Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Past issues





Tulala ako sa harapan ng aking vanity mirror. Hindi ko gusto ang ideya ni Daddy na ipakilala ko sa anak ng kanyang kumpare. Kahit sabihin niyang simpleng pakilala lamang iyon ay hindi ako kumportable. Lalo na't may boyfriend ako.

Natigil ako sa pagiisip ng makita ko ang pagilip ni Ate mula ss aking pintuan. Bahagya kasi iyong nakabukas kaya naman madali siyang nakapasok.

"Kamusta na ang mga latay mo?" malumanay na tanong niya sa akin. Kahit papaano ay ramdam kong may care ss kanyang boses. Hindi pinaplastick.

"Ayos lang po"

Nagiwas ako ng tingin at napanguso. Hindi naman iyon ang tamang salita, hindi kailanman naging maayos para sa akin ang saktan ako. Palibhasa never siyang sinaktan ni Daddy, physically. Mahal na mahal siya nito na para siyang isang babasaging bagay na dapat ingatan.

"Nabanggit ni Daddy na ipapakilala ka niya sa anak ng kaibigan niya. Paano ang boyfriend mo kung ganuo?" diretsahang tanong niya sa akin na ikinagulat ko.

"Magpapakilala lang naman po, walang namang ibang..." hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita para ituloy ang sasabihin.

Nagtaas siya ng kilay at tsaka nagkibit balikat. "Sabagay...let's hope for the best" tamad na sabi pa niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng aking noo. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
Damn.

Sakay ng aming Hiace van. Nagtungo kami sa mansion nila Governor Coronel. Hindi ko alam kung ano ang ipinagdiriwang para sa dinner, hindi ko na lamang inalam dahil wala naman akong pakialam. Nanatili akong tahimik na nakasunod kina Mommy at Daddy.

Bumaba ang tingin ko sa kulay itim kong dress. Formal dinner kasi iyon kaya naman talagang naghanda ang lahat. Napataas ako ng tingin ng maramdaman ko ang pagsiko ni ate sa akin.

"Hindi ba't iyon ang crush mo, si Luigi?" tanong niya sa akin na may halong pangaasar. Nilingon ko ang taong tinutukoy niya. Anak ng governor si Luigi Coronel, kapatid ng aking dating kaibigan na si Luminiere Coronel. Dating kaibigan, as in ex friends. Bitch kasi ang babaeng iyon.

Dahil inis sa kanyang kapatid ay napairap na lamang din ako kay Luigi kahit wala naman siyang ginagawa sa akin, at mas lalong hindi naman niya iyon nakita dahil may kalayuan kami sa kanila. "Bata pa ako nuon, hindi ko nga alam kung crush ba talaga" tamad na sagot ko kay ate. Tumaas lamang ang isang sulok ng kanyang labi.

Nagtaas ako ng kilay ng umiwas ako ng tingin sa kanya. Ano kayang trip niya ngayon at namamansin siya? Dati naman ay tahimik lamang ito, ni hindi nga ako nito kinakausap. Umupo kami sa isang malaking table kasama ang ilan sa mga kakilala ni Daddy.

"Tamang tama ang course ng bunso mo para sa manufacturing..." puna ng isa sa mga ito. Mas lalo kong pinaglapat ang aking mga labi, ayoko silang kausapin. Ayokong sumagot sa mga itatanong nila sa akin. Bukod sa wala naman silang maririnig na maganda ay siguradong ikagagalit pa iyon ni Daddy.

Dahil sa boredom, inilabas ko ang cellphone ko para itext si Kenzo. Hindi ako nakareveive ng text mula sa kanya, hindi ko tuloy alam kung nakauwi na siya sa condo o sa kanila.

Ako:

Nasa dinner party na kami. Nakauwi ka na? I miss you :(

Matapos kong magtipa ng message ay mabilis ko ding itinago sa aking hawak na purse ang aking cellphone. Ayaw kasi ni Daddy nuon. Nakakabastos daw ang maglabas at gumamit ng cellphone sa harapan ng pagkain. Muli kong sinuyod ang buong round table kung nasaan kami. Napainom ako ng choice habang ginagawa iyon, busy ang lahat sa kanya kanyang nilang kausap.

Ang boring!

"Sera, long time no see"

Kaagad kong nilingon ang bumati sa akin. Mas lalo akong nawalan ng gana ng makita ko kung sino iyon. Si Lumi, bwiset.

Peke akong ngumiti sa kanya. Hindi ko gusto ang kanyang awra. Masyadong madilim, masyadong plastick. "Kaya nga. Ang tagal na, sanay nagtuloy tuloy na" mapanuyang sabi ko sa kanya. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Nang makabawi ay nakuha pa niyang ngumiti.

Nakangiti siya, ngunit bumaba ang kanyang mga mata sa aking suot. I sense amusement in her stare. "You look...uhm plain" nakangising puna niya sa akin. Napairap ako sa kawalan, sinadya ko talagang hindi isuot ang best ko para ngayong gabi. Lalo na at alam kong may ipapakilala si Daddy sa akin. Dapat major turn off kaagad ako sa kanya.

"I'm not in the mood, you know" tamad na sagot ko sa kanya at kalaunan ay naging iritado din, bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa babaeng ito. Dahil I care sa mga pinagsasabi niya!

Hindi na nakapagsalita pa si Lumi ng may tumawag sa kanyang isa sa kanilang kasambahay. Nagtaas na lamang din ako ng kilay habang tinitingnan ko ang kanyang paglayo. "Plain your ass...tss" gigil na sambit ko.

Umayos ako ng upo at muling inilabas ang cellphone ko para tingnan kung may reply na si Kenzo.

Kenzo:

Almost home, medyo traffic. I miss you too. Behave baby.

Napanguso ako habang binabasa ang huling parte ng message. Anong behave ang sinasabi nito?

Ako:

What do you mean, behave? It's just a simple dinner.

Tumaas ang isang kilay ko ng nakitang mabilis ang kanyang reply ngayon. Siguro nga ay traffic kung nasaan man siya ngayon.

Kenzo:

I was just, overacting. Enjoy your dinner.

Napanguso ako at muling nagtipa ng message para sa kanya. Kahit naman ako naiilang, after what happen to his condo kanina mas gusto kong magstay sa kanya. Even just to cuddle a bit. Sa nangyari kasi kanina, after we did it nag madali kaagad akong nagayos para makauwi ng bulacan. Just like, we fucked and go.

Ako:

I'm sorry. Babawi ako sayo sa susunod na weekend. Can stay in your condo again?

Napakagat labi ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako kay Kenzo. Sa mga dating naging boyfriend ko naman may bounderies akong isinet. After the make out hanggang duon lang. Ni hindi ko nga naisip na makitulog sa kanila.

Kenzo:

Ofcourse Sera. What's mine is yours. Condo mo na din iyon.

Napaawang ang labi ko dahil sa nabasang text mula sa kanya. Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil dito. The fuck!  Napakagat ako sa aking pangibabang labi para itago ang saya. Magtitipa pa sana ako ulit ng message sa kanya ng kaagad na naagaw ang atensyon ko ni Ate.

"Be ready..." bulong niya sa akin. Napakurap kurap ako dahil duon. Be ready? Saan? May dance number ba silang hinanda na hindi ko alam? Tangina.

Sinundan ko ang tinitingnan ng kanyang mga mata. Duon ko nakumpirma na tama siya, I need to be ready. Kasama ng kumpare ni Daddy ang isang lalaking halos kasingtangkad ni Kenzo. His body is lean also, tamang tama sa kanyang height. Napanguso ako ng mapagtantong, he was too much for this event, or he was just to much for me? Hindi ko alam, masyadong malakas ang dating niya, bumagsak na lamang ang tingin ko sa aking plato.

"Agustine Alvarado, looks too mature with age" paguumpisa ni Ate.

Napanguso ako at muling tiningnan ang sinasabing lalaki. Mukhang matanda lamang ito ng isa dalawa o tatlong taon sa akin. Kagaya ng sabi ni ate, maaga nitong hinawakan ang bussiness ng pamilya nila kaya naman kahit bata pa ay masyado na siyang matured tingnan.

Huminto siya kasama ang kanyang ama hindi kalayuan sa amin ng may kumausap sa kanila. Bayolente akong napalunok ng mahuli ako nitong nakatingin sa kanya. Damn it, Sera!

"Ito yung bunso ko, graduating na iyan sa susunod na taon"

Nanigas ako sa aking kinauupuan ng marinig ang pagpapakilala sa akin ni Daddy. Kaya siya napapahiya minsan, masyado niyang pinapangunahan ang lahat. Pag ako hindi nakagraduate next year, sisisihin nanaman niya ako na ipinahiya ko siya sa mga kaibigan niya. Eh siya kaya ang nagkakalat!

Tumayo ako bilang paggalang. Nakangiti sa akin ang matandang lalaki, kung hindi ako nagkakamali siya ang ama nitong lalaking tinawag nilang agustine. Nakita ko ang pagtapik niya sa balikat ni Daddy.

"Ang gandang bata..." puri pa niya. Sa mga narinig kong pagpuri sa akin, ngayon lang ako hindi naflatter.

"Sera, I want you to meet my eldest son. Agustine" pakilala niya sa akin sa anak niyang kanina pa nakatingin sa akin, nakangiti.

"Nice to finally meet you, Sera" sabi niya at kaagad na naglahad ng kamay sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko, hind ko alam kung bakit. Masyadong manly ang boses niya. It's not soft, matigas at puno ng awtoridad.

Napasulyap ako kay Daddy. Pinanlakihan niya ako ng mata at tinuro ang kamay ni Agustine na nasa ere pa din hanggang ngayon. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang kamay niya. That very moment nagtaasan ang balahibo ko sa braso. Nanlaki pa ang mata ko ng dahan dahan niyang dinala ang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito, ginawa niya iyon ng hindi inaalis ang tingin sa akin.

Mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya. The fuck! It's creepy!

Napangisi siya, natawa din ang kanyang ama. Natawa din si Daddy pero muli niya akong pinandilatan ng mata na para bang ipinapaalam niya sa aking hindi niya nagustuhan ang aking ginawa.

"Pasencya ka na, medyo mahiyain ang bunso ko" paghingi ng umanhin ni Daddy sa kanila.

"I don't mind Tito, naiintindihan ko naman si Sera. We can work on that soon..." proud na sabi nung agustine.

Kumunot ang aking noo. Tito? Anong tito? Anong we can work on that soon? Tangina neto ah!

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, itinuon ko ang buong atensyon ko sa pagkain sa aking harapan. May mali sa lahat ng ito, sigurado akong daddy is up to something. For what? To get rid of me?

Umupo sila sa aming lamesa, That freaking Agustine sit beside me, feeling close ang gago. Napuno ang tenga ko sa pinaguusapan nila. Tungkol sa bussiness ang lahat ng iyon. Duon ko din nalaman na kagaya ng bussiness ni Daddy. May manufacturing din sila ng gamot, but mas focus ang production nila sa mga medical supplies like face mask, gloves at iba pa.

"Comfort room lang po ako..." magalang na paalam ko sa kanila. Natigil silang sandali sa paguusap para tingnan ako. Tumingal si Agustine, sinubukan akong hawaka para alalayan ako sa pagtayo.

Tipid ko siyang nginitian. "Salamat"

Habol habol ko ang aking hininga habang tinatahak ang daan patungo sa comfort room. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit duon ay napatigil na ako ng humarang si Lumi sa aking daraanan. Hindi katulad kanina, hindi ko na kayang makipagplastikan sa kanya.

"Agustine Alvarado huh?" mapanuyang sabi niya habang nakahalilukipkip siya sa aking harapan.

Nagtaas ako ng kilay. This bitch! Hindi ako magpapatalo sa kanya.

"Any problem with that?" mataray na tanong ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

Napailing iling pa siya. "Hindi pa din nagbabago ang taste mo sa lalaki, Seraphine. Ganyan ang mga tipo mo? Hindi ba?" nakangising tanong niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao kasabay ng pagkati ng aking palad. Sasampalin ko to!

"Yung mga bad boy, yung mas matanda sayo. Yung mga mayayaman, just so you can have anything you want, in just a snap"

Tumalim ang tingin ko sa kanya. "The hell you care, right?" mapanuyang balik ko.

Kita ko na din ang pagkainis niya. Ramdam ko na ding gusto niyang lumaban sa akin ng patarayan ngunit she wants to maintain that fake smile on her face.

Being a highschool student here in province, iba ang pananaw namin sa mga taga manila. Dahil na din siguro sa mga napapanuod ay nababasa namin. Malakas ang dating sa amin nung mga bad boy looking, tigasin at matured. May mga naging boyfriend akong ganuon nung highschool, karaniwan sa mga iyon ay mga college students sa katabi naming school kaya naman may mga inggit talaga sa akin, kagaya netong gagang nasa harapan ko ngayon.

I did not take it as something serious. Damn! Highschool pa lang ako nuon at masyado talaga akong nadala ng aking batang emosyon.

"You're a bitch Sera!" asik niya sa akin. Mahina lamang iyon, sapat lang para sa aming dalawa.

Tumaas ang isang sulok ng aking labi. Alam mo na kung saan ito patungo. "Hindi ko kailanman nagustuhan ang boyfriend mong si Renz. Siya ang nagalok sa akin to cheat behind your back. Hindi ako tanga para tanggapin ang offer niya?"

"Ex boyfriend!" asik pa ulit niya at pinanlakihan ako ng mata.

"Hindi siya magooffer ng ganuon, kung hindi mo pinakitaan ng motibo!" laban pa niya sa akin. Napairap ako sa kawalan.

"Oh c'mon Lumi, highschool pa tayo nuon. Don't tell me hindi ka pa nakakamove on kay Renz. Grow up!" sita ko sa kanya.

Hindi ko inakala na hanggang ngayon dala dala pa din niya ang walang katuturang issue na iyon. Ang issue na iyon na puno ng kasinungalingan. Ginamit niya laban sa akin kaya naman nasira ang image ko, nawala ang ilan sa aking mga kaibigan.

Nangilid ang kanyang mga luha. Damn it! Hindi pa nga talaga nakakamove on ang gaga. How pity!

"Pinaniwalaan mo ang lalaking iyon? Kesa sa aking kaibigan mo. Sinabi niya sayong inakit ko siya dahil naapakan ko ang maliit niyang ego ng tanggihan ko siya" seryosong sabi ko kay Lumi. No humor this time. Sa tagal ng panahon, ngayon lang ata kami makakapagusap ng maayos about this issue.

Maybe we really need this. This fucking issue needs a closure. "I value my friends more than anything else, sana ay naramdaman mo iyon kahit papaano" mapanuyang bato ko pa sa kanya.

Hindi na ako nagaksaya pa ng panahon. Imbes na tumuloy sa banyo ay umikot na lamang ako pabalik sa aming lamesa. Nawala ako sa mood dahil sa pinagusapan namin ni Lumi. Pero alam kong mas gumaan ang pakiramdam mo dahil dito. Matapos ang issue na iyon ay hindi na ako pumasok pa sa kahit na anong relasyon. Si Kenzo lang.

Nagpaalam ang mag amang alvarado sa amin. Wala pa din ako sa mood kaya naman habang nagpapaalam sila ay nanatiling nakabagsak ang tingin ko sa lupa. Ramdam ko ang tingin ni Daddy at ng nakakatandang alvarado.

"What the hell, Sera! Hindi ka man lang marunong makisama!" asik ni Daddy sa akin pagkauwi namin sa bahay.

"Masyado kang paimportante, si Agustine pa ang nagaadjust para sayo. Hindi ka man lang nahiya! Sinusubukan kang kausapin, tamad na tamad kang sumagot!" patuloy na panggagalaiti ni Daddy. Hindi ako nakasagot, inaamin ko naman.

"Sorry Daddy, medyo masama lang po ang pakiramdam ko ngayon" pagsisinungaling ko.

"Boba!" asik niya sa akin bago siya tuluyang umakyat. Narinig pa namin ang bayolente niyang pagsara ng pintuan.

Nagangat ako ng tingin ng maramdaman ko ang paglapit ni Mommy sa akin. "Pagpasencyahan mo na ang Daddy mo anak. Para sa iyo din naman ang ginagawa niya" marahang paliwanag ni Mommy sa akin. Napaawang ang aking bibig, kumunot din ang aking noo.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Mommy?" ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtatambol ng aking dibdib. Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong marinig mula sa kanya.

Marahan niyang sinuklay ang aking buhok. "Don't you find Agustine, attractive?" tanong niya sa akin, sumabay ang pagkalitid ng aking pasencya.

"Do you want me to date Agustine? Gusto niyo din akong itulad kay ate na inireto niyo sa bussiness partner ni Daddy!?"

"Sera!" sigaw na suway ni Ate sa akin. Hindi ko siya pinansin, nanatili pa din ang init ng aking ulo. Nagulat si Momny dahil sa aking biglaang pagburts out.

"Hindi naman sa ganuon anak, pero..."

"Hindi po Mommy. I don't find him attractive. Hindi po..." bigong sabi ko sa kanya bago ko sila tinalikuran na dalawa.

Halos takbuhin ko ang hagdanan para lang makapasok sa aking kwarto. Sinasabi ko na nga ba! Hindi lang simpleng pagpapakilala ang gusto nilang mangyari.
Masyado kong dinibdib iyon kaya naman, magdamag akong nakalugmok sa aking kama. Tamad ba tamad kumilos.

I hate them all. I hate them!

Babalik sana ako ulit sa pagkakadapa ko sa kama ng muli kong maalala si Kenzo. Hindi ko na nasagot ang message niya sa akin kanina. Dumungaw ako sa wallclock, pasado alas dose na ng madaling araw.

"Fuck..."

Marami akong nareceieve na text mula sa kanya. Meron duong nagtext siya na nakauwi na siya sa kanyang condo.

Kenzo:

Sera? Sleepwell. I love you

Napasapo ako sa aking noo ng mabasa ko ang kangang huling text sa akin. Ilang minuto pa lamang iyon. Nagdalawang isip tuloy ako kung magrereply pa ba ako o hindi na.

Ako:

I'm sorry. Kanina pa kami nakauwi. I love you too.

Pikit mata ko iyong sinend. Hindi na sana ako maghihintay pa ng reply dahil baka tulog na siya. Nagulat ako ng makita kong tumatawag siya sa akin. Muli akong napadapa sa aking kama bago ko sinagot ang tawag.

"Hello..."

"Can't sleep?" paos na tanong niya sa akin. Halos mamanhid ako dahil sa kanyang boses. Damn it! Bedroom voice, ang sexy!

"Uh..uhm"

I heard him chuckle. Ang sexy kahit iyon. Fuck!

"Anong iniisip mo? Bakit hindi ka makatulog?" may bahid ng pangaasar na tanong niya sa akin mula sa kabilang linya. Napanguso ako, pinaglaruan ko ang dulo ng aking unan.

"Sana, mabilis na lang ang graduation" malungkot na sambit ko. Hindi ko maitago ang kalungkutan. Hindi ko sana gustong pati siya ay mamorblema dito.

Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga sa kabilang linya. "Sinaktan ka nanaman ba, Sera?" punong puno ng pagaalalang tanong niya sa akin. That explains the heavy breathings.

Napailing iling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. "Hindi ako sinaktan..." halos pabulong na sagot ko. Nanatiling tahimik si Kenzo sa kabilang linya, naghihintay ng idurugtong ko.

"Gusto ko ng sumama sayo...ayoko na dito"

Bayolente akong napalunok pagkatapos kong sabihin iyon. Naramdaman ko din ang paginit ng aking magkabilang pisngi dahil duon. Mariin akong napapikit ng tumahimik si Kenzo sa kabilang linya. Pakiramdam ko tuloy masyado akong easy to get.

Ayaw kaya niya ng ganuon? Sa pagkakaalam mo ayaw ng mga lalaki sa ganuon.

"Gusto na din kitang kuhanin, pero kailangan muna nating maghintay. Ok?" malambing na sabi niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko. Akala ko ba atat na ata na siyang makasal sa akin? Bakit parang biglang may nagbago? Ayas niya na sa kasal?

"Ang OA mo magisip!" sita sa akin ni Abby. Siya kaagad ang tinawagan ko kinaumagahan.

Napanguso ako. "Di kaya dahil...ilang beses niya na akong nakuha? Sa tingin mo?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.

Base sa mga naririnig ko, after makuha ng lalaki ang gusto nila sa babae, manlalamig na sila. Nakapasa kami ni Kenzo sa stage na iyon, pero baka dahil maraming beses na naming nagawa iyon. Nagsawa na siya sa akin? Ayaw niya na sa akin?

"Hindi naman siguro ganuon? Kita ko namang mahal ka ni Doc. Baka iba lang yung pagkakainterpret mo" paliwanag sa akin ni Abby.

Tumahimik na lamang ako pagkatapos nuon. Pinagusap namin ang petsa kung kailan kami mageenrol para sa summer class. Mahirap na baka maubusan pa kami ng slot.

Lunes ng muli akong lumuwas ng manila para magenrol kasama si Abby. Sa mga nagdaang araw ay mas naging busy si Kenzo. Nagagawa pa din niyang magtext at tumawag sa akin, hindi pa nga lang nasusundan yung date namin at yung planong pagstay ko sa condo niya.

"Tangina, ang tagal ha!" asik ko sa kanya pagkadating niya.

Halos magiisang oras na akong naghihintay sa kanya sa may 7/11 sa tabi ng school namin. Hindi ko na nagawang pumunta sa dorm dahil tinatamad akong magpabalik balik pa.

"Eh, traffic kaya!"

Inirapan ko siya. Duh! Kailan ba hindi naging traffic. Gasgas na excuse na iyon

"Aba, may magbabakasyon ah!" pangaasar niya sa akin ng bumaba ang tingin niya sa hawak kong kulay itim na duffle bag. Lumipat din ang tingin niya sa backpack na dala ko.

Inirapan ko pa din siya. "Sa condo ni Kenzo ako magiistay" pangiingit ko pa sa kanya kaya naman napatawa siya.

Kinurot kurot niya ang aking tagiliran. "Pagpabuntis ka na kay Kenzo, para naman wala na talaga siyang kawala sayo!" pangaasar pa niya.

Kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata. Nakita ko ang pagsulyap ng ilang med student ba nakapila sa may counter. Napadaing siya ng hampasin ko siya sa braso.

"Gaga, hindi ko naman gagawin iyon para lang hindi ako hiwalayan ni Kenzo!" laban ko sa kanya. Napanguso siya habang iniinda pa din ang pagkakahampas ko sa kanya.

Muli akong napasulyap sa mga med student na babae. Nagbubulungan na sila at napapailing na lamang.

Nagiwas na lamang ako ng tingin. Ayokong mawala si Kenzo sa akin. Pero hindi ko naman kayang gawin iyon sa kanya. Kung magkakaroon man kami ng anak, gusto ko sana kasal na kami.

Hindi mahaba ang pila sa college of pharmacy faculty room. "Dito talaga magkikita kita kung sino yung mga bagsak eh" natatawang bulong ni Abby sa akin. Ayoko man sanang matawa kasama siya ay hindi ko na napigilan. Tama naman siya, sa mga ganitong panahon nagkikita kita ang mga palabagsakin.

Dahil isang subject lang naman ang itatake namin, mabilis ang naging process namin at kaagad ding nakapagenrol. "Sayang, yayayain pa naman sana kita mamaya"

"Next time, babawi ako sayo. Magboyfriend ka na din kasi, para naman double date tayo!" sita ko sa kanya. Napatawa ako ng humaba ang kanyang nguso.

"Gaga ka! Gustong gusto mo talaga yung librarian ha!" pangaasar ko sa kanya.

Nasa quadrangle na si Kenzo paglabas namin ng graduate schoop building. Ngumiti siya sa akin at sandaling humalik sa aking labi bago niya kinuha ang duffle bag na dala ko.

Kahit papaano nawala ang pangamba ko. Siguro nga, masyado lang akong nagoverthink nitong mga nagdaang araw.

Nagpaalam na din si Abby sa amin. Atat na atat umuwi ang gaga dahil sa hindi ko malamang dahilan. "Ipapasa ko lang sandali sa registrat itong form ko. Nasa 2nd gate din nakapark ang sasakyan"

Tinanguan ko si Kenzo. Magkaholding hands kami habang naglalakad patungo sa medicine registrar office. Taas noo tuloy ako habang tinitingnan ang mga estudyanteng napapatingin din sa amin.

Oh ha! Boyfriend ko ito.

Malayo pa lang ay kita na ang mga tao sa loob dahil sa glass wall ito. Ilan sa mga nanduon ay hindi nakauniform. Siguradong mga freshmen ang mga iyon at mukhang mageenrol din para sa next semester ng med.

Unti unting nawala ang ngiti ko ng may makita akong pamilyar na mukha mula sa grupo ng mga babae. Nakita niya din ako kaya naman nagtaas siya ng kilay. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Kenzo ng makitang papalapit siya sa amin.

"Hi Sera, andito ako para magenrol" nakangising sabi niya sa akin.

Mas lalong tumalim ang tingin ko kay Lumi. Hindi ko inakalang gusto niya ang pagdodoctor. At bakit dito pa sa school ko?

Nalipat ang tingin niya sa katabi kong si Kenzo. Halos umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa sumunod niyang sinabi.

"Oh, kaninong girlfriend mo ito inagaw? Parang nung isang araw lang iba ang kasama mo ah!"

Sinong kasama? Si Augustine? Tangina!





















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro