Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Boyfriend






Nagkulong ako sa kwarto ng buong hapon na iyon. Walang ginawa kundi umiyak habang nakasubsob sa aking kama. Ramdam ko ang hapdi dahil sa pagkakahataw sa akin ng sinturon. Hindi ko pa man nakikita ng malinaw, nasisiguro kong kitang kita iyon sa aking braso at ilang parte ng katawan. Muling pumutok ang gilid ng aking labi dahil sa malakas na pagkakasampal sa akin.

Minsa tinatanong ko din sa sarili ko kung bakit ganito kalupit si Daddy sa akin. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Hindi naman ako kagaya ng iba na nagrebelde. Iyon lang ang kaya ko, sana naman kahit papaano makita niyang hindi ako nagpabaya. Hindi ang pagiging Pharmacist ang pangarap ko. Gusto kong maging teacher, gusto kong magturo. Pinilit niya akong kuhanin ang course ba hindi ko gusto ko.

Bahagya kong itinaas ang ulo ko ng marinig ko ang pagkatok sa aking pintuan. Buong akala ko, si Mommy iyon. Aaluin nanaman ako at sasabihing ayos lang iyon. Pipilitin akong maniwala na magiging ayos lang ang lahat.

"Ma'm Sera, pinapabab ho kayo ng Daddy niyo, dinner daw po"

Napairap ako sa kawalan. Wala akong ganang kumain. Ni ayoko din silang makita lahat. Pero dahil alam ko na ang kakahinatnan ko sa oras na hindi ako bumaba, pinilit ko ang sarili kong bumangon. Dahan dahan akong humarap sa aking salamin at nakita kung paano mamaga ang aking mga mata dahil sa pagiyak, ang sugat sa gilid ng aking labi at ang mahabang daan ng sinturon sa aking braso. Kitang kita iyon sa aking suot na tshirt.

"Sera..." kita ko ang pagaalala sa mga mata ni Mommy. Ramdam kong mahal niya ako pero hindi iyon sapat. Hindi niya kayang labanan si Daddy. Hindi niya kayang pigilan si Daddy na saktan ako. I hate them all!

Tumikhim si Daddy ng mapahinto ako sa paglapit sa dinning. Nakaupo na silang tatlo duon. Marahan akong naglakad palapit ay dahan dahan ding umupo sa aking pwesto.

"Kumain ka at maguusap tayo sa office ko pagkatapos" mariing sabi ni Daddy sa akin. I sense disgust in his voice. Ramdam na ramdam ko iyon dahilan kung bakit muling bumigat ang dibdib ko.

Napansin ko din ang pahapyaw na tingin ni Ate sa akin. Napanguso ako, sigurado akong siya ang nagsabi kay Daddy tungkol sa boyfriend ko. Nakita niya si Kenzo sa dorm ko kaya naman sinabi niya iyon kay Daddy. Tama siya, wala akong karapatang mag boyfriend gayong wala pa naman akong napapatunayan sa kanila. Pagaaral na nga lang ang inaatupag ko, hindi ko pa magawa.

Pero hindi ko bibitawan si Kenzo. Mahal ko siya, siya lang din ang nagmamahal sa akin. Kung bibitawan ko pa siya, baka tuluyan na akong takasan ng bait.

"Anong plano mo?"

Malamig ang kanyang boses, mariing nakatingin sa akin habang magkasiklop ang kanyang nga kamay sa itaas ng kanyang lamesa. Hindi pa ako tapos kumain dahil wala akong gana, nang tumayo siyaay kaagad niya akong ipinatawag dito sa home office niya.

"Itake ko po sa summer, Dad" paos na sagot ko. Nanatili ang aking mga mata sa sahig. Halos maubos din ang boses ko dahil sa pagiyak kanina. Pagiyak habang nagmamakaawa sa kanyang tigilan na ang pananakit sa akin.

Ngumisi siya, punong puno iyon ng panunuya. "Itake mo sa summer? Tapos bagsak ulit, Sera?" nakangising tanong niya sa akin na para bang isa iyong malaking biro sa kanya.

"Pagbubutihan ko po Da..."

"Boba! Gawin mo, sawang sawa na ako diyan sa mga palusot mo. Panay ka naman bagsak!" galit na asik niya sa akin. Sa panggigigil ay nagawa pa niyang batuhin ako ng bugkos ng papel na mula sa kanyang lamesa. Sumabog iyon sa aking mukha at dibdib at mabilis na kumalat sa sahig.

"Lumayas ka na sa harapan ko. Layas!" pagtataboy niya sa akin. Sa takot na saktan pa niya ako ulit kung magtatagal ako duon, nagmamadali akong lumabas ng kanyang office at muling nagkulong sa aking kwarto.

Muling tumulo ang mainit na luha mula sa aking mga mata, ngunit mabilis ko din iyong pinawi. Napaayos ako ng upo ng makita ko ang ilang text mula kay Abby at meron din kay Kenzo.

Kenzo:

Baby, how was your day? I miss you so much.

Abby:

Sera! Bagsak ako sa PCO! :(

Mabilis kong nireplyan ang text ni Abby. Pareho kami ng subject ba ibinagsak.

Ako:

Bagsak din ako.

Mabilis siyang sumagot sa message ko. Dahil sa pagbabalita kay Abby, hindi ko magawang sagutin si Kenzo. Tinatanong niya kung kamusta ang araw ko. It's fucked up.

Abby:

Yehey! May kasama akong mag summer!

Napairap ako sa kawalan, hindi ko napigilang mapangiti dahil sa naging reaction ng gaga. Sabi niya nuon sa akin, ayos lang bumagsak basta kasama mo ang kaibigan mo. Hayan tuloy, kung anong bagsak ko iyon din ang kanya. Bestfriends talaga kami.

Binuksan ko ang message ni Kenzo. Ilang minuto ko iyong tinitigan bago ako nagtipa ng sagot para sa kanya.

Ako:

Ayos lang. I miss you too

Hindi ko napigilan ang luha ko sa pagtulo kasabay ng pagsend ko nuon. Totoong miss ko na siya. Mas gusto ko siyang kasama kesa sa pamilya ko, with Kenzo i have everything.

Kenzo:

Can I call? I want to hear your voice.

Bayolente akong napalunok. Hindi ko magawang sumangayon, lalo na't masyado pang paos ang boses ko dahil sa pagiyak.

Kenzo:

Lumabas na ang result sa automate? How was it? Whatever it is, I'm so proud of you Sera.

Mas lalong bumuhos ang luha mo. Hindi ko na napigilang mapahikbi. Kahit sa message, ramdam na ramdam ko ang pagaalala ni Kenzo sa akin. The way he says, he is proud of me. Sobrang laking bagay.

Napaiktad ako ng makita ko ang kanyang pagtawag. Mukhang nainip ng hindi ako nakapagreply sa kanyang mga text sa akin. Sinubukan kong ayusin pa ang boses ko bago ko sinagot ang tawag. I bet, halata pa din ang pagiging paos nuon.

"Hello..." pigil na pigil ako sa pagpiyok. Rinig ko ang mabibigat na paghinga niya mula sa kabilang linya.

"Baby..."

Napatakip ako sa aking bibig ng unti unting lumabas ang itinatago kong paghikbi.

"I failed PCO" anunsyo ko sa kanya. Isang subject lamang iyon, pero kung saktan ako ni Daddy parang ibinagsak ko ang buong semester ko.

"There is nothing wrong with that Sera. You can take it again...okay?" pagaalo niya sa akin. Naiimagine ko kung paano niya sabihin iyon, parang nakikita ko ang mapupungay na mata ni Kenzo habang sinasabi niya iyon sa akin.

"Magsu-Summer class kami ni Abby" sabi ko habang marahang tumatango pa din.

I heard him sighed. "Sinaktan ka ba? Sinaktan ka ba, baby?" madiin iyon ngunit hindi nawala ang lambing. I feel safe with Kenzo, kahit sa boses niya.

Imbes na sumagot ay nalaman na niya ang sagot dahil sa aking tuluyang pagiyak. Narinig ko siyang nagmura sa kabilang linya, simula ng makilala ko si Kenzo ay iyon ang unang beses na narinig ko siyang magmura ng ganuon.

"Pupuntahan kita. I'll talk to your Dad" desididong sabi niya sa akin mula sa kabilang linya. Napailing ako.

"Wag na Kenzo..."

"Susunduin kita diyan, susunduin kita baby. Give me your address" mariing utos niya sa akin. Ramdam ko na totoo ang gustong mangyari ni Kenzo. Sigurado akong sa oras na ibigay ko sa kanya ang adress namin, pupunta siya dito.

Kahit umiiyak, nagawa kong kumbinsihin si Kenzo na wag na. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin kay Daddy at kung bakit niya ito gustong makausap. Sa huli, napagusapan naming magkita na lang sa susunod na araw.

"Luluwas ka ng manila anak?" tanong ni Mommy sa akin pagkalabas ko ng kwarto.

"Opo, Mommy" sagot ko sa kanya. Hindi pa din ako makatingin sa kanyang mga mata. Nagtatampo pa din ako.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. Tipid siyang ngumiti sa akin. "Mag text ka kaagad kung uuwi ka or sa dorm for tonight. May pupuntahan tayong party bukas sa bahay ni Governor..." paalala niya sa akin kaya naman tipid na lamang akong tumango.

Pwede namang hindi na nila ako isama sa mga party na kagaya nuon. Kung tutuusin ay si Ate lang naman ang kailangan ni Daddy kasama niya para maipagmalaki sa mga kaibigan niya. He doesn't need me. My existence is nothing to him.

Bumyahe ako magisa, hindi na din ako nagpahatid pa sa driver nila Mommy. Nagalok din si ate na ihahatid ako kung saan ako pupunta, nakunsensya ata. Tinanggihan ko din iyon lalo na at si Kenzo ang kikitain ko. Isusumbong nanaman niya ako kay Daddy, panigurado!

Sumakay ako sa point to point na bus, mula sta. maria patungo sa trinoma. Duon kami magkikita ni Kenzo, nasa nlex pa lang ang bus ay nakareceive na ako ng message mula sa kanya na nanduon na siya. Napanguso ako, hindi naman halatang excited ang gago.

Ako:

Masyado kang excited!

Gumaan ang loob ko pagkatapos kong makausap si Kenzo ng gabing iyon. He is my peace. Kahit siya lang ang matira sa akin, pakiramdam ko ayos na ayos na ako.

Kenzo:

I miss you so damn much baby, what do you expect?

Sa huling text niya, kitang kita ko kung paano siya nakangisi habang tinitipa iyon. Napabuntong hininga ako bago ko inilipat ang tingin sa highway, napayakap din ako sa aking katawan dahil masyadong malamig ang aircon ng bus. Sabagay, mas mahal ito sa ordinaryong bus kaya naman walang nakatayo, kumportable ang lahat ng pasahero.

I wear a black knitted v neck long sleeve at  maong pants. Naka tuck in iyon maya naman bagay na bagay sa aking suot na flats. I need to cover my upper arm, kung nagsuot ako ng tshirt, paniguradong makikita ng kahit na sino ang latay ko duon.

Kumalabog ang dibdib ko ng makita ko na ang trinoma. Mula sa tamang babaan ay namataan ko na ang seryosong mukha ni Kenzo. Akala ko nung una mainipin siya, hindi pala.

Mabilis akong kumawit sa kanyang leeg ng makalapit ako sa kanya. Tinanggap din naman niya ang aking yakap ay sinuklian iyon. Hindi ko na inalala ang mga tao sa paligid. I really missed him.

"Kumain na muna tayo, gusto mong manuod ng sine, right?"

Kaagad ko siyang tinanguan. Hinapit niya ako sa aking bewang para mas lalong dumikit sa kanya. Bahagya akong napakagat sa aking labi ng hagurin ko ng tingin ang suot ni Kenzo. Mas lalong lumabas ang pagkakadepina ng kanyang muscles sa braso dahil sa suot niyang gray na long sleeves, medyo fit iyon sa bandang braso niya dahil sa tamang muscles duon. Nadepina din din ang kanyang broad shoulder, mas lalo tuloy mukhang naging bata ang katawan ko pag tumabi ako sa kanya.

Magkasiklop ang aming mga kamay habang naglalakad kami sa loob ng mall. Aakyat kami sa 4th floor garden restaurant  para duon humanap ng makakainan. Matapos maglibot ay nauwi kami sa Cafe breton. I just go for the burger and a mango crepe for dessert, Kenzo take something heavy mukhang hindi pa kumakain.

"What did your dad, did this time uhm?" malambing na tanong niya sa akin though there was a hint of anger.

Mas pinili niyang paupuin ako sa tabi niya kesa magkaharap kami. Kaagad na pumulupot ang kamay niya sa aking bewang at mas lalo akong hinila palapit sa kanya. Dahil sa pwesto namin, malaya niyang nahalikan ang gilid ng aking ulo, bumaba pa iyon sa ilalim ng aking tenga.

"Anong nangyari? I want to know" even it was soft, I sense authority in his voice.

Napanguso ako. Bumaba ang tingin ko sa aking hita. Hindi ko gustong malamam nitya. Nagangat ulit ako ng tingin ng maramdaman ko ang hinalalaki niya sa gilid ng aking labi, marahan niyang hinawakan iyon pagkatapos ay hinalikan.

Pumungay ang mata ko dahil sa kanyang ginawa. Tangina, bahala na kung PDA. Wala na akong pakialam!

Dumating ang order namin. Nanliit ang mga mata ko ng makita ko kung paano manginig ang kamay ng babaeng waiter. Huli ko din ang mga mumunting sulyap nito kay Kenzo. Aba't itong...

Nakahinga lamang ako ng maluwag ng umalis na ito. Mas matanda si Kenzo sa akin, pero mas mukhang mauunang mamuti ang buhok ko sa mga ganitong klaseng tagpo.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng humalig siya sa akin. At bumulong. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko..."

Napanguso ako, ang chismoso! Inirapan ko siya pero mas lalo akong napairap ng may tumawag sa kanya. Hindi pa nakuntento at lumapit pa talaga sa lamesa namin.

"Kenzo. Long time no see!" ngiting ngiti ito, halos mairita ako sa klase ng pagkapula ng kanyang labi.

Gustuhin ko mang magiwas ng tingin ay hindi ko magawa. Sinuyod ng traydor kong mga mata ang kanyang katawan. Pinagpala ang babaeng ito sa kanyang hinaharap, maliit na bewang at malapad na balakang. Halos masamid ako sa aking sariling laway. All her curves is in the right places. Edi siya na!

"This is Sera, girlfriend ko" pakilala sa akin ni Kenzo kaya naman talagang kinailangan ko pang ngitian ang babae. Kita ko ang pag ngiting aso nito sa akin.

Ohh...something fishy.

Nagpaalam din siya pagkatapos nuon, tinuro pa ang table kung nasaan ang kasama niya. The hell we care right.

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang pagtikhim ni Kenzo. Nilingon ko siya at duon ko nakita ang naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Whoa, someone is happy to see his classmate huh?" puno ng sarkasmong sabi ko.

Tumaas ang isa niyang kilay na para bang nananantya. "What did I do?" pagmamaamg maangan ng gago.

"Hmp. Ewan ko sayo!" inis na asik ko sa kanya.

Pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa sinehan. Napangiwi na lamang ako ng makita namin ang haba ng pila. Bakasyon na din kasi halos ng ibang school kaya naman halos estudyante din ang nandito.

"Tinatamad na akong manuod, ang daming tao" reklamo ko kay Kenzo. Niyakap ko ang kanyang matipunong braso kahit nainis ako sa kanya kanina.

"Saan mo pa gustong pumunta ngayon? Do you want to buy something?" malambing niya tanong na kaagad ko namang inilingan.

"Maglibot libot na lang muna tayo...ayoko pang umuwi. Ayokong umuwi, sa dorm ako matutulog ngayon" sumbong ko sa kanya. Kita kong natigilan ito.

"Wala halos lahat estudyante sa dorm dahil bakasyon. Hindi safe Sera" seryosong sabi niya sa akin. Sinimaan ko siya ng tingin. Mukhang pipilitin pa ako nitong umuwi sa bulacan ah.

Bumagsak ang balikat ko dahil sa naisip. "You can stay on condo my for tonight" pagprepresinta niya. Halos magliwanag ang langit ng tingalain ko si Kenzo. Walang bahid ng pagloloko ang kanyang mukha.

Napawi din iyon kaagad. "Pero nasa dorm ko ang mga damit ko"

Humalik siya sa aking ulo. "Let's shop for your things then" paos na sabi niya kaya naman kaagad ko siyang hinila sa mga botique. I'm confident na pumasok duon lalo't mayroon naman akong pera. Hindi kailangang sagutin ni Kenzo ang mga bibilhin ko dahil I can provide for my self.

"What the fu..." hindi ko na naituloy ang pagmumura ko ng naunang ilahad ni Kenzo ang pera niya sa counter. Sinubukan kong makipagtalo sa kanya pero sa huli tinakot niya lamang ako.

"Papauwiin kita sa bulacan"

Damn it!

Nagpasya kaming tumawid papuntang north. Napahinto ako ng mapadaan kami sa Pandora. Hindi naman ako gaanong mahilig sa mga alahas pero kung minsan ay nakakaengganyo din, lalo na't pakiramdam ko mas lalo kang nagiging matured. Mas madami, mas matanda! Duh, kitang kita ko iyon sa mga matatandang mayayaman.

Hindi ko halos mabawi ang mata ko sa mga iyon. Lalo na duon sa bracelet na nakita ko, may heart iyon sa gitna.

"Do you like that?" bulong ni Kenzo sa akin. Kanina pa siya tahimik na nakatayo sa aking gilid.

Umiling ako sa kanya, hindi pa din siya nililingon. "Kukunin namin" seryosong sabi ni Kenzo sa babae na ikinalaki ng aking mata.

"Hindi na Kenzo, hindi ko naman...gusto" medyo pabulong pa yung huling salita dahil nakakahiya naman sa babae.

Hindi niya pinigilan iyon. "Gift ko yan sayo, kasi isa lang ang bagsak mo" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

"7 subjects. 4 major..." sambit niya pa habang paulit ulit akong hinahalikan sa ulo.

Napahawak ako sa kanyang braso. "Thank you..." halos mawala ang boses ko. Ngayon lang ata ako makakatanggap ng regalo dahil isa lang ang bagsak ko. Really? Pwede pala iyon! Only Kenzo!

Hindi tuloy matanggal ang mata ko sa aking palapulsuhan. It is a pandora heart clasp bracelet. Mahal iyon kaya naman iingat ko talaga!.

Hindi man ito ang unang beses ko na makapasok sa condo, namangha pa din ako. He lives alone, independently. Sabagay kaya na nga daw niya akong buhayin. Gusto na niya akong pakasalan.

Umupo kami pareho sa sofa, kapwa pagod sa byahe dahil sa trafic. "Baka kung anong isipin ng parents mo. Dinala mo ako dito..." pagaalala ko. Naaalala ko ang bilin ni Lola dati. Wag na wag pupunta sa bahay ng lalaki. Depende kung inimbita ng pamilya.

"Dadalhin din naman kita sa bahay namin. Ikaw lang itong hinihintay ko..." sabi niya sabay halik ulit sa akin. Hindi ako nakasagot. Inaamin kong Medyo takot pa ako dahil hindi pa ako handang humarap sa mga ganuon, hindi ko pa alam.

Sandali kaming natahimik. "Bakit mo nga pala gustong kausapin ang Daddy ko? Aawayin mo?" natatawang tanong ko sa kanya.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Kakausapin ko siya. Kukuhanin na kita at papakasalan, ako na ang bahala sa pagaaral mo. Ako na ang bahalang bumuhay sayo..." dirediretsong sagot niya sa akin. Muling nanlaki ang aking mga mata. Seryoso?

Yung ibang lalaki nga takot sa responsibilidad!

Hindi ako nakasagot dahil duon. Marahang hinaplos ni Kenzo ang buhok ko. "Anong nangyari? Bukod dito sa labi mo, ano pa?"

Bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Parang nahihiya ako, nahihiya akong malaman niya ganuon ako kung itrato ng sarili kong Daddy.

"Hindi naman masyado...ano lang"

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hinawakan ni Kenzo ang kamay ko ng makita niyang nanginginig ito. Mas lalong dumilim ang mukha niya, mukhang nahimigang hindi lang basta basta ang pananakit na natamo ko.

"Sera"

Bayolente akong napalunok. Dahan dahan kong hinubad ang pangitas kong damit para ipakita kay Kenzo ang tatlong mahabang latay sa aking katawan. Tama siya, boyfriend ko siya at wala akong dapat ilihim sa kanya.

Mariin siyang napapikit ng makita ito ng tuluyan. Naglapat ang mga labi ko, nasaksihan ko kung paano marahas ba nagtaas baba ang kanyang adams apple dahil sa bayolenteng paglunok.

"Wala man lang umawat. Walang tumulong?" frustrated na tanong niya sa akin na marahan kong inilingan.

Medyo naginit ang pisngi ko ng mapagtantong. Tanging bra na lang at pantalon ang suot ko sa kanyang harapan. Ibabalik ko na sana ang damit ko ng kaagad niyang hinigit ang braso ko.

Bumaba ang kanyang mukha, malambing na hinalikan ang bawat tama ng sinturon sa aking balat. Halos mapapikit ako, mahigpit akong napahawak sa kanyang damit at napakagat labi para pigilan ang mumunting ungol.

"Ohh Kenzo"

Ang kanyang mainit at basang labing tumatama sa balat ako ay parang pinapawi ang hapdi duon. Matapos niyang gawin iyon ay ang labi ko naman ang inatake niya.

"Nakaisip na ako ng paraan kung paano kita makukuha baby..." nakakalasing ang kanyang boses. Wala na akong nagawa kundi ang mapapikit na lang at magpaubaya sa kanya.

Dinala niya ako sa kanyang kwarto. Hindi naputol ang halik namin habang ginagawa iyon. Dahil sa paglalakbay ng utak ko sa kung saan, sa isang iglap lang ay napagtanto kong kapwa na kami walang saplot.

Naginit ang magkabilang pisngi ko ng muli ko nanamang makita ang sa kanya. Isang mahabang ungol ang nagawa ko ng dahan dahan niyang pinagisa ang sa amin.

Marahan ang kanyang mga una niyang galaw. Hanggang sa mas naging marahas iyon. Madiin at mabilis. Halos yakapin ko na lamang siya ng mahigpit para makakuha ng suporta sa kanya.

We did it thrice, kung hindi ko pa sinabi kay Kenzo na pagod na ako ay mukhang hindi pa siya titigil.

Tanghali na tuloy kami nagising kinaumagahan. Gustuhin ko mang magtagal duon kasama siya ay hindi ko na magawa dahil sa sinabing pary ni Mommy sa akin.

"Susunduin kita sa susunod. Gusto kong malaman kung saan ang sa inyo" seryosong sabi niya sa akin kaya naman nginitian ko siya at tinanguan.

Hanggang sa bocaue lang ako nagpahatid kay Kenzo. Medyo malayo pa iyon sa amin kaya naman sasakay ako ng tricyle pauwi.

"Bye, ingat ka pauwi. Itext mo ako" paalam ko sa kanya bago ako humilig sa kanya para humalik. Tinanggap niya kaagad iyon.

Nang humiwalay ay nakita ko ang pagpungay ng kanyang mga mata. "I love you..." pahabol ko pa at natawa. Muli niyang hinila ang siko ko ko para ilapit sa kanya. Muli niya akong ginawaran ng halik.

"I love you..." bawi niya.

Wala akong inisip sa buong byahe kundi si Kenzo. Kahit pa ayokong umuwi sa amin, nagawa ko pa ding ngumiti.

"Magandang hapon po Ma'm Sera. Kanina pa po kayo hinihintay ng Daddy niyo" salubong sa akin ng isa sa aming mga kasambahay. Napatingin ako sa aking wrist watch. Alas kwatro pa lang naman, akala ko ba dinner?

"Magbihis ka na at magayos!" asik ni Daddy sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa aming bahay.

Tumango ako sa kanya. "Gustong ipakilala nung kumpare ko ang kanyang anak na lalaki sayo" sabi niya na ikinagulat ako. Napaawang ang labi ko, gusto kong magprotesta. May boyfriend ako! The hell!

"Don't fail me again this time Seraphine. Stop being a failure"













(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro