Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Date me first






"Alam mo pansin ko super lutang ka this past few days" puna sa akin ni Abby ng mapansin niya ang ilang araw kong pananahimik.

Napairap ako sa kawalan. Tangina kasi nung Kenzo na yun para akong natrauma hayop. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganoong pagbabanta. Nakakapanginit...ng ulo ang hayop.

"Nakakamiss din pala ang pagmumura mo" pangaasar pa sa akin ni Abby kaya naman sinamaan ko siya nang tingin.

"Don't fucking start with me, wala ako sa mood ngayon" inis na pagbabanta ko pa sa kanya, napangisi siya sabay taas ng kanyang kilay.

Isa isang lumabas ang bubble card namin na may kasama ng exam result. Over 120 items iyon kaya naman kailangan nasa 70 and above ang makuha naming score para makapasa.

"Sayang, 69" malungkot na saad ni Abby pagbalik niya sa upuan. Kakakuha niya lamang ng midterm exam namin sa Pharmacology. Napairap ako sa kanya.

"Seranno" tawag sa akin ng aming professor. Tamad akong tumayo at lumapit sa kanyang desk. Malayo pa lang ay ramdam ko na ang makahulugang tingin niya sa akin.

"29 over 120" dismayadong sabi pa niya kaya naman napayuko na lamang ako kahit pa gustong gusto ko siyang irapan. Puta, sa lahat ng binasa ko wala namang lumabas na kahit ano duon sa exam.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa aking upuan. Nakita ko na kaagad ang tingin ni Abby sa akin na naghihintay din ng result ng akin. "Kamusta?" kaagad na tanong niya.

Imbes na sumagot ay inabot ko na lamang sa kanyang ang bubble card ko. "Oh atleast 2 digits" pagchcheer pa niya sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako. Never talaga akong mageexcel dito sa Pharma.

Pagkatapos magchecking ay nadagdagan ng 1 points ang score ko kaya naman imbes na 29 ay naging 30 ako. Tangina, ang saya saya.

"Tara mag bar tayo sa Friday" yaya ni Abby sa akin na kaagad kong inilingan.

"Hindi pwede, may group study kami. Isinali ako ni Ma'm Diaz" tamad na sagot ko sa kanya.

Humaba ang nguso ni Abby. "Mag Arca yard na lang tayo!" excited pa ding yaya niya sa akin kaya naman tamad ko siyang tiningnan.

"Alam mo sumama ka na lang sa group study namin, tsaka natin sila yayaing maginuman" mapanuyang suggestion ko sa kanya kaya naman napatawa ito.

"Hindi na. Next time na lang ayokong maubos enerygy ko para next week" pangaasar niya sa akin kaya naman itinaas ko ang middle finger ko sa harapan niya.

Maagad akong iniwan ni Abby pagdating ng friday. Dahil hindi niya ako maayang uminom at magparty ay sasama na lamang siya sa mga pinsan niyang mag bar sa may eastwood.

"Ibuhoa na ang beer sa aking lalamunan ha..." paulit ulit na kanta niya sa akin bago niya ako iwanan.

"Gago ka talaga mangiingit ka pa eh" asik ko sa kanya sabay tulak sa kanya paalis. Tawa ito ng tawa habang kumakaway sa akin.

Sa sobrang inis ko ay late na ako nagpunta sa med lounge sa may PJP. Malayo pa lang ay natanaw ko na ang nagiisang si Kenzo sa loob nuon. Hindi niya napansin ang aking pagdating dahil nakatutok siya sa binabasang libro.

"Isang napakaboring na hapon sayo Doc" mapanuyang bati ko sa kanya.

Tamad niya akong nilingon. "You're late" seryosong sabi niya sa akin.

Napairap ako. "I know right, Duh" inis na sabi ko sa kanya. Obvious na ngang late ako sasabihin pa niya parang tanga.

Nakita ko ang makapal na handouts sa kanyang tabi. "What the Fuck is that?" parang nandidiring tanong ko pa kahit naman alam kong pharma handouts iyon. Mapapamura ka na lang talaga sa tuwing makakakita ka ng handouts lalo na pag ganuon kakapal.

"Lumang handouts ko yan. Sayo na, may mga side notes na kaya hindi ka na mahihirapan" anya. Napanguso ako, kung magsalita akala mo tatay ko. Napakaseryoso.

Napahalukipkip ako bago ako nagtaas ng kilay sa kanya. "Eh kung ibigay mo na lang sa akin yung mga lumang test papers mo?" ngiting ngiting sabi ko pa sa kanya habang tumataas taas ang aking kilay.

Tamad lamang akong tinitigan ni Kenzo. "Alam mo, tumahimik ka na lang diyan. Idadamay mo pa ako sa kadayaan mo" galit na suway niya sa akin kaya naman muli ko siyang sinimangutan.

"Tutulungan mo kamo ako eh, bakit hindi mo na lang lubusin?" inis na sabi ko pa. Hindi siya natinag, nanatiling blanko ang kanyang ekspresyon.

Napabuntong hininga na lamang ako at wala nang nagawa kundi ang sumuko. Ang  Sungit puta. Hiningi ni Kenzo ang bumble card ko. Napakagat labi ako ng mariin niyang pinagmasdan ang score ko duon.

Ang kaninang score ko na 30 ay ginawa kong 80 dahil sa hiya na makita niya kung gaano kababa iyon. Mahinang hinampas ni Kenzo ang lamesa. "30 lang ang score mo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman kumunot ang aking noo. Napaka kj ng hayup hindi man lang makiride sa feeling 80 kong exam.

Naginit ang pisngi ko nang makaramdam ko ng kaunting hiya. "Saang subject ka ba nahihirapan?" seryosong tanong niya. Ramdam ko ang inis sa kanyang boses.

"Edi sa lahat, saan pa nga ba? Eh lahat naman ng subject ng Pharma mahirap" giit ko sa kanya. Hinihintay kong sumangayon siya sa akin pero napairap na lamang ako sa kawalan ng maalalang deans lister nga pala itong kaharap ko. Halimaw sa pharma.

"Hindi ka kasi nagaaral" puna pa niya kaya naman naginit ang ulo ko.

"Eh ayaw ko naman talaga ng Pharma. Gusto kong magteacher!" laban ko sa kanya. Napatingin siya sa akin na para bang interisado siya sa aking kwento.

Itinikom ko na lamang ang bibig ko. Baka kung ano pang masabi ko sa kanya, hindi naman kami close like duh.

Nagsimulang magturo si Kenzo sa akin kung paano mag name ng structure. Tamad akong nakatingin sa papel na dinodrawingan niya. "Benzene..." sabi niya sa akin.

Napairap ako. "Piattos" laban ko sa kanya kaya naman nagtiimbagang siya.

"Magseryoso ka pwede?" striktong tanong niya sa akin kaya naman muling umikot ang aking mga mata.

"Tangina naman kasing sulat yan eh, mas lalo akong nahihilo" inis na sabi ko at napakamot pa sa aking batok. Hindi ko maintindihan ang sulat niya. Nagmukhang isang malaking reseta ang bond paper na gamit niya.

"May quiz kayo bukas dito. Baka mamaya benzene lang hindi mo pa masagot" pangaral niya sa akin kaya naman inis akong napakamot sa aking ulo. Kumunot ang noo niya.

"May kuto ka ba?" pangaasae niya sa akin dahil sa marahas kong pagkamot dahil sa inip at inis na nararamdaman.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Talk shit ang gago" inis na asik ko kaya naman muli kong nakita ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi.

"Come on. Kaya mo yan" pageenganyo niya sa akin. Marahas kong binawi mula sa kanya ang hawak niyang ballpen.

"Pustahan tayo" yaya ko sa kanya kaya naman nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Pag naka 60 percent ako bukas sa quiz ko date mo ako" panghahamon ko sa kanya kaya naman kaagad siyang napangisi.

"At pagkahindi ka naka 60?" balik na tanong niya sa akin kaya naman muling bumagsak ang balikat ko. Bwiset imbes na suportahan ako eh nagduda pa ang loko.

Dahil sa hindi ko pagsagot ay si Kenzo na mismo ang nagplace ng bet niya. "Pag hindi ka naka 60 you will date me" sabi niya na ikinakunot ng aking noo.

Ilang minuto akong nabato dahil sa pagiisip. Napangisi si Kenzo. "Damn girl"

Nang makabawi ay kaagad ko siyang tinaasan ng kilay. "Sabi na crush mo ako eh. Pakipot ka pa eh" pangaasar ko sa kanya pero napangisi na lamang siya ay napailing.

Maaga tuloy akong pumasok kinaumagahan hindi dahil excited akong magexam kundi excited ako sa sinasabing date namin ni Kenzo. "Ganda ng ngiti natin ah" puna sa akin ni Abby. Halatang may hangover pa ang gaga dahil sa party party niya kagabi. Saturday ngayon at half day lang kami. Pagkatapos ng exam ay uwian na din.

"May idadate ako na Med student" pagyayabang ko pa sa kanya kaya naman halos lumuwa yung eyeballs ni Abby.

Nginisian ko siya. Hindi siya makapaniwala, Nang maglaon ay panay ang kalabit niya sa akin para magkwento ako sa kanya. Natigil lamang iyon nang dumating na ang professor namin.

14 over 50 ang score ko pagkatapos naming magcheck. Napatingin ako sa mga kaklase ko, halos lahat sila ay biyernes santo ang mukha. "Alam mo, kanina pa nakatingin sayo si Ma'm sa lahat kasi sa atin ikaw lang yung ngiting ngiti eh" bulong sa akin ni Abby kaya naman kaagad kong nilingon ang professor namin na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Nag ngiting aso ako sa kanya at tsaka nagiwas nang tingin. Sandali niya kaming sinermonan bago niya kami dinismiss. Mabilis ang aking ginawang paglakad para puntahan si Kenzo. Hawak hawak ko pa din ang papel kong may 14 over 50 na score. Meaning idadate ko si Kenzo dahil hindi ako nakapasa.

Ang sabi niya sa akin kahapon. Nasa AMS building siya ng ganitong oras kaya naman duon kaagad ako dumiretso. "Sera wait!" maarteng daing ni Abby sa akin pagkadating namin sa quadrangle. Hindi ko siya pinansin mas lalo kong binilisan ang paglakad, inakyat ko ang CAS 1st floor kung saan may daan patungo sa AMS building.

Pagdating ko pa lang ng 2nd floor ay marami na akong nakitang med student sa may hallway. Pumihit ako paakyat ng 3rd floor dahil duon ang room nila Kenzo.

"Sarah!" gulat na bati sa akin ni Andrew ng makita ako.

Inirapan ko siya. "it's Sera" mataray na pagtatama ko sa kanya kaya naman napakamot na lamang siya sa kanyang batok.

"Si Kenzo?" excited na tanong ko sa kanya.

"Bumaba sila ni Fidez para bumili ng pagkain" sagot niya sa akin kaya naman napahalukipkip ako at napasandal sa pader ng hallway para duon maghintay. Muling bumalik si Andrew sa kanyang mga kausap. Para akong nanliliit habang nakatingin sa mga Med student, ang matured na nilang tingnan at ang lilinis din. Parang hindi naman nagiistress sa pagaaral. Ang unfair bwiset.

Napanguso ako habang isa isang jinujudge yung mga dumadaan sa aking harapan. Mula sa 4th floor ay namataan ko ang pagbaba ng tatlong Med student na babae, magaganda ito at matangkad din, parang mga model ang kanilang balingkinitang katawan.

"Gusto pa din ba ni Kenzo si Mandee?" rinig kong tanong nung isang kausap ni Andrew.

Sinundan ko ang tingin nila. Nakita ko yung tinawag nilang Mandee na kabilang duon sa mga babaeng nakita ko kanina. Mahaba ang itim niyang buhok, natural ang pagkakakuloy ng dulo nuon. Hindi naman maganda pagbawi ko sa pagpuri ko sa kanya kanina.

"Balak pa ding ligawan ni Kenzo" rinig kong sagot ni Andrew duon sa kausap niya.

Tumalim ang tingin ko duon sa babaeng pinangalanan nilang Mandee. Ah tangina pala netong Kenzo na to ha, may nalalaman pang idadate ako. Kaagad kong nilukot ang test paper ko at padabog na ibinato iyon sa basurahan. Wala na akong pakialam kung nashoott ba iyon o hindi.

Inis na inis akong bumaba ng hagdan. Nagulat pa ako ng makita ko si Abby duon. "oh paakyat pa lang ako eh" puna niya sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ayoko na. Mag Arca yard na lang tayo" galit na yaya ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata at tsaka ko siya muling iniwan.

Pinagtitinginan ako ng ibang mga estudyante habang inis na inis kong tinahak ang hallway ng CAS 2nd floor pabalik sa quadrangle. Padabog kong binitawan ang bag ko sa may bench at inis na ibinagsak ang aking katawan duon.

"Salamat talaga sa pagiwan mo sa akin ha" mapanuyang sabi ng kararating lang na si Abby. Ewan ko ba kung bakit napakabagal kumilos ng isang ito, mas lalo lang akong naiinis.

Inirapan ko siya. "Edi Welcome" inis na sagot ko sa kanya dahil sa pagsabi niya ng salamat sa akin.

Halos ilang oras ang hinintay namin bago ianunsyo ni Abby na nasa labas na ng school ang kanyang kuya ay mga pinsan. Close din ako sa mga pinsan niya dahil kami kami lang din ang magkakasama sa tuwing may gala.

Bago lumabas ng main gate ay nadaanan pa namin ang pagbaba ng ilang med student mula sa CAS building. Hindi na ako nagabala pang tapunan ng tingin ang mga iyon. Sa oras na ito ay ayoko munang makakita ng medicine student.

"Long time no see Sera, akala ko good girl ka na ngayon eh" nakangising salubong sa akin ni Mia, ilang taon lang ang tanda niya sa amin ni Abby. Kasama din ang dalawang pinsan nitong sina Ivan at Rome at ang kuya niya na always driver namin na si Harry.

Napanguso ako at napairap sa kanya bago siya bumeso sa akin. Napabaling ako ng tingin sa masungit na kuya ni Abby. Tiningnan ako nito mula sa rear view mirror kaya naman nagngiting aso ako sa kanya.

"Hi po, Lolo Harry" nakangising pangaasar ko sa kanya pero inirapan lamang niya ako. Tanginang mga lalako to, napakasusungit ang hayop.

Naghiyawan sila paghinto ng sasakyan sa Arca yard. Mabilis kaming bumaba ni Abby pagdating duon. Konti pa lang ang tao dahil halos kakakagat lang nang dilim. Naghahanda pa lamang din ang banda na kakanta sa kahit anong pwede mong irequest. Magkahawak kamay kaming pumasok ni Abby duon kung saan kami naglibot kung anong pwede naming orderin.

Isa iyong food park kung saan may ibat ibang uri ng stall at may bar sa gitna kung saan pwede kang umorder ng alak. Kahit nakauniform ay pwedeng pumasok. "Magorder tayo ng Seafood basket" suwestyon ni Abby sa akin na kaagad ko namang tinanguan.

"Oo tapos kuya mo ulit ang pabayarin mo, marami namang pera iyon" sabi ko pa nakaagad niyang tinanguan.

Matapos naming pumili ng makakain ay humanap na kami ng magandang pwesto kung saan malapit kami sa bar at kitang kita namin ang banda. Hindi pa nauupo ang mga pinsan niya na nagkanya kanya din sa pagorder.

Napa awang ang bibig namin ni Abby ng dumating sa aming lamesa ang dalawang tower ng vodka. "Woah" tuwang tuwang sabi naming dalawa at napaapir pa.

Kasabay ng paglalim ng gabi ay parami ng parami din ang tao duon. Hindi pa nakuntento sina Ivan at Rome dahil umorder pa sila ng beer. "Amoy suka nanaman tayong lahat neto sa sasakyan" natatawang sabi ni Mia. Medyo mabilis kasing tamaan ng alak ang hayop na Ivan. Malakas uminom pero sa huli ay lagapak din.

"Cheers suckers!" hiyaw ni Ivan pagkataas niya ng hawak na shot glass. Napatawa na lamang kaming uminom.

Ayos na sana ang buong gabi ko ng bigla na lamang dumating ang kumpol ng mga Mes student. At kung mamalasin ka nga naman ay isa sa kanila si Kenzo with his tangina squad. Kaagad niyang nahuli ang aking mga mata. Matalim ang tingin niya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Pero naikuyom ko ang kamao ko ng makita kong isa sa mga iyon yung Mandee na sinasabi ni Andrew na gustong ligawan ni Kenzo.

Sa sobrang inis ay kaagad akong nagiwas ng tingin. Muli akong naglagay ng vodka sa shor glass ko at inisang tungga iyon. "Whoo putangina!" hiyaw ko sabay tawa. Walang nagawa ang mga kasama ko kundi makitawa din.

Sa katabing mahabang upuan namin sila umupo. Hindi bababa sa sampu ang mga iyon kaya naman kinain nila ang kaninang ingay namin. Mga bwiset. Nagkagulo pa ang mga hayup sa pagpili ng upuan, napakaarte.

Naghiyawan ang mga ito ng nahihiyang umupo yung Mandee at tinabihan ni Kenzo. Tumalim ang tingin ko sa walang kamalay malay na kumakanta. "I see some familiar faces" nakangising bulong sa akin ni Abby kaya naman kaagad ko siyang siniko.

Nagumpisang umorder ang grupo nila. Apat na tower ng vodka ang dinala sa kanilang mahabang lamesa. Pinilit kong mahiwas ng tingin duon. "Sarah!" sigaw ni Andrew mula sa kabilang table.

"It's fucking Sera you idiot" inis na bulong ko at kaagad na nagngiting aso sa kanya. Itinaas ko ang shot glass ko at inisang inom iyon. Ngiting ngiti ang gago.

"Mag request tayo ng song!" pamimilit ni Abby sa pinsan niya si Rome. Kaagad silang nagsulat ng kanta sa isang maliit na papel kasama ng pera pambayad.

Si Rome na ang tumayo para iabot iyon sa kumakanta sa harapan. Unti unting tumugtong ang beer by itchyworm na nirequest ni Rome.

"Nais kong magpakalasing..." pagsabay namin duon sa kumakanta habang sumasayaw din ang aming mga ulo.

Nagtawanan na lamang kami sa tuwing kakanta si Ivan at mali mali ang kanyang lyrics.

"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan haa..." pagsabay ko pa duon sabay tawa bago ako muling uminom ng isang shot.

Dahil sa likot ng aking ulo ay hindi ko na napigilang hindi tapunan ng tingin ang kinauupuan ni Kenzo. Nagtatawanan silang dalawa nung Mandee. Ang sweet ng mga hayop.

"Beer pa, Beer pa" sigaw ni Ivan habang gegewang gewang sa pagtayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Tangina mo Ivan. Pinapahiya mo kami!" kantyaw ni Rome sa pinsan na kaagad naming tinawanan. Binato na namin ito ng mani na tinawanan lang din niya. Lasing na ang hayop hindi pa nga kami nagtatagal.

Kukuha muli sana ako ng shot ng pigilan ni Harry ang aking kamay. "Tama na iyan" suway niya sa akin.

Napanguso ako. "Ang Kj mo naman Kuya" pangaasar mo sa kanya.

Mahina siyang napamura. "Hindi mo ako Kuya Damn it" inis na asik niya sa akin pero hindi ko pinansin. Tinawanan ko na lamang siya.

Napalingon lingon ang katabi kong si Abby. "Kuya I want dry ice cream" parang batang sabi niya dito. Nilingon ko ang kanyang tinuro.

"I want that too" inggit na sabi ko at kaagad na tumayo sa aking kinauupuan para magtungo duon.

Muntik na akong ma-out of balance dahil sa pagiging tipsy. Mabuti na lamang at kaagad akong hinawakan ng masungit na si Harry. "Ahh my hero..." pangaasar ko sa kanya sabay tawa.

"Ako na ang bibili" galit na sabi niya. Napangiti ako nang maisip kong libre iyon kung siya ang bibili kaya naman muli akong pumihit pabalik sa aking upuan. Napatawa pa ako ng gamuntik na akong sumubsob dahil sa pagkahilo.

Unti unting nawala ang ngisi ko nang makita ko ang matalim na tingin sa akin ni Kenzo mula sa kabilang lamesa. Aba't gagong to, patingin tingin pa ang hayop. Inirapan ko siya. Gustong gusto kong itaas ang middle finger ko sa ere at ipamukha iyon sa kanyan.

Date me date me ka pang nalalaman diyan tangina ka. Fuck you talaga.

Bumalik si Harry dala ang mga ice cream namin. Sa pagkain namin nuon ni Abby ay nahimasmasan kami kahit papaano. Nang medyo mawala na ang hilo ko ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta ako ng cr.

Ginamit ko ang aking paa para pindutin ang flash pagkatapos kong gamitin iyon. Pagkalabas ko ng banyo ay nanduon na si Kenzo naghihintay sa akin. Sinamangutan ko siya at lalagpasan na sana dahil wala naman akong balak na kausapin siya.

"Hinintay kita. Ang sabi ko sayo magkita tayo pag katapos ng Exam mo" galit na sabi niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy Gago. Hindi mo ako maidaDate. In your dreams never akong makikipagdate sayo" madiing sabi ko pa sa kanya.

Mula sa kanyang bulsa ay inilabas niya ang test paper na itinapon ko kanina. "Nagpunta ka. And then you saw mandee...you heard Andrew" pagsusuma niya ng lahar nang nangyari.

Nagiwas ako ng tingin. Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Napaastras ako at kaagad na napasandal sa pader dahil sa ginawa niya. "Wala akong nililigawan Sera..." madiing pagpapaintindi niya sa akin.

Wala akong pake gago! Gustong gusto kong isigaw sa pagmumukha niya iyon pero nanghihina ang tuhod ko.

"Pero may balak akong ligawan" pahabol pa niya kaya naman naikuyom ko ang aking kamao.

"That's why i'm asking you to date me" sabi niya na ikinalaki ng aking mata. I lost words.

Kinuha niya ang aking kamay ay tsaka niya inilagay duon ang test paper ko. "Ang selosa naman, date me first. At pag tayo na tsaka ka magselos" nakangising sabi pa niya sa akin.

Naginit ang ulo ko, pero hindi pa tapos si Gago. "Patas lang tayo, pinagselos mo din ako" ngayon ay inis na sabi na niya.




















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro