Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Proposal









Unti unti akong namamatay sa bawat araw na lumilipas. Pilitin ko mang ibalik ang sarili ko sa dati ay hindi ko na magawa. Kenzo is part of my life, he is a big part of it. Hindi magiging madaling salubungin ang bawat araw na hindi ko siya kasama, kahit ramdam ko ang kawalan niya. Hindi ko pa din magawang kumbinsihin ang sarili ko na wala na. Nawala ko siya.


"Congrats, Sera. Isa ka sa highest!" nakangiting sabi sa akin ni Abby ng iabot niya sa akin ang quiz paper ko. Nagulat pa ako nung una, tipid ko lamang siyang nginitian.


Napatingin ako sa mga kaklase ko na masama ang tingin sa akin. Isa sa kanila ang nagdistribute ng papers. Ilang beses ko na din naranasan na walang paper na dumating sa akin. Nalaman ko na lang na sinadya iyon ng mga kaklase ko dahil galit sila sa akin. Mabuti na lamang at nandyan si Apollo at Abby.


"Mga siraulo talaga ang mga kaklase natin" nakabusangot na sabi ni Abby. Hindi ko na lamang pinansin. Wala na din naman akong oras sa galit nila sa akin.

Kumalat sa college of medicine at college of pharmacy ang nangyari. Hindi ko alam kung paano naging possible iyon, pero sinisisi ako ng mga kapwa ko pharma dahil daw nagiba ang tingin ng mga med student sa mga pharma at ako ang may kasalanan nuon. Top student si Kenzo nung pharma days niya at ganuon din siya sa medicine.


"Wala kasi silang alam..." galit pang sambit ni Abby habang naglalakad kami sa hallway pababa ng PJP building.

Nasa akin ang lahat ng sisi. Ako ang naging masama sa paningin ng lahat. Ako ang nagloko, ako ang nakipaghiwalay, wala pang isang linggo ay may kahalikan na akong ibang lalaki. Tinanggap ko ang lahat ng iyon. Wala silang narinig mula sa akin, ni hindi ko nga pinagtanggol ang aking sarili.


Maybe, I deserve it. Iyon na lang ang maibibigay ko kay Kenzo...tutal ay wala naman talaga siyang kasalanan. Ako ang may gawa ng lahat ng ito.


"Gusto mo calamares?" tanong ni Abby sa akin ng lumabas kami ng school para bumili ng mirienda. Tinanguan ko na lamang siya, gutom na din ako dahil hindi naman talaga ako mahilig kumain ng breakfast. Si Kenzo lang ang matyagang naghahatid ng pagkain sa akin tuwing umaga. At hindi na ganuon ngayon.


Maraming tao sa labas ng second gate. Nanatili akong tahimik na nakasunod kina Abby at Apollo. "Ikaw na ang bumili ng mais ko" rinig kong utos ni Abby dito. Napangisi ako ng marinig ko nanaman ang pagbabangayan ng dalawa.


"Ikaw, Sera?" tanong ni Apollo sa akin. Tipid lamang akong umiling sa kanya kaya naman tumango siya at kaagad na humiwalay sa amin.


Kumapit si Abby sa aking braso. "Sagutin mo na kasi si Apollo" pagtutulak ko sa kanya. Mas lalong humaba ang kanyang nguso.


"Hindi naman siya nanliligaw" sabi niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Halata namang may gusto si Apollo dito, nung summer class pa lang nararamdaman at nakikita ko na.


Pumila kami sa nagtitinda ng siomai at calamares. Palaging madaming estudyante dito. Lalo na ang mga med student.


"Magkano sayo?" tanong ni Abby sa akin. Napanguso ako ng maramdaman ko na ang balak niya. Siguradong sisingit ito sa pila.


"20 pesos" sabi ko saba abot ng bayad. Naiwan akong magisa sa pwesto ko. Napayuko na lamang ako at itinuon ang atensyon ko sa hawak kong handouts.


Mas lalong dumami ang estudyante. Iba't ibang course na ang kasama ko sa pila ngayon. Hanggang sa may bayolenteng sumagi sa aking balikat. Galit ko iyong nilingon at nagulat ako ng sumalubong sa akin ang nakangising si Mandee.


Sa kanyang likuran ay si Fidez na matalim ang tingin sa akin. Bayolente na lamang akong napalunok at nagiwas ng tingin. Ayoko ng makipagaway sa kanila.

"Panira ng araw" nakangising sabi nung Mandee tsaka sila nagtawanan ni Fidez. Hinayaan ko na lamang.

Halos sumakit ang batok ko kakayuko, kung may iyuyuko pa yung ulo ko isasagad ko na eh.

"Kenzo! Ikaw?" rinig kong sigaw ng papalapit na si Andrew. Hindi ko na naiwasang magangat ng tingin.

Napaawang ang labi ko ng muli ko siyang makita. Parang akong nabato sa aking kinatatayuan, ramdam ko din ang paginit ng gilid ng aking mga mata. I miss him so much! Pigip na pigil ko lang ang sarili ko na wag siyang lapitan, gustong gusto ko siyang yakapin. I'm longing for him.


"Kung ano ang sayo. Ganuon din" seryosong sabi niya kay Andrew. Ni hindi man lang siya lumingon sa aking gawi, nanatili ang seryoso niyang mukha at diretso ang tingin sa harap.

Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Bumalik na ang dating Kenzo. Kung paano siya bago pa kami nagkakilala. Yung Kenzo na palaging mukhang seryoso, yung tahimik na nagbabasa ng handouts habang napapagitnaan ng maiingay niyang kaibigan.


Nagulat ako ng bigla siyang bumaling sa akin. Blanko ang kanyang ekspresyon ng tingnan ako, nagiwas din kaagad siya ng tingin sa akin na para bang wala lang ako. Dahil iyon naman na talaga ako ngayon, wala lang.


"Makapal talaga ang mukha eh, malandi" pagpaparinig pa nung dalawa. Pumasok at lumabas iyon sa magkabilang tenga ko. Hanggang sa muli kong maramdaman ang pagsanggi ni Mandee sa aking balikat.


Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakataas ang isang kilay niya habang nakahalukipkip. Kung tingnan niya ako ay parang kay taas taas niya at mababa ako.


"Wala akong kasalanan sayo, wag kang makisali sa away namin" matapang na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang paglaglag ng panga niya. Ayan! Tangina ka ha.

Nagtiim bagang siya pero mas lalo lamang tumalim ang tingin ko sa kanya. Ramdam ko na din ang paginit ni Fideliez sa kanyang gilid, mukhang handa din kung sakaling saktan ko ang kanyang kaibigan.


"You're a whore" matigas na sabi niya sa akin kaya naman naikuyom ko ang aking kamao. Ang sarap sampalin ng babaeng ito, bwiset.


Naputol ang talim ng tinginan namin ng pumagitna si Andrew. "Mandee, let's go" seryosong yaya sa kanya nito. Hindi nakinig ang walanghiyang mandee.


"Mands, tara na. Stop that" matigas na sabi ni Kenzo. Halos magsitayuan ang balahibo sa aking katawan ng marinig ko ang kanyang boses, matigas at malamig.

Ngumisi sa akin si Mandee na para bang nanalo siya. "Sure, Kenzo" malambing na sabi niya dito.

Hindi ko na nagawa pang panuorin ang pagalis nila. Nagiwas na lang kaagad ako ng tingin. Parang pinipiga ang puso ko, tangina ang sakit! Akin dati yun eh! Akin dati.


"Sera..." nagaalalang tawag ni Abby sa akin ng bumalik kami sa classroom. Hindi ko napigilang umiyak. Dumukdok ako sa armrest ng aking upuan at tahimik na umiyak duon.

"Kumain ka muna, wala ka pang kain eh" sita pa niya sa akin. Umiling ako habang nakayuko, wala akong ganang kumain. Ayoko ng kumain.


Ganuon ang mga naging araw ko sa school. Pagkatapos ng klase ay umuuwi ako kaagad sa dorm. Halos wala din akong kain minsan. Tsaka lang sa tuwing magkakasama kaming tatlo nila Abby at Apollo.

"Kuhanin mo na ang mga papers mo sa school. Sa Guam ka na magpapatuloy ng pagaaral mo. Naghanap na din ang tita mo ng pharmacy school duon" sabi ni Daddy sa akin. Sabado iyon at umuwi ako sa bulacan para makibalita sa magiging plano nila.

Tumango na lamang ako at muling itinuon ang atensyon ko sa pagkain sa aking harapan. Nakakarecover na din si Mommy sa kanyang pagkakabaril, mabuti na lamang at hindi siya napuruhan. Hindi ko din alam ang gagawin ko kung sakaling may hindi magandang nangyari sa kanya.


"Sa guam na din kayo magpapakasal ni Augustine. Magpaalam ka na sa mga kaibigan mo"

Parang bigla akong nahirapan sa paghinga. Mas dumoble ang bigat ng aking dibdib. Hindi lang si Kenzo ang iiwan ko, ang buhay ko, ang school, sina abby at apollo. Parang kalahati ng pagkatao ko ang kailangan kong bitawan dahil sa pagalis namin.


"Okay po, Daddy" magalang na sabi ko sa kanya.

Naging mabilis ang 1st semester. Sa isang iglap ay mayroon na lamang kaming dalawang linggo sa school bago ang finals exam week. Halos hindi pa din ako nakakuha ng tiempo para sabihin kina Abby at Apollo ang pagalis ko.


"Ayoko talaga ng finals sa quality control, hindi ko keri" reklamo ni Abby.

"Tutulungan kita, kayo ni Sera" mabilis na singit ni Apollo. Nawala ang pagaalala ko na maiiwan si Abby na magisa dito, she have Apollo anyway.


Imbes na sumama sa kanila sa library ng araw na iyon ay humiwalay ako. Sa malayong parte ng quadrangle ay tahimik kong tinanaw si Kenzo. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan, nakaupo sila sa may bench at may kanya kanyang hawak ng handouts.

"Tangina Squad" nakangising sambit ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. May magandang kapalit din naman ang pagiwan ko sa kanya. Ngayon, masasabi kong nakakabalik na siya sa dati. Nakakatawa at mas nakakapagfocus sa pagaaral at sarili niya.

Marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ang mahalaga, masaya na si Kenzo ngayon. Kahit hindi niya ako kasama, nagawa niyang maging masaya kahit wala ako. Sana makayanan ko ding maging masaya kahit wala na siya. Sana...

Iyak ng iyak si Abby matapos ang last day ng final exam namin. Nuon ko lang sinabi sa kanila ni Apollo na hindi ako makakasabay sa kanila na magenrol para sa 2nd and last semester namin dahil hindi na ako duon magaaral.


Natatawa ako habang pinapakinggan ang kanyang paghagulgol habang nakayakap sa akin. Nakaupo kami sa isang bench sa tapat ng registrar office. Si Apollo ay tahimik na nakatingin sa amin.

"Paano na ako, alam mo naman na tayong dalawa lang eh" umiiyak na tanong niya sa akin. Hindi ko naiwasang mapaluha. Simula first year, kami na ni Abby ang magkasamang dalawa. Kahit kaming dalawa lang, buhay na buhay kami.


Marahan kong hinagod ang kanyang likuran. "Andyan naman si Apollo. Basta dapat pagbalik ko kayo na. O kaya naman ay pabalikin mo ako dito para sa kasal niyo. Padalhan mo ako ng invitation" biro ko sa kanya pero mas lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.


Halos pagtinginan kami ng ibang estudyante dahil sa ayos namin. Nakuha ko na din ang mga paper sa school na kakailanganin ko. Maging ang grades, itong final grade na lang ang babalikan ko.

"Wag ka na umalis, Sera!" giit ni Abby. Medyo lumakas ang boses niya kaya naman muli akong natawa.


Dahan dahang nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko si Kenzo. Naglalakad siya palapit sa amin, nanatili ang titig niya sa amin ni Abby na para bang nahihiwagaan siya sa nangyayari. Bayolente akong napalunok. Walang kaemoemosyon ang tingin niya sa akin but i would die to be in there again.


Nilagpasan niya lamang kami. Nanlamig ang aking sikmura, nang bumitaw si Abby sa akin ay kaagad akong tumayo para sundan siya. Tangina Sera! Anong ginagawa mo?


"Kenzo" tawag ko sa kanya ng maabutan ko siya sa may hallway ng pjp first floor.

Umurong ang dila ko ng lingonin niya ako. Titig na titig siya sa akin, para akong malulunod sa iginagawad niyang tingin.

"May kailangan ka?" matigas na tanong niya sa akin.


Bayolente akong napalunok para tanggalin ang kung ano mang bumara sa aking lalamunan. Gusto kong magsalita pero walang kahit anong gustong lumabas sa aking bibig, umurong ang lahat.

"May sasabihin ka ba? Miss Serrano?" walang kaemoemosyong tanong niya sa akin.

Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng maramdaman ko ang unti unting pagtulo ng aking mga luha. "Gusto ko lang sanang..." napasinghap ako, lalo na ng maramdaman ko kung paano manlambot ang aking tuhod.

"Gusto ko lang sana sabihing...Mahal na mahal kita, nuon hanggang ngayon. Pero hindi sapat iyon para ipagpatuloy ang relasyon natin" umiiyak na sabi ko.


Kita ko ang pagtiim bagang niya. "Sabagay, hindi ka nga pala marunong makuntento di ba?" mapanuyang sabi niya sa akin na parang isang punyal na bumaon sa dibdib ko.

Marahas na nagtaas baba ang kanyang adams apple. "Isang beses lang akong nawalan ng oras sayo. Kasi nasa hospital ang daddy ko. Kailangan ako ng pamilya namin at ng companya namin...isang beses lang iyon" punong puno ng pait ang kanyang boses. Halos hindi ko din magawang lunukin iyon.


Tuluyan akong napahagulgol ng talikuran niya ako at mabilis akong iniwang magisa duon sa hallway. I'll gonna miss him so damn much. Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ng iba bukod sa kanya.



Patuloy ang pagiyak ko, marahas kong pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Tanginang Kenzo iyon! Porket may kailangan kami sa kanya ay ganito niya ako kung ituring! Tangina niya, marami daw siyang meeting. Ni hindi nga siya lumabas sa clinic niya! Ni wala ngang pumasok na ibang tao duon.


"May meeting ba talaga si Doc Kenzo? Kanina pa eh..." reklamo ko sa kanyang secretary.

Napanguso ito kaya naman kumunot ang noo ko. "Naku, baka nababad nanaman si Doc sa panunuod ng korean novela. Mahilig kasi si Kianna sa kdrama" kinikilig na kwento niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao. Bwiset!

Sinamaan ko ng tingin ang pintuan ng kanyang clinic. Tangina talaga eh!

Pagkalabas ng hospital ay kaagad akong pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa condominuim na tinutuluyan ko. Magisa akong umuwi sa pilipinas after ng halos walong taon na pamamalagi namin duon. Naiwan sina Ate, Mommy at Daddy sa guam. Susunod lamang sila dito sa oras na maayos ko na ang problema sa aming manufacturing.


Pagod akong pumasok sa condominium. Si Augustine ang nagmamay ari nuon, ipinahiram niya sa akin ng malaman niyang uuwi ako ng pilipinas. Problema ang iniwan ko dito sa pilipinas nuon, problema din ang sumalubong sa akin. Tanginang problema! Hindi na natapos!


Dahil sa pagod ay maaga akong nakatulog ng gabing iyon. Tanghali na ako ng magising, halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang sandamakmak na message at missed calls. Napabuntong hininga na lamang ako. The hell.

Matapos kong maligo at magbihid ay uminom lamang ako ng kape bago ako lumabas patungo sa isang lunch date. May importanteng tao ang kikitain ko ngayon.


"Sera!" emosyonal na tawag sa akin ni Abby. Kaagad akong napangiti at tinanggap ang kanyang yakap sa akin. Miss na miss ko na din siya. Simula ng umalis kami patungo sa guam ay sa videochat at messages na lang kami nakakapagusap.


"Mas lalo kang gumanda! Anong meron sa guam ha?" pangaasar pa niya sa akin pero pana pa din ang pagtulo ng kanyang luha.


"Naku, hayop ka. May kikitain pa akong client mamaya, sinira mo ang make up ko!" asik ko sa kanya kaya naman para kaming baliw na dalawa at nagtawanan matapos ang pagiging emosyonal.


Isa rin sa rason kung bakit ako nakauwi ng pilipinas ay dahil sa kasal nila ni Apollo. Sinasabi ko na nga ba, silang dalawa din ang magkakatuluyan sa huli. "Buti talaga nakauwi ka. Sana wag ka ng umalis dito ka na lang. Magbussiness tayo..." yaya sa akin ni Abby.

Tipid ko siyang nginitian. Kung hindi lang nagkaproblema sa manufacturing ay baka hindi nga ako dapat nandito ngayon. Halos hindi maubos ang kwento ni Abby sa akin sa mga nangyari dito sa pilipinas sa nagdaang taon. Ang huling uwi ko ay nung nagtake kami ng board exam. Ilang araw lang iyon at bumalik din kaagad ako sa Guam. Duon ko na nalaman na nakapasa ako. Ganuon din sina Abby at Apollo, parepareho na kaming registered pharmacist.


"Kamusta nga pala si Augustine?" tanonf niya sa akin. Napanguso ako.

"Ayun, travel kung saan saan. Nagpapalamig pa iyon" kwento ko sa kanya.

Napairap si Abby kaya naman tinawanan ko siya. "Ilang taong nagpapalamig ah. Baka may nililimliman na yan" sabi niya pa na ikinatawa din naman naming pareho nung huli.


"Gaga ka, baka may makarinig sayo...sabunutan tayong dalawa nun" nakangising suway ko sa kanya.


Hindi nakasama si Apollo ngayon, matapos makapasa ng Pharma ay nag medicine din ito kaya naman medyo busy din ang sched.


"So anong feeling na nagkita kayo ulit ni Kenzo, after 8 long years" pagdidiin pa niya.


Napairap ako, bumaba ang tingin ko sa aking plato. "Edi iyon, tangina niya. Pinaghintay niya ako sa labas ng clinic niya. Nanunuod lang pala ng korean novela ang hayop" nanggagalaiting kwento ko kay Abby.


Napatawa siya kaya naman itinaas ko ang middle finger ko sa harapan niya. "Bakit naman manunuod ng kdrama si Doc Kenzo? Ang busy busy nun, ang big time pa. May sarili ng hospital!" pagbibida ni Abby.


Humaba ang nguso ako. Edi siya na, siya na ang successful. Gago pa din siya, hindi niya dapat ako pinaghintay sa labas ng clinic niyang hayop siya.


"Sabi nung secretary. Para daw kay Kianna. Ewan ko kung sino yun, baka asawa o girlfriend" tamad ba sabi ko kay Abby. Tinaasan ko siya ng kilay ng makita ko ang kakaibang tingin niya sa akin na para bang pinapanuod ang reaksyon ko.


"Oh anong tinitingin tingin mo diyan?" masungit na tanong ko sa kanya.

Nagngiting aso ang gaga. "Walang asawa o girlfriend si Doc Kenzo" nakangising sabi niya. Napairap ulit ako, wala akong pakialam!

"Sus, di mo sure. Yung mga ganun, malalandi iyon. Maraming bahong itinatago" mapait na sabi ko, ewan ko ba kung bakit tunog bitter amputa!


Nagkibit balikat si Abby. "Siguro nga girlfriend, pinoprotektahan niya yung Kianna. Ang dami naman kasing nagkakagusto kay Doc" sabi pa nito na hindi ko na lamang pinansin.


Hakos padilim na ng maghiwalay kami ni Abby. Pumunta pa kami sa mall at nagikot ikot. Kahit papaano ay nakapagunwind ako, ilang oras kong nakalimutan ang problema.


"Hello po, Dad?"


Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng pumasok ako sa condo ay tumunog na kaagad ang cellphone ko dahil sa kanyang tawag. Pagod akong naupo sa paanan ng aking kama. Bumaba ang tingin ko sa namumula kong paa, panay kasi ang lakad namin ni Abby kanina sa mall.


"Wag na wag mong hahayaan na may ibang makabili ng Manufacturing natin. Minana ko pa iyon sa lolo ko"


Mariin akong napapikit. "Yes po Dad. Gagawan ko po ng paraan. Pakikiusapan ko po si Mr. Alvarado. Tatawagan ko din po si Augustine" paninigurado ko sa kanya.


Imbes na maagang makapagpahinga ng gabing iyon ay gumawa pa ako ng mga slides at bagong portfolio. Ilang beses akong humikab, hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kakapasok lang na Email. Really? In 12 midnight?

"Fuck" mura ko ng makita kong kay Kenzo galing ang email na iyon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o muling magpapakain sa kaba.


Inimbitahan niya akong magpresent ulit ng portfolio sa kanya bukas ng umaga. Nakunsensya siguro ang gago sa ginawa niya sa akin kahapon. Dahil duon ay mas lalo akong ginanahan na pagandahin ang portfolio at slides ko.


Alas diyes ang meeting time. Wala pang alas diyes kinaumagahan ay nasa hospital na ako. Bayolente akong napalunok, kaya mo yan Sera!.


"Ms. Serrano, 10 pa po ang schedule niyo with Doc Kenzo" sabi ng secretary niya sa akin na kaagad kong tinanguan.


"Yes, inagahan ko lang talaga"


Umupo na muna ako sa may waiting area sa labas ng clinic niya. Ito ang may pinakamalaki at pinakabonggang waiting area sa labas ng clinic ng doctor. Anyway, he is the owner of the whole freaking hospital. Lahat ng ito ay sa kanya, ang inuupuan ko at sahig na tinatayuan ko.


Busy ako sa pagrereview ng slides ko ng magangat ako ng tingin sa kanya. Halos manuyo ang bibig ko dahil sa kanyang itsura. Nakasuot siya ng white coat, ang kanyang stethoscope ay nakasabit sa kanyang leeg. Ngiting ngiti siya habang may kausap sa cellphone. Ni hindi man lang niya napansin ang presencya ko. The he you care, Sera!


"Yes baby, I love you. See you later" malambing na sabi niya sa kausap sa kabilang linya.


Napaayos ako ng upo ng maramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng aking dibdib. Ganuon talaga Sera, hindi biro ang walong taon, wala kang pinanghahawakan sa kanya at ganuon din siya sayo. Normal lang na may asawa o girlfriend na siya ngayon.


Matapos ibaba ay tawag ay didiretso na sana siya papasok sa kanyang clinic ng pigilan siya ng kanyang secretary. Pareho silang napatingin sa akin kaya namab nagiwas ako ng tingin. Shit!


Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kanyang clinic.

"Ms. Serrano, pwede na daw po kayong pumasok"

Halos manginig ang kamay ko habang inaayos ko ang aking gamit. Malamig naman pero pinagpapawisan ako. Pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang secretary, nang makapasok sa loob ay nakita ko siyang naghuhubad ng white coat. Nang maiwan ang kulay puting button down niya ay mas lalong nadepina ang ganda ng kanyang katawan.


"Take a sit. Miss Serrano"


Halos manginig ang tuhod ko kahit iyon lang ang sinabi niya sa akin. Tangina Sera, wag masyadong magpaapekto.


Tahimik akong umupo sa upuan sa harap ng kanyang lamesa. Umupo na din siya sa kanyang swivel chair, nanatili ang mata ko sa kanyang lamesa.


"Sorry about last time. Nawala sa isip ko" seryosong sabi niya sa akin at kaagad na tinanggap ang folder na inabot ko. Sa folder nakatuon ang aking mga mata. Wala akong lakas na tingnan siya o makipagtitigan man lang sa kanya.


Nang masigurado kong tutok na ang atensyon niya sa folder ay bahagya akong nagangat ng tingin. He looks more matured than before, meaning he looks more attractive and more freaking hot!


Nagangat siya kaagad ng tingin kaya naman nahuli niya ang titig ko. "Are you ok?" tanong niya.

"Yes" tipid na sagot ko kaya naman napatango siya. Sandali niyang ibinalik ang tingin sa folder na hawal bago niya iyon isinara at hinarap ako ng maayos.


"The manufacturing is for sale. Kung tatanggapin ko ang proposal mo, baka magkaproblema" seryosong sabi niya. Yeah right, paniguradong nagbackground check na ito.


"Kaya nga, gumagawa ako ng paraan para mabili ang manufacturing..." sabi ko sa kanya at hindi ko na napigilang mapairap.

Pinagsiklop niya ang mga kamay niya na nasa itaas ng lamesa. Sandaling bumaba ang tingin ko duon. "I can buy it" seryosong sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

"Ako ang bibili nuon, it's our family bussiness" giit ko sa kanya.


Tumalim ang tingin ko sa kanya. Gamot lang ang inilalakad ko sa kanya, ang gago ang buong manufacturing pa ata ang punterya!


"I have a proposal for you, Sera"


Kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano ito pero kinakabahan na talaga ako.


"Ano?" matapang na tanong ko sa kanya.


"Marry me. Bibilhin ko ang manufacturing para sayo" tangina!


























(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro