Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Darling







Sobrang bigat ng dibdib ko, ang bigat din ng mga mata ko na hindi ko kinayang harapin ang tingin ng mga kapatid niya af ng mga asawa nito. Narinig ko pa ang lautong na pagmumura ni Piero. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para lamang pigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Wag kang iiyak Sera! Wag kang iiyak tangina!

"Sera..." tawag sa akin ni Amaryllis. Tiningala ko siya at tipid na nginitian.

"Ayos lang ako" sabi ko sa kanya at para sa lahat na din. Sa tabi ko siya umupo, hinayaang bakante ang upuan sa tabi ng kanyang asawa.

"Babalik naman siguro siya. Dito ka na lang maghintay ha. Para may kasama ka" anyaya niya sa akin. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa sinabi niya. Tama siya, sobrang bigat ng dibdib ko. Kailangan ko ng makakasama.

Tahimik kaming kumain. Nanatili si Amarylis sa aking tabi. Hinayaan siya ni Piero. Unti unting naging normal ang lahat, kung minsan ay naguusap ang mga ito tungkol sa trabaho.

"Trabaho nanaman Aziel. Linggo ngayon ah" suway ni Castellana sa asawa ng magusap ang tatlo tungkol sa companya. Tinawanan lamang siya ng dalawang kapatid. Kaagad na humingi ng tawad ito sa asawa.

"Masarap ba iyang pork salpicao? Ako ang nagluto niyan" nakangiting sabi ni Amaryllis. Tinanguan ko siya. Alam kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko.

Matapos ang lunch ay nanatili kami sa may garden. Panay ang kwentuhan ng mga ito. Lumipat naman si Castellana ng upuan para tumabi sa aming dalawa ni Amaryllis na parehong naatanaw sa mga anak nilang babae na naglalaro sa may playground, may malaking bahay bahayan din duon na nakasya silang dalawa.

"Sera" nakangiting tawag ni Castel sa akin. Hinawakan pa niya ako sa balikat.

"Kilala mo ba yung Kianna?" tanong niya sa akin. Medyo nagulat pa ako, hindi niya din kilala?

Napatingin ako kay Amaryllis. Nakatingin din siya sa akin, para bang naghihintay ng sagot. Hindi niya din kilala base sa itsura niya.

Umiling ako. "Hindi ko kilala"

Narinig ko ang pagsinghap ni Castellana. Napatingin kaming pareho ni Amaryllis sa kanya. "Kung kailan mo ng tulungan. Tutulungan kita" sabi niya sa akin.

"Ako din" singit ni Amaryllis.

Hindi ako nakaimik. Pero sobrang akong natuwa dahil sa presensya nilang dalawa.

"Kahit close kami, ayoko namang gumawa siya ng hindi maganda. Hindi kaya...babae niya iyon?" napangiwi pa si Castel sa sarili niyang ideya.

"Parang hindi naman kayang mambabae ni Kenzo. Ang bait kaya niya..." sabi ni Amaryllis.

Napakagat ako sa aking labi. Hindi ko kayang magsalita, nakakatakot ang mga ideya nila. Kung totoong babae ni Kenzo ang babaeng nagngangalang Kianna. Bakit pinakasalan pa niya ako?

Napanguso si Castel. "Ayaw namang sabihin ni Tadeo sa akin eh. Pakiramdam ko may alam sila eh..." pagmamaktol niya.

"Si Piero kaya? Susubukan ko" pagprepresinta ni Amaryllis.

"Wag na. Hayaan niyo na" suway ko sa kanilang dalawa. Kita ko ang gulat nila.

"Baka kayo pa ang magaway. Hayaan niya na, ako na ang magtatanong kay Kenzo" pagsisinungaling ko. Syempre, hindi ko itatanong.

Hinawakan ni Castel ang aking kamay. "Pamilya tayo dito. Pamilya mo na kami, wag kang mahihiyang magsabi sa amin ha" malambing na sabi niya na tinanguan ni Amaryllis. Hindi ko naiwasang hindi maging emosyonal dahil sa pinagsasabi nila. Pakiramdam ko nagkaroon kaagad ako ng dalawang kapatid na babae. Meron naman ako, pero hindi naman ganito si ate stella sa akin.

Isinama nila akong dalawa sa may kitchen.  Sa sandaling panahon ay parang close na close ko na din sila. Magaan ang loob ko sa kanila dahil alam at ramdam kong totoong tao sila. "Mas maraming kikiam sa ref namin..." natatawang kwento ni Amaryllis ng icheck namin ang laman ng ref.

Napagkasunduan naming tatlo na gumawa ng mirienda. Mukhang hanggang dinner kami dito base sa narinig kong paguusap ni Castellana at ng isang kasambahay. "Bisita ka din minsan sa bahay namin ha" yaya ni Amaryllis sa akin na tinanguan ko.

Kagaya ng nalaman ko nuon may Abby. Andito lang din sa loob ng subdivision na ito ang sari sarili nilang bahay. Walking distance nga lang din pero nagdala pa din sila ng sasakyan dahil may dalang maliliit na bata.

"Ang pinagtataka ko, bakit hindi sa mansyon? Eh wala namang tao duon" giit ni Castellana. Busy kami sa paghahanda ng mirienda.

"Baka dahil malapit ang condo sa hospital?" sabi naman ni Amaryllis. Pagkatapos ay pareho silang napatingin sa akin. Nagkibit balikat ako.

"Hindi ko din alam. Hindi pa ako nakakapunta sa bahay niya" sabi ko. Napanguso si Castel.

"Bahay mo din iyon" laban niya sa akin.

Naaliw ako sa kanilang dalawa. Madami kasi silang kwento sa akin. Panay din ang tawa namin, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang mga problema. Gumagaan ang pakiramdam ko, hindi ako nagiisa. Hindi malungkot.

Natigil lamang kami ng pumasok si Tadeo. Hawak niya ang kanyang cellphone. "Sera, dito ka daw susunduin ni Kenzo mamaya" sabi niya sa akin.

Ramdam ko ang tingin ng dalawa sa akin. "Pwede naman akong magtaxi. Pakisabi kung busy siya. Ayos lang..." sabi ko. Nagtaas ng kilay si Tadeo sa akin, kita ko ang paglaglag ng panga ng dalawang babaeng nasa harapan ko.

Marahang tumango si Tadeo. "Sasabihin ko" sabi na lamang niya tsaka siya lumabas sa may kitchen.

"Hindi iyon ayos. Nasasaktan ako para sayo..." malungkot na sabi ni Amaryllis.

"Sabihin mo lang sa akin. Tutulungan kita" desididong sabi ni Castellana sa akin. Hindi ko alam kung bakit, mukhang naman siyang mahinhin pero may mga pagkakataon na para bang handa siya palaging lumaban.

"Anong klaseng tulong?" tanong ni Amaryllis. Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay sabay ding natawa. Mga baliw.

Nakita nilang dalawang ang pagtataka ko dahil sa pagtawa nila. May inamin tuloy si Castel sa akin na hindi ko pinaniwalaan.

"Totoo iyon!" segunda ni Amaryllis.

Napanguso ako. Nagpabalil balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Eh mukhang hindi nga makabasag pinggan ito, tapos papatay ng tao?" hindi makapaniwalang tanong ko. Isang agent daw nuon si Castellana at sanay sa pakikipaglaban. Hindi ko alam kung ano ang trip nilang dalawa at nagawa pa akong lokohin.

Bigong bigo silang dalawa ng hindi ko sila pinaniwalaan. Sa huli ay nagiba na lang kami ng topic na paguusapan. Nakakaaliw, hindi ko na namalayan ang oras.

"Amputa..." sabi ni Prymer ng mahulog ang cookies na kinakain niya. Natawa ako, ang bata bata pa pero nagmumura na. Magkakasundo tayo diyan, baby!

Mabilis na lumuhod si Amaryllis sa harapan ng anak. "Bad iyon. Baby, wag ng uulitin" pangaral niya sa anak habang pinupunasan ang kamag nito.

Pagdating ng dinner ay kinakausap na din ako ng mga kapatid niya. Hindi naman ako nailang dahil kahit nakakaintimidate sila ay maayos pa din.

"Mommy, I'm sleepy na po" lapit ni Cassy kay Castellana.

Pasado alas otso na. Pwede na silang magsiuwi ngunit nanatili sila para samahan ako. Pagumalis sila ay si Cairo na lang ang matitira dito at ang mga kasambahay. Kaagad na tumingin si Castel sa asawa. Nakuha naman kaagad iyon ni Tadeo kaya naman binuhat niya ang anak na mabilis na yumakap sa kanya at sumubsob sa kanyang leeg.

"Ako lang naman ako dito. Hindi niyo na kailangang maghintay" sabi ko sa kanila.

Hindi na sila nakapagsalitang dalawa ng kaagad na nagsalita si Cairo. "Andito na si Kenzo"

Nilingon ko din ang kanilang front door. Nasa may sala kami kaya naman ang lahat ng atensyon ay nasa kanya ngayon. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Saan ka napagod? Tangina ka!?

Gustuhin ko mang tagalan ang matalim kong tingin sa kanya ay nagiwas na lamang ako ng tingin. Alam kong may karapatan ako dahil asawa ko siya pero pakiramdam ko ay wala. Pakiramdam ko ay hindi tama itong nararamdaman kong galit.

"Dinner?" tanong ni Cairo.

"Done" tipid na sagot ni Kenzo.

Naramdaman ko ang tapik niya sa aking balikat. "Umuwi na tayo"

Tumango ako. Perp bago pa ako makatayo ay nagsalita na si Castellana. "Sana next sunday nandito ka na" laban niya.

"Baby..." tawag ni Tadeo sa kanya.

"I'm sorry..." pagod na sabi ni Kenzo.

"Wag sa akin Kenzo. Sa asawa mo" sabi nito bago siya tumayo. Lumabas na sila ni Tadeo paka makauwi na. Parang gusto ko ng maniwalang marunong talaga siyang makipaglaban, ang tapang.

Nagpaalam na din si Amaryllis sa akin. "Next sunday ulit ha" paalala niya. Tumango ako at tipid siyang nginitian.

Nagpaalam na din kami kay Cairo. Tahimik akong sumunod sa kanya pasakay sa kanyang mustang. Muling namuo ang galit sa aking dibdib. Iniwan niya ako para sa babaeng nagngangalang Kianna. Kahig linggo, so ibig sabihin kaya hindi siya palaging sumasama sa family lunch nila tuwing sunday ay dahil nasa kay Kianna siya.

"How was the fami..."

"Ayos lang" pagputol ko sa kanyang sasabihin kahit hindi ko sigurado kung ano iyon. Narinig ko ang pagtikhim niya.

"I need to go. She needs me..." malumanay na sabi niya sa akin. Ramdam kong problemado siya.

"Sino siya? Sino yung Kianna?" tanong ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Nilingon ko siya pero nanatili ang tingin niya sa kalsada. "You don't need to know" laban niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao.

"Tangina mo" sabi ko na pumiyok pa.

Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. "Hindi ko alam kung bakit mo ako pinakasalan. Iniwan na kita nuon, pero nagawa mo pa din akong pakasalan" sita ko sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha.

"Anong habol mo sa akin? Anakan lang?" galit na tanong ko sa kanya pero hindi na siya umimik pa. At mukhang wala  ding balak.

Kung malamig ang pakitungo niya sa akin ay ganuon din ang ginawa ko sa kanya. Bahala siya, pagod na akong umiyak sa harapan niya. Kung ang pagsasama na ito ay dahil lang sa kama wala akong pakialam. Ubos na ubos na ako, pagod na din ako. Ayoko na lang lumaban.

"Hindi ako naniniwala" seryosong sabi ni Apollo sa akin. Inirapan ko ang gago. Napadpad ako sa condo nila ni Abby ng maaga akong matapos sa trabaho at ayoko pang umiwi sa condo ni Kenzo dahil sobrang lungkot duon.

"Edi wag. Gago" asik ko sa kanya. Napanguso siya, si Abby naman ay kaagad na dumalo sa kanyang fiance.

"Wala naman kasi iyon sa mukha" pahayag ni Abby.

Ikinwento ko sa kanila ang nangyari nung linggo ang tungkol sa babaeng nagngangalang kianna at ang pagiging malamig naming dalawa ni Kenzo sa isa't isa.

Tiningnan siya ni Apollo. Alam kong may laman ang tingin nito kay Abby. Ang gago.

"Hoy! Hindi kita niloko ha. Naguusap lang kami nuon ay nagkakape" sabi nito pagkatapos hampasin si Apollo sa braso.

Inirapan ko lamang siyang dalawa. Mga siraulo. Wala na talaga akong makausap ng maayos dito.

"Eh problema lang kaso dito. Ayaw niyang sabihin sayo kung sino yung Kianna" seryosong sabi ni Apollo sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi lang iyon. Ang kasal namin at ang tanginang pagsasama na to ang problema. Gusto ko na lang tumakbo pabalik sa Guam. Pero pag dating naman duon...hindi ko na alam" pamomorblema ko pa.

"Ikaw. Sa tingin mo ba kaya talaga ni Doc Kenzo na mambabae? Love na love ka nuon!" giit ni Abby kaya naman inirapan ko siya.

Hanggang sa napatulala ako. "Dati..." malungkot na sabi ko.

Ramdam na ramdam ko iyon dati. Mahal na mahal niya ako dati. Alagang alaga, ako palagi ang una. Walang ibang una kundi ako, kahit na sino pa iyan. Kahit ang pinakamalapit sa kanya ako pa din ang pipiliin niya. Pero iba na ngayon, hindi na ako iyon.

Sa kanila na din ako nagdinner. Silang dalawa lang talaga ang takbuhan ko, maliban kina Amaryllis at Castellana pero hindi pa naman ganuon kakapal ang mukha ko para istorbohin sila para lang dito. May pamilya din sila, hindi nila obligasyong problemahin ang problema ko.

Duon ako halos dumidiretso sa condo nila Abby at Apollo sa tuwing maaga akong natatapos sa trabaho. Kung hindi naman ay nagmamall ako. Nagpapalipas ng oras hanggang sa dumilim. Ginawa ko na nga lang atang tulugan ang condo ni Kenzo.

"May Seminar kami bukas, sa auditorium ng hospital. Apollo is going to be there, alam din ng kaibigan mo iyon. Sumama ka" sabi niya sa akin matapos niyang umayos ng higa.

Tumango na lamang ako. Inayos ko ang pagkakatakip ng kumot sa aking katawan. Hinahabol ko pa ang aking hininga pagkatapos ng pagtatalik namin. Hindi siya nagbibiro ng sabihin niyang gusto niya akong buntisin. Desidido talaga ang gago.

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin iyon. Ano namang pakialam ko? Hindi naman ako doctor para makisali sa seminar nila.

Maagang umalis si Kenzo kinaumagahan. Hinyaan ko lamang siya. Tamad na tamad akong gumalaw para sa paghahanda ko naman sa pagpasok ko sa opisina. Nagbloblower ako ng aking buhok ng tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko iyong sinagot ng makita kong si Abby iyon.

"Susunduin kita o ako ang susunduin mo?" bungad niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Tangina. Anong pinagsasabi mo diyan?" asik ko sa kanya. Humalakhak ang gaga.

"Di ba nga may Seminar sa hospital. Invited tayo para sa lunch!" giit niya sa akin. Napairap ako sa kawalan.

"May trabaho ako. Kaya kong kumain ng lunch magisa" laban ko.

"Kailangan mong pumunta duon para suportahan si Doc Kenzo. Ikaw ang asawa niya, kayo ang may ari ng hospital. Sa tingin mo hindi ka inaasahan duon?" paliwanag niya sa akin.

Sandali akong natigilan. "Eh hindi naman ako kinausap ng maayos ng tanginang yon eh" giit ko.

"Eh sabi mo cold ka kamo sa kanya. Syempre, baka nahiyang yayain ka" paliwanag ni Abby.

"Wow naman, hindi siya nahiyang isex ako" sita ko. Kaagad akong sinuway ng pavirgin na abby. Sasabunutan ko to mamaya pag nagkita kami.

Sa huli, wala akong magawa kundi ang sumama sa kanya. Kinunsensya pa ako ng gaga na maout of place siya duon paghindi ako kasama. Simpleng beige body hugging dress lang ang sinuot ko. Malay ko ba kung gaano kapormal ang kainan na iyon. Siraulo talaga si Kenzo. Bwiset!

"Okay naman yang suot mo eh. Ang ganda at sexy mo nga" puri ni Abby sa akin ng magkita na kami. Siya na ang sumundo sa akin sa condo. Natakot kasi siyang hindi ko siya siputin.



Halos manlamig ang kalamnan ko pagkapasok namin sa may auditorium ng hospital. Halos lahat ay nakasemi formal attire. Karamihan ay nakawhite coat, ang mga hindi naman ay mukhang kagaya namin ni Abby na makikikain lamang.



"Ayun si Apollo" sabi ni Abby ng una namin makita ito. Mukhang kakatapos lang ng seminar at ang lahat ay naghahanda na para sa lunch. Muli kong iginala ang paningin ko sa buong hall, kay Kenzo din ang lugar na ito. Pagmamay ari din niya ito.



"You marry him" madiing sabi ni Fideliz. Halos umikot ang mata ko. Ayan nanaman siya, doctor na nga't lahat epal pa din.



"Gusto din naman iyon ni Kenzo. Hindi ko naman siya kinaladkad para pakasalan ako. Wag kang OA" tamad na sabi ko sa kanya. Kita ko ang galit sa kanyang mukha. Wala akong pakialam.



"Ikaw ang sisira kay Kenzo. Sinira mo na siya nuon, sisirain mo din siya ngayon" galit na sabi niya. Kita ko ang naguumapaw niyang galit ngunit pilit pa din niyang pinapakalma ang kanyang sarili.



"Sa kanya mo sabihin iyan" laban ko. Bago pa man makapagsalita ulit si Fidez ay naramdaman ko na ang pagpulupot ng braso ni Kenzo sa aking bewang.



"Fidez. Tama na" kalmadong banta ni Kenzo sa bestfriend. Kita ko ang pagiling nito, namula din ang kanyang mga mata na para bang ano mang oras ay maiiyak na siya.



"Ewan ko sayo Kenzo. Ewan ko sayo" hindi makapaniwalang sabi niya bago niya kami tinalikurang dalawa.



Ewan ko din sayo Fidez. Ewan ko sayo.



"Sorry bout that. I'm glad you came" pagbaling ni Kenzo sa akin bago niya ako hinila kung saan.


Halos mangalay ang panga ko kakangiti. Kung kanikanino niya ako pinakilala. Halos ikutin namin ang buong hall. Punyeta akala ko ba Doctor ito bakit parang kandidato!?



"You got a lovely wife. Doc Herrer" puri ng isang may edad ng babaeng doctor. Matamis ko siyang nginitian. Hindi naman nabakante ang bewang ko dahil sa braso nito.



"Kain na tayo. Gutom ka na?" tanong niya sa akin ng mukhang tapos niyang ipagkalat sa lahat na ako ang asawa niya.



Nagtungo kami sa isang malaking round table. Kumaway si Abby sa akin kaya naman nagmadali akong maglakad papunta duon.



"See? Kung hindi ka mahal niyan, hindi ka ipapakilala sa lahat" bulong niya sa akin pagkaupo ko sa tabi niya. Umupo din si Kenzo sa tabi ko. Ngumuso na lamang ako at nagumpisa na din kumain. Nakakagutom iyon at nakakapagod.



Maraming putahe ang nakalagay sa gitna ng table. May kumausap kay Kenzo pero nagawa pa din niya akong paglagyan ng pagkain sa aking pinggan.



"You want more of these?" tanong niya sa isang putaheng hindi ko naman alam ang pangalan. Inilingan ko na lamang siya.



Tahimik akong kumain katabi si Abby. Naguusap kami paminsan minsan sa tuwing may napupuna. Sakto sa huling subo ko ay tumunog ang aking cellphone.



"Excuse..."



Lumayo ako ng konti at humanap ng lugar na wala masyadong tao. Number lang ang nakaflash sa screen hindi ko alam kung sino ito.



"Hello"



"My damn condo is empty. Where the hell is Seraphine Serrano?"



Halos manlaki ang aking mga mata ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.



"Augustine!" excited na tawag ko sa kanya. Halos gusto kong magtatalon sa tuwa.



Nagmadali akong bumalik sa lamesa para kuhanin ang purse ko. I need to go, i want to go now! Gusto ko ng makita si Augustine.



"Abby, Una na ako" sai ko sabay beso sa kanya. Kita ko ang paglingon ni Kenzo sa akin.



"I need to go" seryosong sabi ko sa kanya. Quits na tayo gago!



"Saan ka pupunta?"



"I need to go. Augustine needs me" seryosong sabi ko malumanay kasing lumanay nung siya ang nagpaalam sa akin.



Laglag ang panga ng gago. Pero wala akong pakialam.



"Seraphine" matigas na tawag niya sa akin pero wala na siyang nagawa ng tuluyan akong umalis.



Halos paliparin ko ang taxi patungo sa condo tower niya. Para akong maiihi kahit nakasakay na ako sa elevator.



"Here you are, darling" maarteng salubong niya sa akin. Natawa ako, kasabay ng pagsabog ng luha ko.



"Miss na miss kita bakla!" umiiyak na sabi ko at kaagad siyang niyakap.



Sa pagyakap kong iyon ay muling bumalik sa akin ang ala ala ng lahat nung mga panahong wala na siya sa aking tabi.



"Hindi ko na po kaya!" umiiyak na sabi ko kay Mommy. Kanina pa humihilab ang tiyan ko, manganganak na ako.



Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay. "Konting tiis na lang anak. Konting tiis na lang..."



Nang dalhin ako sa delivery room ay halos mamilipit ako sa sakit. Punong puno ng pawis ang aking noo pati ang mukha. Sobrang sakit.



"Push!"



Ilang beses akong umire. Halos sumigaw ako sa sakit. Hanggang sa tuluyan kong nailabas ang anak ko. Gustong ko ng pumikit. Pagod ba pagod na ako.



Nakita ko pa ang pagkakagulo ng doctor at mga nurse. "Ang baby ko. Bakit hindi umiyak ang baby ko?" umiiyak na tanong ko sa nurse. Walang sumagot sa akin, naging abala silang lahat. Kinain ako ng antok kahit ayoko.



Paggising ko ay si Mommy ang sumalubong sa akin. Umiiyak.



"Ang baby ko Mommy?" tanong ko sa kanya.



Muli siyang umiyak at napailing iling. Bumigat ang dibdib ko, unti unting napuno ng luha ang aking mga mata.



"Mahina ang bata. Hindi niya kinaya" sabi ni Mommy sa akin pagkatapos ay napahagulgol.






















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro