
Chapter 29
No love
Titig na titig ako sa white dress na binili ni Kenzo para sa akin. Matapos ang matagal na paghahanap ay nakapili din ako. Hindi kami tumigil hangga't hindi ako nakakahanap ng dress na magugustuhan ko. Ayoko man sanang maginarte pa at magsuot na lang ng kung ano ay hindi ko magawa. Kahit civil wedding ito, it is still a freaking wedding!
"Let's go?" tanong ni Kenzo sa akin.
Nagangat ako ng tingin sa kanya. "I-ikaw?" medyo nautal na tanong ko pa. Hayop.
"A simple white button down will do. Meron na ako" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
Lumabas kami ng mall. Hindi ko tuloy alam kung sasama pa ako sa kanya sa sasakyan niya o pwedeng humiwalay na ako para makauwi na.
"Dito na ako, magtataxi na lang ako" paalam ko sa kanya. Pagod na pagod na ang katawan ko. Ni hindi ko na nga siya magawang tarayan dahil wala talaga ako sa mood ngayon.
"Ihahatid kita, bukas ng umaga magpapadala ako ng mga taong pwedeng tumulong sayo na magayos. Lilipat ka sa condo ko pagkatapos ng kasal" sabi nito sa akin. Tangina, bakit nga pala hindi ko naisip iyon. Dahil ikakasal kami ay wala na din akong choice kundi ang tumira kasama siya.
"Hindi ba pwedeng sa condo ko ba lang ako?" tanong ko. Kahit alam kong impossibleng pumayag siya ay nagtanong pa din ako.
Mapanuyang siyang ngumisi sa akin. "Are you really asking me that? Sera. Magasawa na tayo pagkatapos ng kasal bukas. Then gusto mong bumukod sa akin" mapanuyang tanong niya. Naikuyom ko ang kamao ko, bwiset din ang isang ito. Pwede naman siyang sumagot ng maayos. Gago!
Bayolente akong napalunok at nagiwas ng tingin. Nagawa pa niyang humilig sa akin para mas malapitan ako. "Takot ka?" puna niya sa akin kaya naman binalingan ko siya.
"Takot saan?" matapang na tanong ko. Anong takot ang pinagsasabi ng gagong to?
Kita ko ang bayolente niyang paglunok. Dahan dahang bumaba ang tingin niya sa aking labi. Pagkatapos ay mapangakit niyang ibinalik ang titig sa aking mga mata. Tangina, halos maginig ang tuhod ko!
"Ofcourse Sera, we will do it. Kung anong ginagawa ng magasawa, gagawin natin iyon" paos na sabi niya sa akin. Hindi ko magawang lumunok, halos manuyo na ang lalamunan ko.
Inipon ko ang natitira kong lakas para itulak ang dibdib niya. Halos mapaso ako dahil kahit may damit ay ramdam ko pa din ang init ng katawan ni Kenzo. "Shut up!" asik ko sa kanya. Marami pa akong gustong sabihin pero hindi ko na itinuloy. Wala akong tiwala sa sarili ko sa mga oras na ito, baka kung ano pa ang masabi ko.
Muling ngumisi ang gago. "Let's enjoy the benefits of it..." sabi pa niya kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.
"Mukha mo!" asik ko sa pagmumukha niya bago ko siya inirapan. Tanginang mukha yan, gwapo pero gago!
Tahimil akong buong byahe namin patungo sa condo na tinutuluyan ko. Hindi na din naman nagtangka pang magsalita si Kenzo.
"K bye" inis na sambit ko at kaagad na lumabas sa kanyang sasakyan.
Walang lingon lingon akong pumasok. Nang makarating sa elevator ay duon lamang muling bumagsak ang lahat ng luhang kanina ko pa tinatago. Hiyang hiya ako para sa sarili ko, kahit anong tago ko sa takot at hiya ay hindi ko magawa. Ibinenta ko ang sarili ko sa kanya, matapos kong piliin si Augustine kesa sa kanya. Matapos kong ipamukha sa kanyang may gusto kong maikasal sa isang bussinessman kesa sa kanya. Heto ako at nabili niya na, walang kahirap hirap.
Tinawagan ko sila Dad ng makabawi na ako. Tuwang tuwa sila ng ibalita kong nakuha ko na ulit ang ownership ng manufacturing namin.
"Paano nangyari?" tanong niya. Halata ang saya sa kanyang boses, walang mapagsidlan ang tuwa. Kahit sa background ay rinig ko ang tuwa nina Mommy at Ate, maging ang ibang kamaganak namin.
"May tumulong po sa..."
"Hindi na importante, ang mahalaga naibalik na sa atin!" sabi ni Daddy ng putilin niya ang pagpapaliwanag ko.
Tipid akong napangiti. Sabagay, wala ng halaga sa kanila kung paano ko nagawa iyon. Ang mahalaga lang sa kanila ngayon ay nabawi na namin. Pagod kong ibinaba ang tawag, halos hindi ko na din sila makausap ng maayos dahil nagcecelebrate na sila duon. Ni wala man lang akong narinig na thank you.
Imbes na matulog ay kinausap ko na din sina Abby. Gulat na gulat siya ng ibalita ko sa kanya ang magaganap na kasal ko bukas. Halos mapangiwi ako dahil sa sunod sunod niyang tanong at pagbubunganga. Sa huli ay napakiusapan ko siyang manahimik na lang at pumunta sa condo ko bukas para maaga kaming maayusan.
Pinilit kong matulog ng gabing iyon. Kahit ang dami kong iniisip. Kahit ang daming bumabagabag sa akin. May pinagsamahan kami ni Kenzo pero marami ding nangyari sa loob ng walong taon. Hindi ko na siya gaanong kilala kagaya ng pagkakilala ko sa kanya nung nagaaral pa kami.
"Sera! Sure ba talaga!?" pageeskandalo ni Abby pagkarating nila ni Apollo sa aking condo kinaumagahan. Napangisi na lamang ako, pilit na ipinapakita sa kanila na ayos lang ako.
Parating na din ang magaayos sa akin. Si Kenzo din ang nagasikaso nuon. Minsan inisiip ko hindi niya lang ito napagplanuhan ng isang araw. Para kasing handang handa ang gago. Siraulo! Pikot amputa.
"Congrats" bati ni Apollo sa akin. Sinamaan siya ng tingin ni Abby.
"Teka Sera..." pahabol pa din ni Abby sa akin na para bang hindi pa siya titigil sa pagbubunganga. Gulat na gulat ang gaga, gusto kong sabihin sa kanya na ako din!
Dumiretso ako sa may kitchen para kumain. Medyo mahirap kumain ngayon pero pinilit ko pa din ang sarili ko, tanghali ang kasal kaya naman paniguradong magugutom ako mamaya pag hindi ako kumain ng almusal ngayon. Sa sobrang gutom ay baka himatayin pa ako duon.
"Alam kong mahal mo pa si Doc Kenzo, pero ayos ka lang ba talaga? Nagaalala ako sayo..." malungkot na sabi ni Abby sa akin.
Tipid ko siyang nginitian. "Ayos lang ako, kailan ba ako hindi naging ok?" tanong ko sa kanya pero mas lalo lang humaba ang nguso niya.
Nang hindi na mapigilan ni Abby ay naiyak na siya. Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Malugod kong tinanggap iyon. Kailangan ko ng yakap ngayon, kailangan ko ng karamay.
Simple lang ang ginawang make up sa akin. Duon na din nagbihis sina Apollo at Abby. Nasabi na din nito sa akin na nakapagusap na sila ni Kenzo at silang dalawa ang maghahatid sa akin sa may munisipyo kung saan gaganapin ang civil wedding namin.
Habang nagayos ay may dumating ba ding mga taong tumulong sa akin na magayos ng mga gamit. Ni hindi ko pa nga ito nasasabi kay Augustine, uuwi pa nama iyon.
"Bakit sa condo? Ang laki laki ng bahay ni Doc Kenzo ah" tanong ni Abby sa akin.
Napaawang ang bibig ko. "Malay ko, baka ayaw niya akong patirahin sa bahay niya" kaswal na sagot ko. Nagiwas kaagad ako ng tingin. Wala namang kaso sa akin iyon, kung tutuusin nga ay ayoko sanang tumira kasama siya pero wala naman akong magagawa. Magiging magasawa na kami.
"Ang laki laki ng bahay niya. Isang subdivision lang sila sa mansyon ng mga Herrer, tapos yung kapatid niyang si Tadeo at yung asawa nuon, si Piero at yung asawa nuon. Halos magkakalapit lang ang bahay nila..." kwento pa ni abby sa akin.
Nagkunwari akong busy sa pagtingin sa repleksyon ko sa may salamin. "Eh yung Cairo?" tanong ko.
Nagkibit balikat si Abby. "Available pa sa market, pero yung tadeo at piero may pamilya na" sagot niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
Sabi ni Kenzo mga kapatid niya ang makakasama niya. Ibig sabihin makikita ko ulit sila. Nang matapos na kami ay bumyahe na din kami patungo sa munisipyo. Nanatili ang mga mata ko sa labas, nasa front seat si Abby habang si apollo ang nagmamaneho. Pansin ko ang pagsulyap nito sa akin mula sa may rear view mirror.
"Hindi ako iiyak, Abby. Wag kang magalala" sabi ko sa kanya sabay iwas ng tingin.
Dumoble ang bigat ng dibdib ko habang papasok kami sa mayors office. Para akong naubusan ng dugo sa mukha ng makita ko ang lahat ng bisita namin. Si Abby at Apollo lang ang dala ko. Ang mga nanduon ay kakilala ni Kenzo. Nagulat din ako ng makita ko duon si Andrew, kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko nasilayan si Fidez. Buti naman at hindi niya inimbita ang isang iyon.
Nakaputing button down shirt ito. Hubog na hubog ang kanyang magandang katawan. Nakatuck in ito sa kulay itim na slacks. Kahit ganuon lang ang suot niya ay hindi mapagkakailang sobrang attractive ng gago. Bayolente akong napalunok ng makita ko ang pagbaling niya sa akin, nanatili ang tigas ng kanyang mukha. Sandali niya akong pinasadahan ng tingin bago siya tuluyang lumapit sa akin.
"Tara na" seryosong sabi niya sa akin. Wala akong imik ng hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa mayors office. Nginitian ako nung mga kapatid niya ng dumako ang tingin nila sa akin. Gustuhin ko mang ngumiti pabalik ay hindi ko na nagawa dahil sa bigat ng aking nararamdaman.
Sumunod din sila papasok sa amin. Nang magkatabi kaming nakatayo ni Kenzo sa harap ni Mayor. Nang magsimula na siyang magsalita ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tahimik akong umiyak habang nagsasalita ito sa gitna. Ramdam na ramdam ko ang tingin ni Kenzo sa akin. Pero wala akong pakialam! Iiyak ako.
Nagbalik sa akin ang lahat ng alaala. Sa kung paano kami nangako sa isa't isa na magpapakasal kaming dalawa. Hanggang sa kung paano ko siya iniwan at sinaktan. Kung paano ako nabuhay ng ilang taong hindi ko siya kasama. Yung mga pinagdaanan ko, yung mga isinakripisyo ko. At heto ako ngayon, heto kaming dalawa ngayon. Magiisang dibdib, dahil lamang sa pagbili niya ng manufacturing company namin.
Hinarap ko siya ng sabihin ni Mayor na magpapalitan na kami ng singsing. Hindi na ako nahiyang ipakita sa kanya yung luha ko sa mukha. Naiiyak talaga ako, tangina. Kita ko ang pagkakatiimbagang ni Kenzo. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.
Mas lalong bumuhos ang luha ko ng dahan dahan niyang isuot ang singsing sa kamay mo. Nanginginig naman ang kamay ko ng sinubukan kong isuot ang sa kanya.
"Sera..." tawag niya sa akin. Pansin niyang nahihirapan akong isuot anh singsing sa kanyang daliri dahil sa panginginig ng aking kamay.
Kinagat ko ang aking pangibabang labi. Sandali kong pinatahan ang aking sarili para makapagfocus ako sa pagsusuot ng singsing sa kanyang daliri.
Muli kaming humarap kay mayor para sa ilang pang speech niya. Marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Tangina, buti hindi ako nagpalagay ng mascara kung hindi naging katatawanan ako ngayon.
"You may kiss the bride" anunsyo nito.
Nakayuko akong humarap kay Kenzo. Hinarap din niya ako. Kahit kinalabahan ay nagawa ko pang tumingala sa kanya. Napapikit na lamang ako ng sandali niyang inangkin ang aking labi. Hindi din iyon nagtagal, halos mabitin pa nga sa ere ang pagkakapikit at pagkakatingala ko sa kanya. Nagising na lamang ako sa katotohanan ng marinig ko ang palakpakan mula sa mga bisita namin.
Hinawakan ni kenzo ang aking kamay. Sinalubong kami ng ilan sa mga kaibigan niya para batiin. Nakita kong nagpapahid ng luha si Abby. Tipid ko siyang nginitian, habang pinapatahan siya ni Apollo.
"Congrats" bati ng mga kaptid nito. Nakangiti sa akin si Tadeo, tipid namang ngumiti si Piero sa akin.
"Welcome to the family, Sera" pagtanggap nila sa akin. Maging si Cairo ay ngumiti din sa akin.
Lumapit sa akin si Castellana at Amaryllis. Parehong nakangiti sa akin, niyakap nila akong dalawa. "Welcome to the family" malambing na sabi ni Castellana sa akin, sa pagkakaalam ko siya ang asawa ni Tadeo at si Amaryllis naman ang kay Piero. Pareho silang mukhang mahinhin. Parehong maganda.
"Saan tayo Kenzo?" tanong ni Piero.
"Nagpabook ako sa isang restaurant. Magkita kita na lang tayo duon" seryosong sagot ni Kenzo sa kanila. Hindi pa din niya binibitawan ang aking kamay.
Ganuon din ang sinabi niya kina Apollo at Abby. Nang isa isang umalis ang mga bisita namin para magtungo sa reception ay naiwan ako sa kanya. Lumapit kami sa isang ford mustang ba kulay magnetic metallic. Nagawa pa niya akong pagbuksan ng pintuan. Halos mauntog ako sa kanyang dibdib ng lingonin ko siya, nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Bakit?" matigas na tanong niya sa akin. Napailing na lamang ako. Nang makapasok na ako sa sasakyan niya ay mabilis din siyang umikot patungo sa drivers seat.
Bumagsak ang mga mata ko sa singsing na suot ko ngayon. Hindi ko din naiwasang tingnan ang singing sa kamay ni Kenzo. Hindi ba siya nagsisisi? Siguro ba talaga siyang nagpatali siya sa akin? Successful na siya. Kayang kaya niyang makuha anh kahit sinong babaeng magugustuhan niya.
Tumahimik na lamang ako. Hanggang sa makarating kami sa isang fine dinning restaurant. Halatang mamahalin duon, hindi na ako nagulat ng kami at ang mga bisita lang ang tao duon. He reserved the whole restaurant para lamang dito.
Nakahinga ako ng maluwag ng bitawan ni Kenzo ang aking kamay. Nagkaroon ako ng pagkakataon na lapitan sina Abby at si Apollo.
"Iyak din ako ng iyak hababg umiiyak ka" emosyonal na sabi niya sa akin. Tipid ko siyang nginitian at niyakap. Dahil sa presencya nilang dalawa, kahit papaano ay hindi ako nagiisa. Lalo na't halos lahat ng bisita ay galing kay Kenzo. Alam na kung sino ang tunay na may pakana ng lahat ng ito.
Nang magsimula ang kainan ay muli akong lumapit sa kanya. Nakakahiya naman kung mapansin ng mga bisita niyang hindi kami on good terms. Hindi ko din alam kung sino sino sa kanila ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng pagpapakasal namin. Nasisisgurado kong hindi alam iyon ng mga kapatid niya lalo na sa pakikitungo nila sa akin.
"Sana palagi ka ding bumisita sa mansyon, para naman maging close tayong tatlo" nakangiting sabi sa akin ni Amaryllis. Pansin ko ngang close na sila ni Castellana.
Tipid lamang akong tumango sa kanila at ngumiti. Paano naman ako makakapunta sa mansyon gayong ayaw nga akong iuwi ni Kenzo sa bahay niya. Ni hindi nga din ata ito alam ng parents niya.
Iginala ko ang mata ko sa buong table namin. Seryosong naguusap ang apat na magkakapatid. Mabuti na lamang at kahit quadruplets sila ay mahahalata mo kaagad ang pagkakaiba nila. Iba iba sila ng aura pero masyadong malalakas. Yun bang maglalakad pa lang sila sa harapan mo ay ang lakas na ng dating sayo.
"Bakit hindi mo sinama Cairo?" rinig kong pangaasar ni Tade sa kanyang kapatid.
Ibinagsak ko na lamang ang tingin ko sa aking pagkain. "Pag may free time ka, sama ka sa amin ni Amaryllis. Pasyal...girls talk" malambing na sabi ni Castellana sa akin. Kagaya ni Amaryllis ay malambing din ang boses niya. Parang hindi makabasag pinggan. Nagmumura kaya ang mga ito?
"Sure..." tanging nasabi ko na lamang sa kanila.
Kahit pa parepareho na kami ng apelyido ngayon. Nasisigurado kong ibang iba sina Castellana at Amaryllis. Pinakasalan sila nina Tadeo at Piero dahil mahal sila nito. Ako? Hindi naman ako mahal ni Kenzo. He marry me for bussiness and for convinience.
Nang matapos kainan ay nagpaalam na din ang ibang bisita ni Kenzo. Halatang professional ang ulan sa mga ito kaya naman hindi pwedeng magtagal. Ipinagpatuloy ng magkakapatid ang inuman nila sa condo ni Kenzo. Kasama pa din sina Andrews tsaka sina Abby at Apollo. Pasalamat ako sa kanila at hindi pa din nila ako iniwan.
"Magiinom kami" sabi niya sa akin habang papasok kami sa condominium niya. Hindi na ito yung condo niya nung college mas malaki na ang ngayon.
Tipid lang akong tumango. "Ikaw ang bahala..." wala akong pakialam!
Pagkapasok duon ay para din akong bisita. Ngayon lang din naman ako nakapunta duon. Malaki ang condo unit niya at may pangawalang palapag. Sobrang ganda.
"Yung unang pinto sa taas ang kwarto natin. Nanduon na din ang mga gamit mo. Tutulungan kita mamayang maglagay ng gamit sa cabinet" sabi niya sa akin. Napatingala tuloy ako sa second floor. Tumango na lamang ako sa kanya.
Dumiretso ang mga lalaki sa may veranda. Nakita ko pang pinapagalitan ni Castellana ang asawa, hindi ko naiwasang mapangiti. Mukhang under ang mga Herrer na ito.
"Tara, duon tayo sa may sala" yaya ni Abby sa akin na iniwanan na din ni Apollo para magtungo sa may veranda. Nakita kong may pagkain din sa dinning. Mukhang pinaghandaan din ang paguwi namin dito kasama ang mga kapatid niya.
Ngumiti si Amaryllis sa akin. May hawak siyang isang baso ng iced tea. "Ang ganda ng condo niyo" puri niya sa akin. Nginitian ko siya sabay tingin din sa buong condo. Hindi naman ito akin, kay kenzo lang ito.
Kahit papaano ay naaliw kami ni Abby sa kwento nung dalawa. Mabait nga talaga sila, at mukhang close na close na. "Si Amaryllis kababalik lang din, ilang taon silang nagkahiwalay ni Piero at may isang baby na sila" kwento ni Castellana.
Napatango na lamang ako. Hindi halata sa kanilang dalawa na may anak na sila. "Sabi din ni Tadeo, college sweetheart daw kay ni Kenzo. Kaya naman ang saya at nagkabalikan ulit kayo" dugtong pa niya. Sa kanilang dalawa ni Amaryllis ay siya ang palasalita.
Unang nagpaalam sina Abby at Apollo. Kaya naman ng umalis si Abby ay pumanik na ako sa magiging kwarto namin ni Kenzo. Malaki ang kwarto niya, sobrang linis din. Nasa gilid ng kanyang kama ang mga maleta at ibang gamit ko. Kumuha lang ako ng pantulog na damit at tsaka pumasok sa may banyo.
Pagod akong humiga sa kanyang kama. Nanatili ang titig ko sa may bintana. Patuloy pa din ang inuman nila sa baba, gustuhin ko mang makisali sa kanila dahil nanduon na sina Castellana at Amaryllis ay hindi ko nagawa. Mas gusto ko na lamang na mapagisa at magpahinga.
Dahil sa aking pagiisip ay hindi ko na namalayang tuluyan na pala akong nakatulog. Naging mahimbing iyon kaya naman hindi ko na alam kung anong oras natapos ang inuman nila kagabi. Dahan dahan akong napadilat ng maramdaman ko ang mabigat na bagay sa aking bandang puson.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita kong nakayakap si Kenzo sa akin. Ang kanyang mukha ay halos sumiksik na sa aking leeg. Tangina neto, libre tsansing!
Ramdam na ramdam ko anh himbing nagpagkakatulog niya. Ilang beses kong sinubukang tanggalin ang pagkakayakap ng braso niya sa akin pero hindi ko nagawa. Hanggang sa gumalaw siya ay gumising.
"Gusto ko ng tumayo" sabi ko sa kanya. Halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Yung kamay mo..." giit ko sa kanya. Nang hindi ko kinaya ang titig niya ay nagiwas ako ng tingin.
"You are my wife now, Sera" seryosong sabi niya. Nanatili ang tingin ko sa kung saan. Ayoko siyang tingnan.
"What? Gusto mo akong isex?" mataray na tanong ko sa kanya. Ginawa ko iyon kahit kabang kaba ako.
Kita ko ang iritasyon sa mukha ni Kenzo. "It's love making..." madiing pagpapaintindi niya sa akin.
Tumigas ang mukha ko. Hindi ako pwedeng maging mahina dito. "There is no love between us, Kenzo. What you just want is a pure sex..." pangaral ko sa kanya.
Nagtiim bagang siya. Hanggang sa mapatameme ako ng tanggalin niya ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Walang imik din siyang tumayo. Mukhang galit.
"Then be it. Sex" madiing sambit niya.
Napairap ako sa kawalan. Naghanda na din ako para makatayo. "Maghintay ka kung kailan kita kakailanganin" sabi niya na ikinagulat ako.
Hindi kaagad ako nakapagreact. "I'm not in the mood to fuck you now" matigas ba sabi niya bago niyo ako iniwang magisa duon.
Tanginang bunganga yan! Ang sakit nun ah! Hayop!
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro