala ko na lamang. Dumiretso ako sa may kitchen para uminom ng tubig, pagod din ako sa kakatawa dahil sa mg kwento ni Gust. Maliligo na ako at matutulog. Excited na din akong makita siya bukas.
"Saan ka nanggaling?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Kenzo sa aking likuran. Madiin at halatang galit ang kanyang pagkakasabi nuon. Matapang ko siyang hinarap. Wala siyang suot na pangitaas, tanging itim na cotton pants ang suot niya. Handa ng matulog. Amoy ko din ang alak sa kanyang hininga.
"I told you, Augustine nee..."
"Dammit Sera!" asik niya sabay haklit sa aking braso. Ni hindi niya na pinatapos ang paliwanag ko. Wow naman!
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero masyadong mahigpit ang hawak niya duon. "Iniwan mo ako para sa ibang lalaki. Ginagawa mo nanaman!" galit ba sabi niya.
Nilabanan ko ang matalim niyang tingin sa akin. Hindi ako magpapatalo ngayon, kung kailangan kong magpaliwanag sa kanya, magpapaliwanag ako! Hindi pwedeng ang konklusyon niya lang ang intindihin niya.
"Kaibigan ko si Ausgutine. Matagal kaming hindi nagkita kaya naman..."
"Matagal din tayong hindi nagkita!" balik niya sa akin. Tumaas ang kanyang boses, napahilamos siya sa kanyang mukha.
"Pinakasalan kita. Pero ang hirap hirap mong abutin, hindi ka nagsasalita, hindi mo ako kinakausap!" galit na giit niya. Napaawang ang bibig ko sa gulat, bakit parang biglang ako ang may kasalanan ng lahat? Bakit biglang parang ako ang hindi nakikisama sa kanya gayong umpisa pa lang ay siya na itong malamig ang tungo sa akin.
"Naguusap tayo ngayon, Kenzo" giit ko. Nakita ko ang paggigil sa kanyang mukha. Halos mapapikit ako ng hampasin niya ang pintuan ng ref na nasa likuran ko.
"Buong hapon mong kasama ang lalaking iyon. Anong ginawa niyo?"
Matagal ako bago nakapagsalita. Mariin kong tinitigan ang galit niyang mukha. "Nagusap lang kami..."
"Dammit!" sigaw niya sabay hampas ulit ng pintuan ng ref.
"Wala akong ginagawang masama, wag mo akong itulad sayo!" laban ko sa kanya.
Nagtiim bagang siya. "Wala din akong ginagawang masama" seryosong sabi niya sa akin. Napangisi ako.
"Hindi mo nga masabi sa akin kung sino si Kianna!" nanggagalaiting sigaw ko sa kanyang pagmumukha.
Kita ko ang sandali niyang pagkagulat. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magsalita. "Gusto ko ding bigyan ng chance itong pagsasama natin. Pero paano? Ang dami mong sikreto, sino siya? Sino siya Kenzo?" naiiyak na tanong ko.
Ayoko mang aminin pero nagseselos ako. Nagseselos ako dahil pakiramdam ko, mas nahigitan ako ni Kianna. Mas mahal siya ni Kenzo kesa sa akin. Selos na selos ako dahil buong akala ko ay ako lang ang mamahalin niya ng ganuon, pero hindi. May nakahigit na sa akin.
Nanatili ang diretsong tingin niya sa akin. Kita ko ang bahagyang paglambot nv kanyang ekspresyon.
"She is important to me..." laban niya sa akin.
Napakagat ako sa aking labi. "Kesa sa akin?" laban na tanong ko.
Mas lalo akong nasaktan ng makita ko ang pagpikit niya ng mariin, nagtaas baba din ang kanyang adams apple ng bayolente siyang napalunok. Nang muli siyang dumilat ay nakita ko na ang kaunting luha sa kanyang mga mata.
"Mahal na mahal ko siya, Sera" marahang sabi niya. Halos hindi ako makahinga ng maayos. Naikuyom ko na din ang aking kamao dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Mahal na mahal ko siya. Kung papipiliin mo ako, hindi ko kay..."
"Hindi kita papipiliin. Ayokong papiliin ka!" asik ko sa kanya.
Bumuhos ang luha ko. Napailing iling pa ako dahil sa kagustuhan kong pigilan iyon pero hindi na kinaya. "Ayokong papiliin ka. Kasi kung talagang mahal mo ako, hindi mo kailangang mamili. Ngayon, napatunayan kong wala na. Hindi na tayo kagaya ng dati..." umiiyak na sabi ko. Sasabihin ko na lahat ngayon para matapos na, hindi na ulit ako magsasalita pagkatapos nito.
"Hindi na ako yung mahal mo. May iba na. Naiintindihan ko...kasalanan ko naman lahat, ako ang may gawa nito sa sarili ko. Pero gusto kong malaman mo na..." hinabol ko ang aking paghinga dahil sa paninikip ng dibdib ko.
Dinuro ko ang dibdib niya. Gigil na gigil ako. Tangina!
"Walang ibang lalaki pagkatapos mo. Walang iba...I was loyal to you, kahit wala na akong pinanghahawakan"
Nakita ko ang pagpungay ng mata ni Kenzo. Naikuyom ko ang kamao ko ng marinig ko ang aking sariling paghikbi.
"Nasasaktan lang ako kasi...nakayanan mong magmahal pagkatapos ko. Naiingit ako kas nakayanan mo..." punong puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.
"Sana nakayanan ko din...sana na kaya kong ding magmahal ng iba!" sigaw ko dahil kung hindi ko gagawin iyon ay walang lalabas na salita sa bibig ko dahil sa pagiyak.
Hinawakan ni Kenzo ang magkabilang braso ko. Marahan iyon. "Iniwan mo ako para sa lalaking iyon...iniwan mo ako, Sera" giit niya sa akin. Ramdam ko ang pait at pagtatampo sa kanyang boses.
Hindi na ako nakasagot. Umiling na lamang ako. "You can keep, Kianna. Bahala ka..." laban ko sa kanya.
Kita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mukha. "But please, I want to know...sino siya? Where do I stand?" pakiusap ko.
Napasinghap ulit ako ng umiling siya sa akin. Wala talaga siyang balak na sabihin sa akin. Ano bang meron sa Kianna na iyon at ayaw niyang sabihin sa akin? Kung babae niya iyon! Gusto kong malaman! Gusto kong malaman kung saan ako lulugar sa buhay niya.
"Baby, not now..." paos na sabi niya sa akin. Halos manindig ang balahibo ko sa buong katawan dahil sa lambing nuon. Sinubukan niya akong hawakan sa magkabilang siko ko pero lumayo ako.
Bumigat ang dibdib ko dahil sa narinig. Miss na miss ko na iyon. Ang pagtawag niya sa akin ng ganuon at kung gaano kalambing iyon.
"I want to give you a chance!" sabi ko.
"I'm giving you a chance too!" giit niya. Kitang kita ang frustration sa kanyang pagmumukha.
Ang kaninang malambot na pagmumukha niya ay nabahiran ng pagkadismaya. "But you prove nothing to me, Sera. Kagaya ka pa din ng dati..." anya.
Muling gumuhit ang sakit at kirot sa aking dibdib. Hindi ako makapagsalita. "Ni ayaw mo nga akong bigyan ng anak..." mapait na sabi niya sa akin.
Muling tumulo ang masasaganang luha mula sa aking mga mata. "Hindi yan totoo!" sigaw ko sa kanya.
Hindi na ako nakapagpigil. Kaagad kong pinaghahampas ang kanyang dibdib. "Bawiin mo yan! Bawiin mo yan!" sigaw ko. Hanggang sa manghina na lamang ako, wala ng nagawa si Kenzo kundi ang yakapin ako.
Sa sobrang panghihina ay hindi na ako nakaalis pa sa yakap niya kahit gustong gusto kong lumayo sa kanya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking ulo.
"I want to keep you, Sera. I want you to be with me, sa kabila ng lahat. Kahit galit na galit ako sayo"
"Galit na galit ako sayo, baby. Bakit mo ginawa iyon?" pagpapatuloy niya na hindi ko naman alam kung ano. Hindi ko alam kung alin duon ang ikinagagalit niya. Ang pagiwan ko sa kanya? Ang pakikipaghiwalay ko? Siguradong hindi tungkol sa anak namin dahil hindi pa naman niya alam iyon.
Biglang nagbago ang ihip ng hangin ng sumunod na araw. Ang dating malamig na pakikitungo ni Kenzo sa akin ay biglang nagbago.
"Sabay tayong papasok. Ako ang maghahatid sayo sa trabaho mo" salubong niya sa akin kinaumagahan pagkababa ko sa may dinning.
Nakatulog kaming dalawa na walang imikan. Hindi na din naman ako nakapagsalita pa pagkatapos niyang sabihing galit na galit siya sa akin.
"Hindi naman kailangan" laban ko.
Umiling si Kenzo. Siya na mismo ang lumapit sa akin para hilahin ako paupo sa may dinning. Pagkaupo ko ay kaagad niya akong hinalikan sa pisngi, hindi siya umalis kaagad. Nanatili siya duon kaya naman nabato ako sa aking kinauupuan.
"There's no love after you, Sera" malambing na bulong niya sa akin.
Gusto kong maging masaya dahil sa narinig. Pero hindi ko pa din kaya, sino muna si Kianna!?
Inabala ko ang sarili ko sa trabaho buong umaga. Alas tres ako susunduin ni Gust sa office para magpasamang magshopping. Nakareceive ako ng message kay Kenzo kanina bago mag lunch.
Kenzo:
Please take your lunch, on time.
Kenzo:
Let's have dinner later.
Hindi ko sinagot ang alin mang text niya. Hindi ko alam kunh bakit bigla siyang nagbago. Dahil ba sinabi ko sa kanyang hanggang ngayon ay siya pa din ang mahal ko at walang iba? Naguguilty ba siya kaya biglang nagiba ang tungo niya sa akin? Kung awa lang ang lahat ng ito ay isaksak na lang niya sa baga niya. Kagaya ng sinabi ko hindi na ako magsasalita pagkatapos ng lahat ng iyon.
"Umiyak ka ba o puyat ka lang?" salubong na tanong ni Gust sa akin ng sumakay ako sa kanyang sasakyan.
Umirap na lamang ako. Ayokong sagutin.
"Ipaalam mo iyan kay Kenzo" seryosong sabi niya sa akin. Nagsimula na siyang magmaneho.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Ang pagamin ko sa kanya nuon, ibig sabihin babalikan ko ang lahat, masasaktan nanaman ulit ako. Masakit alalahanin ang lahat" paliwanag ko sa kanya.
"Gagaan ang pakiramdam mo pag nasabi mo na sa kanya. Hindi mo naman iyon ginusto" pangaral pa niya sa akin.
"Natatakot lang ako. Naisumbat niya sa akin ang pagkamatay ng anak namin...natatakot ako Gust, baka hindi ko din kayanin sa oras na sisihin niya ako. Natatakot ako" paliwanag ko sa kanya.
"Paano kung hindi ka sisihin? Maiintindihan niya iyon"
Nagiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko din alam. Pagnasaktan siya, baka mas lalo lang kaming magkasakitan.
Buong hapon kong kasama si Abby at Augustine. Sabay na din kaming nagdinner na tatlo. Inihanda ko ang sarili ko, dahil alam kong paguwi ko ay nasa condo na si Kenzo.
Tama nga ako, dahil ng pumasok ako sa aming kwarto ay nakaupo na siya sa kama. Kaharap niya ang kanyang laptop at may pinapanuod na kung ano. Sandali niya lamang akong tiningnan. Walang imik akong pumasok sa banyo at naligo.
Nang matuyo ang buhok ko ay gumapang ako paakyat sa kama. Nanatili pa din si Kenzo sa pagkakaupo. Nanunuod pa din, halos mapamura ako ng makitang korean drama ang pinapanuod niya, matatanggap ko pa sana kung porn iyon.
Umayos ako ng upo, tinabunan ko ang kalahati ng katawan ko ng kumot. Napatitig din ako sa laptop, nakakamiss din palang manuod ng ganuon.
"Nanunuod ka pala niyan" puna ko. Sumulyap siya sa akin.
"I need to..." nakangising sabi niya.
Kumunot ang noo ko. Pero hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya.
"7 years old pa lang ako, nanunuod na ako niyan. Kahit hindi ko maintindihan..." kwento ko. Wala lang, gusto ko lang magkwento.
Nanatili ang tingin ko sa laptop pero ramdam ko ang paninitig ni Kenzo sa akin. Sinulyapan ko siya at inirapan.
"Para kanino ba iyan?" tanong ko.
Nagulat ako ng hilahin niya ako palapit sa kanya. Kaagad akong sumubsob sa kanyang dibdib.
"Kaya pala..." sabi niya.
"Huh?" anong pinagsasabi nito?
"Sayo pala nagmana" nakangising sabi niya pero ramdam ko ang lungkot duon. Hindi ko maintindihan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro